It Might Be You [Fin]

By YGDara

3.2M 62.1K 4.4K

Barkada Series #5: Vin Fortez Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa mahal mo? Vin Fortez is Erin Romualdez's... More

It Might Be You
Prologue
One
Two
Three
Four
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Message
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five [1]
Thirty-five [2]
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Epilogue

Five

69.9K 1.4K 94
By YGDara

"Ano'ng bibilin mo rito?"

Sumusunod lang si Erin kay Vin habang naglalakad sila papasok sa mall. Nagtataka lang siya kung bakit bigla-bigla nalang siyang hilahin ni Vin at nagpasama magpabili ng kung ano.

"Si Vaileen kasi eh, nagpapabili ng mga pagkain. Nasa bahay ang mga kaklase niya." Tukoy nito sa labing-walong taong kapatid na babae.


"Ah, ano ba ang gusto niyang ipabili?" Tanong niya at sinabayan sa paglakad si Vin.

"Bibilan ko nalang siguro ng chips and sodas." Aniya.

Napapalatak siya at umiling-iling. "Bilan mo nalang sila ng pizza o kaya donuts. Halika doon tayo sa Yellow Cab." Aya niya rito.

Umungol si Vin. "Eh, ang haba ng pila diyan eh."

"Gusto ko din ng pizza eh!" Reklamo niya.

Napabuga nalang ng hininga ito. "Fine, pizza it is."

Tagumpay na ngumiti si Erin dahil pumayag rin sa huli si Vin. Mabilis na ikinawit niya ang kanyang braso sa braso ni Vin at inihilig ang ulo niya sa balikat nito. Mabuti nalang at naka-wedge siya at abot ng ulo niya ang balikat ni Vin. Matangkad kasi ito at kapag hindi siya naka-heels pantay lang ang tuktok ng ulo niya sa mismong balikat nito.

Nang maka-order na sila ng tatlong boxes ng pizza ay umalis na sila.

"Matutuwa si Mama kapag nakitang kasama kita." Wika ni Vin habang pasakay sila sa kotse nito.

"Mas mahal nga kasi ako ni Tita Val kesa sa'yo." Biro niya.

Vin chuckled and agreed to her. "Yeah. Gusto ka talaga ni Mama at Vaileen." Sabi nito.

Napangiti nalang siya habang binabasa ang mga texts sakanya. Matagal narin siyang kilala ng pamilya ni Vin. Madali naman pakisamahan ang mga ito dahil likas na mababait ang mga Fortez kaya nga siguro'y mabait rin talaga si Vin, wala na siyang masabi roon.


Mabilis naman silang nakarating sa bahay ng mga Fortez. Kinuha ni Vin ang binili nilang pizza. Pinagbuksan rin siya nito ng pinto. He's really a gentleman, alright. Nauna itong pumasok at sumunod lang siya. Bumungad sakanilang dalawa sina Vaileen at ang mga kaklase nito sa may sala. May mga nakaupo sa sahig ang iba naman ay sa couch at kanya-kanyang bukas ang mga laptop na dala ng mga ito, halatang may ginagawang group project.

"Ate Erin!" Tili ni Vaileen at mabilis siyang niyakap.

"Hi, Vai." Natatawang bati rin niya rito.

"Mabuti naman at kasama ka ni kuya." Sabi nito at tsaka binalingan ang kapatid. "Nakabili ka ng pagkain, kuya?"

Itinaas ni Vin ang tatlong boxes ng pizza. "Is this enough?" Tanong ni Vin sa kapatid.

"Sobra pa nga iyan eh." Natatawang sabi ni Vai.

"Akin ang isang box diyan ah." Singit niya sa usapan ng magkapatid.

"Of course,ate." Natatawang sang-ayon ni Vaileen sakanya.

Lumapit silang tatlo sa mga kaklase ni Vaileen. Siguro'y higit sa sampung katao ang naroon. Karamihan ay babae.

"Guys! Kapatid ko si kuya Vin. And this is ate Erin, his closest friend" Pakilala sakanila ni Vaileen.

Inilapag ni Vin ang dalawang box ng pizza sa center table. "Kumain muna kayo." Nakangiting wika nito sa mga kaklase ni Vaileen.

Lumapit ito sakanya. "I'll just take this to the kitchen. Sunod ka nalang, nasa kusina rin siguro si Mama."

Tinanguan nalang niya si Vin.

"Grabe, Vai! Ang gwapo ng kuya mo!" Kinikilig na sambit ng isang kaklase ni Vai na may hawak na ngayong isang slice ng pizza.

Vaileen laughed. "Maganda kasi lahi namin." She joked.

Sumang-ayon naman ang mga kaklase nito miski siya ay sang-ayon na maganda nga talaga ang lahi ng mga Fortez.

"Hay! Sayang at ang layo ng agwat namin!" Natatawang sambit pa ng isa pang kaklase ni Vaileen.

Binato naman ng unan ni Vaileen ang kaklase. "Magtigil ka nga diyan, Angie!" Natatawang saway nito sa kaklase.


"Eto naman, joke lang! Siguro irereto ko nalang siya sa ate ko." Sabi nung Angie sabay tawa.

Vaileen rolled her eyes at siya naman ay natawa nalang. Kilala niya si Vaileen, at ayaw nito na may mga nireretong babae sa kapatid nito. "No thanks, my kuya doesn't need it."

Hinawakan niya si Vaileen sa balikat. "Chill up, Vai. Joke niya lang iyon."

"I know ate, pero siyempre mas mabuting alam na nila. Nakakainis kaya ang mga babaeng humahabol kay kuya." Inis na sabi nito.

"You really hate it when some girls oogle and stick to your brother?" Natatawang tanong niya parin kay Vai.

Ngumuso naman ito at tumango. "So you hate me? Lagi akong kasama ng kuya mo."

Natawa naman si Vaileen. "Iba ka naman ate eh. Mahal ka kaya nun."

"What? Ano iyong huli mong sinabi?" Tanong niya ulit. May binulong kasi ito pero hindi niya narinig.

Ngumiti ito at umiling. "Wala po. Sige na, punta ka na ng kusina."

Nagtatakang tinignan niya muna si Vaileen na malaki ang ngisi sa mukha. Pumunta nalang siya sa kusina at nakita doon si Vin na nagtitimpla ng juice habang nagluluto naman ang mama nito.

"Kamusta naman ang pinakamagandang tita Valerie na kakilala ko?" Bungad niya pagpasok sa kusina.

Lumingon si mama ni Vin sakanya at nilapitan siya. "Ako lang naman ang Tita Val na kakilala mo eh. Come here, Erin. I missed you!" Yakap nito sakanya sabay beso sa magkabilang pisngi niya.

"Si Tito po?" Tanong niya kay Tita Val..

"Nasa opisina pa. Pauwi narin iyon maya-maya." Sagot nito sakanya.

"C'mon Erin, kumain ka na. Ginawan na kita ng juice." Aya ni Vin sakanya.

Sumunod naman siya rito at naupo sa may dining table. "Smells good, Tita." Komento niya na tinutukoy ang niluluto nito.

"Thank you, hija. Dito ka na mag-dinner ha?"

"Aba, opo!" Mabilis na sang-ayon niya.

"Hindi ka talaga marunong tumanggi, ano?" Sabi sakanya ni Vin na may naglalarong ngiti sa mga labi.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit ayaw mo? Okay lang. Tita! Pasensya na, ayaw kasi ni Vin na dito ako kumain eh." Malakas niyang sabi.

"Pwede ba naman iyon? Siyempre gusto ko, ano. Gusto mo dito ka pa tumira eh." Naiiling na wika ni Vin sakanya. Si Tita Val naman ay patuloy lang sa pagluluto pero nangingiti sa pag-uusap nila ni Vin.


"Don't tempt me with that offer, Vin. I mighy just grab it." Tudyo niya rito.

Vin just shrugged his shoulders and ate his pizza. "Fine with me."


Napangiti nalang siya at pinagpatuloy ang pagkain sa pizza. Habang kumakain at nakikipagkwentuhan siya kay Vin ay biglang tumunog ang phone niya. Kumunot ang noo niya nang makita kung sino ang caller.

"Hello? Bakit?" Nakasimangot na sagot niya. Nagtaka namang tumingin sakanya si Vin.

She mouthed Polyanna's name to him and he just made a silent 'Oh'.

"Ayoko.. Just wait 'til next week. Don't be so eager Polly. Bye!" Mabilis na tinapos niya ang tawag. She's sure that Polyanna's nose is flaring right now.


"You look..pissed." Pansin ni Vin sakanya.

"Yeah, paano si Polyanna gustong makipagkita sa'kin ngayon." Amin niya rito.

"Oh, bakit hindi ka makipagkita?" Tanong ni Vin habang kumukuha pa ng isa pang slice ng pizza.

Lumukot ang kanyang mukha. "She would just brag her fiancé. Sabi pa niya na isama ko raw ang boyfriend ko. Double date daw kami. How pathetic."


Vin just kept chewing his food while his one arm was just resting on the table. "Then why didn't you agree? Hindi ba pumayag na ako? So, technically boyfriend mo ako. Right?"


Nginitian niya si Vin nang balingan niya ito. "Right. Kaya nga sabi ko sakanya na next week ka pa nila makikilala. Sa birthday ni lola, you're coming with me, right?"

Umismid si Vin sakanya. "As if namang hindi mo pa alam ang sagot ko, hindi ba?"


Natawa siya. "Tama. I know you can't resist me."

"Yeah. I really can't resist you."

------------

VOTE AND COMMENT ;)
follow me on Twitter and Instagram @kendeyss

Continue Reading

You'll Also Like

132K 3.2K 22
Her name is Hera and she's a Martyr Wife. Ends: July 23,2020 Edited: September 13,2020
2.2M 56.8K 45
Barkada Babies Series #3 Calix James Santillan is Elisha Min Illustre's closest among her childhood friends. Palagi siya nitong hinihintay tuwing uwi...
4.6M 96.6K 55
COVER MADE BY: Minah Jae Catchline: "I tried to wait but waiting too long is too much for me so I stopped." Teaser: Xyler Faith is a control freak...
1.3M 43.2K 34
Barkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa...