To Adora, The Melting Dreams...

By Kyuuumie

7.6K 2K 2.4K

[Tagalog-English] [ROM-COM] [BOOK 1: THE MELTING DREAMS] [COMPLETE] A heartfelt lovestory unfolds in the mids... More

Prologue
#1; Her thoughts
#2; her own world
#3; Adora to Zoe
#4; curious Zoe
#5; struggling Adora
#6; Adora and Fruga
#7; what lies inside her heart
#8; the lucid dream
#9; Zoe is curious
#10; cold treatment
#11; calm down
#12; Dream 01
#13; Zoe is sorry
#14; the mall
#15; Zoe vs. movies
#16; jealous?
#17; heartbeat
18; catch yourself
#19; heart over mind
#20; sad yet pretty.
#21; special
22; Melissa.
#23; Drunk people
#24; dream 02
#25; Wake up
#26; A blonde Princess with?
#27; astounishing
#29; Guest list
#30; Dayanna
#31; Her feelings
#32; Dream 03
#33; Mayday
#34; Split soul
#35; The ugly side
36; The bright side
37; you're beautiful
38; Two weeks
39; Celia
40; Itchy, Itchy, what?
41; Emotions
42; Skinship
43; dream 04
44; Adora Teaches him
45; Room 101
46; Strong and smart
47; reset
48; patient
49; Fragments
50; Past
51; Present
52; Back to reality
53; Last contract
54; Back to the start
Epilogue
BOOK 2 INFO

#28; fall hard

82 23 45
By Kyuuumie

This chapter is dedicated to AshiiiCuteee
Thanks for booming my notifs today, love you!❤😆

Play the music and enjoy reading~
I miss you-
By Hyolin

------

"Ang yabang," I looked away with a flushed cheeks, nagkuwaring chine-check ang oras sa cellphone.

"Saan mo nanaman yan natutunan?" Hindi ito sumangot sa aking tanong kaya muli kong binalik ang aking tingin sa kaniya. He took my breath away once more, His lips pursed slightly. Para bang nakaka-enganyong panoorin ang aking mga reaksyon.

I silently gasped, our eyes met again but he broke it off. Ngayo'y siya ang nag-iba nang tingin. Nagtataka ngunit nangibabaw ang ginhawa, just imagine how I froze every time I look at him. Nakakahiya, ang dami daming tao!

"Ano ba, nakikinig ka ba talaga sa'kin?" Hinila ni Fruga ang aking braso, he suddenly got my attention. Nagtataka ko itong hinarap.

"H-ha? Ano nga ulit?" I stuttered, blinking twice faster than normal. My hand secretly formed into a ball, pa sikretong kinukurot ang bawat daliri.

'Adora, focus. Focus.' I slowly inhaled and exhaled, trying my best not to get their attention. Hindi naman ytang maganda na malaman nang lahat na halos mabaliw ako ngayon dito.

"Nako, tsk tsk. Adora. Kainis ka rin talaga minsan ano?" Nagtaas baba ang mga tingin nito sa akin, nanliliit ang mga mata nya habang hinahagod ako nang tingin mula ulo hanggang paa.

"Pasalamat ka mukha kang tao ngayon, tsk." He murmur, checking the paperbag he's holding and trying to find something inside. Tumaas ang kilay ko sa narinig. I crossed my arms as I give him a cold stare.

"Adora san mo nga nilagay?" May bahid na ng pag-kainis ang boses nito habang patuloy na nag-kakalkal sa loob ng paper bag. My curiousity kicked in, pa-simpleng sinilip ang ginagawa ni Fruga.

Hindi ko alam kung ano ang tinatanong nito dahil kay Zoe. Oo na natulala nga ako saglit. Pero saglit lang iyon, bumalik rin naman agad ang aking kaluluwang lumipad yta pagkakita kay Zoe.

"Yung ano ba kasi?" Mahina kong sabi, napakamot ako sa aking ulo at sinimplehang iniba ang direksyon nang paningin.

"Yung bag na dala mo." Fruga stressed out the word 'bag', rinig rin ang pagbuntong hininga nito. Malamang nag-pipigil itong makipag-away sa akin, feeling ko kaunti pa ay masasagad na ito at bigla na lamang akong sasabunutan.

"Nasa ilalim nga nung malaking paper bag." Tinuro turo ko ang isang paper bag, nag-kukunwaring kanina ko pa sinasabi sa kaniya na naroon iyon. Huminga ako ng malalim at tinalikuran si Fruga.

Kamuntik-muntikan na akong magulat nang maabutan si Zoe sa ganoon pa ring pwesto, kung pano ko ito iniwan ng tingin ay ganito parin pagbalik ng atensyon ko sa kaniya. our eyes met, para bang panandaliang nag slow motion ang bawat pag kurap ko.

He stared brazenly into my eyes, heat started to crawl up to my face again, Hindi na yta tama ang aking nararamdaman habang tumatagal.

Para bang bawat araw ay nag-tatransform itong nararamdaman ko para dito at kaunti nalang ay hindi ko na ito muling makokontrol.

'Adora, give it up. Walang sasalo.' Napapikit ako sa sariling iniisip. Muling pinilit na kumalma bago ulit dumilat at pa-simpleng ngumiti. I asked him, "Ready ka nang umalis?"

My composure came back after a long battle with my mind. Hindi iyon madali, daig ko pa ang debate sa mga senado. Walang tatalo sa pakikipag-debate ko sa aking sarili, hindi malaman kung sinong mananalo.

But atleast, may magandang nararating ang bawat desisyong dinedebate ko sa aking isip. The pros and cons of talking to ones self.

"Ano magtititigan nanaman kayo? Di na kayo aalis ganyan nalang? Okay lang naman sa akin. Walang mawawala sa'kin." Fruga sarcastically butt in, he scoffed na para bang nakakatawa ang ginagawa namin ni Zoe.

Well, I do admit that I'm feeling weird and all. Siguro'y ganoon na rin ang tingin ng iba sa akin. Sheesh.

Oo bga pala, may pupuntahan kami. I looked at a clock placed in the wall, it was just over the back of Zoe's shoulder kaya hindi na ako nahirapang silipin iyon. My eyes widen abit, nakaramdam ng kaunting panic dahil halos 20 minutes na lamang at magsisimula na ang kasal ni Dayanna.

Why am I getting all nervous and weird? Hindi ko naman matalik na kaibigan 'yon.

"Zoe, tara na. We're late." I naturally slipped my palms on his hand, tinanggap nya iyon nang wala manlang pagkailang. A small smile formed on my lips.

"Byeeeeee." Zoe waved goodbye to Fruga before I gently pulled him away. Nagpahila naman ito sa akin kaya mabilis kaming nakalabas sa salon. Sheesh, ang daming tao, rush hour ba o ano?

"Langya! hoy Adora!" I heard Fruga yelling, nakasimangot ko itong nilingon. Tumatakbo sya palabas sa salon, mukhang hinahabol yta kami.

"Sasama ka ba? Sabi mo busy ka?" Panimula kong tanong habang hinihingal hingal ito. Sheesh, galing lang naman sya sa loob ng salon. Bakit hingal na hingal sya?

"Yung bag mo!" He rested his hands on his pelvis. Huminga ito nang malalim at pumikit saglit. 

"Ano mag jo-jogging ba kayo papunta doon?" Pag dilat pa lamang nito ay pagka-irita na ang sumalubong sa akin. Papatol sana ako kung walang sense ang sinabi nito.

This time I decided to shut up para makuha na agad ang bag at makaalis.

"Oh! Ano ba naman yan napaka-ulyanin mo talaga." He flicked his tongue while giving me my white satchel bag. Talaga namang iba ang tabas ng dila nitong isang 'to.

"Adora sabi mo, we're late." Zoe slightly squeezed my hand and whims like a kid. Akala mo naman sa kung saan ito pupunta at napaka-excited na.

"We'll go now." I gave him an assuring smile before turning our back on Fruga. Nagsimula kaming maglakad palayo.

"Call me when you need me!" Fruga shouted from afar. Lumingon si Zoe dito at muling kumaway, "Okay. Bye bye Fruga!" He cheerfully giggled at Fruga. Napairap na lamang ako. Akala mo'y mag-ama ang dalawa kung mag-usap.

Thankfully, a bunch of taxi's are waiting inline outside the mall, sumakay agad kami sa isa.

"Saan tayo miss?" The driver in an old green polo asked, he's wearing his big glasses on as he checked on us in the mirror.

"Ah," agaran ang pag-kuha ko sa invitation sa loob ng bag, hindi iyon mahirap hanapin dahil masyado itong makinang. A paper full of glitters, masakit sa mata at makalat pa sa loob ng bag.

A crappy invitation, I must say.

My eyes squinted as  I read, kakaiba ang font nito at parang daig pa ang mga doctor. Finally, kahit papaano ay napagtanto ko rin kung saan ang location.

"Sa Ferriel's po," Sambit ko sa driver ng taxi, agad itong tumango at sinimulan ang pag-drive. Huminga ako ng malalim.

First time ko pa lamang ma-imbita sa isang kasalan, hindi ko alam kung paano at ano ang dapat ginagawa doon.

Idagdag mo pa na wala ring alam si Zoe tungkol sa mga ganitong bagay, at isa pang problema ay yung gift certificate na ibinigay sa akin ni Fruga. Ang sabi nito ay inabot ko sa ikakasal.

I dont know what kind of gift certificate he gave me, naka-envelope iyon at naka-sealed na. Sana lang talaga ay hindi ko ikapapahiya iyon, knowing Fruga's behavior.

"Adora are you nervous?" My mind Snapped back to reality, pag-tapos kong mawala sa dami nang iniisip ay boses lang pala ni Zoe ang aking kailangan.

My gaze turned towards him, A sudden chuckle escaped through me. Feeling all relieved na kasama ko si Zoe, atleast I'll be comfortable.

Huminga ako ng malalim at ngumiti, he seems puzzled at my sudden change of expression. Nahahawa na ata ako kay Fruga.

I hummed, then told him, "kinakabahan ako kanina, pero ngayon nawala na."

His eyes squinted, titling his head just enough to match me face to face. "Weird," he uttered. Nagtataka ko lamang itong pinagmasdan habang hinihintay ang susunod nyang sasabihin.

"Why are you nervous when I'm happy and excited to see you all doll up and pretty?" His eyes trailed every part of my face, down to my clothes. Ine-examine ang bawat ditalyeng mayroon ako. His actions were unexpectedly unreal, bold and hasty.

Hindi ko iyon kinakaya, my eyes immediately roamed around the view outside the window of the taxi. Nag-iisip kung anong sasabihin at gagawin, pero sa huli ay nanatili lamang akong tahimik at binalewala ang sinabi nito sa akin.

I hope he won't throw tantrums again, sana hindi na ito mag-tampo tulad noon kapag binabalewala ko ang mga seryoso nitong sinasabi.

I'm sorry, guilty and somewhat regretful inside my heart.

Zoe will surely, and definitely make me fall hard.

Alam ko iyon, pero hindi pa dapat. I might not stop the feelings to grow into something that might hurt me, pero kahit papaano ay magagawa ko itong pigilan, pigilan ang mabilis na pagbulusok ng aking puso para kay Zoe.

Hindi na siya nag-salita pa, all I heard in our 10 minutes trip to Ferriel's is his quiet sighs.

"Dito na tayo Miss." The driver glanced at us in his mirror, agad kong kinuha ang wallet sa bag at kumuha nang sapat na pera para i-bayad sa taxi driver.

"Thank you." I said with a small smile before going out of the taxi, hindi ko na nilingon pa si Zoe, narinig ko naman na lumabas ito sa kabilang pinto ng taxi.

Sa gilid ng aking mga mata'y nakikita ko itong nakatayo sa aking tabi, he cleared his throat as his eyes wondered around the huge place.

Malaki at mataas ang building, mayroon ding malaking fountain sa gitna at nag-gagandahang bulaklak sa malawak na hardin sa gilid nito. Hardin nga ba ito o talagang malaki lang ang espasyong pinaglagyan nito?

I secretly took a glance at Zoe, he's amused at the whole scenario infront of us. Napangiti ako doon, I love the expression he makes whenever he see something unique, lovely and different.

Nawala ang kakaibang iniisip ko mula pa kanina at napalitan na ito ng isang matamis na ngiti matapos kong pagmasdan si Zoe. He is my remedy, wala naman akong balak i-defy iyon.

"Let's get in?" I slowly slide my hand on his, napatingin ito sa akin. I looked back to him and gently tangled each of my fingers to his. Ngumiti ako sa kaniya, showing a bit of my genuine feelings.

"Okay," bahagya itong napangiti, the pupils of his black solemn eyes dilated as we stare at each other. Nakakahilo, para bang na-hahalucinate ako sa mga mata nito. It was a very tempting thing to do, napakaraming what if's ang pumasok sa isip ko.

What if, okay lang? What if masasalo nya naman ako? What if hindi? What if masakit? What if worth it pala kung susubukan?

"Excuse me,"  cold and rude. Someone wants us out of the place so he could walk and go on, In this huge place, full of extra places to walk through--- may isang tao ang nag-matigas na pa-alisin kami sa aming pwesto.

Nag init ang ulo ko, my eyes darted on the person who just said 'excuse me,' in the worst tone. Nakasimangot ako at masama ang tingin dito, but not until I recognize him.

Prettily standing in a nice suit and an annoyed expression, is my student named Marco.

Anong ginagawa niya dito?

------

Hi, sorry if ngayon lang ako mag s-start mag dedicate, don't worry iisa-isahin ko talaga kayong mga mababait na nagbabasa ng "To Adora." Love you guys!❤❤❤❤❤💖

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 18.9K 41
Dice and Madisson
1.5M 55.2K 80
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ...
18.6K 2K 11
Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italy...
2.9M 119K 54
Gabbana; the spoiled, self-centered, self-indulgent little brat. She who knows little about living, have bought so much in life. And when she thought...