A Marriage To Remember

Από winry_elrick

643K 7.1K 509

[ON-GOING/EDITING] Nagpakasal sina Francis at Queenie hindi dahil mahal nila ang isa't-isa, kundi dahil sa is... Περισσότερα

All Rights Reserved
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 23

10.1K 247 28
Από winry_elrick

HALOS mabilaukan si Francis dahil ang bilis niyang kumain. Hindi niya magawang magdahan-dahan lalo na't sarap na sarap siya sa adobong niluto ng asawa.

"Mukhang gutom na gutom, ah," puna sa kaniya ni Queenie.

"Mabuti alam mo," sagot niya. "Bakit ba ang tagal mo sa labas? Saan ka ba galing?"

"Bumili ng toyo. Teka, nag-paalam naman ako sa'yo, ah."

"Toyo lang ang binili mo pero inabot ka ng siyam-siyam? Sigurado ka bang ang pagbili lang ng toyo ang inatupag mo kanina? Baka naman may iba pa?" may pagdududang tanong niya.

"Aba, anong ibig mong sabihin?" anito na halatang hindi nagustuhan ang narinig. "Kung ayaw mong maniwala na bumili lang talaga ako ng toyo, problema mo na 'yon. Puwede ba, Francis, huwag mo akong pinagbibintangan diyan dahil wala akong ginagawang masama. Ikaw nga, umalis ka kaninang umaga, tinanong ba kita kung saan ka nanggaling? Ah, oo nga pala, alam ko kung saan ka pumunta kanina. Nakipagkita ka kay Sofie 'di ba?"

Natigilan siya at kinabahan. Alam ba niya ang tungkol sa affair namin ni Sofie?

"Sino po si Sofie?" tanong bigla ni Trisha.

"Friend siya ng Tito Francis mo, anak," tugon naman ni Queenie habang normal lamang na kumakain. Hinintay ni Francis na magtatalak ito tungkol sa kanila ni Sofie pero hindi nito ginawa.

Tinapunan niya tuloy ito ng kakaibang tingin. Galit ba siya or what?

"Ma, ano po palang sabi ni Papa? Makakapunta daw po ba siya sa school program namin next week?" tanong uli ng bata.

Nagkamot ng ulo si Queenie bago sumagot. "'Yon na nga ang problema, anak. Nakausap ko kaninang umaga sa phone ang Papa mo at sinabi niyang hindi siya makaka-attend dahil may meeting siya sa araw na 'yon."

Malungkot na napayuko si Trisha. "Pa'no po 'yan, Ma? Lahat po ng Mama at Papa ng mga classmates ko ay pupunta."

Napabuntong hininga na lang si Queenie sapagkat hindi nito alam kung paano sasagutin ang anak.

Dito na siya sumingit sa usapan. "Ako na lang ang pupunta kung hindi puwede si Papa mo."

"Talaga po, Tito Francis?" masiglang wika ni Trisha habang nagniningning ang mga mata.

"Oo naman," aniya saka hinawakan ito sa ulo.

"Sigurado ka ba, Francis?" tanong ni Queenie. "Hindi mo naman 'yon kailangang gawin 'yon, eh."

"I need to and most importantly, I want too. Huwag ka na ngang kumontra diyan," aniya sabay lantak uli ng adobo.

---

Wala silang magamit na sasakyan kaya nag-taxi lang ang mag-asawa papuntang school. Samantala, naudlot ang biyahe nila dahil sa biglaang pagtirik ng sinakyan nilang taxi. Wala silang nagawa kundi ang bumaba na lang. Nang may dumaang jeep ay agad itong pinara ni Queenie.

"Hala, isang upuan na lang ang bakante," anito habang nakatanaw sa loob ng jeep na puno ng pasahero. "Francis, sumabit ka na lang." Sumakay ito at umupo malapit sa bukana. "Ano pang hinihintay mo, diyan? Sabit na!"

"Bakit ako sasabit? Anong palagay mo sa'kin, unggoy? Eh, kung mahulog ako!" mariing reklamo niya.

"Eh, 'di kumapit ka ng mabuti para hindi ka mahulog." As usual ay may palabang sagot na naman ito. "Ang dami mong arte. Kapag tayo na-late sa school program ni Trisha, yari ka sa'kin. Sumabit ka na kasi!"

Nahiya siya nang mapansing pinagtitinginan na sila ng ibang pasahero. Hindi na lang siya umapila dahil alam niyang hindi naman ito magpapatalo.

Walang siyang choice kundi ang maging parang unggoy habang nakasabit sa jeep. Pagbaba sa tapat ng gate ng school ay panay ang ubo niya dahil sa mga nalanghap na usok.

"Okay ka lang?" tanong ni Queenie na nindi niya mawari kung concern ba o hindi.

Tumaas ang kilay niya. "Mukha ba akong okay? Nalanghap ko lang naman ang lahat ng polusyon sa Metro Manila. Kapag na-damage ang baga ko, kasalanan mo."

Tumawa ito. "Sorry ah. Nakalimutan kong anak mayaman ka nga pala. Siguro first time mo lang makasakay ng jeep?"

"Hindi ako sumakay, sumabit ako."

"Sorry na nga, eh. At least, hindi tayo na-late. Tara na." anito saka kumapit sa braso niya at hinila na siya papasok ng eskuwelahan.

---

Hindi magkamayaw sa pag-cheer si Queenie habang pinapanood ang anak na sumasayaw sa stage. Si Francis naman ay naging abala sa pagkuha ng video ngunit hindi rin niya nakakalimutan ang mag-cheer para sa bata.

Natapos ang programa ng may ngiti sa labi ang mga estudyante at mga magulang. Patakbong lumapit si Trisha kina Queenie at Francis saka yumakap sa mga ito.

"Ang galing talaga ng anak ko. Manang-mana ka sa'kin," anang proud Mommy na si Queenie.

"Sinasabi mo bang magaling ka ding sumayaw?" usisa ni Francis sa asawa.

"Hindi lang ako magaling sumayaw, magaling din akong kumanta, baka akala mo."

Habang abala sa pag-uusap ay biglang nilapitan si Trisha ng isang batang lalaki.

"Trisha, siya ba ang Daddy mo? Ang guwapo, ah," sinabi nito. Nasa likod naman ang isang lalaki at babae na mukhang mga magulang nitong bata.

"No, siya si Tito Francis, my step Dad." Tumingala si Trisha at ipinakilala sa kanila ang bata. "Mama, Tito Francis, si Miko po, classmate ko."

Nagpakilala rin sa kanila ang mga magulang ni Miko na sina Lorna at Danny hanggang sa niyaya sila ng mga ito na kumain sa pag-aari nitong kainan.

"Huwag na kayong mahiya. Tutal, magka-klase naman ang mga anak natin," nakangiting sambit ni Lorna.

"May sasakyan ba kayo? Kung wala, sumakay na kayo sa sasakyan namin," sabi ni Danny, saka nagpa-una sa dalang nitong sasakyan at pinagbuksan pa sila ng pinto.

"Sakay na mga bata," ani Queenie kaya sumakay na sa second row seat ng van ang dalawang bata. Sasakay na rin sana ito nang biglang magsalita ng pabulong si Francis.

"Queenie, sigurado kang gusto mong sumakay diyan?" Hindi sa panlalait pero bulok na kasi ang van kaya nasabi iyon ni Francis.

"Oo, naman, bakit hindi," bulong rin nito. "Ikaw talaga, napaka-arte mo. Sumakay ka na lang."

Gaya ng dati way wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lang.

---

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang malaking public market. Nasa loob pala ng nasabing palengke ang karindirya na pag-aari ng mag-asawang Danny at Lorna.

Habang papasok ay nagtakip ng ilong si Francis dahil sa hindi kaaya-ayang amoy ng paligid. Siniko siya ni Queenie at binulungan.

"Huwag ka ngang magtakip ng ilong diyan, nakakahiya."

Inalis niya ang kamay na nakatakip sa kanyang ilong at bumulong din. "Ang baho naman kasi, bakit ba kasi tayo sumama sa kanila. Mag-paalam ka na. Let's just eat lunch at a fancy restaurant."

"Para ano, para magbayad ka ng malaki? Mabuti nga niyaya nila tayo. Eh, 'di nakalibre tayo ng lunch," masayang wika nito na para bang nanalo sa lotto.

Ano bang masaya sa isang libreng lunch sa karindirya sa loob ng palengke? Ang babaw talaga ng kaligayahan mo, Manang, nasabi ng isip niya habang napapailing.

---

Masarap ang mga pagkain kaya kahit maingay at magulo sa lugar ay nag-eenjoy naman si Francis. Hindi nawala ang kuwentuhan habang kumakain sila.

"Kung gano'n, mas bata pala si Francis ng pitong taon kaysa sa'yo, Queenie," usisa ni Lorna. "Masuwerte ka, dahil bukod sa guwapo ay mabait pa 'yang asawa mo."

Napangiti si Francis sa natanggap na papuri. Maya-maya ay nawala ang ngiti niya nang may marinig na sigaw mula sa likuran.

"Magbayad ka na ng utang mo!" tinig ng isang bruskong lalaki na may kasamang dalawa pa. Kausap nito ang isang ale na nangtitinda ng gulay. Napalingon sa mga ito ang mga tao sa paligid.

"Wala pa akong pambayad ngayon. Sa isang linggo na lang. Pangako, magbabayad ako sa susunod na linggo. Nagkasakit kasi ang anak ko kaya, nagastos ko ang pampayad ko sana sa'yo ngayon," paliwanag ng ale.

Hindi natuwa ang lalaki sa narinig at nagpilit pa rin itong maningil. Nang hindi magbayad ay nagwala ito at ikinalat ang mga tindang gulay ng ale.

Masyadong marahas ang eksenang iyon. Umiiyak na sa pagmamakaawa ang ale pero hindi pa rin tumigil ang mga lalaki sa pagwawala. Ang mga tao naman sa pailgid ay tahimik lang na nanood. Wala isa man sa mga ito may lakas ng loob na makialam, siguro ay dala na rin ng takot.

"Queenie, let's go," bulong ni Francis sa asawa. Tumayo naman ito pero hindi para umalis na kundi para komprontahin ang mga sigang lalaki na iyon.

"Hoy, mga salbahe, tama na 'yan!" malakas na sigaw nito, saka nilapitan ang lalaki. "Sir, baka naman puwedeng itigil niyo 'yang ginagawa niyo. Paano pa niya kayo mababayaran kung sisirain niyo ang mga paninda niya?"

Kumunot ang noo ng lalaki. "Puwede ba, Manang huwag kang makialam!"

"Excuse me, hindi pa ako Manang, thirty-five pa lang ako. Kapag hindi kayo tumigil sa ginagawa niyo, tatawag ako ng pulis!" matapang na sambit nito saka itinaas ang cell phone.

Natigilan ang lalaki at bumakas ang pangamba sa mukha nito. Sa huli ay wala itong nagawa kundi ang umalis na lang na sinundan agad ng dalawa nitong kasama.

---

"Praning ka talaga, bakit ka nakialam kanina. Paano kung sinaktan ka ng mga 'yon?" sermon ni Francis kay Queenie habang sakay sila ng taxi pauwi.

"Paanong hindi ako makikialam, eh salbahe naman kasi sila. Nakita mo ba 'yong ginawa nila doon sa paninda ng kawawang ale?"

"Oo, nandoon na tayo. Mali ang ginawa nila pero sana hindi ka na nakialam. Hindi mo naman kilala 'yong ale na 'yon, ah. Bakit isusubo mo ang sarili mo para ipagtanggol, 'yon?"

"Kinulit kasi ako ng konsenya ko kaya ko ginawa 'yon, eh," katwiran nito.

Napailing siya. "Pasalamat ka at hindi ka nila sinaktan. Sabi pa naman nina Danny, masasamang tao daw talaga ang mga 'yon."

"Uy, concern siya," biro nito.

"Bakit hindi, asawa mo 'ko." Inis na sinabi niya at hindi na ulit nagsalita. Pagdating sa bahay ay dumiretso siya sa kuwarto at nagkulong doon. Dinner time na no'ng magpasiya siyang lumabas. Bubuksan pa lang niya ang pinto ng kuwarto ng may biglang tumawag sa cell phone niya. Lumabas mula sa screen ang pangalan ni Sofie.

Sa halip na sagutin ay inilapag niya lang sa kama ang cell phone at lumabas na para kumain ng hapunan. Pagkatapos kumain ay nagpunta sa sala ang mag-ina dahil tumawag ang ama ani Trisha. Tumayo lang siya sa gilid habang pinapakinggan ang pakikipag-usap ng bata sa ama nito gamit ang cell phone ni Queenie. Maya-maya ay lumapit ito sa kaniya.

"Francis, kanina ka pa tahimik. Galit ka pa ba dahil sa ginawa ko kanina? Pasensya ka na, pero ginawa ko lang naman ang bagay na sa tingin ko ay tama. May mga bagay lang kasi talaga na hindi ko kayang sikmurain at ayokong manahimik na lang kapag gano'n. Magsasalita at magsasalita talaga ako."

"Then, why are you not saying anything about Sofie?" kunot noong tanong niya.

"Ha? Ano bang dapat kong sabihin?"

Bumuntong hininga siya. "Sige na, kung ano man ang gusto mong sabihin. Sabihin mo na. Nakahanda akong tanggapin ang pagtatalak mo. But before that, I want you to know na tinapos ko na ang lahat sa amin ni Sofie. Hindi na ako ulit makikipag-kita sa kaniya, pangako 'yan."

"Okay lang naman sa'kin kung makipag-kita ka sa kaniya, eh," simpleng tugon nito.

"What?" laking pagtataka niya.

"Wala, kalimutan mo na 'yong sinabi ko," sabay bawi nito. "Meron nga pala akong sasabihin sa'yo. Gusto kong magpasalamat dahil sinamahan mo kami ni Trisha sa school program niya. Thank you, Francis."

Ngumiti siya. "Basta para kay Trisha, no problem."

Magaan ang loob na pumasok si Francis sa kaniyang kuwarto.  Natutuwa siya dahil kahit paano ay silbi din siya bilang isang step father.

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

784K 38K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
1.3M 30.6K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...