In My Arms Again (BFF Series...

By JMiguela0806

2.5K 99 14

In My Arms Again "Just say yes, spend your lifetime with me and I'll spend the rest of my life proving that... More

Chapter 1 (Unedited)
Chapter 2 (Unedited)
Chapter 3(Unedited)
Chapter 5 (Parang Panaginip)
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 4 (Finally! Ngumiti na ang Tadhana)

204 6 0
By JMiguela0806


CHAPTER 4

Be calm Agatha. Huwag kang magpahalatang patay na patay ka sa kaniya, bulong ni Agatha sa kaniyang isipan nang makita niya si Devin sa kinauupuan nitong stool bar, naroon ito sa bar counter at nag-iisa.

Ang kakaibang kabang hatid ng binata sa kaniyang pagkatao ay muli na naman niyang naramdaman. Ilang sandali pa niya itong pinagmasdan mula sa entrance ng Dizzco bar.

His gorgeous eyes that speak a thousand words, his sexy rosy lips. He's damn so perfect! Parang walang pangit na anggulo.

Napansin ni Agatha na kanina pa palingon-lingon si Devin sa paligid na para bang may hinahanap ito. Simula nang kinanta ng bandang nagpe-perform ng gabing iyon ang You're Beautiful ni James Blunt ay parang awtomatikong kumilos ang katawan ng binata at nagpalinga-linga sa paligid. Nakita pa ni Agathang ngumiti ito na para bang may naalala.

Ang taray! Pareho kami, ngumingiting mag-isa. Sigurado ako magkakasundo kami.

Finally, she decided to come inside at simulan nang magpapansin sa lalaking sinadya niya roon.

♫You're beautiful

You're beautiful

You're beautiful, it's true

I saw your face in a crowded place

And I don't know what to do

'Cause I'll never be with you.♫

Tila ngayon ay kakampi ni Agatha si kupido at ang tadhana. As she entered and ambled inside the bar ay namataan niyang nakatitig sa kaniya si Devin, as if he's inlove with her, and was enticed by her charm, as if she owned the most beautiful face.

Oh Gosh! Those gorgeous eyes of yours that speak a thousand words.

Binalot ng matinding kabang may halong kilig ang pakiramdam ni Agatha, ngunit ngayon ay kontrolado na niya ang kaniyang pagkilos at hindi niya iyon ipapahalata kay Devin.

Walang kakurap-kurap nitong sinundan ang bawat pagkilos niya hanggang sa makaupo na siya.

Pink laced, off shoulder long-sleeves fitted dress ang suot ni Agatha. Pakiramdam niya ay magiging paboritong damit na niya ito, dahil ngayong gabi ay nakuha niya ang atensiyon ng binata.

She dropped Devin the sweetest smile she could ever give, and he reciprocated it with a smile that melts her heart. She can't believe that this was happening.

"Blue hawaiin mam." Inilapag ng waiter ang cocktail drink sa kaniyang lamesa.

"I'm sorry ha? Pero, I haven't place my order yet.", paliwanag ni Agatha sa waiter.

"Opo mam, alam ko po. Pasensya na po kayo napag-utusan lang."

Nagtatakang tiningnan ni Agatha ang blue hawaiin na ibinigay ng waiter.

"Pasensya ka na talaga pero hindi ko ito matatanggap. Hindi ko alam kung kanino ito galing at hindi ako tumatanggap ng inumin kung hindi ko kakilala ang nagpadala." Napakamot sa ulo nito ang waiter, at nakita ni Agatha na napadako ang mata nito sa kinaroroonan ni Devin. Parang nanghihingi ng saklolong tiningnan ito ng waiter, ngunit nagkibit balikat lamang siya dahil ayaw naman niyang maging isang dakilang assumera.

"Ah, kay sir Villavicencio po iyan galing mam. Ayon po siya."

Nilingon ni Agatha ang direksiyong itinuro ng waiter. Muntik nang malaglag ang kaniyang puso nang masiguradong si Devin nga ang tinutukoy ng waiter na nagpadala sa kaniya ng inumin.

Itinaas ni Devin ang crystal whisky glass na hawak niya at nginitian si Agatha bilang pagbati.

Pigil na pigil ang pagtili ng puso ni Agatha sa kilig na bumbalot sa kaniyang katawan. Oh my Gosh! Ibig bang sabihin nito, ay type niya ako?

"Thank you.", sambit niya at nginitian si Devin.

Ginawang abala ni Agatha ang sarili sa pag-iinternet gamit ang cellphone. Ayaw niyang ipakita dito ang pag-iinit ng kaniyang mga pisngi. Buti nalang ay malamlam ang ilaw sa loob ng bar, hindi masyadong makikita ni Devin ang pagpula ng kaniyang mga pisngi. Baka kasi isipin ni Devin ay kilig na kilig siya rito at patay na patay.

Kahit iyon naman talaga ang totoo.

"Hi!" Biglang napaangat ang mukha ni Agatha sa pagkagulat nang marinig ang nagmamay-ari ng boses. Nasa harapan na niya si Devin at dala nito ang inumin niya.

Those gorgeous eyes, mas maganda iyon sa malapitan. At kahit may kadiliman ang paligid, maliwanag pa rin ang iyong kagwapuhan.

Katulad noong una nilang pagkikita ay napatulala lamang si Agatha dito, nakangiti siya, ngunit napipi.

Huminga siya ng malalim.

Inhale, exhale., wika niya sa sarili and she made herself composed. Hindi na siya makapapayag na maghiwalay ang mga landas nila nang hindi na naman siya nakakapagsalita.

"Mayroon bang magagalit if I join you here?"

"May nakikita ka bang, hindi ko nakikita?" luminga-linga siya sa paligid at nagkunwaring hinahanap ang taong tinutukoy.

Devin laughed.

Napatawa ko si Devin. Oh my God! Anong gagawin ko? Hihimatayin yata ako. Juicekolord!

Tuwang-tuwa ang puso ni Agatha. Sa wakas ay unti-unti nang nagkakatotoo ang noon ay pangarap lamang niyang makita at makausap ang lalaking minamahal. Heto sila ngayon, magkasama.

"You're funny. Anyway, siguro naman sasabihin mo na ang dahilan kung bakit picture ko ang naka-set as wallpaper mo?", nanunuksong tanong nito at tumabi sa inuupuan niya.

Sa halip na sumagot ay isang pag-irap ng mata ang ibinigay niya dito at nag-iwas na din siya ng tingin.

"Buburahin ko nalang!", kunwari ay naiinis niyang sabi at akmang pipindutin na ang delete button ng kaniyang cellphone, ngunit maagap namang pinigilan siya ni Devin.

"No! I like it." Hawak nito ang kaniyang mga kamay. Muling naramdaman ni Agatha ang pamilyar na kuryenteng hatid ng binata, ngunit parang mas matindi ang pagdaloy nito ngayon. Ramdam niya ang init ng katawan ni Devin na nakadikit sa kaniya.

"Okay lang sa akin na crush mo ako.", dugtong nito at ngumiti sa kaniya nang nakakaloko. Dama ni Agatha ang ibig nitong sabihin, his eyes say a lot.

Binawi ni Agatha ang kamay na hawak ni Devin. "Deleted." Plano din naman niya itong i-retrive pag-uwi niya ng bahay. Palusot lamang niya iyon kay Devin upang huwag naman masyadong isipin nito na talagang patay na patay siya rito, kahit na iyon naman talaga ang totoo.

"Galit ka ba?", nag-aalalang tanong ni Devin sa kaniya, hindi kasi siya nagpapakita ng kahit anong reaksiyon.

Inilabas nito ang kaniyang cellphone.

Aga namang lovers' quarrel nito. Agatha huwag ka ngang umarte! Teka! Ano ang gagawin niya sa cellphone? Bakit binuksan niya ang camera?

"Hey stop!" Itinakip ni Agatha ang mga kamay sa kaniyang mukha. Ngunit huli na ang lahat dahil napicture-an na siya ni Devin.

"Kung nahihiya kang aminin na crush mo ako, ako hindi. Ayan, para amanos tayo." Malaki ang ngiti nito sa kaniyang labi.

Napahagikgik si Agatha sa ginawa ng binata. Tawang kinikilig, iyon ang tamang sabihin. Hindi akalain ni Agatha na may kakulitan itong itinatago. He made her picture his wallpaper and he showed it to her para maniwala siya. She loved it.

May pag-asa na ako, hiyaw niya sa kaniyang isip.

"I'm Devin Steffan Villavicencio.", pormal nitong pagpapakilala. He offered his hand for shakehands and Agatha gave hers. Unti-unti na siyang nasasanay sa kuryenteng dumadaloy sa tuwing magkakadikit ang mga balat nila.

"Alam ko. Crush nga kita hindi ba? Anyway, I'm Maria Agatha Villafuente." Tinawanan niya ang binata at kung hindi nagkakamali si Agatha ay namula ang pisngi ni Devin nang sabihin niyang crush niya ito.

Sa halip na shakehand ay hinalikan ni Devin ang likod ng kaniyang kamay. Pigil na pigil ang kilig na nararamdaman ni Agatha nang mga sandaling iyon ngunit ang totoo ay kaunti na lang at gusto na niyang sundin ang panunukso ng kaibigang si Vhon, ang i-take out ito at pikutin nalang.

"Maria Agatha Villafuente, the owner of Alimeneto by Agatha? And the heiress from Central Luzon?", paglilinaw nito sa kaniya.

"Paano mong nalaman?"

"Aside from, kilala ka naman talaga, one of my colleagues had a big crush on you. You went for a dinner with him once pero hindi na daw naulit, kasi..."

"Kasi?"

"Kasi, basted daw siya kaagad sayo first date niyo palang."

"Pinagtitsismisan n'yo pala ko ha?" Tinaasan niya ito ng isang kilay at nginitian upang ito naman ang tuksuhin.

"Hindi naman. Napagkwentuhan lang na you have a face of an angel." Sumimsim muna si Devin ng whisky bago siya sumagot.

"Really? Bolero!", iiling-iling na sagot ni Agatha

"Of course not. Honestly, noong una kitang makita, hindi ko alam na ikaw pala ang Maria Agatha Villafuente na napag-usapan namin. You're more beautiful than what I had imagined."

Hindi nag-aalis ng tingin si Devin sa kaniya. His sincerity was seen in his gorgeous eyes.

You're more beautiful than what I had imagined. Ulit niya sa kaniyang sarili, gusto ng tumakas ng kaniyang puso sa sobrang bilis ng tibok nito, but she must keep herself composed, dapat na siyang masanay.

Shut up Devin! Bakit ba napakabolero mo? Please, stop it at baka tuluyan na 'kong bumigay.

Nginitian lamang ni Agatha ang sinabi ni Devin, ayaw niyang magkomento dahil baka madulas siya at masabing mahal niya ito.

"Bakit nga pala mag-isa ka lang na pumunta dito sa Dizzco?", kaswal na tanong nito.

"Actually, may kasama talaga ako. Ang kaso ay nagkaroon siya ng emergency, so napilitan siyang umalis kaagad."

"Ka-date mo?" Nag-iwas ito ng tingin sa kaniya na para bang hindi nito gusto ang itinatanong.

"Mmm, yeah."

Napansin ni Agatha ang pagkunot ng noo ni Devin.

"Hindi ka man lang niya inihatid sa bahay niyo?" Naguguluhan si Agatha sa nakikitang reaksiyon ni Devin. Kung nagagalit o naiinis ba ito ay hindi niya maintindihan. But she liked it, pakiramdam kasi niya ay concerned ito sa kaniya.

"Ah, hindi naman sa ganoon. Ako kasi ang nagsabi sa kaniya na huwag na niya akong ihatid. Ako ang nagpumilit, kasi alam ko naman na importante talaga 'yong rason niya kung bakit kilangan niyang umalis kaagad, kaya, nagpaiwan nalang ako sa Alfredos. Tapos naisip ko masyado pang maaga para umuwi ng bahay kaya dumaan muna ako dito.", paglilinaw ni Agatha.

"Oh, i see. Well, thanks to him."

"Ha?", nagtatakang tanong ni Agatha. Bakit ito nagpapasalamat kay Samuel?

"Buti nalang at hindi natuloy ang date ninyo. Kung natuloy kasi 'yon, e di wala ka dito kasama ko?"

Parang muling tinambol ang dibdib ni Agatha. Kanina ay nakalma na niya ang sarili, ngunit ngayon ay heto na naman at nabibingi siya sa lakas ng tibok ng kaniyang puso.

Yumuko na lamang si Agatha at ngumiti sa sinabi ni Devin. Kahit na nakayuko siya ay nakikita niya ang binata na titig na titig sa kaniya. Mga tinging hindi nakakainis, bagkus ay nakakakilig. He looked at her as if he had hots for her and madly inlove with her.

Iyong mga tingin mo naman Devin. Parang gusto na kitang sagutin kahit wala ka pa naman tinatanong.

"Para kang drugs!", bulalas ni Devin na bumasag sa panandalian katahimikan namagitan sa kanila.

"Ha? Bakit?"

"I'm addicted to you." Kapwa sila nagtawanan sa ka-corny-han ni Devin.

Kinikilig si Agatha kahit na alam niyang ang corny noon.

"Hahaha, ang corny! Ikaw ang parang drugs."

"O sige nga, bakit naman?"

"Because, I'm into you."

Devin blushed for the second time, nag-iwas ito ng tingin sa kaniya upang siguro ikubli ang nararamdamang kahit na lalaki ito ay kinikilig pa rin.

"Napansin ko partner, nandito ang very hunky at talaga namang fafable na si Sir Devin Villavicencio.", anunsiyo ng isang binabaeng stand-up comedian.

"Ay oo nga, andoon siya bes." Sabay turo sa kinaroroonan nilang dalawa. Nakuha nila ang atensiyon ng mga gays stand-up comedian, kaya sila ang napagdiskitahan na maging topic ng kantiyawan. Hindi nakakapikon ang mga biro ng mga ito, sa halip ay parang gusto pang pasalamatan ni Agatha ang mga ito dahil sa pagmamatch-making ng mga ito sa kanilang dalawa.

"Sir Devin, sample naman diyan, para naman marinig ng madlang people natin ang hindi pa nila nadidiskubreng talent mo."

"Oo nga sir. Sample! Sample! Sample!"

Nakihiyaw na rin ang iba pang customer sa loob ng bar. Inubos na muna ni Devin ang laman ng whisky glass at saka ito nagtungo sa stage upang pagbigyan ang mga nangungulit na comedian.

Nakita ni Agatha na bumulong si Devin sa bandang nagpeperform doon, marahil ay sinabi nito ang kantang nais niyang awitin.

"This song is for you.", maikli nitong sabi at nag-flying kiss pa sa kaniya.

Hindi na maitago ni Agatha ang kanina pa niya kinikimkim na kilig na hatid ng binata, lalo na nang magsimula na itong kumanta.

♫Oh, her eyes, her eyes make the stars look like they're not shinin'

Her hair, her hair falls perfectly without her trying

She's so beautiful and I tell her everyday♫

The crowd started to cheer first note pa lamang ni Devin.

"Papa Devin, marry me now." Narinig pa ni Agatha na isinigaw ng isang binabaeng customer.

Nagtaasan ang mga balahibo ni Agatha unang lyrics palang ng Just the way you Are ni Bruno Mars, hindi dahil sa natatakot siya kung hindi dahil Devin never failed to astonish her. He left Agatha open-mouthed.

Nakaramdam din si Agatha ng kaunting pagkailang dahil habang kumakanta si Devin ay nakatingin ito sa kaniya na para bang hinaharana siya. At dahil doon, pati ibang customer ay napapatingin din sa kaniya.

Ahhh... Please, stop Devin! You're making me fall for you even deeper.

Kung ipipikit lamang ni Agatha ang mga mata ay si Bruno Mars ang maiisip niyang kumakanta. Mukhang gising na gising si Devin noong nagpaulan ang Diyos ng kagwapuhan, talento at iba pang magagandang katangian, at halos lahat na yata ng iyon ay sinalo nito.

Mukha na parang pinabata at mas pinaformal na Ian Veneracion. Ang speaking voice naman niya, Derek Ramsy lalaking lalaki, tapos pati ba naman singing voice, mala-Bruno Mars ang level. E di ikaw na talaga ang pinagpala!

♫When I see your face

There's not a thing that I would change

'Cause you're amazing

Just the way you are

And when you smile

The whole world stops and stares for a while

'Cause, girl, you're amazing

Just the way you are♫

"Ang swerte naman that girl.", muling pangangantiyaw sa kanila ng mga gay stand-up comedian nang matapos na ni Devin ang pagkanta at nakaupo na ulit ito sa tabi niya.

"How to be you po?", tanong ng isa sa kaniya. Hinampas naman nang isang gay stand-up comedian ang kasama.

"Kilala ko siya ateng! You can never be her, sorry ka at nag-iisa lang siya. Si Ms. Agatha 'yan o, 'yung may-ari ng Alimento by Agatha, regular customer natin sila dito ng mga friendships niya."

"Ay oo nga. Hmmp! Ano ba iyan? Nakakagigil sa inggit. O e di kayo na ang match made in heaven.", kunwari ay nagdadabog na sabi ng isa.

"Isang mala-Ian Veneracion."

"Tapos isang Song Hye Kyo. O di ba? Bagay na bagay."

Pigil na pigil ni Agatha ang kilig nanararamdaman ng mga sandaling iyon.    

Continue Reading

You'll Also Like

393K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
354K 5.4K 23
Dice and Madisson
795K 27K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...