The Thief Red Riding Hood ✔

By marshymaoa_

68.8K 1K 27

Kyril Series #1: The Thief Red Riding Hood Highest Rank: #2 Thriller Alice Kyril is the youngest and last chi... More

Kyril Series
Disclaimer
Prologue
#Chapter01
#Chapter2
#Chapter3
#Chapter4
#Chapter5
#Chapter6
#Chapter8
#Chapter9
#Chapter10
#Chapter11
#Chapter12
#Chapter13
#Chapter14
#Chapter15
#Chapter16
#Chapter17
#Chapter18
#Chapter19
#Chapter20
#Chapter21
#Chapter22
#Chapter23
#Chapter24
#Chapter25
#Chapter26
#Chapter27
#Chapter28
#Chapter29
#Chapter30
#Chapter31
#Chapter32
#Chapter33
#Chapter34
#Chapter35
#Chapter36
#Chapter37
#Chapter38
#Chapter39
#Chapter40
#Chapter41
#Chapter42
#Chapter43
#Chapter44
#Chapter45
#Chapter46
#Chapter47
#Chapter48
#Chapter49
#Chapter50
#Chapter51
#Chapter52
#Chapter53
#Chapter54
#Chapter55
#Chapter56
#Chapter57
#Chapter58
#Chapter59
#Chapter60
#Chapter61
#Chapter62
#Chapter63
#Chapter64
#Chapter65
#Chapter66
#Chapter67
#Chapter68
#Chapter69
Note!
#Chapter70
#Chapter71
#Chapter72
#Chapter73
#Chapter74
#Chapter75
#Chapter76
#Chapter77
#Chapter78
#Chapter79
#Chapter80
Epilogue
Last Note
#SpecialChapter1
#SpecialChapter2

#Chapter7

1.4K 25 0
By marshymaoa_

#Chapter7

Sa kalagitnaan ng gabi at sa tahimik na lugar may isang lalaki kung makamanman ay parang may mangyayaring masama na sa katunayan ay meron nga.

"Ayst! 9pm na pero bakit hanggang ngayon wala pa rin siya?" reklamo niya wala siyang ibang kausap kundi ang sarili niya.

Sa kabilang banda may isang babae na kung mag lakad ay parang pasan niya lahat ng problema sa mundo, nakayuko habang sinisipa ang bato ang direksyon ng kanyang paglalakad ay papunta sa lalaki.

Ng nakita ng lalaki ang babaeng nag lalakad ay bigla siyang lumabas ng kanyang kotse at nilapitan niya ito.

"Alice?"

"Huh?" napaangat ni Alice ang kanyang ulo ng marinig niyang may tumatawag sa kanyang magandang pangalan.

"Zyryl?"

"Anong ginaga--" di napatuloy ni Zyryl ang kanyang sasabihin dapat dahil bigla siyang may narinig na kaluskos malapit sa bahay ng kanyang binabantayan kanina pa.

"Diyan ka lang Alice ah! babalik lang ako.." Mag sasalita na sana si Alice ng biglang tumakbo si Zyryl sa kinaroroonan ng ingay.

-
Palinga linga si Red Riding Hood ng bigla nalang may gumuhit na ngiti sa kanyang mga labi ng makita niya si Zyryl palapit sa kanyang pwesto.

"Sagabal ka talaga kahit kailan.." bulong niya sa kanyang sarili at tumalon na siya papasok sa bahay ng Chua bago pa siya makita nito..

Binilisan niya ang kanyang pagsasagawa sa kanyang mission para di ito maabutan ng binata..

Mabilis niya lang nahanap ang kanyang pakay dahil nasa kwarto lang naman ng dalaga ang nanakawin niya nilagay niya ito sa kanyang bag at tulad ng dati may iniiwan siya.

Umakyat siya ng pader bago tumalon palabas ng lugar ng pamilyang Chua palinga linga siya at nakita niya si Zyryl na palinga linga din na parang may hinahanap. Tumalon siya ng di nagdadalawang isip.

"May hinahanap ka?"

"Fvck!" biglang humarap ang binata sa kanya ng nakahawak sa kanyang dibdib

"Nagulat ba kita?"

"Ano ba ginagawa mo dito?" at binigyan naman siya ng masamang tingin ng binata kaya naman napangiti nalang siya at talagang pinakita niya yung ngiti niya sa binata dahil alam niyang ngiti palang niya naiinis na ito..

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan Mr. Investigator.. bakit alam mo kung saan ako pupunta?"

"Wala ka ng pakialam don.." Bigla namang nag labas ng baril si Zyryl kaya mas lalong ngumuti si Red Riding Hood at yun naman lalong nakakapag painis kay Zyryl..

"Talaga bang di mo ko kaya sa mano mano at nag dala ka na ng baril? uhm?"

"Tsk! Itaas mo kamay mo"

Sinunod naman ng dalaga ang sinabi ni Zyryl, nilapitan ito ni Zyryl habang nakaturo parin ang baril sa babae.

Akmang hahawakan ni Zyryl ang hood ni Red Riding Hood ng biglang hinawakan ng dalaga ang kamay ni Zyryl at umikot siya at sinipa ang hawak na baril ni Zyryl.

"Not my Hood Mr. Zyryl.."

Kukunin na sana ulit ni Zyryl ang kanyang kamay na ngayong hawak parin ni Red Riding Hood pero hinigpitan niya ang pagkahawak nito para di makawala..

Itinuhod ng dalaga ang tiyan ni Zyryl kaya naman napaimpit ito sa sakit napahawak siya sa tiyan niya gamit ang malayang kamay niya pero inikot siya ni Red Riding Hood

"Shit!" Napamura nalang siya ng narinig niya ang kanyang dala dalang posas na para sana sa dalaga ay nagamit ng dalaga sa kanya.

Hinila siya nito at kukunin niya sana ang kanyang kamay ng di niya ito makuha kaya nilingon niya ang kanyang kamay na nakaposas, nakaposas ang isa sa puno kaya napalingon siya kay Red Riding hood sabay tapon nito ng tingin..

"Next time di na sipa matatanggap mo sakin... masyado kang sagabal sa trabaho ko... di naman kita pinapakialaman sa trabaho mo..."

"ikaw ang trabaho ko tangina.."

"Edi ang gawin mo kolektahin lahat ng iniwan kong ebidensya at don mo dapat malalaman san ako hahanapin at kung sino ako di yung harap harapan mo kong hahanapan ng ebidensya.."

Bigla namang ngumiti ang binata

"Bakit natatakot ka bang mahuli?"

"Hindi naman, wag mo kong hanapan ng ebidensya ng harap harapan dahil alam mong di ako simpleng babae lang.."

Tinitigan lang ito ni Zyryl kahit papaano naghahanap padin siya ng pag asang makita ang mukha nitong krimenal..

"Baka ikaw na ang dahilan ng pag imbistiga ng mga kasamahan mo..."

Mas lalong sumama ang tingin ni Zyryl kaya naman napangiti ang dalaga..

"Baka masikatan ka ng araw wala ka ng malay habang buhay.."

"Huh! Ano akala mo sakin matatakot diyan sa mga sinasabi mo?"

"Depende sayo.." May itinaas ang dalaga at inihulog niya ito sa paanan niya isang susi, susi ng posas.

"See you arround.." at tumakbo na palayo si Red Riding Hood

Zyryl' POV

Inabot ng paa ko yung susi ng mahila ko ito palapit sakin di ko parin nakukuha dahil sa itaas ng sanga niya ako pinusasan..

"Shit!"

"Z-zyryl.." Bigla ko namang nilingon nung nag mamay ari ng boses

"Alice."

"Anong nangyari sayo?" lumapit siya sakin..

"Paki kuha nung susi.." turo niya kinuha naman ito ni Alice at binigay sa kanya.. ng makawala siya sa pagkaposas itinanggal niya din yung sa puno at itinago ito..

"Bakit ka pumasok dito?"

"Ang tagal mo kasi.."

"May nakita ka bang lumabas galing dito?"

"Uhm.. wala pero may nakita akong babaeng nakapula na tumakbo palayo sa lugar na to.."

"Sinaktan ka ba niya?"

Umiling naman ito kaya inakay ko nalang siya palabas dito, ng nasa kalsada na kami humarap ako sakanya.

"Pasensya ka na ha? ano pala ang ginagawa mo dito?"

"Pauwi na kasi ako.."

"Teka di naman ito daan pauwi sa atin ah?"

"Atin?"

"Oo nasa iisang subdivision yung bahay natin."

"Ahh.."

"So bakit nga?"

"Ah mahilig kasi akong mag adventure kaya kahit saan nalang ako dumadaan.."

"Gabi na pero adventure?"

Ngumiti naman ito sakin kaya tinignan ko siya mula ulo hanggang paa

"Nag aaral ka?"

"Ah.. yeah pinaral ulit ako ng nanay ko.."

"Bata ka pa pala akala ko kaedad lang kita., tara ihatid na kita sa inyo.." Binuksan ko yung pinto sa passenger seat ng pumasok na siya isinara ko na at pumasok naman ako sa driver seat at nag simulang mag drive

"Uhm Actually I stop noon at kaya ngayon high school padin ako.. graduating student.."

"Ganon ba? so ka edad lang kita?"

"Parang ganon na nga 19 ako ehh.."

"Haha di pala 20 na kasi ako.."

Naging tahimik naman kaming dalawa ng malapit na kami sa binababaan niya palagi

"Uhm Alice pwede ko na ba makuha number mo?"

"huh"

"Sabi mo kasi pag ikatatlong kita natin ibibigay mo sakin yung number mo.."

"Ahh ganon ba?" pinark ko sa tabi ng kalsada yung kotse pagharap ko sakanya biglang may binigay sakin na phone..

Kinuha ko ito at tinignan yung screen nasa phonebook kaya tinaype ko yung number ko at binigay sakanya..

Bigla namang nag ring yung phone ko kaya kinuha ko ito at number lang..

"Yan number ko.. salamat.." bago pa ako makapagsalita nakababa na siya at nag simulang maglakad

"Yes nakuha ko na din yung number niya.."

Continue Reading

You'll Also Like

8.5K 298 62
PYROMANIA py·ro·ma·nia\ˌpī-rō-ˈmā-nē-ə, -nyə\ noun : an irresistible impulse to start fires _________________________________________ Mercedes Irving...
6.5M 330K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
337K 7.4K 39
The Hellion's Craves. [Conquer your Fears and Learn to Fight] ©All rights reserved. Werewolves/Hybrids/Romance/Action/Mystery/Fantasy MoiSelle_Unicor...
Sena By Eros

Fantasy

11.3K 4.8K 48
The one who remembers will be the one who can't remember at all.