Could Have Been Better (Crush...

By PollyNomial

16.2K 600 58

Elaine Joy Mendoza was from Los Angeles. Pero kahit ilang taon na mula nang tumira siya roon kasama ang pamil... More

Could Have Been Better
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Ending
Lost With A Shattered Heart

Chapter 21

191 8 0
By PollyNomial

CHAPTER 21 — Camera


Nang matapos ang isang linggong day-off ni mommy ay nagdesisyon na rin akong maghanap ng trabaho. I don't know if I could find a decent job since I was only seventeen. Kahit naman siguro mababa lang ang sweldo ay ayos na sa akin basta may mapagkaabalahan ako habang hindi pa ako pumapasok sa school. Ayoko naman kasing masayang ang panahon ko rito sa apartment namin nang walang ginagawa.

I searched the internet for jobs around the neighborhood. There were three public libraries in the city. There were also some bookstores that I can apply to. Mahilig naman ako sa pag-aayos ng libro at sa tingin ko ay sapat na ang natutunan ko noon sa dati kong school upang makapasok dito.

I think it's impossible for me to be hired in a library than a bookstore. Kaya naman mas inuna kong puntahan ang mga bookstores na nakita ko sa net na naghahanap ng mga staff. I could apply as a saleslady or cashier.

Sa isang maliit na bookstore malapit sa isang university ako nakarating. Saleslady at cashier nga ang posisyong bakante nila. Since I cannot apply for higher positions, I will just settle for this one.

I started immediately after the interview because they badly needed employees. The employer was really kind. I learned that the bookstore had just opened a month ago. There was no uniform but we are only allowed to wear black civillian clothes at work.

Simple lang ang trabaho ko. That is to organize all the books. Inaayos ko ito base sa klase ng libro. Sa isang bookshelf naman ay dapat naka alphabetical ang pangalan ng sumulat ng libro. Minsan ay pumupwesto ako sa cashier. Mas gusto ko ang pag-aayos na lang ng libro kaysa sa pagpwesto sa kahera. Ang hirap din naman kasi ng trabahong iyon dahil sa tuwing matatapos ang aking shift ay kailangan ko pang mag-imbentaryo ng mga binili sa amin. Kapag doon naman ako sa mga libro ay ang gagawin ko lang ay iayos ito sa tamang lugar pagkatapos tingnan ng mamimili. Minsan ay tanungan din ako ng mga customer kapag may hinahanap sila.

I think it wasn't a difficult job. I earned a quite amount of money in my first week. Para sa akin ay malaki na itong sinasahod ko. I spent some of my money in buying clothes that I could wear at work and I saved most of it.

On the last week of May, my mother visited me. Hindi siya nagtagal. Nagbigay lamang siya sa akin ng pera na maaari kong gastusin. But she frequently asked me if I'm okay.

"I'm fine, mom. Sapat naman ang sahod ko para sa akin," sabi ko nang abutan niya ako ng pera.

"Pandagdag mo na rin ito, anak," aniya.

Wala naman akong nagawa sa pamimilit ni mommy. Ayaw kong tanggihan siya. That day, she had dinner at our apartment and left after.

I was in my room lying on my bed with my laptop. Sa unang ring niyon ay nahulaan ko na agad kung sino ang tumatawag. It was Celine! Hindi kami madalas makapag-usap dahil hindi nagtutugma ang aming mga oras. Kaya naman sumigla ako nang malamang siya ang tumatawag.

"Hi, Elaine!" bati niya.

Malaki agad ang aming mga ngisi. "Kumusta ka na?" tanong ko.

"'Eto, tinatamad na magpasukan," utas niya.

Saglit akong hindi nakasagot sa sinabi niya. Ngayon ko lang naalala na magpapasukan na sila sa Pilipinas. Ang alam ni Celine ay uuwi ako bago magsimula ang pasukan. Dahil sa ang alam niya ay sa probinsya ako mag-aaral ay umaasa siyang uuwi ako at muling makikipagkita sa kanila.

"Uhm, uuwi na ako next weekend," wala sa sariling pagsisinungaling ko. Pinaalala ko sa aking sarili na magdasal mamaya at humingi ng tawad kay Celine at lalo na sa Panginoon dahil sa mga kasinungalingan ko.

"Talaga?" Kitang kita ang kislap sa kaniyang mga mata. "Magkikita ba tayo?"

Pinanood ko siya habang umaasa siyang magkikita pa kami. "I am... not sure about that," sabi ko.

"Bakit naman?"

Iniwasan ko ang mga mata niya. I looked at myself. Sa ibaba ng mukha ni Celine ay makikita ang maliit na box kung nasaan ang sarili kong mukha. Napakasinungaling kong kaibigan.

"Ang sabi ni mommy ay didiretso kami sa probinsya pagdating namin diyan sa Pilipinas," halos walang boses na lumabas sa bibig ko.

Lumapit ang mukha ni Celine at sa tingin ko ay pinakinggan niyang maigi ang mahihinang salita ko.

Nakanguso siya. May pagtataka sa mga mata niya. "Alam mo, hindi ko pa nakikilala ang mommy mo. Nagtaka ako nun sa airport kung bakit wala siya eh ang sabi mo, magkasama kayong aalis," aniya.

Natigilan ako. Mabilis ang pag-iisip ko ng palusot. "She was already inside the airport. Doon kami nagkita sa loob," wika ko.

Tumango naman siya roon. Walang paghihinala sa mukha. "I want to meet her someday. Ang bait bait ng daddy mo. Siguradong pati ang mommy mo ay mabait din," aniya. "Alam mo bang nagpupunta rito palagi sa amin ang daddy mo?"

"Talaga?" Naging interesado ako sa sinabi niya.

"Oo. Palagi silang magkasama ni papa. Tinuturuan niya si papa na mag-handle ng negosyo niyo," aniya.

Kung ganoon ay tama akong si Tito Enrico nga ang mamamahala ng negosyo habang wala si dad.

"Ang lungkot nga, e, kasi aalis si papa. Pupuntahan niya ang Tita Enrica ko para makapaghanap sila ng investor. Magtatayo na rin si papa ng sarili niyang negosyo," kwento niya.

Naririnig ko ang sinasabi ni Celine pero iba ang iniisip ko. If dad was always with Celine's father, then it's possible that he's not seeing her woman anymore.

"Ang sabi mo palaging magkasama si daddy at ang papa mo?" paninigurado ko kay Celine na tinanguan niya. "Sigurado ka ba? Sa tingin mo wala silang ibang inaasikaso kundi negosyo?" tanong ko.

Nangunot ang noo ni Celine. "Oo. Dahil nagkikwento si papa. Alam mo naman 'yon. Makwento iyon ng mga nangyayari sa kaniya araw araw," ani Celine. "Palagi rin kasing tinatanong ni Lola at Conrad."

Huminga ako ng malalim. Sana nga tama ang iniisip kong hindi na nakikipagkita si daddy sa babae niya. Dahil hindi ko na alam ang mangyayari kung hanggang ngayon ay may namamagitan sa kanila. Lalo na ngayon na wala kaming komunikasyon. I don't know if he's talking to mom. Wala naman kasing nababanggit sa akin si mommy.

"Siguro nami-miss mo na ang daddy mo 'no? 'Wag kang mag-alala sa kaniya. Mukha naman maayos siya kapag nakikita ko siya," aniyang may bahid ng pagmamalasakit sa tono.

Hilaw ang aking ngiti. "Pwede bang pakisabi sa papa mo na bantayan si dad?" hiling ko.

Nagtaas ng kilay si Celine. Wala siyang ibang pinapakitang paghihinala. Ang ekspresyon niya ay purong pagmamalasakit lamang. "Oo naman," aniya.

Marami pa kaming napagkwentuhan. Mas madalas na siya ang hinahayaan kong magkwento sa akin. Hindi ko kasi alam kung alin sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon ang maaari kong ikwento sa kaniya. Ayoko na rin madagdagan ang pagsisinungaling ko sa matalik kong kaibigan.

Kahit na antok na antok na ay hinayaan ko lang na mag-usap kami ni Celine. Alam kong matatagalan ang susunod naming pag-uusap.

I wanted to talk to Conrad also. Pero hindi ko naman siya naaabutan sa tuwing online ako sa Skype. But we often send messages to each other. Ngunit hanggang doon lang ang mga pag-uusap naming dalawa.

When June came, I already kept in my mind that I was supposed to be in the Philippines this time. Pinapaalala ko palagi sa sarili kong suriin muna ang aking paligid bago ko sagutin ang tawag ni Celine. My surroundings should not look like I was in a different country. Madaling mahalata kapag bukas ang bintana dahil magkaiba ang aming mga oras kaya naman sinasara ko ito. If it's daytime here, then it's nighttime in the Philippines and vice versa. I also need to change clothes because she cannot see me fully clothed with thick sweaters. Lahat ng iyan ay nakatatak na sa utak ko sa mga video calls namin.

I told Celine that I cannot meet her once I came back. Gaya nang nauna kong sinabi sa kaniya ay uuwi agad kami sa probinsya pagkarating sa Pilipinas. Pinaniwalaan niya ang lahat ng iyon. She was very sad at first but she said that she understood me. Hindi naman daw kasi ako ang nagdedesisyon niyon. If only she knew the truth... I'm scared she'll hate me forever.

When Celine's first day of school came, she was very eager to talk to me. Pero sa tuwing may mga message siya ay gumagawa ako ng excuse na abala pa ako sa pag-aasikaso sa school kaya hindi ko siya natatawagan. She was very understanding and I was really guilty.

Kaya nang tumawag siya nang sumunod na linggo ay sinagot ko na ito.

"Elaine!" bungad niya sa akin ang natatarantang mukha.

Agad naman ako nag-alala.

"Anong nangyari?" tanong ko.

Sinapo niya ang noo. Ang hula ko ay nasa kaniyang kwarto si Celine. Madilim ang kaniyang paligid. Sa labas ay maliwanag. Mamaya ay papasok na ako sa trabaho. Panghapon ako sa araw na ito kaya ayos lang na mag-usap kami nang matagal ng matalik kong kaibigan.

"Nahuli na ako ni Vans!" bulalas niya.

Naguluhan ako sa kaniyang sinabi. "Anong nahuli?" tanong ko.

"'Yong notebook ko na may mga doodles ng pangalan niya, nakita niya!" aniyang tila iyon na ang pinaka nakakahiyang pangyayari sa buhay niya.

"Ano?" gulat kong sabi.

Sinapo ko rin ang aking noo. Hindi ko akalain na magkakaganito si Celine. She was smart eversince. Kung ganito siya sa harap ng kaniyang crush ay ano na lang ang mangyayari sa buong taon niya? Kaklase pa naman niya ang mga ito. Hindi man lang niya iningatan ang sikreto niya.

"Oo, Elaine. Gosh! Anong gagawin ko? Alam na niya na crush ko siya!" utas niyang halatang kabado.

Nag-isip ako ng maaaring mangyari. Siguradong halata na siya ni Vans. I don't personally know the guy but it was not new to everyone that he was a smart person like Celine. Ang balita kasi namin noon ay matalino talaga itong si Vans at madalas nangunguna sa kaniyang klase. Condrad talked about him a lot every time Celine asked about him. Suportado ni Conrad noon si Celine kahit na mas madalas niya itong asarin.

Pinilit kong aluhin si Celine kahit na kabaligtaran na ang nasa isip ko. "Alam? Bakit, may sinabi ba siya?" tanong ko.

Nangunot ang kaniyang noo. "Wala naman. Pero nakita niya, e! Anong iispin niya doon? Na sinulat ko ang pangalan niya for no reason?"

"Eh bakit naman kasi pakalat kalat 'yang notebook mo na may pangalan niya? Baliw ka talaga!"

Alam naman pala niya ang consequences ng nangyari, e nagtatanong pa siya? Ngumisi na lamang ako at natawa pa nang sumimangot siya.

"Excuse me! Hindi 'yon pakalat kalat. Nalaglag lang at aksidenteng nakita niya." Malungkot na ang tono niya. "Paano na?"

Nangalumbaba ako. "Act normal," utas ko sa pinakamadaling solusyon. "Hayaan mo siyang mag-conclude ng mag-isa. 'Wag kang aamin o magpapahalata. Ano naman kung nakasulat ang pangalan niya sa notebook mo. There are a lot of explanations for that, Celine. At 'wag mo siyang bibigyan ng isa kahit na kasinungalingan ang rason."

Nanlulumo pa rin ang kaniyang hitsura. "Paano kapag nagtanong siya?"

"Then don't answer. Just shrug or don't give him a chance to ask you."

Marami pa kaming napag-usapan ngunit parating bumabalik doon ang aming paksa. Sasaluhin ko naman siya at sasabihing hindi niya kailangan mag-alala sa bagay na iyon. Nang sabihin niyang inaantok na siya ay saka lang namin tinapos ang pag-uusap.

Kapapatay lang ng tawag ni Celine nang tumunog ulit ang laptop. My mouth slightly opened when I saw Conrad's name. Tinitigan ko iyon. Ang tagal na mula nang huli kaming nag-usap ni Conrad. We always talk through chat but we don't do video calls. Hindi ko ito masyadong pinapaunlakan dahil nahihiya akong makita siya at isa pa ay kinakabahan ako. And another reason is I know I will feel sad if I see him.

Lumunok ako. Hindi ako nakapag-offline nang mabilis. Sana ay hindi niya ako natawagan.

I clicked the accept button. Conrad's face was immediately on my screen. Binasa ko ang aking labi nang sa tingin ko ay rumehistro na rin ang aking mukha sa kaniya.

"Ang tagal kong hinintay 'to," iyon ang pambungad niya kasama nang malalim na buntong hininga.

Malumanay ang kaniyang pagsasalita. Paos at tila pagod na siya. I checked the time. It was almost 10 in the morning here in Los Angeles. That means, it's 1 am in Manila.

"Good evening, Conrad." Matamis ang aking ngiti. Ang tibok ng aking puso ay unti unti nang nagbabago dahil sa lalaking ito. "Madaling araw na riyan. Hindi ka pa ba matutulog?"

"I waited for almost two hours, Elaine. Nasa labas ako ng pinto ni Celine, waiting for her to end your call. As soon as I heard her say goodbye to you, I called you immediately," aniya.

Nanlumo ako dahil lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nakakapanghina iyon. Kung ganoon ay nasa labas siya ng kwarto ni Celine at naghihintay? Ganoon ba niya ako kagustong kausapin? Bigla akong nakonsensya.

"Iniiwasan mo bang makausap ako?" tanong niyang may bahid ng lungkot sa boses.

Nag-iwas ako ng tingin. I cannot lie to this boy. I'll tell the truth but I am not looking at his eyes. "Malulungkot kasi ako kapag nakita kita. Hihilingin ko lang na sana nandyan pa rin ako kasama niyo," sagot ko.

"Look at me," aniya.

Matagal bago ko siya sinunod. I heard him sigh a few times. Ilang beses din niyang tinawag ang pangalan ko. Sa pangatlong beses ay tumingin na ako sa kaniyang mukha.

Hindi kami nakatingin sa isa't isa. It's because we are looking at each other's faces on our screens.

"On the camera, Elaine," aniya.

Sinunod ko iyon. Nang hirap siyang bumuntong hininga ay nagbaba ako ng tingin upang makita siya.

"Camera, Elaine," ulit niyang ginawa ko.

"I miss those eyes," paos niyang bulong.

Ngumiti ako at piniling makita rin siya. I miss him as well. I miss him so much!

"Kumusta ka na?" tanong niya.

Pinigilan kong mas palawakin ang ngiti. "Conrad, katatanong mo lang niyan sa akin kagabi bago ako matulog," sabi ko.

"But it was different. Ngayon nakikita na kita. I want to know if you are telling the truth. How are you, Elaine?" ulit niya sa tanong.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko. "I'm okay. Siyempre medyo malungkot kasi ako lang mag-isa rito sa apartment. Mom visits me a lot. Pero mabilis lang at hindi naman siya madalas nagtatagal."

"Do you talk to your dad?" tanong niya.

Umiling ako.

"Palagi ko siyang nakikita kasama si papa," he told me.

"'Yan din ang sabi ni Celine." Naalala kong may nabanggit si mommy tungkol sa pag-uwi ni dad. I'm not yet sure if it's true or mom just wants me to stop worrying. "Kumusta siya?"

"I think he's fine." Gumalaw si Conrad. Mas lalong lumapit ang kaniyang mukha sa aking screen. "Wala na si papa rito. Ngayon, hindi ko na alam kung anong mga pinagkakaabalahan ni Tito William."

Kumunot ang aking noo. "Why? Inaalam mo ba ang mga nangyayari kay daddy?"

Lumikot ang mga mata niya. Nang tingnan niya ako ay may nahihiyang ngisi sa labi niya. "Inaalam ko kay papa. Gusto ko lang malaman kung may kakaiba ba siyang ginagawa. I won't let him betray you again, Elaine," utas niya.

Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko. Kasabay niyon ay parang may pumipiga roon. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Masaya ako sa ginagawa ni Conrad para sa akin. Mahirap namang isipin na ginagawa niya iyon dahil ayaw niyang ulitin ni daddy ang pagkakamali nito. I was hurting because I still remember what dad did to us.

"Minsan, gusto kong pumunta sa bahay niyo. I just want to check. Pero nahihiya naman ako," aniya. "Anong sasabihin ko kapag nandoon na ako?" Tumikhim siya at natawa sa sarili.

Gumulo lalo ang isip ko. May laman para sa akin ang sinabi ni Conrad. Anong gusto niyang malaman? He wants to check if dad is bringing his woman to our home? Iyon ba 'yon?

Hindi ko na tinanong. It hurst me just by thinking about it. Ayoko nang pag-usapan.

"Can we change the topic?" hiling ko sa kaniya.

He smiled and nodded. There were sadness in his eyes. Ngunit tinakpan niya iyon nang pinasiglang ngisi niya.

"Ikaw, kumusta ka na?" tanong ko.

Lumaki pa ang ngisi niya. Nakikita ko na ang paparating na kapilyuhan niya. "Heto, guwapo pa rin," aniyang inasahan ko na.

Kilalang kilala ko na si Conrad na halos alam na alam ko na ang mga tinatago niyang kapilyuhan. Kung kailan niya ito dapat itago at kung kailan ang tamang oras para ilabas ito. Now, he's back to being playful again. I feel comfortable every time he acts like this.

"Eh sa school, kumusta?" Nanliit ang mga mata ko. May mga babae kayang humahanga sa kaniya? I'm sure there are a lot of them. He's a varsity player. Imposibleng walang nagkaka-crush sa kaniya.

"Nag-aaral ako nang mabuti, Elaine. If that's what you're asking," sagot niya.

Mapaglaro ang aking ngiti. Umiling ako. "Ang mga kaklase mo? Kumusta sila?" tanong ko pa.

What I really want to know is if his girl classmates are flirting with him. If they like him. If he likes them too. Ano kayang gagawin ko kapag tungkol doon ang binalita niya?

"They're okay. Kilala mo naman ang mga naging classmate ko, 'di ba? Halos ilan lang naman ang naiba."

At sa 'ilan' na sinasabi niya, ilan kaya ang babaeng nagpapapansin sa kaniya?

I slightly laughed at my thoughts. Napansin niya iyon. Tila namamangha siya nang pagmasdan ako.

"What's funny?" tanong niya.

Nagkibit balikat ako. I trust Conrad. Yes, we did not commit ourselves to each other. Pero nangako siyang ako lang ang babaeng mamahalin niya. As long as he loves me, I know that he'd be loyal to me. Sana lang, kung darating ang araw na mawawala ang pagmamahal niya, ipapaalam niya sa akin. Hindi 'yong basta na lamang siyang hahanap ng iba at walang pasabi.

Ang isipin pa lang iyon ay parang winawasak na ang puso ko.

Ipinilig ko ang aking ulo. Conrad saw that. I only smiled at him. 

Continue Reading

You'll Also Like

20.5K 445 54
Description: [Saudade] How I long wanted to be yours and for you to be mine. How I long wanted for the time to pass by so we don't have to wait. How...
29.7K 837 40
MONTEFIERRO SERIES #1 Cyrelle Blessica Escareal, a woman with high hopes and big dream. She used her passion for music to reach her goals in life. Al...
4.3K 159 52
There was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that h...
87.1K 3.1K 45
Forever Series 1/4 Hurricane, a 17 year-old lady from a prominent family in the field of business was arranged in a marriage with Hell. No, I am not...