"Akala ko ba kailangan mo akong sanayin kung paano ko matatalo ang element powers?" naiiritang tanong ko kay Axelle.
Kagabi pa kaming ganito, we're just training without him using his Earth Element. Alam ba niyang buong buhay ko puro martial arts, combat fight, sword fight at kung ano ano pa ang lagi kong ginagawa. Kaya paano ko mapag-aaralan kung paano kumalaban ng isang Elemental powers kung puro ganito lang ang ginagawa namin?
"You just need to learn how to fight Yvon," he said, smiling at me.
Binagsak ko ang wooden sword na hawak ko, "Alam mong iyon ang kakayahan ko Axelle. So just fight me using your Earth element."
"Like this?" he said, and I felt the little shake. Pero agad ding naglaho ang mahinang lindol.
"Ha ha, not funny Axelle. Show me your whole ability."
"Hmmm, I'll show you. If you find me," he grinned.
Tumakbo siya palayo saakin. Damn it. Ano bang pinaggagawa ni Axelle? Wala akong ibang nagawa kung hindi habulin siya.
Nasaan na siya?
"Axelle where the hell are you?!" I shouted.
Inikot ko ang paningin ko. Nasa bandang malayo ang anim, nagsasanay. Si Mizu ginagamit ang Ice element para kalabanin si Mia. Si Airos naman tinuturuan si Cass kung paano lumipad gamit ang pakpak.
Sa pinakamalayo nandoon si Ashton at Via. Ang itim na elemento ay kinocontrol ni Via. Ginagaya niya ang ginagawa ni Ashton sa apoy na elemento.
Naglakad na lang ako para hanapin si Axelle. Nasaan na ba ang lalaking 'yon?
Sa paglalakad hindi ko napuna na napalayo na pala ako ng sobra sobra.
"Axelle where are you?!"
But an hour finding him, walang Axelle akong nakita. Bukas na ang pangatlong pagsusubok namin pero hindi pa ako tini-train ni Axelle na kalabanin ang Elemental powers.
What will happen to me tomorrow?
-----
Kinabukasan maaga pa lang pinabangon na kaming lahat. Hawak ko ang arnis stick ng lumabas ng cabin. Nandoon na silang lahat. Si Lolo Alejandro ay naghihintay sa bandang gitna.
Tumabi ako sa pagkakatayo kay Cass. Nasa bandang unahan ko si Axelle. Nilingon niya ako at nginitian. Hindi ko siya pinansin. Kapag may nangyaring hindi maganda kasalanan niya. Buong araw ako naghanap sa kanya kahapon pero hindi ko siya nakita. Kahit ng kumain kami ng gabihan wala din siya.
"Sa tingin mo ano ang pagsubok niyo?" tanong ni Cass.
"I don't know," but something is wrong.
Kagabi hindi ako makatulog ng maayos. Parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko. All I know is... may hindi magandang mangyayari.
"Mainit ba?" Cass asked. Hinawakan niya ang noo ko, "Bakit ka pinagpapawisan?"
Doon ko narealize na pinagpapawisan na pala ako kahit hindi naman ako naiinitan.
"Ang pangatlong pagsubok na naghihintay sainyo," tumingin si Lolo Alejandro sa pwesto namin ni Mia.
Winagayway niya ang wand na hawak at unti-unting nabuo ang dalawang barrier cage. Malaki parehas ang dalawa. Kulay puti ang bawat rehas.
"Pagpasok niyo sa tig-isang barrier kinakailangan niyong matalo ang makakalaban niyo sa loob."
Walang katapusan na labanan.
"Pumasok na kayo," utos niya saamin.
"Goodluck!" niyakap ako ni Cass.
Pagkabitiw niya sa yakap ay naglakad na ako papasok sa kanan na parang cage.
Nag thumbs-up saakin si Airos. Si Cass naman ay nginitian ako and mouthed me... "You can do it!"
Pero ang serysong mukha ni Ashton ang nagpakaba saakin. Mas lalong lumakas ang kutob ko na may masama ngang mangyayari.
Pagkapasok sa loob, nagulat ako ng naglakad papunta sa pwesto namin si Mizu at Axelle.
Don't tell me...
Shit.
"I'm sorry Yvon," Axelle apologize after entering the battle cage.
Siya ang makakalaban ko?
Tiningnan ko ang nasa kanan kung saan nandoon ang kabilang battle cage. Pumasok si Mizu doon at hinarap si Mia. Halata sa mukha ni Mia ang pagkagulat.
"Kaya ba hindi mo ako tinrain kahapon para hindi kita matalo ngayon?" iyon ang naitanong ko kay Axelle.
Lumungkot ang ngiti niya, "I didn't train you yesterday because I'm avoiding to hurt you. Ngayon ay mas safe na kasi may spell ang barrier na nandito. Kaya kahit papaano alam kong hindi ka mapapahamak."
"Bakit naman ako mapapahamak?"
"It's like... my Earth element is a cursed. Kapag ginamit ko na ay nawawalan na ako ng emosyon. Advantage ko ang element powers ko kung sa kalaban ko gagamitin, pero kung sa taong mahalaga saakin... nagiging sumpa para saakin."
This is hell.
Nang nag-umpisa na ang oras para sa laban. Hinawakan ko maigi ang arnis stick na hawak ko.
Nakatayo lang si Axelle, nagdadalawang isip kung susugod ba o hindi.
"Axelle Pearce Fiel! Alam mo ang usapan natin," boses ni Lolo Alejandro ang umalingawngaw sa loob ng battle cage.
"I'm sorry Yvon," that's the last thing Axelle said before he attacked me with floating rocks.
Sa una ay masayong mababagal pero ng nilabanan ko ang mga bato mas bumilis ang pagpunta saakin at mas dumami.
Now I can't stop Axelle.
Cassandra P.O.V
Puro defense ang ginagawa ni Yvon. Gamit ang arnis stick nagagawang niyang maiwasan ang mga batong tumatama sa kanya. Ang ilan ay bumabalik sa pwesto ni Axelle.
Nag crack ang lupa na tinatapakan ni Yvon. Tumalon siya paalis sa pwesto kung saan nag crack ang tinatapakan niya. Ang mga damo at ugat na nasa lupa ay umikot sa kanyang binti. Hindi niya magagawang tanggalin iyon dahil sa higpit pero nagawa niya parin iwasan ang mga bato na naglulutangan papunta sa kanya.
Isang malakas na pwersa ng paghila sa paa ang ginawa ni Yvon para matanggal ang mga damo at ugat. Nasira ang telang ibabaw ng sapatos ni Yvon. She cursed because of what happened pero hindi niya inalis ang atensyon sa mga batong umaataki sa kanyang pwesto. She rolled down over to avoid the floating rocks.
Mabilis siyang nakarating sa pwesto ni Axelle. Sinabit niya ang kaliwa niyang binti sa binti ni Axelle para maibalibag. Nang nagawa niya ay natigil din ang mga lumlutang na bato.
Saka niya sinuntok ang mukha ni Axelle ng ilang beses. Dumugo ang ilong ni Axelle.
Pumikit si Axelle at sa pagdilat niya ay kulay yellow na ang mata niya. Mata ng isang lobo. Kumulubot ang mukha niya at lumabas ang mahahabang pangil. Ang daliri niya ay nagkaroon ng claws. Gamit ang claws ay kinalmot niya ang leeg ni Yvon.
Napalayo si Yvon dahil sa nangyari. Hawak niya ang leeg niya kung saan dumudugo na. Tumayo si Axelle saka umataki sa kanya. Mabilis masyado si Axelle dahil sa transformation niya na pagiging werewolf. Kakalmutin niya ulit si Yvon mabuti na lang at nagawang iharang ni Yvon ang arnis stick sa kamay ni Axelle.
Malakas si Axelle pero nagawa siyang pigilan ni Yvon. Sinipa niya ang gitnang babang parte ni Axelle kung saan mapapahiyaw siya sa sakit.
Napaatras si Axelle kay Yvon at bumalik sa dating anyo. Naging brown naman ang kanyang mata, kasabay ng pagdausdos pababa ng sand. Tinabunan si Yvon, ilang segundo lang naman ay nakaalis na si Yvon sa tumabak na buhangin sa kanya.
Nalipat ang atensyon ko ng tumili si Mia. Ilang hiwa na ang nasa balat niya galing sa matutulis na yelo. Si Mizu naman ay may malaking black eye sa kaliwang bahagi ng mata.
Pinauulanan siya ng matutulis na yelo ni Mizu. Mapapansin na hindi pa sineseryoso ni Mizu ang laban nila.
"Mizu, hindi kayo matatapos dyan kung ipagpapatuloy mo ang pinaggagawa mo!" sigaw ni Lolo Alejandro na masakit sa tainga.
Nagsalubong ang kilay ni Mizu. Saka siya tumitig ng masama kay Mia. Litaw na litaw ang clear white na mata niya. Tumigil ang mga matutulis na yelo.
Nakafocus lang ang tingin niya kay Mia.
"Anong ginagawa niya?" tanong ko sa katabi kong si Airos.
"He's frozing the liquid," nakapout na sabi ni Airos.
Frozing the liquid...
He means that Mizu is frozing Mia's blood.
Tumili si Mia saka napaluhod. Hawak niya ang kanang braso niya kung saan parang nawalan ng buhay. Straight na straight! Halos umiyak na siya sa sakit.
"Mia!" lalapit sana ang kambal niya pero hinawakan siya sa balikat ni Lolo Alejandro para pigilan.
Bumitaw si Mia sa paghawak sa kanan niyang braso dahil ang kaliwa naman niyang braso ang nadiretsyo. Nagyeyelo nadin ang dugo niya sa kabilang braso.
"Tama na!" sigaw niya.
Hindi naman natinag si Mizu.
Bumagsak ng tuluyan si Mia sa lapag, nawala sa pagkakaluhod. Napansin ko na sabay na nagyeyelo ang dalawa niyang binti. Daig niya pa ang na stroke.
"Ahhh!" hiyaw ni Mia.
Umaakyat na ang pagyeyelo ng dugo niya sa katawan.
"Mia do something! Hindi mo pwede paabutin sa puso mo ang pagyeyelo!" sigaw ng kambal niya.
Pinapatay na ni Mizu si Mia!
Nakapikit si Mia ng mariin, patuloy na tumutulo ang luha niya. Napansin ko na konting-konti na lang sa parte na ng puso niya ang mag yeyelo.
"Ahhh!" isa pang hiyaw niya, bumagsak ang napakalakas na ulan.
Pagdilat niya ay napatakip ako sa bibig. Her eyes turns in to ocean blue. Naging blue green ang buhok niya.
She's the Water Elemental holder!
"She's the Princeps Aqua," hindi makapaniwalang saad ni Airos.
Ang mga ulan ay nagtipon tipon sa harapan niya saka naging malaking bola ng tubig. Isa pang hiyaw niya mabilis na dumiretsyo ang bola ng tubig sa pwesto ni Mizu.
Masyadong malakas ang impact ng tumama sa dibdib ni Mizu. Napayuko si Mizu, tiningnan ang damit niya kung saan unti unting nagkulay dugo.
Bumalik sa dati ang mata niya, pero bago pa siya bumagsak ay patakbong pumasok si Airos sa loob ng barrier. Hinila niya palabas si Mizu. Pagkatungtong nila sa labas ay nakatayo na bigla ng maayos si Mizu.
Akmang papasok si Via sa loob ng barrier para kunin si Mia, pero nagsarado ang barrier.
"Mamaya niyo na siya ilabas," pagpigil ni Lolo Alejandro.
Nakahiga na sa lapag si Mia at wala na namang malay. Tumigil nadin ang pag-ulan.
"Okay ka lang?" tanong ko kay Mizu.
Tumango-tango siya pero ang mata niya ay nasa harapan ko. Tiningnan ko kung ano ang tinitingnan niya. Then I saw who's he looking at. Nakatingin siya kay Yvon at Axelle.
Duguan ang mukha ni Axelle. Pati nadin ang tuktok ng ulo niya ay dumudugo. I-ika ika na siyang maglakad.
Kung si Mia ang Water Elemental holder... sino ka Yvon?
-----
New looks of Mia Curtis...