Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

PollyNomial tarafından

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... Daha Fazla

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 55

4.3K 86 4
PollyNomial tarafından

KABANATA 55 — Help

A white gold ring with three diamonds on top. Hanggang ngayon ay nananatiling pabalik balik ang mga mata ko sa singsing na suot ko. Naluluha ako sa tuwing maaalala ang pangyayari kagabi. Hindi pa rin ako makapaniwala. Yes, I was already expecting that. Pero nabigla pa rin ako kahit alam ko na nalalapit na ang proposal ni Vincent. Ito na siguro ang pinakamasaya at pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko.

Noon, pinapangarap ko na sana mangyari ito. Nang maalala ko ang nakaraan, nang madiskubre ko ang pag-ibig ko kay Vincent, wala na akong ibang pinangarap kundi sana magkasama kaming dalawa habang buhay. Para sa aming relasyon na matagal na panahon na noong nagsimula, iyon lang ang tanging hiling ko. Na hanggang sa katapusan, kami pa ring dalawa.

Yes, I lost all my hope when I left Vincent. Iniwan ko siya at parang bulang naglaho ang mga pag-asa ko para sa aming dalawa. I was a mess back then. At alam kong siya rin ay ganoon. But everything changed when we met again.

Noong nasa New York ako, ilang beses akong nagdalawang isip kung babalik pa ba ako ng Pilipinas. Pero hinding hindi ko pinagsisisihan ang pagbabalik ko. Dahil nandito ang taong nagparamdam sa akin ng walang hanggang pagmamahal. At kahit kailan, hindi ko pagsisisihan na hinayaan ko siyang buksang muli ang puso ko para sa kanya.

Ngayon, napatunayan ko na ang wagas naming pagmamahal sa isa’t isa. Maaaring parehas kaming nagkamali noon pero natuto na kami. At mas lalo kaming pinagtibay ng mga pinagdaanan namin sa buhay.

Kagabi, nang ihatid ako ni Vincent ay kitang kita ko kung gaano siya kaligaya. Sinabi niya iyon sa akin at pinaramdam. Sa maiinit naming halik sa loob ng kotse niya, naramdaman kong parehas kami ng kaligayahang tinatamasa sa oras na iyon. Ayaw ko na ngang malayo pa sa kanya pero hindi naman pwedeng doon na lang kaming dalawa sa kotse at maghalikan hanggang umaga.

Natatawa ako sa sarili kong mga naiisip.

Gaya nga ng nabanggit ni Vincent sa mga magulang niya, alam na ito ni Dad. Hindi ko alam na nagkakausap pala sila kahit wala ako. At nabigla ako kagabi nang tumawag siya at binati ako. Masayang masaya ako dahil sang-ayon siya sa aming dalawa ni Vincent. Binalita sa kanya ni Vincent ang nangyaring proposal at nagpasalamat pa daw ito kay Dad dahil sa pagpayag.

Mom also greeted me last night. Nandito na siya nang ihatid ako ni Vincent at agad na dumapo ang tingin niya sa singsing na suot ko. Nagulat siya at nagtanong kaya magalang na sinabi ni Vincent ang tungkol sa engagement namin. She was stunned at nagplano agad siya ng party para sa announcement na nalalapit naming kasalan. Hindi kami tumanggi sa kanyang gusto.

Si Nanay Linda ay masaya rin para sa akin. Naiyak pa siya nang marinig ang usapan namin nila Mommy at Vincent. Mariin niyang binalaan si Vincent na 'wag na 'wag akong sasaktan kundi ay lagot daw ito sa kanya.

Isa na lang ang hindi pa nakakaalam at iyon si Lolo. Kaya nga sakay ako ngayon ng sasakyan ko at patungo ako sa mansyon ng lolo ko. Sinabi ko na ito kay Vincent at pumayag siyang kitain ako sa pinakamalapit na restaurant sa subdivision kung saan ang tahanan ni Lolo.

Huminto ako sa tapat ng isang seafood reastaurant. Sa harap noon ay nakita ko si Vincent na nakatayo sa labas ng kanyang Ford at may kausap na lalaking naka uniporme. Nang makita niya ang sasakyan ko ay agad siyang ngumiti at naglakad patungo sa pintuan ko. Hinintay niya akong makalabas.

“Mika!” Sinalubong niya ako ng halik sa labi at kahit madalas na namin itong gawin, nag-init pa rin ang aking pisngi. Tumingin at tumikhim ang lalaking kausap niya kanina.

Ngumiti ako at kinagat ang labi.

“Alam na ba ng lolo mo na pupunta tayo sa kanya?” tanong niyang walang malisya. Parang hindi manlang siya naapektuhan sa ginawang halik sa akin at sa reaksyon ng kasama niya.

Tumango ako. Sinubukan kong 'wag na ring maapektuhan masyado. “Tumawag ako kanina. We’ll have our lunch there. He knows that you’re with me.” Banggit ko sa kanya.

Umiling siya at hinagod ang batok. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

“Bakit?” tanong ko. Hinanap ko ang mga mata niyang hindi makatingin sa akin.

“I’m nervous.” Pag-amin niya sa akin na ikinagulat ko.

“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ko. Pinagmasdan ko ang itsura ni Vincent. Naka three piece suit siya. Siguro ay galing pa siyang opisina kaya masyadong pormal ang itsura niya.

Makisig at matikas ang dating ni Vincent. Confident na confident din ang mga mata niya kaya hindi ako naniniwalang ninenerbyos siya.

“Hindi lang halata, Mika. But I’m really nervous right now. Humingi pa nga ako ng tips dito kay Eric para sa gagawin ko mamaya.” Tinuro niya si Eric at yumuko ito sa akin.

Kung ganun, iyon pala ang pinag-uusapan nila ng lalaki kanina?

Napag-alaman kong driver ng pamilya ni Vincent ang lalaki. Ngayon ko lang daw ito nakita dahil ang tatay niya ang madalas na magpa-drive rito. Nasa likod kami ng kotse ni Vincent at nakasilip ako sa bintana nang maramdaman ko ang haplos ng kamay niya sa akin.

Tiningnan ko siya. Napangiti ako dahil nakita ko ang paglunok niya.

“Bakit ka ba kinakabahan? It’s just my grandfather, Vincent.” Sinubukan kong ayusin ang tono ko para mapakalma siya.

“It is Don Gregorio, Mika.” Aniya sa mariing tono. Umigting ang panga niya matapos ng isa pang paglunok.

“And then?” hinintay ko siyang dugtungan ang sinabi dahil hindi ko maintindihan kung bakit big deal sa kanya si Lolo gayung sa tatay ko ay walang takot na nahingi niya ang kamay ko.

“H-he… he doesn’t like me.” Umawang ang bibig ko at nagseryoso ako nang humarap sa kanya.

“What?” Hindi ko alam na ito ang tingin niya kay Lolo. “He likes you, Vincent.” Pagsasalungat ko sa sinabi niya.

Umiling siya at sinandal ang ulo sa headrest. “Hindi iyan ang alam ko. Si Terrence—”

 

“Nagkakamali ka, Vincent.” Agad na putol ko sa kanya. Ako na mismo ang humawak sa kamay niya. Ngayong binanggit niya si Terrence ay naintindihan ko na ang pinanggagalingan niya. “Akala niya si Terrence ang gusto ko. Nang pag-usapan namin ang apo nina Lolo Martin at Lola Glory, si Terrence ang naisip niya. Dahil una siyang nakilala ni Lolo. Nagkamali siya at malinaw na sa kanya ang katotohanan.”

Tumango si Vincent. Pero nakikita ko pa rin ang pag-aalinglangan niya. “But what if…”

 

“I don’t care, Vincent. Wala akong pake sa kung sino ang may gusto at ayaw sa’yo para sa akin. It’s my decision, remember?” hinaplos ko ang pisngi niya. Humilig siya sa kamay ko na tila niraramdam ang haplos ko. Nakapikit din siya. Ilang segundo siyang ganoon bago siya dumilat at tumango.

Nakahinga ako ng maluwag nang mapalis ang pag-aalala sa mga mata niya at napalitan iyon ng ngiti.

“Mahal na mahal kita, Mika.” Kumalabog ang puso ko sa narinig. Just saying those words and everything will be fine.

Gumalaw ang daliri ko sa pisngi niya. Gumagaan ang loob ko kapag naririnig kong sinasabi niya ang mga salitang iyan. Gusto kong pagaangin din ang kanya.

“Mahal na mahal din kita, Vincent.” At tila tama ang ginawa ko. Iba ibang emosyon na ang nakita ko sa mga mata ni Vincent at lahat ng iyon ay positibo.

Ilang minuto lang ang binyahe namin at papasok na kami sa exclusive subdivision na pag-aari rin ng pamilya ko. May isa kaming bahay rito ngunit hindi na madalas magamit dahil mas pinili ni Dad na roon na lang kami sa isa para kasabay ng pagtira namin doon ay mapamahalaan din niya iyon.

Mukhang alam ng driver ang mansyon ng lolo ko kaya naman hindi ko na siya binigyan ng direksyon.

“He knows it dahil isang beses nang nakarating si Papa sa bahay ng lolo mo.” Ani Vincent. Tumango ako at hindi napigilang magtanong pa.

“Pumunta? Kailan 'yon?”

 

“Hindi ko alam. But probably a long time ago.” Simpleng sagot niya. Ngumuso ako dahil iniisip ko kung talaga bang matagal nang kilala ni Lolo ang mga Formosa at nakarating pa ito sa bahay niya.

'Di nagtagal ay papasok na kami sa loob ng malaking gate na hinintuan namin kanina. Humigpit ang hawak ni Vincent sa akin at naramdaman ko na naman ang pagiging uneasy niya. Pinagpalit ko ang mga kamay namin at ako na ang humawak sa kanya.

“Mabait si Lolo, Vincent. Oo isa siyang don pero hindi naman iyon nangangain ng tao. Isa pa, ikaw si Vincent Adrian Formosa. Alam kong kakayanin mo siya.” ngiti ko.

Bumuntong hinga siya bago binuksan ang pinto para lumabas. Hindi ko na siya hinintay para pagbuksan ako at lumabas na rin. Sa labas ng bukas na double doors ay nakita ko ang naglalakad na si Lolo.

“'Lo!” tumakbo ako sa kanya at humalik sa pisngi.

“Mikaella. I missed you!” sambit niya at niyakap ako. Tumawa ako sa ginawa niya at tiningnan siya.

“Sorry, 'lo. Ngayon lang ulit ako nagka-time na bisitahin ka.” Sabi ko sa kanya.

“At hindi na rin ako makapunta sa inyo dahil pinagbabawalan ako ng Mommy mo.” Ngumuso si Lolo na parang batang nagtatampo.

“Para sa’yo naman iyon, Lolo. You need to rest.” Sabi ko na lang habang hawak ang braso niya.

Naalala ko si Vincent nang may marinig akong mga yapak.

“Ah, Lolo…” nilingon ko si Vincent at lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at agad na bumaling ang tingin ni Lolo roon. Ngumiti siya.

“Lolo, si Vincent po. Naaalala niyo po siya?” tanong kong nagpatawa sa kanya.

“Of course I remember this guy, Ella. Who wouldn’t?” umiling siya at huminto sa pagtawa. “Sa ginawa ba naman niyang confession noon sa foundation day sa kompanya natin, sinong makakalimot sa kanya?”

Lumapit si Vincent sa kanya. Nakangiti si Vincent pero nahahalata ko ang kaba niya. Inangat niya ang isang kamay at nilahad sa lolo ko. “Good… morning, Don Gregorio.”

Tiningnan iyon ni Lolo ngunit hindi tinanggap. Ako naman ang nakaramdam ng kaba. Lolo wouldn’t act that way. Hindi naman siguro.

Umiling si Lolo at ngumisi. Mas lalo akong kinabahan sa ginawa niya. No. Again, Lolo wouldn’t act that way.

“This is not the appropriate thing to do.” Kahit nakangisi ay rinig pa rin ang ma-awtoridad na boses niya.

Lalapit na sana ako upang bawiin ang kamay ni Vincent sa ere upang hindi na siya mapahiya ngunit nagulat ako nang maunahan ako ni Lolo at may ginawang hindi kapani-paniwala.

Inakbayan niya si Vincent gamit ang isang kamay. Nilapit niya ito sa kanya at tinapik ang balikat. Para silang mag-lolo na ngayon lang ulit nagkita.

 

“Don’t be so formal, grandson. Magiging asawa mo na itong si Mikaella and from now on, you are a family to me. Call me Lolo.”

Rumehistro ang mas matinding kaba ni Vincent sa kanyang mukha. Namutla siya ngunti segundo lang iyon. Lumiwanag din ang mukha niya nang mapagtantong nagkakamali siya sa mga inisip niya kanina.

Tuwang tuwa ang loob ko. Kung pwede nga lang, hahagulgol ako sa iyak dito. Sobrang saya ko na naluluha ako sa nakikita. Seeing my Lolo at my future husband together is happiness to me. Sila ang dalawang taong madalas nagpapasaya sa akin. Bukod sa mga magulang ko, silang dalawa ang mga kakampi ko. At ang makitang magkasundo sila ay langit para sa akin.

This is too much. Masyado nang maraming biyaya. Ni minsan hindi ko naisip sa buhay ko na makakatanggap ako ng maraming biyaya at sunod sunod pa. Sobra sobra ang pasasalamat ko sa Diyos na may bigay nito.

“Kailan ang kasal?” Umubo ako sa tanong ni Lolo. Nasa living room kami at katatapos lang namin kumain. Marami na kaming napagkwentuhan at ngayon lang namin napag-usapan ang kasal namin ni Vincent.

Tiningnan ako ni Vincent at pinanlakihan ko siya ng mata. Sa mga tingin niya, gusto niyang ako ang sumagot nito.

“U-uh… Kagabi lang po nag-propose si Vincent lolo.” Hinigpitan ko ang hawak sa baso ng juice.

Sumimsim si Lolo sa kanyang tsaa bago nagsalita. “Uh-huh. So?” wala na siyang ibang sinabi. Gusto niya ng sagot.

Bubuka na ang bibig ko ngunit naunahan ako ni Vincent. “Hindi pa ho namin napag-uusapan, Lolo. But if I were the one to decide, I’ll marry her right now.” Tumawa silang dalawa.

Nag-init ang pisngi ko. Maloko talaga si Vincent. Ganyan din ang sinabi niya kagabi sa mga magulang niya.

 

“Well then marry her now! Mukhang hindi na ata makapaghintay ang apo ko sa’yo. Nanginginig na siya sa excitement!” nalaglag ang panga ko at awtomatikong bumaba ang tingin ko sa mga kamay kong nanginginig nga. Sinamaan ko ng tingin si Lolo na natututo nang mang-asar ngayon.

“Lolo!” suway ko sa kanya. Batid kong nangangamatis na ang mukha ko dahil sa init nito. Tumawa silang dalawa sa reaksyon ko.

“I respect your granddaughter’s decision on this, Lolo. At ayoko namang ako itong nagmamadali kahit hindi pa siya handa.” Ngumiti si Vincent sa akin. Lumunok ako at tumango sa kanya.

Pero sa totoo ay hindi ako sang-ayon. Gusto ko na siyang pakasalan! Hindi na nga ako makapaghintay! Kung pipilitin niya akong pumunta sa simbahan ngayon at kumontrata sa isang pari na ikasal kami, papayag talaga ako!

“You’re a good man, Vincent. You respect my granddaughter at kung nandito man ang lolo’t lola mo, siguradong masaya sila para sa’yo.” Nabigla ako sa biglaang pagbubukas ni Lolo sa sa lolo at lola ni Vincent.

Agad na rumehistro ang lungkot sa mukha ni Vincent. Alam ko kung gaano siya kalungkot sa nangyari sa lolo at lola niya.

“Oo nga po, e.” 'yan lang ang sinagot niya. Nakahalata ata si Lolo kaya hindi na niya muli pang binuksan ang usapan tungkol sa kanila.

Marami pa kaming napag-usapan. Nagkasundo ang dalawa sa negosyo. Hindi ko pa nakikita si Vincent bilang isang businessman pero alam kong magaling siya rito. Kung naging isang magaling na guro siya noon, alam kong mas sobra ang galing niya ngayon.

“Mika…” tawag sa akin ni Vincent. Kasama ko siya ngayon sa kanyang kotse at pauwi na kami. Ang driver ay kanina pa umalis para kunin ang kotse kong naiwan sa restaurant at kaming dalawa na lang ngayon.

Dumilat ako at binaling sa kanya ang tingin. “Hm?” tanong ko. Napagod ako sa sobrang haba ng naging kwentuhan namin nila Lolo at kamuntikan na akong makatulog dito sa sasakyan.

“'Yong anniversary nila Mama at Papa, natatandaan mo ba?” tanong niya.

Diniretso ko muna ang upo ko at binaling ko ang katawan sa kanya. “Ngayon ko lang naalala ulit!” utas ko. “Pormal ba? Marami bang invited? Anong oras ba iyon?” sunod sunod na tanong ko sa kanya. Nakalimutan ko na ang tungkol dito.

“Not really. Nope, just the family. You know, our family and some relatives. And for your last question, sa gabi iyon, Mika. Susunduin kita.” Sagot niya sa lahat ng tanong ko.

Tumatango ako habang pinapanood ang pagmamaneho niya.

“And… Mika.” Tumaas ang kilay ko sa muling tawag niya sa akin. Kagat niya ang labi nang tingnan ko iyon. Naramdaman ko na naman ang kaba niya. “I’m planning to bring Carrive to the party.”

Umawang ang bibig ko ngunit pumorma rin sa ngiti. “Really?” naalala ko si Uncle Ver. “Pero paano ni Uncle Ver?”

 

“Pumayag siya. He said it’s about time to recognize Carrive. Sabi niya, lumalaki na si Carrive and na-realize na niya na gusto niya itong makilala.”

Kinagat ko ang labi ko sa saya para sa bata. “That’s really nice, Vincent. Magkakaroon na ng father figure ang bata.”

Somehow, naging importante na rin si Carrive sa akin. Bukod sa kapatid siya ni Vincent ay naging close na rin siya sa akin kahit minsan lang kaming nagkita. Sa isang araw na pagkakakilala ko sa kanya, alam ko na agad na kahit sinong tao ay magugustuhan siya. He’s charming and intelligent. Parehong pareho sila nitong kuya niya. At hindi ko rin mapigilang makita sa mukha ni Carrive si Uncle Ver na ama niya. I’m happy for the kid. Sa wakas ay magkakaroon na siya ng ama.

Sa kabila ng masasayang isipin ko para sa bata, sumingit sa utak ko si Auntie Kristin.

“Oh, wait!” napatingin si Vincent sa biglaan kong pagsasalita. “How about Auntie Kristin? Alam na ba niya?”

 

“That’s the problem. Mine and my father’s problem. Kaya nga gusto ko kasama kita. I need you there. Sasabihin ko kay Mama and I need you to be beside me.”

 

“Me? Bakit kailangan nandoon ako?” tanong ko.

Ngumuso siya sa akin. “For support? You are my strength, Mika. And this one is a big blow to our family. Ipapaalam ko sa lahat, e. At kailangan ko ng lakas. Ikaw iyon, Mika.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Natutuwa akong isipin na ako ang lakas ng isang Vincent Formosa.

“Alright, Vincent. I’ll be there for you. I’ll help.” Paninigurado ko sa kanya. Kahit hindi ko pa alam ang maitutulong ko kay Vincent bukod sa ako ang lakas niya, sisiguraduhin ko pa ring nasa tabi niya ako oras na sabihin niya ang sikreto niya at ng ama niya.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

27.8K 644 70
COMPLETED || (EDITING) January 23, 2016 - March 14, 2017 *wattys2018 LONG LIST* All Rights Reserved 2016 ©bluecrazyaddicted
26.9K 985 51
A Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a termi...
508 77 39
SUITMAN SERIES 2 Charm Tempest Veridad, according to her, is the living Goddes of Perfection on earth. She's living an idyllic life anyone could wish...
8.9K 541 39
May 8 2020 - May 21 2020 A strong love story of Carmenia Dela Verde and Ship Montefuerte. After the break up because of the shocking news that Ship h...