Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

By PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... More

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 60

3.8K 80 3
By PollyNomial

KABANATA 60 — Usap                            

“Talaga, Zac?” Hindi pa rin ako makapaniwalang sinabi ni Zac na tutulungan niya ako.

Oo, at mabuting kaibigan si Zac pero sa tingin ko ay sobra na ito. Sa buong buhay kong kasama ko siya, wala na siyang ibang ginawa kundi manatili sa tabi ko sa tuwing nagkakaproblema ako. Ang balikat niya ang nasasandalan ko at kahit na pinakamaliit na problema, hindi pa rin niya ako iniwan.

Hindi ko matanggap at masuklian ang pag-ibig niya pero handa pa rin siyang tulungan ako para sa pag-ibig ko sa totoong mahal ko. I have proved that he is really a good and loyal friend to me. At nag-iisa lang si Zachary Dame Morris sa buhay kong ito.

“Ella, yes. Talaga. At gusto kong bumawi sa kasalanan ko.” Iniwas niya ang mga mata pagkasabi noon.

What is he talking about? Nag-isip ako ng kasalanan sa akin ni Zac. Bakit niya kailangang bumawi?

“Kasalanan?” tanong ko. Mas lalo siyang hindi makatingin sa akin. Hinuli ko ang malilikot niyang mga mata.

“Yes, Ella.” Humina ang boses niya at parang nahiya siya. “Kasalanan. To you and Vincent.”

Saka pumasok sa isip ko ang nabanggit ni Vincent na matagal na niyang kilala si Zac. Ang pagkukuntsaba nila ni Terrence upang tuluyan na akong hindi bumalik kay Vincent. Bumuntong hininga ako at ngayon pa lang, napatawad ko na ang kaibigan ko.

“Oh...” Utas ko. “Alam ko na 'yon. And I’ve already forgiven you, Zac. Hindi mo naman iyon sinasadya. And I understand why you did that. You’re just so willing to protect me that you would do anything for me.”

Napatingin siya sa akin at tinitigan niya ang mga mata ko. Tila naghahanap siya ng sagot kung tama o mali ba ang narinig at kung seryoso ba akong napatawad ko na siya.

“But I badly need you help right now. So, tatanggapin ko pa rin ang offer mong pagbawi sa akin.” Ngumiti ako sa kanya at ganoon din siya.

Nabuga ko ang malakas na hangin mula sa bibig sa gulat sa pagyakap niya sa akin.

“I’m sorry, Ella. This time, I won’t do anything stupid anymore. Tutulong ako sa inyong dalawa ni Vincent. Kahit ayoko pa ring aminin sa sarili ko 'to, I still believe that he’s the better man for you and not me or anyone else. All I wanted is for you to be happy.” Hinawakan ng isang kamay niya ang balikat ko at ang isa naman ay hinawi ang ilang hibla ng buhok na humarang sa mukha ko. “At kung si Vincent ang magpapasaya sa’yo, tutulong ako 'wag lang siyang malayo sa’yo.”

Pinag-usapan namin ni Zac ang naiisip kong plano para rito. Nakwento niyang nang tawagan siya ni Mommy ay pinipilit siya nitong paibigin ako. Whatever it takes. Hindi sinagot ni Zac ang kagustuhan ni Mommy. Hindi siya um-oo at hindi rin naman umayaw. So we still have a chance to trick her.

“Sasakyan natin si Mommy, Zac.” Kumunot ang noo ni Zac sa sinabi ko. “I know this may sound stupid pero ito lang ang naiisip kong dapat na munang gawin natin sa ngayon.”

Halata ang pag-iisip ni Zac sa plano ko. Nakikita kong hindi siya sang-ayon. Ngunit nakikita ko ring nais niya akong pakinggan.

“So what do you want us to do? Tell me your exact plan, Ella.” Inayos ni Zac ang kanyang upo at binigay ang buong atensyon sa akin.

Sinabi ko sa kanya ang nabubuong plano sa isip ko. Magkukunyari kami ni Zac na parating magkasama at ginagawa ang gusto niya. Kunyari ay ibabaling ko ang atensyon ko sa kanya pero hindi talaga. At ganun din ang gagawin ni Zac. Ipapakita niya kay Mommy na pinapaibig niya ako para makuha ako kay Vincent.

Sa ngayon, ito pa lang ang pwede kong gawin. Kailangan kong sakyan ang mga gusto ni Mommy. Doon lang siya titigil kapag nalaman niyang sumusunod ako sa mga gusto niya. This is hard but I have to try. Maaaring hindi siya maniwala kaya sisikapin ko upang makuha ang tiwala niya. Pero ipapaalam ko ang lahat ng ito kay Vincent para naman hindi siya magugulat sa gagawin ko.

“You think this will work?” tanong niya. Halatang may duda si Zac. Ako rin naman ay mayroon. Pero kailangan kong sumugal at subukan.

“Yes, Zac. At least I hope this will work.” Ito na lang ang mayroon ako. Pag-asa.

Mahirap kalaban si Mommy lalo na kung pursigido siya. Kahapon ng umaga, tuwang tuwa pa siya sa amin ni Vincent. Excited pa siya sa pagpaplano ng kasal namin. Pero dahil sa nalaman niyang problema ng pamilya nila, inayawan niya ito. At kapag umayaw si Mommy sa isang bagay, mahirap nang ibalik ang pagkakagusto niya rito.

“You’re mother is waiting for me downstairs.”

 

“What?” nagulat ako sa sinabi niya. Ang buong akala ko ay wala ang nanay ko rito sa bahay.

“Yes, Ella. And she’s still waiting for my answer. I told her that I’ll talk to you first. That’s why I’m here.” Aniya.

Napabuntong hininga ako sa frustration. Hindi pa man tuluyang nagsisimula si Mommy sa pagmamanipula niya sa akin ay nawawalan na ako ng pag-asa para sa kanya. Hindi na talaga siya magbabago. Akala ko pa naman ay tuluyan na niya akong pinalaya mula sa mga kamay niya. Hindi pa rin pala. At ang masama  at mas masakit pa, kakampi niya si Daddy sa lahat ng ito.  

Pumalatak ako. “Wala nang pag-asang magbago si Mommy, Zac. You know what I’ve been through because of her. Palagi na lang niya 'tong ginagawa sa akin.” Ang totoo ay mas nangingibabaw ang lungkot ko at hindi ang galit sa aking ina. Nalulungkot ako dahil hindi niya ako kayang suportahan sa mga bagay na ikasasaya ako. Mas pipilitin pa niyang ang mga gusto niya para sa akin ang masunod.

“Don’t lose hope, Ella. I know she loves you and in time, she will understand you. For now, kailangan muna kitang maalis dito sa bahay niyo.” Nakuha ng mga sinabi niya ang atensyon ko.

Nagtatanong ang mga mata ko nang tingnan ko si Zac.

“Itatakas mo ako?” nanlalaki ang mga matang tanong ko. Agad na hinanap ng mga mata ko kung nasaan ang pinakamaliit na maleta ko kung saan ko pwedeng ilagay ang mga damit na dadalhin ko. Ito ang una kong naisip. Kailangan, kung itatakas ako ni Zac dito, hindi mahahalata kahit ng mga katulong.

Tumaas ang gilid ng labi ni Zac. Nagtuloy tuloy iyon sa isang ngisi kasabay ng pag-iling. “No, Ella. Ipapaalam kita. I’m sure kahit hindi pa naman ako ganoon kakilala ng Mommy mo, papayag siya.” Bagsak ang balikat ko sa sinabi niya.

What am I thinking? Bakit naman ako itatakas ni Zac? Para dalhin ako kay Vincent at upang makapagtanan na kami? Umiling ako sa sa sarili.

Binasa ko ang nanunuyot kong labi at tumango. “I like that.” Kahit hindi naman talaga. Mas gusto ko ang namuong kahibangan sa isip ko. “Kailangan ko rin kasing kausapin si Vincent tungkol dito. Sasabihin ko sa kanya ang biglaang pag-ayaw ni Mommy sa relasyon namin.”

Umiling si Zac at inabot niya ang kamay ko. Hinawakan niya iyon. “I’m sorry, Ella. You don’t deserve to go through this. Ang dapat sa’yo, palaging masaya at hindi 'yong puno ng problema.” Tinamaan ako sa sinabi ni Zac.

Biglang may kumurot sa puso ko at napagtanto kong tama siya. Ano nga bang nagawa kong masama at pinagdadaanan ko ito? Nagmahal lang naman ako. Masama na ba iyon?

“But that’s life, Zac. You go through challenges at nasa sa’yo 'yon kung paano mo malalagpasan ang lahat. If you’re willing to fight or just give up. At sa puntong ito, hindi ako susuko, Zac. 'Yan ang natutunan ko nang minsan na akong malayo kay Vincent. It’s really hard and painful. I don’t wanna go through that again. I’ll fight whatever it takes.” Hindi ko lang ito sinasabi kay Zac kundi pati na rin sa sarili ko. I should not give up. Pinangako ko na ito kay Vincent and I will never break my promise to him.

Iniwan ako ni Zac sa aking kwarto. Ang sabi niya, kakausapin niya si Mommy at ipapaalam ako habang ako naman ay nagbibihis.

Pababa ako ng hagdanan at nasalubong ko kaagad ang mga mata ni Mommy’ng blanko sa emosyon. Hindi ko naitago ang tampo ko sa kanya. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga salitang binitawan niya sa akin kagabi. Wala akong sinabing anumang salita nang maglakad ako at tumabi kay Zac.

Sa kabilang banda ng aking utak, mas mabuti ang ganitong hindi ko siya kakausapin. Sana lang sa ganitong paraan, ma-realize niya ang mga ginagawa niya at mapagtanto niyang hindi masaya ang anak niya.

Hinawakan ni Zac ang kamay ko sa kanyang gilid. Pinagmasdan ni Mommy ang kanyang ginawa at bahagyang tumaas ang gilid ng kanyang labi.

“We’ll leave, Tita. I’ll take Ella home before the sun gets down.” Sambit niya na tinanguan ng aking ina. Wala na siyang ibang sinabi at tumalikod na kami ni Zac.

Hindi manlang ba siya nagtaka sa pananahimik ko? Hindi ba siya nag-alala? Ano pa nga bang bago? Ganoon naman talaga si Mommy.

Agad kong tinext si Vincent nang nasa kotse na ako ni Zac. Tinatahak namin ang ang daan palabas ng subdivision.

Ako:

Vincent, we need to talk. We have a problem.

Hindi pa nakakalipas ang ilang segundo ay umilaw na ang cellphone ko sa reply niya.

Vincent:

What is it, Mika? Okay, san tayo magkikita?

Naramdaman ko ang pag-aalala niya. Bigla bigla ang paninisi ko sa sarili ko. May mga sariling problema ngayon si Vincent at imbes na matulungan ko siya, makakadagdag pa ako rito.

Ako:

Pwede bang sa condo mo na lang? Kasama ko si Zac.

Vincent:

Why are you with that guy? Iyan ba ang problema natin, Mika?

Tiningnan ko si Zac na busy sa pagda-drive.

Ako:

No, Vincent. Si Mommy. Sasabihin ko sa’yo kapag nagkita na tayo.

Vincent:

I’m on my way to my condo. Hinatid ko lang si Carrive. I’ll wait for you there.

Hindi na ako nag-reply sa huling text niya. Binalingan ko si Zac upang sabihin na sa condo kami ni Vincent pupunta.

“Zac, alam mo ba ang Light Condominium?” tanong ko.

“I think so?” Kinuha niya sa dashboard ang kanyang iphone at may kinapa roon. Nakita ko ang isang map at tinype ni Zac ang pangalan ng building na sinabi ko. “Malapit lang pala. Doon ba tayo?” tanong niya.

“Yes. Kay Vincent 'yon. Doon kami mag-uusap.” Tumango si Zac at saka mabilis nag-drive patungo sa condo ni Vincent.

Dahil exclusive lang para sa mga resident ng condo ang car park ng building ay sa parking sa tapat ng isang restaurant tumigil si Zac. Kinausap niya ang guard dito at nagbayad dito para hayaan siyang mag-park kahit hindi naman doon ang punta namin.

Tumawid kami ng kalsada at pumasok ng building. Agad kong nakita si Vincent na pasakay ng elevator.

“Vincent!” tawag ko sa kanya. Lumingon siya at agad na sumilay ang iba’t ibang emosyon sa kanyang mata.

“Mika!” tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako. Narinig ko ang malalalim na hugot niya ng hininga habang mahigpit akong kapit ng braso niya.

“Kumusta? Si Carrive?” tanong ko kaagad. Puyat ang mukha ni Vincent. Naka-simpleng white t-shirt lang siya at hindi nakaayos ang buhok. Nakita ko rin ang eyebag sa ilalim ng kanyang mga mata.

“Not okay. Nang malaman kanina ni Mama na sa bahay siya natulog, nagalit siya. Nakakagalit si Mama. She should not act that way lalo na sa harap ni Carrive. Mato-trauma ang kapatid ko, e.” sabi ni Vincent habang nilalamukos ang kanyang buhok.

“Magiging okay rin ang lahat. Don’t worry too much, Vincent.” Na-guilty ako at parang gusto kong umatras sa gagawin ko. Nagdadalawang isip na tuloy akong ipaalam sa kanya ang tungkol sa sitwasyon ko ngayon.

Tiningnan niya ako na tila kumukuha ng lakas sa mga mata ko. Malalalim ang mga mata niya at halata na ang pagod doon. Hinaplos niya ang pisngi ko.

“Now, I’m not worried. Nasa tabi na kasi kita.” Ngumiti siya at umabot iyon sa kanyang mga mata. Hinanda ko ang aking sarili nang lumalapit pababa ang kanyang mukha sa akin.

Papikit na ako nang may narinig akong tikhim sa likod. Huminto si Vincent at lumipat ang kanyang mga mata sa tumikhim. Lumayo siya sa akin.

“May kasama ka.” Pahayag niya. Nilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa at hinarap si Zac.

“S-si Zac, Vincent.”

 

“Alam ko.” naramdaman ko ang tensyon kay Vincent kaya naman kinuha ko ang kamay niya at hinawakan iyon.

Ngumiwi ako kay Zac na walang ibang ekspresyon sa mukha.

“Tutulungan niya tayo, Vincent. Sabi ko sa’yo may problema 'di ba? Zac’s here to help.” Pagkasabi ko noon ay agad na lumipat ang tingin sa akin ni Vincent. Kinuha niya ang isa ko pang kamay at tiningnan niya ng maigi ang aking mga mata.

Inunahan ko siyang magsalita. “Doon na lang tayo mag-usap sa unit mo.” Sabi ko matapos ay kay Zac naman bumaling. “Zac, pwede bang dito ka na muna? Tatawag ako sa’yo kapag tapos na kaming mag-usap.”

 

Walang reklamo si Zac. Tumango siya. “Alright, Ella. Hihintayin kita. Remember, I’ll be the one to take you home.” Pagkasabi niya noon ay tumalikod siya at tumungo sa mga couch ng lobby. 

Continue Reading

You'll Also Like

155K 2.5K 42
What hurts the most? Unrequited love or falling out of love?
175K 2.4K 65
Coleen Andrea Salazar knew that spending the night with that stranger was a mistake. It was a stupid move to get drunk and even more stupid to give i...
Persevered Hearts By K.

General Fiction

1.6M 34K 72
Victoria "Tori" Fontanilla used to be Rath's everything. Seven years ago, she left without saying a word. Seven years had changed Tori, but Rath did...
30M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...