You're Still The One (A SharD...

By imnotkorina

245K 7.1K 1K

"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time." More

YOU'RE STILL THE ONE (A SHARDON FANFICTION)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER: She's The One

CHAPTER 40

3.4K 110 12
By imnotkorina

Padarag niyang hinila ang tali ng buri hat ni Donny na nakasabit pa rin sa kanyang leeg bago iyon tinapon sa backseat ng nilululanang sasakyan. Kung nagtataka man sa hindi magandang mood niya, hindi iyon pinahalata ni Mel na siyang napag-utusan ni Donny na ipag-maneho siya pauwi sa hacienda.

She never thought of Donny as a womanizer. But she never expected him to own a big time ranch and a gun, either. Kailangan niyang ulit-ulitin sa kanyang isip na iba na ang Donny Pangilinan na kaharap niya ngayon. And then she realized again that she never really knew him even before. Dalawang buwan lang niya ito'ng nakasama noon bago sila nagkahiwalay ng ilang taon.

She didn't know his dreams, his motives or his way of thinking. Ang alam niya lang ay minahal niya ito at masyado siyang nabulag sa damdaming iyon dahilan para hindi niya asahang kailanman ay lolokohin siya ni Donny. And until now, even after so many years, she's still a slave to her feelings for him.

Maybe Ysabel's presence a while ago was a blessing in disguise. She came just in time to save her from a colossal mistake that she's about to commit. Judging by the way she behaved a while ago, she's damn certain that she'd find herself naked on Donny's bed the moment they stepped into his house.

Donny wanted to claim her. His intent was so obvious with the way he looked at her using those heated brown eyes. And her response to it was apparent with the way she just melted into his touch and kisses without showing even a bit of hesitation. There's nothing that could've stopped it, she knew. Not until she was filled with rage at the sight of Ysabel coming out from Donny's house and she was bitch slapped straight onto reality.

Ngayon ay ipinagpapasalamat niya nang napigil iyon. Nasisiguro niyang mas matinding pagsisisi ang mararamdaman niya oras na muli niyang ipagkaloob ang sarili kay Donny. She could forgive herself for letting him kiss her. But sleeping with him is like taking her stupidity to a higher level. Kahit siya'y ikakahiya ang sarili pagkatapos.

She has to fight this strong female attraction that she has for Donny. He's handsome, alright, and strong and virile and very much capable but her heart isn't safe with him. Alam niya kung paanong kayang-kaya siyang saktan ni Donny anomang oras nito gustuhin o sa kahit ano'ng paraan nito naisin. Sa kanya nakasalalay ang pag-protekta sa sarili...sa kanyang puso. If she let her guard down and let her feelings prevail over reason again, the damage might be beyond repair.

Sana lang sa pagkakataong ito magawa na niyang totohanin ang paglayo.

Ang biglaang pagtigil ng sasakyan ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. She's already home.

"Thank you, Mel," she allowed a weak smile before opening the car's door on her right.

Pagbaba niya ay kaagad niyang napansin ang isa pang sasakyang kakahinto lamang sa likuran ng sinakyan. Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang makitang si Donny ang nasa likuran ng manibela ng lumang pick-up. His eyes, angry and pleading, were directed at her.

Isinantabi niya ang ginawang paglukso ng puso at nagdire-diretso sa loob ng villa. Hindi na ito tinapunan pa muli ng tingin.

She gave up looking for a private nurse for her father. Siguro nga mas maganda kung sila na lang ng kanyang tiya ang magsalitan sa pag-aalaga sa ama. At least she could spend more time with him. And it's almost four weeks now since she came back, halos kabisado na niya ang rutina ng tiya sa pag-aalaga ng kanyang daddy.

"Aren't you going to answer your phone, princess?" her father said.

Nasa garden sila ngayon at kasalukuyan nitong ini-enjoy ang maaliwalas na panahon. Mataas ang sikat ng araw pero dahil sa lilim na hatid ng mga puno ay hindi direktang tumatama iyon sa kanilang balat.

Nag-angat siya ng tingin mula sa mga bagong disenyong ini-sketch. Sinisiguro ni Sam na araw-araw siyang makaka-tanggap ng update tungkol sa negosyo kahit nasa malayo siya. So far, wala namang kahit na ano'ng malaking problemang idinudulot ang matagal niyang pagkawala. She has the best team and Sam was more than efficient on her job.

But she's not completely neglecting her responsibilities. Malaki ang naitutulong ng kanyang kapaligiran para bahain ang isip niya ng sari-saring ideya para sa disenyong maaari nilang ilabas sa susunod nilang collection. Mainam din ito'ng distraction para sa kanya lalo na mula sa lalaking kasalukuyang tumatawag ngayon sa kanyang cellphone.

It's been two days since she visited Donny's ranch but he didn't stop bothering her. Araw-araw ang pagbisita nito at hindi na lang tuwing agahan nambubulabog, maging sa dinner ay nagpupunta ito roon. Mabuti na lang at ang nangyari sa rancho nito ang tuluyang nagpabalik sa isip niya sa tamang landas. Mas naging mahusay pa siya sa pag-iwas dito dahilan upang hindi sila mabigyan ng pagkakataong mapag-isa. Judging from her experience, she knew it's more difficult to resist him when they're alone.

"It's...not important," she said before focusing her attention back to the task again.

"How did you know it wasn't? Hindi mo pa sinasagot. Si Donato ang tumatawag, hija," patuloy ng kanyang ama.

She sighed, hindi na muli maituloy ang pagguhit. She could take the phone and excuse herself from her father before ending the call. Ngunit bago pa niya mapagtagumpayang gawin iyon ay nagsalitang muli ang kanyang daddy.

"May problema ba kayong dalawa, Lily?" sinsero nitong tanong.

Nais niyang matawa roon. Para kasi silang mag-nobyo ni Donny sa paraan ng pagtatanong ng kanyang daddy. "None, dad. Bakit naman kami magkaka-problema?"

"I thought you, two, were back together," her father said plainly.

Halos mabilaukan siya roon. Mabilis siyang umiling. "No! I mean, no were not, dad." Nangingisi siya rito. "I'm in a relationship with someone else," she lied just in case her father would push the topic about her and Donny. Kung ano man ang nagbigay dito ng ideya na nagkabalikan sila ni Donny, hindi niya alam.

Bahagyang itinabingi ng ama ang ulo nito upang pagmasdan siya ng mabuti. He became thinner now and the circles around his eyes became a little darker. Ngunit nananatiling matalino at alerto ang mga mata nito habang pinapanood ang kanyang ekspresyon.

"Kanino?"

"T-Turs," she croaked. "You know him, dad. The guy who went here before. Remember?"

"Oh, him," tumango ito at bakas ang recognition sa anyo. "Iyong binugbog ni Donato?"

Kinunutan niya ng noo ang ama nang makita ang naaaliw nitong ngiti habang inaalala iyon. "Why are you smiling now, dad? You're so mad before!"

Nagpakawala ito ng maikling tawa bago tumingin sa malayo. His laugh melted into a faint smile. "Hindi naman dahil doon kaya ako nagalit noon, Lily. And I'm sorry to say this but...I never really liked that guy for you. Pero ayaw ko rin namang ipahiya ang bisita mo."

Suminghap siya bago tuluyang binitawan ang sketch pad at lapis sa ibabaw ng bilugang mesa. She doesn't feel upset about her father's confession. Siguro ay dahil wala na rin naman talaga sila ni Turs ngayon.

"So...bakit ka nagalit noon, daddy?" she asked curiously.

Mas lalong naging malamlam ang anyo ng kanyang ama. "Dahil nang araw din na iyon inamin ni Donny sa akin ang tungkol sa relasyon ninyong dalawa."

She stilled. For a moment, she was speechless. Inalala niya ang lahat hanggang sa bumalik siya sa araw na iyon. Ang araw na naging hudyat ng pagguho ng mga pangarap niya kasama si Donny.

"Nakaramdam na ako noong mapansin kong masyado na kayong nagkakalapit na dalawa. I want you to be close, alright, but as a brother and sister. Ngunit hindi ganoon ang nakikita ko kaya sinubukan kong pigilan," anang kanyang ama sa mababang tono.

"Sinabihan ko siyang tapos na ang tungkulin niyang ipasyal ka rito. I'd also given him tasks that would require him to constantly go outside. Kahit ano'ng paraan huwag lang siyang mabigyan ng dahilan para pumunta pa rito sa villa at bisitahin ka," her father allowed a sad smile to touch his lips. "Donny is smart. Alam kong nahahalata niya ang ginagawa ko. But he didn't say anything and simply followed all my orders."

Nanatili siyang walang kibo. Sari-sari ang naglalaro sa kanyang isip at damdamin habang pinapakinggan ang pag-amin ng kanyang ama.

"I thought his silent cooperation means acceptance but I was wrong. Nakaluhod siya noong nakiusap sa'kin habang humihingi ng tawad. He told me that he tried his best to resist falling in love with you but he can't. Nagmakaawa ang batang iyon sa'kin na huwag nang ituloy ang kasal namin ni Mirasol at hayaan na lang ang relasyon ninyong dalawa. But what really enraged me that time was when he told me that he probably got you pregnant," naiiling na natawa ang kanyang daddy. "That punk..."

Halos mahulog ang kanyang panga sa narinig. What the hell, Donny?! Nag-init ang kanyang pisngi dahil doon. Pakiramdam niya ay anomang oras sasabog na siya sa labis na kahihiyan.

"Kung hindi lang dahil sa pagpigil ni Mirasol, hindi ko alam kung ano'ng nagawa ko kay Donato nang mga oras na iyon. He's the last person that I expect to betray me. Walang ibang ginawa ang batang iyon kung hindi ang sumunod at gawin ang lahat ng sasabihin ko. And then it just happened. But I guess I underestimated his feelings for you. Hindi ko akalaing ganoon na iyon katindi at kalalim," her father smiled fondly at her.

Nag-iwas siya rito ng tingin. Nalilito pa rin sa sariling pakiramdam.

"I'm sorry, Liberty, for getting in the way. Alam kong hanggang ngayon ay naaapektuhan pa rin kayong dalawa ng mga nangyari, hindi mo man iyon aminin sa'kin. But I have long accepted that Mirasol and I were just really not for each other in this lifetime. Hindi ko na sana pinilit noong una pa at na-kontento na lang sa kung ano'ng mayroon kami. 'Di sana...sana walang humahadlang sa kasiyahan ninyong dalawa ni Donny."

Napasinghap siya bago ilang sandaling nanatiling tahimik. Nang makapag-isip-isip ay muli siyang nagsalita. "I'm the one who should apologize, dad."

"And why is that?" malumanay na tanong ng kanyang ama.

"Because I've been so selfish," she admitted.

"Liberty..." marahang tawag sa kanya ng ama.

"When I learned about your plan on marrying Aling Mirasol, I hated you. I felt like you're getting rid of me and mom from your life because you wanted to have a new family. I was so jealous, especially, with Donny because he's so close to you. You taught him everything about this hacienda. Nagkakasundo kayo dahil iisa ang interes niyo. I thought that you love him more than me and that you'd rather have as him as your son because he's more useful," nangilid ang kanyang luha. "I felt like you made a choice and you didn't choose me."

"Hija...princess, that's not true," sa nanginginig na mga braso ng kanyang ama ay pilit nitong pinagulong ang sariling wheelchair patungo sa kanya. Her father gathered her hands in his when he got close enough. "I will never choose anyone over you. Mas mahalaga ka sa'kin kumpara sa kahit na ano o kahit na sino. I love Mirasol but it can never surpass my love for my only daughter."

"But I hurt you," tuluyan na siyang naiyak. "I prevented you from being happy because I was too selfish. If only I became more understanding. If only I didn't allow hate to get the best of me."

Mabuting tao si Aling Mirasol. Nakita niya kung paano nito alagaan ang kanyang ama hanggang ngayon. The only reason why she cannot allow herself to become friendlier with her is because of her mother. Ayaw niyang maramdaman ng ina na mas pinapaboran niya si Aling Mirasol kumpara dito.

"Hindi mo ako sinaktan nang tutulan mo ang sana'y pagpapakasal ko kay Mirasol, Liberty. It's when you left and cut out on me that hurt me the most," nanubig ang paligid ng mga mata ng kanyang ama sa sinabi. "Kung hindi ka bumalik sa'kin, anak, alam kong hanggang sa kamatayan ko hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

Lahat ng pagdadalawang-isip at kuwestiyon niya tungkol sa pagmamahal sa kanya ng ama ay tuluyang nabura. Sapat na ang mga narinig niya upang malaman kung gaano siya nito kamahal at kung gaano siya ka-importante sa buhay nito. Sapat na ang mga nalaman para maramdaman kung gaano siya kasuwerte na magkaroon ng ama na tulad nito.

Niyakap niya ang kanyang daddy ng mahigpit habang paulit-ulit na humihingi ng tawad. Nabulag siya sa matinding sakit at selos dahilan upang hindi niya maisip kung paano naghirap ang ama sa ilang taon na pagtanggi niyang kausapin o makita man lang ito.

Nang kumalma na ang kanilang mga emosyon ay bumalik siya sa kanyang upuan habang tinutuyo ang mga luha. She smiled at her father and helped him in drying his tears too. "I love you so much, daddy."

Ngumiti rin ito ngunit muli na namang naipon ang luha sa paligid ng mga mata. "I love you too, princess. Do not forget that."

"I won't," she promised.

Her father was silent for a few moments before speaking again. "Pero tuluyan lang na mabubura ang guilt na nararamdaman ko kung makikita ko kayong dalawa na masaya ni Donato."

Hindi niya akalaing maibabalik muli doon ang paksang nabitawan na nila kanina. Wala tuloy siyang nasabi dahil sa pagkabigla.

"He loves you so much, hija, iyon ang napatunayan ko. Hanggang ngayon. At kung siguro ako lamang ang masusunod...I'd prefer Donny to become your husband. Mas mapapanatag ako."

Husband! Nais niyang tawanan iyon...ngunit ibayong init ang gumapang sa kanyang dibdib nang marinig ang sinabi ng ama. Naaalala niya ang batang Liberty na nangangarap mapangasawa si Donny. Nangangarap maging maybahay nito at maging ina ng mga magiging anak nito. Nangangarap ng isang ordinaryong tahanan at pamumuhay na kasama ito.

What a silly dream, she thought. Pero noon...napakagandang pangarap iyon na ipina-panalangin niyang matupad. She looked forward to it like a kid waiting for Christmas. Hindi pa man nangyayari, tuwing iisipin niya iyon ay napupuno ng galak ang kanyang puso. Noon...

Pero hindi na ba ngayon?

Alam niya sa kaibuturan ng puso na ang sagot sa tanong na iyon ay hindi. Nang muling magtama ang mga tingin nila makalipas ng sampung taon, she knew right then that he's still the one. That no matter how hard she tried to make herself hate him, in the end, she just loves him even more.

Tila walang silbi ang pagkakalayo nila ni Donny ng ilang taon. Ang bayolenteng tibok ng puso niya at ang paraan ng pagtugon ng katawan niya rito, para bang hindi iyon naapektuhan ng panahon. Mahal niya pa rin si Donny. Mahal na mahal...

But now that she finally surrendered and admitted that unfortunate truth to herself, lalo lamang siyang nakaramdam ng takot. She doesn't need to go through all the reasons why she shouldn't feel this for Donny again and again. Basta, alam niyang ang pinaka-makakabuti sa lahat ay layuan si Donny at ilihim sa sarili ang tunay na nararamdaman.

Nag-desisyon na rin naman siyang tigilan ang kahibangang ito at iyon na ang paninindigan niya.

"It's been ten years, dad," she said. Ilang beses na ba niyang idinahilan iyon? Para na siyang sirang plaka. "I don't want to dwell in the past anymore. I am already contented with my relationship right now with Turs. In fact, we have been talking about getting married." Damn, she's definitely going to hell for all her lies.

"Totoo ba, hija?" bakas ang gulat sa anyo ng kanyang daddy. "Mahal mo ba ang lalaking iyon?"

No. Iisa lang ang lalaking minahal niya at, siguro'y, mamahalin niya sa buong buhay niya. Ngunit kailangan niyang tanggapin na hindi maaari si Donny. Na kung sakali mang ikakasal siya balang-araw, ang nararamdaman niya para sa lalaking iyon ay hindi man lang papantay o lalapit sa nararamdaman niya para kay Donny. It wasn't fair but that's all she could give him.

"Yes," another lie.

Ilang sandaling natahimik ang kanyang ama. Pansin niya rin na tumigil na sa pag-iingay ang cellphone niya. Nagbuga siya ng hangin.

"When is the wedding?" tanong nitong muli.

"I-I don't know, dad. Naging busy kami pareho ni Turs so we haven't decided about the date yet. Wala pa ring konkretong plano b-but it will happen. And of course, you're going to be there," sinubukan niyang ngitian ito ngunit isang seryosong tingin lamang ang binalik sa kanya ng ama. Hindi na niya pinansin pa iyon.

"So...don't feel guilty about Donny and I, daddy. I can't really imagine myself settling down with another man other than Turs. I-I'm happy with him," and more lies. She could already see the gates of hell.

Nanatiling mataman ang tingin sa kanya ng ama bago marahang tumango. "As long as you're happy," anito ngunit bakas pa rin ang pagdadalawang-isip sa anyo.

Tumayo siya at inayos ang suot na blusa. Humugot siya ng malalim na hininga na tila ba labis nanghina sa pinag-usapan nila ng ama kanina. "I'll just check if Mae's done preparing our lunch."

Nang tumango ang ama ay nagsimula na siya sa paglalakad pabalik sa villa. Ngunit dalawang hakbang pa lang ay natigilan siya nang makatitigan ang seryosong mga mata ni Donny.

Guilt flooded her expression. Gaano na ba ito katagal na nakatayo riyan? Narinig kaya nito ang pag-uusap nila ng kanyang daddy tungkol dito kanina? Just how much of their conversation did he hear?!

Tila lumukso ang kanyang puso sa lalamunan. Every nerve endings in her body tingled with awareness. Wala pa man ito'ng ginagawa o sinasabi, pakiramdam niya nagra-riot na ang kanyang pakiramdam.

Mas tumindi pa iyon nang magsimula na ito'ng maglakad palapit. She raised her chin and looked at him with equal coldness just to disguise her body's usual reaction when he's around. Handa na nga siyang itaboy ito...ngunit halos mabuwal siya nang lagpasan lang siya ng lalaki na tila siya hangin.

"Sir..." he greeted her dad.

Kumurap siya at nilingon ito habang kinakausap ang kanyang daddy. The features of his face were dark and stern as he talked. Ngunit ni minsan ay hindi dumadako sa kanya ang mga mata. Nang maalala niyang hindi niya dapat ito tinitignan ng ganoon, mabilis na siyang umalis doon.

He didn't eat dinner with them that night. Kinabukasan, wala ring Donny na nagpakita sa agahan. Ang sabi ng tita niya ay simula na ng bentahan ng baka kaya maaaring abala na ito sa pag-aasikaso no'n. But her mind just couldn't believe that reason.

Pero bakit pa niya aalalalahanin ito? At least, wala nang nanggugulo sa kanya. Hindi na rin kasi ito tumatawag. Maybe this is the start of her peaceful stay here. At last!

Hindi na rin niya masyadong naintindi ang hindi nito pagbisita sa mga sumunod na araw. Her focus was on her dad who doesn't feel so great for the last three days. Ilang beses na nilang kinumbinsi ito ng kanyang tiya upang ipa-admit sa ospital ngunit mariin ang pagtanggi nito.

"I'm fine. I just need to rest, princess," iyon lamang ang palaging sagot sa kanya ng ama.

Bagsak ang mga balikat niya nang lumabas sa silid ng daddy. Naabutan niya si Aling Mirasol at Tita Helga na nag-uusap sa sala. Sabay na napalingon sa kanya ang dalawa.

"P-Pupuwede ko bang makita si Albert, Lily?" paalam sa kanya ni Aling Mirasol nang malapitan niya ang mga ito. Sinasalamin ng mga mata nito ang matinding pag-aalala niya sa kanyang daddy.

Tumango siya, though, she doesn't have to ask for her permission all the time. Sa kabila ng pagiging mayaman na ng panganay na anak ni Aling Mirasol, she remained humble.

"Ayaw pa rin magpa-ospital ni daddy, Tita Helga. What are we going to do? I'm so worried," nangangamba niyang sinabi.

Bumuntong-hininga ito. "Hindi rin sinasabi ni Kuya sa'kin ang totoong nararamdaman niya kaya hindi ko masiguro kung ano'ng problema. But if he doesn't feel the need to be rushed in the hospital, s-siguro hindi rin tayo dapat mag-panic."

Ngunit maging ang tiya ay halatang nababahala pa rin.

"Princess..."

Mabilis niyang binitawan ang sketch pad upang daluhan ang ama. "Dad? Do you need anything?"

He smiled but it looks weak. "Help me get to my wheelchair. Gusto kong mamasyal sa hacienda."

Nagsalubong ang mga kilay niya sa request nito. Agad din siyang nag-alala. "B-But...you're still weak, dad. I think it's better if you just stay here in your room."

"Ilang araw na ako dito, hija. I want some fresh air and a different view." Nagsimula na nitong ibangon ang sarili kahit mukha pa ring nanghihina. "I'm okay now. I just want to go outside."

Wala siyang nagawa kung hindi ang sundin ang pakiusap ng kanyang ama. Maybe this will also help him get better. Iyon din marahil ang iniisip ng kanyang tita nang payagan sila nitong mamasyal sa paligid ng hacienda.

Hapon na kaya hindi na ganoon ka-init ang sikat ng araw. Presko at masarap ang simoy ng hanging umiihip. Ang tanawin ng mga berdeng halaman, bulubundukin sa malayo at amoy ng lupa't tuyong mga dahon ay nakakakalma. This may be a good idea, after all.

Ilang magsasaka ang huminto sa gawain ng mga ito upang batiin ang kanyang ama. They all looked so happy to see her father at kita niya sa kinang ng mga mata ng ama na ganoon din ang nararamdaman nito. Maikling kumustahan at usap ang nangyari. Masigla ang kanyang ama at nagagawa pang makipag-biruan na tila ba walang iniinda nitong nakaraan.

Lumapit si Mang Roman sa kanila nang sumilong sila sa ilalim ng malaking puno kung saan natatanaw ang bukirin. Ito ang foreman ng kanyang daddy at katulong ni Donny sa pamamahala sa hacienda. Nag-usap ang dalawa tungkol sa pananim at kung ano-ano pa habang tahimik siyang nakikinig.

"I couldn't imagine myself living somewhere other than this place, princess," anang kanyang ama nang mapag-isa na silang muli roon.

She smiled before nodding in agreement. Hindi niya rin maisip iyon. Her father was part of this land. No, this hacienda was him. Madalas banggitin sa kanya ng ama kung gaano ito kasaya at kapanatag tuwing nasa hacienda. Iyon ang dahilan kung bakit minahal niya rin ang lugar na ito kahit na noong hindi pa man niya napupuntahan.

Mula sa damong kinauupuan niya ay tiningala niya ito at nakita ang payapang tingin sa mga mata ng ama. She saw fondness in those eyes too, hope and great pride. Ibinalik niya ang tingin sa harapan habang ang mabining hangin ay isinasayaw ang kanyang buhok sa bawat ihip nito.

Mga magsasakang naka-ngiting nag-uusap habang nagtatanim at mga batang malayang tumatakbo sa malawak na lupa upang magpalipad ng saranggola ang ngayo'y natatanaw niya. It wasn't just the land that her father values but the people working here and the families that benefit from it too.

"I always wanted to live here," she said. "I've been to the best cities in the world, dad, and lived in one but nothing compares to this."

Kahit noong lisanin niya ang lugar na ito noon at mangakong kailanman ay hindi na babalik, alam niyang darating pa rin ang araw na muli niyang iaapak ang mga paa sa lupaing ito. Dadalhin siya ng puso pabalik sa lugar na ito. This is her home and, like her father, she felt like she's part of this place too.

"Then stay here, Liberty. This hacienda is our family heritage and, as a Bernardo, it's only right that you claim this now." Naramdaman niya ang marahang haplos ng ama sa kanyang buhok. "Will you take care of this land for me, princess?"

Tiningala niyang muli ang ama. "I-I can't," nangangamba niyang sinabi. "I don't know how."

"Promise me, princess. You don't have to do it alone," he smiled as if sure of something.

Pinagmasdan niya ang kanyang ama ng matagal. Kinakabisado ang bawat bahagi ng mukha nito. Itinatatak sa isip ang kapayapaan at tiwalang nakikita niya sa mga mata nito. She nodded and it brought a warm and contented smile on his lips.

Iyon ang huling pag-uusap at pangakong binitawan niya sa ama. At ang kahuli-hulihang pagkakataong makikita niya ang ngiti nito. 

Continue Reading

You'll Also Like

23.5K 4.1K 64
Everything seem so perfect. Pero bakit gano'n? Parang may kulang pa din. Is it What or Who? Eurica Vannesa San Diego, the heiress of one of the bigge...
1.6M 35.3K 162
A story made for Jedean Gawong Fan❤🌈
14.6K 342 36
Title: Dreaming Too High (ES #2) Genre: Romance Description: Everyone of us has a goal in life, Financially stable, peace of mind, love life and mos...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...