The Class S Students Dare

By bRezyLian62

3.4K 263 45

Tumuntong si Kaye sa school na pawang mayayaman lamang ang nakakapasok. She doesn't care about going to schoo... More

The Class S Students Dare
Chapter 1 New Comer
Chapter 2 "I Challenge You!"
Chapter 3 I.D.
Chapter 4 Fighting!
Chapter 5 Retake
Chapter 7 Him
Chapter 8 WARM HUG
Chapter 9 Sweets
Chapter 10 Lies
Chapter 11 Ryu and Leo
Chapter 12 Hide and Seek
Chapter 13 Hate

Chapter 6 ANG PUSA

227 21 0
By bRezyLian62

Chapter 6 ANG PUSA

***KAYE POV***
WALANG tigil ako sa paghinga ng malalim habang nakahawak sa seradura. Nasa harap na ako ng pinto. Hindi ng school kundi sa mismong bahay ng lola kong may dalawang sungay. Isama niyo na ang buntot.

Nasa sitwasyon ako kung saan hindi ko alam kung paano makakatakas. Sa unang araw ko sa pagpasok, napagalitan at nabato ako ni teacher ng chalk. Take note, sapo ako sa noo. Pangalawa, nakisama ako sa gulo kanina. Nakisawsaw ako sa problema ng iba. Sino ba namang hindi? Hindi na iyon makatao. Kaya naman hindi ko napigil ang sarili na maawa dito.  Siguro naman, kahit sino ang nasa kalagayan ko ay iyon din ang gagawin...

Saglit na pumasok sa utak ko ang ilang eksena kanina. Kung saan minamata ng mga kapwa ko kamag-aral ang babaeng naka-green na ribbon. Binabawi ko na, walang awa ang mga estudiyanteng nag-aaral doon. Lalo na ang mga nataguriang special students na iyon. Perpekto daw sa lahat ng perpekto. Pwe, hindi ko naman mahanap kung saan banda. Kapag sinabing perfect, dapat pati ugali kasama. Lahat sila ay masasagwa ang ugali. Lalo na ang manyak na si Tristan.

Huminga ako upang kalmahin ang sarili. Hanggang ngayon ay naaalibadbaran pa rin ako sa hunghang na iyon. Inapak-apakan niya ang nananahimik kong I.D. Humanda siya bukas. Siya naman ang aapak-apakan ko.

Ang pangatlo nga pala, napatawag ako sa principal's office, hindi sa gulo na pinasok ko kundi gusto lang nito na ipaulit sa akin ang test, na siyang ipinapakuha sa mga papasok sa school. Matapos ang nagawa kong pagpasa sa eksaktong puntos na hinihingi nila, saka pa ako pinaulit. Tapos inilagay pa ako sa pinakaalanganing sitwasyon.

Napabuga ako ng marahas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ng matandang iyon sa akin. Sa lakas ng radar niyon, natitiyak ko na alam na niya ang mga pinanggagawa ko. Sana hindi bawasan ng matandang iyon ang allowance ko. Tinitipid ko pa naman ito para tuluyan na akong makalayas dito.

Saglit akong bumitaw sa seradura at tinapik-tapik ang nangmamanhid kong pisngi nang dahil sa lamig. Inabot na kasi ako ng isang oras sa pag-iisip.

"Kaya mo iyan Kaye." pagbibigay lakas ko sa sarili. Sunod ay pikit matang pinihit ko ang seradura pabukas. At parang walang nangyari na tinahak ko ang direksiyon ng hagdanan. Hindi na muna ako kakain. Lalabas lang ako kapag tulog na ang lahat. Ngunit eksaktong pagtapak ko pa lang dito saka ko pa narinig ang malamig at nakapaninindig balahibo niyang boses.

"Where do you think you are going?" aniya.

Lagot! Huminga ako ng malalim sabay kagat sa ibaba kong labi.

"Karriza Aye!" She continued.

Mariin kong ipinikit ang nga mata. Nagbilang ako hanggang tatlo, maratos niyon, hinarap ko ang matandang ito kagaya ng dati. Halos magkasalubong ang magkahiwalay niyang kilay. Kasa-kasama niya rin ang nakakatakot niyang pagmumukha at awra.

"Good evening Lola." Hindi na ako nag-abalang bumaba at humalik sa kanyang pisngi. Wala sa ugali ko ang ganoon. Bagkos nanatili lang ako sa aking kinatatayuan.

"How's school?"

Napatayo ako ng tuwid sa labis na kaba. Tinatanong pa talaga? Hindi ba ba obvious? Baka naman alam na niya ang totoo tapos gusto niya lang akong tanungin kuno.

"It's fine." Humalukipkip ako.

"Pumasok ka?"

"Oo."

"Are you sure?"

"Oo naman!" Pinanlisikan niya ako ng nga mata sa biglang pagtaas ng boses ko. Darn! Hindi ko napigil ang bunganga ko. Masyado kasing makulit ang isang ito.

"Honorific Karriza Aye!" I can feel her coldness.

I take a deep breath and tried to look at her in eyes. "Pumasok po ako, lola."

Binigyan diin ko ang salitang po. Para naman matapos na ang pagtatanong at pagsusungit niya

"Aakyat na po ako, sa itaas."

Pagkasabi ko niyon, agad ko siyang tinalikuran at mabilis ang mga hakbang na tinungo ang silid ko. Pagkapasok ko, agad kong tinalon ang kama. Matagal bago ako tumihaya. Ang kulay pink na kisame ang sumalubong sa paningin ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na nandirito ako sa bahay ng matandang iyon. Hindi naman sana ako magagalit sa kanya ng ganito kung hindi niya lang nilait sa mismong harapan ko, ang papa ko na sumakabilang buhay na. Wala siyang karapatan na pagsabihan ako na huwag daw tumulad sa papa ko. Na isang dukha.

Itinaas ko ang isang kamay at idinantay ang braso sa mga mata ko. Sunod ay kinagat ko ang aking ibabang labi.

Kahit naman na naging mahirap ang buhay namin, nagawa parin akong pag-aralin ng mga magulang ko kaya nga nagsumikap ako para maipagmalaki ng lola ko. Para matanggap niya ang papa ko kaso hindi. Hanggang sa pagpanaw ng papa ko, nagawa pa rin niyang hamakin ito. Kung maaari lang sana akong umalis dito. Kaso si mama, ang huling sinabi niya ay pilit kong sinusunod. Iyon ay ang manatali sa poder ng mama niya, na siyang lola ko. Para man lang makaganti sa panghahamak na naranasan ng papa ko, gumaganti ako sa simpleng pamamaraan. Iyon ay ang ipahiya ang lola ko, sa pamamagitan ng pagpapa-kick out sa akin ng mismong principal ng school. And I already have my chances.

"If you didn't pass the exam, then you are free to leave this school."

But I blown it away because of my heroism.

"If you passed the principal's challenge there's a big possibility that you will be promoted."

Now there's a big possibility that my grandmother will be proud of me because of what I did earlier.

Nanghihinang bumangon ako. Para sa taong nangangailangan. Nakagawa ako ng bagay na siyang iniiwasan kong mangyari.

"Meet me tomorrow. Same time, same place."

Tumatak sa isipan ko ang sinabi ng babaeng naka-green ribbon. Sa mga nagawa ko, hindi na ako pwedeng umatras pa. Kahit pa ikakabago ito ng buhay ko.

"Hindi ka mananalo. You're just a low class student."

"Low class." Mahinang sambit ko. Sumaksak sa isip ko ang ilang kaganapan kanina lalo na ang iba't ibang kulay ng ribbon na suot nila. Kailangan kong basahin ang school brochure. Para malaman ko ang mga policies nito. At para na rin makilala ko ng lubos ang tinatawag nilang special students.

Dali-dali kong tinakbo ang cabinet saka hinalungkat ang gamit ko. Sinalakay ng kasiyahan ang buong katauhan ko nang makita ko ito. Mabilis akong tumalon sa kama sabay buklat ng school brochure.

"Let's see who are you people." I smirk.


HINILOT ko ang sintindo ko sa labis na pangangalay nito. Napuyat ako sa kakabasa kagabi. I learned that the school has a top ten students. Out of six grades, there are ten chosen students to earned the so-called royalty. Top one is, Kaizzer Leigh Montefalco. According to I had read, he's the guy which is next to perfection. From elementary up to now, na-maintain niya ang top one. When it comes to sports he has no weaknesses. Parang halos ay alam ng mokong na 'yon. Hindi man lang nagtira. Sa lahat ng subject ay lagi siyang nakaka-perfect. Minsan nga nagkaka-plus pa ang loko dahil sa nabibigyan siya ng additional points. Parang nagdadalawang isip tuloy ako kung kaya kong makipag-compete sa kanya.

I take a deep breath and continued walking. Hindi nakatakas sa  mga mata at pandinig ko ang nang-uusig na tingin at bulong-bulungan na ibinibigay nila sa akin. I expected that this would happened because of what I did for their so called King. I rolled my eyes in return. As if, matatakot ako sa kanila.

"Ang lakas ng loob ng babaeng 'yan!"

"Ilusyonada!"

"For sure, ginawa niya lang 'yon kahapon para magpapansin kay Prince Tristan. Malandi kasi."

Napagting ang tainga ko sa huling sinabi ng babaeng naka-blue ribbon. Kung makahusga ito akala mo kung sino. Para bang alam niya ang buo kong pagkatao, e hindi naman. Ito ang problema minsan ng isang tao. They judge you without even knowing the truth behind the story. They just love to judge people and make the story worst. May dagdag at bawas pa.

Muli akong huminga ng nalalim saka patay malisyang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko ang silid ko. I was planning to move inside but something bump on my mind. I slowly put my feet on the ground ang simply move one step backward. May napapanood ako sa tv about bullying.

Walang anumang inangat ko ang paningin ko saka inubserbahan ang pinto. Nangangamba ako na baka matulad ako sa mga napapanood ko. Iyong tipong bubuksan mo ang pinto tapos may mahuhulog na tubig o kaya naman pintura sa itaas. Pahinamad na hinawakan ko ang seradura, isang bagay lang ang matitiyak ko, kailangan kong buksan para malaman.

Pagpihit ko ng seradura, sinadya kong ilayo ang sarili. Nang medyo umuwang na ito, may karahasang sinipa ko ang pinto. Gaya ng inakala ko, may nahulog nga ngunit hindi iyon isang tubig o kung anumang liquid. Sa halip isa itong ginupit na papel at mayroong madaming kulay.

"Congratulation!" Sigaw iyan ng mga kaklase ko na iwinasiwas ang mga kamay sa ere.

Taliwas yata ito sa bagay na iniisip ko. Ikinibit ko ang mga balikat saka pumasok na sa loob. Ngunit naroon pa rin ang pag-iingat.

"Hi Kaye." Nakangiting salubong sa akin ng naka-phony tail na babae. Pasimple kong pinagmasdan ang nameplate niyang suot na siyang I.D. namin.

Tango lang ang isinagot ko saka patuloy na nagmartsa patungo sa upuan ko. They're still cheering at me. Hindi ko ito ikinakatuwa. Hindi naman ako whore fame. Dati, mukhang oo, but people's change. I hate it now. Sa halip na pakinggan ang mga pagmamalaki nila sa akin, inihilig ko ang likod sa inuupuan ko at tumungin sa labas.

"Hey, Kaye. Are you ready for the upcoming battle between you and our Prince Tristan?"

Our Prince? Parang gusto ko yatang masuka sa huling sinabi ng babaeng ito.

"For sure, she's hundred percent ready. Ready na siyang matalo." segunda pa ng isa at sinabayan pa iyon ng malakas na pagtawa.

"Ano pa nga ba. What do you expect from a low class like her?"

Wow, low class daw! Nagsalita ang hindi ko kauri sa ribbon!

"Ginagawa niya lang iyon kahapon para magpapansin sa mga prinsipe natin."

"Umaasa na manalo. Hahaha!"

I let go a deep breath and continue staring outside. Wala naman akong mapapala oras na patulan ko sila. Masasayang lang ang enerhiya ko. Nag-isang guhit bigla ang noo ko pagkakita ko sa babaeng nakahilig sa katapat kong haligi. Kahit may suot itong bull cap, natitiyak ko siya ang pumapangalawa sa ranking.

"Congratulations girl. You're gonna lost this battle." wika ng kaklase ko, tinapik ako sa braso.

Pinalis ko ito at mabilis na lumabas ng room. Ngunit wala na siya. "Nasaan na 'yon?"

"Looking for me?"

Bigla akong napalingon. Heto na siya, nasa haligi na ng classroom ko at nakahilig na rin. Mukhang mabilis kumilos a. Gusto niya yatang bigyan ko siya ng award. Best in tagalipat ng lugar.

Inayos niya ang suot na bull cap, dahilan para makita ko kahit papaano ang mukha niya. Sunod ay ikinaway niya ang isang kamay sa ere. "Hi."

Pagtingin ko sa bandang leeg niya, wala siyang suot na ribbon. "Why are you here, Vevian Eunice Alcantara?"

"Wow." Namilog ang mga mata niya. "How did you know my real name?"

"Research." tipid kong sagot.

A smile curve on her lips. After that she happily claps her both hands. "Too much for formality. Venice na lang, masyadong mahaba ang pangalan ko. You can call me Venice whenever you see me."

"What do you want from me?" mataman ko siyang tinitigan. She's not the kind of girl who mingles to the likes of me. Marami din kasi akong alam sa kanya. Ayon sa nabasa ko, mahusay siya sa mathematics. Badminton naman ang sports na kinahiligan niya. At isa din siyang modelo.

"Hmm." Pansin ko ang panandaliang pagtalim ng kanyang nga mata.

This girl, she's up to something!

Umalis siya sa pagkakahilig at tumuwid na ng tayo. "I'm just went here to check the girl who challenge our King, and end up fighting with Tristan." Sinuyod niya ako ng tingin. Natigil iyon sa suot kong ribbon. "I am impress seeing you. Hindi ka nga gaya ng inaasahan ko."

"Hindi porke't red ribbon ang suot ko, mamaliitin mo na ako gamit ng tingin mo." matapang kong sagot.

She let go a smile. "You're a fighter. Sana manalo ka, Karriza Aye Valdemor." Aniya, umalis din pagkatapos.

Inikot ko naman ang nga mata sa labis na frustration. I really don't like this school. May discrimination sa mga lower achiever  na gaya ko. Mauuwi sa pambu-bully ang lahat oras na hindi mabago ang patakaran ng paaralang ito.

Ikinuyom ko ang mga kamay at bumalik na sa aking klase. Ang akala ko magiging normal ang araw ko ngunit sa hindi ko malamang kadahilanan. Pinaalis ako ni teacher sa classroom.

"Pero-" tutol ko sa pagitan ng pagtayo.

"Wait until you get your result from yesterdays exam." sa sinabi iyon ni teacher nagsimula ang bulong-bulungan.

Wala akong ibang ginawa kundi ang magliwaliw. Hanggang sa may namataan akong puting pusa. Mabalibuhanin ito at ubod ng ganda.

Nilingon ko ang paligid para makatiyak na may nagmamay-ari nga rito ngunit kahit isa ay walang nagbantang lapitan ang mabalahibong pusa. An evil smile curve on my lips.

I will play with that lovely cat.
***END OF KAYE POV***

AN:// Sino kaya ang may-ari ng pusa?

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 71.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
1M 83.5K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
5.4M 275K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
13.6K 353 24
Have you ever met someone for the first time and wondered if they'd become an important part of your life or they'd just passed by like a fleeting br...