Lipstick Lullaby

By RainbowColoredMind

25.2M 743K 350K

Miguel Imperial-Cordova's whole life revolves around perfection. He has the perfect family, the perfect caree... More

Saskia
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty - Final Chapter
Epilogue
Cordova Brothers Bundle (Self-publishing details)

Chapter Forty Seven

440K 13.7K 2.7K
By RainbowColoredMind

SASKIA

"Hi, Hazel. Kumusta ka na?" Pinilit kong ngumiti. Naramdaman ko ang pagpisil ng kamay ni Migs na nakahawak sa baywang ko na tila ba sinasabi sa akin na wala akong dapat ipag-alala.

"I am doing well. You have such beautiful girls, Saskia." Sandaling tumingin si Hazel sa kambal na abala na pinakikialaman ang gamit ng ama nila na nasa mesa. 

"S-salamat." Sagot ko.

Napalunok ako na tila ba nanunuyo ang lalamunan sa sinabi niya. Siguro maganda din ang anak nila ni Migs kung nagkaroon sila. Ako ang nanghihinayang para sa kanila. Ang daming paano ang tumatakbo sa isip ko. Mas bagay naman talaga si Hazel at Migs. Hindi ko mapagkakaila iyon nang makita ko silang magkasama sa kwartong ito kanina. Mas maganda silang tignan kasama ng kambal namin. Siya yung tipo ng babaeng ipagmamalaki talaga ng isang lalaki, lalong-lalo na ang katulad ni Migs.

"Ikaw? Kumusta ka na, Saskia?" Ngumiti siya sa akin. "It's been so many years..."

"Okay naman." Matipid na sagot ko.

"She's in her last year in college now. Can you believe that, Hazel? She's raising our Tintin and at the same time going to college?" Para siyang tatay na ipinagmamalaki ang anak niya. 

"I am so, so happy for you, Saskia. Nagulat ako nang malaman ko ang tungkol kay Tintin. Migs wouldn't stop talking about her. Hindi pa nga ako ganon naniwala until I saw her today." Kumawala ang mahinhin na tawa mula sa kanya. "I really want to catch up with you two and the twins but I'm running late. Nasa baba na ang sundo ko. It's been great seeing you and Tintin."

Pakiramdam ko nahipan na ng masamang hangin ang mukha ko at tila ba may bumanat nito at nilagyan ng mighty bond ang magkabilang sulok ng mga labi ko para pilitin akong ngumiti. Nakakangawit din palang magpilit ng ngiti. 

"Masaya din akong makita ka. Ang ganda-ganda mo pa rin." Sabi ko sa kanya.

Tumawa siya. "Ikaw din naman. Sa'yo nag-mana ang mga babies mo."

"Hey, what are you trying to say?" Sabi naman ni Migs.

"Kay Saskia naman talaga nila namana ang ganda nila. They only had your blonde hair." 

"They indeed have their mothers beauty but you can't deny the fact that they look like me." Pagmamalaki ni Migs.

Pagkatapos ng maikling pag-uusap ay nagpaalam na si Hazel kay Savi at ganon din kay Tintin. Nakikita ko kung gaano kalapit sa kanya si Savi. Nandoon si Hazel at nasubaybayan niyang lumaki si Savi, bagay na hindi ko nagawa. 

"Well, I'll see you around." Sabi niya nang muling humarap sa akin at bumeso siya sa akin. "We'll do a lot of catching up the next time we see each other again." Pagkatapos ay nag-beso din sila ni Migs at naglakad na siya palabas nang silid na iyon dala ang bag at binder. 

"Ang bango naman ng dala mo. Amoy na amoy ko na." Malapad ang ngiting sabi ni Migs. "Let's see what you got there. I'm already starving."

"Sabi mo kailangan ka ni Coco dito sa opisina. Bakit iba ang kasama mo?" Malamig ang tonong sabi ko.

"Nagseselos na naman ang Mommy." Ngumisi si Migs at ikinulong ang baywang ko sa mga bisig niya. "There's nothing to be jealous of, Saskia. Masaya na si Hazel sa buhay niya at masaya na din ako sa inyo. This is just pure business. We've had a meeting earlier with the board and we decided to stay for a bit to talk about the machines that will be imported for the hydroelectric power plant. Magpartner kasi ang kumpanya namin sa paggawa ng project na iyon."

Para naman may maiintindihan ako sa sinasabi niya. Wala naman akong alam sa mga project na yan. Hindi naman ako kasing talino ni Hazel. Pinili ko na lang na manahimik. 


Kahit ano'ng gawin ko hindi ko matanggal sa isip ko ang pagkikita namin iyon ni Hazel. Hindi mapigilan maglaro sa utak ko ang mga  tanong. Mahal ba talaga ako ni Migs? May nararamdaman pa rin kaya siya kay Hazel? Sumagi ba sa isip niya kung ano kayang buhay ang meron sila kung nagkatuluyan silang dalawa?

"Saskia, can we talk?" Hinatak ako pabalik sa realidad nang marinig ang boses ni Neil. Nakaupo ako sa labas ng eskwelahan at naghihintay na sa sundo ko. Buong araw ako nag-encode ng mga data ng mga estudyanteng nag-eenroll at ngayon na lang ulit kami nagkaharap.

"Neil." Napalingon ako sa kanya. "May kailangan ka?"

"Gusto lang kitang makausap tungkol sa nangyari. Sorry sa nagawa ko noong nakaraang linggo. Ayaw kong isipin mo na sinasamantala ko ang pagiging magkaibigan natin."

"Alam ko naman na hindi ka ganong klaseng tao. Kalimutan na natin iyon, Neil." Nagbaba ako ng tingin.

"Magkaibigan pa rin naman tayo, hindi ba?" Tanong niya.

Muli akong nag-angat ng tingin sa kanya at ngumiti. "Oo naman. Ang laki ng naitulong mo sa amin. Kung hindi dahil sa'yo, hindi ko makikita si Savi at hindi makikilala ni Tintin ang ama niya."

"Kumusta naman kayo ng ama ng kambal?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam, Neil."

Kumunot ang noo niya. "Akala ko nagkabalikan na kayo."

"Hindi. Nanliligaw pa lang siya." Wala sa sariling sabi ko.

"Nanliligaw sa'yo ang tatay ng anak mo?" Natawa si Neil.

"Bakit? Ano'ng nakakatawa dun? Paghirapan niya naman ako, no? Porque ba hindi ako kasing ganda at talino ni Hazel." Tumulis ang nguso.

"Sino naman si Hazel?" 

"Yung ex ni Migs na business partner niya ngayon." 

"Why did I even bring you here? Masaya ako kasi nakita mo ang kambal ni Tintin at nakilala ni Tintin si Migs pero tahimik sana ang buhay mo ngayon kung nasa Sto. Antonio ka." May mapait na ngiting sumilay sa labi niya. "You're not hard to love, Saskia. Falling in love with you is the easiest thing a man could ever do."

"Ikaw talaga, Neil." Nahihiyang sabi ko. 

"Siguro naman nararamdaman mo rin na may gusto ako sa'yo noon pa." Nagpakawala siya ng malalim na hininga. " Hindi ka lang maganda, maabilidad ka rin at talagang pinahahalagahan mo ang edukasyon. Hindi ikaw ang pinili kong dalhin dito sa Maynila dahil lang may gusto ako sa'yo. Naniniwala talaga ako sa kakayahan mo, Saskia."

"Salamat." Muling sumilay ang ngiti sa mga labi ko.

"Okay lang ba?" Naglabas si Neil ng isang stick ng sigarilyo mula sa bulsa niya.

"Okay lang." Sagot ko.

Inipit niya ang stick sa pagitan ng mga labi at sinindihan iyon. Humithit siya at pagkatapos ay ibinuga ang usok. "I've been wanting to settle down. Hindi naman kasi na ako bumabata. Gusto ko din magkaroon ng pamilya balang-araw, ng mga anak. I saw you and Tintin as an instant family. Siguro iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit attracted ako sa'yo."

"Neil, balang-araw alam kong makakahanap ka rin ng babaeng para talaga sa'yo. Pag nangyari yun, imbitahan mo ko sa kasal niyo, ha? Saka dapat Ninang ako ng magiging baby niyo." 

"Oo ba. Basta iimbitahan mo din ako sa kasal niyo ni Migs." Sabi niya.

Natawa ako sa sinabi niya. Mangyayari naman kaya yun? Hindi ko makita ang sarili kong ikakasal sa isang Miguel Cordova. Isa iyon sa mga pangarap ko na alam kong hanggang sa panaginip lang matutupad. 

"Pa hits nga. Matagal na din akong hindi nakakapag-yosi." Sabi ko na lang sa kanya. 

"Nagsisigarilyo ka pala." Sabi niya bago ibinuga ang usok at inabot sa akin ang stick.

"Huling hawak ko nito nagtatrabaho pa ako sa club. Di ko pa alam na buntis ako sa unang baby namin." Sabi ko at kinuha ko iyon mula sa kanya. Hinithit ko ang iyon at hinayaan ang usok na pumasok sa baga ko. Ngayon lang naman ito, naiistress kasi ako kakaisip kay Hazel at Migs.

"Hey." Biglang sabi ng isang baritong boses. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Migs na palapit sa amin, nakabulsa ang magkabilang kamay at walang kangiti-ngiti sa labi. 

Binuga ko ang usok at ibinalik kay Neil ang yosi bago tumayo. "Migs."

"Ready to go?" Tanong niya.

Tahimik na tumango lang ako at lumingon kay Neil. "Neil, aalis na ko." 

"See you tomorrow." Sabi ni Neil.

Sumunod ako kay Migs papunta sa kotse niya at walang sabing pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Sumakay naman ako sa kotse at umikot siya sa driver's side at sumakay na din. 

"Nasaan ang kambal?" Kunot noong tanong ko. Ang usapan kasi namin papayag lang akong sunduin niya basta kasama ang mga bata.

"Nagpaiwan sila." Malamig ang tonong sabi niya habang sinisimulan ang makina ng kotse. "Naisip kong magandang pagkakataon ito para makapag-usap tayo. But it seems like you're enjoying someone else's company."

"Ano bang pinagsasabi mo dyan?" Umismid ako.

"You must think that I'm just an aging, boring businessman and Neil's the young, cool, and dashing professor." Tumaas ang isang sulok ng labi ni Migs habang ang mga mata ay nakapako pa rin sa kalsada sa harap namin. "Tell me, mag gusto ka na ba sa Neil na iyon?"

"Ano bang pakialam-" Nagulat ako nang ihinto ni Migs ang kotse sa tabi ng kalsada. 

Binuksan niya ang bintana at tinawag ang isang takatak boy. Mabilis naman lumapit ang binatilyo sa kanya. "One cig, please."

"Ano ang yosi mo, sir?" Tanong nito.

"Kahit ano d'yan." Sabi niya na parang hindi sigurado. Inabutan siya nito ng isang stick at binayaran niya ang binatilyo.

"Ano ba yang ginagawa mo, Migs?" Nalilitong tanong ko.

"I can be as cool as him." Sabi niya habang sinisindihan ang sigarilyo. Hinithit niya iyon at imbes na ibuga ang usok ay inubo niya iyon palabas. 

"Para ka nang tanga. Akin na nga yan." Inagaw ko sa kanya iyon at ibinato sa labas. "Ano bang nginingitngit mo d'yan? Ano bang pinaglalaban mo?"

"I saw you share a cigarette with him. And you were laughing with him... you seem so happy together." Parang nanghihinang napasandal ito sa kinauupuan niya. "I hardly even see you smile when you're with me."

Syempre, kaya nga nagpapakipot, di ba?

"Shit! Saskia, nagseselos ako. Nagseselos ako kasi may ibang nagpapangiti at nagpapatawa sa'yo. That's supposed to be my job! Ako dapat ang nagpapasaya sa'yo! But... but I can't, can I? All I ever do was hurt you..." 

Bigla na lang nagtubig ang mga mata ko sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.

"Bakit hindi mo ko hinanap, Migs?" Sumabog na ang tanong na naglalaro sa isip ko mula nang makita ko siyang kasama si Hazel kahapon. "Sa loob ng mahigit anim na taon na magkalayo tayo, hindi ba sumagi sa isip mo na hanapin kami ni Tintin? O naisip mo ba kung kumusta na ang buhay ko? Kung buhay pa nga ba ako..."

"Saskia..." Hahawakan niya sana ang mukha ko pero mabilis akong umiwas. Lumamlam ang mga mata niya at namula ang mga ito sa pagpipigil ng mga luha. "I did... I thought about you a lot. Palagi kong iniisip yung buhay na meron sana tayo kasama ang anak natin."

"Eh, bakit ganon? Bakit wala kang ginawa?" Tuluyan na akong napahagulgol. "Bakit pakiramdam ko mahal mo lang ako kapag convenient sa'yo? Noong kailangan na kailangan kita, wala ka sa tabi ko. Bakit ba ang dali sa'yong sukuan ako? Dahil ba nadampot mo lang ako sa stag party mo? Dahil ba wala akong pinag-aralan? Dahil ba hindi ako kasing edukada at talino ni Hazel? Dahil ba hindi mo ako kayang maipagmalaki sa ibang tao bilang ina ng anak mo katulad ni Hazel?"

"No, please don't think that, Saskia." Sunod-sunod siyang napailing. Ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya at pinunasan ng hintuturo niya ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko. 

"Mahal mo ba talaga ako o napasubo ka na lang? Kung hindi ba nabuo si baby Migs, kung walang Savi at Tintin mamahalin mo pa rin ba ako?" Humihikbing tanong ko sa kanya.

"With or without the children, I will still love you." Sabi niya sa akin.

"Sinungaling. Kung wala sila, eh di sana masaya na kayo ni Hazel ngayon. Ang ganda siguro ng pamilya niyo. Siguro may mga anak na kayo."

Umiling si Migs. "If we were to marry, it would have been a miserable marriage. I could never be as happy with her or any other woman as I am with you. Mahal kita, Saskia. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. You liberated me from everything that kept me from becoming the real me."

"Sinasabi mo lang yan. Kung mahal mo talaga ako hindi mo hahayaan na magkahiwalay tayo ng ganito katagal, hindi mo hahayaan na umalis ako, dapat nasa tabi kita noon noong nagbubuntis ako, hindi mo hahayaan lumaki si Savi ng walang ina, hindi mo hahayaan na umiyak ako gabi-gabi dahil sa'yo. Hindi ba pareho lang naman kami ni Hazel na may kasalanan sa'yo? Bakit nandyan pa rin siya sa buhay mo? Bakit kinalimutan mo ako? Kung hindi mo pa nalaman ang tungkol kay Tintin, wala ka ng pakialam sa akin."

Nagbaba siya ng tingin at maya-maya ay pumatak ang butil ng mga luha sa mga mata niya. "I... I was hurt. Mas nasaktan ako sa ginawa. I didn't love Hazel as much as I love you. Mas malalim ang pagmamahal ko sa'yo kaya mas malalim ang sugat na iniwan mo noong umalis ka. I'm sorry, Saskia. Patawarin mo ko sa lahat ng maling akala ko, sa lahat ng pag-aalinlangan ko, sa pagkwestyon ko sa pagmamahal mo sa akin. I'm sorry for thinking the worst of you. I know you deserve better than you but I'm trying my very best and I love you too much to let you go again. I made a mistake of letting you go years ago and I promised myself I would never make the same mistake again. Even if it takes a lifetime for you to forgive me, maghihintay ako."

Hinalikan niya ako habang tuluyan pa rin ang pagtulo ng mga luha sa mga mata namin. Hinalikan niya ko na tila ba tinutugunan ang mga panahon na wala siya sa tabi ko. 

Continue Reading

You'll Also Like

33.9M 671K 49
Published Under Summit Media (Pop Fiction) Are you prepared to fight for your own feelings for someone even though you know you can't? #BSS2
4.5K 354 22
MATURED CONTENT (R-18) A rich, self-sabotaging, rebel, has been Kiel's alias for years. And he liked it. He loved that people feared him. It makes hi...
100K 3K 7
This is where I belong, in the sidelines, as the bridesmaid.
9.1K 1K 35
Shadows are only created when there is a source of light. And so Bernadette Wood was the only source of her own bliss. She everything relishes afore...