Shadow Lady

De Sweetmagnolia

431K 15.2K 1.8K

Unknown to humanity, there are two kinds of secret society inhabiting this modern world, both possess abiliti... Mais

Shadow Lady
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 25

4.1K 261 24
De Sweetmagnolia

Kung nawalan ng tiwala sa kanya si Krishna ay ganun din ang naramdaman ni Amerie sa dalagang Extremus dahil sa ginawa nito kay Rosendal. Kahit nakialam na si Hector ay nanatiling bukas ang telekinesis at telepathy niya kay Krishna.  Babantayan niya bago pa man ulit ito makagawa ng hindi niya magugustuhan. Nalulungkot lamang siya na hindi pa man lumalalim ang pagkakaibigan nila ay agad na itong naputol.

Nakikita niya sa isipan na dinala ito ni Hector sa isang abandonado at sira-sirang gazebo. Malayo sa pinag-eensayuhan ng mga Gadians at malapit na sa masukal na kagubatan. Samantala sa kanyang kinaroroonan naman ay nagkagulo ang mga nakasaksing Delica. Si Rosendal ay takang taka sa nangyari.

"Ate Amerie bakit huminto yung sanga sa hangin? Sino kayang Gadian ang naglitas sa akin?" Huminto ito at nag-isip."Pero parang wala namang Gadian ang may ganoong kapangyarihan," dugtong nito.

May mabuting hatid din naman ang pagiging lampa niya sa kanilang pagsasanay. Wala ni isa man sa mga Delica ang naghinala sa kanya.

"Hindi ba ikaw ang may gawa nun?" kunway ika niya sa dalagita.

"Hindi ako!" madiing tanggi ni Rosendal."Paano ko naman magagawa ang ganung bagay?"

"Di ba may kapangyarihan ka sa mga halaman? Akala ko ikaw ang nagpahinto dun."

Kumunot ang noo ni Rosendal. Nag-isip na baka siya nga. Pagkuway umiling. "Hindi talaga ako. Kaya kong magpagalaw ng buhay na halaman. Magpatubo at utusan itong lumaki. Pero hindi ko pa naranasang magpalutang ng sanga lalo't nakahiwalay na ito sa puno. Nablangko nga ang isip ko kanina at di ko nagawang gamitin ang aking kapangyarihan."

"Baka naman may ganun kang abilidad hindi mo lang alam pero dahil sobrang nagulat ka kanina kaya kusa itong lumabas," namimilog ang mga matang wika ni Amerie at kunway pinapaniwala ang kausap.

"Oo nga no may punto ka dun. Baka nga may ganun akong kakayahan!" Biglang natuwa si Rosendal pero ilang sandali lang ay muli siyang nalito. "Pero yung nangyari sa roblades bakit bigla yung lumipad patungo kay Ate Krishna? Ako rin ba ang may gawa nun?" inosenteng tanong nito.

Kumibit ng mga balikat si Amerie. "Baka. O kaya baka naman ang mga ninuno mo ang may gawa nun. Siguro pinoprotektahan ka lang sa panganib."

"Sa palagay mo?" biglang tuwang sagot ng bata subalit muling nalungkot nang maisip ang nangyari. "Bakit kaya hinagis ni Ate Krishna yung roblades niya?"

"Sa tingin ko di niya yun sinasadya. Nilalaro-laro niya kasi yun. Nagkamali lang siguro siya kaya naihagis niya nang malakas."

"Parang ang hirap paniwalaan na ang isang extremus ay magkakamali sa sarili niyang armas."

"Huwag ka nang masyasong mag-isip nang malalim. Aksidente lang yung nangyari," haplos niya sa buhok ni Rosendal.

Sinamaan siya nang tingin ng kausap. "Bakit wala ka man lang ginawa para tulungan ako? Siguro ayaw mo talaga sa akin porket lagi kitang sinusungitan?"

Natawa siya sa panunumbat ng dalagita. "Gusto kong tumulong kaya lang ano bang magagawa ko e ni hindi nga ako makatakbo nang mabilis."

"Kunsabagay," ngiwi ni Rosendal.

"Bakit mo nagawa yun? Paano kung napahamak si Rosendal?"

Dinig niya sa isipan na sigaw ni Hector kay Krishna. Biglang nalihis sa mga boses ang atensiyon niya.

"Ganun ka ba kawalang tiwala sa akin? Hindi ko hahayaang masaktan ang batang delica! Kaya ko siyang lundagin at iiwas sa sanga nauna nga lang makialam ang pinoprotektahan mong Amerie na yun! Kung hindi ko yun ginawa hanggang ngayon magdududa pa rin ako kung anong klaseng nilalang ang dinala mo dito!"

"Ikaw ang walang tiwala sa akin Krishna! Dapat tumahimik ka na lang at pansamantalang sarilinin muna yang mga katanungan mo! Lahat ng mga ito ay kagustuhan ng Pillis at kahit ang extremus na gaya natin ay walang karapatang kwestiyonin ang desisyon nila!"

"Handa kong igalang ang anumang desisyon ng Pillis at wala akong balak kontrahin yun. Kaya ko lang yun nagawa kanina dahil gaya mo gusto ko ring malaman ang totoong pagkatao ni Amerie. Kung ano ba siya talaga. Kung kabilang ba siya sa atin o hindi!"

"Para saan? Bakit ganoon na lamang kaigting ang kuryusidad mo? May sarili ka bang mga binabalak na sa tingin mo ay mas makakabuti sa mga Gadians kapag nakilala mo ang totoong pagkatao ni Amerie?"

Ilang segundong nanahimik si Krishna. "Walang kinalaman sa kaligtasan ng Gadian ang kagustuhan kong kilalanin siya."

"Kung ganun bakit?!? At bakit kailangan pang humantong sa ginawa mo kanina?!"

"Dahil gusto ko siyang maging kaibigan! Yung totoo. Yung tunay. Pero paano ko magagawa yun kung puro kasinungalingan ang alam ko tungkol sa kanya. Alam ko hindi siya masamang nilalang pero ganunpaman maaring kahit anong ngiti at anong saya naming magkasama ngunit hindi ko pa rin siya maituturing na isang tunay na kaibigan kung ni hindi ko alam kung ano ba talaga siya."

Di nakakibo si Amerie. Hanggang sa naramdaman niya ang pangingilid ng luha.Dali-dali niyang isinara ang telepathy upang huwag nang marinig pa ang mga susunod na sasabihin ni Krishna nang baka tuluyan na siyang maiyak. Matinding pagkaantig ang kanyang naramdaman. Sa tinagal-tagal noon lamang niya nalamang may isang nilalang na handang ituring siyang bilang isang tunay na kaibigan. Na handang alamin ang totoo niyang katauhan maging too lamang ang kanilang pagkakaibigan. Agad siyang nagsisi sa ginawang panghuhusga kay Krishna at sa pansamantalang paglawala ng tiwala niya dito.

"Ate Amerie naiiyak ka ba?" pansin ni Rosendal.

Mabilis siyang kumurap nang paulit-ulit. "Ah hindi. Lumakas ang hangin napasok ata ng buhangin ang mata ko."

"Hay naku! Halika nga at hihipan ko!" 

Napapangiti siya habang nagkukunwaring inilapit ang mga mata kay Rosendal. Natutuwa siya habang sinisilip sa pipikit-pikit niyang mga mata ang seryosong pag-ihip ng bata.


Bago matapos ang araw ay nakipag-usap na si Krishna kay Amerie. Kusa siyang nagtungo sa kubo nito. Si Hector naman ay nakabantay sa labas. Nag-aalala na baka kung ano na namang makaagaw-eksena ang maganap sa dalawang babae. 

Maluwag sa loob na tinanggap ni Amerie sa kanyang kubo ang dalagang extremus.  Nakayuko ito habang ilang na tumingin nang diretso sa kanyang mukha. Sinenyasan niya si Hector at kinausap ito sa isipan ni iwan na silang dalawa.

"Ako na ang bahala. Walang gulong mangyayari," pagpanatag niya sa kalooban ng lalaki at saka lamang ito umalis.

Tahimik lang silang magkaharap ni Krishna. Ilang sandali muna silang nagpakiramdaman. Matigas ang kanyang mukha habang kabado naman ang kausap. 

"May sasabihin ka?" diretsong tanong niya na dito. 

Tumikhim ito at saka lang tumingin ng diretso sa kanya. "S-Sino ka ba talaga? I-Ikaw ang nagligtas sa amin sa mga Refurmos at ikaw din ang nagligtas kanina kay Rosendal. Tama ba ako?"

Ngumiti siya at pagkuway nag seryoso. "Oo ako nga." 

Nagulat at hindi nakaimik si Krishna sa walang paligoy-ligoy na sagot niya. 

"Pero hindi ko rin masasagot kung sino nga ba ako. Dahil hindi ko rin kilala ang sarili ko...pero sabi ni Hector nagagawa ko ang mga bagay na hindi nagagawa ng isang Gadian." Nginitian niya ang kausap. "Nagtataka ka rin ba sa kung ano ang mga nagagawa ko na hindi niyo nagagawa?"

Tahimik na tumango si Krishna. 

"Mapanganib ang kapangyarihan ko Krishna. Kaya kung tumulong pero kaya ko ring kumitil ng buhay sa isang iglap lang. Nakikita ko ang mga bagay na hindi niyo nakikita. Napapagalaw ko ang mga bagay at nauutusan ko ang sinuman sa aking isipan nang hindi pwedeng tutulan at labanan ng sinuman. Kaya kung mapasok ang isipan nang sinuman kahit gaano man ito kalayo. At kung ano pa ang mga kaya kung gawin ay hindi ko rin alam..."

"Anong ibig mong sabihin?" taka ni Krishna.

"Dahil sa bawat paglipas ng araw may mga bago akong natutuklasang kakayanan sa aking sarili. Maaring madagdagan o mabawasan pa ang aking abilidad pagdating ng panahon. May mga pagkakataon din na nahihirapan akong kontrolin ang aking kapangyarihan na maaring ikapahamak ng mga nakapaligid sa akin."

Nginisian ni Amerie ang di makaimik na kausap. "Ngayong alam mo na kung gaano ako kapanganib na nilalang, dapat na ba akong umalis sa Celentru?"

Hindi siya sinagot ni Krishna. Halatang nag-iisip ito nang malalim.

 "Tahimik lang akong tao. Sanay akong nag-iisa. Ayoko ng nagiging paksa ng usap-usapan o dahilan ng kaguluhan. Kung ang pagkakatuklas mo sa akin ang dahilan para mabunyag ang pagkatao ko, mas gugustuhin ko na lang na umalis dito. Tutal hindi naman ako Gadian kaya di talaga ako nababagay sa lugar na to," malumanay na mga salita niya.

Binasa niya ang reaksiyon ng mga mata ng kausap. Sinarado niya na ang ang telepathy bilang respeto dito. Wala itong naging sagot. Nakatingin lamang ito sa kanya. Humakbang ito papalapit at nagulat siya nang bigla siya nitong niyakap.

"Wala akong pakialam kung Gadian ka man o hindi," bulong nito. "Hindi ako naniniwalang isa kang mapanganib na nilalang. Yung ginawa mong pagligtas sa amin at kay Rosendal ay patunay lamang na kahit gaano pa kapanganib ang kapangyarihan mo ay di nito kayang daigin ang kabutihan ng puso mo. Kaya ang gusto ko Amerie ay manatili ka dito sa Celentru. " 

Humigpit ang yakap ni Krishna at nangilid ang luha nito. "Maaring may pagkamakasarili ang sasabihin kong ito. Pero nakikiusap ako na tulungan mo kaming mga Gadians. Iligtas mo kami sa mga kalaban. Kahit matapang ako sa panlabas pero punung-puno lagi ng takot ang aking dibdib. Gusto ko pang makasal. Magkaroon ng masayang pamilya kasama si Hector. Masaksihan ang mga anak naming lumaki at tumanda kasama ng lalaking minamahal ko."

Napalunok si Amerie. Naluha rin siya. Ginantihan niya ang yakap ng kaibigan at marahan itong tinapik sa likod. Di masukat ang saya niya. Ang pagtanggap sa kanya ni Krishna ay sapat na para tuluyang mawala ang mga pag-aalinlangan niya sa pananatili sa Celentru

                                                                                          -----

Tuloy ang buhay ni Bradley. Isinubsob  pa lalo ang sarili sa trabaho upang makalimutan ang lungkot. Pinag-aaralan niyang tanggapin ang pagkawala ni Amerie ngunit sa kabilang banda ay naniniwala pa ring babalik sa kanya ang dalaga. Na magpapakita na lang ito isang araw. 

"Direk mukhang matagal-tagal ko na atang hindi nakikita ang alalay niyong si Amerie,"komento ng stunt master niya habang nagpapahinga sila matapos gawin ang isang mahirap na eksena.

Sumagot siya nang mapaklang ngiti. "Umuwi muna sa kanila. May importanteng bagay na inaasikaso."

"Babalik pa ba yun?"

"H-Hindi ko rin alam,' may katamlayang sagot niya.

"Sayang naman. Masipag pa naman yun sa set." Bumuntong-hininga nang malalim ang stunt master. "Yun ding tao kong si Hector. Nanghihinayang din ako. Siya pa naman ang pinakamagaling na naging miyembro ng team ko. Tsk. Sayang sabay pang nawala yung dalawang may malaking pakinabang dito sa set."

Napaisip si Bradley nang marinig ang pangalan ni Hector. "Maitanong ko lang. May alam ka bang impormasyon tungkol kay Hector?" seryosong tanong niya.

"Tungkol saan Direk?"

"Kung saan siya nakatira, pinanganak o mga bagay-bagay tungkol sa personal na buhay niya."

Tumawa nang mahina ang stunt master. "Wala akong masyadong alam sa taong yun. Masyadong suplado, malihim at misteryoso."

"Paano ba siya nakapasok sa kumpanya mo?"

"Kusa na lang siyang nag-apply tapos yun pala bigla rin namang mawawala nang walang paalam," iling nito.

Mas lalong ginanahan si Bradley sa pagtatanong. "Kung ganun nagpasa man lang ba siya nang biodata o resume sa inyo?"

"Meron pero wala namang gaanong nakasulat na impormasyon dun dahil wala rin nga siyang karanasan sa pagiging stuntman. Tinanggap ko lang talaga siya dahil nagpamalas siya ng kakaibang kahusayan."

Biglang nagningning ang mga mata ng direktor sa narinig. "Pwede ko bang makita ang papel na yun?"

"Sige ho. Pero ipapahanap ko muna sa opisina."

Tinapos nang maaga ni Bradley ang shooting. Sa araw din na yun ay sumama siya sa opisina ng stuntmaster upang hanapin ang resume ni Hector. Bigla siyang nabuhayan ng loob nang mapasakamay niya ang nasabing papel. Pagkabasa ay unti-unti siyang nadismaya. Wala ngang nakasulat doon na makakatulong para matukoy ang posibleng kinaroroonan nito sa kasalukuyan. Ang nakasulat na address ay ang tinuluyan nitong bahay sa Beverly Hills. Blangko maging ang tungkol sa edukasyon nito. Pero muli siyang nagkapag-asa nang may nakitang nakasulat sa lugar na kinalakihan nito. Laguerto. Isang salita lamang walang iba pang detalye.

"Laguerto? Alam mo ba kung saan to?" tanong niya sa stunt master.

"Hindi Direk. First time kong marinig yan."

Ngumiti siya at nagpasalamat. Masaya na siyang nakakuha kahit maliit na impormasyon lamang.

Mabilis siyang nagmaneho pauwing Beverly Hills. Habang nasa daan walang tigil sa pagtawag ang bagong kasintahang sikat na aktres na si Leona Del Ferro.

Napilitan siyang sagutin ito nang narindi na ang tenga sa ring ng telepono.

"Sweetheart nasan ka ba? Kanina pa ako tawag nang tawag sayo," tampo nito.

"Sorry di ko napansin. Busy pa ako. Nasa trabaho pa."

"Pero sabi ng assistant director mo, kanina pa kayo nagpack-up."

"Oo pero may pinag-aaralan ako ngayong bagong proyekto."

"Sweetheart pwede ba tayong mag-dinner date mamaya tutal tapos na rin naman shooting mo ngayong araw?"

"Hindi pwede. Busy ako mamaya. Bye." diretsong sagot at paalam niya.

Matagal na siyang hinahabol-habol ng aktres mga apat na taon na rin ang nakakalipas. Hindi pa ito ganun kasikat. Naging cast ito sa isa sa mga box office na pelikula niya. Noon pa man ay nagtapat na ito nang nararamdaman sa kanya pero hindi niya pinapansin. Sanay na kasi siya sa ganung sitwasyon sa mga baguhan. Ipinapain ang sarili sa mga direktor dahil may kanya-kanyang personal na motibo. Ang sumikat at magkaroon ng magandang role sa pelikula.

Nitong mga huling araw ay pinatulan niya na rin ang aktres nang muli itong magtapat sa kanya. Pumasok siya sa nasabing relasyon upang mapag-usapan. Nais niyang maging laman ng mga balita sa ganoong paraan. Ang maging laman na naman ng telebisyon upang kung nasaan man si Amerie ay mapanood niya.

Ito ang paraan ng pagrerebelde niya sa ginawa nitong pagsira sa pangako at pag-iwan sa kanya nang walang paalam. Gusto niyang ipakita dito na kahit wala na ito ay tuloy pa rin ang buhay niya. Balik sa normal ulit ang lahat na parang walang nangyari.

Pagdating sa bahay ay hindi na siya naghapunan. Diretso agad sa silid upang muling pag-aralan ang resume ni Hector.

Laguerto? Saang parte ito ng mundo matatagpuan?

Hinanap niya ito sa internet at doon nahanap na isa itong lungsod sa Netherlands. Nagsaliksik siya nang mabuti tungkol sa naturang lugar. Tiningnan niya kung may mga kakaibang kaganapan bang nangyayari sa lungsod na iyon. Pinamumugaran ba ito ng mga misteryosong tao gaya ni Hector?

Wala siyang nasaliksik na kakaiba maliban sa mga kaso ng pagkawala ng iilan-ilang mga mamamayan. Mga kasong hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nahuhuli ang mga salarin.

Agad niyang tinawagan ang kanyang producer. "Ihanda mo ang buong produksiyon sa lalong madaling panahon. Magshoshooting tayo sa Netherlands."

"Bradley napakalaking gastos nyan lalagpas tayo sa budget ng pelikula," tutol agad ng producer.

"Masyado niyong nililimitahan ang budget ng pelikula ko. Gusto mo rin bang limitahan ko ang kita ng pelikula. Gagawan kita ng pelikulang sapat din lang ang kita," pilosopong sagot niya.

Dinig niya ang pagbuntong-hininga ng kausap. "Saan ba sa Netherlands ang balak mong lokasyon?"

"Laguerto."

Continue lendo

Você também vai gostar

2.9M 67.4K 32
"Too much love and power can kill you." Laurice Fireilline Gwyneth Apostle. A cold-blooded woman who never knew what love is. She knew everyone, but...
21.4M 791K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
20.9M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...