My Probinsyana Girl (Publishe...

By pajibar

3.1M 41.9K 5.6K

My Probinsyana Girl is now a published book under Life is Beautiful (LIB) for only 129.75 PhP. Available on d... More

To be published under LIB
Prologue
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN (Pt. 1)
CHAPTER EIGHTEEN (Pt. 2)
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY THREE
CHAPTER TWENTY FOUR
CHAPTER TWENTY FIVE
CHAPTER TWENTY SIX
CHAPTER TWENTY SEVEN
CHAPTER TWENTY EIGHT
CHAPTER TWENTY NINE
THIRTY
EPILOGUE
Author's Note
My Probinsyana Girl FanFic by TimeHopper (One-Shot)

CHAPTER SIX

92.7K 1.2K 154
By pajibar

"Ayoko nga!" Prangkahan na pero ayaw talaga ni Summer na sumama ngayong umaga. Inaantok pa kasi siya eh.

"Pag sinabi kong sumama ka, SUMAMA KA." Pananakot naman ng kanyang boss. Kung pwede nga lang talagang bitayin 'tong si Clyde, eh kanina pa ginawa ni Summer dahil sa pangingialam sa buhay ng iba.

"Kung gusto mong mag-jogging, edi mag-jogging ka mag-isa mo! Nangdadamay ka pa ng iba eh." Reklamo ni Summer.

"Ililibre kita pagkatapos."

"Tara na!"

As usual, nasabi nanaman ni Clyde ang magic word na hinihintay marinig ni Summer. Nagbihis lang saglit si Summer, at saka na sila umalis ni Clyde papunta sa park para doon mag-jogging.

Ugali na talaga ni Clyde ang mag-exercise bawat araw. Hindi naman dahil sa gusto niya maging "hot" pero gusto niya lang talagang maging healthy ang kanyang katawan. Bukod dito, mahilig din siya kumain ng vegetable at fruits, at halos hindi na rin siya kumakain ng mga junk foods. Sobrang opposite talaga sila ni Summer.

Pagkatapos ng dalawang oras ay biglang huminto si Clyde sa pagtakbo at umupo saglit.

"Tama na. Pahinga na tayo." Hingal na sabi ni Clyde.

"Anong tama na?! Kakaumpisa pa lang natin tapos tigil na kaagad?!"

"Anong kakaumpisa ka dyan? Dalawang oras na tayong takbo ng takbo dito!"

"Mas malayo pa nga ang nilalakad namin papunta sa paaralan dun sa probinsya eh! Bading ka pala!" Pang-aasar naman ni Summer. Ang weak pala ni Clyde noh? Gwapo sana, bading naman.

"Makapag-salita ka ah! Tandaan mo, tao lang din kaming mga lalaki, marunong mapagod!" Kontra ni Clyde. Simpleng mga salita lang yun, pero kung babasahin mo pa ulit, magkakaroon ito ng isa pang meaning.

"Tumayo ka dyan!" Utos ng magiting na probinsyana.

"Bat ako ang inuutusan mo?! Diba alipin lang kita?!"

Bigla naman na nainis si Summer sa sinabi ni Clyde. Alipin? Bakit kaya daw alipin ang ginamit niyang term? Eh pwede namang assistant or maid? Masyadong mababa yung word na Alipin eh, lalo na sa mga probinsyanang katulad niya na choosy.

Sa sobrang inis niya, siya nalang ang naglakad mag-isa, pero biglang sumigaw si Clyde ng, "Sige tumakbo ka lang para hindi kita malibre!"

Biglang bumalik sa kanya si Summer, "Pero syempre joke lang, ikaw naman hindi na mabiro."

"Ka-plastikan mo talaga." Bulong ni Clyde. Ay. Plastik kaagad? Di ba pwedeng Orocan muna? K, corny. Sorry po, magbibigti na ako mamaya wag kayong mag-alala.

"Saan PO ba tayo PO kakain PO?" Sadyang ine-emphasize niya lang talaga ang Po. Wala lang, ganun ang trip ni Summer eh.

"Dun tayo." Sabi ni Clyde sabay turo sa isang restaurant.

Pagkapasok nila, binati kaagad sila ng waiter. Naghanap sila ng kanilang mauupuan, at nang makahanap na ay inabutan na sila ng kanilang menu. Pagkabukas nila ng menu ay kaagad na nag-alboroto ang tyan ni Summer.

*Gruuuuu~*

Tumawa ng mahina si Clyde nang marinig niya ito. "Hindi na talaga makapag-hintay yan noh?" Natatawang sabi niya.

"Di kaya!" hinampas ni Summer ang braso ng binata.

Maya-maya pa ay dumating na ang waiter at hiningi na ang kanilang order. At dahil hindi pa alam ni Summer kung ano ba ang dapat niyang kunin, si Clyde nalang din ang pumili para sa kanya. Simpleng spaghetti at chicken lang kay Summer, at grilled chicken naman with pizza, at carbonara naman ang para kay Clyde. Abnormal ba yung mga pagkakapili ng pagkain? Syempre, abnormal din yung author eh, anong inaasahan niyo?

Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na rin sa wakas ang kanilang mga pagkain. Syempre, si Summer ang nanguna sa kainan, patay-gutom siya eh. Hindi niya na alam kung ano ang uunahin niya, pero pagkatapos ng kanyang eenie-meanie, napagpasyahan niyang yung chicken nalang muna ang kanyang uuhahin.

"Ahhh!" biglang napasigaw si Summer nang kainin niya ang chicken. Bakit? Dahil sa sobrang init! Bagong luto kasi eh, napaso tuloy siya.

Hindi alam ni Summer kung ano ang gagawin niya dahil sa sobrang taranta. Hindi niya makagat o mailunok ang pagkain dahil sa sobrang init. Kaya naman no choice siya, iniluwa niya ito sa mismong plato na kinakainan niya.

"Wew," bulong ni Summer. Success!

"Mag-ingat ka kasi." Sabi ni Clyde. Ay, oo nga pala. Nandito pala 'to.

Tinignan ni Summer ang pinagkainan niya. Karumaldumal ang sinapit. Kawawa naman yung manok, sa ayaw at sa gusto niya, kahit gusto niya pang mabuhay, wala na. Kinawawa na siya ng mga lalaking kakatay sa kanya. Paano na kaya ang mga sisiw na naiwan niya? Ulila na kaagad.

Naiimagine niyo na ba ang isang manok na pilit na inilalagay sa kulungan pero nagpupumigil pa rin? Ganun ang naiisip ni Summer ngayon.

"Huy, ano? Makikipag-titigan ka na lang ba dyan sa manok o baka naman may balak kang kainin na yan?" Tanong ni Clyde.

"Eh kung kumain ka lang kaya dyan at wag mo na akong pakelaman?" Simula kaya nung dumating ang order nila, di man lang hinawakan ang ni Clyde ni isang pagkain dito.

Sunod namang pinag-initan ng mata ni Summer ang spaghetti na sobrang nakakatakam talaga tignan. First time niya lang makakita ng ganito kaya naman na-curious siya kung ano ang magiging lasa nito.

At dahil nga first time niya lang, wala rin siyang idea kung paano gumamit ng kutsara't tinidor—at kung kailan ito dapat gamitin. Kaya naman, isa lang ang naisip niyang paraan para makakain. Ang magkamay.

Opo, tama kayo. Kinakamay ni Summer ang spaghetti ngayon. Eh wala na siyang choice eh. Tsaka nagugutom na rin siya.

"Psst, hoy!" Sabi ni Clyde sabay palo sa kamay na ginagamit na pangsubo ni Summer.

"Ano nanaman?!"

"Wag mo ngang kamayin yan! Pinagtitinginan ka na ng mga tao oh!"

Tumingin siya sa kanyang paligid. "So?"

"Anong So-So ka dyan?? Ang sped mo talaga!"

"Sped? Ano yun? 'Maganda' yung ibig-sabihin nun noh?" mapang-asar na sabi ni Summer kay Clyde.

Napa-facepalm naman ang kasama niya at sinabing, "Argh! Pumunta ka muna dun sa Cr at maghugas ka ng kamay mo!"

Napilitang tumayo si Summer sa kanyang kinauupuan at doon niya lang napansin na ang mga tao pala ay talagang nakatingin sa kanya.

"PASENSYA NAMAN KUNG KINAKAMAY KO YUNG SPAGHETTI HA? PILIPINO LANG NAMAN KASI AKO." Sigaw niya sa lahat ng taong nakatingin sa kanya. "Sundutin ko mga mata niyo eh." Kung pakapalan talaga ng mukha ang labanan, si Summer na ang panalo!

Habang naglalakad si Summer at hinahanap ang CR, may napansin siyang pintuan at isa lang ang unang pumasok sa kanyang isipan—ito ang CR ng girls, kaya doon siya pupunta.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Summer nang buksan niya ang pinto. Hulaan niyo kung bakit? Joke lang, wag niyo na hulaan, wala nang time. Laking-gulat ni Summer nang binuksan niya ang pinto ng CR at puro lalaki ang nasa loob nito. Boy's CR ang pinasukan niya ftw!

Nag-freeze muna siya sandali at hinihintay na mag sink-in sa utak niya ang lahat ng nakikita niya ngayon. Kaya pagkatapos ng ilang segundo, bigla niyang isinara ang pinto at hindi alam kung ano ang gagawin kaya napasandal nalang siya sa pinto ng CR habang iniisip pa rin ang mga nangyari.

Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Wala akong nakita, wala akong nakita, wala akong nakita. Paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang sarili.

"Aray!" bigla siyang natumba nang may bumukas sa pintong sinasandalan niya at nahulog siya. "Sorry po!" para siyang si Sisa dahil baliw siya at hindi niya na alam kung ano ang gagawin niya sa sarili niya. Pero nang medyo kumalma na siya, nahanap niya na rin ang CR at nakapaghugas na ng kamay.

"O ayan. Malinis na kamay ko. Baka naman pwede ko nang ipagpatuloy ang paglamon ko?" sabi ni Summer nang makabalik na kay Clyde.

"Hindi muna."

"Bakit nanaman?!"

"Hindi ka pa nga marunong gumamit ng tinidor eh, diba?"

"Eh ano ngayon?"

"Kaya tuturuan muna kita."

"Hay nako. Sige na nga!" sobrang naatat na siyang kumain kaya naman kahit labag sa kalooban niya, kailangan niya pa ring matutunan ang paggamit ng kutsara't tinidor.



***

My Probinsyana Girl is now a published book under Life is Beautiful (LIB) for only 129.75 PhP.

It will be available soon on different bookstores nationwide.

Visit my Facebook page for more updates and info:

http://facebook.com/pajibarstories (External Link)

Please do grab a copy and keep supporting!

Thank you so much!

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 6.7K 7
Arrange Marriage #1 Skyler Takagi is a half filipino/half japanese guy, Jenny Ahbighael Lee's childhood friend and ultimate crush. Skyler Takagi is t...
131K 528 154
complete story Tagalog / English
15.3K 262 183
Bible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verse...
2.5M 56.2K 47
PLEASE READ FIRST THE BOOK-1 BEFORE THIS. Thank you so much... Si Andy guwapo pa rin na hindi pa rin gago. At ngayon daddy na sa triplets niyang...