HEIR OF ZONADIA [COMPLETED]

By JULIANNEDIWATA

408K 12.1K 562

| TAGLISH | Chazandra Miracle is a special girl who was being trained by her Master Almada in the restricted... More

AUTHOR
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
ANNOUNCEMENT!
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 58
Part 59
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

Part 57

4.2K 140 6
By JULIANNEDIWATA

Almada

"Aron, hindi na sana magkakaganto pa kung hindi mo hinayaang kainin ka ng dilim sa galit at lungkot na iyong nararamdaman" sabi ko sa di makatayo na si Aron, ang bagong Zodiac Killer na pinili ni Dark nung mamatay ang kanyang dating pinuno ng Dark Army.

Pinasok ko ang kanyang utak, gamit niya ang mga hiram na elemento galing kay Dark ibinigay ito sakanya ni Dark nung makita niyang galit na galit si Aron sa Heir na hindi dumating para iligtas ang kanyang pamilya, Apoy lang dapat ang tanging elemento niya naghihiganti siya sa galit dahil hindi nailigtas ni Chazandra ang kanyang mga magulang noong inatakke ito ng mga kampon ni Dark pero hindi iyon kasalanan ni Chazandra dahil kinulong ko siya sa restricted areas ng Zonadia para magsanay at nahuli ako ng dating sa pagligtas sakanilang lahat sa panganib.

Lagi akong naalis ng restricted areas noon para mabantayan ang mga galaw ng kampon ni Dark. Pero nung huling bantay ko sa lugar ng fire benders ay nahuli ako ng dating at naambush rin ako ng mga lobo mabuti nalamang ay naligtas ko ang ilan bago ako makapasok ng portal sa dami ng sugat ko ay nahirapan akong maglakad kaya gumapang ako pauwi at narinig ko nalamang ang boses ni Chazandra na nagaalala.

(A/N: Sa mga di nakakatanda yun po yung first chapter na natagpuan ni Chazandra si Almada na sugatan hehe!)

Kahit sa malayo lalo na pagmalapit nakikita ko sa mga mata niya na hindi niya gusto ang ginagawa niya. Natalo ko siya dahil puno lang ng pighati ang nararamdaman niya ginabayan ako ng Great Great Guardian of Light at natalo ko ng maayos si Aron.

"N-No, gusto kong maghiganti ayoko sa mahihinang tulad ni Chazandra na mamuno! At ikaw hindi ka na ba nahiya!? Dahil sayo nangyayari ang lahat ng to sakanya at sating lahat!" aakmang susugod pa siya sakin pero hinagis ko siya gamit ang hangin at tumalsik siya sa puno. Hinagisan ko rin ng apoy ang mga lobong nagtatangkang sumugod sakin.

"A-Ahh!" Sigaw ni Aron nung tumama siya sa puno.

"Napagsisihan ko na lahat ng pagkakamali ko at alam kong kahit wala na rito si Alexander at Diana ay napatawad na nila ako kaya bumabawi ako sakanila sa pagproprotekta ng kaisa isa nilang anak" seryosong sabi ko habang nalapit sakanya at napaaray lang siya.

"Hindi na sana magiging ganto pa Aron, pero mali na isisi mo kay Chazandra ang lahat lahat dahil wala siyang kaalam alam noon na siya ang liligtas sainyong lahat, itinago namin ito sakanya dahil inutos samin ng kanyang ama" dagdag ko.

"H-Hindi totoo yan sinungaling ka!" nakipagtitigan pa siya sakin at umiling ako para sabihin hindi ako nagsisinungaling.

"Hindi ba dapat kay Dark ka nagagalit? Kasi siya ang pumatay ng pamilya mo? Bakit kay Chazandra ka nagagalit? Siya ba ang pumatay sa pamilya mo? Sana ay pinagisipan mo itong mabuti Aron dahil kung nakikita ka man ng magulang mo ngayon ay hindi rin sila matutuwa sa mga inaasal mo ngayon!" seryosong sabi ko dama ang pagkainis sakanya dahil sinira niya ang buhay niya para sa paghihiganting hindi naman dapat.

Bigla naman siyang natigilan at nagisip nababasa ko na lahat lahat ng nararamdaman niya dahil nawala na ang harang neto. At nakita ko namang tumulo ang mga luha niya. Nararamdaman at nakikita ko ang pagsisi niya kasabay ang galit dahil hindi niya matanggap ang mga sinasabi ko.

Liningon ko ang buwan na onti onting nagiging itim pati ang palagid nalalanta ang ibang mga puno at halaman shit! Napalingon din ako sa SPECIAL 5 na sumusugod sa kung sino mang tangkang lalapit at mananakit sa mga tao. Si Alyanna ay nasugod habang patagong ginagamot ang nagkakasugat.

"Aerena! What's wrong?" sigaw ko sakanya sa inner dahil nakikita ko ang galit at naiiyak siya habang sinusugod ang nagtatangkang pigilan siya. Tinignan ko ang tinitignan niya at nagulat nung makita kong hinagisan ni Dark si Zhyron ng itim na elementong nakabilog.

"NO! NO! ZHYRON!" sigaw ko dahil malayo ako masyado sakanya.

Susugod na sana ako kay Dark pero napatigil agad nung may nakitang liwanag.

"C-Chazandra.." natutuwang sabi ko dahil nakikita ko siya ngayon, ang mga mata niya ay sky blue na ulit at hindi na siya kontrolado. Napangiti ako nung makitang nalutang siya gamit ang pakpak na iniregalo sakanya ni Light namastered niya na lahat ng elemento niya. Nakita ko naman kung paano niya inilagay sa tagong malaking puno si Zhyron na punong puno ng sugat at nilingon niya si Dark na galit na galit na nakatingin sakanya. Nagsummon ng maraming pang alagad si Dark.

"A-AHH!!" nagulat ako sa sigaw at nilingon ito nanlaki ang mata ko nung makita ko kung sino ito.

"Alyanna!" nakita ko kung pano kinalmot ng lobo ang bewang at braso niya ng sunod sunod matapos niyang gamutin ang isang may saksak sa braso. Hindi niya napansin ang pagsugod neto dahil tatlo tatlo ang ginagamot niya.

Ginamit ko ang hangin para makalapit sakanya sinugod ko ang lobo na sinugatan siya. Nung hagisan ko ito ng elemento ng apoy ay naging abo ito. Bago pa man bumagsak si Alyanna ay nasalo ko siya.

"Alyanna! Open your eyes!" sigaw ko nagaalala dahil maraming dugo ang nalabas sakanya. Mahahaba at matutulis ang kuko ng mga lobong kaharap namin kaya naman ganto nalang kalaki ang sugat na natamo niya.

Nagulat naman ako nung ngumiti siya bago niya imulat ang mga mata niya "S-Sabi na e n-nagaalala ka pa rin sakin"

"Shss.. save your strength gagamutin kita" nagaalalang sabi ko dahil naagos talaga ang maraming dugo sa bewang niya nakita ko namang pumikit siya "G-Gagamutin kita Alyanna ibukas mo lang yang mga mata mo!"

Hinawakan niya naman ang pisnge ko at nandoon pa din ang ngiti sa mukha niya kahit mukhang sobra sobra na siyang nasasaktan.

"A-Almada k-kung mawawala man ako ngayon..--" siya.

"Wag ka magsalita ng ganyan Alyanna!" pasigaw kong sabi pilit kinakalma ang sarili.

Napatawa naman siya na ikinainis ko nakatawa pa siya sa lagay na to?!

"G-Gusto kong malaman mo na nanggagaling mula sa bibig ko na hindi pa din nagbago ang nararamdaman ko s-sayo... may g-gusto ako sayo at dama kong mas malalim na ito alam kong alam mo yan hanggang ngayon at n-natutuwa akong makita na hindi mo na sinisisi ang s-sarili mo sa nangyari nakaraang 17 years ago or s-should I say 18 years ago at this d-day..." siya.

Bigla naman akong napapikit at tuluyan ng napaluha habang dinadamdam ang mga sinasabi niya dahil tumatagos ito sa puso ko't kaluluwa habang ginagamot siya pero nung matapos kong gamutin ang mga sugat niya ay hindi na siya nagalaw at nakapikit pa rin.

"A-Alyanna! No! Wake up!" niyugyog ko pa siya.

"I-I c-can't lose you too.." sigaw ko at tuluyang umagos ang mga luha ko.

*WOOOOSH*

Nagulat ako nung nabalot kami ng transparent na barrier at kumalat ito sa buong Zonadia. Napalingon ako kay Chazandra at sakanya nanggaling ang barrier na iyon lahat ng sumugod samin ay nagiging abo nalang agad. Napalingon ako ulit kay Chazandra nagliliwanag na ang mga mata niya na sumusugod kay Dark.

"Gather all the people around and heal their wounds that's all what you need to do now" rinig kong bulong niya sa inner at agad nawala iyon alam kong ipinarating niya to saming lahat na nakakarinig sakanya.

Ano?! Hahayaan niya lang kaming manuod sa laban nila ni Dark?! Kaarawan niya ngayon tas magsuisuicide siya?!

Chazandra

Water

Air

Fire

Earth

Light

Dark

Ang anim na elemento na ipinagkaloob sakin ng Great Great Guardian of Light para protektahan ang aming mundo, ang Zonadia. Ang mga elementong gagabay sakin sa pagtutuos namin ni Dark.

Bago ko pa man tuluyang maagaw ang aking katawan kanina ay narinig ko ang boses ni Light.

"Happy birthday my Heir. I didn't got a chance to tell you personally because I'm good enough to interrupt your reunion earlier. Your parents wants to tell you a happy birthday too I hope you like gifts. We have something for you I hope you'll like it!"

Bigla naman akong napangiti nung sandaling iyon dahil hindi ko na rin naalala na kaarawan ko na pala ngayon. Ang natanggap kong regalo mula kila mama at papa ay itong napakagandang damit nasuot ko na babagay talaga sa anumang bakbakan na gaganapin ngayon at alam ko ang pakpak ko ay galing kay Light. Nagustuhan ko ito ng sobra.

Agad naman ako nagsummon ng barrier sa buong Zonadia habang nasugod at sa mga zodiac people na lumaban ngayon para tanging dalawa lang kami ni Dark ang magkakaharap sa gitna.

"Gather all the people around and heal their wounds that's all what you need to do now" bulong ko sa mga nakakarinig sakin sa inner bukod kay Zhyron at agad iyong sinara para makapagfocus. Mabuti nang ako lang ang kaharap ni Dark para hindi na sila mapahamak pa.

Kita ko ang galit sa mga mata ni Dark, ang mga mata niyang intense sa pula na nagpasabog ng itim na usok pagkasugod ko.

Napalingon ako sa buwan at agad naman akong napatigil sa pagsugod nung makitang kong natatabunan ng itim ang puting kulay ng buwan. Shit!

Nilingon ko ulit si Dark at tinawanan ako sa reaksyon ko.

"I I I think you know once that the moon loses it's balance my dark element and my army would be unstoppable! HAHAHAHA!" nakangising sabi nito sakin.

"Sa tingin mo ba hahayaan kong mangyari yon?" hinagisan ko siya ng elemento ng apoy at inilagan niya ito, nagsummon siya ng itim na elemento at ginawa itong patusok papunta sakin ginawa ko namang shield ang aking pakpak at ginamit ang hangin palapit sakanya para masapak siya at napatumba.

"A-Ahh hahaha you hit hard!" natatawang sabi nito pero hindi ko na ito pinansin pa dahil sinugod niya ko ulit. Ginamitan niya ko ng hangin para itulak palayo at nagtagumpay siya doon dahil tumalsik ako bago ko ito harangan.

"Sa tingin mo Chazandra bakit namatay ang iyong ama?" nangaasar na tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at sinugod siyang muli. Natamaan siya ng apoy na ginawa kong pana na pinana ko sakanya sumagi ito sa braso niya at napaaray siya doon. Nagsummon ako ng tubig at inaice ito ng patusok hinagis ko ito sakanya at natamaan din siya neto.

Napaisip naman ako sa sinabi niya hindi pa rin talaga nabanggit sakin kung paano namatay si Papa. Sinabi lang nila na nawala ito matapos ang big explosion. Ang big explosion na nagiwan ng maraming masasamang alaala sa ibang tao. Magkakaroon din ba ng big explosion sa pagitan namin? Bakit ba hindi ko ito naitanong kay Great Great Guardian of Light!?

Bago ako muling humarap kay Dark ay natamaan ako ng itim na elemento sa braso ko.

"Ahhh!" mahapdi ito kaya napasigaw ako. Nakita ko namang dumugo ito.

"Opps! Kung ano ano kasi iniisip mo Chazandra hindi mo tuloy nakita kung paano kita pinana katulad nung ginawa mo sakin" Dark na parang natatawa.

Tinignan ko naman siya ng masama at kinalma ang aking sarili.

"Kung gusto mo ay kwekwentuhan kita Chazandra para malaman mo kung paano pinatay ng dati kong alagad na si Allon ang iyong ama ng siyang dahilan kung bakit hindi ako nakalaya noon!" nakangising sabi niya.

Kahit gaano ko pa pilit hindi pansinin ang sinasabi niya ay naapektuhan ako ng mga sinasabi niya.

**

Special thanks to otakulovers12345, AngeliqueJoyHiban, 1Thea4, Keira_Elise at _mickee for the flood votes! Iloveyou guys! 💕

Salamat sa patuloy na sumupporta *flying kiss* vote naman jan and share hehe!

Pabitin muna tayo HAHAHA! This is not edited thankyou for understanding! 💕

-diwata

Continue Reading

You'll Also Like

101K 2.9K 27
"๐œ๐š๐ฎ๐ฌ๐ž ๐ข'๐ฏ๐ž ๐ก๐š๐ ๐ž๐ฏ๐ž๐ซ๐ฒ๐ญ๐ก๐ข๐ง๐ , ๐›๐ฎ๐ญ ๐ง๐จ ๐จ๐ง๐ž'๐ฌ ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐ž๐ง๐ข๐ง๐ , ๐š๐ง๐...
2M 99.9K 37
Presenting the story of ISHIKA MEHRA Whose innocence made the king bow down to her AND ABHIRAJ SINGH RATHORE Whose presence is enough to make the per...
157K 5.7K 57
Warning: Some parts of this story is psychological. There are many grammatical and typographical errors.
30.1K 1.8K 53
When the wand chooses Harper as its new owner, she was immediately sent off to Oxzoria Academy. A perfect place for people that posses magic. It was...