It Might Be You [Fin]

By YGDara

3.2M 62.1K 4.4K

Barkada Series #5: Vin Fortez Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa mahal mo? Vin Fortez is Erin Romualdez's... More

It Might Be You
Prologue
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Message
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five [1]
Thirty-five [2]
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Epilogue

One

101K 1.7K 119
By YGDara

"When I was in College, I was voted as the student council president. Pagka-graduate ko naman pinag-agawan ako ng mga malalaking kompanya dahil narin siguro sa mga achievements ko.."

Blah blah blah ...

Napahikab nalang si Erin sa pakikinig sa mga sinasabi ng ka-date niya ngayon. She rolled her eyes secretly while drinking her wine. She was bored and pissed.

"Am I boring you?" Tanong sakanya ni Harry - ang ka-date niya ngayong gabi.

Ibinaba niya ang wine niya at pekeng ngumiti kay Harry. "No, it's just that I'm tired." Sagot niya.

"Kung pagod ka pala, bakit ka pang pumayag makipag-date?" Kunot-noong tanong muli ni Harry.

Kusang tumaas ang kilay niya dahil sa tanong nito sakanya. Nagkakilala sila ni Harry sa cafe niya. Naging customer niya ito, at nagkataong nagkapalagayang-loob sila nang magkakwentuhan silang sandali. Kaya naman nung ayain siya nito kumain sa labas ay pumayag naman siya. Para kasi sakanya, walang masama kung sumama siya. Open naman siya sa mga ganitong bagay.

Noong una, okay pa ang impresyon niya kay Harry, pero nang kalaunan na nagsimula na itong pumutak ng mga walang kwentang bagay. Ano naman ang pakealam niya kung naging student council president ito? Ano naman ang mapapala niya kung matagumpay ito sa negosyo nito?

Sa kabuuan ng kanilang dinner ay tila hindi siya natunawan dahil sa pagyayabang ng kutong-lupang nasa harap niya ngayon. Oo! Iyon na ang tingin niya kay Harry ngayon.


"Because I don't want to be rude. And also, gusto naman din kita makilala and nakilala naman kita." Sagot ni Erin sa tanong nito.

May sumilay naman na ngiti sa mukha ni Harry.

Sus! Akala siguro ng kutong-lupang ito na pupurihin ko siya. Over my dead sexy body!


Tumayo siya at naglabas ng iilang libong piso at ipinatong sa lamesa. Nakita naman niyang natigilan si Harry at nagtataka kung ano ang gagawin niya. She grinned at him. "It turns out that you are just a self-centered beast. Minsan nga papakilala ko sa'yo si Humble."

Inirapan niya si Harry at nag-walk out na mula rito pero mukhang natauhan ito at pinigilan siya sa braso.

"What did you said?!" Asik nito sakanya.

Siguro kung ang ibang babae ay makikita ang galit sa mukha ni Harry, marahil ay matatakot ito. But not her. Lalo na nang makita niya ang kanina niya pang hinihintay sa likod ni Harry. Nginisian niya ang kutong-lupang nasa harap niya.

"I'll give you three seconds to let go of me." Pahayag niya.

"What?" Aniya.

"One.."

Nakita niyang malapit na sakanila ang kanina niya pang hinihintay na tao.

"Two.." Hindi parin siya binibitawan ni Harry bagkus ay inilapit pa siya nito sa sarili.

"Three.." Bulong niya.

"What--Aray!" Daing ni Harry nang pilipitin ni Vin ang braso nito na humahawak sakanya kanina.

Binalingan naman siya ni Vin. "Are you okay?" Tanong nito sakanya.

Nginitian naman niya si Vin at umangkla siya sa braso nito at inihilig ang ulo niya sa balikat nito. "Yup! Ang tagal mo. Kanina pa ako bored." Sabi niya rito.

Marahas namang binitawan ni Vin ang braso ni Harry. "You may go now."

Hindi naman na umalma si Harry at padabog na umalis sa loob ng restaurant. Nang simula nang magyabang si Harry ay pinindot na niya ang binigay sakanya ni Vin na maliit na remote. Sabi nito, emergency button daw niya iyon na kapag pinindot niya iyon ay malalaman ni Vin kung nasaan siya dahil may built-in tracker ang remote na iyon.


Nang ibigay nga sakanya iyon ni Vin ay namangha talaga siya. Well, ano nga ba ang bago? Lahat naman ng high-tec gadgets na inilalabas ng kompanya ni Vin ay talagang nakakamangha.


Napapalatak si Vin at iiling-iling na iginiya siya pataas ng restaurant. "Sana tinakasan mo nalang at umakyat. Kailangan mo pa talagang pindutin iyan para lang pababain ako?"

Natawa naman siya. "Para may drama effect!"

Pumasok na silang dalawa sa loob ng private room kung saan naroon silang buong magbabarkada. Nang ayain kasi siya ni Harry kumain ay sabi niya na sa "The Santillan's" nalang sila kumain dahil alam niya na kapag nandoon ang buong barkada tuwing Sabado.


"Hello guys! Pakain!" Sigaw niya nang makapasok sa loob ng private room. "Hi, Dami!" Bati sa inaanak niya kina Mitch at Dylan nang lapitan siya ng bata.

Hinalikan siya ni Dami sa pisngi bago makipaglaro ulit kay Calix - ang one-year old son nina Colyn at Jeremie.


Umupo siya sa tabi ni Mitch at nilantakan ang mga nakahaing pagkain sa lamesa.

"Nasaan si Isaac? Bakit si Dami lang ang kasama mo?" Tanong niya kay Mitch.

"Na kay Mommy at Daddy." Tukoy nito sa magulang nito.

"Galing ka sa date ah. Bakit gutom na gutom ka?" Tanong sakanya ni Mico. Inismiran niya ito. Alam niyang alam ng buong barkada na hindi maganda ang kinalabasan ng date niya. Marahil ay pinanonood siya ng mga ito sa malaking one-way mirror na tanaw ang kabuuan ng restaurant sa first floor. At siyempre, sinundo siya ni Vin kaya alam na nila iyon.


"Ano naman ang problema sa date mo ngayon?" Tanong sakanya ni Mitch habang hinihimayan siya ng hipon.

Napasimangot naman siya nang maalala ang naging date niya kay Harry. "Ay naku! Grabe iyang Harry Pablo na iyan! Ang hambog ng gago! Pake ko naman kung siya pa ang presidente ng bansa,ano! Nakakainit ng dugo! Bakla ata iyon eh! Biruin niyo naman, sukat at tarayan ako?! Ako? Sa ganda kong ito, tinarayan niya? Pakshet siya!"

Napuno naman ang tawanan ang loob ng private room. "Sa madaling salita, palpak nanaman ang date mo." Wika ni Jeremie habang pinupunasan ang likod ng anak na si Calix.

Napanguso naman siya. Totoo kasi na palpak nanaman ang date niya.


"At dahil palpak nanaman ang date mo, to the rescue naman si Vin." Dagdag pa ni Marco.

Totoo ulit. Lagi niyang ginagamit ang remote na bigay sa kanya ni Vin kapag gusto na niyang takasan ang date niya. Kaya naman alam na ni Vin ang gagawin sa tuwing tutunog ang phone nito. Kapag kasi pinindot niya ang remote didirekta iyon sa phone nito at kusang lalabas kung nasaang lugar siya.


"Ayos lang iyon." Sabi naman ni Vin na nakaupo sa tapat niya. Nagkatinginan silang dalawa at hindi niya napigilang mapangiti nang kindatan siya nito.

Kinikilig siya sa tuwing ginagawa iyon ni Vin - ang kindatan siya. Sino naman kasi ang hindi kikiligin kung isang gwapong lalaki ang gagawa ng ganoon sa iyon, hindi ba? Kinikilig siya, oo. Pero hindi niya gusto si Vin in a romantic way. Miski ito ay ganoon rin. He's her superman dahil lagi itong to the rescue sakanya. Kahit naman siya ay ginagawa ang parehong bagay sa tuwing kinukuyog na ng mga babae si Vin.

Unlike the other boys, Vin is always approachable. Kaya madalas, naabuso.


"Bakit kasi hindi nalang si Vin ang i-date mo?" Mapanudyong tanong ni Adie sakanya.

Napatawa naman siya rito. "Ano ka ba! Parang hindi niyo kami kilala ni Vin. Close lang talaga kami."

Nagkibit-balikat si Adie at may tila ibinulong. Binalingan nalang niya si Ellaine. "Kailan pala ang binyag ng inaanak ko?" Tanong niya rito na tinutukoy si Elisha Min - ang six-month old na anak nina Mico at Ellaine.

"Inaayos na namin. Siguro by next month maipamigay nanamin ang invitations." Sagot nito sakanya.

"Grabe! Kailangan ko maghanap ng sideline. Ang dami ko ng inaanak!" Sabi niya sabay subo ng kanin.

One month ago lang kasi ay ninang rin siya ni Ailee Dane - ang anak naman nina Marco at Adie.

"Sideline ka diyan! Malaki naman ang kita ng cafe mo ah." Sabi ni Colyn sakanya.

Nilunok na muna niya ang kinakain bago sagutin si Colyn. "Nakakabored naman kasi sa cafe. Nakatunganga lang ako. Kailangan ko yung gagalaw lahat ng muscles ko."

"Naghahanap kami ng yaya ng kambal. Baka interesado ka?" Natatawang suhestiyon ni Dylan.

Inirapan niya ito. "No thanks. Hindi bagay ang ganda ko sa pagiging yaya."

"Ano naman ang gusto mo ngayong pasukang trabaho?" Napabuntong-hininga si Mitch sa tabi niya.

Nag-isip naman siya. Ano nga ba ang maganda? Nasubukan niya nang maging office girl sa kompanya ni Dylan. Doon nga sila nagkakilala ni Mitch eh. Nasubukan narin niyang maging call center agent. Ayaw niya na iyon dahil lumaki ang eye bags niya doon. Sinubukan narin niyang maging waitress ng sa isang restaurant, pero sumuko rin siya kasi ang dami niyang nabasag.

Tanging iyong cafe lang niya ang permanenteng negosyo niya. Pero hindi parin niya maiwasang ma-bore.

"May naisip ka na?" Untag sakanya ni Vin.

"Wala pa eh. Ikaw ba? May naisip ka ba na pwede?" Tanong niya rito.

Tumayo naman si Vin at lumipat sa tabi niya. "Bakit kasi pagtuunan mo nalang ng atensyon mo iyong cafe?"

"Tsk. Eh gusto ko talaga ng bagong environment."

"Lagi mo namang gusto ang bagong environment eh." Nakangiting sabi sakanya ni Vin.

Inihilig niya ang ulo sa balikat ni Vin at napabuntong-hininga. "Do you think my life is boring kaya mabilis akong ma-bored sa mga ginagawa ko?"

Inabot naman ni Vin ang tenga niya at piningot. Ugali rin nito iyon na sanay na siya. "Nah. You're just an adventurous woman. Tsaka bored ang buhay mo? Eh may gwapo kang kaibigan kaya."

Kinurot niya ito sa tagiliran. "Ikaw talaga. Pasalamat ka, gwapo ka talaga. Hoy, hatid ko ako sa condo ko ah. Hindi ko dinala kotse ko eh dahil sa kutong lupang Harry na iyon."

Natawa muli si Vin sa sinabi niya. "Oo na. Superman na nga ako, driver pa. Saan ka pa?"


--------

VOTE AND COMMENT!
Follow me @kendeyss on twitter and instagram.

Continue Reading

You'll Also Like

786K 26.8K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.8M 50.5K 43
Barkada Babies Series #4 Is it wrong to give it all when you love? Or is it wrong to love a person so much? Did they just loved the wrong person? Or...
30.8K 1K 10
Victoria Jule Crivelli is at the top of her game. Everything is going according to her plan. But somehow, she feels like her life is dull. Like somet...
3.2M 76.6K 58
Moses Zacharie Gustav is a spoiled, rich, passionate man. He can have everything he wants except for one girl, the girl he has always loved and will...