Sofie

Nasaan ako?  'Yan agad ang naitanong ko sa aking sarili pagkagising.

"Sofie anak!  Salamat at nagising ka na.  Kumusta ang pakiramdam mo?"  Nag-aalalang tanong sa akin ni Mama. 

"Nasan ako?"  Kahit masakit pa ang katawan ko ay pinilit kong bumangon upang maupo.

"Nandito ka sa ospital.  Naaksidente kayo ni Francis nong birthday mo.  Tatlong araw ka ng walang malay at ngayon ka lang nagising."  Tugon ni Mama.  "Teka lang tatawagin ko ang doktor mo."

"Sandali Ma!"  Pigil ko kay Mama.  "Si Francis?  Kumusta si Francis Ma?  Okay lang ba siya?"

"Hindi ko alam anak."

"Nandito rin ba siya sa ospital na 'to Ma?"

"Ang alam ko oo.  Saglit lang tatawagin ko ang doktor mo."

Buti na lang at wala naman daw akong malalang complications.  Tinanong ko ang nurse dito kung saan ang room ni Francis at sinabi naman niya iyon sa'kin. 

Tumayo agad ako paglabas ng mga doktor at nurse.

"Saan ka pupunta?"

"Pupuntahan ko po si Francis Ma."

"Sofie, ano ba talagang nangyayari?  Bakit magkasama kayo ni Francis na naaksidente?"  Kuwestiyon niya.  Hindi pa pala alam ni Mama na nagkabalikan na kami ni Francis.  I better tell it to her now.

"Nagkabalikan na po kami Ma."

"Ano?  Anong nagkabalikan?  Di ba may asawa na siya?"

"Mamaya ko na ipapaliwanag Ma.  Pupuntahan ko muna si Francis.  Gusto ko siyang makita."  Nagpumilit ako na tumayo upang puntahan si Francis.  Pinigilan ako ng husto ni Mama pero hindi ako nagpapigil. 

Pagdating sa tapat ng room ni Francis ay bigla namang lumabas mula roon si Queenie.

Hinanda ko na ang sarili ko sa pwedeng mangyari.  Alam kong pwede akong sugurin at saktan ni Queenie dahil may relasyon kami ng asawa niya pero wala akong pakialam.

"Sofie?  Kumusta?  Okay ka lang ba?"  Believe it or not ay sinabi iyon ni Queenie na puno nang pag-aalala sa mukha niya. 

"I'm fine.  How about Francis?"

"Hindi pa siya nagkakamalay eh."  Matamlay na saad niya at nagbuntong hininga.  "Gusto mo siyang makita?"

Can somebody explain to me what is happening here?  Talaga bang tinanong ako ni Queenie kung gusto ko raw bang makita ang asawa niya?

"Can I?"  I asked.

"Oo naman."  She answered.

Hindi ako makapaniwalang pumayag siya ng gano'n lang.  Papasok na sana ako sa room nang biglang dumating ang Mommy at kapatid ni Francis.



Queenie

Kasalukuyan kong binabatayan dito sa ospital si Francis.  Three days na siyang walang malay dahil nasangkot siya sa isang car accident kasama si Sofie.  Bakit kaya sila magkasama?

"Ate Queenie!"  Tawag sa akin ni Faye.  Napalingon kaming dalawa ni Sofie sa kanya.

"Ma, kayo pala."  Nag-beso ako kay Mama at Faye.

"Good evening po Tita."  Bumati rin si Sofie kay Mama.

"Sofie ang mabuti pa umalis ka na.  Hindi ko alam ko alam kung bakit kayo magkasamang naaksidente ni Francis pero may asawa na ang anak ko."  Istriktong saad ni Mama.

A Marriage To RememberBasahin ang storyang ito ng LIBRE!