Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

By PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... More

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 53

4.1K 82 3
By PollyNomial

KABANATA 53 — Welcome

 

Marami ang bumati sa akin kanina nang matapos ang fashion show sa mga bridal gows at formal gowns. Pagkababa ko ng stage kanina ay walang humpay ang pagpuri sa akin ng mga nanood. Nakakataas ng tingin sa sarili dahil lahat ng mga bumati sa akin ay matataas na ang kinalalagyan sa industriyang ito. Mga big boss ng ilang kompanya ang nakipagkilala sa akin at ang iba ay in-offer-an pa ako na pumasok sa kanila bilang main stay na designer ng kompanya nila.

Hindi ako makapayag ngunit hindi rin makatanggi. Hindi pa ako permanente sa FF pero kung bibigyan ako ng pagkakataon, ito ang pipiliin ko sa iba. Marami na akong natutunan sa FF at halos lahat ng tao rito ay napamahal na sa akin. Lalo na si Nash at DB. Mababait sila at kung kukunin nila ako bilang permanenteng designer ay malugod kong tatanggapin.

Nakakalungkot lang dahil wala ni isa sa pamilya ko. Dad is in Thailand for business at si Mommy ay busy sa kompanya. Hindi na ako nagpumilit sa kanila na pumunta dahil alam kong importante ang negosyo. Si lolo naman ay hindi ko na sinabihan dahil alam kong pupunta iyon kahit anong mangyari. Hindi ko na iyon hinayaan dahil mas gusto kong magpabuti nalang siya ng kalagayan niya. May darating pa naman na ibang oportunidad sa akin at alam kong nandoon na sila pagdating noon. Masaya na lang ako ngayon dahil hindi na sila humahadlang at kahit wala sila, alam kong masaya sila para sa akin.

Pagkapasok ko ng kwartong pinagbihisan ko kanina ay agad kong inayos ang mga gamit ko. Dito namamalagi ang iba pang designers na gaya ko. Ang mga models ay sa katabing kwarto at sila Nash at DB naman ay magkasama sa isa pa.

Mabilis akong naglinis ng katawan kanina gamit ang bathroom ng venue. Ngayon ay nagsusuklay na lang ako ng buhok at naghahanda sa pag-uwi.

Kasalukuyan kong iniipit pataas ang buhok ko nang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon kahit hindi ko pa pinapapasok at bumungad ang repleksyon ng mukha ni Vincent sa salamin. Umiwas ako ng tingin sa bagong ligo niyang itsura.

“Mika, let’s talk?” tanong niya at nanatili lang sa pwesto. Nakapamulsa siya at nang tingnan ko ang mukha niya ay puno ito ng pag-aalala.

Matapos ang pagrampa namin sa stage ay ngayon lang ulit kami magkakausap.

Isa pang hagod ng suklay sa buhok ko at humarap na ako sa kanya. Ngumiti ako. “About what?” tanong ko.

Lumapit ako sa bag ko at nagkunyaring aayusin iyon. Binabasa ko ang labi ko habang iniisip kung anong gustong pag-usapan ni Vincent. Hindi kaya tungkol ito sa mga nasabi ko kanina? Kung gayun, babaguhin ko na agad ang usapan.

Hindi pa siya sumagot kaya naunahan ko siya.

“Thank God.” Buntong hinga ko. “Akala ko masisira na 'yong show nang dahil sa akin. Mabuti na lang nagawan ng paraan. Have you seen your mom? You should congratulate her. Ang ganda ng mga gawa ni Auntie Kristin.” Sunod sunod na sabi ko. Babaguhin ko ang usapan sa abot ng makakaya ko dahil sobra akong napahiya kanina sa inasta ko.

“Nope. Ikaw na muna ang pinuntahan ko. Sa bahay ko na lang siya babatiin mamaya.” Seryoso niyang sinabi. Naglakad siya patungo sa akin.

“'Di ko na rin nakausap si Auntie Kristin. She’s in demand. Ang daming kumausap sa kanya kanina.” Hilaw akong ngumisi. Itinuon ko ang atensyon sa pagliligpit ng mga maiiwang gamit dito sa kwartong na-assign sa amin.

“You have a lot, too.” Sambit ni Vincent na ikinatingin ko sa kanya.

This time, I gave him a genuine smile. “Yeah. Nagustuhan nila ang designs ko. Marami na ngang kumontrata sa akin, e. Though alam kong hindi naman iyon sigurado.”

 

“That’s for sure, Mika. Magaling ka.” Malambing ang boses niya at hindi ko na namalayan na ilang pulgada na lang ang layo namin sa isa’t isa. Napaatras ako sa gulat.

Hinawakan niya ang braso ko at unti unti ang pagbilis ng pintig ng puso ko. Kumunot ang noo ko sa paghuhurumentado ng dibdib ko kahit normal naman ang mga nangyayari.

Tinitigan ni Vincent ang kamay niyang nakahawak sa akin bago bumalik ang tingin sa mata ko. Malalalim ang mga mata niya at kitang kita ko ang pagkabahala roon.

“About what you said… paano mo… nalaman?” Mahina at mabagal niyang sabi na tila nag-aalangan pa kung itatanong pa ba ito sa akin. Tiningnan ko ang mga mata niyang naghahanap ng sagot. Umiwas din ako dahil nakaramdam na naman ako ng hiya sa kanya at sa sarili ko.

“I should not have said it. In-open ko lang naman 'yon kasi akala ko talaga gagawin mo at na-disappoint ako. Mali na sabihin ko at buksan ko ang topic na 'yon sa’yo.”

 

“Mali? There’s nothing wrong about it, Mika. You have the right.” Inangat niya ang baba ko at sinalubong ang mga mata ko.

Tinikom ko ang bibig ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ng katawan ko. Gustong gusto ko nang marinig mula sa bibig ni Vincent ang mga salitang kaytagal ko nang hinihintay. I want him to ask me. Now. Pero hindi ko iyon mahingi sa kanya dahil ang gusto ko kusa niya iyong itatanong sa akin.

Kinagat ko ang labi at pinilit ngumiti. “May celebration pa kami. You wanna come?” Binago ko nalang ulit ang usapan.

Pumikit si Vincent at umiling. Napalunok ako sa frustration sa kanyang mga mata nang dumilat siya. Ilang saglit niya pa akong tinitigan bago nagsalita.

“You’re coming with them?” Binitawan niya ang braso ko.

Tiningnan ko ang naiwan kong braso na naninigas ngayon kahit na gustong habulin ang mga hawak niya.

“Hm.” Simpleng sagot ko.

“Kahit ayaw kong sumama?” inangat ko ang ulo ko sa kanya. Nakatagilid na siya sa akin kaya hindi ko kita ang mga mata niya. Alam kong malungkot ang mga iyon. Iyan din ang naisip ko dahil sa paggalaw ng balikat niya. Malalim ang bawat hinga niya.

Nang hindi pa ako sumagot sa tanong niya ay humarap ulit siya. “I told you that ­we are the one who will celebrate.” May diin sa boses niya. “That’s my plan, remember?” tumaas ang kilay niya.

Naalala ko ang sinagot niya sa akin kanina nang tanungin ko siya kung may pinaplano ba siya. Supposedly, ang proposal ang ine-expect kong gagawin niya. But I was wrong. Ang mag-celebrate kasama ako ang iniisip niya.

“P-pero nakakahiya kayla—” hinigit niya ako sa braso kaya napalapit ako sa katawan niya. “V-vincent.”

 

“You’re not coming with them. Sa akin ka sasama.” Pagkasabi noon ay hinila niya ako palabas ng kwarto at lahat ng nasa labas ay tumuon ang atensyon sa amin. Si Nash at DB na kasama ng mga nagkakatuwaang models ay hinabol kami ng tingin.

Hanggang parking ay mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinapasok sa loob.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya nang nasa tabi ko na siya. Pinanood ko siya nang kunin niya ang phone sa dashboard at may kinapa roon. Hindi niya ako sinagot.

“Vincent?”

 

“Celebrate.” Simpleng sagot niya sa akin. Nakatuon ang atensyon niya sa daan at walang reaksyon ang kanyang mukha.

Humarap na lang din ako sa daan. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan. Ako nga itong nagtampo hindi ba? Ako itong na-disappoint. Pero bakit parang siya pa itong galit sa akin? Wala na akong ginawa. Matapos ang pagtatanong ko kanina sa stage ay tumahimik na ako. Napahiya na nga ako dahil sa pangyayari. Pero bakit pakiramdam ko kailangan kong humingi ng tawad sa kanya?

“S-sorry.” Wala na sariling naisambit ko ang nasa isip ko.

Naramdaman ko kaagad ang mabibigat na titig sa akin ni Vincent. Hindi ko alam kung paano niya iyon ginagawa habang nagda-drive siya. Nakatitig siya sa akin.

Nang hindi siya magsalita ay nagpatuloy ako. “Si Carrive. He told me that you’re gonna propose to me. Soon.” Lumunok ako at pinang-initan ako ng pisngi.

Suminghap si Vincent kaya napatingin ako sa kanya. Ginulo ng isang kamay niya ang buhok at ang isa ay nasa manibela.

“That little kid. Madaldal talaga.” Nag-igting ang bagang niya at parang imahinasyon ko lang pero narinig ko ang tawa niya.

“N-nag-assume ako.” Nanginig ang boses ko dahil sa hiya. “Akala ko kanina planado lahat. Ang pagkawala ni Carmela, ang pagsuot ko ng gown at ikaw bilang partner ko. I thought everything was planned. And it’s not.” Yumuko ako.

Walang sinabi si Vincent. Rinig ko lang ang mabibigat niyang hininga. Diretso ang pagda-drive niya at pumikit na lang ako sa kahihiyan.

“That’s a nice plan.” Aniya at pinahinto ang sasakyan sa trapiko.

Nilingon ko siya at namilog ang mata ko sa sobrang lapit niya sa akin. Nakangisi siya at nakahilig sa akin.

“Sana naisip ko 'yon.” Bulong niya. Marahan akong umatras upang magkaroon kami ng distansya. “Pero mabubuking mo naman pala agad. Buti na lang hindi.” Unti unting nawala ang ngisi niya at sumeryoso ang mukha niya. “I will do it, Mika. If I only had the ring with me, I will ask you right now.” Malambing at pabulong na sambit niya sa mukha ko.

Magkapantay ang mga mata namin at nanghihina ako sa mga titig niya. Naaamoy ko ang hininga niyang mabango at hilong hilo na ako at nawawala na sa sarili ko.

“U-uh…” nanatiling nakaawang ang bibig ko dahil wala akong maisagot.

“Will you say yes?” halos wala nang boses na sabi niya ngunit rinig na rinig ng puso ko ang bawat salita. Para na rin akong tinanong ni Vincent ngayon at hinihintay na niya ang oo ko.

Tatango na sana ako ngunit napadiretso ako ng upo sa gulat nang marinig ang malakas at mahabang busina ng sasakyan sa likod.

Mahinang nagmura si Vincent matapos ay umalis sa harap ko para paandarin na ulit ang kotse.

Hindi ko pa rin alam kung saan kami patungo. Hindi pamilyar ang daan at masyado nang madilim para malaman ko pa kung nasaan kami. Gusto ko sanang magtanong ngunit hindi ko mabuka ang bibig ko dahil puno pa rin ako ng kaba sa nangyari kanina.

Hindi pa man niya ako tinatanong ay kinakabahan na ako. Paano pa kaya kung nandoon na kami?

Lumiko kami at napaawang ang bibig ko nang makita ang isang pangalan ng subdivision. Alam ko ito dahil madalas itong mabanggit nila Dad noon. Sikat ito at halos kasing exclusive ng subdivision na pag-aari ng pamilya ko. Kalaban namin ang may-ari nito.

“We’re going at my family’s house, Mika.” Ani Vincent na tila nabasa niya ang mga tanong sa isip ko.

Awtomatiko kong inisa isa ang bawat bahay sa pag-iisip na baka kayla Vincent ang isa roon. Kagaya sa amin, magaganda ang bawat bahay. Malalaki at magagara. Halatang mayayaman lang ay kayang mag-may-ari ng mga ito.

Tumigil kami sa isang kulay brown na gate. Sa likod ng gate ay sumisilip ang mataas na bahay na agad kong napansin ang pagiging European style nito. Maliwanag sa labas pa lang dahil sa mga nakatayong magargaang poste ng ilaw at magaganda ang mga halamang nakatanim sa harap.

Bumusina si Vincent at ilang segundo lang ay bumukas ang gate. Mas lalo akong namangha sa loob. Halos kapareho ng Villa Mikaella ang dating nito.

Sa harap ng bukas na double doors ay tinigil ni Vincent ang sasakyan. Bumaba siya at tumakbo sa akin upang pagbuksan ako ng pinto. Magkahawak kamay kami nang akyatin ang hagdan.

“Son!” Umangat ang tingin ko kay Mr. Formosa na nasa corridor ng second floor. Nakatukod ang kamay niya roon habang nakababa ang tingin sa amin.

Sa tuwing nakikita ko si Mr. Formosa, hindi ko mapigilang isipin si Carrive. Masama ang nagawa niya sa tunay niyang pamilya ngunit hindi ko mapigilang maawa sa bata dahil hindi niya ito tanggap.

“Good evening po, Mr. Formosa.” Bati ko sa kanya nang makababa siya ng hagdan.

Inilingan niya ako. “Oh, no. Call me Uncle Ver.” Ngumiti siya at tinapik ang braso ko. “Welcome to our home, Mikaella.”

Sinuklian ko ang ngiti ni Uncle Ver. Mabait siya. Sa tingin ko ay mabait siya. Ngunit hindi ko pa rin maisip kung paano niya nagagawang ipagtabuyan ang bunso niya.

“Ella nalang po.” Sagot ko. Maganda ang maging pormal pero dahil tatay naman siya ng mahal ko, siguro ay okay lang na maging komportable ako sa kanya.

“Kristin will come down later. Nasa shower lang.” Tumango ako at nagsalita si Vincent.

“Nakauwi na pala si Mama.” Aniya at hinawakan ako sa braso nang magsimulang maglakad ang tatay niya patungong living room.

Nilahad ni Vincent ang kamay sa sofa at umupo ako roon. Tumabi siya sa akin. Si Uncle Ver ay sa kabilang side sa harap namin.

“How’s your show, Ella? Narinig ko kay Kristin na marami raw nagkagusto sa mga likha mo.” Hindi ko mapigilang panuorin ang pananalita ni Uncle Ver habang tinatanong niya iyan sa akin. Halos parehas ang boses nila ni Vincent at ang pananalita nila.

“Everything went well, Uncle Ver. Maging sa asawa niyo po ay maraming humanga.” Naramdaman ko ang kamay ni Vincent na humaplos sa akin. Nilingon ko siya at nakataas ang gilid ng labi niya.

“Pa, would you mind if Mika will join us for dinner?” tanong niya sa ama. Umawang ang bibig ko at na-realize na hindi pa pala ako kumakain mula nang umalis ako sa bahay. Pero nakakahiya kung dito pa ako kakain.

“Of course not. Join us, Ella.” Masigilang sabi ni Uncle Ver. Tumayo siya at sinundan namin siya ng tingin. “Tatawagin ko lang ang mama mo, Vincent. Para makakain na rin tayo.” Saglit siyang tumitig sa aming dalawa habang nakangiti at saka umalis.

Napaisip ako sa kilos ni Uncle Ver.

“You think he likes me for you?” wala sa sariling natanong ko kay Vincent. Auntie Kristin likes me for her son. 'Yan ang sabi niya kamakailan lang. Pero ang tatay niya, ngayon ko lang ulit nakita. Hindi ko pa siya lubusang kilala at hindi ko alam kung gusto rin ba niya ako para sa anak niya.

“I don’t really care if he likes you for me, Mika. Pero mas maganda kung oo.” Sagot niya sa akin habang humihigpit ang hawak sa kamay ko. “Iiwan muna kita rito. Bababa na si Mama. Mag-usap na lang muna kayo kung sakaling matagalan ako.” Hinabol ko kaagad ang kamay niya nang bumitaw siya sa akin.

“Sa’n ka pupunta?” tanong kong nginisihan niya. Hindi niya ako sinagot at sa halip ay bumitaw sa akin at dumiretso sa taas ng bahay nila.

Naiwan akong mag-isa. Inobserbahan ko na lang ang bahay dahil sa wala na akong makausap. Mataas ang ceiling ng bahay. Masisilip ang bawat pintuan sa second floor at sa tingin ko ay may third floor pa ito dahil sa nakikita kong hagdan sa ikalawang palapag. Engrande at mamahalin ang mga gamit. Hindi na ako masyadong nagugulat dahil maging sa bahay namin ay ganito. Magara ang bahay ngunit tahimik. Naisip ko tuloy, paano kaya kung nakatira rito ang isa pang kapatid nila Vincent. Siguradong makulit si Carrive at magkakaroon ng sigla sa bahay na ito.

Iniikot ko ang paningin sa buong bahay nang marinig ko ang isang kalampag ng kung ano sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si Terrence na nakayuko sa sahig at may kinukuha na sa tingin ko ay susi.

Napatayo ako nang makita siya at ngumiti ako. Ngunit nawala iyon nang magsalubong ang mga mata namin. Naramdaman ko ang sakit na dinulot ko sa kanya nang huli kaming magkita.

“You’re here.” Malamig na sambit niya.

Naglakad ako nang kaunti palapit sa kanya. “Uh, oo. Dinala ako ni… Vincent.”

 

“Oh. Meet the parents?” may halong biro sa tono niya pero hindi sa ekspresyon ng mukha niya. Naisip ko tuloy na sarkastiko iyon.

Hindi ko na lang siya sinagot. “You look better.” Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa nasabi ko. Wala akong ibang maisip at katangahan na ito ang sinabi ko sa kanya.

“Compliment or insult?” mas malamig na sambit niya. Napayuko ako at hindi na sinagot ang tanong niya.

Totoong mas mabuti ang kalagayan niya ngayon. Bagong gupit siya at naahit na ang balbas niya. Maayos ang pananamit niya kagaya nang mga unang kita namin. Maliwanag ang mukha niya ngunit may halo iyong tabang. Siguro, iyon ay dahil nakita niya ako.

“Ikaw, Ella. Mukhang mas mabuti rin ang lagay mo. Para kang nawalan ng problema sa buhay. You look happy.” Pinigilan ko ang sarili kong sagutin ang pagiging sarkastiko niya.

Kung hindi ako nagkakamali, siya ang problemang tinutukoy niya. Wala na siya sa buhay ko kaya niya sinasabihing mas bumuti ako. Hindi ba niya alam na nawalan ako ng isang kaibigan nang magdesisyon siyang lumayo? At masakit iyon para sa akin dahil pinahalagahan ko na siya.

Nasasaktan si Terrence. At sa tingin ko ay hanggang ngayon, nasasaktan pa rin siya. Nakikita ko iyon sa mga mata niya. But what can I do? Wala akong magawa kundi saktan lang siya. I really hope he can move on.

Kinagat ko ang labi ko at sinubukan ulit siyang tingnan. At nagkamali ako sa ginawa ko dahil titig na titig siya sa akin. Walang anumang emosyon sa kanyang mga mata. Blanko. Kung tutuusin, iyan ang Terrence na kilala ko. Pero masakit pala lalo na kung iisiping ako ang dahilan nito. Galit siya sa akin.

“I’m—”

 

“Mikaella!” naputol ako sa pagsasalita sa pamilyar na boses na tumawag sa akin. Inayos ko ang sarili at humarap sa pababang si Auntie Kristin. Lumapit ako sa kanya.

“Auntie Kristin.” Bati ko. Bumeso siya sa akin at ngumiti ako sa kanyang ginawa. Sa likod ko, alam kong pinagmamasdan kami ni Terrence.

“Terrence, mabuti umuwi ka. Sasabay ka ba sa aming mag-dinner?” tanong ng nanay niya nang makita siya.

Tumingin si Terrence sa akin bago ngumiti at bumaling sa nanay niya. “No, Ma. Umuwi lang ako to get some clothes. Sa condo na ako matutulog.” Aniya.

“Join us first. Nandito si Ella ngayon. We’ll welcome her to the family.” tumindig ang balahibo ko sa binanggit ni Auntie Kristin. Hindi ko alam kung para saan ito ngunit sinundan pa ito ng nerbyos.

Tumawa si Terrence. Napatitig na lang ang sa eksaheradong pagtawa niya. May mga yapak akong narinig at napansin ko si Vincent na pababa ng hagdan. Pumikit ako nang makita ang itsura niya. Iritadong pinapanood ni Vincent si Terrence habang ito ay tumatawa.

“Welcome her? Oh, yeah. Welcome, Ella.” sarkastikong sabi niya. Tumawa pa siya at saka muling nagsalita. “Welcome…” tumango siya at binalingan ang kapatid. “Ikakasal na ba kayo? Well, congrats, bro. You deserve it. Nasa iyo na lahat. I’m proud of you.” Pagkasabi noon ni Terrence ay tumalikod siya at dumiretso palabas ng pintuan ng bahay.

Pinagmasdan ko si Vincent habang unti unting kumuyom ang kamay niya. Sumulyap siya sa akin at agad akong umiling para pigilan ang kung ano mang gagawin niya. Naintindihan niya iyon at nakita ko ang malalim na buntong hinga niya. 

Continue Reading

You'll Also Like

175K 2.4K 65
Coleen Andrea Salazar knew that spending the night with that stranger was a mistake. It was a stupid move to get drunk and even more stupid to give i...
1K 51 42
Do you have a dream? Do you want to chase it? Dae wants to chase hers, but she wasn't expecting it meant leaving Pierre. Kate Daesiree Manzano believ...
73.2K 1.7K 34
Two people, both rich and stubborn and in denial that they are meant for each other. Until when will they run out of excuses to not be together?
26.5K 654 53
"He is my prologue, but not my epilogue." Saige Anais is only rooting for a peaceful life and faultless love, but fate has other plans for her. Despi...