I Think I'm Falling (ongoing)

By decemberbabyy

4.9K 99 48

Nagpapanggap si Kara at Jeffrey na "sila" para pagselosin at makipagbalikan si Bianca, ang ex-girlfriend ni J... More

Chapter 1 (No Prologue)
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 27 Chapter 27
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36

Chapter 2

206 3 2
By decemberbabyy

Dedicated to my first reader! Hi :)))) Thank you for reading, Raya!

__________________________

KARA'S POV

"I want Bianca back." in a blank face. No emotions.

Bakit gusto niyang mapasakanya ulit si Bianca? Don't tell me, mahal niya si Bianca? Marunong din palang magseryoso ng babae 'tong taong 'to? Akala ko puro panti-trip lang ang alam nito e.

Yeah. Bianca. His ex-girlfriend.

Ang alam ko, hiniwalayan siya ni Bianca dahil sa pagiging chickboy niya. Nako! Buti nga sa kanya!

Pero teka...

AKO ang gagamitin niya para pagselosin ang EX niya?

Ano ako dito, PANAKIP-BUTAS?!

Over my dead precious body!

"NO WAY!"

"Ayaw mo?"

Umiling lang ako. "Ayaw."

"Fine." *kibit-balikat* 

Hohohohoho >:D Akala ko, pipilitin pa 'ko e.

"Madali lang naman akong kausap eh. Nga pala, Kara. Si Tiito Fred yun a?" 

 WHAT?! 

"Kara! Nak!"

"D-dad?"

Bigla akong pinagpawisan. Lumingon ako kay Jeffrey. Ngumiti pa siya sa 'kin na nagloloko. 

Sinalubong niya si dad at nagmano. "Good afternoon po, Tito."

"Oh Jeff! Kamusta?"

"Okay lang po. Eto, gwapo pa din."

Napatawa si dad sa sinabi niya at ginulo ang buhok niya na parang natuwa pa si dad sa sense of humor ni Jeffrey. 

Bakit ba ang hahangin ng mga lalaki? Oo alam kong gwapo siya pero duh? Kailangang ipagmayabang?

"Ang sabihin mo, chickboy pa din. Pakialamero pa." bulong ko kunyari pero alam kong narinig niya dahil napalingon siya sa 'kin.

"Binabantayan mo ba si Kara lage? Ha, iho?"

Bigla niya akong inakbayan.

"Syempre naman, tito! Sa katunayan po, may gustong sabihin sa inyo si Kara e."

'Wag mo 'kong ilalaglag, Jeffrey! Papatayin kita! I swear!

"Right, Kara?"

Tumingin siya sa 'kin at ngumiti na naman. Yung evil smile.

 "Ano ba yun, Nak?" 

Anong sasabihin ko?! 

"U-hm. Ano dad... Wala lang po!" 

Tinanggal ko ang kamay ni Jeffrey at yumakap sa daddy ko.

"Na-miss ko lang po kayo! Hindi po kasi kayo sumabay ng dinner samin ni mommy kagabi!" 

Nag pout pa 'ko na nagtatampo kunyari. Sana makalusot! Crossed-fingers!

Hinaplos ni daddy ang buhok ko at ngumiti.

"That's why I'm here. Kakain tayo sa labas."

"Yey! Talaga po?" 

Ngumiti lang si daddy as his response.

"Tss. Parang bata." 

"May sinasabi ka, Jeff?"

"Wala."

"Tss." 

By the way, I'm Kara Reyes. At etong siraulong kaharap ko na muntik na 'kong pinahamak? Siya si Jeffrey Chua. Ang sama ng ugali noh? Kaya hindi kami naging close ever since. Magkababata kami, Oo. Pero hindi magkaibigan.

Muntik na kasing magsara ang kompanya namin dati. Nag backout lahat ng investors kasi naba-bankrupt na daw ang kompanya. At ang pamilyang Chua ang tumulong sa 'min. 

Sobrang close ng mga parents namin. Sila lang. Kami? NEVER!

Simula pagkabata, hinding-hindi kami nagkasundo ng Jeffrey na 'to. Pareho din kaming nag-iisang anak ng parents namin. Palagi akong dinadala ni mommy sa kanila. Ganon din si Tita sa kanya. Kaya sa ayaw at gusto namin, magkikita at magkikita pa rin kami.

Behave kaming dalawa kapag kaharap namin sila. Ang hindi nila alam, para kaming mga aso't pusa kung magbangayan kapag nakatalikod sila.

Gaya ngayon, nagbubulungan kami habang nag-aaway.

Lumingon uli ako kay dad. "Tara na po!"

"Ikaw, Jeff? 'Di ka sasama?" tanong ni dad.

Tumingin ako kay Jeffrey at pinanlakihan ko siya ng mata.

"Nope. Hindi na po, tito. Thank you nalang po! Baka makaistorbo pa po ako sa family date niyo e."

Mabuti naman! Hinila ko na kaagad si daddy bago pa may masabi si Jeffrey.

Naglalakad na kami ni daddy palayo kay Jeffrey.

"Bye, Kara!" 

 

Hindi ako sumagot.

"Nak, bye daw sabi ni Jeffrey."

 

 "Bye!" 

Nag-bye na din ako pero hindi ako lumingon. Baka mag-e-evil smile na naman yun at baka kung anong trip na naman ang maisipang gawin.

Muntik na 'kong mabisto! Mabuti nalang talaga nakalusot dahil kung hindi, lagot!

__________________________________________

*to be continued

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
2.8M 53.5K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
908K 36.9K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...
24.9K 1.3K 27
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24