Lab U, Insan! (Book I)

By chumeleven

162K 2.2K 678

Naranasan mo na ba magmahal? Kahit alam mong bawal? Bawal dahil... Mag-pinsan kayo. Hindi 2nd or 3rd or 4th c... More

Lab U, Insan!
Author's Note:
1_Her Present
2_She's A Star?
3_The Wedding Anniversary
4_No Ordinary Love
5_Handshake
6_Her Past (One)
8_Tree House
9_The Incident
10_Casa Blanca
11_Bringing Back The Memories
12_Complicated Life
13_Stupid Alex
14_He's Back
15_Triangle or Square
16_Truth between the Lies
17_Surprise Vacation
18_Broken Past
19_Change
20_Confession
21_Her Accident
22_Coming Back
23_Distance
24_His Decision
25_Public or Private
26_The Runway Scene
27_Near Yet So Far
28_Their Moment
29_First Date
30_Truth Hurts
31_Lost and Found
32_The Meeting
33_The Whole Truth
34_DNA Result
35_Daphne Woo
Epilogue
About the Book II...
Author's Note: Closing of Book I

7_Her Past (Two)

4.1K 63 20
By chumeleven

 Tumakbo lang kami ng tumakbo hanggang sa makarating kami sa tambayan namin.

Ang tree house na ni-request ni Casey sa mga parents niya.

Nasabi ko na ba sa inyo na sila ang may-ari ng school na pinapasukan ko? Ngayon, nasabi ko na, alam niyo na kung gaano sila kayaman.  Haha!

Wholesome pa ako dito ha? Wala pang halong kahalayan ang utak ko dito.

Pramis! Mababasa niyo mamaya.

Balik na tayo sa kwento nang nakaraan ko.

Parehas kaming hingal na hingal nang makarating sa tree house.

Inhale, Exhale, Inhale, Exhale!

“Hay. Kapagod. Teka nga pala, insan. Paano tayo lalabas mamaya dito? Panigurado, sarado na ang gate mamaya.” Tanong ko kay Casey na nagsimula nang umakyat sa tree house.

Ang gentleman niya! Hindi man lang ako pinauna na umakyat ng tree house.

“Hoy! Bakit ka nakatunganga dyan? Umakyat ka na!” sigaw nito mula sa taas ng tree house.

“Thank you ha! Ang gentleman mo talaga kahit kailan!” Inirapan ko na lang siya at nagsimula nang umakyat sa tree house.

Maganda ang pagkakagawa sa tree house, pwede ngang tirhan ito dahil kumpleto sa gamit.

Akalain niyong may attic ang tree house na ito na nagsisilbing bedroom.

Kaya kapag lunch break namin ay dito kami pumupunta para umidlip saglit.

Kung pwede lang talagang tumira dito, baka lumayas na ako sa amin. Hehe.

Bukod sa maganda ang view mula sa taas, tahimik din dito.

“Ang bagal mo naman!” bungad ni Casey pagkaakyat ko sa tree house.

“Alam mo ‘yon salitang pahinga Casey? Nakakapagod kaya tumakbo tapos paakyatin mo ako kaagad dito. Bakit ka ba nagmamadali ha?” singhal ko dito. Totoo naman diba? Ikaw ba naman tumakbo mula gym papunta sa tree house na nasa liblib na parte ng school, isama mo pang naka-dress ako habang tumatakbo ako.

Imbis na sagutin ni Casey ang tanong ko ay tinalikuran lang niya ako at may kinukuha na kung ano sa bag niya.

Naalala ko bigla iyon regalo ko kay Casey. Agad kong binuksan ang bag ko at kinuha ang regalo ko para sa kanya. Sana magustuhan niya ito.

“Insan, halika nga dito!”

“Ano? Halikan?! Bakit naman kita hahalikan?!” ang bingi din nang isa na ‘to eh! Tumayo ako at lumapit sa pwesto niya at binatukan siya. Pero, kung gusto niyang halikan ko siya, ay, hindi ako magdadalawang isip na halikan siya. Takte! Landi ko lang?

PBB teens?! Bakit? Teens naman kami ah! Hahaha! Teka, wholesome nga pala ako. Ahem! Ahem!

“Hoy, masakit iyon ha! Inaatake ka na naman ng sakit mo!” sigaw nito sa akin pagkatapos ko siyang batukan.

Oo, may sakit ako. Sakit na maituturing para sa kanya ang pagiging bayolente ko.

“Naglinis ka ba ng tenga mo? Mali-mali kasi naririnig mo eh! Ang sabi ko, halika SPACE nga SPACE dito! Hmp. Oh, ayan!” binato ko sa kanya ang regalo ko at saka bumalik sa pwesto ko. Kainis!

Kumunot ang noo niya nang makita niya ang box.

“Ayaw mo ata eh! Akin na! Sa iba ko na lang ibibigay!” lalapit sana ulit ako para kunin ang regalo ko sa kanya pero bigla siyang tumayo at itinaas ang box na hawak niya.

“Ayoko nga! Binigay mo na sa akin tapos babawiin mo?”

“Akin na! Hindi mo naman magugustuhan ‘yan eh!” sigaw ko habang inaabot sa kanya ang box pero umatras siya kaya lumapit ako sa kanya. Patuloy siya sa pag-atras habang ako patuloy din sa paglapit hanggang sa natalisod siya sa bean bag na nasa likuran niya at natumba.

Kasabay ng pagtumba niya ay ang paghawak niya sa kamay ko kaya sumubsob ako sa dibdib niya.

Our face is inches close and I can feel his heartbeat in my hands above his chest.

I felt electricity flowed all throughout my body and butterflies flies around my stomach.

We stared at each other’s eyes while contemplating what had happened between us.

Dahan-dahan niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko.

Pakingsyet! Mas lalong kumabog nang husto ang puso ko.

Whaaaa! Kiss me! Kiss me! Gusto ko sa lips!

Pinikit ko ang mga mata ko para at dumampi ang malambot na labi niya sa…

Noo ko.

Bitin effect muna! Masyado pang maaga para sa kiss sa lips. Hahahaha!

Sa totoo lang, nabitin ako! Ampness! Bakit sa noo lang?!

Bigla kong naalala na magpinsan pala kami.

Napabuntong hininga ako sa naalala ko.

“Thank you.” Turan niya pagkatapos niya akong halikan sa noo.

Tumayo na ako at inayos ang sarili ko at bumalik sa pwesto ko.

Nakita kong tumayo na din siya at may nilagay na kung ano sa mesa.

Grabe. Biglang naging awkward ang mood sa loob ng tree house.

“A-Alex, kain na.”

Agad naman akong tumayo at pumunta sa mesa para kumain. Tamang-tama dahil gutom na din ako.

Nang tingnan ko kung ano ang pagkain sa mesa, naglaway ako.

Lasagna ni Tita Jam! May garlic bread din at saka softdrinks in can.

Paborito kasi namin parehas ni Casey ang lasagna ni Tita Jam.

Sobrang sarap kasi! Hehe.

Naubos namin ni Casey ang binaon niyang lasagna.  

“Heto na ba ‘yon?” tanong ko sa kanya.

“Alin?” kunot noong sagot niya.

“Iyon sorpresa mo sa akin. Heto na ba ‘yon?”

“Hindi.” Maikling sagot ni Casey. Tumayo siya at lumabas papunta sa terrace ng tree house.

Bakit kaya lumabas iyon? May nasabi ba akong mali? Wala naman diba? Hehe.

Pagkalipas ng ilang minuto ay pumasok siya ulit.

“Gusto mo na ba makita ang sorpresa ko?” tumango naman ako bilang sagot.

Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya palabas ng terrace.

Saktong paglabas namin ay nagsimula ang fireworks display.

“Wow! Ang ganda!” Syempre, manghang-mangha ako nang mga panahon na iyon.

Nasa tabi ko si Casey habang hawak-hawak niya ang kanang kamay ko sa buong fireworks display.

Pagkatapos ng fireworks display ay hindi pa rin binibitawan ni Casey ang kamay ko.

Lumingon ako sa gawi niya at nakita kong nakatitig siya sa akin.

Jusko naman! Bakit ba ang pogi ng pinsan kong ‘to?

May dinukot siya sa bulsa ng pantalon niya at ipinakita sa akin ang isang bracelet.

Silver bracelet na may palawit na heart sa isang dulo.

Naka-engrave doon ang pangalan ko.

“Angat mo ang kamay mo.” Sinunod ko naman ang sinabi niya at ikinabit niya ang bracelet sa kamay ko.

Nanatili akong nakatitig sa kanya habang ginagawa niya iyon.

May romantic side din pala itong si Casey.

Kung makikita man kami nang kahit sino ngayon, aakalain nila may relasyon kami at hindi kami mag-pinsan.

Pero, malabo namang mangyari iyon.

Dapat siguro akong makuntento sa kung ano ang mayroon kami ngayon.

Tinitigan ko pa ng ilang minuto ang bracelet. Ang ganda at simple lang ang design nito.

“Buksan mo na iyon regalo ko sa’yo.” Utos ko dito.

Kinuha niya ang box sa loob at lumabas din ito kaagad dala-dala ang box.

Inalog-alog muna niya ang box para malaman kung ano ang laman noon.

“Buksan mo na lang kasi. Inaalog-alog pa!”

“Oo na!”

Dahan-dahan niyang binuksan ang box at isang dog tag necklace ang tumambad sa kanya.

Silver dog tag necklace kung saan naka-engrave din ang pangalan niya.

Tinitigan niya din iyon ng ilang minuto. Whaaa! Hindi niya ata gusto.

“Akin na nga! Hindi mo naman ata gusto ‘yan eh!” aagawin ko sana ang box sa kanya pero nilayo niya kaagad.

“May sinabi ba akong hindi ko gusto?” Oo nga naman! Wala naman siyang sinabi. Bakit ba ako nag-coconclude kaagad?

Pagkasabi niya noon ay sinuot na niya ang dog tag. Bumagay naman iyon sa suot niya na polo.

“Thank you nga pala sa bracelet.” Turan ko.

Pinisil-pisil niya ang pisngi ko pagkatapos kong magpasalamat. Nagpasalamat na nga, kukurutin pa ang pisngi ko.

“Tara na. Baka hinahanap ka na sa inyo.”

Whaaa! Oo nga! Tumingin ako sa relo ko, past 9 PM na! Lumagpas na naman ako sa curfew ko.

Agad kaming pumasok ni Casey sa loob ng tree house at kinuha ang mga gamit namin.

“Teka, paano nga pala tayo makalalabas dito?” heto ‘yon una kong tanong sa kanya na hindi naman niya sinagot.

“Madali lang ‘yan.” Hinila na niya ako kaagad papunta sa isang maliit na garden malapit sa tree house.

May kinapa siya sa pader na puno ng halaman.

Ilang segundo lang ay bumukas ang isang pintuan! Hanep! Pintuan pala iyon. Natatabunan kasi ng halaman kaya hindi mahahalata na pintuan iyon.

Pagkalabas namin ay may motor na nakaparada sa gilid ng pinto.

Lumapit doon si Casey at isinuot ang isang helmet habang inabot naman sa akin ang isa. May motor na na pala si Casey. Graduation gift siguro iyon nila Tito Jun.

“Teka lang naman! May lisensya ka na ba at saka minor ka pa lang ah?” kinuha nito sa likurang bulsa niya ang wallet niya at pinakita ang lisensya niya.

“Sasakay ka ba o maglalakad ka pauwi?” Ang layo kaya ng bahay namin dito no, tapos paglalakarin niya ako? Syempre, no choice ako kundi sumabay sa kanya. Kinuha ko sa kanya ang isang helmet at sumakay sa likuran nito.

“Kumapit ka ng mabuti.” Humawak ako sa balikat nito.

“Haist! Hindi ganyan. Ganito.” Inalis niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya at ipinulupot ito sa bewang nito.

Naramdaman ko na naman ang ilang boltahe ng kuryente na dumaloy sa akin kanina. Ang sarap sa pakiramdam na mayakap ang taong mahal mo.

Tumatalon ang puso ko sa tuwa ngayon. 

Mabilis lang kaming nakarating sa bahay. Wala din naman kasing traffic.

Mabilis akong umibis sa motor at ibinalik sa kanya ang helmet.

“Insan, thank you ha! Nagustuhan ko ang sorpresa mo at saka itong regalo mo.” Ani ko.

“Thank you din dito sa dog tag. Pasok ka na. Alam kong sasabunin ka na naman ni Tita dahil late ka na naman nakauwi.”

“Sige, bye!” Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nahalikan ko na si Casey sa pisngi.

Ah, syet! Nakakahiya! Tumakbo na ako kaagad papasok sa loob ng bahay.

Lahat ata ng dugo ko, napunta na sa pisngi ko.

Alex! Nahihibang ka na talaga!

Dire-diretso lang ako hanggang sa makarating ako sa kwarto.

*End of flashback*

**********

“Babe, wake up.” turan ni Sander gamit ang kanyang smexy bedroom voice. Naramdaman ko ang mumunting halik ni Sander sa buong mukha ko. As usual, dito na naman siya sa condo ko natulog.

“Hmmm.”

Ayoko pang i-dilat ang mga mata ako. Nag-eenjoy pa ako eh! Chos!

Seryoso, ayoko pa bumangon. Gusto ko pang matulog. As in! Past midnight na kaya kami nakarating dito sa condo at I really need some sleep. Bukas, balik trabaho na naman kami.

Tumigil siya sa paghalik sa mukha ko at naramdaman kong gumalaw siya at pumaibabaw sa akin. 

Napadilat ako bigla at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Sander na nasa ibabaw ko at walang suot na sando! Ang init! Nararamdaman niyo ba?!

“WOAH! What are you doing, Sander?!” 

He only smirked at me.

Anong ibig sabihin nito? Rarape-in niya ako?!

Willing naman akong ibigay ang gusto niya…

Kung sasabihin lang niya ng maayos...

At hindi gamit ang smexy bedroom voice niya.

"Oo na! Babangon na nga eh!" singhal ko dito. Kainis. Gusto ko pa talaga matulog. Help me guys! Ok lang kahit kuyugin niyo si Sander ngayong ARAW lang na 'to, basta, patulugin niyo ako.

Continue Reading

You'll Also Like

20.8M 511K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
1M 48.7K 107
Hiding their identity is a must for a gangster. She has a mission. Her mission is to find the one who killed her fiance and best friend and that's t...
1.2M 24K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
Made For Him By Shaiiiii

General Fiction

210K 4.9K 34
Vanessa Jasmine Aravalo is living a simple life with her mom. A college student who wants to be on top upang maging proud ang magulang niya sakanya...