SERENDIPITY || The Adventures...

By KimSeungHae

975 45 260

"The proverbs was wrong.. the Skies wasn't always the limit." || Angel, Steph and Jerra, common adolescents... More

Prologue
CHAPTER 1 - BEGUN
CHAPTER 2 - HER
CHAPTER 3 - FIRST DAY
CHAPTER 4 - TRY
CHAPTER 5 - APART
CHAPTER 6 - INCHEON
CHAPTER 7 - ADVENTURE
CHAPTER 8 - HE'S INTO HIM?
CHAPTER 9 - READY
CHAPTER 10 - SEMBREAK
CHAPTER 11 - THE SINGING CONTEST
CHAPTER 12 - NIGHTMARES
CHAPTER 14 - TOGETHER
CHAPTER 15 - HELP
CHAPTER 16 - AGAIN
CHAPTER 17 - SHAMANS
CHAPTER 18 - ATLEAST
CHAPTER 19 - FOR NOW
CHAPTER 20 - CALICO
CHAPTER 21 - LIE
CHAPTER 22 - TOO FAST
CHAPTER 23 - ANGEL
CHAPTER 24 - NAMSAN TOWER
CHAPTER 25 - WHO ARE YOU?
CHAPTER 26: Part 1 - SPIRITS
CHAPTER 26: Part 2 -SUSPICIONS
CHAPTER 26: Part 3 - OVER
CHAPTER 27 : Part 1 - NAMI ISLAND
CHAPTER 27: Part 2 - YOU
CHAPTER 27: Part 3 - STAY
CHAPTER 28: Part 1 - AMERICA
CHAPTER 28: Part 2 - DEJA VU
CHAPTER 28: Part 3 - FOUND IT
CHAPTER 29: Part 1 - JEJU
CHAPTER 29: Part 2 - MOON
CHAPTER 29: Part 3 - PAST
CHAPTER 30: Part 1 - MULI
CHAPTER 30: Part 2 - AMOR
CHAPTER 30: Part 3 - EVERYTHING
CHAPTER 30: Part 4 - 사랑해
CHAPTER 30: Part 5 - 2:25
FINAL CHAPTER - SERENDIPITY

CHAPTER 13 - TROUBLE

16 2 3
By KimSeungHae

Steph's Point of View

"Steph?" Bungad ni Ji hyung nang katukin namin siya sa dorm niya.

"We just wanted to tell you something." Usal ko naman sa kanya.

"W-What is it?" Tugon niya naman sa akin.

"Uhm.. not here. Let's talk about it at the mall while, eating." Nakangiti kong wika sa kanya.

"But are you free today?" Usal naman ni Jerra na nasa likod ko at tumugon naman si Ji hyung ng isang tango kasama ng isang ngiti.

"I'll get ready, just wait for me!" Wika niya naman sa amin kasama pa rin ng isang ngiti sabay alis sara ng pintuan ng dorm niya.

Kaya naman naisipan muna naming tatlo na bumalik saglit ng dorm at umupo muna sa sofa. Nakabihis naman na kami at nakapaghanda na rin kaya si Ji hyung na lang talaga ang hihintayin namin.

Akma na sana kaming uupo ng sofa pero biglang bumukas ang pinto ng dorm naming at iniluwa nun si Ji hyung.

"Let's go." He briefly said while smiling.

Kaya naman nang sandaling iyon ay umalis na nga kami. Nilock ko na ang dorm namin at saka bumaba. Pinatignan ko kay Jerra ang pinabook naming Grab at sinabi niyang 2 minutes na lang daw bago makarating ang sasakyan sa kinaroroonan namin.

Ilang saglit nga ay dumating na rin ang sasakyang pinabook naming. Sumakay na kaming tatlo at saka tuluyan ng lumarga ang sasakyan. Nasa frontseat ako sumakay habang sina Jerra, Angel at Ji hyung naman ay nasa likod.

Nasa tabi ng bintana si Ji hyung habang si Angel naman ang sa gitna. Tinitignan ko ang reaksyon ni Angel habang katabi si Ji hyung pero normal lang naman siya at parang isang kaibigan lang talaga ang katabi niya.

At doon ko muling napatunayan na wala nga talaga siyang gusto kay Ji hyung, she just like to be friends with him.

Maya-maya ay nagsimulang makipagdaldalan si Jerra kay Ji hyung at kung ano-ano ang mga pinag-uusapan nila. Natawa na lang ako habang tinitignan ang kadaldalan ni Jerraldina.

Kalaunan ay nakarating din kami sa mall, sikreto ko nang binayaran ang fare namin para hindi na magpumilit si Ji hyung na siya na naman ang magbayad. You know, just in case.

Bumaba na nga kami sa sinakyan namin at pumasok na sa mall. Medyo naaliw kami sa mga bagong bukas na stalls dito kaya naman hindi muna kami dumiretso sa restaurant at nag-ikot ikot muna.

Kung saan-saang parte kami ng mall nagpunta, at natutuwa kami sa paglibot namin ditto. Makalipas ang ilang oras ng paglilibot sa loob nito ay di namin namalayang hapon na pala.

Napakabilis ng oras.

Kaya naman napagpasyahan na naming na magtungo na nga sa restaurant na kung saan kami kakain.

Bon Chon

Basa ko sa pangalan ng kainan na pinasukan namin. Ewan ko pero kadalasan talagang restaurant na kinakainan namin is Korean-style or Korean foods ang sineserve. Dala na rin siguro 'to ng pagkahilig namin sa K-Pop. Haha!

Humanap na nga kami ng mauupuan at nang makapwesto na ay lumapit na sa amin ang waiter para kunin ang mga order namin. Isa-isa naman kaming umorder at since idea ko ang pumunta dito ay ako na ang nagbayad ng lahat ng kakainin namin.

Well of course, Ji hyung, being himself insisted once again na siya na ang magbabayad pero nagpumilit din ako na ako na ang manlilibre.

Pumayag din naman siya eventually, at nagkwentuhan na lang ulit kami pagkatapos nun. Maya-maya ay isa-isa na ngang dumating ang pagkain namin.

"So, Steph? What do you want to talk about?" Wika ni Ji hyung sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Oh! Uhmm.."

Magsasalita na sana ako pero sinenyasan ako ni Jerra na hayaang si Angel na ang magsabi sa kanya tungkol dito. Kaya naman kinalabit ko na si Angel para siya na ang magsabi kay Ji hyung.

"U-Uhm. . We will be gone this coming HER Foundation holiday." Sambit ni Angel sa kanya na medyo ikinabigla ni Ji hyung.

"Huh? Where are you going?" Tanong naman niya.

"To our families." Maikling sagot ni Angel.

"But? Haven't you already been there last summer?" Ji hyung asked once again.

"Steph and Jerra had family reunions coming." Paliwanag naman sa kanya ni Angel.

"But how about you?" Ji hyung asked.

"It's my grandma's birthday in Cebu so my parents told me to come." Paliwanag muli ni Angel dahilan para bahagyang lumungkot ang reaksyon ni Ji hyung.

"Well.. I guess I'll be alone then." Malungkot niyang sabi.

Nagkatitigan naman kaming tatlo dahil sa pagsisinungaling namin sa kanya. Pero 'yon lang talaga ang paraan para hind siya magtaka kung ba't kami nawala. And kung aalis lang kami agad ay baka hindi maganda ang isipin sa amin ni Ji hyung.

Hindi rin naman naming masabi sa kanya kung ano talagang gagawin namin kasi baka mamaya isipin niyang baliw kami. So we really have no better choice than this.

Hayst.

"B-But.. don't worry. Let's eat in a samgyeopsal place once we return." Biglang wika naman ni Angel at medyo umaliwalas ang mukha ni Ji hyung dahil doon.

"Maybe some karaoke after that. And besides I really want a duet with you, Mr. Greatest Singer of HER 2017." Wika ni Angel sa kanya.

"Okay fine. A duet, it is." Masayang wika naman ni Ji hyung kaya naman medyo napawi ang pag-aalala naming tatlo.

Nagkwentuhan na lang kami ulit habang patuloy na kumakain. Lumipas ang ilang oras ay napagpasyahan na naming bumalik sa dorm building ng HER matapos naming kumain sa restaurant na 'yon.

Pumara nalang kami ng taxi at saka sumakay. Ilang saglit lang ay nasa HER na kaming muli at agad kaming tumungo sa dorm building.

"So when will the three of you, leave?" Wika ni Ji hyung habang naglalakad kami sa hallway ng dorm building.

"Tomorrow." Maikling tugon ni Angel sabay ngiti.

"Have a nice trip then. Send picture to me, okay?" Usal ni Ji hyung kaya muli kaming nagtinginan nila Jerra.

Napalunok na lang ako sa sinabi niyang iyon.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang makaabot kami sa mga tapat ng pintuan ng dorms namin.

"What time will you leave, so that I can send you off?" Usal ni Ji hyung kaya sa pangalawang pagkakataon ay nagtinginan na naman kaming tatlo.

"No.. We'll be leaving at dawn. We don't want to disturb you." Sambit naman sa kanya ni Angel.

"No, it's fine." Pagpupumilit ni Ji hyung.

"It's okay, you don't have to do it." Tugon naman muli ni Angel sa kanya kasabay ng pagtapik niya sa braso ni Ji hyung. Nakita kong namula siya nang gawin yon ni Angel at medyo natigilan.

"O-Okay." Sambit ni Ji hyung.

"Good night!" Turan ni Angel sa kanya kasama ng isang ngiti bago pumasok ng dorm.

"Angel." Tawag sa kanya ni Ji hyung nang akma nang isasara ni Angel ang pinto at tinapon naman siya ni Angel ng tingin.

"Be safe." Nakangiting wika ni Ji hyung at sinagot naman ni Angel ng isang tango kasama rin ng isang ngiti.

"Grabe, girl. I think Ji hyung really has feelings for you." Bungad ni Jerra kay Angel matapos nitong isara ang pinto.

"I certainly agree." Pagsang-ayon ko naman.

"Medyo nakokonsensya nga rin ako eh. Pero kung meron man talaga siyang nararamdaman para sa akin, I hope na maibigay niya na 'yon sa mas karapat-dapat. Because the only love I can give him is for a friend." Wika naman sa amin ni Angel.

"Sana sa'kin niya na lang ibigay." Murmur ni Jerra na ikinatawa ko.

"What are you saying?" Tanong naman sa kanya ni Angel.

"Wala." Medyo nakangiting sambit ni Jerra kay Angel.

Napakaharot talaga ni Jerraldina, kahit kailan. Kaloka.

"So, ano magchichikahan na lang ba tayo dito or what?" Sambit ko naman sa kanilang dalawa. At dahil doon ay agad silang tumayo sa sofa nang nakangiti ang mga mukha.

Kitang-kita ko sa mga reaksyon at kilos nilang dalawa na sobrang excited din sila kagaya ko. Because after all, ilang buwan din naming 'tong hindi nagawa.

Nagsimula na nga kaming magsipaghanda at maya-maya ay natapos din. Nang maayos na ang lahat ay humiga na kami sa kama at sinimulan na namin ang bagay na talagang na-miss naming gawin.

Astral Projection

Maya-maya ay isa-isa nang lumabas ang mga astral spirit namin mula sa mga pisikal naming katawan. Nang kumpleto na kaming tatlo ay sinimulan na kaagad naming lumipad papaalis ng HER at inumpisahan ang paglalakbay.

[7:45 PM]

Kasalukuyan nga kami ngayong nasa airport, well kasama ko pa rin nga ang dalawang bruhang ito na kanina pa humahaba ang leeg kakahanap ng mga eroplanong boarding papuntang Incheon.

Medyo maaga pa naman at marami pa kaming oras para magtravel, pero gusto na talaga naming makarating sa Korea..

So that we can do what we must.

"Oh my nahanap na kayo?" Tanong ko kanila Angel at Jerra.

"Wala pa nga eh." Sambit naman ni Angel.

"Nakakainis naman. Nung mga nakaraang astral na'tin mabilis naman tayong nakasakay. Gosh!" Singhal ni Jerra.

Natawa naman sa kanya si Angel.

"Why on earth are you laughing?" Tanong nito ng nakataas ang kilay.

"Wala." Wika ni Angel pero binigyan lang siya ni Jerra ng isang matalim na titig hanggang sa muli itong magsalita.

"Natatawa lang ako. Kase , wala ka na ngang binabayad sa eroplano, may gana ka pang magreklamo." Tugon sa kanya ni Angel.

"Eh bakit ba!" Inis na sabi ni Jerra sabay irap.

Sa gitna ng pag-babangayan nila ay tila may narinig akong nag-aanounce.

"Grabe naman, galit kaagad. May dalaw ka ba ngayon?." Bwelta ni Angel habang tumatawa.

"Shhh! Wag nga kayong maingay. Nakikinig ako." Sambit ko.

"Ano ba yu--"

"SHHHHH!" Putol ka sa sasabihin ni Angel.

"Passengers of the Flight no. 31101 to Incheon,South Korea. We would like to acknowledge you that the airplane is now ready for boarding , I repeat , Passengers of the Flight no. 31101 to Incheon,South Korea , We would like to acknowledge you that the airplane is now ready for boarding, please proceed to Gate 5. Thank you."

Nang i-announce yun ng airport crew ay dali-dali kaming punta sa Gate 5 kung saan pinapadaan ang mga pasahero.

"Guys, ayan na!" Sabi ko sa dalawang bruha.

"Yes! FINALLY! I'm so excited! " Tuwang-tuwa na usal ni Jerra habang si Angel naman ay nakangiti.

Since we're astral bodies, ay tumagos kami sa bawat tao na nakapila papaakyat ng eroplano. Napag-pasyahan naming tatlo na sa pinakalikod nalang umupo para mas mapayapa. Malaki ang eroplano na nasakyan namin this time.

Mas malaki ito kumpara sa mga nakalipas naming nasakyan. Hindi ganoon napuno ang buong eroplano kaya naman may mangilan-ngilan pang upuan sa dulo.

Maya-maya naramdaman naming nagstart nang bumwelo ang eroplano para magtake-off. Nagsalita na ang piloto at nagpakilala.

Nagdemo na rin ang mga crew about sa mga dapat gawin kung saka-sakali may mangyari na hindi maganda.

Nang matapos ang lahat ng mga pinaggagagawa ng mga airplane crew ay nagdim ang mga ilaw para siguro makarelax ang mga sakay na pasahero.

Kaya naman napagpasyahan namin na magpahinga nalang din para may lakas kami mamaya sa paglalagalag namin.

"Uhm? Excuse me? Miss? Miss?"

Sabi ng tila isang babae at dahil doon ay naalimpungatan ako. Nang idilat ko ng maiigi ang mga mata ko ay nakita ko na may babae na tumitingin kay Jerra at gustong gisingin sya.

Hindi naman ako agad na nagulat dahil nga wala ako sa mga katinuan noon dahil inaatok pa ako.

Pero nang tuluyang magising ang diwa ko ay nanlaki ang mga mata ko sa babae and the first thought that came into my mind is how in world can she see us?

"Ano ba!? Ano yun!?" Singhal ni Jerra nang magising siya at kaharap ang isang babaeng pasahero.

"Uhm, pwede magtanong?" Tanong ng babae.

Agad na nagising ang diwa ni Jerra ng marealize na may taong kumakausap sa kanya which is hindi naman dapat. Kaya naman kagaya ko na kanina pa natetense ay bigla ring nanlaki ang mga mata ni Jerra.

"Uhhh.. Miss? Hello?" Pagkuha ng babae sa atensyon ni Jerra na hanggang ngayon ay shocked pa rin.

"Y-Yes? Ano yon?" Usal ni Jerra

"Uhm.. Tatanong ko lang sana kung saan yung comfort rooms?" Wika nito.

"A-Ahh.. Direstsuhin mo lang yan baka sakaling nandyan yung mga comfort rooms." Wika naman ni Jerra
.
"Okay miss, thank you!" Nakangiti nyang usal.

"Ah! Miss!" Tawag ni Jerra nang akmang paalis na ang babae.

"Gaga ka talaga! Ba't mo na naman tinawag? Paalis na nga eh!" Pabulong kong singhal kay Jerra.

"Shh. Shut up!" Singhal pabalik sa'kin ni Jerra.

"Yes?" Usal ng babae.

"Nakikita niyo po kami?" Nakakalokang tanong ni Jerra.

"Well.. Yes? Of course. Why not?" Sabi naman nito na tila nagtataka sa tanong ni Jerra.

"Hindi naman po kayo multo or what diba?" Tanong muli ni Jerra.

"Huh? No. Of course not." Nagtatakang tugon ng babae na mukhang naweiweirduhan na kay Jerra.

"O-Okay po.." Tense na wika ni Jerra.

Nginitian niya na lang si Jerra bilang tugon at pagkatapos ay umalis na rin ito.

"Oh anong nangyare? What did I miss?!" Bungad ni Angel habang humihikab.

Nagkatinginan na lang kami ni Jerra nang sabihin iyon ni Angel.

"Hey! What happened?" Nagtatakang tanong muli ni Angel ngunit hindi na namin siya sinagot ni Jerra.

Matapos nun ay nagpahinga nalang kami muli. Hanggang sa nag-announce nanaman ang piloto at lumiwanag ang loob ng buong eroplano nang biglang buksan ang lahat ng ilaw.

"This is your captain speaking. We are approximately 5 kilometers away from Incheon International Airport, South Korea. Please put on your seatbelts and please be advised that you can only get your luggage when the airplane is fully landed. Thank you!"

Kaya naman naghintay lang muna kami ng ilang saglit bago kami tumayo. Maya-maya naramdaman naming unti-unti nang bumababa ang eroplano at di kalaunan ay nag-landing na nga ito.

Nang tumigil na ang eroplano ay siya na nga kaming bumaba. Dire-diresto lang kami hanggang sa makalabas kami ng airport.

Well as usual pa rin ang ruta na tinahak namin papunta sa dorm nila. Mga ilang oras pa ang makalipas ay nakarating na kami sa tapat ng village.

Hannam THE HILL - (한남 더힐)

Napangiti ako nang makita ang mga salitang yon sa bungad ng village subalit sa mismong sandali ring iyon ay napansin kong may kung anong gumagalaw sa mapunong bahagi na nasa gilid lang ng arko na kinatatayuan namin ngayon.

"Steph." Tawag sa akin ni Angel na di ko muna binigyang pansin.

Napakunot na lang ang noo ko habang inoobserbahan kung ano ang bagay na iyon hanggang sa mapagtanto kung isa pala itong tao na naka jeans at brown hoodie jacket. Umakyat ito sa mababang fence at saka lumukso sabay lakad paalis na parang walang nangyari.

"Steph!" Mas malakas na pagtawag sakin ni Angel dahilan para makuha niya ang atensyon ko.

"H-Huh?" Wala sa ulirat kong wika.

"The map?" Tanong niya.

"Ah.. here. Let's go?" Sambit ko matapos ilabas ang hinahanap niya.

May bahagya pa ring pagtataka sa akin kung anong ginagawa ng taong 'yon doon pero inalis ko na lang muna iyon sa isipan ko para maayos na masundan ang nakalagay sa mapang gabay naming tatlo.

"Is this the street? Yung pinuntahan na'tin dati?" Sabi ni Jerra sa kalagitnaan ng paglalakad namin.

"Oo. Di'ba nakapunta ka na dito?" Usal sa kanya ni Angel.

"Gosh! It's almost several months since the last time na pumunta ako dito. So don't expect na nasa utak ko pa rin 'yon nang ganon katagal." Bwelta ni Jerra.

"Well.. Kahit ako hindi ko na rin masyadong maalala. Kung wala nga siguro 'tong mapa na 'to sa kamay ko baka kung saan na tayo tumambling." Pagkampi ko naman kay Jerra.

8 months to be exact. 8 months kaming hindi nakabalik dito dahil sa napakaraming mga ganap na nangyayari sa buhay naming tatlo.

Siguro kung di pa nga dahil sa HER Foundation Holiday, di pa namin maaalala ang napaka-importanteng bagay na ginagawa namin.

"Grabe naman ang pagka-ulyanin niyo." Pabirong saad ni Angel.

"Whatever. Sige na, lakad na!" Usal ko naman.

Kaya naman pinagpatuloy na namin ang paghakbang habang nakasunod sila sa akin at maya-maya ay napatigil ako tapat ng isang bahay na may kulay gintong gate.

"Sure ka ba? Dito na talaga 'yon!?" Tanong ni Jerra.

"Hindi naman siguro magsisinungaling ang mapa no?" Tugon ni Angel sa kanya.

"From what I remember, kulay pula ang gate non at hindi kulay gold." Sabi  ni Jerra.

"Girl, hindi ba pwedeng nagpalit lang sila ng kulay ng gate?" Turan naman ni Angel.

Habang nagtatalo sila ay humakbang na lang ako papalapit sa gate ng dorm at nang halos katiting na metro na lang ang layo ko ay nabigla ako nang may humarang sa akin na isang energy barrier.

Dinampi ko ang kamay ko sa tila isang force field na pumigil sa akin at naramdaman kong iyon din ang ginawa naming tatlo, walong buwan na ang nakakaraan.

"Ito nga ang dorm nila. Mukhang may natitira pang enerhiya  mula sa ibinalot natin dito nung nakaraan. May protective barrier pa rin sila, pero sobrang hina na." Usal ko na siyang ikinatuon ng atensyon nila sa akin.

"Pero ang sabi mo sa'kin last time, na 7 days lang ang itatagal ng isang energy barrier. Kaya it's impossible that it's still standing." Sambit naman ni Angel pero agad ring nasagot ang katanungan niya sa paglitaw ng buwan sa kalangitan.

Pagkat nang tumama ang liwanag nito sa energy barrier na ginawa namin ay nagbalik ang kinang nito na para bang mas lalong tumatatag.

"That's it! Naalala ko na! Nakasulat din pala doon sa article na binasa ko na although pitong gabi lang ang itinatagal ng isang energy barrier ay maaari itong lumakas sa tuwing makakatanggap ng liwanag mula sa kabilugan ng buwan." Saad ko.

"But it's still weak." Wika naman ni Angel nang ilapat nito ang kanang palad niya sa mismong energy barrier.

"The moonlight was its oxygen tank and it's merely surviving with it." Dagdag pa niya.

"So then, kailangan na nating gumawa ng panibago." Banggit naman ni Jerra na walang tumutol kahit sino sa amin.

At matapos nga niyang sabihin ang mga salitang iyon ay sinimulan na ulit naming gawin ang paglalagay ng isang bagong  energy barrier. Hindi naman na kami nahirapan sa pagkakataong ito dahil kabisado na namin ang bawat hakbang para isagawa iyon.

Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos na namin ang bagong energy barrier kaya naman nagpasya na kaming lumisan mula roon. Napasyahan naming magpagala-gala na lang sa kung saan makaraan naming makaalis pero naudlot ang balak naming iyon nang sa kalagitnaan ng paglipad namin ay siya naman kaming sinalubong ng puting paru-paro na pala-desisyon and of course you know what happens next.

Tulad ng mga naganap noon ay hinigop kami nito nang saglit na dumampi sa braso ni Angel.

Ngayon ay dinala naman niya kami sa likod ng isang bahay at kung di ako nagkakamali, ay ibinalik niya kami kung saan kami nanggaling.. sa dorm ng BANGTAN.

Isang damuhan lang ang naroroon, may maliit na storage house at may mangilan-ngilang puno sa paligid. As usual ay sinubukan kong lumipad papaalis roon pero ang mismong energy barrier na ginawa namin kanina ang siyang pumigil sa amin na makaalis.

Kaya naman wala kaming ibang nagawa kundi ang manatili roon hanggang sa kaawaan kami ng kung sino mang nilalang ang gumagawa sa amin nito.

Naupo si Angel sa damuhan habang humiga naman kami ni Jerra. Tinanaw na lang namin ang napakagandang alapaap na namumutiktik sa mga bituin habang naghihintay.

Ngunit maya-maya ay naramdaman kong tila may papalapit at agad ko namang nakumpirma ang pakiramdam na iyon nang bumukas ang backdoor ng dorm house.

Isang lalaki ang lumabas mula rito.

Wait. Tama ba ang nakikita ng dalawang mata ko?

Is that really.. Taehyung?

Tinitigan kong mabuti ang lalaking iniluwa ng gate and no doubts na siya nga talaga 'yon. Parang nag-ugat ang mga paa namin sa lupa nang mga oras na 'yon habang nakatingin sa kanya.

Nakita naming nakakunot ang noo nito at parang may hinahanap sa paligid hanggang sa maya-maya ay di nito namalayang lumabas din si Jin nang may dalang uling at pamaypay.

"AHH! What the-- HYUNG! What are you doing?!" Taehyung asked when he was suddenly scared by Jin's presence.

"I-I'm just going to put this coal here. Why?" Jin answered.

"My heart almost bursted." Taehyung replied.

"Why are you so scared? Did something happen?" Jin asked.

"U-Uhm.. it's nothing." Taehyung said.

"Yah.. Come on. I know there's something! Tell me." Jin insisted habang nagpapabaga ito ng apoy sa ihawan.

"I-It's just.. a while ago, I heard someone outside.. talking in strange words. But the thing is, when I took a look in the window, there's nobody around the entire street." Taehyung explained.

"Oh! It's like what you've told us last week, right!? " Jin said.

"Yes. But the voices that I heard last week is the same from what I just heard a while ago." Taehyung added.

"Hmmm.. maybe it's a Ghost.. a fan? Oh! Oh! Maybe you do have a GHOST FAN!" Jin laughingly said.

"Yah. Stop it! It's not a good joke! You're scaring me! It's not even funny." Taehyung uttered.

"Not Funny? But I still laughed tho . . ." Jin said.

"Yah! Stop with the dad jokes! I told you it's not funny." Taehyung rebutted.

"Here's the meat, hyung. Yoongi already marinated those. He asked me to give it to you." Namjoon came out in the middle of their conversation and handed over the things he brought.

Makaraang sabihin iyon ni Namjoon ay naghintay pa sila nang ilang sandali hanggang sa mapabaga na ni Jin ang mga piraso ng uling. Nang sapat na ang baga ng ihawan nila ay doon na nila sinimulang lutuin ang mga binabad na karne.

Inutusan naman ni Jin si Taehyung at Namjoon na kumuha na ng mga plato at kunin ang sinaing para maayos na ang lahat sa sandaling matapos na ang pag-iihaw niya. Sinunod naman nila ito at maya-maya ay dala na ni Namjoon ang mga plato habang si Taehyung naman ang nagdala ng rice cooker.

Lumaon pa ang mga saglit ay isa na naman ang dumagdag sa kanila, si Yoongi.

May dala siyang mga tupperware at isang bowl na puno ng lettuce. Inilapag niya iyon at umupo sa isang tabi habang pinapanood si Jin na tapusin ang pag-iihaw.

Nasaksihan naming tatlo nina Angel at Jerra kung paano sumabay ang ingay ng kwentuhan nila sa tunog ng pumipitik na mantika ng iniihaw na baboy.

Di ko maikakaila na natutuwa akong makita sila na masaya sa kabila ng napakaraming banta sa kaligtasan nila. Iilan lang ang nakakatagal sa mga ganitong sitwasyon kaya bumilib ako sa tatag nilang pito.

Samantala.. maya-maya, sa kalagitnaan ng pag-uusap-usap nilang apat ay dumating naman ang mga natitirang member na wala pa roon.

Sina Hoseok, Jungkook at Jimin.

At lumabas sila nang dorm nang...

PAWIS. NA. PAWIS.

Now they're all complete. All seven of them.

Di ko alam kung bakit pero nag-ala Voltes V ang charms nilang pito sa harapan naming magkakaibigan. Dahilan para mag-volt in ang sari-sari kong mga nararamdaman hanggang sa umabot sa puntong di ko na mapigilan pa.

Nagpatingin ako kanila Angel at Jerra nang mga oras na 'yon na tila iisa kami ng iniisip. At kasunod ng saglit na titigan ay nag-grouphug kaming tatlo habang paikot na tumatalon kasama ng pagtili nang walang boses.

Ito siguro ang epekto kapag ilang buwan nang walang any form of interaction sa kanila. This is the same feeling tuwing sasabihin mo sa sarili mong hindi mo na type ang long-time crush mo pero pag nakita mo sa school campus, halos sumabog ka na sa sarili mong emosyon.

Argh! Ewan!

ANYWAYS.

Kasalukuyan pa rin kaming nandito ngayon.. mukhang mga kinombulsyon dahil sa kilig.

Even though we have this commitment in mind, moments like this kept reminding us with the fact that we can't seem to escape.

The fact that we are still their fans.

"Ehem." Wika ko nang maubos ang fangirling energy na sumaklob sa amin dahilan para huminahon kami sa isang tabi.

Sakto namang pagkalabas nilang tatlo ay luto na ang mga inihaw kaya naman naghanap na sila ng kanya-kanyang pwesto sa tapat ng isang mahabang folding table.

"Goodness! We're done!" J-Hope said when he sat down exhaustedly, probably did their house chores with his younger members.

"Uhm.. Jimin-hyung!" Jungkook called him.

"Yae?" Jimin exclaimed while he's chewing.

"Did you put our used clothes in the laundry basket?" Jungkook asked.

"Yes. Why?" Jimin answered.

"All of it?"

"Yes." Jimin replied.

"Okay! I'll just go tomorrow in the laundry shop." Jungkook added.

"Yah! Jungkook-ah! Can I go with you?" Taehyung asked.

"Well yeah. Sure." Jungkook said with a smile.

Matapos noon ay natahimik na sila at nagpatuloy na kumain. Habang kami namang tatlo ay nakatingin lang at medyo naglalaway dahil parang nanonood kami ng live mukbang tas ang perfect pa ng mga kumakain.

(Ugh! Itigil ang kabaklaan!)

Anyways, kinalaunan ay natapos rin silang kumain at wipe out ang buong lamesa. Ni isang hibla ng karne ay walang natira.

Dulot nito ay kinuha na ni Jungkook at Jimin ang mga plato para dalhin sa lababo. Si Jin, Taehyung at Namjoon ay tumulong na rin sa paglilinis.

Habang si Hobi at Yoongi naman ay nauna nang pumasok sa loob. Nang malinis na ang lahat ay lumabas ulit si Jimin at Jungkook nang may dalang beer. Kinuha nila ang ilan sa mga folding chairs at inilagay yon sa bakuran. Naupo silang dalawa roon at binuksan ang mga bote. Pinagbangga nila ang mga ito at saka uminom habang nakatanaw sa langit.

"Jimin-hyung!" Jungkook called him.

"Yae?" Jimin answered.

"Is this how you feel?"

"Feel? What do you mean?" Jimin answered while not looking at him.

"The feeling of not being satisfied." Jungkook exclaimed.

"Satisfied of what?"

"Not being satisfied with the shape of your own body." Jungkook said with a low tone of voice.

Jimin turned his eyes unto him and pays attention to what his dongsaeng (동생- Younger brother) is saying.

"What!? Why?" Jimin asked.

"Well, I'm just really insecure about my appearance." Jungkook uttered.

"But the shape of your body is good." Jimin comforted him.

"But not as good as yours." He sadly said.

"Hey! Jungkook-ah. If you try to be as good as me then your not being yourself. Learn to accept what you have. Learn to love yourself." Jimin said.

"Hmmm.. Did you just promote our album?" Jungkook said with a smile.

"Maybe.." Jimin said while also smiling.

Napangiti na lang kaming tatlo habang nagtatawanan si Jungkook at Jimin. I mean if someone doesn't find this cute, ewan ko na lang talaga kung ano ang meaning ng cute sa perspective nila.

Kalaunan, ay namin namalayang nakatulog kami habang nakaupo sa isang tabi. Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita kong nakasandal na sa akin si Angel habang katabi niya ang tulog na tulog ding si Jerra. Wala na sina Jimin sa pwesto kung saan sila nakaupo ni Jungkook kanina kaya naman nang saglit na iyon ay naisipan kong subukan na muling makatagos mula sa energy barrier na ginawa namin.

Sa kabuting palad ay nagawa ko naman ito kaya naman ginising ko na sina Angel para umalis doon. Agad naman silang tumayo kahit bahagyang inaantok at makakasabay na kaming lumipad paalis roon.

Ngunit hindi pa man kami nakakalayo ay bigla na lang napadpad ang mga mata ko sa isang dako; sa gilid ng dorm ng BANGTAN kung saan madilim. May napansin akong gumagalaw kaya naman agad kong pinatigil sina Jerra at Angel para mamatyagan kung ano ang bagay na nagtatago roon.

Maya-maya ay nakumpirma ko rin ang kutob ko nang lumabas ang isang tao mula sa mga anino. Laking gulat namin nang tangkain nitong akyatin ang pader na nagsisilbing bakod ng dorm pero nang isang metro na lang ang layo bago makaakyat ay pinigilan na siyang makapasok ng energy barrier na nilikha namin. Nagtaka ito sa kung bakit may humaharang sa kanya kaya naman nakailang ulit siya nang subok pero sinasalag lang siya ng enerhiyang nakapalibot doon.

Nagkatinginan kaming tatlo nang masaksihan ang mga tagpong iyon. Kung kaya't napasyahan namin na alamin ang itsura ng taong nagtatangkang pasukin ang dorm pero nang papunta pa lang kami sa kinaroroonan ng misteryosong tao na yon ay saka naman nito narinig ang rumurondang motor ng guard kaya agad itong tumakbo papaalis.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero nang papatakas na ang taong iyon ay dali-dali akong lumipad para habulin ito. Wala namang nagawa ang dalawa kong kaibigan kundi ang sumunod na lang hanggang sa makita naming nagtago ito sa likod ng malaking puno. Napagod na siguro ito sa katatakbo kaya nagpahinga kaya naman sasamantalahin ko na ang pagkakataong iyon para malaman ang katauhan niya.

Mabilis ako tumungo sa pinagtataguan nito. Halos ilang pulgada na lang din ang layo ko mula sa kanya nang sa di inaasahang sandali ay bigla ko na lang narinig na dumaing si Angel dahil sa panghihina. Kaya naman naudlot ang dapat na binabalak ko para puntahan siya na ngayon ay napahawak sa dibdib.

"Angel!? Why?" Sambit ni Jerra kasabay ng pag-alalay sa kanya.

"Y-Yung dibdib ko ang bigat." Sabi ni Angel habang hirap na hirap.

"Huh!? Baka may kung anong nangyayari sa physical body mo." Pag-aalala ko.

"Girl, what's happening to you?" Wika ulit ni Jerra na bakas ang pag-aalala.

"H-Hindi ko rin alam." Nanghihinang tugon niya kay Jerra.

"So what are we gonna do now?" Wika muli ni Jerra na may pagkataranta.

"We have no choice kundi ang bumalik sa HER, baka kung ano nang nangyayari sa mga katawan na'tin 'don." Turan ko naman.

"Sige. Tara na!" Pagmamadali ni Jerra na tinutulungan ako sa pag-akay kay Angel.

Nang umalis na kami mula roon ay napansin namin na nagliliwanag na ang kalangitan. Hindi dahil sa mga bituin o buwan kundi dahil papasikat na ang araw.

"Gosh! We might not make it, the sun is rising!" Tarantang sabi ni Jerra.

"So paano na yan.. ahh-- " Wika ni Angel habang iniinda parin ang kumikirot na dibdib.

"Ahh.. Uhm.. A-Alam ko na. May itinuro sa akin yung shaman na paraan para makapunta sa isang lugar ng mabilis." Turan ko.

"W-What is it?" Usal ni Jerra.

"Yung chant na makakagawa ka ng isang daanan patungo sa lugar na gusto mo." Sabi ko.

"Huh! Do you mean.."

"Yes! You're right. We're making a portal." Wika ko.

"Sige na gawin mo na kung ano man yan. GO!" Pagmamadali ni Jerra.

"Okay! Okay! Eto na!

~여기 내가 말할 거과 . 말할 것이다. 공기, , 당신은 우리의 길을 개척해야합니다. 다른 날을 시작으로 해가 뜨고 있습니다. 가장 귀한 명령은 이제 당신이 복종해야합니다 ~

Here shall I speak and do what I say.
Air, Water and Fire, you shall pave our way.
For the sun is rising, beginning another day.
My dearest command, now you shall obey. "

Matapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay biglang may bumukas na portal sa aming harapan.

Ngunit akma na sana kaming hahakbang patagos sa kabilang dako ng lagusan na 'yon ay siyang nangyari ang bagay na pinaka-kinatatakutan naming tatlo.

Ang pagtama ng sinag ng araw sa aming mga balat.

Nang mangyari iyon ay may isang napakalakas na pwersa ang biglang tumulak sa amin kaya magkakasabay kaming natumba. Kasunod ng paglaho ng lagusan na ginawa ko.

Inalalayan ko silang makatayo nang mga oras na iyon. Nawala na ang sakit sa dibdib ni Angel pero ngayon ay pare-pareho naman kaming nanghihina. Kaba at takot ang nakita ko sa mga mata nila nang mga pagkakataong iyon habang minamasdan ang mga anyo nila. Samantalang ako naman, ay napatingin sa isang street light at lumakad patungo sa kinatitindigan ito.

Sinubukan ko itong hawakan pero kahit anong dampi ko ay tumatagos lang ang kamay ko. Nasaksihan iyon nila Angel at Jerra kaya naman sila rin mismo ay sumubok na hawakan ang mga bagay na malapit sa kanila...

 ..pero natulad lang din sila sa akin. 

Naisip ko sa mga pagkakataong iyon na lumikha ulit ng isa pang portal katulad ng ginawa ko kanina subalit halos mapaos na ako ay wala ni katiting na lagusan ang lumalabas. Kaya naman nang mga sandaling iyon ay di na namin napanghawakan pa ang mga luha sa aming mga mata at wala na itong tigil sa pagpatak.

We really don't know what to do during those times; realizing na talagang hopeless na ang kinalalagyan namin ngayon.

Hindi ko lang talaga lubos na maisip that in our pursuit to protect the men we adore, we've sold our own safety and that.. became one of our greatest trouble.

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 305K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
55.3M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
2.1M 57.6K 95
On the twelfth hour of October 1st, 1989, 43 women gave birth. It was unusual as none of them had been pregnant since the first day they started. Sir...
4M 161K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...