Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

By PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... More

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 58

3.9K 79 5
By PollyNomial

KABANATA 58 — Stupid Thing

Gumulo sa isip ko ang huling mga salita ni Terrence bago kami makapunta ng kanyang kotse. He knows the kid. Since when? Mas nauna ba siya sa aking malaman ang tungkol kay Carrive?

Naalala ko ang pagkakataong naitanong ko at nabanggit ko sa kanya ang pangalan ni Carrive. That time, he said he doesn’t know anyone with that name. Ang sabi niya, ni hindi siya pamilyar sa pangalan.

Kailan ito nalaman ni Terrence?

“Kailan mo nalaman?” pagsasaboses ko ng tanong sa akin isipan. Nilingon ako ni Terrence at bumalik din ang tingin sa daan. Nagda-drive siya ng kanyang blue Audi.

Hindi niya ako sinagot. Narinig ko lang ang sunod sunod na buntong hinga niya.

“Terrence, I’m asking you. Kailan mo nalaman na kapatid mo si Carrive? At paano?” tanong ko ulit. Tinanggal ko ang seatbelt ko upang makaharap ako sa kanya.

“Put on your seatbelt back, Ella.” Utos niyang hindi ko sinunod. Huminga siya ng malalim. “Noong sinundan ko kayo ni Kuya.” Umawang ang aking bibig.

“When?” naalala ko ang pamamasyal namin ni Vincent kasama ang bata. Ito ba ang tinutukoy ni Terrence? “Noong namasyal kami kasama si Carrive?”

Tumango si Terrence. Sinandal niya ang siko sa salamin ng kotse at tamad na pinatong ang gilid ng mukha sa kamay niya.

“Bakit ikaw ang nagtatanong ng mga iyan? 'Di ba dapat ako ang magtanong sa’yo ng mga 'yan?”

Napalunok ako dahil tama siya. “N-nalaman ko lang ito noong nagkabalikan kami ni Vincent.”

Umigting ang panga ni Terrence. “So, nito lang.” pahayag niya.

Hindi ko na ikinwento ang buong detalye. Siguro ay sapat na ito.

“Pero matagal tagal na rin nang magkabalikan kayo. Ella, you knew about this. Why didn’t you tell me? Ganoon ka ba kawalang pakialam sa akin?” tanong niyang kinalaglag ng panga ko. Sunod sunod ang iling ko sa kanya. Kung alam lang niya na ilang beses kong inisip ang kalagayan niya at ang mga pwedeng mangyari sa kanya oras na malaman niya ito.

“Naiintindihan ko pa na hindi mo masabi kay Mama. She’s scary when she’s angry. At ikagagalit niya ang malamang may anak si Papa sa labas. But why not tell me?” rinig na rinig ko ang paninisi sa boses ni Terrence. Diretso ang tingin niya sa daan pero nasisilip ko pa rin ang mga kislap sa kanyang mga mata.

“Dahil hindi ako ang dapat magsabi sa’yo.” Sagot ko. Wala akong ibang maisip na idadahilan. Mali ang sinabi ko. Dapat talaga ay sinabi ko na ito kay Terrence dahil kaibigan ko siya at kapatid niya ang pinag-uusapan dito.

“Bullshit.” Nanlaki ang mata ko sa pabulong na mura ni Terrence. Nagulat ako sa reaksyon niya at napalayo ako sa kanya.

“T-terrence…”

 

“'Yan na ba ang rason mo?” putol niya sa akin. “O talagang wala lang akong importansya sa’yo? Just say it, Ella. Matagal ko nang tanggap 'yan.”

“No, Terrence! Kaibigan kita.” Hahawakan ko sana ang braso niya ngunit hinawi niya ang kamay ko.

“Oh, yeah, kaibigan. Kaibigan lang. Kaya ka nga ganyan, e. Because I am just your friend. Damn this friendship! I don’t wanna be just your friend!” sinakop ng kanyang malakas na boses ang loob ng sasakyan.

Pinikit ko ang aking mga mata dahil sa takot kay Terrence. Pero hindi ito ang panahon upang manahimik na lang. “Babalik na naman ba tayo diyan, Terrence? 'Di ba napag-usapan na natin 'to? 'Di ba nagparaya ka na—”

 

“Hindi ako nagparaya, Ella! I just want you to be happy kaya tinigilan kita. Pero hindi ako nagparaya. Dahil oras na magkaroon ako ng pagkakataon, aangkinin kita.”

Nanginig ang labi ko sa mga sinabi niya. Naiiyak na naman ako dahil hindi ko matanggap ang mga gusto niya. Hindi ito pwede! Kung maaari lang akong lumabas ng kanyang sasakyan ngayon ay gagawin ko upang makalayo na ako kay Terrence na walang ibang iniisip kundi ang kanyang sarili.

Nilingon niya ako nang may nanlilisik na mata at natigilan siya ng makita ang pagluha ko. Sinuntok niya ang manibela at napapikit ako sa gulat.

“'Wag kang umiyak! Palagi ka na lang umiiyak kapag kasama kita. Hindi ka ba talaga pwedeng maging masaya sa piling ko?”

 

Umiling ako hindi para sagutin ang tanong niya kundi dahil ayoko na ng mga nangyayari sa aming dalawa. Paano kami humantong sa ganito? Hindi pa ganoon katagal ang pagkakakilala ko kay Terrence pero ito na ang nangyayari sa aming dalawa. Maaaring kilala na niya ako noon pa pero hindi pa rin dapat. Nito lang nang aminin niya sa aking mahal niya ako pero kung makasumbat siya ay parang matagal na panahon ko na iyong alam at wala lang akong pakialam.

Well that’s not what it is! Hindi siya kagaya ni Zac. Hindi ko alam ang nararamdaman niya noon pa. Kaya wala siyang karapatang sabihin sa akin ang mga iyan! Wala siyang karapatang ipamukha sa akin na wala akong pakialam!

Nakokonsensya ako. Totoong nakokonsensya ako dahil hindi ko masuklian ang mga nararamdaman ni Terrence para sa akin. Handa na nga akong mangumpisal dahil sa dami ng aking mga kasalanan. Ang dami kong nagawang kasalanan mula nang minahal ko si Vincent. Pero kahit ganoon, hinding hindi ako magsisisi para sa amin ni Vincent. Dahil siya pa rin ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Gusto ko nang makalayo ngunit hindi ko maaaring iwanan si Terrence. Nasa gitna kami ng highway at kung bababa ako, hindi ko alam kung paano uuwi. Nanahimik na lamang ako at ganoon din siya. Nag-drive siya ng walang salita hanggang sa subdivision namin.

Tinatahak namin ang daan patungo sa aming bahay ngunit nagtaka ako nang bumabagal kami nang nasa tapat na kami ng bahay ng kanyang grandparents.

“Why did you stop?” tanong ko nang huminto kami. Tiningnan ko ang bahay na madilim. Inangat ko ang kamay ko upang mapunasan ang luhang natuyo na sa pisngi ko habang titig doon.

Napaigtad ako nang hawakan ako ni Terrence sa baba at hinarap ang mukha ko sa kanya.

“I’m hurting, Ella.” Nagsusumamong sambit niya. Nagulat ako sa pagbabago ng mga emosyon niya. Namuo na naman ang luha ko. Hinaplos ng daliri niya ang pisngi ko. “Bakit ang kuya ko pa? Bakit si Vincent pa? Hindi ba pwedeng ako na lang? O kahit 'wag na lang ako. Sa iba na lang. 'Wag lang sa kapatid ko. I’m afraid I would feel this pain until forever. Dahil araw araw kong makikita kayong dalawa ng kapatid ko na masaya.”

Kinagat ko ang labi kong nanginginig. Nahahabag ako kay Terrence ngunit hindi ko pa rin magawa ang kanyang gusto. Hindi ko kaya.

Punong puno ng hinagpis ang kanyang mukha. Namumula ang mata niya dahil sa pagluha. Ngunit kahit ano mang gawin ko, kahit na malapit na siya sa akin, wala pa rin akong maramdaman para sa kanya.

“T-tama, Terrence. Nakakapagod na 'yong ganito tayo. Don’t you think it would be easier if you just… accept it?” Hindi ito ang dapat kong hilingin sa kanya dahil alam kong mahirap. Pero ito ang tamang gawin.

“Accept it?” umiiyak ang mga mata ni Terrence ngunit nagawa niyang ngumiti. “I’ll try to accept it.” Bumagsak ang balikat ko sa biglaan niyang pagpayag. Hindi ko ito inaasahan. “Gagawin ko ang gusto mo. Pero, pwede mo rin bang gawin ang gusto ko?”

Kinabahan na agad ako kahit wala pa siyang sinasabi. Nakalayo na siya sa akin. Nakapikit ang kanyang mga mata habang nakasandal ang ulo sa headrest. Kapalit? Kapalit ba ang gusto niya?

“Be with me. Just this night. I need… someone.”

 

“Terrence!” nairita ako at akma na akong lalabas ngunit pinigilan niya ako.

Nagtitigan kaming dalawa. Hindi ako makapaniwala! Ito ang hihingin niyang kapalit?! Anong klaseng tao siya? Nagtatalo na ngayon ang utak at puso ko. Naaawa ako sa kanya pero kung ganito rin lang, mas nangingibabaw na ang galit.

“E-ella.” Pigil niya sa akin.

Pumiglas ako sa hawak niya. Nasasaktan ako dahil sa ginagawa naming dalawa.

“No. No, no, no, Ella! You’re thinking the wrong thing!” tumigil ako sa pagpiglas dahil sa sinabi niya. “I just wanna talk, okay? You said you are my friend. Then be with me. Be my friend. Kailangan ko ng kausap dahil sa mga problema ko ngayon.”

Isang beses akong umiling. “Pero ako ang dahilan ng mga problema mo! I can’t be with you, Terrence!” Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Kung bakit niya ito gusto. Pero ayaw kong pumayag.

“No, not that. You know. About my family. About this kid. Kahit na galit ako kay Kuya, gusto ko pa rin siyang tulungan sa bata. Ka… K-kapatid ko siya. Kailangan siyang matanggap ni Mama.”

Natahimik ako at natigilan. Nagtatalo na naman ang utak at puso ko. Sinasabi ng utak ko na 'wag. Kailangan ko nang iwasan si Terrence dahil hangga’t malapit ako sa kanya, hindi niya ako makakalimutan. Ngunit ang puso ko naman ay tumatanggi sa gusto ng utak ko. Yes, Terrence needs a friend right now. Someone to talk to and to comfort him. Magagawa ko ba iyon?

Sa huli, bumagsak pa rin ako sa kahinaan ko. Ngayon lang naman. Malinaw pa rin sa akin ang lahat. Kung may masamang plano man si Terrence, hindi ko iyon hahayaang mangyari. Because I will be with him as a friend only.

Pinindot ni Terrence ang isang switch at agad lumiwanag ang buong living room ng bahay. Bumuhos ang lahat ng alaalang mayroon ako rito sa bahay na ito. Kasama ko pa noon ang dalawang matandang nakangiti sa malaking larawan sa sala.

Naglakad si Terrence patungo sa kusina at umilaw rin iyon. Bakit mukhang wala nang tao rito? Kahit katulong? Nasaan na si Manang Elsa?

Iyan ang tinanong ko kay Terrence nang makabalik siya. “Nasaan si Manang Elsa?”

 

“Nasa probinsya. Pinauwi ko muna dahil parati na lang siya rito. Wala naman siyang ginagawa sa bahay na 'to.” Sagot niya. Dala niya ang isang tray na may isang baso ng tubig at isang bote ng beer. “Hindi ko alam ang gusto mo.” Abot niya sa akin ng baso.

“Okay na 'to.” Sabi ko at ininom ang laman niyon upang mahimasmasan naman ako. Naalala kong wala pa akong kain.

Pinatong niya ang tray sa gitnang lamesa ng sala at tumayo siya sa tabi ko. Hawak niya ang beer na bukas na.

Sabay naming tinitigan ang larawan ng lolo at lola niya.

“Kung alam ko lang…” untag niya. Hinintay ko ang idudugtong niya ngunit wala kaya naman bumaling na ako sa kanya.

“Kung alam ko lang na ikaw ang tinukoy nila Lola, Ella.” Naintindihan ko kaagad ang sinabi niya.

Umiwas ako ng tingin at binalik sa dalawang matanda ang atensyon. “Pero hindi talaga. We’re not meant to be, Terrence.”

“Hindi ako pumayag. When they told me that they want me to meet this certain girl, umayaw agad ako. Ni hindi ko tinanong ang pangalan ng babae. Natakot akong baka ipilit nila ako rito. At hindi ko 'yon gusto. Dahil ikaw na ang mahal ko noon, Ella. Nakakatawang isiping ikaw pala ang tinutukoy nila. And I just blew my chance away.”

Pinikit ko ang mga mata ko kasabay ng malalim na paghinga. “Terrence, akala ko ba hindi ito ang dahilan kung bakit ako nandito? Aalis na lang ako.” Tumalikod ako at agad niya akong pinigilan.

“Wait! Okay, okay. I will not talk anything that concerns my feelings for you. Just stay.”

 

Huminto ako. Binitawan na rin niya ang kamay ko. Umupo kaming dalawa sa living room. Maliwanag ang buong bahay kaya hindi ako nailang na dalawa lang kami ni Terrence dito. I will give my trust on him.

 

“Let’s just talk about your brother, Carrive.” Uminom siya sa kanyang beer. Narinig niya ako pero sa tingin ko ay iniiwasan niya ito. “Kailangan mo siyang kilalanin, Terrence.”

 

“Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan, Ella. Nagugulat pa rin ako kahit alam ko na. I don’t think it would be that easy.”

 

“Pero subukan mo. Kapag sinubukan mo, baka makumbinsi mo na rin ang Mama niyo.” Giit ko.

“Nang marinig ko kayo noon, nasa mall kayo at magkakausap nila Kuya, hindi ko malaman ang gagawin ko. Kuya ang tawag ng bata sa kapatid ko. In-assume ko nung una na baka ganun talaga. Normal lang naman iyon sa isang bata at nakatatandang lalaki sa kanya. Pero nang marinig ko ang mga salitang ‘bunsong kapatid’ galing sa kuya ko…” umiling si Terrence at pumikit. “The hell.” Utas niya. Lumagok siyang muli sa kanyang beer.

“Kung anuano ang mga pumasok sa isip ko. Lahat ng lihim na pag-uusap nila Papa at Vincent. Kapag pinapaalis nila ako to talk about some business. At ang mga pag-aaway nila sa opisina. Lahat ng tungkol sa kanilang dalawa na pwede kong ikonekta sa bata ay bumalik sa isip ko.”

“Carrive, Terrence. The child has a name.” diin ko sa kanya. Bakit hindi niya manlang mabanggit kahit pangalan ng kanyang kapatid?  Mahirap ba talaga? Kung ako ba ang nasa sitwasyon niya, ganoon din ba ang magiging tingin ko rito?

Umiling siya. Tumayo siya at napigilan ang pag-alis niya nang magsalita ako.

“Bakit hindi ka lumapit, Terrence? Sana noon pa lang, nasabi na sa’yo ni Vincent. Sana nakumpirma mo na. You know how hard this is for Vincent.”

Hinarap niya ako at hindi makapaniwala ang kanyang itsura. “And not for me, Ella?” tanong niya. Lumapit siya sa harap ko kaya naman tiningala ko siya. “Sa tingin mo ba hindi ako nahihirapan? Lumapit pa lang sa inyo, hirap na hirap na ako. Makita ko lang kayong magkasama mahirap na. And then this? Malalaman ko pa na may kapatid ako na anak ni Papa sa ibang babae? God, Ella! This is also hard for me!” pagkasabi niya noon ay sinabunutan niya ang kanyang buhok. Umiling siya at sa tingin ko ay nairita siya sa tanong ko.

Iniwan niya ako sa living room at dumiretso ng kusina. Tumama at tumigil ang tingin ko sa bote ng beer na naubos na niya. Tumayo rin ako at sinundan siya.

“Can I also have one?” tanong ko sa kanya. Nakabukas ang malaki nilang ref at nakahanay sa loob noon ang mga alak. Naisip ko kung noon ba ay may ganito na sila Lolo Martin at Lola Glory. Ngunit napagtanto kong baka para kay Terrence lang ang lahat ng ito.

“No.” sagot niya. Ngumuso ako sa pag hindi niya.

“I’m sorry, Terrence.” Natigilan siya. Kinuha niya ang dalawang beer at pinatong iyon sa counter. “Siguro nga tama ka. Parati na lang si Vincent ang naiisip ko. Kapag kasi kasama ko siya, wala na akong ibang naiisip kundi kaming dalawa. Naiintindihan mo naman ako 'di ba?”

Tumango siya at hindi ko inasahan ang pananahimik niya. Akala ko ay magrereklamo na naman siya dahil si Vincent na naman ang mukhang bibig ko.

“Halika na.” aya niya sa akin. Hawak niya ang dalawang beer at sumunod ako sa kanya. Akala ko ay sa living room pa rin ang punta namin ngunit doon kami dumiretso sa garden. “Here.” Abot niya sa akin ng beer sabay turo sa upuan.

Tiningnan ko lang ang beer. Umupo na ako at siya rin habang nakaabot pa rin iyon sa akin. “Akala ko ba hindi pwede?”

 

“Na-realize ko lang na hindi ka naman madaling malasing. Naalala ko noong nasa bar kita noon. Pero isa lang.”

Kinagat ko ang aking labi at tinatanggap ang beer. Bukas na iyon kaya uminom na agad ako. Ngumiwi ako sa pagguhit ng pait sa aking lalamunan.

“Kung ako si Kuya, hindi kita hahayaan na makasama mo ang karibal ko.” mahina lamang ang boses niya ngunit narinig ko pa rin iyon. Nagkatitigan kaming dalawa at ako ang unang umiwas.

“Alam naman niyang siya lang.” tama na rin siguro ang sanayin ko si Terrence na pag-usapan namin ang pag-ibig ko para sa kapatid niya. Baka sakaling ito ang paraan upang makalimot siya.

Tumaas ang gilid ng labi niya. Bumagsak ang tingin niya sa hawak na beer. “Kung ako ba ang una mong nakilala, ako kaya ang mamahalin mo, Ella?”

 

Heto na naman kami.

Pinag-isip ako ng tanong ni Terrence. “Hindi ko alam.”

“Siguro hindi pa rin. Kasi nga hindi tayo ang para sa isa’t isa?” malungkot ang tono niya at naawa na naman ako sa kanya. Naging kaibigan ko na si Terrence at masakit sa aking makita siyang ganito.

“Hindi ko alam kay Kuya kung tanga ba talaga siya o binibigyan niya lang ako ng tsansa. Ngayong nandito ka sa teritoryo ko. I can do whatever I want to you. Alam mo ba 'yon?”

Kumalabog ang puso ko sa takot. Seryoso ang mga mata ni Terrence. Nanuot ang mga titig niya sa akin at ninerbyos ako dahil doon. Tumayo siya sa kanyang upuan at nagpunta sa gilid ko. Hinarap niya ang mukha ko sa kanya at tumigil ako sa paghinga nang ilapit niya ang mukha sa akin. Naamoy ko ang beer mula sa kanyang hininga.

“Kayang kaya kong ipilit ang sarili ko sa’yo.” Mas lalo siyang lumapit. Kaunti na lang, maglalapat na ang aming mga labi. Umiling ako ngunit hindi siya lumayo.

“Terrence, si Vincent. Si Vincent lang, Terrence.” Hindi ko alam kung naintindihan o narinig pa ba niya ako dahil nakapikit na siya. Wala akong ginawa. Hindi ako gumalaw. Hindi ko na alam kung paano. Ang tangi ko lang naiisip ay si Vincent na pinagkatiwala ako sa kapatid niya.

Tumama ang noo ni Terrence sa ilong ko nang yumuko siya. Humawak siya sa sandalan ng aking upuan at nang inangat niya ang kanyang mga mata ay naluluha siyang tumitig sa akin.

“I-I cannot k-kiss you, right?” aniya. Tinikom ko ang aking bibig. “Kasasabi ko lang pero hindi ko pala kaya. I respect you too much, Ella. You can only offer me friendship and I will not risk that by doing this stupid thing.”

Continue Reading

You'll Also Like

26.9K 985 51
A Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a termi...
1.5K 158 32
"I am his best friend. Just best friend, no more no less." Plagiarism is a crime. P.s: The picture's not mine. CTTO.
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
8.9K 541 39
May 8 2020 - May 21 2020 A strong love story of Carmenia Dela Verde and Ship Montefuerte. After the break up because of the shocking news that Ship h...