Could Have Been Better (Crush...

By PollyNomial

16.2K 600 58

Elaine Joy Mendoza was from Los Angeles. Pero kahit ilang taon na mula nang tumira siya roon kasama ang pamil... More

Could Have Been Better
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Ending
Lost With A Shattered Heart

Chapter 22

199 6 0
By PollyNomial

CHAPTER 22 — Pagsisisi


"Excuse me, miss. Do you have a copy of Pride and Prejudice by Jane Austin?" a man asked me while I was arranging some books.

Tiningnan ko ang matangkad na lalaking nagtanong habang inaalala kung nasaan ang librong gusto niya. "This way, sir," sagot ko sa kaniya.

One of my jobs here in the bookstore is to memorize where all the books are placed. Classic, fiction, non-fiction and textbooks, I know where to find them all. It has already been four weeks since I started working here. Hindi naman ako masyadong nahirapan sa aking trabaho. I enjoyed it, actually. I really loved the smell of books and it was like a safe haven for me though I don't read a lot. That was ironic but, that's me.

Dinala ko ang lalaki sa hanay ng mga klasikong libro. Tatlong bookshelves ang napupuno ng classic books. Naka alphabetical ang apelyido ng author kaya naman madali ko lang nahanap ang gusto niyang libro.

"Here, sir," utas ko.

Inabot ko 'yon sa kaniya. Kung diretso tumingin ang aking mga mata ay pumapantay lamang ito sa leeg ng lalaki. Kumpara sa katangkaran ko ay mas matangkad pa rin siya. Hanggang baba lamang niya ako kaya naman kailangan ko pang tumingala upang makita ang mukha niya.

The man was looking down at me. He has no expression on his face. Nagbaba siya ng tingin sa libro at kinuha iyon sa akin.

"That was the White's Fine Edition, sir," paliwanag ko nang suriin niya ang cover ng libro.

Isang tango ang natanggap ko. "Thanks," aniya pagkatapos ay tumalikod.

Nagkibit ako ng balikat. Isa lang siya sa mga customers na napagsilbihan ko rito sa bookstore. I have encountered different kinds of customers for the past weeks that I've been here. Mayroong madaldal na maraming katanungan bago bilhin ang libro. Mayroon namang makikipag kwentuhan muna kung bakit gusto niya ang librong iyon. Minsan ay marami itong pipiliin at ako ang pinagdedesisyon kung alin ba ang dapat bilhin. Maraming kagaya ng lalaking nagtanong sa akin kanina.

Those kinds of customers were only here for the book that they want and once they got, they're gone. Hindi naman ako naiinis sa mga ganoong customer. Minsan ay sila pa nga ang gusto kong makasalamuha dahil matipid lamang sila magtanong at hindi ko kailangan magbigay ng maraming impormasyon. Ang mahirap lang naman kasi sa trabaho ko ay ang alamin ang klase ng librong tugma sa isang customer. Since I don't really read that much, it's hard of me to describe the books once they asked me.

I only work for six hours. Pagkatapos nito ay dumidiretso agad ako sa apartment. Unang ginagawa ko pagkauwi ay buksan ang laptop at maghintay ng mga maaaring tumawag sa akin mula sa Pilipinas. Ayokong sabihing hindi ako naghihintay na tumawag si daddy. It has almost been a month and he hasn't talked to me yet. Kahit na gustong gusto ko siyang tawagan ay hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay wala siyang karapatang makatanggap ng tawag mula sa akin. Masa kung iisipin ko iyon pero sa sakit ng dinulot niya ay iyon lang ang kaya kong maramdaman ngayon.

Pero kahit ganoon ay hinihintay ko pa rin si daddy. Wala na akong balita sa kaniya dahil wala na rin akong makuha mula kay Celine at Conrad. Kahit si mommy ay tahimik lamang tungkol sa kaniya.

Mahirap man pero ganoon ang naging sitwasyon sa mga nakaraang araw. Gumagaan lamang ang pakiramdam ko sa tuwing makakausap ko si Celine at Conrad.

"Totoo na ba 'yan? Baka nababaliw ka lang ulit!" Natatawa ako ngunit hindi ko mapigilan ang pansinin ang mga kabaliwan ni Celine.

Kanina nang tumawag siya sa akin ay nagkwento agad siya tungkol sa mga pinoproblema niya sa school. She has problems with boys! Ngayon ko lang naririnig si Celine na sobrang mamroblema sa lalaki. Hindi naman ganito si Celine noong magkasama pa kami. Kilalang kilala ko ang ugali ni Celine. Hindi siya iyong tipo ng babae na puno ng problema dahil lang sa lalaki. Celine never had a boyfriend. Madalas ko siyang tanungin noon, kung may mahal na ba siyang lalaki at madalas lang niyang isasagot sa akin na hindi pa para sa edad niya ang pagmamahal.

She believes that love is for adults only. Hindi ko tanggap ang paniniwala niyang iyon. Maybe, I believed it at first but right now, I don't think it's true. I won't be feeling anything for his twin brother if it's real. Kaya naman ngayon ay hindi ko siya masisisi sa nangyayari sa kaniya. Love comes in the most unexpected time, like most people say. Kung nandyan na, wala ka nang kawala.

Marami pa siyang ikinwento sa akin. Nangako siyang iiwasan na niya ang mga lalaking napapalapit sa kaniya. Duda ako roon kahit na pinangako niyang may isang salita siya. Sa ngayon ay hindi muna ako maniniwala. I've been there. At saan ako dinala nito?

Pagkatapos na pagkatapos ng video call namin ni Celine ay lumitaw ang pangalan ni Conrad. I can only smile. Sanay na sanay na ako sa kayang iparamdam sa akin ni Conrad sa simpleng paglitaw pa lang ng pangalan niya sa screen ng laptop ko.Sa tuwing mararamdaman ko ang kaba at paghuhurumentado ng puso ko ay ang ngumiti na lang ang nagagawa ko.

"Hi," ako ang naunang bumati sa kaniya nang sagutin ko ang tawag.

Nakangisi na siya. Kitang kita ko ang mapuputing ngipin niya.

"How are you?" tanong niya.

Ngumiwi ako at ngumuso. "Araw araw na tayong magkausap, 'yan pa rin ang tanong mo," utas ko.

Nagkibit siya ng balikat. Medyo malayo sa kaniya ang camera kaya nakikita ko ang paligid niya. It was his room. I've been there once. Noong nagkasakit siya dati nung mga bata pa kami.

"Iba iba ang nangyayari sa'tin araw araw. I want to know what happened to you today," aniya.

Tinagilid ko ang aking ulo at nag-isip ng mga pwedeng ikwento kay Conrad. "Well, since nandito ako sa kabilang mundo, wala pa masyadong nangyayari sa araw ko. Maaga akong nagising kanina at si Celine agad ang nakausap ko. Wala pa kong ibang ginagawa bukod doon. I will go to work later. After work, plano kong mag grocery dahil paubos na ang stock ng pagkain dito sa bahay," kwento ko sa kaniya.

Tumango siya na parang inintindi talaga niya ang bawat sinabi ko. "You talked to my sister? Siguro naman alam mo na ang nangyari sa kaniya kanina?" tanong niya.

Kinunotan ko siya ng noo. I could already see his evil smile. Anong pinaplano nitong si Conrad?

"What are you planning to do, Con? Kung kalokohan 'yan siguradong malalagot ka sa kambal mo," sabi ko.

Humalakhak siya. Tumatalsik pa patalikod ang ulo niya. Nakikita kong gumagalaw ang Adam's apple niya at mas lalong nadedepina ang buto sa panga niya. When did this happen? Bakit parang mas nagbibinata itong si Conrad?

"You really know me, huh? Wala pa kong sinasabi, e." Tumatawa pa rin siya habang sinasabi iyon.

Sinimangutan ko siya. "Hindi ko naman alam ang gagawin mo, e. Pero alam kong meron," sabi ko habang siya naman ay tumatawa pa rin. "Come on, Conrad."

Huminto siya. Tumikhim siya at ilang saglit pa bago pinakitang seryoso na siya.

"I'm sorry, okay? I'm just worried about Celine," aniya.

He moved away from the camera. I think he was trying to get something. When he was in front of the camera again, he showed me something that covered his whole face.

"Look," he said.

Inilapit ko ang mga mata sa screen. It was a piece of paper with writings and drawings on it. I was confused for a few seconds, but when I looked closely and read the writings, I realized what it was.

"Conrad! Where did you get that?" I asked him. Gustong gusto kong paluin si Conrad sa puntong ito.

"Celine threw it! Mabuti na lang at hindi niya pinunit. I got it from the trashcan!" aniyang tila nagmamalaki pa.

Umiling ako. "Anong gagawin mo riyan? Pang blackmail sa kapatid mo?"

"Hey! I'm not like that!" giit niyang hindi naman kapani-paniwala dahil tumatawa siya.

Habang ako naman ay seryoso na siyang pinapanood. "I'm serious," wika ko. Agad siyang tumigil. "I talked to Celine. She was really unhappy of what was happening to her. Ano ba kasing ginagawa sa kaniya ng dalawang lalaking 'yon?" tanong ko.

Maaaring may nalalaman na ako dahil nagkwento na si Celine. But I think Conrad also knows something. Kaibigan niya ang dalawang lalaking napapalapit kay Celine ngayon. They might have already said something about my best friend. Hindi maipagkakailang magkakaibigan sila Conrad, Lorenzo at Vans.

Sumeryosong muli si Conrad. Nawala ang papel na hawak niya. Now, he was leaning on his own laptop. It felt like his face was just inches away from mine.

"Alam mo namang wala akong gagawin na ikasasama ng kapatid ko," aniyang seryoso at naniwala na ako roon.

"Then why do you have that?" I pointed out. Nakataas ang dalawa kong kilay. "Alam mo bang nakita na ni Vans 'yan?" tanong ko.

Tumango siya na parang batang may ginawang kasalanan. "I confronted Vans. Noong isang araw kasi ay nakausap ko siya tungkol sa kapatid ko. He told me that they would be the officers of the Math org in our school. Then I asked him how's my sister. Ang sabi niya ay naninibago raw siya at interesado siyang makilala ang kapatid ko. I asked him why he suddenly became interested . Then he told me what he saw on her notebook," paliwanag niya.

Ito ang kwentong hindi alam ni Celine. Ito ang bagay na dapat niyang malaman upang hindi na siya mainis sa lalaking ito. Nagbago ang pagtingin ko sa mga nangyayari. Ngunit bakit nga ba interesado si Vans na makilala si Celine. It cannot be just because he saw his name on Celine's notebook. It might be one of the reasons but I'm sure there's more.

"I told him to back off," aniya.

Nanlaki ang mga mata ko. "What?" I asked, shocked.

Tinagilid niya ang kaniyang ulo. "Hindi pa ito ang tamang panahon para magka-boyfriend ang kapatid ko," utas niya.

Nagusot ang gitna ng noo ko. Umupo ako nang diretso ang mariin siyang tiningnan. "At kailan naman ang tamang panahon?"

"Kapag sinagot mo na ako," pahayag niya.

Nawalan ako ng isasagot. Nanlata ako bigla. Pakiramdam ko ay unti unting namumula ang mukha ko dahil sa init na bumabalot dito. Nakaawang lamang ang bibig ko habang si Conrad ay may lihim na ngiti.

"Kailangan ako muna ang magka-girlfriend bago siya," dagdag pa niya.

Ayoko sanang ipahalatang apektado ako ngunti huli na nang bumigat ang pagtitig ni Conrad sa akin. He was looking at me intently, trying to read me.

"Hey," paos niyang bulong.

Kumurap ang mga mata ko. Ang mga daliri ko ay pinaglalaruan ko na para lang maibsan ang dumadagundong kong dibdib.

"Mukhang..." tumikhim ako dahil walang tunog na lumabas sa salitang binigkas ko. "Mukhang matatagalan pa bago magka-boyfriend si Celine," sinubukan kong idaan sa biro ang lahat.

Hindi nagsalita si Conrad. Humaba ang nguso niya at kinamot niya ang kaniyang ulo. "I was just joking..." bawi niya sa sinabi kanina.

Tuluyan nang naibsan ang kaba ko dahil kumagat siya sa biro ko. "Oh..." Nagtaas ako ng kilay.

"I don't mean that, Elaine."

Kumunot ang aking noo dahil naguluhan ako roon. Nanliit ang mga mata ko sa kaniya.

"I mean, it's true that I want you as my girlfriend. But I was just kidding about Celine. Siyempre..." nag-iwas siya ng tingin sa akin. "Hindi ko naman siya mapipigilan sa mga gusto niya," aniya.

Ako naman ang nag-iwas ng tingin.

"At hindi rin niya ako pwedeng pigilan sa mga gusto ko," aniya.

Nagbalik ang titig ko sa kaniya. Mabigat pa rin siyang nakamasid sa akin. Hindi ako umimik. He sighed and then leaned on his laptop. Ngayon ay ang mga mata na lang niya ang nakikita ko.

"I want to tell her about us," bulong niya.

Natulala lamang ako. Sa huli ay inalis ko ang tingin sa kaniyang mukha. "Wala pa ba siyang alam?" I asked. Tuluyan akong nanghihina.

"I think she has a hint of what's going on between us. My sister's not dumb, Elaine. Nahahalata niya ang mga kinikilos ko sa tuwing magkasama tayo noon. She knows that I like you. Hell, she might even know that I'm in love with you. She uses it as a blackmail every time I bully her."

Suminghap ako. Kung ganoon ay may nalalaman nga si Celine sa bagay na ito.

"Pero wala akong sinasabi sa kaniya," wika ko.

Tumango siya. Lumayo siyang muli. Nakita ko ang pag-upo niya ng maayos at pag-inat sa katawan. "She trusts you. Kung wala kang sinasabi ay baka naniniwala iyong wala talagang namamagitan sa ating dalawa." Pinakatitigan akong mabuti ni Conrad. "Don't you think she has the right to know the truth? Not just about us," he trailed off. "Kailangan niyang malaman kung anong lagay mo at kung nasaan ka talaga."

Gulong gulo ang isip ko. I told Conrad that I would think about it first. Tinamaan ako sa mga sinabi ni Conrad. Para bang may bumagsak na mabigat na bato sa aking ulo at ginising ako sa katotohanang kailangan kong ipaalam kay Celine ang lahat. Nagiging maramot ako sa sarili kong kaibigan. It's been years. Napakaraming taon ko na siyang niloloko. Ultimo ang pagbahagi sa kaniya ng nararamdaman ko para sa kaniyang kapatid ay hindi ko magawa.

But when Celine called me after a week, I still remained silent. I just can't do it. Celine's my only friend. She'll hate me if she finds out about the truth. If she knew that everything that I told her were lies, she might deny me as her best friend. Sa ngayon ay hindi ko kayang mangyari iyon dahil sila lang ang kaibigan ko. I can't sacrifice our friendship. Not now...

Alam ni Conrad na hindi pa rin ako handa. But he was very serious when he asked me to tell everything to Celine. Hindi siya nangengealam. He wants me to be the one to do it. Kaya naman may tiwala akong wala siyang sasabihin sa kapatid.

"This isn't healthy anymore," pahayag ni Celine.

Kitang kita ang kalungkutan sa kaniyang mga mata. Naawa ako para sa kaibigan ko. Nasasaktan ako dahil malungkot siya ngayon. Nakokonsensya ako dahil wala ako sa tabi niya para damayan siya. At nahihirapan na rin akong magtago ng aking mga sikreto ngunit ngayon ay mas kailangan kong iwasan muna ang sabihin iyon sa kaniya. She has her own problems to deal with. Ayoko nang dumagdag pa.

"Kung dati sumasaya ako at nai-inspire sa mga ginagawa ko dahil sa kanilang dalawa, hindi na ngayon. The situation is now different, Elaine. I can't explain how, basta ang alam ko ay hindi na maganda ang nararamdaman ko," she sounded like she really wanted to give up.

Hinayaan kong siya na lang muna ang magkwento sa tuwing magkausap kami. I have nothing else to say aside from the lies that I've been giving her eversince. Instead of giving her more, I just stayed quiet and chose to listen to her.

"I wish I was there for you," kusang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko.

My heart was in great pain. Nananariwa ang lahat ng sakit. Minsan, iniisip kong kasalanan ko ang lahat ng nangyayari. Mula sa umpisa ay ako na ang gumawa ng problema.

Kung sana ay nanatili na lang ako rito sa Los Angeles ng tahimik at sinunod ang mga utos at nais ni mommy para sa akin ay magiging maayos siguro ang lahat. Dahil hindi kami uuwi sa Pilipinas, hindi ko kailangang magsinungaling sa mga kaibigan ko, hindi sana mambababae ang ama ko, at hindi sana ako hahantong sa desisyong iwanan ang mga taong mahalaga sa buhay ko. Totoong nasa huli ang pagsisisi. 

Continue Reading

You'll Also Like

13.4K 504 32
Miss Rhythm (Misses Series #2) [COMPLETED] Eleina is the woman who believes that music is the way to make each one of us heal and escape reality for...
395K 26K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
12.6K 541 56
Persephone Duavis is a quiet person. You leave her alone on a couch and she will remain there, her mouth closed for hours. She finds solace in solitu...
30.8K 987 52
"You're not the only one who was shackled to her own melancholia. I was trapped too... before." Astra and Axon Filipino Story Contains matured conten...