In My Arms Again (BFF Series...

By JMiguela0806

2.5K 99 14

In My Arms Again "Just say yes, spend your lifetime with me and I'll spend the rest of my life proving that... More

Chapter 1 (Unedited)
Chapter 2 (Unedited)
Chapter 4 (Finally! Ngumiti na ang Tadhana)
Chapter 5 (Parang Panaginip)
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 3(Unedited)

160 7 0
By JMiguela0806

CHAPTER 3

Sabay na bumaba sa living area sina Agatha at Khristine. Nauna nang umalis ang kaibigan. Mayroon naman itong sariling sasakyan kung kaya hindi na din nag-atubili pa si Agatha na ihatid ito pauwi.

"Hi.", maikling bati ng makisig na lalaking nakatayo sa living area. Nakangiti ito nang salubungin siya.

Lumapit si Agatha sa lalaking naghihintay. Si Samuel, ang lalaking ipinakiusap ng kaibigang si Vhon na maka-date niya. Naging magkaklase ang mga ito sa ibang subjects noong nasa kolehiyo pa sila.

"Hi.", bati niya dito. The guy looked drop dead gorgeous in his checkered white and blue polo and jeans. Kahawig nito ang sikat na aktor na si Daniel Padilla. Bakas sa tindig ng binata na isa siyang intelehente at maginoo.

Hindi nagpapahuli ang angking kagwapuhan ni Samuel sa lalaking minamahal ni Agatha, si Devin. Iyon nga lang, ang huli ang siyang nagmamay-ari na ng puso ni niya. Pinagbigyan lamang niya ang sarili na lumabas kasama ang iba, bukod sa dahil ipinakiusap iyon ng kaibigang si Vhon, ay naisip din naman niya na baka ito na ang tamang panahon para limutin ang malabong mabigyang kalinawang pagmamahal na mayroon siya para kay Devin.

"Samuel Sandoval.", pagpapakilala nito sa kaniya. Iniabot nito ang boquet ng assorted flowers kay Agatha, at malugod naman niya itong tinanggap.

"Thank you."

"Shall we go?"

"Yeah, yeah.", tumango si Agatha. Inalalayan siya ng lalaki sa pagsakay sa Land Cruiser nitong dala.

Mabilis na nagkapalagayan ng loob ang dalawa. Habang patungo sa kanilang pupuntahan ay marami na rin silang napagkwentuhan.

"Talaga? So, stalker pala kita?", pabirong tanong ni Agatha kay Samuel nang malaman niya mula sa binatang kasama, na noon pa ito may lihim na pagtingin sa kaniya at ngayon lamang nagkaroon ng lakas ng loob upang lumapit at pormal na manghingi ng permisong manligaw.

Ngumiti lamang si Samuel "Masama bang humanga ako sa isang dyosang katulad mo?"

"Huwag kang ganiyan Samuel, baka maniwala ako sa'yo niyan.", Bolero, usal ni Agatha sa isipan.

"E di maniwala ka. I'm telling you the truth, anyway."

"Ewan ko sayo." Tinawanan na lamang ito ni Agatha, she can't take it seriously. Hindi niya maramdaman ang kilig sa pambobola nito at isa lang ang alam niyang dahilan, si Devin.

"We're here."

Pagdating nila sa Alfredos, isang fine dining restaurant sa Baguio City, ay inalalayan siya ni Samuel mula sa pagbaba ng sasakyan, pagpasok sa restaurant, at pag-upo. Pakiramdam tuloy niya ay isa siyang prinsesa o hindi kaya ay isang kristal na iniingatang huwag mabasag.

Samuel Sandoval is a perfect gentleman. Napakabait nito sa kaniya, masarap kasama, may sense kausap at idagdag pa dito ang kagwapuhang taglay nito. Hindi maitanggi ni Agatha ang magagandang katangian na iyon ni Samuel.

Pagkainis ang nararamdaman ni Agatha sa kaniyang sarili. Si Samuel na sa palagay niya ay isang perfect boyfriend material ang nasa kaniyang harapan, ngunit lihim na ninanais ng makulit niyang puso na sana ay si Devin nalang ang lalaking kaharap at nagtatapat ng pagkagusto sa kaniya. Kung si Devin lamang ito, marahil ay hindi na siya nagpakipot pa at kahit wala itong ikinukumpisal na pagkagusto sa kaniya ay ayos lang, magkakasiya nalang siya sa oras na magkasama sila, basta ito ang kapiling niya.

"Nicoise salad with fresh tuna.", wika ni Agatha habang ang mga paningin ay nakatuon pa rin sa menu niyang hawak.

"Is that all Agatha?" Tumango si Agatha sa tanong sa kaniya ni Samuel.

"Nicoise salad with fresh tuna for the lady and mine is Grilled coffee rubbed steak.", pagbibigay ni Samuel ng kanilang final order sa waiter na nakatayo sa gilid ng mesang kanilang inuokupahan.

"So gaano ka nang katagal na Architect?", panimulang tanong ni Agatha kay Samuel nang tumunog muli ang hawak nitong cellphone.

Tinapunan ni Samuel ng tingin ang kaninyang cellphone, na dalawang ulit nang tumutunog simula pa kanina. "Ah, sorry." Iniangat pa nito iyon upang ipakita sa kaniya at saka inilagay sa silent mode upang hindi makaistorbo.

"Come on Samuel don't worry about me. Answer the phone, baka mahalaga iyan.", mungkahi ni Agatha sa kasama.

"Are you sure? Nakakahiya naman sa iyo."

"Yeah, I am sure. Baka importante iyan kaya sige na, answer the phone."

"Excuse me for a while, I'll just take this call. Babalik ako kaagad. Promise." Itinaas ni Samuel ang kanang kamay na parang buong pusong nanunumpa.

Buti ka pa Samuel, binibigyan mo ng panahon ang kagandahan ko. Si Devin ng buhay ko kaya? Magkikita pa kaya kaming muli? Nakangiti si Agatha habang nakatingin kay Samuel na mayroong kinakausap sa cellphone nito sa hindi kalayuan, ngunit ang kaniyang isipan naman ay nakay Devin.

Muling naalala ni Agatha ang pagtatagpo nila ni Devin. Hindi mawala sa isip niya ang kakaibang sensasyong hatid nito sa kaniya lalo na nang hawakan nito ang kamay niya. Naalala niya ang pakiramdam ng kuryenteng gumapang at kumiliti sa kaniyang katauhan. Bakit kay Samuel wala akong naramdaman na ganoon? Hay Devin! Tingnan mo kung ano ang ginawa mo sa akin.

"Agatha, I'm sorry. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na maka-date ka, kaso may emergency pa. My sister was rushed to the hospital and she's in a very critical condition right now according to my mom. I'm sorry, but we need to go. Ihahatid na kita." Bakas sa mukha ng binata ang labis na pagkadismaya at panghihinayang sa kanilang naunsiyaming date, ngunit kitang-kita din naman dito ang pag-aalala sa kapatid niyang isinugod sa ospital.

"No, no. I'm okay. Puntahan mo na sila kaagad sa hospital, I'll be fine. I swear.", walang halong pait niyang pagtanggi. Hindi siya naiinis o nagagalit dito, buong puso niyang naiintindihan ang kalagayan ni Samuel.

"No, ihahatid na kita.", giit ni Samuel.

"Huwag na Samuel, kailangan ka ngayon ng pamilya mo. Don't worry about me, okay?", paliwanag ni Agatha sa binata at hinaplos ang balikat nito.

"Are you sure?"

"Oo naman, sige na lumakad ka na." Nginitian niya si Samuel upang ipakitang naiintindihan niya ang mga pangyayari, iwinasiwas pa niya ang kaniyang kamay na parang itinataboy na ito.

"I promise, I'll make it up to you.", hinalikan ni Samuel si Agatha sa pisngi bilang pamamaalam.

He kissed me on my cheek. Funny, I felt nothing. Walang malisiya sa akin. Pero when Devin held my hand? God! Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan at pilit na ginagawan ng malisya. Sinalat ni Agatha ang pisnging hinalikan ni Samuel at pinagtawanan ang sarili.

Naiwan si Agatha sa restaurant at nakapangalumbaba. Naisipan niyang magbukas at bisitahin ang kaniyang Instagram account. "Ikakasal na si Jessica? Grabe! Ang bilis. Paano si Devin?", pag-aalala niya rito. Iiling-iling siya sa naisip. Muli siyang nakaramdam ng kalungkutan para kay Devin, gayong dapat ay magdiwang siya dahil ang ibig lamang nitong sabihin ay tuluyan nang mabubura si Jessica sa buhay ng binata. Magkakaroon na siya ng mas malaking pagkakataon para mapansin siya nito, kahit na hindi niya sigurado kung muli pa bang magkukrus ang kanilang mga landas.

"Yes marshie?" Sinagot ni Agatha ang cellphone nang tumawag ang kaibigang si Vhon.

"Marshie, nasaan ka na? I'm sorry marshie.", tanong nito. Marahil ay nag-aalala ito sa kaniya dahil sa malamang ay nabalitaan na nito ang naunsiyaming date nila ni Samuel.

"Ano ka ba? Wala 'yon. 'Di naman ginusto ni Samuel na maiwan ako dito mag-isa, ako pa nga ang nagpumilit na huwag na niya akong ihatid."

"Iii yiii, nahihiya kasi ako sayo marshie."

"Hmp! Para namang ibang tao lang at hindi bff."

"Pero marshie, kaya talaga ako napatawag bukod sa nagtext si Samuel tungkol sa nangyari sa date ninyo, ay kasi ano..."

"Ano?", tanong niya sa kaibigan, nasasabik siyang malaman kung ano ang sasabihin nito sa kaniya.

"Si Devin―", sambit nito. Ngunit mabilis na pinutol ni Agatha ang sinasabi ng kaibigan at siya na ang nagpatuloy ng balitang sa palagay niya ay nais nitong sabihin sa kaniya.

"Na engaged na si Jessica sa bago niyang boyfriend?"

"Paano mong nalaman marshie?"

"Instagram." Tumawa si Vhon na nasa kabilang linya.

"Ay grabe! Anong himala?"

"Sira!"

"Pero marshie ano ba! Hindi 'yon ang sasabihin ko. Si Devin nga kasi.", pagpapatuloy ng kaibigan, ngunit para bang sinasadiya pa siya nitong bitinin o pasabikin sa balitang ihahatid.

"O, ano nga si Devin?", sabik na tanong niya. Basta tungkol kay Devin ang pag-uusapan ay palaging nakakaramdam ng kasabikan si Agatha.

"Akala ko bang nag-iinstagram ka na ulit?" Pagtataray ng kaibigan na nasa kabilang linya. "Hmp, anyway, marshie si Devin nasa Dizzco bar. Nakita ko sa instagram post ng kung sino. May stolen shot sila ni Devin, tapos ipinost nila, kaya ayon nakita ko. Mga kilig na kilig nga ang mga bruha. 'Di ba malapit lang diyan iyon sa Alfredos?"

"Oo ata, siguro mga five minutes lang ang travel time mula dito. O, bakit?"

"Anong o bakit ka diyan? Marshie naman ito na 'yon. Ito na 'yong pagkakataong pinakahihintay mo!", batid ni Agatha ang panggagaliiti ng kaibigang nasa kabilang linya, na kung kasama lamang niya sa personal ay tiyak na kilaladkad na siya nito. "Ayan na nga o, gumagawa na ang langit ng paraan. Ano pang hinihintay mo diyan? Pumunta ka na 'don at magpacharming ka kay prince charming!", madiing giit ng kaibigan.

"Marshie ayoko nga, I'm shy.", pagpapakipot niya, ngunit ang puso niya ay nagtatatalon sa tuwa dahil baka ito na ang pinakahinihintay niyang pagkilos ng tadhana upang ang matagal na niyang pinapangarap na mapalapit man lamang kay Devin ay sa wakas ay mukhang magkakaroon na ng katuparan.

"Gaga marshie! Biente siete ka na, shy shy ka diyan. Aba'y kailangan mong kumilos bago pa magsara yang sinapupunan mo!"

Napahagikgik siya sa kabulgaran ng kaibigan, "Ang advance naman ng utak mo marshie! Pwede bang magkakilala muna kami. Usapang sinapupunan ka naman kaagad diyan.", pagsaway niya sa malisyosong pagnanasang iniuukit ng kaibigan sa wala pang karanasan niyang kaisipan.

"Hay naku! That's the problem with the virgins, mala santa. Well ano pang hinihintay mo? Punta ka na go!"

"Oo na po, pupunta na. Oh my God marshie! Kinakabahan ako. Paano kung hindi niya ako pansinin?" Napasimangot si Agatha sa malungkot na posibilidad na gumuhit sa kaniyang isip.

"Hindi 'yan marshie. 'Wag kang kabahan. Sure akong mapapansin ka niya. Wala ka lang talagang tiwala sa alindog mo e. Basta 'pag nagkakilala na kayo marshie, i-take out mo na sa bahay mo at pikutin mo na ha?", ibinaba na nito ang telepono.

Binuo ni Agatha ang sarili. Desidido na siya, she needs to make a way para makilala sa maayos na paraan ang Devin ng buhay niya. She needs to exert some effort at hindi dapat puro sa tadhana lamang niya iniaasa ang lahat ng maaring mangyari sa lovelife niya.

Continue Reading

You'll Also Like

151K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
8.7M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
255K 14.1K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.6M 166K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...