BOOK 2: Confession of a Gangs...

By vixenfobia

647K 10.6K 968

SERIES 2 || Running away is not the answer. ©2014 More

Confession of a Gangster
Confession 01: Starting My Peaceful Life
Confession 02: Hello Life in Peace. Damn.
Confession 03: Who's Doomed? You.
Confession 04: Oz Bezarius; the Wrecker
Confession 05: Alice in Arendelle Forest
Confession 06: Stalking Confusions
Confession 07: The Blue Eyed and The Council
Confession 08: Wizard Tailing The Goblin
Confession 09: The Gods Playing in G Co.
Confession 10: This J is so New
Confession 11: Concealing Scars
Confession 12: Curse Under the Rain
Confession 13: Unexpected Visitors
Confession 14: A Taste of Hell
Confession 15: First Step
Confession 16: Cinderella Was Gone
Confession 17: Apomorphine Shot
Confession 18: The Nightmare
Confession 19: Do the Moves
Confession 20: Pissed to Meet You
Confession 21: Underground Society
Confession 22: Puzzlement
Confession 23: Savage Chameleon 1
Confession 24: Savage Chameleon 2
Confession 25: Losing Sanity
Confession 26: Angel and Her Wings 1
Confession 27: Angel and Her Wings 2
Confession 28: Possession
Confession 29: Leon Ford
Confession 30: Inside Yoshima Mansion
Confession 31: Conspiracy
Confession 32: Mind Maze
Confession 33: Toss Coin
Private Confession: Love. Lust. Claimed.
Confession 34: Could It Be?
Confession 36: Touch of Blood
Confession 37: Most Painful Truth
Confession 38: Queen vs. King vs. Knight
Confession 39: Queen Alice
Confession 40: Unconscious Consciousness
Confession 41: She Died
Confession 42: No Air
Confession 43: Rage of the Blue Claws
Confession 44: Broken Strings
Confession 45: Chain of Fate
Confession 46: Scythe of Ferox
Confession 47: Cinderella's Fangs
Confession 48: An Epilogue
Confession 49: Be Mine, Alice
Confession 50: It's All About Us
Epilogue: The Last Confession
Onee-chan's Last Death Note

Confession 35: Twisted Chains

7.2K 126 27
By vixenfobia

Confession 35: Twisted Chains

 

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong nahihirapan sa paghinga na kailangan kong habulin ang hangin sa paligid. Hindi agad sumagot si Aldous sa kabilang linya na mas nakadadagdag sa kabang nararamdaman ko. Nanatili akong tahimik. Ramdam ko ang tingin ng dalawang lalaki sa tabi ko at hindi rin naman sila nagsalita.

“A-Aldous…” halos pabulong kong usal upang matawag lang ang atensyon nito. Tanging paghangos lang ang naririg ko sa kabilang linya. Napakuyom ang mga kamao ko para itago ang kaunting panginginig nito.

[Alice. Whoo!] hingang malalim nito. Napigil ko ang paghinga noong marinig itong nagsalita. [Magpapatulong sana ako sayo.] Muling sambit nito.

“Tulong?” Pinilit kong itago ang pagkabahala sa boses ko.

[Hmm… kasi-]

 

“Ay!”

 

Napasigaw ako sa gulat noong makarinig ng sobrang lakas na ugong mula sa kabilang linya. Muntik ko pa nga maibato ang hawak kong cellphone dahil sa sakit sa tainga ng tunog. Inabot ko kay Oz ang hawak ko saka tinaktak ang tainga. Feeling ko nabasag ang eardrums ko dahil doon. Pati nga ‘yong kaba ko biglang nawala.

“Nakaloudspeak kasi tapos nilalagay sa tainga.” Sinamaan ko ng tingin si Spade pero tinawanan lang ako nito.

Muli kong binawi ang cellphone kay Oz. “Hoy! Ano bang nangyayari diyan ha?!” sigaw ko sa inis. Hindi niya baa lam kung gaano na ako natatakot at kinakabahan dito dahil sa mga pinaggagawa niya? Tapos siya pamusic-music lang sa kung nasaan man siya! Kainis. Tugtog pala ‘yong kanina. Para siyang nasa party na ewan.

[4th floor building namin. Sasalubungin kita sa elevator. Bilhan mo naman muna ako ng t-shirt.]

 

“A-Anong? Teka, nasaan ka ba ha?!”

 

[Nagpapractice nga kami diba? Nagpaalam naman ako sayo ah.]

 

Napahampas naman ako ng kamay sa armchair dahil sa sagot nito. “Yah! Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Bwisit ka talaga! At kaninong number ‘to? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at messages ko?! Bakit nakapatay ang cellphone mo?!” hingal na hingal ako noong matapos ako sa pagsigaw ng mahabang litanya ko.

[No need to shout, Alice. I almost got my ears fall off!] Bakas ang pagkairita sa tono nito pero sa totoo lang, nakahinga talaga ako ng maluwag dahil sa narinig ko na ang boses nito. Mukha namang maayos siya. Siguro ay pagod lang talaga siya sa dance practice niya kaya kanina ay humahangos siya. Buong akala ko talaga ay may nangyari ng masama sakanya. [Empty batt na kasi ‘yong phone ko and good thing, Aoi offered me a call. She lend me her phone kaya tinawagan agad kita. Siya kasi ang singer ng group namin. Dali na, kailangan ko na magbihis at amoy pawis na ako. Samahan mo na rin ng pagkain ha? Hindi pa ako nag-aalmusal eh! Bye.] He then hung up.

“Kasama pala si Aoi na representative nila? At least nakagamit siya ng phone para maipaalam sayo na ayos lang siya.” Tinapik pa ni Spade ang balikat ko. “Sige na, hatiran mo na ng damit ‘yon.”

I nodded. “Alis muna ako.”

Isinuksok ko na sa bulsa ang phone at muling binitbit ang bag. Tumayo ako at tinalikuran ang dalawang lalaki. Pareho nga silang gustong sumama sakin pero hindi ko pinayagan. May kakaiba kasi at ayokong may makahalata sakin na may kinakalkula ako sa isip ko. Siguro ganito talaga kapag may dugo ka ng gangster, kahit mga simpleng bagay ay mahahalata mo ng hindi sinasadya. Katulad kanina habang nasa loob kami ng room, nahalata ko ang isang bagay na biglang nagpagulo sa isip ko.

Ang biglaang pagbabago ng reaksyon ni Oz.

I shook my head with my thoughts. Baka sobra lang akong mag-isip. Binilisan ko na ang lakad palabas ng Steins para maghanap ng damit at pagkain ni Aldous. Geez. Ginawa pa akong utusan ng lalaking ‘yon.

Aoi’s POV

 

“Aoi, salamat.” Tumango ako rito saka kinuha ang cellphone na inaabot niya.

“Bakit naman kasi hindi ka umuwi sainyo eh. Nag-alala tuloy ang ate mo.” Binato ko ito ng face towel na agad naman niyang nasalo at mabilis na ginamit pamunas ng pawis nito. Inabutan ko rin ito ng mineral water dahil humahangos pa ito sa sobrang pagod sa tuluy-tuloy na practice.

Nagsimula itong maglakad sa isang sulok ng practice room saka sumalampak sa sahig. Sinundan ko naman ito at tinabihan. “Uuwi rin naman ako mamaya. Susulitin ko lang ang last practice.” Sagot nito bago lagukin ang tubig ng walang hinto. Halatang uhaw na uhaw.

“Pasaway ka ring kapatid ‘no?” natatawa kong sabi rito. Nginitian lang naman ako nito at pagkatapos ay pareho na kaming nanahimik.

Pinagmasdan ko lang ang iba pa naming kagrupo na pinupulido ang mga moves nila. Puspusan na talaga ang practice ng mga class representatives para sa mini-concert dahil ilang araw na lang bago ang event. Hindi ko rin naman kasi inaasahan na isasama nila ako sa grupo as their singer habang sina Colix naman ang sasayaw and of course, himself as the leader. Grabe pala sumayaw itong lalaking ‘to, sobrang sexy. Akala ko wala ng ibubuga ‘to pero mas grabe pala ang impact niya kapag sayaw na ang pinag-uusapan. Kung titingnan siya base sa obserbasyon ko, pakiramdam ko, sayaw ang mahal niya at hindi babae.

Napangisi ako noong bigla akong may naalala. Katabi ko nga pala ang kapatid ni Alice na walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid niya.

“Colix, ate mo!” Sabay kaming napaharap sa pinto noong sumigaw ang isa sa mga kasamahan namin dito sa practice room. Muli akong napangiti noong makita ko ito sa mismong harapan ko.

“Oh!” Sabay abot nito sa katabi ko ng mga dala niyang plastic.

Mabilis namang kinuha ni Colix ‘yon at hinalikan sa pisngi ang ate niya. “Salamat! Maaari ka ng lumabas.” Tumawa pa ito ng malakas habang tinuturo ang pinto.

Hinampas siya ng malakas ni Alice sa balikat kaya napa-aww ito habang hinihimas ang parteng nasaktan. Malakas kasi talaga ang pagkakahampas sakanya, sa tunog pa lang halatang totoo na. “Umuwi ka mamaya.” Simpleng sabi nito saka inilipat sakin ang tingin. Nginitian ko lang naman ito pero blangko lang ang mukha niya. Sandali pa at muli niyang inilipat sa kapatid niya ang tingin. “Alis na ako.” Tinalikuran na kami nito at tinanguan isa-isa ang mga kasamahan naming bumabati sakanya. Sikat siya sa Steins pero hindi niya alam. Kilala lang naman siya dahil kay Oz, kaya siguradong pag nawala si Oz sa tabi niya siguradong wala na rin siya. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nangyari ‘yon? Curious ako.

“Ang ganda talaga ng ate mo Colix!” amaze na saad ng DJ namin habang nakatingin pa rin sa pintong nilabasan ni Alice. “Sila na ni Oz, diba?” Napangiwi naman ako sa sunod na sinabi nito. Inilipat ko ang tingin sa katabi ko na abala na sa pagpapak ng fried chicken na binili ng ate niya. Nagkibit-balikat lang naman ito na animo’y walang pakialam. “Aish! Ano ba namang klaseng kapatid ‘to.” Nailing na sabi nito noong makita ang walang interes na sagot ni Colix sakanya.

Hindi ko naman maialis ang tingin sa katabi ko. Minsan iniisip ko kung magkapatid ba talaga sila ni Alice dahil sa mga sagot nito na tila’y walang pakialam sa kapatid niya. Minsan ko na siyang tinanong ng ganyang bagay pero palagi namang kibit-balikat o di kaya’y biro ang mga sagot nito. Ni minsan ay hindi ko pa siya nakitaan ng interes sa mga nangyayari sa paligid niya pero sa totoo lang… ‘yong tulad niya ang pinakadelikadong tao. Mahirap basahin at hindi basta-basta mahahalata kapag nagsimulang kumilos.

Sino ka ba talaga, Aldous Colix Grey?

“Gusto mo?” Nag-angat ito ng tingin at inalok ako ng kinakain niya.

Umiling naman ako. “Busog pa ako. Baka nga kulang pa sayo ‘yan eh.” Biro ko rito. He flashed his boyish smile that made my jaw dropped. Imagined his face drowning in sweat while wearing those smiles? ‘Yan ang mukhang hinahabol-habol ng mga babaeng estudyante ng Steins and I admit, lalo siyang gumwapo. Napaiwas naman ako ng tingin at wala sa loob na napainom ng tubig sa hawak kong bote. “L-Labas muna ako.” Sabay lakad ko papuntang pinto.

“Sige! Ingat ka. Balik ka agad, Aoi, dahil may last practice pa tayo.” Napahinto naman ako sa sinabi niya at tinanaw ang repleksyon nito sa kaharap kong salamin. Kitang-kita ang malawak na ngiti nito habang winawagayway ang kamay niyang may hawak na fried chicken. Remember, nasa dance room kami at puno ng salamin dito. Tinaguan ko na lang siya bilang sagot saka diretsong lumabas na ng kwarto.

Umakyat ako sa rooftop ng building namin at agad naman akong sinalubong ng malakas na ihip ng hangin. Hinawi ko ang iilang piraso ng buhok na tumabing sa mukha ko saka isinara ang pinto. Nagpalinga-linga ako sa paligid para tingnan kung may ibang tao pa rito sa paligid. After I scanned and secured the area, I immediately fished my phone and dialled his number. Naglakad ako patungo sa railings at mula dito sa kinatatayuan ko ay tanaw ko na ang buong paligid. Ganito pala talaga kalawak ang university na ito. At mula dito sa kinatatayuan ko ay natanaw ko si Alice… kasama si Oz. Nakaakbay pa talaga siya kay Alice habang pagala-gala sa loob ng campus. Sila na nga ba talaga? Totoo ba ‘yong sinabi ng DJ namin? And how dare he to knot a string on Alice? Hindi niya ba naisip kung anong kapalit ng ginawa niya? How careless-brainless-selfish man!

He’s been warned kaya walang sisihan.

Ilang ring pa ang narinig ko bago nito tuluyang napansin ang tawag ko. Nakita kong naging balisa ang mukha nito saka lumayo kay Alice. Nagtago ito sa pader saka sinagot ang cellphone.

[What now?]

 

Hindi ko naitago ang ngisi ko noong marinig ang inis nitong boses, taliwas sa balisang mukhang nakikita ko ngayon. Kahit kailan talaga Oz Bezarius, magaling ka talaga pagdating sa pagbabalatkayo. Kung hindi ko lang natatanaw ngayon ang reaksyon nito ay iisipin kong ang tapang niya talaga.

“You’ve been warned, Oz Bezarius,” malamig kong sagot. Kita kong natigilan ito sa sinabi ko.

[Tigilan mo na ako, Aoi. Wala ka ng mapapala sakin.]

 

“Alam ko, dahil mahina ka na.” Tumawa pa ako ng malakas at kitang-kita ko ang inis na mukha nito. “As I have said, hindi na ikaw ang dating Oz Bezarius. You’re no longer the powerful one. You’re not even scary to be a threat but Oz, I am.”

 

He sighed calming himself. Napakuyom ito ng kamao. [I’m sorry but I won’t leave Alice just because you said. Kill me but I won’t leave her.] Matigas na sabi nito.

Nawala ang ngisi sa labi ko. Inilipat ko ang tingin kay Alice na mukhang nag-aantay kay Oz. Bigla akong nakaramdam ng pagnanais na makapatay. Kailangan ba lahat ay maagaw niya sakin? “At sino namang may sabi sayo na ikaw ang papatayin ko?”

 

[W-What do you-]

 

“It won’t be fun kapag inuna kita. Iba ang tumatakbo sa utak ko, Oz. Hindi ako tanga para ikaw ang unahin.”

 

[Aoi!]

 

“Hindi ka naman masasaktan kapag pinatay kita dahil handa ka na sa kamatayan mo. But don’t you worry, darating din ang araw na ‘yon… uunahin ko nga lang muna ang sinasabi mong babaeng mahal mo.”

 

[Don’t you f*cking dare!]

 

Napatawa ako ng pagak sa tinuran nito. Tingnan natin kung hanggang saan mo siya kayang protektakan. Tingnan natin kung hanggang kailan ka magmamatigas bago maisipang sumuko. “Gaano ba kasaya ang patayin siya sa mismong harapan ng protector niya?” nang-uuyam kong tanong. “I’m sure, that would be incredibly fun, Oz Bezarius.” Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon na makasagot at binaba agad ang tawag. Mula dito sa malayo ay pinagmamasdan ko lang sila at hindi ko maiwasang umipisahan na ang pag-iisip kung sa paanong paraan ko sila papatayin.

Napadapo ang tingin ko kay Alice. Tingnan lang natin kapag nalaman na nito ang totoong pagkatao ni Oz Bezarius. Sisiguraduhin kong isa sa kanilang dalawa ang unang susuko at unti-unti kong babawiin ang mga kinuha sakin ni Alice.

Muli kong kinuha ang cellphone noong may maalala ako. Mabilis kong i-dinial ang number ni Leon at hindi naman nagtagal ay sinagot na nito. “How’s she?” bungad ko rito. Rinig ko ang ingay mula sa kabilang linya. Mukhang papunta siya sa kwarto niya. Alam kong napapagod na rin si Leon sa pagpapabalikbalik sa hospital na ‘yon upang bantayan siya pero wala naman akong ibang mapagkakatiwalaan bukod sakanya. Kaya laking pasasalamat ko na lang na hanggang ngayon ay nasa tabi ko pa rin siya sa kabila ng mga ginawa ko at patuloy kong ginagawa sakanya.

[In her room. Kakausapin mo ba?] Kasabay nito ang tunog ng pagbukas-sara ng pinto.

 

“Yes. Hand her the phone.” Nanahimik muna ako ng ilang segundo saka huminga ng malalim. Alam kong nasa kabilang linya na siya. Matagal na rin mula noong huli ko siyang nakita, pero hindi pa ako pwedeng dumalaw sakanya. I miss her so much but this is not the right time para muling magpakita. Alam kong hindi siya pabor sa ginagawa ko pero para sakanya rin naman ito. Alam kong darating din ang panahon na maiintindihan niya ako. “Can you wait a little more? Malapit ko na rin matapos ang lahat at kapag nabawi ko na ang dapat sakin, I promise to be with you at lalayo na tayo.” Mga linyang palagi kong binibitawan sakanya. Siguro nga ay naririndi na siya sa paulit-ulit kong sinasabi. “I miss you so bad at sana sa muli nating pagkikita ay magaling ka na. Magkakasama rin tayo kaya dapat antayin mo ako.” Hindi ako agad nagawang ibaba ang tawag noong marinig ang paghikbi nito. Ayoko siyang saktan pero kailangan.

Spade’s POV

 

Mabilis akong lumiko sa kabilang bahagi ng gusali kasabay ng pag-iwas ng tingin. Sa dinami-rami ba naman kasi ng pwedeng makita, si Oz pa na nakaakbay na naman kay Alice. At ang masaklap pa, ni hindi manlang umaangal itong babaeng ‘to. Ano bang mayroon? Sila na ba? Kasi kung siya pa ang dating Alice, sigurado akong hindi ganyan ang magiging reaksyon niya. Hindi sana siya nakangiti ngayon at wala sana sa mukha nito ang kislap ng saya. Pero iba ngayon. Masaya siya. Bakit hindi manlang nila sinabi samin ang tungkol sa relasyon nila?

Napayuko na lang ako. Alam ko namang hanggang kaibigan lang itong nararamdaman ko.

“Jealous?” Gulat akong napaangat ng tingin noong marinig ang nang-uuyam na tono nito. Bakit ba parang kabute ang babaeng ‘to? Tuwing nagkakaganito ako saka naman siya dumarating. Kung kailan umiiwas ako kay Alice at Oz, siya naman ang nababangga ko. Nasa hagdanan ito ngayon at naglalakad pababa.

“Anong sinasabi mo?” Kunwari’y hindi ko alam ang sinasabi niya. Gusto ko lang umiwas.

Huminto ito sa harapan ko saka namewang. “You do like her, right?” nakangising tanong nito. Natigilan naman ako at hindi agad nakasagot. Gusto ko nga si Alice bilang kaibigan. ‘Yan. ‘Yan ang dapat kong isagot. “Bakit hindi mo siya subukang agawin kay Oz?”

 

Awtomatikong napakunot ang noo ko sa huling tanong nito. “Nababaliw ka na ba? Bakit ko naman gagawin ‘yon?”

 

She smirked, staring in my eyes. “You wanna know a secret?”

 

Hindi ako nagsalita at inantay lang itong tapusin ang sasabihin. Ayokong ipahalata pero nacurious ako sa sinasabi niya. Ano namang sikreto ang mayroon siya na may kinalaman kay Alice at Oz? Tinitigan ko siya at sinusubukang basahin ang iniisip. Humakbang pa ito ng mas malapit. Muling tumaas ang isang sulok ng labi nito na may bk,;l akas ng panganib na hatid. Halos mapasandal naman ako sa dingding sa likuran ko dahil sa sobrang paglapit nito. She leaned forward, close enough para maramdaman ko na ang mainit na hininga nitong dumarampi sa leeg ko.

Wala sa loob na napalunok ako sa narinig with wide eyes open.

“Oz Bezarius is my ex-boyfriend,” she whispered. “And I want him back.” She continued with a hint of danger in her voice. Lumayo ito habang nanatili naman akong naninigas sa kinatatayuan ko. Nakangisi pa rin ito while crossing her arms on her chest. “You’ll have Alice and I’ll get Oz. Deal?” Naggesture pa ito for a hand shake.

Muli kong inilipat ang tingin sakanya at hindi makapaniwalang napabuga ng hangin. Seryoso? Anong mayroon sa babaeng ito at ganito mag-isip? Sa tingin niya gagawin ko ‘yon dahil lang sa may espesyal akong nararamdaman para kay Alice? Hindi ko kayang sirain ang kasiyahan niya, lalo na noong makita ko ang saya nito kasama si Oz. Hindi ako kasing baliw nitong si Aoi para paghiwalayin sila. Hindi ako naduduwag kay Oz, sadyang alam ko lang kung kanino sasaya si Alice.

And destroying her happiness is like destroying her trust in me.

Ito ba ang tinutukoy ni Sir Gin na dapat sabihin ni Oz kay Alice? Kasi kung ito na nga, ako na ang nagsasabing walang kwenta ang sikreto na ito para gawing sandata laban sa babaeng ‘yon, maliban na lang kung may mas malalim pang dahilan sa pagitan ng dating relasyon ni Aoi at Oz.

Muli akong napabuntong hininga at marahang ibinaba ang braso niya na ikinagulat naman nito. I looked at her wearing a blank face. “I’m sorry, but I’m not stupid enough to do that.” Saka ko ito nilagpasan, ngunit bago pa man ako makalayo, nagbitaw ito ng mga salitang muling nagpagulo sa isip ko.

“One day, you’ll regret this. And in your own will, from Oz… you’ll steal, Alice.”

Continue Reading

You'll Also Like

She's the Boss By Zy

Teen Fiction

2.2M 40.6K 64
Andrew is the student council president. Athena is the rule-breaker. Araw-araw nag-aaway. Araw-araw sinisita siya ni Andrew pero ganun pa rin. Lumala...
20.2M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
69.9K 1.8K 37
[COMPLETED] Vampire #91- rank as of Dec. 5, 2017 #722-Rank as of Dec. 4, 2017 #403- rank as of Dec. 24, 2017 #94- rank as of Dec. 25, 2017 #106- rank...
141K 2.9K 41
People always say, never be attracted with the angelic face. They were demons. Every year, in every school, there's always a repeater and a transfere...