Academy Magica Coloris

By LeAlbaEll

224K 6.8K 713

Yvon Hisako S. San Agustin, ayan ang kanyang pangalan. Tinanggap man niya ng buo sa kalooban ang dalawang mab... More

Academy Magica Coloris
Prologue
Chapter 1: Celebration
Chapter 2: Tour
Chapter 2: Spence
Chapter 3: Blue
Chapter 4: Hell Place
Chapter 5: Friends
Chapter 6: Soul Manipulator
Chapter 7: Ice
Chapter 8: Reason
Chapter 9: Ignis Tattoo
Chapter 10: Blocked
Chapter 11: Lhevienaia
Chapter 12: Spy
Chapter 13: Gem
Chapter 14: Fake Fangs
Chapter 15: Kill me
Chapter 16: Christmas
Chapter 17: Once
Chapter 18: Last Person
Chapter 19: Too late
Chapter 20: Leader
Chapter 21: Intense
Chapter 22: Jackpot
Chapter 23: Gone
Chapter 24: Portal
Chapter 25: Not her
Chapter 26: King Maxon
Chapter 27: Assassin
Chapter 28: Hiromi Spence
Chapter 29: Start moving
Chapter 30: Jacket
Chapter 31: You're Yvon
Chapter 32: Defense Spell
Chapter 33: Quod
Chapter 34: Mafia's Tattoo
Chapter 35: Heal
Chapter 36: Appetizer
Chapter 37: Good at playing
Chapter 38: Devil Bitch
Chapter 39: Broken Angel
Chapter 40: Sealed Emotion
Chapter 41: They can see us
Chapter 42: She needs you
Chapter 43: His Emotion
Chapter 44: Bloody Hands
Chapter 45: He's injured and weak
Chapter 46: Can still be change
Chapter 47: Kill You
Chapter 48: Little Girl
Chapter 49: Dark Spirit
Chapter 50: Let's go
Chapter 51: White Dagger
Chapter 52: Videre
Chapter 53: Powerless
Chapter 54: Forest
Chapter 55: The Girl in the Prophecy
Chapter 56: You're Saved
Chapter 57: Black Feather
Chapter 58: Darkness
Chapter 59: Elemental Powers
Chapter 60: Princeps Aqua
Chapter 61: Terra Tattoo
Chapter 62: Tyle
Chapter 63: I'm a Monster
Chapter 64: Last Wish
Chapter 65: Her Whole World
Chapter 66: Only Mission
Chapter 67: Gold Scimitar
Chapter 68: Things Changed
Chapter 69: Mare and Melaena
Chapter 70: Stupid Name
Chapter 71: Black Warrior
Chapter 72: Magicis Lapis
Chapter 73: Tried to save you
Chapter 74: Dying to hear
Chapter 75: Black Rose
Chapter 76: Winter
Chapter 77: Finally found him
Chapter 78: Best Gift
Chapter 79: Childhood Bestfriend
Chapter 80: Kill all of you
Chapter 81: I still love you
Chapter 82: Keep pushing someone
Chapter 83: North Mansion
Chapter 84: Member
Chapter 85: Second Name
Chapter 86: Jump
Chapter 88: Seven Gods
Chapter 89: I'm sorry.
Chapter 90: Forbidden Spell
Epilogue
Le Alba Ell

Chapter 87: Know me

2.3K 75 3
By LeAlbaEll


Marami ng tao sa buong paligid. Nakaupo na ang mga manonood sa bandang taas. Wala pang tao sa palibot na upuan katapat ng battle ground dahil nasa mga assign waiting room pa sila.

"Room fifteen," hawak ni Kaye ang kanyang cellphone. Naka log in siya sa private apps ng Underground.

Mababasa niya lahat ng updates. Doon din niya ipinapasa ang list of code names ng members ng grupo namin. Pati nadin ang waiting room namin ay nakasulat doon.

Pumunta kami sa room fifteen gaya ng sinabi ni Kaye. Ang kwartong pinasukan namin ay may malaking salamin sa pader. Silver ang buong paligid. May mga upuan at lamesa para kapag gustong kumain. May ref din at cr. Sa pinaka gilid ay ang malaking sofa.

Umupo ako sa sofa at pinanood lang sila. Si Airos ay binuksan ang ref para humanap ng makakain. Si Kaye naman nasa harapan ng salamin, inaayos ang soot niyang damit. Si Cass naman tumabi saakin. Si Tyler ay nagsasanay gamit ang shamshir niya kaharap ang salamin, at ang tatlong lalaki ay naka-upo lang

"Anong oras mag-uumpisa?" tanong ni Axelle.

"Eleven, may thirty minutes pa tayong maghihintay," sagot ni Mizu.

Iyon talaga ang palaging oras ng start.

"Tagal kasi nung isa dyan nasayang tuloy oras natin," pagpaparinig ni Kaye.

"Hoy hindi ako matagal..."

Nag-umpisa na sila mag away.

Tumayo si Mizu. "Puntahan ko muna mga kaibigan ko, nandoon na sila sa pwesto ng mga manonood."

Hindi makakalaban ang ibang gang sa Philippines dahil ang representative lang ng bansa ang lalaban.

Pagkaalis ni Mizu, natahimik na naman sa buong kwarto. Si Airos na madalas na maingay natahimik nadin dahil busy na siya sa pagkain.

Sa sobrang wala na akong magawa napagdesisyunan ko munang lumabas.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Cass.

"Iikot lang," I said, saka ako lumabas.

Maraming tao ang naglalakad kaya nahirapan akong makisiksik.

"Aw," reklamo ko ng may nakabangga ng malakas sa balikat ko.

"Sorry ms," sinabi ng lalaking may dark blonde na buhok, matangkad siya.

Pero ng makita ko ang mukha niya, may tumunog na maingay na bagay sa tainga ko, dahilan ng sobrang pag-kirot ng ulo ko.

"Bellona?" that words escaped from his mouth.

Hindi tumigil ang maingay na tunog. Parang binibiyak na naman ang ulo ko dahil sa sakit.

Natulala pa siya saakin.

"Thunder!" sigaw ng lalaking naka mask na kulay black.

Hindi parin gumalaw ang lalaking nasa harapan ko, nanatili siyang nakatulala saakin. Gusto ko ng umalis pero hindi ko magawa dahil sa sakit ng ulo ko, pakiramdam ko 'pag gumalaw ako mas lalong sasakit.

"Thunder!"

Boses na naman ng isang babae ang naririnig ko.

"Thunder!"

"Oo na Bellona, titigil na. Makasigaw ka naman."

"Halos masira mo na kasi lahat ng gamit dito."

"Thunder, ano bang ginagagawa mo? And why are you not wearing your mask?" nilapitan siya ng lalaking may itim na itim na buhok.

Ang boses niya...

"Bellona ang hirap."

"Mahal ka ni Lhevienaia Skye, panigurado ako."

"Pero si Ice ang mahal niya, alam ng lahat 'yon."

"Kelan ka pa naging ganyan kahina Skye? Ang alam ko ikaw ang pinaka kinatatakutan ng lahat."

"Skye," dahan dahan na nilingon ng lalaking nakatulala saakin kanina pa ang lalaking tumawag sa kanya.

"Ano?" masungit na tanong sa kanya nito.


Tinuro ako ng lalaking may pangalan na Thunder at saakin napunta ang tingin ng lalaking may itim na itim na buhok. Kahit naka sumbrelo siya ay halata padin ang kulay ng buhok niya.

Natigilan siya ng makita ako.

"Skye si Bellona," hinila-hila pa ng lalaking dark blonde ang manggas ng damit niya.

Napailing bigla ang lalaki, saka nilingon ang makulit niyang kasama.

"Don't," sinamaan niya ng tingin ang kasama niya.

Saka niya ako tiningnan. "Sorry ms. May kamukha ka kasi kaya ka niya pinagkamalan na ikaw 'yon."

Tumalikod siya saakin at hinila palayo ang dark blonde na lalaki.

"Ms, wag mo na ulit kakalimutan isoot ang mask mo," sinabi saakin ng lalaking seryoso ang mukha, bago umalis. Na sa tingin ko ay Skye ang pangalan.

And a realization hit me. Hawak ko lang ang mask ko kaya kitang kita ang mukha ko. Agad ko itong sinoot. Mabuti na lang at walang nakapansin saakin bukod sa kanila.

Medyo nawala na ang sakit ng ulo ko, kaya mas minabuti kong bumalik na sa room namin kesa sa may kung ano pa ang mangyari.

Ano na naman yung mga narinig kong boses?

Pagpasok ko ay agad akong humilata sa sofa.

"Anong nangyari sayo?" nagtatakang tanong ni Cass.

"May nakasanggaan akong lalaki, tapos may mga narinig na naman akong boses sa ulo ko," I told her.

"Sino yung lalaki?"

"I don't know. Mas lumala lang yung sakit ng makita ko yung isa pa niyang kasama. Para bang sobrang pamilyar saakin nung kasama niya. Parang may kung ano sa pakiramdam ko ng makita ko siya."

"Ang gulo na talaga ng nangyayari sayo, pero sana wag ng sumakit ang ulo mo mamaya sa gitna ng laban," she said.

Kinuha niya ang paracetamol sa bag niya pati ang bottle water saka niya inabot saakin.

"Thanks," I said, saka uminom ng gamot.

Sana nga wag ng biglaan sumakit ang ulo ko mamaya.

Ilang minuto pang paghihintay ay nagsalita na ang babaeng nasa screen tv sa loob ng room namin.

"Players of Underground, the battle will start in a minute."

Kaya naghanda na kami at lumabas. Nakapila kami sa labas ng room dahil tatawagin ang pangalan ng group isa isa para sa introduction.

"Fifty countries daw ang maglalaban laban," sinabi saamin ni Kaye na nakatingin sa phone niya.

Bakit parang mas dumami?

Nagsalita ang pinaka host sa gitna at nagsabi ng konting speech. Pagkatapos ay pinakilala na niya isa isa ang mga groups.

"From the Japan, The Katana!"

Naglakad ang mga babaeng lahat ay may hawak na katana. Pumwesto sila sa harap at nag bow. Saka sila pumunta sa assigned seat nila sa harap ng battle ground.

Sunod sunod na tinawag ang mga representative gang ng bawat bansa.

"From this land Philippines, White Warrior!" mas malakas na boses ang nanggaling sa nagsasalita sa gitna ng kami na ang ipapakilala.

Naglakad kami ng pa isang line papunta sa loob ng battle ground at nag bow. Sa unahan palagi ang leader kaya ako ang nangunguna pati sa paglalakad. Pagkatapos sabihin ang code name ng bawa't isa saamin ay pumunta na kami sa bleacher.

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago matapos ang introduction at sa wakas isang group na lang ang ipapakilala.

"From South Korea, The Seven Gods!"

Lumabas ang pitong lalaki na lahat ay pare parehas na naka all black outfit at naka black mouth mask.

Nang tinitigan ko sila kumirot na naman ang ulo ko. Damn! Ano bang nangyayari?

Nandoon din ang lalaking may pangalan na Skye, nakita ko pa ang pagsulyap niya saakin ng isang beses saka diretsyong tumingin sa harapan.

"Bellona, ipanakikilala ko sayo ang pitong Gods."

Boses ng babae ang narinig ko. Kaya napahawak ako sa ulo ko dahil sa matinding sakit na naman.

"Sumasakit na naman ba?" nag-aalalang tanong ni Cass.

Tumango ako dahil hindi ko na magawang magsalita.

"Thunder, Wave, Blake, Eros, Ice, Sky, and their leader... Fierce!"

Fuck.

Kumirot pa ng sobra sobra ng binanggit ang pangalan ng lalaking ma greyish blonde ang buhok. Ang mukha niya walang ekspresyon kagaya ni Ashton.

Pinagkaiba ay... he's too much intimidating. Parang wala ni isa ang kayang sumubok kausapin siya.

"Fierce," boses na naman ng isang babae.

"Eve?"

"Bakit gustong gusto mo akong tawagin na Eve?"

"Pangalan mo 'yon."

"Oo nga. Ang ibig sabihin ko bakit iyon pa? Pwede namang Bellona na lang. O kaya Leta. Bakit gusto mo pa ang pangatlo kong pangalan?"

"Dahil ang ibig sabihin non ay buhay."

"Bakit buhay? Ano naman ang gusto mo doon?"

"Basta... saka ayoko ng Leta alam mo naman hindi kanais-nais ang ibigsabihin ng pangalan na 'yon."

"Edi Bellona na lang."

"Ayoko, lahat sila iyon ang tawag sayo."

"Ano naman?"

"Gusto ko ako ang naiiba."

"Yvon," boses ni Ashton ang nagpawala sa mga boses na naririnig ko.

Siya ang katabi ko sa kabila.

"Can you still fight?" nag-aalalang tanong niya.

Pinilit kong tumango. Kailangan kong lumaban para sa ikaliligtas ng White Warrior.

"Ako lang ba ang nakakapansin? Kapangalan nila yung mga seven gods sa history ng mundo natin?" napansin ni Cass.

Mundo namin...

"Kanina ko pa nga napapansin," sagot ni Airos.

"Paano nila nalaman ang mga pangalan na 'yon?" curious na tanong ni Axelle.

"Hmmm maybe coincidence lang," Kaye said.

Pagtingin ko sa battle ground nakatingin na saakin ang lalaking may code name na Fierce. Ilang saglit siyang ganon bago iniwas ang tingin saakin at naglakad na paalis.

Who is he?

Nagumpisa na ang battle. Unang sumabak ay ang number one na group pati ang two. Tapos ay sunod sunod na. Ang matatalo sa laban ay matatanggal na at ang mananalo ay lalaban sa round two.

Nang kami na ang lalaban ay tumayo na kami para kalabanin ang number 16. Gang na galing sa New Orleans.

Tumayo kaming walo para pumasok sa loob ng battle ground. Nagcheer ang mga nanonood. Hinarap namin ang limang member ng Fangs. Limang lalaki na naka red whole face mask.

"Ready?" Cass whispered.

Siya ang katabi ko ngayon. Kumikirot padin ang ulo ko hanggang ngayon. I nodded at her.

"Remember the rules guys, no magic," paalala ni Kaye.

Nagtanguan naman ang mga lalaki.

"Position Fangs and White Warrior," boses ng parang computerized technology.

"One..."

Pumwesto na kami.

"Two..."

Hinawakan ko maigi ang dalawang gold scimitar. Ngayon ko lang magagamit sa totoong laban ang weapon na binigay ni Lolo Alejandro.

"Three!"

And the battle begin.

Sumugod sa pwesto namin ni Cass ang lalaking bato bato ang katawan at ginawa naman namin ni Cass ang favorite style namin kapag nasa battle ground.

Sabay ang lahat ng galaw namin na para lang kaming sumasayaw sa hangin. Ngayon ko lang napansin na ang mga kilos namin ay mas mabilis kesa sa dating mga galaw namin. Mas malalakas din ang impact ng bawat offense na ginagawa namin.

Sa sabay naming sipa tumalsik ang kalaban namin sa barrier. Tumalbog siya ng dalawang beses bago bumagsak sa sahig.

"We can't help not to used our powers," pansin ni Cass ng hindi na gumalaw ang kalaban.

"It's now our nature Cass," I said.

Nilingon namin ang mga kasama namin. Si Kaye ay nasa malayong parte, using her bow and arrow. She's not actually fighting. She's helping Tyler who's fighting the bigger man. Madali lang naman nilang napagsak 'yon.

Si Cass at Axelle naman ngayon ay nagtutulungan sa isa pang lalaki na pang model ang katawan. Habang si Airos at Ashton ay magkahiwalay na tinatapos yung dalawang member ng Fangs.

Konting minuto lang natapos na nila. Medyo nahirapan lang ang mga lalaki na huwag gumamit ng powers nila kahit katiting dahil makikita agad sa mga mata nila at buhok.

"Di man lang ako pinagpawisan doon," sinabi ni Airos pagkaupo.

Tama nga siya, madali na lang ang naging laban.

"Maghanda na kayo sa round two," sinabi ni Cass.

"Ano ba ang round two?" tanong ni Axelle.

"Maglalaban ang mga panalo kanina sa round one. Kung sino ang manalo sa dalawa iyon ang kakalabanin ng kasunod na gang na lalaban. Kung baga ubusan ng lakas, dahil kung gusto mo manatiling panalo kailangan mong labanan ang lahat ng gang."

Dito madalas sa round na 'to natatalo ang White Warrior. Kahit manalo man kami o matalo namin yung nanalo ng una, nauubusan na kami ng lakas pagdating sa huli.

"Dragons Vs. The Seven Gods!"

Nag-ingay ang buong paligid. Sila na ang huling mag lalaban. Ang Dragons ay galing sa China kaya malamang ay malalakas ang mga 'yan. Pero ang The Seven Gods... ibang iba ang dating nila pagdating sa battle ground.

Sa pag-uumpisa ng laban masyadong madami ang member ng Dragons. Twenty sila, kaya halos palibutan na nila ang The Seven Gods. Masasabi kong walang pakielam ang may hawak sa gang na Dragons kung gumastos ng sobrang laki para ipasok ang ganyan karaming member, dahil ang bayad sa isang member para makalaban sa Underground Arena ay two hundred thousand. Ganon kalaki dahil sobrang laki naman ng makukuha ng mananalo.

Hindi na makita ng mga nanonood ang The Seven Gods dahil nasa gitna sila ng nakaikot na dragons. Inaataki sila na parang wala ng bukas.

Napatingin ako sa timer sa taas, twenty seconds pa lang ang laban.

"O my gosh," napatakip si Kaye ng bibig ng makita ang nangyari.

Parang domino ang pagbagsak ng katawan ng mga member ng Dragons. Lahat may hiwa sa mga leeg kung saan paniguradong natamaan ang hindi dapat matamaan sa isang tao.

Sa gitna ng pagbagsak ng mga Dragons ay nakatayo na parang walang nangyari ang mga The Seven Gods. Ang clay more sword na hawak nila ay pareparehas na may dugo.

Lumapit ang mga medic ng Underground Arena para kunin ang mga member ng Dragons.

"The winner is The Seven Gods!" sinabi ng computerized host system na naririnig sa buong arena.

Nagtilian ang mga nanood. Karamihan mga babaeng parang nanonood ng basketball game. Ang iba naman ay yung mga nanonood dahil sa pakikipagpustahan.

Naglakad palabas ang pito. Pero bago sila makalayo ang pagtitig saakin ng ilang member ng grupo nila ay napansin ko... napansin ng mga kasama ko.

The way they looked at me, it's like they known me very well.

Baka may kamukha lang ako?

Or they really know me at all?







Continue Reading

You'll Also Like

541K 28.9K 78
(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterio...
777K 18.7K 82
#10 Highest rank in Fantasy #41 Highest rank in Action 『COMPLETED』 The Goddess of All (1 & 2) -UNDER SUPER MAJOR EDITING- "I will do anything for you...
39.2K 1.5K 82
She used to have a normal life She's happy on what she have But everything changed Because of a letter of invitation And now she will discover someth...
11.3M 505K 74
â—¤ SEMIDEUS SAGA #02 â—˘ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...