BTS Tagalog Imagines

By LipadsabayTakbo1842

166 9 18

Open for requests More

Breathe Again
Prom
Breakeven
To this Life, and Next Lives: Your bias

Nearer At My Side

12 1 5
By LipadsabayTakbo1842

Nainspired ako sa Last Night so yep. Sa mga nakapanood noon, sinong nawindang? Taas kilikili.

Mula sa lumang jukebox ay nagpatugtog ako ng lumang kanta.

Inabot ko ang iyong kamay upang yayaing sumayaw.

Ang mga mata mo. Sobrang ganda noon, parang hinihigop ang lakas ko at kasabay noon ay nagbibigay saya sa puso ko. Hindi mo pinapalampas ang bawat oras na pinapatibok ng sobrang bilis ang puso ko. Sobrang bilis nito at gustong kumawala.

Parang kanina lang naiinis pa ako sayo kasi nauudlot yung mga plinano kong gawin para mawala na sa mundong ito.

Pero itong ginagawa mo sa akin ngayon, parang gusto ko na lang mabuhay ng matagal na matagal.

At ayoko nang makawala ka pa sa akin. Ayokong mwala ka sa paningin ko. Ayokong mawalay sayo.

At kung gaano kabilis ang oras ng pagkakakilala natin ay ang bilis ng nagkukumahog kong puso.

Ang sarap ulit-ulitin na mabilis ang tibok ng puso ko. At ikaw ang dahilan. Parang wala itong tinatanggap na programa kung wala ang pangalan mo.

Alam ko na gusto mo rin ang mga ganitong sayaw, at may mga parte na kailangan mong smantalang kumawala para umikot at bumalik sa bisig ko.

Pero ayoko,

Dito ka lang sa bisig ko. Hindi mo na kailangang umikot para sa akin dahil sayo na umiikot ang mundo ko.

Binabawi ko na ang mga plano ko.

Sayo nalang ako. Dito nalang tayo. Sabihin mo lang sa akin at walang alinlangan kong gagawin. Hindi ko na nanaising mawala dito sa daigdig.

Tayo lang sa mundong ito. Ikaw at ako. Sayo lang itutuon itong matang kinahuhumalingan mo.

Binago mo ang paningin ko. Binuhay mo ito. Naging makulay at masagana.

Gusto kitang hagkan.

At iyon nga ang ginagawa ko, niyayakap ka na tila ikaw ang mismong buhay ko at kapag lumayo ka pa ay malalagutan na ako ng hininga. Nakakahalina ang amoy mo. Parang anghel na nakatadhanang parusahan ang demonyo.

At kung totoo man iyon, papayag akong maparusahan ng iyong magandang pakpak at lamunin ng liwanag.

Hindi ko alam kung bakit ako nasisiyahan sa ingay at talak mo. Parang musika.

Siguro nga para akong baliw nito. Kasalanan ba kung sasabihin ko sayong higit sa higit ang pagmamahal ko sayo kaysa kay Malaya?

Naaalala ko kanina noong kinukwento ko kung paano nya ako iniwan sa ere. At nandun ka umiiyak dahil nalulungkot ka sa sinapit ko.

Ang cute mo nga umiyak kanina.

Naalala ko pang hinalikan kita sa noo upang mapatahan ka.

Siguro noon sinisisi ko ang tadhana na hindi natuloy ang pagpopropose ko sa kanya.

Pero ngayon? Nagpapasalamat pa ako sa nangyari.

Itinadhana ka sa akin upang malimutan ang mga patong-patong na sakit na binibigay sa akin ng buhay.

Para akong lantang halaman noon na biglaang binigyang buhay ng isang engkantada.

Nakakatawa. Hindi ako ganito noon, ang mga salitang ganito ay hinding-hindi ko ginagawa kahit noong nililigawan ko pa si Malaya.

Tama nga sila, wala sa mga inaaasahan mo ang mga katangiang tunay mong mamahalin.

At ang tunay mong mamahalin ay mamahalin mo ng walang kadahilanan.

Pero nakapagtataka, bakit wala ka man lang maikwento sa akin nang tungkol sa iyo?

Gusto ko sanang itanong sa iyo ngayon iyon.

Pag nalaman ko na mula sa mga labi mo ngayon, magbabago na ako. Gagawin ko ang lahat para ipatunay na may mga taong konektado kahit sa unang pagdikit ng ating balat ng hindi sinasadya.

Kaso binitawan mo ang kamay ko. Hudyat na natapos na ang tugtog ng mahalinang musika at nagtuloy na ang pagtakbo ng orasan at ang paligid na tahimik kanina ay nagkaroon na ng ingay.

Kunot noo akong nakatingin sa litrato na inabot sa akin.

Sino itong babaeng ito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko nang binigay ito ni Mang Ernesto sa akin. Bakit nya ito ibinigay sa akin.

Nagbabakasakali lang naman akong magtanong kay Mang Ernesto kung may nalalaman sya sa akin sa nakaraan dahil napaniginipan ko ang pwesto nya dito sa Maynila.

"Binuhay ka muli ni y/n. Ginamit nya lamang noon ang pangalang Bituin noong magkasama pa kayo." sabi ni Mang Ernesto sa akin.

Nanatili lamang akong nakatitig dito. Ang mukha nya ay nagbigay ng pamilyaridad sa puso ko. Pinilit kong pigain ang mga alaala ko pero wala talaga.

Nagising nalang ako sa isang hindi pamilyar na kwarto at may mga litrato ko na tila isa akong sikat na tao.

Para akong isang taong malaki na ng mamulat sa mundo. Walang kilala at walang maalala. Hindi na dumaan sa pagiging bata.

At narinig ko pa ang sigaw ng sandamakmak na tao sa labas ng aking 'bahay' at tinawag ako sa pangalang 'Park Jimin'.

Para akong nabuhay ulit at pangalawang beses ko na ito.

Mukhang tama ang sinabi ni Mang Ernesto at nagkakatagpi-tagpi na.

Ang nakakapanggulo lang sa akin ay ang katotohanang, wala akong maalala ni isa. Pero binabanggit ko ang pangalan ni Mang Ernesto at ang pwesto nito sa Maynila na tila ito ang tulay para malaman ang totoo kong katauhan.

At ang babaeng ito ay isa pang malaking katanungan sa akin.

Litrato pa laman nya ito pero nagkakarera na ang puso ko.

"Nasaan na sya ngayon..." nanginginig kong sambit kay Mang Ernesto.

"Katulad ng sinabi ko sayo noon, matagal na syang wala Jimin, misyon nya lamang na itawid ang mga tao sa kadiliman noon. At kasama ka doon. At sa bawat misyon na yun, kapag napagtagumpayan nya iyon,  nababawasan ang bigat ng kanyang parusa na makaakyat sa kapayapaan." mahina nyang sambit sa akin.

At ramdam ko sa puso ko ang pighati. Nanginginig ang kamay ko at nagbabadyang tumulo ng mga luha ko.

"K-kung ganoon bakit ganito nalang kabilis ang pintig ng puso ko Mang Ernesto?" naguguluhan kong tanong.

Kahit unti-unti ko nang nalalaman ang katotohanan ng nararamdaman ko sa kanya ay gusto kong marinig ito kay Mang Ernesto.

"Dahil minahal mo sya ng tunay. At halos katulad ng ginawa mo ay tinanong mo ang katotohanan sa akin. Kaya mo ito pangalawang buhay dahil sa tindi ng pagmamahal mo sa kanya."

Parang may gustong tumawa ng sarkastiko sa kaloob-looban ko.

Ang galing nya naman pala mang-akit.

At hindi ko na napigilan pa ang bugso ng aking damdamin, tumawa aki ng pagkalakas.

At kasabay noon ay ang tuloy-tuloy na pagtulo ng mga luha ko.

Bakit nga ba hindi makalimot ang puso. Bakit naaalala ka pa rin nito y/n.

'Dito ka lang sa tabi ko'

'Dito lang ako'

Nakangiti kong sinalubong ang sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Ang ganda ng araw. Napakaganda.

Lumingon ako sa tabi ko para makita ka na syang nagpaliwanag ng nagdidilim kong mundo.

Pero ganun-ganon nalang napawi ang ngiti ko ng makita ko ang blangkong espasyo sa tabi ko.

Napabangon ako ng mamulat ko ng maayos ang mata ko at makompirma wala ka na sa aking tabi.

Wala ka na sa aking tabi.

Hindi.

Hinanap kita kung saan-saan ng kwarto pero wala ka.

Tumakbo ako papunta sa receptionist.

Hindi Bituin. Alam kong mahal mo din ako. Hindi mo ako iiwan. Ayos lang sa akin na talikuran ako ng mundo, huwag lang ikaw mahal ko.

"Asan na ang kasama ko, miss." nagmamadali kong tanong at luminga-linga na rin sa paligid.

"Sir, wala po kayong kasama."

"BULLSHIT!" wala na akong pakialam kung natakot ko na ang receptionist.

Nasaan ka na Bituin.

Binalikan ko ang kwarto natin at nakita ko ang isang pangalan sa kapirasong papel na sinulatan mo.






"Sir huwag po kayong gumawa ng komusyon dito. Nakakagulo po kayo sa mga customer namin."

"Wala akong pakialam! Kailangan kong kausapin si Mang Ernesto!"

Pinipilit kong makawala hanggang sa makarinig ako ng boses ng isang lalaki.

Ito na siguro si Mang Ernesto.

Lumapit ako sa kanya at dali-daling sinabi ang intensyon ko.

"Nasaan si Bituin." diin kong tanong. Napatigil sya. Pati na rin ang mga tauhan nya kanina ay natigilan din.

Anong meron sa mga reaksyon nila? Bakit parang nagulat sila sa tanong ko?

Nakita ko kung paano kumalma ang itsura nito at tinignan ako ng parehas na intensidad.

"Sigurado ka bang si Bituin ang hinahanap----"

"Ikaw lang ang nakita kong pangalan na iniwan nya sa akin kaya imposibleng hindi mo sya kilala." nagngingitngit kong tugon. Bakit sya nagpapainosente?

"Hindi ba't matagal nang-----" hindi ko na marinig ang sumunod na sinabi ng isang tauhan ni Mang Ernesto sa likod ko dahil may nagtakip ng bibig nito. At dahil mukhang may koneksyon sayo ang sinasabi nya ay nilapitan ko ito.

"Anong matagal na?" Tanong ko dito. Mukha naman syang natahimik sa tanong ko.

"Ikaw si Jimin?" Tanong sa akin ni Mang Ernesto. Nilingon ko ito, "Sumunod ka sa akin".




Hindi.

Hindi totoo yun.

Hindi totoo ang sinabi ni Mang Ernesto.

Nahagkan kita, nayakap, nadama ang init ng katawan mo at naramdaman ka. At alam kong mahal mo rin ako.

Pinilit kong itinatatak sa utak na totoo ka at hindi isang galang kaluluwa na kailangan ng hustisya para makaakyat sa langit----- hindi. Hindi kita hahayaang makaakyat. Madamot na kung madamot. Kung aakyat ka na sa langit, sasama ako.

Pero hindi, totoo ka.

Paulit-ulit akong umiiling habang unti-unting kinuha ang matalas na bagay na nakalgay sa kubeta ko.

Pero kung totoong wala ka na, susundan kita.

Pero bakit hindi ka naman malamig ng yakapin kita? Mainit pa ang pagtugon mo sa halik ko.

Sunod-sunod akong nagguhit sa pulsuhan ko.

Wala akong maramdaman. Kailangan ko pang diinan at damihan.

Hindi ako nakukuntento. Parang mapurol na ang matalas na bagay na gumuguhit sa akin.

Tama, baka sakaling pag tinuloy ko na ang balak ko bago kita makilala baka bumalik ka sa akin.

Kaya dinamihan ko. Diniinan.

Pinatay ko ang gripo ng paliguan na punong-puno na ng tubig.

Bituin--- mali.

Y/n please.

Sinubukan kong lunurin ang sarili ko.

Isa

Dalawa

Tatlong beses. Tapos ay umaahon ulit.

Napangiti ako nang sa wakas, makita kita sa harapan ko, naiinis na nakatingin sa akin.

"Jimin ano ba! Ang kulit mo! Ang kuliiiiit kulit mo!" namumula mong sigaw sa akin.

Tumawa ako. Iyan ba ang sinasabi ng Mang Ernesto na iyon na patay? May patay bang namumula sa galit?

"Bakit ka tumatawa?!" nagsusungit mong tanong.

"Naalala ko kasi yung sinabi ni Mang Ernesto kanina. May patay bang namumula? Hahahahahahaha" Patuloy lang ako sa pagtatawa ng makita ko sa gilid ng aking mata ang pagkaseryoso ng iyong mukha.

Tumigil naman ako.

Kahit hinang-hina ay umahon ako sa paliguan at lumapit sayo.

"Gamutin mo nalang ang mga ito Bituin." Nakangiti kong sabi.

"J-Jimin, y/n ang pangalan ko." sabi mo at tila iiyak na.

"oh sige. Y/n bilis na, gamutin mo na ang mga sugat ko. Ikaw kasi umalis ka eh. Kung hindi mo sana ako iniwan-----" hindi ko pa man natapos ang mga sinabi ko ay sinabi mo ang mga salitang nagpaguho ng pangarap ko para sa ating dalawa.

"Totoo ang sinabi ni Mang Ernesto, Jimin. Matagal ko nang iniwan ang mundong ito. Kaluluwa ko nalang ito. Naggagala gala nalang" pagpapaliwanag mo sa akin.

Pero hindi ako natinag. Sinubukan kitang halikan pero ang nakakagagong tadhana...

Wala akong naramdaman.

Nakita ko sa mata mo ang pagbabadya ng mga luha mo na tumakas.

"Pero totoong minahal kita Jimin." nabingi ako. Hindi ko na matiis na marinig pa ang mga kasinungalingan mo.

Kinuha ko ang blade at tinuloy ang kanina kong ginagawa. Narinig ko pa ang pagtawag mo sa pangalan ko.

WALA AKONG MARAMDAMAN. NAMAMANHID AKO.

Tumakbo ako sa paliguan at inilubog ang katawan ko, ang ulo ko at pinigilan ang paghinga ko.

"Jimin! Totoong mahal kita! Huwag------" paunti-unti ay naririnig kong humihina ang naririnig kong pagmamakaawa mo sa akin na pigilan ako at ang nakakawasak sa puso mong palahaw kasabay ng pagsigaw mo ng pangalan ko.

Mula sa utak ko ay narinig ko ang mga huling kataga bago ko nilisan ang mundong ito.

"Sa lahat ng mga taong naging misyon ko, sayo lang pumintig ang puso ko Jimin. Kahit patay na ako at napakaimposible. Totoong minahal kita."

Napaluhod ako sa panghihina.

Sa sandaling oras na iyon, bumalik sa akin ang lahat ng sakit. Lahat ng pakiramdam ng kalungkutan. Lahat ng alaala.

Pero kahit ganoon ay naalala kong may isang tanong akong nakalimutan.

"Paano namatay si y/n..." nahihirapan ako lalo na nang sambitin ko ang pangalan mo.

"Alam ko na alam mo na may kakaibang ganda ang nakatatandang kapatid ko," hanggang ngayon, sa pangalawang buhay ko, ay hindi pa rin ako makapaniwalang ikaw ang panganay sa inyong magkakapatid. Siguro dahil ang napakagandang itsura mo na iyon ang panahon na... Namatay ka,"Halos lahat ng mga kalalakihan rito ay nagkakandarapa sa kanya at may gusto sa kanya. At lahat ay ginagawa nila. Pero wala ni isa sa kanila ang napagtuunan nya ng pansin kundi si Romeo lamang."

Sa pagkasambit ng una mong minahal ay dinurog ang puso ko ng pino.

Ang sakit isipin na... Hindi ako ang una mong minahal.

Tinuloy ni Mang Ernesto ang pagkukwento sa akin.

"At dahil baliw na baliw sa kanya ang halos lahat ng kalalakihan ay ginawa nila ang lahat upang mawala sa katinuan si Romeo.

Sinaktan nito ang kapatid namin ng pisikal at emotional hanggang sa hindi na nila makayanan ang nangyayari sa kanila.

Nagsisisi si Romeo sa lahat ng ginawa nya kay y/n dahil lamang sa mga walang katotohanang bagay tungkol kay y/n na pinagsasabi ng mga lalaking nagkakandarapa sa kanya. Kaya pinaalam nya kay y/n na magpapatiwakal sya na sya namang pinayagan ni y/n dahil na rin sa bigat ng damdamin nya sa mga ginawa sa kanya ni Romeo.

Nang mamatay si Romeo ay sumunod ang ate namin. Pero hindi sya hinayaan na makaakyat sa langit kung hindi nya matatapos ang misyon nya dito. At ang ginawa sa iyo ni y/n ay halimbawa ng misyon nya... Pigilan ang tao na magpakamatay.

At kung sinabi man sayo ni ate na mahal ka nya kahit kaluluwa lang sya. Totoo iyon.

At nagpapasalamat ako sa iyo Jimin dahil sayo ay nasa langit na sya. Ikaw ang kahuli-hulihang tao na nagpasaya sa kanya sa mundong ito bago tuluyang matahimik sa masayang lugar."





Kahit nasasaktan ay napangiti ako.

Ako pala ang huli mong misyon. At totoo mo talaga akong minahal.

Nakaramdam ako ng inis at saya dahil sa mga nalaman ko.

At kahit gustong manaig ng puso ko na sundan ka ay inunahan na ng utak ko na gawin ang tama dahil sa pangalawang buhay na binigay mo sa akin.

Kahit mahirap na umabante, sige lang.

Baka ito na ang tamang pagkakataon na gawin ang tama at huwag takasan ang mga problema. Katulad ng sa akin noon na ginustong mamatay dahil lang iniwan ng babae.















Continue Reading

You'll Also Like

159K 11.8K 45
"သူ့ ကို တကယ်ကြိုက်လား..." "အင်း..ကြိုက်တယ်..." "ဘယ်လောက် ကြိုက်လဲ.." "မသေချင်တော့အောင် ကြိုက်တယ်..."
420K 16.2K 24
My priority /property/privacy
89.7K 5.1K 200
Đệ tử đời thứ 13 của Đại Hoa Sơn Phái, Mai Hoa Kiếm Tôn - Chong Myung, người đã liều mình cùng chết với Thiên Ma, kết thúc một thời đại đen tối của v...