A Hiccup Of Tea (βœ”)

By yshwii

4.7K 2.3K 874

Would a "Hic" Cup of Tea help our heroine to mend a splintered heart as she yearns to sniff a sweet aroma of... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter 28

72 42 21
By yshwii

C H R I S T E L L E

"Nagseselos ako sa inyo ni Brylle, dati pa. I like you, Angel. Naiintindihan mo na ba?"

Napaawang labi ko dahil sa sinabi niya. Ano raw?

"W-what? Gusto mo ako?" Paglilinaw ko.

Gusto niya raw ako? Paano? Bakit? Kailan?

"Seryoso ka ba?" Tanong ko muli. Nananaginip ba ako?

Instead of answering me, he just gave me his warmest smile. I just realized that he's been acting differently in front of me; opposite to what he is known for.

Where's the cold-hearted Denver that we all know?

"Call me Andy from now on," aniya. I suddenly felt butterflies in my stomach.

"H-hey!"

Agad akong napa-atras palayo kay Denver nang may marinig kaming kaluskos galing sa kung saan. Bigla tuloy akong nahiya nang mapagtanto ko kung gaano kami kalapit ni Denver kanina sa isa't-isa.

Nang tignan ko si Denver, nakakunot na ngayon yung noo niya at parang may hinahanap. Anong mayroon?

Tumingin ako sa direksiyong tinitignan niya dahilan para mapansin ko ang isang lalaking tumatakbo palayo sa amin. Pilit kong kinilala kung sino iyon pero mukhang hindi naman namin schoolmate. Safe.

"Let's go," ani Denver at hinila ako pabalik sa kung saan kami galing kanina.

Napahawak ako sa dibdib ko habang naglalakad kasama siya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.

"Gusto niya talaga ako?"

"Of course, silly," agad akong napatingin sa kaniya nang nagtataka. Narinig niya sinabi ko?

"You're saying your thoughts out loud," aniya nang mapansing nakatingin ako sa kaniya. Napayuko naman ako dahil doon. Nakakahiya!

Ilang minuto pa yung lumipas, nakita namin sina Allyza na nagpi-picture sa harap ng dungeon sa Fort Santiago. Lumapit naman kami sa kanila.

"Oh, you're done talking?" Tanong bigla ni Fritzy nang mapansin kami. Tumango naman ako bilang tugon.

Nagpaalam naman si Denver sa amin bago umalis. Magsasalita palang sana ako sa kanila at magpapaliwanag kung bakit natagalan kami nang bigla silang nagsitilian.

"OMG Christelle! Sana all may bebe time," pangunguna ni Hannah sa pang-aasar.

"Hindi naman bebe time yun," pagtanggi ko rito pero lalo lang nila akong inasar.

"Let's go. I don't want to be late for the exhibit," gulat akong napatingin kay Brylle. Nandito rin pala siya?

Saka ko lang napansin na kumpleto pala kami rito. Kami-kami pa rin yung magkakasama kagaya kaninang umaga. Yung kambal lang mahihiwalay sa amin.

Naglakad na palayo si Brylle na agad din naman naming sinundan. Nagrereklamo pa si Brent kasi may 20 minutes pa naman daw before call time.

Nagtataka ako ngayon kay Brylle, ang tahimik niya. Parang nabaliktad sila ngayon ni Denver ng dila. May kinalaman ba 'to sa sinasabi niyang 'friendship over' kanina?

"Bye guys!" Paalam nina Misty at Fritzy sa amin pagdating namin sa parking lot. Babalik na kasi sila sa bus nila.

"Final na talaga Brylle? Gusto ko pang gumala!" Reklamo muli ni Brent bago buksan yung sasakyan ni Brylle. Hindi siya pinansin ng isa.

"Bakit bad mood?" Tanong ni Hannah kay Sam pero nagkibit-balikat lang yung isa sabay tumingin sa akin.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya pero ngumiti lamang siya't pumasok na sa loob ng sasakyan.

Hindi malayo yung biyahe namin kasi halos katabi lang naman ng Intramuros yung Rizal Park. Akala ko magiging awkward kami sa loob ng sasakyan dahil kay Brylle pero mali pala ako.

Buong biyahe namin, parang batang ngumangawa si Brent kasi hindi raw siya pinagbigyan ni Brylle. Nanahimik lang nung sinabi ni Sam na bibilhan daw siya ni Brylle ng sapatos na nakita nila sa mall noong nakaraan.

"Kapag talaga hindi mo ako binilhan kano, sinasabi ko sayo! Ibubuking talaga kita kay—"

"Oo na, shut up na," medyo naiiritang sambit ni Brylle. Ngiting tagumpay namang umayos nang upo si Brent.

"Come to Papa my Jordan," aniya bago humagikhik ng tawa. Natawa rin tuloy sina Hannah.

"Ano ka, bata?" Tanong ni Allyza nito.

"Oo, baby mo," preskong saad naman ni Brent dahilan para hampasin siya ni Allyza.

"Wooh! Smooth," pang-aasar ni Hannah. Promotor talaga 'tong pinsan ko lagi ng asaran.

"Bagay, bagay!" Paggatong naman ni Sam. Hindi talaga maipagkakailang mag-bestfriend itong dalawang 'to. Lakas mang-asar eh.

Nang maka-park na si Brylle ng sasakyan niya, nagsibabaan na kami.

"Uhm, guys? Our adviser just texted me," ani Allyza matapos niyang kunin yung atensyon namin.

"Buddy system daw tayo pagpasok ng exhibit," aniya dahilan para tumingin na ako agad sa pinsan ko.

"By pair pagpasok?" Tanong ni Brent kay Allyza. Tumango naman ito bilang sagot.

"Why?" Brylle asked.

"I guess, to prevent us being lost inside the convention. Malaki kasi yung na-set nila eh. Ayaw nila ng by group na pagpasok to prevent any chaos or what," pagpapaliwanag sa amin ni Allyza. May point.

"Kahit hindi magkaka-section, puwede?" Sam asked. Tumango nanaman ulit si Allyza bilang sagot.

"Okay, kami ni Christ—"

"Partner tayo Hannah," naputol yung sasabihin ni Hannah nang sumingit si Sam sa kaniya.

"What? Ayoko," pagmamatigas ng pinsan ko pero pinandilatan lang siya ng isa.

"Ah, oo. Oo nga pala. Sorry Telle hehe, kami nalang pala ni Sam yung magka-partner," nagpipigil ng tawa na sambit ni Hannah sa akin.

"Are you guys up to something?" I asked them suspiciously. Sabay naman silang umiling bilang sagot.

"Brent let's be partne—"

"Sorry Brylle, kami na ni Keith partners," nakangising sambit ni Brent kay Brylle. Bigla naman akong kinabahan sa ginawa nila.

So, kami nalang ni Brylle yung walang partner?

"What if, kayo nalang?" Sabi ni Hannah sa amin. Nagkatinginan naman kami ni Brylle pero agad akong umiwas ng tingin.

"No," sabay naming saad ni Brylle dahilan para magtawanan sila.

"Arte niyo. Kanina pa kayo hindi nagpapansinan, May LQ ba?" Pang-aasar ni Brent sa amin.

"We're not even lovers," tanging sagot ni Brylle at naglakad na paalis.

"Hoy! Iniwan mo partner mo. Gusto mo bang mag-isa lang si Christe—"

Hindi na natapos ni Sam yung sasabihin niya nang biglang bumalik sa amin si Brylle at hinila ako paalis doon.

"You can be partners with Denver once we saw him. I don't care going inside that exhibit alone," sabi ni Brylle habang nakatuon lang yung atensyon sa dinadaanan namin. Anong kinalaman ni Denver dito?

Pero sure, why not.

"Are you mad at me?" I asked, ignoring what he said a while ago. Kahit gusto ko pa yung suggestion niya, ayoko pa rin maging awkward kay Brylle.

"Why would I?" He asked me back without even taking a look at me.

"You're ignoring me," sabi ko sa kaniya. Doon na siya tumingin sa akin.

"Is that bothering you?" He asked.

"N-no," pagtanggi ko.

*hic!*

I heard him chuckled after hearing my hiccup. Pahamak naman!

"Fine, it bothers me," pag-amin ko agad. Napangiti naman siya pero agad ding nawala.

"Why? We're not friends to begin with," aniya at binitawan yung kamay kong hawak niya kanina bago maglakad na muli. Hinabol ko naman siya.

"Bakit ka ganyan?" Nauubusan na ako ng pasensya sa kaniya.

"Noong nakaraan you want to be friends with me tapos ngayon—" naputol sasabihin ko nang bigla niyang hinawakan yung bibig ko, he clipped it to be exact.

Naiinis kong inalis yung kamay niya. Kadiri!

"You're so loud. Nakakapanibago," puna niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"You're always loud when I'm with you yet you still don't consider me as your friend. Now that I said that I don't want to be friends with you anymore, you're complaining. Ang gulo mo Chua," dagdag pa niya. Natahimik naman ako dahil doon.

Oo nga ano? Parang noong nakaraang Linggo lang, ni-reject ko siya. Hindi naman din ako nagreklamo noong hindi niya ako pinapansin sa school after kong tanggihan friendship offer niya.

Tapos ngayon, naiinis ako na hindi niya ako pinapansin. Ang gulo ko naman!

"Tara na," aniya nang mapansin yung pananahimik ko at hinatak na ako papasok ng venue.

Agad akong namangha nang makitang ang ganda ng set up nila dito. Para akong nabalik sa 1800's. Nakakainlove!

"Saan tayo?" I asked Brylle nang mapansing paikot-ikot lang kami sa loob.

"Let's find Denver and exchange partners," he said casually.

"Ayaw mo sa akin?" Tanong ko rito. Tumingin naman siya sa akin.

"Ayaw mo rin naman sa akin. I think my decision will favor to both of us," sagot niya sa tanong ko. Hindi nalang ako umangal pa.

Halos ikutin na namin buong venue para lang hanapin sina Denver pero ni anino niya, hindi namin nakita.

Umabot kami ni Brylle sa likod ng tinayong exhibit na 'to nang bigla kong nakita si Ynna. Agad akong napahinto nang mapansin kung sino yung kasama niya.

So, they're partners?

"Ayoko nalang pala makipagpalit," sabi ni Brylle habang nakatingin sa akin. Hinarangan niya pa kung nasaan sina Ynna.

Too late, nakita ko na.

"Why?" I asked. Akala ko ayaw niya sa akin?

"I just changed my mind, I'm getting tired finding him. Maybe, I can also change my decision about being friends with you while we spend time together," aniya at hinatak nanaman ako paalis.

Hindi ba nakita ni Brylle sina Ynna at Denver kanina? Akala ko nakita niya.

"Okay, sige," pagsang-ayon ko sa kaniya. Nagulat naman ako nang bigla niya akong akbayan.

"Let's enjoy this exhibit," he said and then led me towards several paintings on the wall.

"These are masterpieces by Juan Luna. Stand there, I'll take a picture of you," ani Brylle at kinuha yung digital camera niyang nasa loob ng bag.

Kumunot naman noo ko sa kaniya.

"Ang moody mo," wala sa sarili kong sambit sa kaniya dahilan para mapahinto siya.

"What?" Nagtataka niyang tanong sa akin.

"Kanina para akong virus kung ipagtabuyan mo tapos ngayon—" natahimik ako nang bigla siyang naglakad patungo sa akin. Agad na nanlaki yung mga mata ko nang unti-unting lumapit yung mukha niya. Hahalikan niya ba ako?

Hindi ko alam kung bakit pumikit ako kaysa itulak siya palayo. Parang nag-shutdown sistema ko't hindi makagalaw.

"Aray!" Napahawak ako bigla sa noo ko nang maramdamang inumpog niya ito sa noo niya. Naka-droga ba 'to!? Ang sakit, baka magkaroon ako ng bukol nito!

"You said that it bothers you everytime I ignore you. I'm just doing this by your favor. I don't want to ruin your day," aniya at umatras na. Bumusangot naman ako sa kaniya.

Hindi ko alam kung magkaibigan ba talaga kami o nagpaplastikan lang. Gusto ko siyang ituring na kaibigan pero may part din sa akin na ayaw. Mukhang ganoon din yung nararamdaman niya sa akin.

Everytime na magkasama kami, hindi mawala yung maliliit naming bangayan kahit na minsan, nakaka-nosebleed siya kausap. Parang hindi makukumpleto araw namin kung hindi kami magtatalo kada magkakasama kami.

Nakakagulat nga eh, parang natural lang yung turing ko sa kaniya despite the consequences that I might face just like Annie's wrath.

I guess, my friendship with him will just happen smoothly and naturally if we really want it to happen.  Yung tipong hindi namin mapapansin na magkaibigan na pala kami.

Kaso minsan, nakakalito actions ni Brylle eh. Today close kami, the next day ang distant niya sa akin.

"Ang gulo mo Brylle," sabi ko at humarap nalang sa mga paintings.

Bigla akong nakarinig ng pag-click ng camera at flash pagkatalikod ko. I just shrugged my shoulders and admired the paintings once again.

"Mas magulo ka pa rin, Angelique."

***
:)

Continue Reading

You'll Also Like

4.8K 452 160
An Epistolary. Started: January 1' 2022 Finished: April 3' 2022
85.5K 2.9K 62
One Tuesday night, while reading Wattpad on her phone, Eleigha Ann Cordova received a random message from her former classmate slash long time crush...
4.3K 543 52
Reading a book with the smell of cappuccino in your side, to warm your body from the coldness of the rain outside. Everything was so perfect. But wha...
304K 21.2K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...