She's the Legend

De Anjjmz

42.1K 2.6K 2.7K

Malamig ang gabi. Hindi makatulog. Sa kanyang pagtayo, sa ilalim ng buwan, atake sa puso ang kanyang naranasa... Mai multe

Disclaimer
NOTICE TO THE PUBLIC!
Trailer
Prologo
Guni-guni -- 1
Pagkilala -- 2
Balatkayo -- 3
Silong -- 4
Titus -- 5
Orion -- 6
Magkaribal -- 7
Panganib -- 8
Kalaban -- 9
Prime Kreeper --- 10
Hirang --- 11
Blood of Cosmos --- 12
Laban ni Esmé --- 13
Kamatayan ---- 14
Bagong Umaga --- 15
Maka-Alamat na Pagtatapos
---
Book 2 ~ Ligaya ~ Prologo
Book2 ~ Pagbabago ~ 1
Book 2 ~ Tuklas ~ 2
Book2 ~ Galit ~ 3
Book2 ~ Hapdi ~ 4
Book2 ~ Sergine ~ 5
Book2 ~ Kaguluhan ~ 6
Book2 ~ Atmos ~ 7
Book2 ~ Leo ~ 8
Book2 ~ Oblivion ~ 9
Book2 ~ Buwan ~ 10
Book2 ~ Trance ~ 11
Book2 ~Aftereffect~ 12
Book2 ~ Hiling ~ 13
Book2 ~ Pagbabalik ~ 14
Book2 ~ Sanggalang ~ 15
Book2 ~Desisyon~ 16
Book2 ~ Tulong ~ 17
Book2 ~ Devotion ~ 18
Book2 ~ Alon ~ 19
Book2 ~ Hamok ~ 20
Book2 ~ Strife ~ 21
Book2 ~ Salamin ~ 22
Book2 ~ Tibok ~ 23
Book2 ~ Salinlahi ~ 24
Book2 ~ Dulo ~ 25
Book2 ~ Milagro ~ 26
Book2 ~ Miracle and Curse ~ 27
Book2 ~ Kapalit ~ 28
Book2 ~ Nararapat ~ 29
Book2 ~ Paglimot ~ 31
Book2 ~ Pahayag ~ 32
Book2 ~ Wakas ~ 33

Book2 ~ Kahilingan ~ 30

252 5 2
De Anjjmz

Kahit gaano ko pilitin ay hindi talaga ako makatulog. Sa tuwing pipikit ako ay sumasagi naman sa isip ko ang mga magagandang hinaharap ng mga taong mahal ko.

Ang pagbalik ni Orion bilang isang Henki. Ang kaginhawaan sa buhay ng pamilya ko.

Sa tuwing iiling ako ay naiisip ko naman ang kasalukyan. Ang maguluhang maaari na namang maranansan ng pamilya ko. Ang panliliit ni Orion sa kanyang sarili.

Hindi ko na alam kung alin ang pipiliin ko at kung saan ako lulugar. Bumaling ako sa katabi ko, mukhang malalim na ang tulog ni Orion. Dati maamo lang ang mukha niya kapag tulog pero ngayon kahit gising pa siya, wala na yung maagas niyang itsura.

Hindi siya sanay na wala ang kapangyarihan niya. Lalu pa't may mga panganib na umaaligid sa amin. Gusto niya akong ipagtanggol pero malabo pa iyon sa ngayon.

Malaking sakripisyo ang naiisip ko patulan. Alam kong magagalit si Orion dahil ayaw niyang ibigay ko ang natitirang Cosmos kay Gabriella dahil sa kapalit nito. Pero ayoko namang makaramdam siya nang panliliit sa sarili.

"Marami ka ng sakripisyong ginawa para sa akin, hindi pa ako sigurado sa nais kong gawin pero sana, kung sakali man, mapatawad mo ako."

Humalik ako sa noo niya bago ako dahan-dahang lumabas ng kwarto. Pakay ko sanang kausapin si Gabriella pero hindi ko alam kung saan ko siya makikita. Wala naman kasing silid o anu mang pintuan ang alam kong kinaroroonan niya.

Ang salamin!

Dali-dali akong nagtungo sa may pasilyo upang harapin ang salamin. Madilim sa loob ng bahay at mga kandila at gasera lamang ang nagsisilbi naming ilaw. Minabuti ko nang magdala ng isang gasera para mailawan naman ang dinaraanan ko.

Madilim sa dulo ng pasilyo at halos hindi ko makita ang sarili ko. Kinailangan kong lumapit para mas maging malinaw ito sa paningin ko. At nang makalapit ako ay ordinaryong salamin lamang ang nasa harapan ko. Walang lagusan o anumang kakaiba rito. Baka sadyang kapangyarihan lamang ni Gabriella ang dahilan kaya ko nakita ang mga posibleng mangyari.

Ngunit nang akma na ako tatalikod ay napatid ang paa ko sa paa ng altar na nasa harapan ng salamin. Dahilan upang mapahawak ako rito. Para akong hinigop kung saan at kahit anong pilit ko ay hindi ko maimulat ang mga mata ko.

"Ano ang iyong nais makita?" bulong ng kakaibang boses na sa palagay ko'y galing sa salamin.

"Ang kamahalan, si Gabriella ang nais kong makita." Buong loob kong wika.

"Nakaraan, hinaharap o kasalukuyan?"

"Kasalukuyan!"

Muli kong naramdaman ang paghigop sa katawan ko ngunit sa pagkakataong iyon ay bumalik ako sa harapan ng salamin. Maliwanag na ang nakikita ko roon at hindi na kailangan pa ng gasera. Nakatayo si Leo sa harapan ng trono ni Gabriella.

Sa Atmos iyon, sigurado ako dahil minsan na akong nakapunta roon. Seryoso ang mukha ni Leo na tila ba naghihintay sa sasabihin ng Reyna.

"Malapit mo nang matapos ang misyon mo," Pagbukas pa lang ng bibig ni Gabriella ay nakaramdam na ako ng kaba. Hindi siya ganoon makipagusap kapag kaharap ko siya. May otoridad na hinding-hindi mababali.

"Malapit na rin akong makawala sa kasakiman mo," ngumisi si Leo.

Anong pinag-uusapan nila? Bakit parang may mali?

"Baka nakakalimutan mo, maluwag sa kalooban mong magpabihag-kasal sa akin para kay Esmé." aniya.

"Alam mo ang dahilan kung bakit. Wala akong ibang magawa kung 'di tanggapin nalang ang gusto mo."

Bumaling si Leo sa gawing kanan niya. Doon ko lamang napagtanto na naroroon ang Ina niya - ang dating reyna. Hindi maganda ang lagay niya. Napakaputla niya at mukhang nanghihina siya.

"Huwag kang magaalala, makakalaya na kayo ng iyong ina sa oras na kusang ibigay ni Esmé sa akin ang natitirang cosmos sa katawan niya," aniya.

"Kung kaya ko lang kunin iyon lahat noon pa, ginawa ko na."

"Hindi pa ba sapat sa iyo lahat ng meron ka ngayon?" Kahit nanghihina ay pinilit magsalita ng dating reyna. Awang-awa ako sa sitwasyon niya.

"Isa akong engkangtada at ngayon isa na ring bugong-bughaw. At hindi magtatagal ako na ang magiging pinakamakapangyarihan sa mundo natin. Iyon lang naman ang gusto ko." Galit na tumayo si Gabriella.

"Kung hindi lang ako nilinlang ng ninuno ni Esmé, itinago niya ang sagradong bulaklak at dahil doon, hindi ko basta-basta makukuha ang kabuoan ng cosmos!"

Ipinaspas ni Gabriella ang kamay niya na naglabas ng malakas na hangin na tumama sa kinaroroonan ng dating reyna. Agad na tumakbo si Leo para tulungan ang kanyang Ina.

Kung alam ko lang kung paano pumasok sa salalim ay ginawa ko na para makatulong sa kanila.

"Isa nalang ang kailangan mong gawin, mahal kong kabiyak. Dalhin mo si Esmé rito para kusa niyang ibigay ang Cosmos sa akin."

Naisin ko mang makita pa ang mga susunod na nagyayari ay muli na namang hinigop ang katawan ko at naging madilim muli ang pasilyo. Maliit na lamang ang liwanag na nanggagaling sa gasera iyon marahil ang dahilan kung bakit nawala ang nakikita ko. Pinilit kong hawakan muli ang salamin ngunit wala ng nangyayari. Kinuha ko na rin maging ang kandilang nasa malapit ngunit wala na ring nangayari.

"Kasalukuyan iyon 'di ba?" napatanong ako sarili.

Anong bihag-kasal at para saan? Hindi ko maiwasan na panghinaan ng loob sa isa na namang pabor na ginawa ni Leo para sa akin.

Hindi na nararapat ang mga sakripisyo ni Leo para sa akin. Hindi na tama. Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya't sakripisyo.

"Kailangan kong makausap si Leo."

Binitawan ko ang kandilang hawak ko at tumakbo palabas ng bahay. Alam kong kung hihiling ako ay maririnig ako ni Leo, tulad nang dati.

Sa paglabas ko ay hindi lamang hiling ang ginawa ko, sumigaw ako, buong lakas kong isinigaw ang pangalan ni Leo.

Lahat ng nangyayari sa akin, sa amin, ay dahil pa rin kay Gabriella. Dahil pa rin sa Cosmos. Hindi na ako tinantanan ng sumpang ito!

"Leo! Pakinggan mo ako! Kailangan kitang makausap. Please magpakita ka."

Simula umpisa magpahanggang ngayon, lahat sila nagsasakripisyo nang dahil lamang sa akin. Nadamay na ang mga hindi dapat dahil lamang sa Cosmos na isang sumpa para sa akin at sa pamilya ko. Mabigat sa puso ko ang lahat ng nakita't nalaman ko.

Ang buong akala ko masaya si Leo. Ang buong akala ko walang kasakiman sa puso ni Gabriella. Ang buong akala ko magiging masaya na ang lahat. Pero hindi pa rin pala.

"Esmé," Agad akong bumaling sa pinanggalingan ng boses. Dumating si Leo, luhaan ang kanyang mga mata at may dugo ang suot niyang magarang balabal. 

Napatakip na lamang ako sa bibig ko at napailing. Hindi ko magawang makapagsalita sa larawang pilit pumapasok sa isip ko --  ang dating reyna.

Tumakbo ako nang mabilis papunta sa kanya at isunubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Humagulgol ako ng iyak nang maramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Nanghihinang yakap ang isinalubong niya sa akin kasabay ng mga hikbing pilit niyang itinatago. "Nakita ko, nakita ko lahat," umiiyak kong wika. "Ang Reyna, ang iyong ina. Si Gabriella at ang bihag-kasal."

"P-paano?" mahinang wika ni Leo.

"Sa salamin, alam ko na ang kailangan kong gawin, Leo. Dalhin mo na ako sa kanya, hindi na tama ang mga nangyayari. Ayoko ng may masaktan pa."

Umiling si Leo. "Umalis na kayo ni Orion. Alam kong hindi ito ang gusto mo.  Kaya ko ang sarili ko. Kaya namin ni Ina ang lahat."

Sa pagkakataong iyon, isang malakas na pagsabog ang kumawala mula sa loob ng bahay. Nasusunog na ang kalahati ng bahay na tinuluyan namin at ilang sandali lang ay tumatakbong lumabas si Orion. Kumalas ako sa pagkakayakap ni Leo at humarap kay Orion na natigil nang makita akong nakatingin sa kanya.

"Ito na ang tamang panahon para bayaran ko lahat ng sakripisyo ninyo ni Orion para sa kapakanan ko." Luhaan may ay ngumiti ako kay Orion matapos ay tumingin ako kay Leo.

"Handa na akong makalimot."

Mabilis na tumakbo si Orion papunta sa akin at mahigpit niya akong niyakap. Nanginginig ang katawan niya halata sa mukha niya na may mali.

"H-huwag, huwag mong ituloy. Kaya natin labanan 'to. Basta't magkasama tayo 'di ba?" Mapungay na ang mga niya at halos hirap na siyang imulat ang nga iyon.

Dali-dali ko siyang inakay dahil nanghina bigla ang mga paa niya. "Nasaktan ka ba sa sunog? Anong nangyayari sa 'yo?" nag-aalala kong tungon.

Ngunit hindi nakasagot si Orion dahil lumabas ang buwal na dugo mula sa kanyang bibig. Kasabay niyon ang pagsabog muli sa nasusunog na bahay.

Hindi nagtagal ay lumabas si Gabriella, lumilipad galing sa nasusunog na bahay.

"Hindi ko inaasahan ang mga nangyayari," Natutuwa niyang wika. "Ngayon pa natapos ang pansamantalang buhay na ibinigay ko kay Orion."

"Wala kang kasing sama, Gabriella!" sigaw ni Leo.

"Anong sinasabi mong pansamantalang lakas? Hindi ko maintindihan." Gulong-gulo ang isipan ko. Tumingin ako kay Leo na may pag-aalala na sa mukha.

"Tuso si Gabriella, Esmé. Planado na ang lahat sa simula pa lang."

Bahagyang lumapit si Gabriella sa kinaroroonan namin ngunit hindi siya tumapak sa lupa. Malaki ang ngisi sa labi niya na para bang nanalo siya sa isang laban.

"Sa tingin ko'y alam mo na ang pakay ko, Emsé. Batid kong sa puntong ito ay hindi ka na makakahindi sa nais ko." Inilapag niya ang kanyang kanang kamay sa harapan ko.

Alam kong sa oras na kunin ko 'yon at dadalhin niya ako sa Atmos upang doon gawin ang ritual.

Bahagya hinawakan ni Leo ang braso ko upang pigilan ako. "Huwag."

Hindi magawa ni Orion na makapagsalita dahil sa labis na panghihina ngunit kahit pa paano ay nagawa niyang umiling upang pigilan ako.

"Minsan na tayong naging isa. Alam ko nasa damdamin mo. Sumama ka sa akin at matatapos ang lahat ng ito." Nawala ang ngisi sa kanyang mukha at tinitigan niya ako nang diretso.

"Ikaw lang ang tanging nilalang na makakatapos sa pasanin ng lahat." ani Gabriella.

Tinanggal ko ang nakaakbay na kamay ni Orion sa balikat ko at nagpatulong ako kay Leo upang alalayan si Orion. Kapwa pareho silang nalulungkot sa ginagawa ko.

"Magtiwala kayo sa akin, kahit ngayon lang."

Lakas loob akong lumapit kay Gabriella ngunit hindi ko tinanggap ang kamay niya. "Ibibigay ko ang gusto mo pero kapalit ang ilang kahilingan."

"May hangganan ang bawat kahilingan." wika niya at tumungo ako.

"Alam ko. At sa Atmos na natin pag-usapan ang mga kahilingan ko."

Hindi na ako lumingon sa likuran ko kung saan nakatayo sina Orion at Leo. Bagkus ay agad kong kinuha ang nakapalad na kamay ni Gabriella.

•••

Continuă lectura

O să-ți placă și

28.3K 1.1K 22
Akala nila ay isa lamang itong ordinaryong araw. Sa ilalim ng asul na buwan na karaniwang bumibisita sa kanilang munting lugar kada-dalawang taon...
My First De zerously

Proză scurtă

24.5K 545 15
Nalaman kong totoo pala ang magka crush, umasa at masaktan ng dahil sayo.
3K 279 91
They killed my loves one. They killed my mom. They killed my dad. They killed my brother. They killed my family. And here I am. To take my revenge. I...
996 67 68
Evie has found her contentment on her career as the Executive Secretary of the Director of Yu Solar Panels Inc. for over two years. She has a good re...