The Reaper's Lover

By planetangV

31.2K 745 149

Some people have holes in their heart and you would never know it just by looking at them. More

Author's Note
PROLOGUE
CHAPTER 1: KG7
CHAPTER 2: THE PUNISHMENT
CHAPTER 3: HELLO PHILIPPINES
CHAPTER 4: CAMELLIA
CHAPTER 5: LDVU AND THE TUKMOLS
CHAPTER 6: MALL
CHAPTER 7: KG7 AND THE GUARDIANS
CHAPTER 8: UNKNOWN VISITOR
CHAPTER 9: FIRST DANCE
CHAPTER 10: KIDNAPPED
CHAPTER 11: WRONG TURN
CHAPTER 12: LIYA AND THE TOMATO QUINTETTE
CHAPTER 13: SPORTFEST 1
CHAPTER 14: SPORTFEST 2
CHAPTER 15: SPORTFEST 3
CHAPTER 16: SPORTFEST 4
CHAPTER 17: SPORTFEST 5
CHAPTER 18: WARNING
CHAPTER 19: DATE WITH A PERVERT 1
CHAPTER 20: DATE WITH A PERVERT 2
CHAPTER 21: EROS
CHAPTER 22: UNEXPECTED
CHAPTER 23: STOLEN KISS
CHAPTER 24: UNDER THE RAIN
CHAPTER 25: SLEEPOVER
CHAPTER 26: AUTHENTIC SMILE
CHAPTER 28: BORACAY 2
CHAPTER 29: BORACAY 3
CHAPTER 30: MISSING
CHAPTER 31: BLACKBATT MAFIA
CHAPTER 32: BLACKANGELS
CHAPTER 33: GIRLFRIENDS
CHAPTER 34: MOMENT
CHAPTER 35: SECOND KILLING
CHAPTER 36: SHE'S NOT BREATHING
CHAPTER 37: PAYBACK FAIL
CHAPTER 38: SERENADE
CHAPTER 39: ALLIES
CHAPTER 40: THREAT
CHAPTER 41: LOST
CHAPTER 42: MIDNIGHT MEMORIES
CHAPTER 43: POISON
CHAPTER 44: CONFRONTATION
CHAPTER 45: PLAN A
CHAPTER 46: PLAN B
CHAPTER 47: SHIT HAPPENS
CHAPTER 48: MIKHAIL'S CHARADE
CHAPTER 49: FIERA
CHAPTER 50: AUCTION
CHAPTER 51: MEETING
CHAPTER 52: BAIT
CHAPTER 53: MEMORIES OF AN OLD MAN
CHAPTER 54: TWO TARGETS
CHAPTER 55: PARTNERS IN CRIME
CHAPTER 56: MUD OF BLOOD
CHAPTER 57: SUSPICION
CHAPTER 58: BALL
CHAPTER 59: GYPSY VISITOR
CHAPTER 60: CHILDISH REAPER
CHAPTER 61: A GANGSTER'S GIFT
CHAPTER 62: IDENTITY EXPOSÈ
CHAPTER 63: MAFIA'S JUDAS
CHAPTER 64: BLOODHOUND SPY
CHAPTER 65: GANG BATTLE
CHAPTER 66: MARCUS DAMASCO
CHAPTER 67: DEADLY SHOT
CHAPTER 68: REAPERS AND GANGSTERS
CHAPTER 69: HEAVY HEARTS AND SALTED CHEEKS
CHAPTER 70: WHERE IT BEGINS
CHAPTER 71: STORIES UNFOLD
CHAPTER 72: THE BLACKOUT PLAN
CHAPTER 73: CONSPIRACY
CHAPTER 74: THE RAID
CHAPTER 75: MASS DESTRUCTION
CHAPTER 76: THE E.A.O

CHAPTER 27: BORACAY 1

490 7 0
By planetangV

VEXIA'S POV

"Ready?" Tanong ni Deeja sa amin.

"Wait! Nakalimutan ko ang sunblock!" Sigaw ni Mitch at pumanhik ulit siya sa taas.

Nakaupo lang kami dito sa salas. Katatapos lang ng bagyo dito at luluwas na kami papuntang Boracay. Hindi kaya uulan don? Sana nga hindi para naman maarawan na ako ng todo. Nakakab "bangkay" iyan ang tinawag sa akin ni Owen nung minsang nag aasaran sila ay dinamay ako. Kulang daw ako sa dugo. Baka siya pa ang kulangan ko ng dugo. Tss.

"Lezzgoo! Sagoowww!" Sigaw ni Mitch at binigyan niya kami ng tig iisang sunblock.

Ano? Sago? Hindi ba sa bubble tea iyon? Namiss ko tuloy ang bubble tea T_____T

Hinila na namin isa isa ang maleta at lumabas. Pumasok na kaming van at hinihintay lang namin ang Butler na ilagay lahat ang maleta.

"Did you bring something?" Tanong ko sa kanila.

"Knife" sagot ni Clei.

"Needles!" Si Mitch.

"Pistol" si Liya.

"Phone" si Zai.

"Ipad. Hahaha!" Si Deeja at winagayway sa ere ang ipad niya.

Nagsasound trip lang si Gael. Umandar na ang van at on the way na kami. Sa airport na lang daw kami magkikita kasama ang Team A boys and girls. Pagdating namin sa airport ay nandun na silang lahat. Dumirecho na kaming airbus at wala ng pila pila. May pinakita lang si Owen na paper sa mga crew at chineck ang passport naming pito.

"Wow! Diplomatic Passport!" Komento ni Layden kay Gael dahil nauna siyang nagpakita ng passport sa crew.

"Ganyan talaga kapag alaga ka ng gobyerno" careless na sagot ni Cloyd.

Tumingin naman kaming lahat sa kanya ng pamatay na titig habang ang Guardians ay nagulat. Papatayin ko na talaga ang pinsan ko!

"Pwedeng magjoke? He he he " Sagot niya at nagkamot ng ulo.

"Bakit pati passport niyong anim ay chineck? Diba Pilipina naman kayo?" Takang tanong ni Ian.

"We're not Filipinos by Law" sagot ni Zai.

"Ahhh. Okay. Di Italian Citizen kayo?" Si Ken.

"Marami kang tinatanong. Tabi" sagot ko at inabot ang passport ko sa crew.

"Sunget" rinig kong bulong niya.

Matapos macheck ang passport ay pumasok na kami sa airbus. Dahil gusto naming lahat sa may bandang bintana ay nagkanya kanya kaming KG7. May tumabi sa akin at hindi ko na inalam kung sino. Nagsuot ako ng sunglasses at naglagay ng earphones. Nagscroll ako sa ipad at pinatugtog ko ang "When It Rains by Paramore". I closed my eyes and ignored the world totally.

MIKHAIL'S POV

Nakita kong may tumabi kay Vexia sa first row ng airbus. Bigla akong pumunta sa kanila at tinapik ang lalaki. Naintindihan naman niya ang ginawa ko at umalis siya. Umupo ako sa tabi niya. Pinagmasdan ko lang siya. Nakakarelax talaga kapag tinitignan ko siya. Nakapagtataka mukhang hindi niya ako nahuhuling nakakatitig sa kanya. Lagi niya kasi niya akong nahuhuli pero ngayon ay hindi. Tulog kaya? Imposible naman. Agad agad?

Habang tinitignan ko siya ay napapaisip ako. Important paper works, Diplomatic Passport at marunong sila sa self defense. Hindi kaya undercover agent sila? O nagtratrabaho sila sa mga malalaking tao? Hindi naman siguro. Baka Ambassador ang tatay niya. Pero bakit pati ang anim? Baka naman nagtratrabaho sa gobyerno ang mga magulang nila kaya pati sila ay nakadiplomatic passport rin.

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumapag na kami sa airport ng Caticlan at hindi pa nagigising ang katabi ko. Gigisingin ko kaya? Huwag na! Hindi niya ako ginising nung isang araw eh! Nagsitayuan na ang iba ang nagsilabasan na rin pero mukhang magdadalawang isip pa ako kung gigisingin ko na o hindi. Pinagmasdan ko siya. Napakapeaceful niyang matulog. Mukha siyang pusa. Ang cute. Shet. Ambading!

Gigisingin ko ba? Kinuha ko ang iphone ko at pinicturan siya. Nakatatlong shots ako at nakita ko siyang gumalaw. Shet. Gising na kaya? Ngeeek! Umayos pa siya ng pwesto. Pinicturan ko ulit.

"Ui paps! Tara!" Aya sa akin ni Jeff.

"Sige" sang ayon ko.

Gigisingin ko ba? Tsk. Bahala siya diyan. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Naglakad na ako palayo pero mukhang nakokonsensya ako. Gigisingin ko na nga. Bumalik ako pero nakita kong may gumising na pala sa kanya. Iyong lalaking tumabi sa kanya kanina na pinaalis ko. Lumapit parin ako at walang pasabing tinabig ko ang lalaki.

"Vex. Lets go" sabi ko.

Hindi naman siya sumagot at kinuha ang bag niya. Nagpatiuna na akong bumaba at nasa likuran ko siya. Sumakay ulit kami sa Ferry at nakatingin lang ako sa kanya. Mukhang antok pa siya. Matapos ang byaheng nakakabagot ay dumaong narin ang Ferry sa dalampasigan.

LIYA'S POV

Matapos ang mainit at mapawis na byahe ay nakapagcheck in na rin kami. Sobrang inet at nanlalagkit na ako. Nagtungo kaming lift at pinindot namin ang 8. Nasa 8th floor kasi ang room namin and take note suite ang binigay sa amin. Hahahahaha. Syempre nirequest namin kay Cloyd. Madaya na kung madaya pero who cares? Pagbukas namin sa pintuan ay bumungad sa amin ang malawak na living room.

"Waaaaaaaaaaa!!! Breath taking views!" Sigaw ni Gael at may terrace.

Nagpicture picture pa siya ng dalawang dosena. Naupo lang kami sa couch at naglibot naman si Clei at Mitch sa mga rooms.

"Girls! 2 connecting rooms. 4 beds and 3 beds. Bahala na kayo kung saan na kayo matutulog" sigaw ni Mitch.

"Dun ako sa isa may 3 beds!" Sigaw ko at binuhat ang maleta.

Sumunod na rin sa akin si Vexia. Pagdating namin sa room ay agad siyang humiga.

"Matutulog ka?" Tanong ko.

"" tipid na sagot niya.

"Ano ba naman. Nandito kaya tayo para magrelax" sabi ko at dumirechong banyo. Makaligo na nga muna.

"What am I doing then?" Siya.

"Whatever." Bulong ko.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako at iniwan ko na siyang natutulog.

"Si Vexia?" Tanong ni Clei sa akin. Ready na silang lahat. Nakabihis na sila at ready ng magpaitim.

"Comatose" tipid kong sagot.

"Okay. Lets goooo!!!" Si Gael at nauna na siyang lumabas.

Halata talaga sa babaeng ito ang excitement. Lumabas na rin kami at naabutan namin ang Guardians na palabas narin sa suite nila.

"Hi Girls!" Bati nila

Ngumiti lang kami. At nauna na kaming pumasok sa lift at sumunod sila. Malawak ang lift kaya kasya kaming lahat.

"Ako na Zai" si Ian.

"Sure" sagot ni Zai at binigay ang bag niya sa kanya.

"P. A lang?" Komento ko.

"Probably" sagot ni Zai at ngumisi.

"Si cugì nasaan?" Tanong ni Cloyd.

"Natutulog" sagot ni Clei.

"Sabi na nga eh" si Mikhail.

"Bakit paps?" Si Jeff.

"Natutulog kase siya kanina sa byahe" si Mikhail.

"Ah kaya naman pala" si Cloyd.

Nakarating kami sa lobby at nagtungong beach. Pagdating namin sa seashore ay marami ng taong naglalaro at kung ano ano pang activities. Vacation indeed.

"Guys, i'll just go there to take pictures" paalam sa amin ni Gael at tumakbo na siya palayo.

"Wait! Sama ako!" Si Cloyd at hinabol niya si Gael.

"Ayoko dito sa beach. Crowded" si Mitch at bumalik sa loob.

"Tara sa pool!" Yaya ni Jeff sa kanya.

"Ah. Ah. Okay" alinlangan ni Mitch.

"Hoy pervert! Tara maglaro!" Si Ken.

"Ikaw ang pervert!" Ganting sigaw ni Clei at umalis na rin sila.

Nako. Unti unti silang nawawala ah. Ginala ko ang paningin ko at kaming lima na lang. Si Ian, Zai, ako, Owen at si Mikhail na nakaupo lang sa deck chair. Nawala na rin sina Deeja at Layden. Hindi ko alam kung saan sila pumunta.

"Sige magpapaaraw muna ako" si Zai at naghubad ng tshirt at shorts.

Halos lumuwa naman ang mga mata ni Ian sa nasaksihan niya.

"Liya. Palagay naman sa likod" si Zai at inabot niya sa akin ang lotion na binigay sa amin ni Mitch.

Matapos kong lagyan ang likuran niya ay nagpahid na din siya sa kanyang braso at binti.

"Anong tinitingin tingin mo diyan?" Tanong ni Zai kay Ian.

"Ha? Wa-wala naman. Hehehe" sagot niya.

Hahahahahaha! Namula pa ang loko.

"Akala ko ba magpapaaraw ka eh bakit ka naglalagay ng sunblock?" Tanong ni Owen.

"Ayokong masunog" sagot niya.

Nagpalagay din ako kay sunblock kay Zai sa aking likod at habang nagpapahid sa binti ko ay.

"Bakit?" Tanong ko kay Owen at tinaasan ko siya ng kilay.

Kanina pa sila nakatitig sa amin na parang ewan. Nakakaconcious eh. Mga titig na hindi mo alam kung ano ba. Hindi sila sumagot at umiling lang.

"Ngayon lang kayo nakakita ng nakaswim suit?" Si Zai ay namaywang.

"Hahahaha. Oo nga naman" segunda ko.

"Hindi ah! Andaming nakatwo piece dyan at mas sexy pa!" Depensa ni Ian.

"Yon naman pala eh! Eh bakit ka titig na titig!" Si Zai.

"Hahahahahahahahaha" natawa ako sa sinabi ni Zai at nakitawa na rin si Owen.

"Kasi ano, may peklat kayong pareho sa likod!" Si Ian.

"Hahahahahahahahahahahahahaha!" Sumalampak naman ng tawa ni Owen.

Natigilan kami ni Zai. Pakingtayp! Akala ko ba hindi mahahalata kapag nilagyan ng ginawang lotion ni Mitch ang tattoo namin sa likod? Palpak!

"Gimme 5k!" Sigaw ko kay Zai at nilahad ko ang kanang palad ko.

"What?!?" Si Zai.

"Talo ka! Hindi effective!" Sigaw ko parin.

"What? Bakit kay Vexia effective!" Siya.

Nagtatawanan lang ang dalawa habang kami ay nagsisigawan na.

"Tsk! Ang ingay!" Sigaw ni Mikhail sabay tayo at umalis.

"Sexy nga may peklat naman" asar ni Owen sa amin.

"Tingin nga ako ng peklat mo Zai" si Ian.

Hindi kami sumagot kundi pumwesto para ambangan sila ng suntok.

"Hoy! Joke lang! Hahahahahaha!" Si Owen at lumayo pa sa akin.

"Hindi na kayo mabiro hahahahahaha" si Ian at nagsangga pa ng dalawang braso niya.

"Hindi magandang biro" seryosong sabi ni Zai at humiga sa deck chair.

"Dahil hindi nakakatawa" segunda ko at humiga rin ako sa deck chair malapit kay Zai.

"Oo na! Hahahahaha!" Si Ian.

"Sorry na" si Owen.

Hindi ako sumagot at pinikit ko ang mga mata ko. Hindi niyo lang alam kung anong hirap ang dinanas namin para magkaroon ng ganitong "peklat". Palibhasa hindi niyo kami kilala at isa pa ignorante daw ba? White ink tattoo ito at hindi peklat!

MIKHAIL'S POV

Umalis na ako sa kanila dahil ang iingay nila at isa pa out of place ako. Tsk. Bumalik akong suite namin. Tutal hindi ko naman makikita si Vexia kaya dito na lang ako. Dumerecho akong terrace para pagmasdan ang magandang view. Makikita mula dito sa terrace namin ang dagat. Naupo ako at nagsindi ng sigarilyo.

"Asdgeifnekksnd.....nxjejbeiwjshwhwhdgeidnwknd...Great" rinig ko mula sa kabilang terrace.

Great lang ang naintindihan ko. Boses ba iyon ni Vexia? Tumayo ako para tignan kung sinong nagsasalita. Nakita ko ang likod niya sa kabilang terrace. May kausap sa phone at naninigarilyo din pala siya. Akala ko ba natutulog siya? Bumalik ako sa pagkakaupo at tahimik na nakikinig este naninigarilyo.

"Usheudkwbysh...Maybe...Yeah...The KG6 are hanging out with Cloyd's gangmates...We're hanging out but it doesn't mean we're friends...like friends...friends..."

Like friends...friends. Eh sino bang nagsabing "friends" lang ang turing namin este nila sa inyo? Sus. Kung alam niyo lang. May mga HD kami este sila sa inyo. -_______-

"I admit...they changed their lives about...40%...they're laughing and smiling...a lot"

They changed their lives about 40%? Sabagay palangiti at palatawa na sila ngayon hindi tulad noon na minsan lang sila ngumiti at kung ngumiti pa ay devilish.

"Me? I smile...casually"

Smile casually? Hindi kaya. Minsan ngumingiti ka kaya ng genuine.

"I don't know...some bastards are playing games with us...But I don't give a damn. They're not my priority"

Some bastards are playing games with us?! Sino kaya ang tinutukoy niya?

"I'd rather eat and sleep than to have a boyfriend...okay I'll hang up now. Bye Ma"

Wala. Wala na talaga. Ligawan ko man o hindi ay basted na! Mas gusto pa daw niyang kumain at matulog! Sakit nun dre! Bakit kaya ayaw niya ng boyfriend. Baka naman tomboy siya? Naubos ko na ang yosi at nanatili lang ako dito sa terrace.

Pinagmamasdan ko ang mga tao sa baba. Naglalaro ng beach volley sina red hair at Ken, nakahiga naman sa deck chair ang dalawa kasama ang dalawang babaeng may peklat sa likod na sina violet hair at iphone girl at nasa bangka naman si blondie at Cloyd. Buti pa sila nakakasama nila ang mga gusto nilang kasama. Habang ako nandito at forever alone.

Nandyan nga siya pero parang ang layo niya. Aamin na nga. Gusto ko siya pero...pero natotorpe yata ako. Amputah naman oh. Haaaay. Makalabas na nga lang. Nandito ako para magrelax!

Lumabas ulit ako sa suite namin at nagtungong elevator nang may humarang sa pagsara ng pinto. Isang kamay. Kamay babae. At mukhang kamay ni Vexia. Siya nga. Ang babaing iniisip ko ay nasa harapan ko na. Bahagya lang akong ngumiti para hindi naman awkward. Ngumanti rin siya ng ngiti, her famous "casual smile".

"Gising ka na pala" Dahil alam kong hindi siya magsasalita kaya binasag ko na ang katahimikan. I'm just trying to create a conversation.

"Yeah" tipid niyang sagot.

"Going to the beach?" Tanong ko at tinignan ko lang siya sa salamin na nasa harapan namin.

"Yeah" sagot ulit niya.

Sarap niyang kausap di ba? Bipolar talaga. Minsan willing makipag usap at minsan tipid ang sagot. May pagkamoody din pala siya. Tsk.

Bumukas ang pinto ng elevator at bumungad sa amin ang lalaking tinabig ko kanina sa eroplano. Ngumiti lang siya ng malawak at hindi siya pinansin.

"Hi Miss Vexia" bati niya.

Tumaas baba lang ang kilay niya at bahagyang ngumiti. Pinagmasdan ko ang lalaki. Pangit, payatot at maliit. Nilait na kung nilait pero totoo naman. Mukha siyang kengkoy. Feeling close pa siya. Pwe. Pero shet. Daig ko pa ang bading kung manlait.

Nakarating kami sa lobby at dumirechong beach. Inirapan ko ang lalaki at lumiko naman siya.

"Zup Vex" bati ni iphone girl kay Vexia.

"Bumalik ka" Si Owen.

"Sinundo mo?" Si Ian.

"Alam na this Mikhail. Hahahaha!" Asar ni violet hair.

"Ah! Oo eh!" Sarkastikong sagot ko.

Hindi naman nagsalita si Vexia at naupo siya sa bakanteng deck chair. At syempre naupo din ako sa dating pwesto ko kanina. Nagtanggal siya ng sando at tumambad sa akin ang puti at makinis niyang katawan. Tama ang sinabi ni Owen. Mukha siyang bangkay. Kulang sa araw.

Sexy siya ay hinde payatot siya. Lamon ng lamon hindi naman tumataba. San kaya napupunta ang mga kinakain niya? Sa pwet?

"Why you look at me the same way you look at pizza?" Sabi niya at tinaasan niya ako ng kilay.

"Huh? Hi-hindi ah. I'm just wondering because you pig out everyday but you're skinny and *tingin sa kabuuan niya* pale" sagot ko at nag iwas ng tingin. Shet namula yata ako.

Hinubad ko ang aking kulay puting muscle tee at tinupi ito. Hindi ako nakatiis at napatingin ako sa kanya. Kasalukuyan siyang nilalagyan ng lotion ni iphone girl ang likod niya. Bakit ba laging likod ang inuuna nilang lagyan at hindi ang braso? Di ba sa braso naman at binti ang unang nasisinagan ng araw at hindi ang likod?

"Gusto mo din?" Alok niya sa akin.

"Sige" sagot ko at inabot niya sa akin ito.

Habang nagpapahid ako ay narinig kong nagkayayaan silang maglaro ng Beach Volley. Umalis naman ang apat at kaming dalawa na lang ni Vexia ang naiwan. Tapos na akong magpahid ng lotion sa mga braso at binti ko pero hindi ko maabot ang likuran ko. Pilit kong inaabot ang likuran ko pero hindi ko maabot. Biglang may humablot sa lotion na hawak ko at napatingin ako sa kanya.

"Ako na" sabi niya.

Tumango lang ako. Shet! Siya ang magpapahid sa akin ng lotion! Baliktad yata! Marahan niyang pinahiran ang aking likod at para bang napapaso ako sa bawat haplos niya. Ang lambot naman ng mga kamay niya pero sing lamig naman niya.

"Oi! Ayos ka lang?" Untag niya sa akin.

"Ah. O-oo. Salamat" sagot ko.

At hindi na kami nagpansinan at nag imikan. Awkward. Wala akong maisip na topic at mahirap siyang kausapin. Tipid kung sumagot at poker face. Bakit ba kasi napakalamig niya? Baka naman ganyan talaga siya o baka naman may nangyari noon kaya naging ganyan. Ay oo nga pala, nakakairita nga pala pagmumukha namin. Tsk.

***************

MITCH'S POV

"Kainin mo lahat iyan ha! Masarap iyan. Tapos eto pa" sabi ni Jeff at nilagyan niya ng sangkatutak na seafood ang pinggan na hawak ko.

"Eto rin. Grilled milkfish. Tapos eto" dagdag niya at naglagay pa siya ng gulay.

"Jeff, stop. Hindi ko mauubos ito" sabi ko at nilayo ang pinggan ko. Tumalikod na ako para pumuntang table namin.

"Di. Kaya yan bhe" sagot niya.

Napatigil ako ng lakad at nilingon ko siya. "Ano?" Tanong ko.

"Bhe! Ekspresyon! Bhe! Bhe!" Sabi niya habang nakatindig ng pangbading at nakapout pa.

"Umayos ka nga! Nakakahiya ka! Ang landi mo!" Sigaw ko at inirapan ko siya.

Dual personality talaga ang baklitang ito. Lalaki by night at bading by day!

"Sareeh na bhe" sabi niya at sumabay sa akin.

Umupo kami sa upuan at kumain. Sinusubukan kong tanggalin ang mga tinik ng isdang linagay niya sa pinggan ko pero hindi ko matanggal tanggal. Ano ba iyan. Mukhang mas mahirap pang magtanggal ng tinik kaysa sa magtanggal ng bala sa katawan gamit ang tongs.

"Huwag ka na kasing magkutsara at tinidor. Kamayin mo na" sabi niya.

Magkakamay kumain? Okay. Masubukan nga. Agad kong kinamay ang isda at iniisa-isang tinanggal ang tinik. Nang matanggal ko ng lahat ay sinubo ko ito. Yuuuuum! Ang sarap. Kinamay ko pa ang iba at nagsubo ng sunod-sunod.

"Masarap kumain kapag nagkakamay no?" Sabi niya.

Hindi ako sumagot at tumango lang ako. Tahimik lang kaming kumakain hanggang may dalawang nag aaway na umupo sa table namin.

"Kung mag aaway kayo ay pwedeng lumayo-layo kayo sa amin?!" Pagtataray ko.

"Hoy! Lumayo ka raw! Tsupi!" Si Clei.

"Ikaw ang lumayo! Inaaway mo ako eh!" Si Ken at nauna ng umupo.

"Tse! Upakan kita eh!" Si Clei at umupo na rin.

"Halikan kita eh!" Si Ken.

"Enebeeeee!" Sabi ko at pinandilatan ko sila.

"Oh bakit bhe?" Si Jeff.

"Ang sabi ko ano ba! Hindi bhe! Binge!" Sagot ko.

"Uiiiii. Bhe" asar ni Ken.

"Bhe?" Gulat na tanong ni Clei.

"Inggit ka? May tawagan din tayo." Si Ken.

Hindi ako sumagot at tinaasan ko lang sila ng kilay.

"Ano?" Si Jeff at nakangisi.

"Like. I like you" si Ken at nilingon niya si Clei sabay pout.

"I like you too" sagot ni Clei at kinuha ang tinidor at mukhang tutusukin niya ang pouted lips ni Ken. Agad naman niyang tinikom ang kanyang bibig.

"Awwww. Ang sweet naman!" Sabi ni Jeff. "Hindi ka ba naiinggit bhe?" Dagdag niya.

"Gusto mo dukutin ko yang eyeballs mo?" Banta ko at tinaas ko ang kanang palad ko.

"Gusto mo nakawin ko ulit second kiss mo?" Banta rin niya. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko gamit ang kanang palad ko.

"Anooooooo???" Chorus na sigaw ng dalawa.

"Walaaaaa!" Sabay din naming sigaw at inirapan ang isa't isa.

"Okay" si Clei at pinanlakihan pa kami ng mata.

"Chill" si Ken at nagtaas pa siya ng dalawang kamay na parang sumusuko.

Matapos kaming kumain ay pumanhik na kami sa suite para magpalit dahil may Welcome Party raw na magaganap. Matapos ang dalawang oras ay natapos na rin kami. Pagdating namin sa lobby ay dumirecho kaming seashore. Malayo pa lang kami ay natatanaw na namin ang mga tao at ang malakas na party music.

Habang naglalakad kami sa entrance ay binigyan kami ng floral lei at cocktail drink. Nice, kinuha ko naman ito at tinikman. Sex on the beach, my favorite. Naglakad pa kami hanggang makarating kami sa kanang parte ng crowd kung saan kunti lang ang tao.

VEXIA'S POV

Haaaaaay. Ang boring. Sana nagpaiwan na lang ako sa suite at lumamon ng chocolates.

Nagkayayaan ang KG5 na magsayaw at kaming dalawa lang ni Mitch ang naiwan dito sa table namin. Mabuti naman at nasa open air kami kung hindi ay naliligo na ako ngayon sa pawis.

May lumapit sa aming waiter at inalok ulit kami ng cocktail. Kumuha ulit si Mitch ng Sex on the beach habang ako ay namimili pa.

"Do you have Corona extra?" Biglang tanong ko sa waiter.

"I'm not sure but I can check ma'am" magalang na sagot ng waiter.

"If you do, put a lemon on it. Thanks" sabi ko.

Agad namang umalis ang waiter at wala pang tatlong minuto ay bumalik na siya agad dala ang inorder ko. Ngumiti lang ako ng tipid at tinungga ang malamig na beer. Damn, I miss this taste. The only beer I want.

"Ma'am may nagpapabigay po nito" sabi ng isang pang waiter. May hawak siyang isang bowl ng hindi ko alam.

"Who?" Tanong ni Mitch.

"Ehhh, iyong lalaki po dun sa kabilang dulo" sagot nito sabay turo.

Tumingin naman kami at nakita namin ang isang grupo ng lalaking naka floral muscle tee. Kumaway pa sila. Tss. What a trash.

"Okay thanks" sabi ni Mitch sa waiter at inilapag naman niya agad ang bowl.

"What's that?" tanong ko.

"Food" Sagot niya. Kinuha ang tinidor at tinusok ito.

"I know. Tss" sabi ko. "What kind of food?" Dagdag ko.

"It's a grilled fish with shrimps, lobsters and stuff" sagot niya at inamoy ang isda.

"Any poison included?" Tanong ko.

"Angel Dust" seryosong sagot niya at binalik ang isda sa bowl.

"Tss. How did you know?" Tanong ko ulit habang tinitignan ang isda. Wala namang kakaiba sa isda, sa totoo lang ay mukhang masarap. Tinusok tusok ko pa ang ulo ng hipon ngunit wala akong makita na kahit ano.

"I just know." Sagot niya. Tinignan niya ako at bigla siyang sumeryoso. "Don't eat it" dagdag niya.

Napabuntong hininga na lang ako dahil pati pagkain ay hindi nila sinanto. Agad akong tumayo at kinuha ang bowl papunta sa grupo ng mga lalaki. Malawak naman ang kanilang pagkakangisi habang papalapit ako.

"Zup idiots. Do you mind?" Sabi ko at marahas kong nilapag ang bowl sa harapan nila.

Nagulat naman sila at napawi ang kanilang pagkakangisi at napalitan ng pagtataka.

"Miss hindi niyo ba nagustuhan ang pulutan niyo?" Tanong ng isang lalaki.

"You sent this to us?" Maawtoridad kong tanong.

"Miss magpasalamat na lang kayo pwede?" Sabi ulit ng lalaki at tumawa naman ang mga kasama niya. Mukhang siya ang kanilang leader kung ano mang gang na naman ito.

"Listen dickhead" sabi ko at kinuwelyuhan siya "You just sent this shit to the wrong person. Now, care to eat it?" Sabi ko at marahas ko siyang tinulak paupo.

"Miss ano bang problema mo? Ikaw na nga ang binibigyan at ikaw pa ang galit!" Sigaw sa akin ng kasama niya.

Tinapunan ko lang siya ng masamang tingin at tumahimik naman ito agad.

"Again, care to eat it?" Sabi ko ulit sa kanya.

"Yan lang naman pala eh!" Sabi niya at agad naman siyang kumuha ng tinidor at tinusok ang isda. Isusubo na sana niya ito nang biglang natapunan siya ng waiter.

"Ano ba! Huwag ka ngang tatanga-tanga!" Sigaw ng lalaki at napatayo pa siya dahil natapunan siya ng cocktail.

"So-sorry po ser! Hindi ko po sinasadya" paghihingi ng paumanhin ng waiter habang nakayuko.

"Oh sorry guys! My bad" sabi ni Mitch sa likuran ng waiter. "It's alright. You can go now" baling niya sa waiter. Agad namang umalis ang waiter. "Guys kukunin ko lang ang kaibigan ko ha. Thank you sa pinadala ninyo pero allergy kami sa seafood eh. Sorry. Ciao!" Dagdag niya at hinila niya ako palayo.

"Don't kill them" bulong niya sa akin.

"Thanks to you" sabi ko at sarkastiko akong ngumiti.

"They're not the one who sent us the food" sabi niya.

Napalingon ako sa kanya at tinaasan ng kilay. Hindi naman siya sumagot at may pinakita siya sa aking maliit na bote. "It's the waiter" nakangising sabi niya.

Continue Reading

You'll Also Like

345M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
4.7M 314K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
51.6K 3.1K 14
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
5.9M 179K 60
The "unbothered" model from the famous family of actresses will use a Delafuente to cover up her issue. Keyla is a wellknown bratty model for having...