#ABNQ39 Chapter 39
True enough, Psalm tried to teach me Chemistry—try being the operative word. Iyong mga areas na naguguluhan ako, mas lalo lang akong naguluhan nung tinuro ni Psalm. I swear, kung confused ako, mas confused siya!
"Fuck," I heard him cursing nung nalimutan niya iyong sasabihin niya. I felt like may script siyang sinusundan kasi may binubulong siya sa sarili niya bago siya magsalita. Pupusta ako na nagpaturo pa 'to sa isa sa mga pinsan niya bago ako tinuruan.
I pursed my lips to stop myself from smiling kasi sobrang cute niyang makita na frustrated. I mean, the thought that he wanted to tutor me was more than enough. Hindi naman niya kailangang gawin, but here he was, struggling to explain to me the balancing chemical equation.
"Break muna?" I asked kasi mukhang konti na lang ma-no-nosebleed na kaming dalawa.
He groaned. "I swear, I got this, Joey," sabi niya tapos tinignan iyong notes niya.
I bit my lower lip. "You sure?"
He nodded. "Just one sec," he said tapos naka-kunot iyong noo niya na binabasa iyong notes niya. Nanatili akong nakaupo habang pinapanood siya. Nilabas ko rin iyong phone ko tapos kinuhanan siya ng picture. I posted it in my IG story tapos nilagyan ko ng caption na 'Chem teacher. New career?'
Binaba ko iyong phone ko nang mapansin ko na wala na si Psalm sa harapan ko. Nasa gilid siya habang hawak ang phone niya. Nasa bewang iyong isa niyang kamay, at kahit naka-talikod siya, ramdam ko iyong frustration niya.
"Yeah, after that?" sabi niya. "I get that, but why can't the equations—I'm doing it right!" He sounded really frustrated, and I was a bad girlfriend for thinking how cute he was. Kulang na lang yata e iyakan niya iyong libro para lang maintindihan ko nang mabuti.
"Psalm," tawag ko sa kanya paglipas ng isang minuto. Lumingon siya sa akin, at pansin na pansin ko na grabe iyong pagkaka-kunot ng noo niya. I bit my lip to stop myself from laughing kasi natatawa talaga ako. I mean, ako nga na gusto iyong Science pero naguguluhan, siya pa kaya na hindi naman inclined at pinipilit lang para sa akin?
"I promise, I can get this," sabi niya kahit wala pang lumalabas sa bibig ko. I pressed my lips harder, and looked at him. "I... I'm sorry. It's been really long since I last studied Science," sabi niya na parang disappointed siya sa sarili niya.
I tapped the space beside me. "Upo ka sa tabi ko," sabi ko nung hindi siya gumalaw. Naupo si Psalm sa tabi ko. Tumagilid ako, at saka humarap sa kanya. I held his face, and gave him a big smile. "Thank you," I said.
"For what?" he asked.
"For this. For trying."
He sighed. "Sorry," he said.
I frowned at him. "Kain na tayo?"
"We're not finished yet," sabi niya sabay tingin doon sa reviewers na binili niya para turuan ako. May mga naituro naman na si Psalm sa akin, pero habang tumatagal, nalilimutan niya iyong mga tinuro sa kanya. I could sense his frustration, and as much as it entertained me, I didn't want him frustrated.
"Okay lang. Kaya ko na siguro 'yan," sabi ko sa kanya. Ayaw pumayag pa ni Psalm, but in the end, napilit ko na rin siya na umalis na kami. Siya iyong may hawak nung mga reviewers habang naglalakad kami. Today was a good day, and I was glad that I was sharing it with Psalm.
"Ano'ng plan mo after grad?" I asked him. I vaguely remembered asking him this before, pero ang naaalala ko ay wala akong nakuhang matinong sagot sa kanya. Gets ko naman kasi mahirap talagang alamin kung ano ang mangyayari after graduation. It was so scary... thinking that your whole life's officially starting. Na kung anuman ang mapili mong gawin, you could end up doing it for the rest of your life. Sobrang nakaka-takot.
Psalm shrugged.
"Come on, ano nga?" tanong ko. "Wala kang kahit anong interest?" I pressed further dahil wala siyang mabigay na sagot sa 'kin. Ako kasi, sigurado na ako na kukuha ako ng medicine pagka-graduate ko. Gusto kong maging doctor kagaya ni Papa. Kasi nakikita ko na kahit gaano siyang nakakapagod, sobrang fulfilling din niya. And I wanted to live a fulfilled life.
"Maybe..." he trailed. "Maybe I'll try professional basketball." I nodded, waiting for him to continue. "It's silly."
"It's not," I quickly replied. "May plano ka na ba?"
Umiling siya. "It was just a thought."
"You can make that thought a reality. Kaya mo 'yan. You're one of the most hard working people I know," I said, gently bumping my shoulder against his.
"I'm still not quite sure," he said na parang may bumabagabag sa kanya. Huminto ako, at saka tinignan siya. Nakita ko na parang may problema nga siya.
"Ano'ng iniisip mo?" direstong tanong ko sa kanya. I wanted to know his thoughts, to be able to help him if I could. Kasi ganoon naman talaga dapat, 'di ba? We're partners. We should help each other, bring each other up.
"Nothing," he said.
"Ano nga?"
Tumingin siya sa akin. Malalim. Iyong parang nakaka-lunod.
Naghintay ako ng susunod na sasabihin niya, pero isang pekeng ngiti lang ang nakuha ko. He smiled like everything's fine, but I knew that something's bothering him... and that got me bothered, too.
"Where do you want to eat?" he asked with that smile plastered on his face. It was obvious that he didn't want to talk about what was bothering him, so I decided not to push it more. Kilala ko si Psalm. Sasabihin niya naman sa akin kapag gusto niyang sabihin. I just wished that this would not create problems for us in the future.
* * *
"Go out for a while," sabi i Jax pagkatapos na muntikan ko na ibato iyong libro ko kasi litung-lito na talaga ako sa binabasa ko. "Nahihilo ka na sa dami ng binabasa mo."
"It's so unfair! Magkapatid naman tayo, pero bakit hindi ako kagaya mo na isang basa lang e gets na lahat?" sabi ko na sobrang sama ng loob. I'd been reading this same shit for days, pero nalilito pa rin ako! Iyong tipo na napapaisip ka kung bobo ka ba o ano kasi bakit 'di mo gets?
"It's not enough that you study hard. You have to study smart," sabi niya sabay katok nang mahina sa ulo ko. "Lumabas ka muna kasi wala ka ng naiintindihan sa binabasa mo. Mas lalo ka lang maiinis."
I sighed. "Pero finals na next week. Tapos sa next week, NMAT na," sabi ko na parang gusto ko na lang umiyak sa sobrang frustration.
"Kalma ka lang kasi. You'd you'll through, okay? Just breathe, and stop panicking," sabi niya sabay balik sa pagbabasa niya ng mga libro niya. Kahit masama sa loob ko, tumayo ako at saka sinunod iyong payo ni Jax. Siguro tama naman siya. Mas wala akong matutunan kung naiinis lang ako sa mga hindi ko maintindihan.
I grabbed my phone, and decided to just go to the school. I needed to look for new reading materials. Baka kasi may mas maayos magpa-liwanag ng mga concepts.
I sent a text to Psalm kasi siya nagtetext sa akin kahit saan siya pumunta. Hindi ko naman tinatanong, pero inuupdate niya ako palagi kung nasaan man siya. I guessed nadala na siya nung nag-burst out ako nung victory party nila kaya isang text ko pa lang, may reply na agad siya.
"Hey," I said when he called. "Bakit ka tumawag?" I asked kasi alam ko nasa lunch siya kasama iyong mga pinsan niya. Gusto nga niya akong isama kasi gusto niya akong ipakilala sa mga pinsan niya, pero hindi ako nakasama kasi sobrang busy sa mga ginagawa sa school.
"Are you gonna study sa school? Gusto mo samahan kita?" he offered.
"Wag na. Bonding time niyo 'yan, e," I said. "Saka baka magsawa ka na sa mukha ko," I kidded dahil literal na magkasama kami palagi sa school.
"As if that's possible," sabi niya. I bit my lower lip to stop myself from smiling. He always got me with his words. Kahit simple lang, iba iyong dating sa akin.
"But seriously, may hihiramin lang naman ako sa lib then uuwi na ako," I replied kasi sure ako na kapag sinabi ko sa kanya na dito ako mag-aaral, he'd make some excuse para makaalis doon para puntahan ako. He's just like that.
"You sure?"
I nodded. "Yep. Enjoy ka, okay? Then don't forget to study kasi sabay pa tayong ga-graduate," I said before ending the call kasi kapag humaba pa, sure ako na mapipilit ako ni Psalm na pilitin siya na pumunta dito. Ganun 'yun, e. Kunwari ayaw, pero gusto naman pinipilit ko pa.
Pagdating ko sa lib, sobrang daming tao. May naaamoy din akong cup noodles! Bawal magdala ng pagkain sa lib, pero kapag ganitong finals week, feeling ko bumabait iyong mga librarian kasi pinapayagan nila iyong mga students na halos magcampout na dito sa library.
Silently, I walked towards the shelf of the books I needed. Alam na alam ko na kung saan iyon kasi doon naman ako laging pumupunta. Pagdating ko roon, bigla akong natigilan kasi nakita ko si Marcus.
For a moment, I stilled. Hindi niya ako napansin kasi seryoso siya sa binabasa niya. Ako naman, hindi ko alam ang gagawin ko. I didn't like the fact that I was feeling weird around him... kasi wala naman dapat akong maramdaman na ganito. I didn't even know if we're friends kasi hindi naman kami ganoon katagal na naging magkakilala.
Ang gulo, kainis!
"Hello," I said after a few seconds of standing there like a fool.
Automatic na napa-tingin sa akin si Marcus. Nakita ko kung paano bahagyang umawang iyong labi niya nang makita niya ako. Nagmadali na naman siyang tumayo kaya nalaglag iyong mga libro na naka-lagay sa lap niya.
"Sorry sa istorbo," I said. "May kukunin lang akong libro."
Marcus didn't move. Hindi rin tuloy ako maka-galaw. Napa-tingin ako sa cup noodles sa tabi niya. Tapos napa-tingin ako sa mukha niya. He looked... disheveled.
Hindi ko alam, pero parang bigla siyang nahiya sa akin matapos niyang mapansin na tinignan ko siya at iyong noodles niya.
I smiled. "Sa 'yo pala 'yung noodles na naamoy ko," I joked, trying to lighten up the mood kasi parang tanga lang. Okay naman kami ni Marcus... I mean, aside from the fact na iniwasan ko siya dahil kay Psalm, okay naman kaming dalawa.
"Nagugutom na kasi ako," sabi niya na parang apologetic. I suddenly felt bad.
"Nope, ano ka ba, okay lang," I said. "Hindi kita isusumbong sa librarian, promise," I continued, even raising my hand. I still felt him tensed around me, and I understood why kahit 'di ko mapunto iyong eksaktong dahilan. I just felt like I understood the reason why.
Hindi na nagsalita ulit si Marcus. Hindi rin muna siya umupo ulit sa pwesto niya.
"Ah..." sabi ko nung 'di ko alam iyong gagawin. "Kunin ko lang iyong kailangan ko para 'di na ako makaabala sa 'yo," I said before I took a step. Humarap ako sa bookshelf, at saka naghanap ng libro. But even when I wasn't looking, I could still feel him looking at me. Like he was boring a hole on my back.
Sinubukan ko magmadali, pero hindi ko talaga alam kung ano iyong kukunin ko. Ilang minuto pa lang ako nandun, pero pakiramdam ko ilang oras na iyon.
"Ano bang hinahanap mo?" mababang tanong niya.
My hands were still on the shelf when I turned and looked at him. "Hindi ko rin alam," I replied, wincing a little. "Uhm... nagrereview kasi ako sa NMAT tapos may hindi ako maintindihan. Naghahanap lang ako ng reference, baka kasi may magandang book dito."
Marcus nodded, then took a step forward. "Ano'ng topic ba?"
I blinked. A few times. "H-ha?"
"Ano'ng topic ba 'yung nahihirapan ka?" tanong niya ulit. "Nabasa ko na halos lahat ng libro dito, kaya baka matulungan kita."
"...seryoso?" He nodded. I gulped. "Ah... sa Chemistry, may mga 'di ako maintindihan... Saka if 'di nakaka-hiya, pati sa Physics?"
Marcus nodded, tapos may kinuha siyang libro mula mismo sa harapan ko. Tapos lumakad siya palayo. Bumalik din agad siya na may hawak na isa pang libro.
"Ito 'yung basahin mo kasi madali lang iyong explanation, pati maraming exercises. Matagal sa oras, pero mas okay kung sasagutan mo para mas ma-master mo," sabi niya sabay abot sa akin nung mga libro. "Ah... kung nahihirapan ka pa rin, pwede kong pahiram sa 'yo 'yung notes ko."
I blinked again.
"Totoo?"
He nodded. "Good luck sa NMAT mo," he said, finally with a small smile on his face. I didn't know, but I missed that. Kasi parang hindi siya si Marcus kapag masyado siyang seryoso. Mas gusto ko siya kapag ngumi-ngiti... tapos may mga korny na jokes na kasunod.
"Uh, hindi mo ba gagamitin iyong notes mo?" Umiling siya. "Sure ka?"
He nodded. "Yeah..." he said. "Ano... ah... message mo na lang ako kung kailangan mo."
"Saan? Sa Tinder?" sabi ko, tapos kitang-kita ko kung paano namula iyong tenga niya. Napansin ko na naman iyong hikaw niya. Weird talaga na iyong SC president e may hikaw sa tenga. Lakas maka-bad boy.
Mabilis na may kinuhang papel si Marcus tapos sinulat niya iyong number niya. "Text mo na lang ako dito. Uhm... o kaya pasabi mo na lang kay Kitty kung ano... kung 'di okay sa boyfriend mo na itext mo ako."
I bit my lower lip after hearing him say those words. Kasi totoo naman. Hindi comfortable si Psalm. And I felt really guilty because I felt like I was being unfair to Marcus who did nothing wrong.
"Sorry," I said. Just that word. But I knew that that one word meant a whole lot.
He smiled. Hindi iyong ngiting gusto ko. "Okay lang. 'Di naman talaga lahat ng gusto nakukuha."