It Might Be You [Fin]

By YGDara

3.2M 62.1K 4.4K

Barkada Series #5: Vin Fortez Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa mahal mo? Vin Fortez is Erin Romualdez's... More

It Might Be You
Prologue
One
Two
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Message
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five [1]
Thirty-five [2]
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Epilogue

Three

79.6K 1.5K 127
By YGDara

Napabalikwas ng bangon si Erin nang malakas na tumunog ang cellphone niya na nakalagay sa bedside table. Kinuha niya ang cellphone niya na siyang dahilan sa pagputol ng maganda niyang panaginip.

Tita Vickie calling..

Nagtaka naman siya kung bakit siya tinatawagan ng tita niya. Ano naman kaya ang problema sa bahay?

"Hello, tita?" Sagot niya sa tawag.

"Erin, hija!"

Her forehead knotted upon hearing her aunt's voice. Tila ba nagpapanic ang tono ng boses nito. Tuloy ay nilukob ng kaba ang kanyang dibdib. May nangyari kaya sa lola niya? Nakatira kasi ang mga Romualdez sa iisang bahay at iyon nga ay sa malaking bahay ni Lola Gertrude Romualdez.

"Tita? Bakit po? May nangyari ba kay lola?" Sunod-sunod na tanong niya.

Narinig niyang bumuntong-hininga ang tita niya sa kabilang linya. "Pumunta ka nalang rito, Erin."

"Sige po." Mabilis siyang kumilos matapos makausap ang kanyang tita. Limang minuto lang ata siya naligo at mabilis na nagsuot lang ng black short niya at maong shorts. Kinuha niya lang ang sling bag niya at doon nilagay ang phone,wallet at iba pa niyang gamit.

Dali-daling pinaandar ni Erin ang kotse niya patungo sa malaking compound ng mga Romualdez. Hindi naman iyon kalayuan kaya mabilis siyang nakarating doon. Nakita niyang hile-hilera rin ang mga nakaparadang kotse sa tapat ng bahay ng lola niya kaya naman lalo siyang kinabahan na baka nga may nangyaring masama sa lola niya.

"Lola?!" Tawag niya agad pagkapasok sa loob ng bahay nito.

"Ellene Rae!" Napalingon siya sa may garden nang marinig niya ang boses ng kanyang lola. Tumakbo siya papuntang garden at nang makita ang lola niya ay agad niya sinuri ang kalagayan nito.

"'La! Ano'ng nangyari? May masakit ba sa'yo? Sabi naman kasi sa'yo matanda ka na para mag-zumba!" Sermon niya sa lola niya.

Natatawa namang hinampas siya ng Lola Gertrude niya sa braso. "OA ka na Ellene Rae!"

Napabuga naman siya ng hangin dahil sa relief. Buti naman at wala namanh nangyari sa lola niya.

"Lola naman eh! Gumising pa talaga ako ng maaga kasi akala ko may nangyari sa'yo." Reklamo niya.

Pinalo ulit siya ng lola niya pero ngayon ay sa pwetan na. "Ikaw na bata ka! Kung hindi ko pa patawagin sa'yo ang tita mo at sabihing may sakit ako hindi ka pa magpapakita!"

Inakbayan naman niya ang lola niya upang maglambing. Naramdaman naman niyang niyakap rin siya nito sa may bewang kaya alam niyang namimiss lang talaga siya ng lola niya. "Lola talaga, namimiss mo lang ako eh. Bakit kumpleto kayo lahat dito?" Tanong niya nang lumapit pa sila sa nagkakagulong mga kamag-anak niya.

"Nakalimutan mo?!" Sigaw sakanya ng lola niya.

Humalakhak naman si Erin at niyakap ng mahigpit ang lola niya. "Joke lang! Ikaw talaga, makakalimutan ko ba naman ang birthday mo?"

"Erin! Pasensya ka na kay mama, alam mo naman iyan. Namimiss ka na." Nakangiting salubong sakanya ng Tita Vickie niya tsaka siya niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Ayos lang tita. Namiss ko rin naman kayo." Sabi niya.

"Halika rito at maupo ka. Kumain ka na muna." Aya sakanya ng lola Gertrude niya.

Umupo naman si Erin sa tabi ng lola niya at kumain ng almusal. Alas-siyete palang ng umaga. Sana'y tulog pa talaga siya ngayon, pero ayos narin. Matagal-tagal narin niyang hindi nakikita ang mga kamag-anak niya lalo na ang lola niya.

"So, ano na ang napagplanuhan niyo sa 20th birthday ni Lola?" Tanong niya sa mga pinsan niya na kasama rin niya sa lamesa. Tinaas-baba niya pa ang kilay niya nang balingan niya ang lola niya sa tabi niya.

"Kaya ka paborito nito si lola kasi ang lakas mo mambola eh!" Natatawang sabi ni Toffer - ang panganay na anak ng tita Vickie niya at isa sa mga pinsan niyang malakas mambuska sakanya.

"Hoy Kuya Toffer, hindi ah! Mas mabait kasi ako sainyo kaya ako talaga ang paborito nitong si lola!" Binelatan niya pa ang natatawang pinsan niya.

"Tama na nga iyan. Kayo talaga oh. Ikaw, Erin kamusta ka naman? Ano naman ang balita sa negosyo mo ngayon? Ano ulit iyon? Iyong cupcake store mo?"

Tumusok muna siya ng hotdog bago sagutin ang tanong ng lola niya. "'La. Wala na iyong cupcake store ko. Cafe na ngayon ang negosyo ko. Isang taon na iyon." Sagot niya sabay subo ng hotdog.

Napalinsyak nalang ang Lola Gertrude niya. "Ikaw talagang bata ka. Sinasayang mo lang ang perang iniwan sa'yo ng mga magulang mo." Sabi nito sakanya.

"Hindi naman po lola. Nabawi ko nanaman dahil malaki naman na ang kita ng cafe ko." Katwiran niya.

Simula nang mamatay ang mga magulang niya noong nineteen years old siya ay ang Lola Gertrude niya na ang nagpalaki sakanya hanggang sa makuha niya na ang trust fund niya nang mag-twenty first birthday siya. Kaya simula noon ay bumukod na siya sa lola niya at nagsimulang maging independent. Kaya naman kung anu-anong trabaho at negosyo na ang pinasukan niya kaya lang hindi talaga nagtatagal dahil nabobored siya. Tanging ang cafe niya nga lang niya ngayon ang nagtagal.


"Wala na akong sinabi." Sabi ng lola Gertrude niya.

"Hi guys!" Napalingon silang lahat sa bumati sakanila. It's her cousin Polyanna.

"Good morning Polly! Kumain ka na ba?" Tanong ni Tita Vickie rito.

"Hindi pa Tita." Nakangiting sagot nito.

Nang lumingon ito sa kinaroroonan niya ay tila natigilan ito at maya-maya lang ay nakangiting pumunta ito sakanya.

"Erin! Sa wakas at lumabas ka sa lungga mo." Bati ni Polyanna sakanya.

Nagbeso silang dalawa. "Na-miss kasi ako ni lola at tsaka malapit na birthday ni lola." Sagot niya sa pinsan.

"Hi lola!" Bati ni Polly kay Lola Gertrude.

"Nasaan na ang nobyo mo?" Tanong ni Lola kay Polly kaya naman napalingon siya sa kinatatayuan ni Polly at nakita niya ang malaking ngiti nito.

"May boyfriend ka na?" Tanong niya rito.

Nagmamalaki namang itinaas nito ang kaliwang kamay at doon kitang-kita nila ang singsing sa palasingsingan nito. "Actually, I'm engaged!" Tili nito.

"Ano?! Patingin nga!" Sigaw ni Tita Pauline - ang mommy ni Polyanna.

As if on cue, lumabas ang isang matipunong lalaki at nagtungo sakanila. At nang makita niya ng mabuti ang lalaki ay ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya.

"Bobby?!" Bulalas niya.

What is her ex doing here? Napagtanto niya na marahil ang ex-boyfriend niya ang fiancé ng pinsan niyang si Polyanna.

"Hi, Erin." Bati nito sakanya.

Napanganga nalang siya. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari ngayong umaga. Kulang pa ata siya sa tulog. Nawiwindang na kasi siya.

Bobby was her boyfriend way back in college. Ang lahat ng hinahanap na babae sa isang lalaki ay nandito na. Mabait, gwapo, gentleman, mayaman at higit sa lahat loyal. Pero tanga siya nang hiwalayan niya ito. Pero naka-move on naman na siya. Though, nandoon parin ang panghihinayang niya.

Yumakap naman sa braso nito si Polly as if guarding him from her. Napairap nalang si Erin ng patago sa pinsan niya.

Nakaramdam siya ng inis. Hindi dahil sa nagseselos siya. She swears that she's over with Bobby. Ang ikinaiinis niya lang ay ang mahaderang pinsan niya. Sa angkan ng mga Romualdez kasi, tanging apat lang silang babae sa sampung magpipinsan. At sila lang ni Polyanna ang magka-edad kaya madalas ay napagkokomparahan sila.

Matagal nang napapansin ni Erin ang pagiging competitive ni Polyanna kahit pa noong highschool palang silang dalawa. Lahat ng meron siya ay meron din ito. Miski ang kurso niya ay kurso din nito. Hindi niya alam kung coincidence lang o sadyang tinatapatan siya ni Polyanna.

"Everyone, si Bobby po. Fiancé ko." Pakilala ni Polyanna sa kanila.

Yumuko naman si Bobby para magbigay galang. Masaya itong sinalubong ng mga tita't tito niya. Miski ang mga pinsan niya ay nakipagkilala rito.

"Ayos ka lang?" Biglaang tanong sakanya ni Maynard - ang nag-iisang anak na lalaki ng Tito Marco na panganay na anak naman ni Lola Gertrude.


"Oo naman. Bakit?" Nagtatakang tanong niya rito.

Nagkibit-balikat naman ito. "You know, Polly marrying your ex?"

Tumawa naman siya. "Ano ka ba kuya Maynard! That was years ago. I'm over him."

Tinapik naman siya sa balikat ng kuya Maynard niya. "Mabuti naman."

Nang magtanghalian ay sabay-sabay silang nagtungo sa dining room.

"Kailan ang kasal niyong dalawa?" Usisa ni Lola Gertrude kela Polyanna at Bobby.

"Hindi pa po namin napag-uusapan pa. Biglaan po kasi ang proposal ni Bobby." Nakangiting sagot ni Polly tsaka binalingan si Bobby.

Tumango naman ang lola niya at ngumiti. "Mabuti naman at lalagay ka na sa tahimik, Polly. Maganda iyan. Hindi ka na rin bata. At speaking of, Ikaw Erin?" Baling sakanya ng lola niya.

Napalingon naman si Erin sa lola niya mula sa pakikipag-usap kay Alyanna - ang nakababatang kapatid ni Polyanna.

"Po? Ano iyon lola?" Tanong niya muli.

"Kailan ka rin mag-aasawa? Aba'y twenty-six ka na. Mahirap na magbuntis kapag matanda na."

"Lola naman! Buntis agad? Tsaka bakit naman bigla-bigla kayo magtanong?" Tanong niya.

"Aba'y Ellene Rae, isang beses sa isang buwan ka lang kung bumisita rito sa atin. Hindi ko alam kung may nobyo ka na ba o wala pa." Sabi ng lola niya.

"Oo nga, hija. May boyfriend ka na ba? Sa ganda mong iyan, I'm sure maraming nanliligaw sa'yo." Segunda ng Tito Julius niya - ang pangalawang anak ni Lola Gertrude.

"Uh.. ano po.."

"Walang boyfriend si Erin tito. Right, Erin?" Singit ni Polly sabay tingin sakanya.

Tumaas naman ang kilay niya sa sinabi nito. Paano naman nalaman ni Polly wala nga akong boyfriend?

"Paano mo naman nalaman, ate?" Tanong ni Alyanna sa kapatid.


Nagsalita ulit si Polly habang humihiwa ng porkchop sa plato nito. "You've dated Gary two weeks ago, right? And he said that it didn't worked between you two. Gary's a friend of mine."

Gary? Nag-isip saglit si Erin kung may kilala nga siyang Gary. And then a man that has no sense of humor came to her mind. Oh that Gary!

"Ah. Oo. Iyong hindi marunong tumawng Gary." Natatawang sambit niya.

"Bakit ka natatawa Erin?" Takang tanong sakanya ng Kuya Harold niya - isa rin sa pinsan niyang lalaki.

"Paano ba naman, hindi ata marunong tumawa iyon eh! Inaya ko sa comedy bar at nang okrayin siya ng bakla aba't napikon!" Bumunghalit siya ng tawa pati ang mga pinsan niyang lalaki ay ang lalakas ng tawa. Pati ang mga tito't tita niya miski ang lola niya ay nangigiti. Kahit si Bobby ay nangingiti. Tanging si Polyanna lang ang walang ngiti sa labi.

"He's just a serious type of person." Salo ni Polyanna.

Nagkibit-balikat nalang siya at pinagpatuloy ang pagkain. Akala niya ay lusot na siya pero nagkakamali pala siya dahil nagsalita nanaman si Polly.

Seriously, papasakan ko na ito ng porkchop sa bibig!

"So, wala ka paring boyfriend?"

Napatingin siya sa mga kamag-anak niya at miski ang mga ito ay hinihintay ang sagot niya lalo na ang lola Gertrude niya.

Napamura nalang siya sa isip.

Lord, patawarin Ninyo ako sa gagawin ko.

"Of course, may boyfriend ako."

---------

"Loka-loka ka talaga! Bakit ka naman nagsinungaling kasi?" Sermon ni Mitch kay Erin matapos siyang batukan.

Napasabunot nalang si Erin sa buhok. "Eh naipit ako! Tsaka ayoko namang maging kawawa sa harap ng mga kamag-anak ko!"

"So, kawawa na pala ang walang boyfriend ngayon. Ganoon ba?" Tanong ni Mitch.

Napabuntong-hininga nalang si Erin. "Hindi mo kasi naiintindihan eh. Hindi pwedeng mapamukha sa'kin ni Polyanna na iyan na siya ay may boyfriend tapos ako wala? Aba! Hindi pwede iyon."

Pati si Mitch ay nagpakawala nalang ng hangin. "So,ano'ng gagawin mo? Sino ngayon ang ipapakilala mong boyfriend mo sa birthday ng lola mo?"

Erin groaned because of the problem she made to herself. Bakit kasi hindi nalang siya nagsabi ng totoo? Nakakainis naman kasi si Polyanna! Ayan, tuloy kailangan niyang maghanap ng boyfriend na mas gwapo, mas hot, mas mayaman, mas mabait at mas gentleman kesa kay Bobby! Leche. At saan naman siya kukuha nun?

"Hi, babe! Oh, bakit ganyan iyan?" Narinig ni Erin ang tinig ni Dylan. Marahil ay susunduin na siguro si Mitch dito sa cafe niya. Hindi na siya nag-abala pang tignan ito at nanatiling nakayukyok ang ulo sa lamesa habang ginugulo ang buhok.

Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang kamay na inaayos ang buhok niya. "Hey, what's wrong with you?"

Shet panes! Bakit ba hindi ko siya naisip! Thank you Lord!

Mabilis na bumangon si Erin mula sa pagkakayukyok sa lamesa at hinawakan sa magkabilang pisngi si Vin.

"Whoa! Ang aggressive natin Erin ah!" Komento ni Dylan sa harap niya.

"Tama!" Biglaang sabi ni Mitch.

Tinignan ni Erin ang kaibigan. "Problem solved!" Masayang sabi niya rito. Nag-thumbs up naman ito sakanya.

"Uhm, what's happening?" Nagtatakang tanong ni Vin sakanila.

Muli ay hinarap niya si Vin at nilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang balikat nito.

"Erin?" Takang tawag nito sakanya.

"Be my boyfriend, Vin."

---------

VOTE AND COMMENT PLEASE :)
Follow me @kendeyss on twitter and instagram ♥

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 56.6K 33
[COMPLETED] Gaano nga ba kasakit ang magmahal ng taong hindi naman buong-buo na sa 'yo? • • • Fina Tuazon is a plain college student whose only drea...
14.7M 343K 78
She's still holding to their promise that they'll love each other until eternity. Can she keep that promise and stay loyal to him or indulge herself...
3.6M 63.1K 48
Barkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na na...
448K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022