Dedication: Ate Yanaaaa! Sinama na kita dito ah! Hahahaha! Lablab! <3
Chapter 15: Marks of Power
Nagising ako gawa ng maliliit na tunog na nanggagaling sa kung saan. What is that? Kinusot ko ang mga mata ko kasabay ng pag-upo ko sa kamang hinigaan ko. Nasaan na nga ba ako? I thought. At kailan pa ako nakatulog?
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwartong ito. Kumpara sa kwartong pinagdalhan sa’kin ni Viex nung nakaraan, mas maganda at mas malaki ito. Mas maaliwalas din. At parang hindi lang ito basta kwarto.
Parang buong bahay na ito dahil nasa gilid ng kama na hinigaan ko yung maliit na dining table. But there’s still a distance between this bed and that table. Umusod ako para ma-i-hang yung mga binti ko sa edge ng kama.
There’s also a window on the left side of the bed. May kurtinang nakasabit doon kaya hindi ko Makita ang labas mula sa kinahihigaan ko. Then, a bookshelf beside the bed na nakadikit sa wall.
Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko pa nakita ang lugar na ito. Ngayon palang.
There is a small chuckle in my left that made me look. Then, I saw two little people looking at me. Literal na maliliit. Hindi naman ganoon kaliit. Pero maliit talaga sila kumpara sa mga batang nakikita ko. Hindi rin sila yung mga matatawag mong pandak, para kasing natural na sa kanila yung laki nila. I don’t know. But they’re cute. Nakaupo sila sa sofa doon. Hindi ko napansing may sofa pala don. Katabi noon ay pinto, pero hindi ko alam kung anong pinto iyon.
They both smiled at me so I smiled back. “Nagugutom ka na ba, Missy?” tanong nung cute na maikli ang buhok. She’s looking at me like I’m a delicious food. But it’s not that creepy, though. Who is she calling Missy, anyway?
“Missy? Who? Me?” tanong kong nagtataka at saka tinuro ang sarili.
They both nodded. Bakit nila ako tinatawag na missy?
“I’m sorry pero Zeira ang pangalan ko.” Sabi ko at saka ngumiti ng kaunti sa kanila.
Ngumiti yung cute na may maikling buhok.
“I know, Missy. But I still want to call you, Missy.” She said, pouting.
Oh cute! Oh my. How could I say no to this cutie?
I smiled brightly even more.
“Me too! Me too! I want to call you Missy too!” sabi naman nung isa pang cute na may mahabang buhok habang nakataas pa ang dalawang kamay.
Hindi ko napigilang matawa kaya natawa rin silang dalawa. They’re really cute!
I nodded and said, “Alright.”
Tumayo sila sa sofa-ng inuupuan nila at saka tumalon-talon. I’m laughing while still watching them jump in rejoice when I suddenly thought of something. Who are they? Where am i?
“Wait, cuties.” Awat ko sa kanila. Hanggang ngayon kasi, tumatalon-talon pa rin sila. Nakakatuwa pero kailangan kong malaman kung nasaan ako. At nasaan na naman ba si Viex?
“What is it, Missy? Are you hungry?” the little girl with the short hair asked.
Umiling ako sa kanya. “Where am I? And… who are you?” medyo alanganing tanong ko sa kanya at saka tumingin dun sa isa pa.
Ngumiti lang silang parehas. “I’m Yuki and this is Yumi, Missy!” masiglang pagpapakilala nung may maikling buhok which is si Yuki. So that’s their name.
I was about to say something when they both speak. “And we’re elves!” they said in chorus then started to jump again.
My jaw almost dropped, literally. “Wait! Elves? As in, Elf? I mean, dwende?” natigil naman sila at tumingin sa’kin. Sabay silang tumango habang nakangiti.
“She knows our race, sissy!” sabi ni Yumi, if I’m not mistaken, kay Yuki.
“Waaaaaah! That’s right!” then Yuki screamed. Pero sa liit nila, parang hindi yata lumagpas ng 40 decibels yung tili niya.
Napailing nalang ako.
Alam kong maliit sila pero mas malaki pa sila sa dwende diba? Gosh. Kailangan ko na yatang masanay na makihalubilo sa iba’t ibang klaseng nilalang sa mundong napasukan ko. Kung hindi, baka bigla nalang akong mahimatay kapag may nakilala pa akong iba sa kanila.
Alam kong umpisa palang ‘to. So… get a grip, Zy!
**
Pinakain lang ako nila Yuki at Yumi at kinuwentuhan ng kung anu-ano habang kumakain. Halos hindi ko nga alam kung nabusog ba talaga ako dahil sa pagkain o sa tawa at kwento lang nila eh. Tapos ngayon naman, tinu-tour nila ako sa tinatawag nilang Mystic Palace. Isa iyon sa mga sinabi nila sa’kin. Kung ano talaga ang tawag sa lugar na ‘to. Mystic Palace.
Nasa magkabilang gilid ko yung dalawa habang naglalakad lakad kami. Hindi nila maabot yung kamay ko kaya sa jeans ko nalang sila kumapit. They’re cute and kind. I’ve never thought that there’s still such kind of creature in this world. Or maybe this world is just really different from my world.
Kahit sandali palang ako rito, hindi naman ako ganun katanga para hindi marealize kung anong nangyayari sa paligid. This world is not my world, that’s why it’s different. And I don’t know why I am here. Nagkataon lang ba na nandito ako o talagang sinadya akong dalhin ni Viex dito?
“Let’s go there, Missy!” Yuki tapped me tapos may tinuro siya kaya napatingin ako doon.
Isa ‘yong malawak na plaza na maraming katulad nila Yuki. Pero may iba ring hindi ko alam kung paano ko icacategorize.
“Bakit parang aligagang-aligaga sila?” tanong ko dito sa dalawang kasama ko. Ang dami kasi nila, tapos lahat may ginagawa. Parang naghahanda sila for something.
“Oh! May sayawan kasing gaganapin dito mamayang gabi, Missy. And you’ll be joining us!” excited na sabi ni Yumi.
“I see. But wait! Me? But I don’t dance.” Napangiwi ako nang ma-imagine ang sarili kong sumasayaw. I suck at dancing.
“It’s okay, Missy. Gagawin ka lang naming palaka ni Master kapag hindi ka sumayaw. But don’t worry! It will only last for an hour.” Masaya at proud na proud pang sabi ni Yuki na dahilan para mapahinto ako sa paglalakad at pagpawisan ng malagkit.
“A w-what?!” nanginginig na tanong ko sa kanya. Mabilis akong tumalikod at aalis na sana don nang biglang may naramdaman akong humawak sa braso ko kaya napaharap ako sa nilalang na ‘yon. Ano ba talagang dapat itawag ko sa mga kasama ko dito?
“Wait, Missy. She was—“
“Who are you?” nakakunot ang noo kong tanong sa isang magandang babaeng nasa harap ko. Halos kasing tangkad ko lang siya at… tinawag niya akong missy?
“Missy! It’s me! Yumi!” she then pouted. Niloloko ba ako ng isang ‘to?
Malaki siya! Maliit si Yumi and—“Yuki?” napatingin ako sa likod niya at may kasing laki rin niyang babae. Oh my Gosh. Then napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa'kin. I saw a mark on it. Sa mismong wrist niya. Hindi ko lang makita ng maayos dahil medyo nakatalikod yung wrist niya sakin so in-ignore ko nalang. Ibinaling ko ang tingin sa kanilang dalawa.
“So that’s one of your powers?” nakakunot ang noo kong tanong sa kanila. They both nod.
Yung maliliit at makulit at cute na maliliit na dwende kanina, nagtransform into a lady. Not just a lady but a pretty lady. Mababaliw na yata ako. Bakit kasi kailangan nila akong biglain lagi? Geez!
“Hehe. Sorry, Missy. Nabigla ka ba namin?” –Yumi.
“Hindi naman, Missy, diba?” –Yuki.
“Manahimik ka nga muna, Yuki! Tinatakot mo si Missy eh.” –Yumi. Then bigla siyang nagsnap ng fingers and—
“Waaaaaah! Yumi!” sigaw ni Yuki. Tapos may nakita nalang akong maliit na apoy sa likod ng laylayan ng damit ni Yuki.
Tumatawa lang naming pinagmasdan ni Yumi si Yuki. Gusto ko man siyang tulungan, natawa nalang rin ako. Kahit pala ganito ang itsura nila, isip bata pa rin silang dalawa.
**
“Magka-anu-ano ba kayong dalawa?” tanong ko sa kanilang dalawa habang pinapagpagan ni Yuki yung damit niya. Naglalakad-lakad lang kami ulit dito sa plaza. Napatingin ako sa langit. Halos pagabi na pala, hindi ko manlang namalayan dahil sa dalawang makulit na ‘to.
“Magkapatid, missy.” Yumi answered.
Tumango-tango ako.
Nakakita ako ng upuan kaya naglakad kami papunta don. Medyo nangangalay na rin kasi ang mga paa ko. At ngayon ko lang rin naalalang, hindi pa ako nakakapagpalit ng damit mula nung napunta ako dito. Geez.
Pinagmamasdan lang namin yung ibang tao dito na maghanda para sa gaganaping sayawan mamaya.
“Hindi ba natin sila tutulungan?” tanong ko sa kanilang dalawa.
Nakaupo sila sa magkabilang side ko. Lagi nalang nila akong pinagigitnaan.
“Kahit naman alukin mo sila ng tulong, hindi nila iyon tatanggapin, Missy.” Yumi answered.
Medyo nalungkot ako sa sinabi niya. “Bakit naman? Wala naman naman tayong ginagawa dito.” Naalala ko tuloy bigla yung mga naiwan kong works sa Finelry. Ano kayang mangyayari pag balik ko sa school? Makakabalik pa ba ako don? Asan ba kasi si Viex?
“That’s just not your role here, Missy. They won’t let you do things…” napatingin ako kay Yuki na seryoso ang tono ng boses. “Except for one thing.” She added.
“What’s that ‘one thing’, then?” I curiously asked.
“Yuki.” Napatingin rin ako kay Yumi na bigla ring nagging seryoso. What’s with the serious tone? Ngumiti sakin si Yumi at siya na yung sumagot ng tanong ko. “Make friends, Missy. You just need to be friendly and make some friends.”
Ngumiti nalang rin ako at tumango. Something’s weird about them.
“Hi Elves!” sabay-sabay kaming tatlo na napatingin sa babaeng tumawag sa kanilang dalawa.
“Yana!” Yumi and Yuki cheerfully said in chorus. Tumayo sila at tumakbo para salubungin yung tinawag nilang Yana.
Tinignan ko mula ulo hanggang paa yung babae. Isa na namang magandang nilalang. Halos kasing laki lang rin namin siya at ang ganda ng suot niya.
Naka-blazer siya na na kulay violet na may tube sa loob for the top tapos kita yung pusod niya. Nakapalda siya na color violet pa rin na abot hanggang paa. At nakatirintas yung buhok niya. Bagay na bagay sa kanya yung suot niya. Bigla tuloy akong naconscious sa suot ko.
Jeans at shirt. Geez.
"Hi there, Miss Zeira." nakangiti siyang lumapit sa'kin. May isang bagay akong ipinagtataka mula pa kanina. Bakit ba kilala ako ng halos lahat ng nilalang na nandito? Binroadcast ba nila Master sa buong Mystic Palace ang pangalan ko?
"Hi." nakangiti nalang rin akong bumati.
"Bakit hindi pa kayo nag-aayos? The dance is about to start!" excited na sabi ni Yana. Tumalikod siya sa'kin para harapin yung dalawa.
And then I saw something I'm not ready to see. I don't know, maybe I just don't know what to react. I gulped as I look at her lower back. May tattoo doon na L sign. Sa tabi ng L na 'yon na parang nasa loob na, may nakalagay na korona.
Napahawak ako sa batok ko. Laging nakalugay ang buhok ko kaya walang nakakakita ng bagay na nasa batok ko.
At katulad iyon ng mark na nasa waist ni Yana. What is the meaning of that?
Sa lahat ata ng nalaman ko ngayon, ito ang mas makakagulo sa isip ko.