The Girl Grim Reaper (Complet...

By kristineeejoo

208K 3.7K 105

A Grim Reaper who fell in love with a human. More

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41 (Part 1) - The Hidden Past
Chapter 41 (Part 2) - The Hidden Past
Chapter 41 (Part 3) - The Hidden Past
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note 1
Author's Note 2

Chapter 27

2.1K 48 0
By kristineeejoo

CHAPTER TWENTY SEVEN


Gabi na ng makapasok ako sa aking kwarto, sinalampak ko ang aking sarili sa aking kama. Napatingin ako sa kisame ng aking kwarto at inisip ang mga sinabi ni Sue sakin kanina. Alam niya bang may gusto ako kay Luijin? Alam niya ba ang lahat? Kung ganon, bakit hindi siya nagalit?

Kilala ko si Sue. Alam kong magagalit siya kahit nagkaroon ako ng konting pagkakamali. Alam kong ganun ang mangyayari pero bakit sa kabila ng lahat mas pinili niya pa akong yakapin kaysa kagalitan? Sinabihan niya pa ako ng mga salitang tumatak na ngayon sa aking isipan. Ang gulo. Argh.

Napaayos ako ng higa sa aking kama at napakagat sa aking pang ibabang labi ng may maalala. Nakauwi na kaya ng maayos si Luijin? Anong ginagawa niya?

Bigla akong napa-upo sa aking kama ng maalalang kailangan ko nga pala siyang tawagan. Sinabi ko kaninang tatawagan ko siya basta sundin niya lang ang inuutos ko. Mabilis 'kong binuksan ang cabinet sa gilid ng aking kama at kinuha doon ang cellphone na binigay sakin ni Luijin noong dinala niya ako sa kaniyang bahay.

In-open ko 'yun at mabilis itong nag-vibrate at umilaw. Wala itong password kaya mabilis ko itong nabuksan. Hinanap ko agad ang contacts dito at hinanap ang kaniyang number. Huminga muna ako ng malalim bago ito dinial. Nilagay ko sa aking tenga ang cellphone na hawak ko at pinakinggan kung sasagutin ba niya.

Ilang ring ang narinig ko bago sagutin ang tawag ko. Napakagat pa ako sa aking labi ng marinig ang husky niyang boses.

"Hello.." Si Luijin ba 'tong tinawagan ko? Bakit ang ganda ng boses?

Tumikhim ako bago sumagot. "Ahm, hello."

"Oh, buti naman at naisipan mo ng tawagan ako. Kanina pa ako naghihintay sa tawag mo eh." Sabi niya at biglang humalakhak.

Shems. I really missed his voice. Miss ko na ang pangungulit niya sakin. Miss ko na ang kaniyang maamong mukha. Miss ko na lahat sakaniya.

"S-Sorry. Muntik ko ng makalimutan." Sagot ko at biglang napahiga sa aking kama. Kinuha ko ang unan sa aking gilid at marahang niyakap 'yon.

"Lagi naman eh."

Hindi ako nakasagot. Argh. Sana hindi na matapos ang sandaling ito. Gusto ko pang marinig ang kaniyang boses dahil paniguradong hindi ko nanaman ito maririnig bukas o sa makalawa.

"Uhm," Hindi ko alam kung anong sasabihin. Argh. "K-Kamusta?"

Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya kaya napakagat ulit ako sa aking labi.

"Hindi ako okay ngayon."

What? Hindi siya okay? Ibig sabihin may nangyari sakaniya kahit binago ko ang magiging tadhana niya? Kahit niligtas ko siya sa panganib? May masama parin bang nangyari sakaniya?

"Bakit?"

"Kasi hindi kita kasama."

Natigilan ako dahil sa kaniyang sinagot. Hindi ko mapigilang mapayakap ng mahigpit sa unan ko. Gusto kong tumili sa oras na 'to pero baka iba ang isipin niya kapag narinig niya 'yon kaya pinigilan ko nalang ang aking sarili.

"Oh? Kinilig ka 'no?"

Napangiti ako at napaayos ng higa. "H-Hindi 'no! Kinilig ka dyan!"

"Aminin mo nalang kase. Tsk."

"Ewan ko sayo."

Natawa nanaman siya. Ilang segundo nanamang kaming natahimik bago ko ulit narinig ang kaniyang boses.

"Yung nangyari pala kanina, anong ba ang totoong nangyari?"

Napatikhim ako. "Uh, tungkol dun? Sorry. Hindi ko kasi napigilan ang sarili ko. Akala ko kasi malalagay ka sa piligro."

"Huh?"

"A-Ahm, kase.. nalaman kong may mangyayaring aksidente sa lugar kung nasaan ka kanina kaya ayun, mabilis kitang nilapitan at pinaalis doon. Baka kasi madamay ka." Paliwanag ko.

"Kung ganon, thank you."

"B-Bakit ka nag papasalamat?"

"Kasi niligtas mo ang buhay ko."

Hindi ako sumagot. Mabilis nangilid ang luha sa aking mata. Sorry, Luijin. Hindi ko alam kung hanggang kailan kita maililigtas. Hindi sa bawat oras kasama mo ako.

Mabilis kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking mata at pinigilang humikbi. Ayokong malaman niyang umiiyak ako.

"Hello? Cherry? Nanjan ka pa ba?"

"Uh, oo. Nandito pa 'ko."

"Inaantok ka na ba?"

"Hindi pa naman. Ikaw?"

"Ahm, oo. Pero gusto ko pang marinig ang boses mo eh."

Napangiti nanaman ako. "Matulog ka na. Mukhang pagod ka eh."

"Ayoko pa. Gusto ko pang marinig ang boses mo. Alam ko kasing bukas hindi ko nanaman maririnig 'yang boses mo dahil ayaw mo akong makita."

Napapikit ako ng mariin. So, kaya pala hindi na niya ako pinuntahan nitong mga nakaraang araw dahil alam niyang ayaw ko siyang makita? Siya na mismo ang lumayo para gawin ang gusto ko?

Napahawak ako sa aking dibdib. Bakit ang sakit banda rito? Sobrang sakit.

"Uh.." Wala akong maisagot. Shit. Bakit kasi ang direkta niya sumagot? Parang kung anong nasa isip niya, sinasabi niya agad eh. Hays, pero nakaka-miss talaga siya.

"I missed you, my ovel."

Napadiin ang pagkagat ko sa aking labi ng marinig ang mga salitang 'yon mula sakaniya. Gosh. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Damn.

"I missed you too, Luijin." Pagkatapos kong sabihin 'yon, nakarinig ako ng mahinang mura mula sa kabilang linya. Hindi ko mapigilang matawa.

"Damn it, Cherry. Pakiulit nga?"

"Hmm. Bahala ka. Ayoko ng ulitin." Sambit ko at biglang napahalakhak.

"Ang daya mo! Argh!"

"Bingi ka kasi eh."

"Fuck. Biglang nawala ang antok ko."

Mas lalo akong natawa dahil sa sinabi niya. Argh. Luijin. Bakit ka ba ganyan ha? Baka hindi ako makatulog dahil sayo!

"Matulog ka na."

"I'm not sleepy."

"Sabi mo kanina inaantok ka na tapos ngayon hindi na?" Nagtatakang tanong ko.

"Yeah. Sinabi mo kasing miss mo narin ako."

"So, narinig mo 'yon? Gusto mo lang ulitin ko?" Tanong ko.

"Ahm, yup."

"Tss. Matulog ka na. Papatayin ko na ang tawag—"

"No. 'Wag mo munang patayin." 

"Bakit nanaman ba? Inaantok ka na diba? Kailangan mo ng matulog."

"Hmm. Gusto ko ikaw muna maunang matulog bago ako. Ladies first."

"Paano ako makakatulog eh hindi pa naman ako inaantok?"

"Kakantahan nalang kita."

Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Hindi na ako nakapagsalita dahil bigla ko nalang narinig ang kaniyang malambing na boses habang kumakanta.

"All I hear is raindrops

Falling on the rooftop

Oh baby tell me why'd you have to go

Cause this pain I feel

It won't go away

And today I'm officially missing you"

Hindi naman ganun kaganda ang boses niya pero bakit kapag sa pandinig ko gumaganda 'yon?

"I thought that from this heartache

I could escape

But I fronted long enough to know

There ain't no way

And today

I'm officially missing you"

Pinikit ko ang aking mata at parang nakakaramdam na ako ng pagkaantok.

"Oh can't nobody do it like you

Said every little thing you do

Hey baby say it stays on my mind

And I, I'm officially—"

Nanatiling nasa aking tenga ang cellphone na hawak ko pero mahimbing na akong nakatulog dahil sakaniyang kanta at sa kaniyang malambing na boses.

Kinabukasan, ginising ako ni Sue gamit ang maingay niyang boses. Ngayon pala ang alis namin papuntang Cebu. Mabilis akong naligo at nagbihis. Pagkatapos nun ay mabilis kong inayos ang gamit na dadalhin papunta doon sa Cebu.

Pagkalabas ko ng kwarto, nakita kong handa na sila Sue at Al. Napasulyap ako kay Al na nakabusangot.

"Tanghali ka na nagising, bruha ka." Sermon sakin ni Sue na para bang walang isyung nangyari kahapon.

"Uh, sorry." Maikling sagot ko nalang. Hindi sila sumagot. Naunang lumabas si Al sa bahay at sumunod naman kami sakaniya ni Sue. Nakakapit si Sue sa aking braso habang palabas kami saming bahay.

"Galit parin ba sakin si Al?" Tanong ko.

"Oo. Halata naman eh." Sagot ni Sue.

"E-Eh ikaw? G-Galit ka sakin?"

Kumunot ang kaniyang noo. "Gusto kong magalit pero hindi ko kaya, Lyk. Naiintindihan kita."

Hindi ako nakasagot sakaniyang sinabi. Dumiretso na kami sa kotse ni Al na bagong linis lang. Nagpa-car wash yata 'to nung isang araw. Umupo si Sue sa front seat habang ako ay dumiretso sa back seat. Nagsimula ng magmaneho si Al ng bigla akong nakaramdam ng pag-vibrate sa loob ng sling bag na dala ko. Dala ko nga pala ang cellphone na binigay sakin ni Luijin!

Kinuha ko 'yon at mabilis na binuksan. Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Luijin. Nanlaki bigla ang aking mata ng mabasa ang mensaheng 'yon.

Good morning, my ovel. I'm here in Cebu. I wish you'll be here too :(

Sent at 10:07 AM.

•••
Featured song: Officially Missing You by Tamia.

Continue Reading

You'll Also Like

Ang Unang Reyna By Thia

Historical Fiction

16.5K 453 27
Ika-labindalawa ng ikaanim na buwan sa taon'g 1898, ako'y nasa dose anyos nang magtungo kami ng akin'g pamilya sa Cavite El Viego. Hindi ko maintindi...
165K 4.9K 54
Titled : Campus Queen : The Beginning Of the end Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 3 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) ** Note...
60.1K 1.9K 43
Lumilipas ang panahon, naghihintay na makamit ang tamang pagkakataon. Lumilipas ang bawat oras, naghihintay na bumalik ka sa piling ko. Siguro nga hi...
2.6M 50.9K 100
Teaser Video -> https://youtu.be/4Of2pPg2lWU Paano kung biglang magkaroon kayo ng barkada mo ng instant trabaho? Trabahong bongga ang sweldo. Ang...