Mistaken

By meshiegoals

89.2K 8.1K 3.8K

When the playful Governor is forced to find his perfect match, will he give in to his parent's demands? When... More

Prologue
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36

Part 16

2.1K 242 189
By meshiegoals


Richard's POV

Naguguluhan, nalilito, nagugulumihanan. Ito na ata ang pinakamahusay na pang-uring maglalarawan sa nararamdaman ko ngayon. Sobrang hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Lalo na sa sarili ko. May mali eh. Alam ko may mali sa mga nangyayari. Pero bakit ganun? Unti-unti ko nang nagugustuhan ang maling yun? Yung kahit alam mong mali, parang iba pa rin sa pakiramdam.

Hinahanap-hanap ko na sya. Kahit magkasama kami sa bahay, gusto ko syang makita palagi. Kapag narinig ko naman ang pangalan nya, hindi ko mapigilang mapangiti. Tapos gusto ko palagi akong nakadikit sa kanya. Kaya hindi ko namamalayan, nakaakbay na pala ako sa kanya. Basta magkadikit lang ang mga balat namin, pilit ko mang ideny, nagugustuhan ko na ang pakiramdam na yun. Kaso sa simpleng pagdidikit pa lang na yun, parang may nag ririgodon na sa pagkatao ko. Yung bituka ko parang uod na nilagyan ng asin. Sobrang hindi ko maipaliwanag, basta ang intense eh.

Kapag naman nag-uusap kami hindi ko mapigilang hindi sya titigan. Ewan ko ba kung anong meron sa mukha nya. Basta the moment na ipinako ko ang mga mata ko sa kanya, nahihirapan na akong alisin. Kapag naman hindi sinasadyang magtama ang mga mata namin, natataranta ako kung paanong iwas ang gagawin ko. Kasabay nun ay ang karerahan ng mga daga sa dibdib ko.

Tapos isa pa sa nakakapagtaka, may mga bagay akong hindi ko nagagawa dati na ginawa ko para kay Mendoza. Katulad na lang ng pagluluto. Sa tanang buhay ko kasi never pa akong nagluto para sa ibang tao. Kahit nga pamilya ko, hindi ko pa nilutuan. Ewan ko ba noong araw na iyon, parang may tumutulak sa akin na ipagluto sya. Para akong batang paslit na gustong magpa bibo sa magulang. Oo nga at hotdog at itlog lang yun, pero grabe ang effort ko nun! Hindi ko nga lang alam kung pasado sa panlasa nya o kung edible. Pero dahil wala naman syang violent reaction habang kumakain, pasado na rin siguro. Subukan nya lang mag reklamo, didibdiban ko talaga sya. Pero syempre, joke lang yun.

Lalong nadagdagan ang confusion ko noong araw na nagkasakit sya. Naiinis ako nung araw na yun kasi paglabas ko ng kwarto, hindi pa siya nakahanda at wala pa ring agahan. Hindi naman siya obligado na maghain ng agahan pero ang kinaiinis ko ay yung hindi kami nakapagsalo ng umagang iyon. Ewan ko ba, hindi ko na rin maintindihan itong nararamdaman ko. Pero baka nasanay lang kasi akong kasalo siya sa umaga kaya yun ang isang bagay na nilulookforward ko sa araw-araw. Sinanay niya kasi ako. Kaya yamot na yamot akong naghihintay nun sa kanya sa sala. Paglabas niya, hindi ko napigilan ang sarili kong sitahin siya. At dahil nga malelate na kami at siguradong hindi na kami makakapag-agahan, hindi ko na hinintay ang paliwanag niya at dumeretso na ko palabas ng bahay. Nang mapansin kong hindi siya sumunod sa akin palabas, lalo akong nainis. Binalikan ko siya sa loob ng bahay. Handa na sana kong manermon ulit. Pero hindi ko inasahan ang nakita ko. Si Mendoza, nakakapit sa likod ng sofa at mukhang namimilipit sa sakit. Grabe ang kabog ng dibdib ko kaya mabilis pa sa alas kwatro akong napatakbo papunta sa kanya. Nakatungo lang siya nung una kaya hinawakan ko siya sa magkabilang braso. Pero nabitawan ko rin siya agad dahil para kong napaso sa kuryente na dumaloy nang mahawakan ko siya.

Susmaryosep, bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

Nang ituon niya ang paningin niya sa'kin, nakita ko sa mga mata niya ang sakit. Napansin ko rin na namumutla na sya. May nakain siguro syang hindi maganda kasi napansin kong hawak-hawak niya ang tiyan niya. Minabuti kong hindi na siya papasukin nung araw na iyon. Pero grabe yun! Dinaig pa nun ang pagkabalisa ko nung hinihintay ko ang resulta ng nakaraang eleksyon. Nakakataranta. Hindi ako mapakali. Halos buong umaga ko siyang iniisip kahit na nasa Kapitolyo na ako. Hindi pa siya nagrereply o sumasagot sa mga text at tawag ko.

Oh, what have you done to me, Mendoza?! Ano ba itong nangyayari sa'kin? Nababakla na ba ako?! Hindi. Nag-aalala ka lang kasi empleyado mo yun diba? Wala nang ibang dahilan. Talagang nag-aalala ka lang syempre may sakit ang empleyado mo. Pero bat kay Santos hindi naman ako ganito nung magkasakit siya? Hindi. Iba si Mendoza kasi kasama mo siya sa bahay, malamang nag-aalala ka lang dahil syempre kargo mo kung may mangyari sa kanya. Tama, yun lang yun. Yun lang yun Richard, nag-aalala ka lang kasi asa puder mo siya. Kaya hayaan mo na lang. Baka bukas magaling na din yun. Tigilan mo na ang text at tawag.

Pero hindi ko pa rin napigilan. Tinawagan ko pa rin siya nung hapon na iyon pagkatapos ng meeting ko. Halong inis at pag-aalala na ang nararamdaman ko. Ni hindi man lang kasi naisipang magreply sa dami ng tinext ko. At dun lang ako nakahinga ng maluwag nung sinagot na niya yung tawag ko. Hindi ko alam kung bakit pero para kong nabunutan ng tinik sa dibdib nung sa wakas ay narinig ko na ang boses niya.

Tangina, Richard, umayos ka. Hindi pwede ito!

" Hello.. " narinig kong sagot nya mula sa kabilang linya. Bigla ay nalimutan ko ang inis ko sa kanya.

" Finally Mendoza! Kaninang-kanina pa ako nagte-text at tumatawag. Ano bang ginagawa mo at hindi ka makasagot? "

" Pasensya na po Gov, nakatulog po kasi ako ulit pag-alis nyo. Hindi ko po narinig yung phone ko. "

" Ahhh ganun ba? Nag lunch ka na ba? Uminom ka na ba ng gamot? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo? " sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Shit Richard! Easyhan mo lang! Wag kang magpahalatang masyado kang concern sa kanya.

Pero huli na para bawiin ko ang mga sinabi ko, narinig na ni Mendoza.

" Me-medyo po, pero kaya ko naman. Ipapahinga ko lang po ulit. Mamaya wala na ito. "

" Sige na, magpahinga ka na ulit. Mag text ka kung may kailangan ka. Uuwi ako ng maaga. "

Wait! What?! Bakit para kang husband na concern sa asawa nya?! What the hell was that Richard?! Ano bang pinagsasabi mo?!

Inis na napa facepalm na lang ako habang hinihintay ang sagot ni Mendoza.

" Salamat po. "

" Ahh, Mendoza? "

" Po? "

" Ah, wala..wala. Sige na magpahinga ka na. "

Shit! I think I'm going crazy!

Minabuti kong tapusin na kaagad ang tawag at baka kung ano pa ang masabi ko. Magkakaroon na ata ako ng multiple personality disorder dahil sa bodyguard kong yun.

Minsan napaisip ako. Tinanong ko ang sarili ko kung bakit gusto ko syang palaging makita, kung bakit ganun na lang ang concern ko sa kanya. At pinanindigan ako ng balahibo sa posibleng sagot kung bakit ako nagkakaganito.

Posible bang may gusto na ako kay Mendoza?

" Kingina!! " napatayo ako mula sa kinauupuan ko. " No Richard! Wala kang gusto kay Mendoza! For Christ's sake naman! Lalaki yun! Lalaki ka! Kaya hindi pwede ang ganun! " balisa akong nagpalakad-lakad sa loob ng opisina ko. Inis na napasabunot ako sa buhok ko.

" Hindi ka bakla Richard Jeoffrey! Wala sa lahi nyo ang bakla! Ipinagluto mo lang sya bilang pasasalamat sa pagluluto nya para sayo. Saka concern ka lang sa kanya dahil kargo mo kapag may nangyaring masama sa kanya habang nasa puder mo sya. At gusto mo lang syang palaging makita dahil itinuturing mo na rin syang kabarkada. Oo yun lang! Wala kang gusto sa kanya! Wala! At never kang magkakagusto sa lalaki! Hindi ka bakla! Babae ang gusto mo! "

Pero kahit anong gawin kong pagpapakalma sa sarili ko, pilit pa rin akong ginugulo ng kakaibang nararamdaman ko kay Mendoza.

No! Hindi pwede yun! May paraan pa para mawala ang kakaibang nararamdaman mong yan, Richard! Mag-isip ka!

Kailangan sigurong dumistansya ako kay Mendoza. Dapat siguro ibalik ko sa dati yung pakikitungo ko sa kanya. That way mababawasan ang pag uusap namin. Pag sinungitan ko ulit siguro sya, magagalit din sya sa akin. Lalayo ang loob nya. Oo tama! Ganun nga ang dapat kong gawin. Kaya kaninang umaga...

"Anong tinatayo-tayo mo dyan, Mendoza?"

"Ha?"

"Sabi ko, ano pang tinatayo-tayo mo dyan?"

"Aaah... ah Gov, kain na po tayo. Nagluto ako ng agahan."

"No, thank you. Kumain ka na dyan. Magcocoffee lang ako."

"P-pero sayang naman yung niluto ko, Gov, pang dalawang tao yun eh."

"Sinabi ko bang ipagluto mo ko? Let me just remind you, Mendoza, House Rule No.3 Bawal mo kong pakialaman. Kumain ka kung gusto mo. Wala akong pakialam sayo!"

"Nagmamagandang loob lang naman ako. Kung ayaw mong kumain, pwede mo namang sabihin ng maayos. Hindi mo ako kailangang sigawan. Oo, pinapasahod ninyo ko pero hindi yun dahilan para tratuhin mo lang ako kung paano mo gusto."

Hindi ko ipinahalata pero nasapul ako sa sinabing iyon ni Mendoza. Alam kong sobra syang nasaktan sa pag trato ko sa kanya pero no choice na ako. Yun lang kasi ang alam kong paraan para muling maglayo ang loob namin. Pero ang hirap pala. Ang hirap palang magpanggap na galit sa harap nya. Parang gusto kong mag sorry sa kanya nang mapansin kong nangingilid ang luha nya. Nanginginig din ang kamay nya dahil sa pagpipigil ng emosyon. Parang may tumutusok na maliliit na karayom sa dibdib ko habang palihim ko syang tinitignan. Bakit ako ang mas nasaktan sa ginawa ko? Ano bang nangyayari sayo, Richard?!

Hindi ko na kaya pang tignan sya dahil baka lumambot na naman ako. Kaya lumabas na lang ako at iniwan sya sa dining area. Habang hinihintay ko siya, tinawagan ko si Martha para makapagset ng lunch ko with Miss Sandoval. Kahit na hindi ko siya gusto, ito lang ang naisip kong paraan para malayo ang loob ko kay Mendoza. Para mapatunayan ko sa sarili ko na lalaki pa rin ako. Na babae pa rin ang hinahanap-hanap ko. Kailangan ko na rin magmatigas kay Mendoza. Habang maaga pa, kailangan ko ng umiwas sa mga hindi magandang bagay na nararamdaman ko. Hindi ito tama. Pero baka dahil kasama ko siya sa bahay kaya ako nagkakaganito. Siguro dahil nakakasanayan ko lang. Pero hindi ako pwedeng makampante. Hindi ko pwedeng hayaan ang nararamdaman kong ito.

Hanggang sa makarating kami sa Kapitolyo ay walang nangahas na pumutol ng katahimikan. Mabigat pa rin ang loob ko nang mag-umpisa ang programa. Habang nanonood, palihim kong sinusulyapan si Mendoza na noon ay nakatayo sa gilid. Halatang distracted si Mendoza sa trabaho. Apektado din siguro sya sa nangyari sa amin kanina. Napahugot na lang ako ng malalim na hininga bago ko pilit na itinutok sa emcee ang atensyon ko. Hindi ako pwedeng maawa kay Mendoza. Tama lang ang ginawa ko. Tama lang yun para tuluyan na kaming dumistansya sa isa't isa.

Nang matapos ang programa, agad na kaming nagtungo sa tanggapan ko para panandaliang magpahinga. Pero parang mas maganda yatang hindi na lang ako nagpahinga, kasi naalala ko na naman si Mendoza at ang nangyari kanina. Galit pa kaya sya sa akin? Kapag kaya mag sorry ako, tatanggapin nya?

No Richard! Wag kang mag sorry sa kanya! Tama lang yung ginawa mo para hindi nya na guluhin ang sistema mo. Huwag mo na ulit hayaang makalapit sayo si Mendoza!

Habang nagmumuni-muni ako ay narinig kong kumatok si Martha. Pagpasok niya sa opisina ay ipinaalala niya sakin na tuloy na daw ang lunch ko with Miss Sandoval. Mabuti daw at nasa magazine photoshoot ito ngayon malapit sa Kapitolyo kaya mabilis na pumayag. At dahil hindi pa kami nag-uusap ni Mendoza, ipinasabi ko na lang kay Martha na sabihin sa kanya ang pagbabago sa aking itinerary at maghanda na para kami ay makalarga na rin. Pagkalabas ni Martha, napaisip na naman ako.

Mabuti nang ganito, kaya ko naman siguro ibaling kay Jillian ang nararamdaman ko. At least kay Jillian sigurado ako dahil babae yun. Tama! Sa kanya na lang ako magfofocus para mawala ang kakaibang nararamdaman ko kay Mendoza. Isasama ko pa ba si Mendoza sa lunch date namin? Pero baka galit pa siya sakin. Kaso kawawa naman kung iwan ko dito, sanay na yun na sabay kami kumain. Shit Richard! Wala ka dapat pakialam kung maiwan siya dito. Malaki na siya, kakain yun pag nagutom kahit hindi ka pa niya kasabay. Damn it! Hindi ako nababakla, utang na loob!!

Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko dahil sa mga naiisip. Para kasing may debateng nagaganap sa isip ko hindi ko na alam kung sino ang susundin ko. Lalo lang akong naguguluhan. Napabuntong hininga ako.

Focus, Richard, focus! Mas okay na kay Jillian mo ituon ang atensyon mo kesa naman kay Mendoza.

Agad na akong tumayo para lumabas ng opisina ko. Nang makalabas, nakita kong nakatayo si Mendoza at Santos sa labas ng opisina ko.

" Santos, Mendoza, magla lunch kami ni Jillian. Sumabay na kayo. "

" Ay negative po muna ako ngayon Gov. Pinabaunan ako ni Misis eh. Magtatampo yun kapag hindi ko kinain. Pero sasama po ako sa pupuntahan nyo, pagbalik na lang natin ako kakain. "

" No, malapit lang naman ang pagkikitaan namin ni Jillian. Kahit maiwan ka na Santos para makakain ka na rin. "

" Sigurado ka, Gov? "

" Yes, andyan naman si Mendoza. "

" Copy po Gov. "

Binalingan ko si Mendoza bago muling nagsalita. " Let's go, Mendoza. "

Tumango lang sya bago sumunod sa akin sa paglalakad.

Nang makarating kami sa parking, agad na akong sumakay ng kotse at hindi ko na hinintay na pagbuksan nya ako ng pinto. Nang makasakay sya, agad kong sinabi ang restaurant na pupuntahan namin. At tulad kanina, tumango lang sya. Ni hindi man lang nya ako tinignan sa rearview mirror. Hindi ko alam kung matutuwa o mapipikon ako sa pag trato nya sa akin. Sanay akong center of attention. Sanay akong palagi akong pinapansin.

Ano ba Richard?! Diba yan ang gusto mo? Yung magalit sayo si Mendoza para lumayo ang loob nya sayo?! Ano ngayon ang ipinagpuputok ng butse mo dyan?

Marahas akong napailing bago ko pilit na inalis ang atensyon ko sa kanya. Ilang sandali pa at nasa harap na kami ng Pigpen. Nang makapag park si Mendoza, agad na akong bumaba. Hinintay ko muna syang makababa bago ako naglakad.

" Sumabay ka na ring kumain sa amin, Mendoza. Alam kong gutom ka na. Kakagaling mo lang sa sakit, mahirap na. Katulad ng dati ang set-up. "

Shit! Bakit hindi ko mapigilan ang concern ko sa kanya?! Pwede namang alukin mo na lang, bakit kasi hindi mo makontrol ang bibig mo Richard?!

Muli ay tumango lang sya. Gustong-gusto ko nang mag sorry sa kanya kaso naunahan ako ng pride ko. Saka mas maganda na talaga yung ganito kami. Less interactions, less confusion.

Habang naglalakad ay tinext ko si Jillian para tanungin kung nasaan na sya. Nang mag reply sya na malapit na sya, nagtuloy-tuloy na ako sa reserved seat namin habang nakabuntot si Mendoza sa likod ko.

Nang makarating sa table, agad na akong naupo. Habang si Mendoza naman ay naupo sa kabilang table. Minabuti ko na lang na sa cellphone ko ituon ang atensyon ko habang naghihintay kay Jillian.

Makalipas ang ilan pang sandali, nakita ko na si Jillian na papalapit sa kinaroroonan ko. As usual, very elegant pa rin ang itsura nya. Mukhang hindi galing sa mahabang oras ng photoshoot, fresh na fresh pa rin kasi. Ewan ko ba sa kabila ng elegante nyang itsura, napaka ordinaryo pa rin ng tingin ko sa kanya. Nasa kanya naman na lahat ng gusto ng lalaki sa isang babae. Bakit hindi ko pa rin sya magustuhan? Dahil ba hindi ko nakikita sa kanya ang characteristics na gusto ko sa babae? At sa isang tao ko nakikita?

Pilit kong ibinalik kay Jillian ang atensyon ko na noo'y malapit na sa table namin. Nang makalapit sya, agad akong tumayo at bumeso sa kanya.

" Hi, Richard. I'm sorry if pinaghintay kita. Inayos pa kasi ng P. A ko ang mga gamit ko. "

" No worries Jillian, halos kakarating ko lang din. Come on, maupo ka muna. " sabi ko sabay tayo para ipaghila sya ng upuan.

" Thanks Richard, you're the sweetest talaga. "

Nginitian ko lang sya bago muling bumalik sa inuupuan ko. Binigay ko rin sa kanya ang menu para makapamili sya ng gusto nyang kainin.

Habang abala si Jillian, hindi ko mapigilang hindi tignan si Mendoza. Nakapako ang mga mata nya kay Jillian pero lagpas-lagpasan ang tingin, halatang may iniisip.

Bakit ganun? Kahit pinipilit ko ang sarili ko na ibaling kay Jillian ang atensyon ko, bakit walang kahirap hirap na nakukuha pa rin ni Mendoza? Pilit ko mang labanan pero pilit ko syang hinahanap sa mga taong nakakasalamuha ko. Kaya paulit-ulit akong nabibigo. Ang daming bagay at pangyayari na nae encounter ko na palaging nagpapa alala sa akin kay Mendoza. Parang nakikita ko sya kahit saan ko ibaling ang paningin ko. Sobrang gulong-gulo na ako sa nangyayari sa akin.

" Hey, Richard... "

Naputol ang pag iisip ko nang tawagin ako ni Jillian. Wala sa sariling napatingin ako sa kanya.

" Hey.. Kanina pa kita tinatawag. Kanina pa rin ako nagsasalita dito. Parang wala ka sa sarili mo. "

Napailing ako nang marahas para iwaksi sa isip ko si Mendoza bago muling nagsalita. " I'm sorry, Jillian. May iniisip lang ako. "

" Okay. I was saying na tapos na akong umorder ng food natin. Baka may gusto ka pang i add? "

" No, okay na ako sa inorder mo. So kamusta ka naman Jillian? " tanong ko habang hinihintay namin ang order namin. Pinipilit ko talaga magfocus sa magandang binibini na kaharap ko.

" Okay naman, Richard. Busy lang sa career pero I'm very much willing to entertain you sa mga ganitong biglaang lakad. How about you? "

" Medyo hindi gaanong okay, may gumugulo kasi sa isip ko. " wala sa sariling sagot ko.

" Ohhh kaya pala parang wala ka sa sarili mo. Care to share? Makikinig ako. "

" H-ha? Ahh no wala naman. Sa Kapitolyo lang yung problema ko. I'm sorry if medyo distracted ako. " napatingin ako sa waiter na noon ay papalapit na sa amin. " Andyan na pala ang pagkain natin. Come on, Jillian let's eat."

At magana na kaming kumain ni Jillian. Habang kumakain, palihim kong sinusulyapan si Mendoza na noon ay kumakain na rin. Kumakain sya pero halatang matamlay pa rin. Nakokonsensya naman ako dahil baka kaya siya matamlay dahil sa nangyari kaninang umaga. Hanggang sa matapos kaming kumain ay pasulyap-sulyap pa rin ako. Buti na lang at hindi nya napapansin dahil abala rin sya sa kinakain nya.

Minabuti muna namin ni Jillian na mag stay pa ng konti para mag kwentuhan. Nang magsalita si Jillian, muli kong ibinaling ang mga mata ko sa kanya. Pinilit ko namang i absorb ang mga sinasabi nya pero parang walang pumapasok sa isip ko dahil puro damit, photoshoot, fashion, make-up ang mga lumalabas sa bibig nya. Parang walang topic na pwedeng pag usapan namin na makaka relate ako. Parang gusto ko tuloy pagsisihan ang pag aaya ng lunch sa kanya.

Hanggang sa muli akong mapatingin kay Mendoza na noon ay abala sa cellphone nya. May kausap sya, at for the first time sa araw na ito, nakita ko syang nakangiti. Sino kaya ang kausap nya sa cp nya at parang ang saya-saya nya? Samantalang kanina matamlay at distracted sya. Tapos ngayon dahil lang sa isang tawag sa phone, magbabago agad ang mood nya? Parang may kumirot sa loob ko habang nakatingin pa rin sa kanya. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Nagseselos ba ako?

Kingina ka Richard, umayos ka na! Hindi na talaga tama yang nararamdaman mo! Kay Jillian ang focus mo! kay Jillian!

" Richard... "

Narinig kong tawag sa akin ni Jillian at naramdaman kong tinapik niya pa ang braso ko. Mabilis naman akong napatingin sa kanya. Bumuntong-hininga sya bago muling magsalita.

" You seem distracted talaga, Richard. Kanina pa ako kwento ng kwento dito, hindi ka naman pala nakikinig. Nagsasayang lang tayo ng oras eh. Mabuti pa I'll better get going na. Call me kapag hindi na ibang tao ang iniisip mo. "

Shit! No, hindi pwede. Ang gago mo Richard, umayos ka. Ikaw ang nagyaya ng lunch date na ito. Nakakahiya. May mga tao pang nakakakita. Get your head out of the gutter, please! Tigilan mo na ang kahibangan mo kay Mendoza!

Mabilis na tumayo si Jillian pero nahawakan ko ang braso niya dahilan para matigilan siya.

" Jillian wait- I.. I'm sorry, okay? I'm just really preoccupied right now. Sorry na. Please, just take a seat first. " malambing na suyo ko sa kanya kahit na medyo nasusuya ako sa tinuran ko. Kailangan ko ito. Kailangan ko si Jillian.

Mabuti na lang at nadaan ko sa pakiusap at pumayag siyang maupong muli. Inalok ko siya ng dessert para naman makabawi ako kahit na medyo sumasakit na ang ulo ko sa halu-halong nararamdaman ko. Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan at this time sinigurado ko ng nakatuon ako sa kanya kahit na lumilipad pa rin ako utak ko. Pinilit kong pagtiyagaan ang pakikinig sa kanyang mga kwento at hinayaan ko ang panaka-nakang paghawak at pagpisil niya sa braso ko. Kahit na inis na inis ako dahil alam ko ang ginagawa sakin ni Jillian, hinayaan ko siya. Pinigilan kong balingan ng tingin si Mendoza dahil hindi na talaga tama ang nararamdaman ko sa kanya.

Natigil ang aming pagkukwentuhan ng tumunog ang aking telepono. Salamat sa Diyos at tumawag si Martha para sabihing kailangan ko na ngang bumalik sa Kapitolyo dahil may kailangan daw isangguni sakin si Vice Governor. Nakahinga ko ng maluwag. Tatawagin ko na sana ang atensyon ni Mendoza pero wala na pala siya sa kabilang mesa.

Naalarma naman ako. Pero hindi ko pinahalata kay Jillian. Naisip kong marahil nasabihan na rin siya ni Martha kaya nauna na siya sa kotse. Pero bakit hindi niya ko hinintay?

Naglakad na kami ni Jillian palabas ng resto. Nagpaalam na ko ng maayos sa kanya at hinatid na siya sa kanyang sasakyan.

" Bye, Richard. Thank you for the lunch. Nag-enjoy ako kahit na medyo distracted ka. I hope maayos mo na yang problema sa Kapitolyo, kung anuman yan. "

" Thanks Jillian. You take care. Sorry again kanina. I had fun too. "

Inilapit ko na ang pisngi ko para bumeso pero nabigla ako ng hawakan niya ang magkabila kong pisngi at halikan ako ng tuluyan sa labi. Madiin at nang-aanyaya. Pinikit ko ang mata ko para sana matulungan ako ng mga halik na ito sa agam-agam ko. Pero wala akong naramdaman. Bagkus, pumasok sa isip ko si Mendoza. Kaya mabilis ko ring inilayo ang sarili ko. Ngumiti lang si Jillian at tuluyan ng pumasok sa kotse niya.

Kingina! Bakit si Mendoza pa rin?

Inis na napahawak ako sa sentido ko bago ko naglakad papunta sa sasakyan ko. Pagpasok ko sa kotse, binalingan ko ng tingin si Mendoza at nakita ko na binubulsa na niya ang cellphone niya. Naalala ko na naman yung ngiti niya habang may kausap siya kanina. Lalo akong nainis at hindi ko na napigilan.

" Mendoza, mag trabaho ka nga ng maayos. Sinasahuran ka hindi para mag cellphone lang! Wag kung sino sino ang kausap mo dyan! Dapat sa akin ang focus mo diba? Let's go, balik na tayo sa Kapitolyo. Bilisan mo dahil hinihintay na ko ni Vice dun! " bulyaw ko sa kanya at mabilis naman niyang iginiya ang kotse palabas ng parking at pinaharurot ang sasakyan ng wala pa ring imik.

A/N ayun na nga nag update din sa wakas😅😅😅😅 hahaha sorry na wag nyo kaming itakwil please 😅😅. Medyo mahaba mahaba ang ud na 'to para pambawi man lang sa matagal ninyong pag hihintay.

So nakita natin kung paano mag PMS si Gov. Daig pa yung manok na hindi mapaanak eh 😆😆😆😆😆 . Makaya pa kaya nya ang confusion na nararamdaman nya?? Abangan po!!

Maraming salamat sa mga naghintay at sumusuporta sa Mistaken. Wag nyo po sanang kalimutang bumoto at mag comment ha.. Salamat po! Mahal namin kayo!! 😘😘😘

Love lots,
iamlhudy87
&
xtinkyxbellax16

Bitin and ud comments in
3...
2...
1...

😂😂😂😂😂

Continue Reading

You'll Also Like

31K 1.6K 49
Dana once thought that she would be happy with her boyfriend, Luis. She thought that he was the one. She thought that they would be one big happy fam...
11.9K 432 27
Nalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to wal...
13.1K 734 20
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
12K 838 35
Ran Haitani, the Paraluman's Bassist and also one of the famous basketball players in their campus. He's always been labeled as the "matinik sa chick...