Matinding sikat ng araw ang gumising saakin. Pakiramdam ko ang sakit ng buong katawan ko. Bakit parang sumobrang tigas ng hinihigaan ko? I slowly open my eyes. Ang kaninang init sa balat ay nakakasilaw na sa mata.
Mga huni ng ibon, agos ng tubig, at pagaspas ng mga dahon. Nang nasanay na ang mata ko sa liwanag sa paligid ay saka ko lang nakita ang buong paligid. Bakit nasa isang forest na naman ako? Pangkaraniwang forest ang nakita ko, kagaya ng sa mundo ng mga tao. Nasaan ako?
Inikot ko ang mga mata ko sa paligid. Then I saw the three other girls, nakahiga sa magkakalayong parte ng kagubatan. Tiningnan ko ang soot kong damit, I'm still wearing my clothes that I was wearing last night. A pair of black jogging pants, white T-shirt and black rubber shoes. But the jacket I'm wearing right now is unfamiliar to me. Masyadong malaki ang itim na jacket na nakasoot saakin. Inamoy ko, a familiar smell touched my nose. The perfume of Ashton surrounded the jacket. Bakit nasaakin 'to?
Tumayo ako saka pinuntahan si Cass na hanggang ngayon ay mahimbing ang tulog. Goodluck to her reaction when she realize where we are. I slapped her face, not that hard. Just to make her wake-up. Then she slowly open her eyes and blinked.
"O my gosh!" hysterical siyang bumangon, "Asan tayo?!"
Iyang din ang tinatanong ko. Paano kami napunta dito?
"Tell me I'm just dreaming? Gisingin mo na ako Yvon!" nag hysterical na siya.
"Nasa mundo na ba tayo ng mga tao?"
As expected iyan ang mapupuna niya. Madalas kami magpunta sa mga kagubatan sa mga probinsya o kaya ay sa ibang bansa. Kaya ngayon ay aakalain talaga naming nasa mundo na kami ng mga tao. Sa mundo namin.
"I don't know Cass, gisingin na muna natin ang kambal."
Pinuntahan ko si Via dahil siya ang mas malapit sa pwesto ko, si Cass naman ay pinuntahan si Mia.
"Hey," tinapik tapik ko ang balikat ni Via.
Nang nagising siya ay katulad ni Cass bigla siyang napabangon, "What the?! Where are we?"
Inalalayan ko siyang tumayo, inikot niya ang paningin niya. Naka jeans at hood na sky blue padin siya hanggang ngayon. Katulad ng soot niya nung nasa Elemental Mountain kami. Lumapit saamin si Cass na naka sports short at loose shirt parin siya na lagi niyang style kapag may training. Kasama niya si Mia na naka leggings at malaking yellow T-shirt. Halatang katulad namin ay naguguluhan din siya.
"Paano tayo napunta dito?" Via asked.
"Wala akong maalala na pumunta tayo dito," umiling-iling si Cass.
Wala talaga akong maalala na pumunta kami dito. Ang naalala ko lang nagsasanay ang mga Princeps ng powers nila. Kailangan nilang umangat ng isang stage level. Si Airos at Axelle ay level five kaya kailangan nilang maging level six habang si Mizu at Ashton ay level six na dapat ay maging level seven na. Pinag-aaralan nila ang iba pang ability na kaya ng powers nila, pero hindi ganon kadaling matutunan palabasin at i-control. Sinabihan sila ni Lolo Alejandro na hindi sila makakapasok ng cabin at hindi makakakain hanggang hindi nagagawa.
Kami namang apat na babae ay kailangan matalo si Lolo Alejandro. Hindi iyon madali dahil masyado siyang mabilis. Akala namin madali na lang dahil matanda na siya pero gaya ng unang kita namin sa kanya ay napakalakas pa niya. Apat na kaming kumakalaban sa kanya pero hindi namin siya magawang matalo. Totoo ngang magaling siyang Wizard. Naglalaho siya bigla at kaya niyang gumamit ng magica kahit walang hawak na wand.
Pagod na pagod kami ng gabi na 'yon, akala namin ay hindi na nga kami makakain dahil hindi namin siya natalo. Pero pinapasok niya kami sa loob ng cabin saka namin nakita ang ilang pagkain na nakahain sa lamesa. We asked him if we can call the other Princeps para makakain na din, but he said no, kasama daw sa training ng mga Princeps 'yon. So after the dinner we went to our room. Sa sobrang pagod ata kaya kami nakatulog agad...
"The food..." iyon ang nasabi ko pagkatapos alalahanin ang lahat ng nangyari bago kami napunta dito, "Kaya tayo lang ang pinakain niya dahil may spell siyang nilagay doon para makatulog agad tayo. Hindi dahil sa pagod kaya tayo nakatulog agad, dahil 'yon sa pagkain."
Napa-isip sila sa sinabi ko. Saka biglang nanlaki ang mata ni Cass, "Kaya pala parang sobrang antok na antok ako!"
"Bakit niya naman tayo dinala dito? At nasaan tayo?" Via asked again.
May gumuhit sa palm ko na parang nahihiwa ang balat ko. Kagaya ko ay naramdaman din nila iyon. Tiningnan ko ang palad ko, may kulay pula sa balat ko na parang sugat sa loob ng balat wala sa labas.
"Aww!" react ni Cass.
Unti-unting may sumulat doon at mahapdi siya dahil parang nilalaslas ang balat namin.
Ito na ang umpisa ng totoo niyong training apat na dilag. Kailangan niyong makapunta sa batis na nasa dulong parte ng kagubatan. Ang espadang nasa gitna ng batis ay kinakailangan niyong makuha upang makalabas kayo sa lugar kung nasaan kayo. Dugo ng isa sainyo ang kailangan ng espada upang gumana ang magica nito. Isang espada para sa isang dilag na nais makaalis sa lugar na iyan.
Naglaho ang pulang sulat sa balat namin saka napalitan ng panibago.
Ngayon ay alam niyo na kung bakit kayo lang ang kumain ng gabihan. Ang mga Princeps ang inatasan ko upang dalhin kayo sa lugar na iyan habang mahimbing kayong natutulog. Sa isang kaganapan na nangyari sainyo ay may natutunan kayo... "Paganahin ang utak, huwag magpalinlang sa damdamin."
Damn. Sa sobrang gutom namin kaya kami kumain kagabi. Akala ko naging mabait lang ang matandang iyon, kaya kahit hindi namin nagawa ang pinagagawa niya ay nakakain padin kami. Nalinlang niya kami!
Pero ang sinabi niya na ang mga Princeps ang nagdala saamin dito... kaya ba nakasoot saaking jacket ni Ashton? Sinoot niya ba saakin dahil alam niyang kakailangin ko?
Stop the fucking emotion Yvon! Kaya ka nalinlang, dati naman hindi ka agad nagtitiwala sa kahit na sino.
"Saan naman natin matatagpuan yung batis na sinasabi niya?" mahinang boses ni Mia.
Nagkatingan lang kaming lahat. No clue, no map, nothing at all. Kaya paano namin matatagpuan?!
"Ang tanong gaano kalayo? Ayokong umabot ng gabi dito," may kaba sa boses ni Cass.
Alam kong na trauma na siya sa mga forest dahil sa nangyari saamin sa Passage Forest.
"Let's start walking para hindi na tayo abutin ng gabi dito," Via suggested.
We agreed to her and do what she said. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang tingnan maigi ang dinadaanan namin. Baka kasi may kung ano na naman ang sumalubong saamin. God! Nadamay na ata ako sa trauma ni Cass.
"Sana walang ahas dito," Via hope.
Hindi lang pala ako ang kung ano ano ang naiisip. Mukhang lahat kami ay pare-parehas.
"Kainis yung matandang 'yon, nilagay na nga tayo sa kagubatan na imposibleng walang mabangis na hayop, ni hindi pa tayo iniwanan ng kahit anong weapon," Cass complained.
"And food," Mia whispered.
"May pagkain naman sa mga puno, na sa kagubatan tayo noh," halata ang pagkainis ni Cass dahil sa nangyayari.
"I'm not going to eat any food in this forest. Baka mamaya may Dark Spirit ang nakatira doon maulit pa yung nangyari saatin non," pinagtuturo ni Via ang mga puno na may bunga ng prutas.
Even me I'm not going to eat those fruits, mas gugustuhin ko pang magutom kesa may mapahamak na naman saamin, and worst dumating na naman si kamatayan sa buhay ko.
While walking to the forest that we don't have any idea where are we heading, I can't help to think what would be the challenges that we are going to face inside this another forest... again.
-----
-----
I want to congratulate myself, I'm happy guys! This book ranks:
#2 in mafia princess out of 35 stories.
#15 in gods out of 89 stories.
#38 in goddess out 180 stories.
#51 in elements out of 291 stories.
#269 in gangster out of 2.41k stories.
#285 in mystery out of 3.44k stories.
#390 in fantasy out of 3.45k stories.
#601 in action out of 4.13k stories.
It's not big deal for others but for me it is. Simple things makes me happy. So please support this book by liking, writing comments, and don't be a silent reader.
I love you all!