Falling For You Like A PORN-l...

By markjimena

145K 3.3K 205

"Their is no saint without a past, no sinner without a future" Yan ang bagay na pinaniniwalaan ko. Ay hindi p... More

Falling For You Like A PORN-ling Star
Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 FINALE Part 1
Chapter 30 FINALE Part 2

Chapter 8

4.4K 109 2
By markjimena

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

"Gusto ko nang ibalik sayo ang kapangyarihang ito..hindi ko kailangan ang isang bagay na magiging dahilan ng pagkawala ng tiwala ko sa aking mga mahal sa buhay"

"Ginusto mo yan. Ikaw ang humiling ng kapalarang yan Ciel, kailangan mong panindigan kahit pa kapalit ay iyong kaluluwa.."

"Ahhhhhhhhhhh... hindi ko ito kaya. Bawiin mo na aaaaaaaaaa...nababasag ang ulo ko. Tumigil na kayo, nakikiusap ako. HUwag niyo nang iparinig sa akin ang nilalaman ng utak niyo."

"Hahaha.."

"Bakit? Bakit ganito? Nais ko lamang maiwasan ang makapanakit ng kapwa kaya humiling ako..pero bakit ako? Bakit ako ang kailangang magdusa? Ahhhhhhhhhhh"

Napaupo si Arthur sa sahig habang hawak hawak ng kaniyang mga palad ang sentido. Tumulo ang kaniyang luha sa sahig kasabay ng pagpukpok ng kaniyang kamao sa matigas na semento

"Bakit? B-bakit..bakit kailangang masaktan ako kapalit ng kakayahang ito?"

"CUT!"

Napatingin si Arthur kay Milly na sumigaw ng malakas. Ang pagtulo ng kaniyang luha ay biglang natigil kasabay ng pagtalikod ng lalaking kaeksena niya kanina.

Tama. Eksena lamang ang ginagawa nila pero alam niyang na nadala siya ng husto sa mga linyang nasa kaniyang harapan. Hindi niya maintindihan pero ramdam niya ang pagdurusa ni Ciel, ang lalaking bida na nasa kuwento.

"Wow. Galing mo Arthur" ani Milly na Direktor ng Thearter Drama Club.

Ngumiti siya ng tiopid sa papuri ng Direktor. Isang linggo pa lang siya sa campus pero dahil sa performance niya kanina ay siguradong pasok na siya sa drama club. Iyon naman talaga ang rason kung bakit siya pumasok sa eskwelahang ito maliban kay Cyrus.

"Pasok ka na Arthur. May feeling ako na mas gaganda ang performance natin sa school festival this year"

"Thank you po."

Umupo siya sa gilid ng stage. Binasa ang ilang linya sa script at hindi niya maiwasang hindi humanga sa gumawa nito. Napakalalim ng ideya at ng mga twist ng kuwento na halos puwede na itong gawing mainstream movie.

Kuwento ng isang lalaking nabuhay sa sakit at pait ng katotohanan. Pait na dala ng buhay na hindi niya ginusto. Humiling ito ng kapangyarihan. Humiling na ayaw na nitong makasakit ng ibang tao kahit pa kapalit nito ang mabuhay siya sa kasinungalingan.

Pinakinggan ng isang misteryosong lalaki ang gusto ng bida at binigyan ito ng kakayahang makapagbasa ng iniisip ng mga tao. Gamit ang kapangyarihang iyon ay tinulungan ng lalaki ang mga taong marinig ang gusto nila at hindi ang katotohanan. Ngunit lahat ng magagandang bagay ay may kapalit. Ang makapagbasa ng iniisip ng ibang tao ay isang bagay na nagdulot sa lalaki ng pagdurusa. Nawala ang tiwala niya sa lahat ng mga tao sa paligid dahil iba ang sinasabi ng mga ito sa nabababasa niya.

Ang katotohanang akala niya dati ay halos pumatay na sa kaniyang pagkatao ay wala sa katotohanang kaniyang naririnig sa utak ng mga ito. Alam niya ang laman ng puso ng bawat isa, puro pagdududa, puro kapalaluan, at puro panglilibak ang kaniyang naririnig. Dahil dito kaya ninais ng lalaking ibalik ang kapangyarihan. Nais niyang matigil na ang mga bagay na hindi na dapat niya nalalaman. Pero ayaw kunin ng lalaking nagbigay sa kaniya ang kapangyarihan. Ayaw nitong kunin ang kapangyarihan hanggang ang kaniyang utak ay bumigay.

Hindi niya maiwasang mapaiyak sa kuwento. Makapal ang papel na kaniyang hawak. Tanging sypnosis lamang ng istorya ang kaniyang binasa pero parang dinurog na agad ang kaniyang puso. Alam na niya na isang malungkot na kuwento ang kaniyang binabasa pero hindi niya mapigilang hindi buklatin nag ilang pahina nito.

"Mamaya mo na basahin yan. Meeting muna tayo" ani Milly

"S-sige"

"Ilang buwan pa naman bago ang festival"

Sumama na lang si Arthur kay Milly kahit gusto niya pa talagang basahin ang kuwento. Bago lang siya at dapat muna siyang sumunod sa kung ano ang gusto ng Direktor.

Umupo si Arthur sa tabi ng ilang members na nakikinig sa instructions ni Milly. Isang normal na club lang naman sila pero dahil Theater Arts ang speacialty ng school, naging mas doble ang pressure sa mga members dahil galing dito lagi ang nagiging artista o stage actors sa ibang bansa. Isang malaking training ground ang club para sa lahat.

Napatingin siya sa basketball court na ilang metro ang layo sa kanila. Nakikigamit muna sila ng make shift stage sa basketball club dahil pinapalaki pa raw ang theater room ng eskwelahan kung saan lagi silang nagpapractice.

"Ang gwapo ng dalawang yun Arthur..kilala mo ba sila?" tanong ng isang babaeng kasama niya. Hindi niya ito kilala pero sinundan na lamang niya ang tinuturo nito ng makita sila Anthony na nakatingin din sa kanila.

"E-e.. hindi" sagot niya

"Ganun?"

"Ganon"

Natawa lang ang babae ng kaunti bago tumingin muli kay Arthur.

"Kanina pa nakatingin sayo yung dalawang yun eh kaya kala ko kakilala mo"

Tiningnan ni Arthur ang dalawa. Parang naasiwasa tuloy siya ng magtama ang kanilang mata ni Anthony. Agad niyang iniiwas ang kaniyang mga mata mula sa direksiyon nito at tiningnan na lamang niya ang lalaki sa kaniyang peripheral vision. Pero wala na ang dalawa duon. Tanging ilang member na lamang ng team ang nagpapraktis.

Hindi maiwasang hindi mamula ni Arthur ng maalala ang sinabi ni Athony noong isang araw.

"Hindi mo na puwedeng bawiin yun pagkatapos ng nangyari sa atin kagabi"

"Uhhmmm okay..baka nga nananaginip lang ako. Sayang nasarapan pa naman ako and wanted to do it again sana...."

"Uy..napano ka na?" ani ng babae nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan.

"W-wala"

Hindi lang iyon ang unang beses na nakikita niyang may nakatingin sa kaniya. Halos sa ilang araw niyang pagpapraktis at kahit nasa loob siya ng room ay parang may nakatingin pa rin sa kaniya. Minsan naman ay parang may sumusunod sa kaniya na kung sino pero sa tuwing haharap siya ay si Anthony lamang ang kaniyang nakikita.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni to

"Teka..kukunin ko lang gamit ko" sagot niya na agad pumasok sa loob ng club room at nagpaalam sa kaniyang mga kasamahan.

Pitong araw. Hindi. Siyam na araw na rin simula ng malaman niyang pinsan niya si Anthony. Apat na araw na rin itong kasama niya sa pagpasok at apat na araw na rin siya nitong sinusundo sa club room bago umuwi.

Pilit niya itong nilalayuan dahil lalo lamang siyang nagagwapuhan dito pero utos ng lola niya na bantayan siya ni Anthony kapalit ng pagpapatira nila dito kaya wala siyang magawa.

Kahit sa tuwing pinapanuod niya ang mga video ni Cyrus ay mukha nito ang kaniyang nakikita. Sigurado rin siyang walang katotohanan ang sinabi nitong may nangyari sa kanila dati pero hindi niya maiwasang imaginin ang lalaki sa tuwing pagmamasdan ang katawan ng crush niyang porn star.

Pinauna niyang maglakad si Anthony. Hindi pa rin talaga siya masanay na kasabay niyang umuwi lagi ang gwapong lalaking tinitilian ng mga babae.

"Hindi mo naman ako kailangang sunduin lagi" sambit niya

"Ayaw mo ba na akong kasabay umuwi?" tanong ni Anthony na ngumiti .

"Hindi naman. Pero hindi ba ako nakakaabala sa practice niyo?"

"Yun ba. Wala. Magaling naman na ako sa basketball..pero sayo..natututo pa lang akong gumaling"

Napamura siya ng lihim. Pilit binubura ang kilig na nararamdaman sa kaniyang utak dahil sa sinabi nito. Pero hindi na niya naitago pa ang pamumula ng kaniyang mukha ng biglang tumigil ang lalaki sa paglalakad at humarap sa kaniya.

Huli na ng makita niyang tumigil ito sa kaniyang harapan. Bumangga na siya sa katawan nito pero agad naman siya nitong nahawakan bago siya matumba.

"Ang cute cute mo kapag namumula ka. Para kang bata" sambit nito na kinurot ang kaniyang pisngi.

Gustuhin man niyang mapaaray sa ginawa nito ay hindi niya magawa. Para siyang namamalikmata sa mga ngiti nitong halos dumikit na sa kaniyang mukha sa lapit.

"A-ant-tho-n-ni"

"Yes babe?"

Inapakan na ni Arthur ang paa ng lalaki sa pagtawag nito ng babe sa kaniya. Niloloko na siya ng lalaki. Hindi na lang ito simpleng nagpaparamdam. Nakakaloko na ang ginagawa nito.

"Aray..bakit mo naman ako inapakan?" tanong nito

"Nakaharang ka sa daanan" sagot niya na nilagpasan ito. Nakakailang hakbang pa lamang siya ng maisip kung bakit nito siya pinaglalaruan.

"Binibiro lang k-"

"Pumasok ka ba sa kuwarto ko?" tanong niya na pinutol ang pagsasalita ni Anthony.

Kanina pa niya naiisip na baka ang sinabi nitong nangyari sa kanila dati ay hindi naman talaga nangyari. Minsan na siyang sinabihan ng kaniyang Lola na mag exercise dahil nagsasalita siya ng tulog habang nananahinip. Kung ito ang nangyari sa kaniya dati ay hindi nga malayong mangyaring nanduon si Anthony sa kuwarto niya para malaman nitong nakikipagtalik siya kay Cyrus sa panaginip.

"A-ano bang pinagsasabi mo? Bakit naman ako papasok dun?" ani Anthony na mabilis na naglakad.

"CYRUS" tawag niya kay Anthony na biglang huminto sa paglalakad.

Humakbang siya palapit dito at humarang sa daanan. Nagtaka siya ng makitang nakayuko ito kaya alam na niya ang nangyari. Napangiti siya ng wala sa oras.

"Babe ha? Hindi ka man lang nagsalita. Hindi mo ba alam na hiyang hiya ako sa sarili ko dahil sa nangyari?"

"Arthur..hindi ko naman sinasadyang maki-"

"Sinasadya o hindi dapat sinabi mo. Nakakainis ka. Pinsan pa man din kita pero anong ginawa mo?"

Tumalikod siya at gumawa ng ilang hakbang. Hindi niya maiwasang mamula ng maalala ang buong nangyari last time.

"Arthur hindi ko na ulit gagawin yu-"

"Talagang hindi na. Dahil hindi ka na puwedeng pumasok sa kuwarto ko para makinig ng panaginip ng iba. Nakakahiya kayang ipagkalat na nagkakaroon pa ako ng wet dreams kakapantasaya sa iba...l-lalo na sa taong hindi ko pa kilala.Hmmmpp"

Nauna na siyang umalis bago pa man makarecover si Anthony. Lalo lamang siya nitong aasarin apag nagkita sila. Hindi pa niya ito masyadong close pero hindi ito mahirap pakisamahan. Alam ni Arthur iyon dahil sa ilang araw pa lamang na sinusundo siya nito at sinasamahan kapag pumapasok ay iba na ang kaniyang nararamdaman.

Ginagawa niya rin ang lahat upang hindi ito makita sa loob ng bahay sa pamamagitan ng pagkukulong sa kuwarto dahil baka hindi siya makapagpigil na ayain ito sa loob ng kaniyang kuwarto.

Napahinga siya ng maluwag at napalanghap ng hangin ng sunod sunod. Tatlong beses din ang bilis ng kaniyang mga lakad na ginawa upang makaalis agad sa presensiya ni Anthony. Sumandal siya sa may bakod malapit sa may sakayan. Mag aala sais na din ng gabi kaya wala nang masyadong nag aabang ng sasakyan at malaya siyang makakapagpahinga.

"Siguro naman hindi niya ako agad maabutan.." aniya

"Ayaw mo bang totohanin ang panaginip na yon?"

Napaangat siya bigla ng mukha ng marinig ang boses ni Anthony na nasa tabi niya. Nakangiti lang itong nakahawak sa strap ng kaniyang backpack na parang walang nangyari. Pagod na pagod na siya ngunit parang wala lang dito ang kaniyang mabilis na paglalakad.

"A-anong gina-"

Nilamon na ng dilim ang ano pa mang balak niyang sabihin. Biglang dumaan ang malakas na hampas ng hangin bago niya naramdaman ang mamasa masang labi ni Anthony na sumakop sa kaniyang bibig.

Napahawak siya sa balikat ni Anthony upang itulak ito ngunit agad nahawakan ng lalaki ang kaniyang mga palad at itinaas ito sa pader. Hindi na nakalaban pa si Arthur ng laliman ng lalaki ang halik. Pero ang pagaakalang walang katapusang halik nito ay agad natapos ng bitawan siya ni Anthony at hayaang mapaupo sa lupa.

Nanghihina siya. Para natutunaw na putik ang kaniyang tuhod sa lambot. Tuluyan na siyang napasalampak sa lupa habang nananatiling nakatayo si Anthony sa harapan niya. Hindi siya makapaniwalang hinalikan siya ng sarili niyang pinsan. At sa public place pa!

"Anong nangyari sayo? Halik lang nagkaganiyan ka na, pano pa ang gawin mong totoo ang panaginip na yon sa ibang lalaki?" tanong nitong nakangisi.

Tumayo siya sa pagkakaupo. Hinawakan niya sa braso si Anthony upang hindi ito makaalis. May gusto siyang itanong dito. May gusto siyang linawin.

"Paano mo nalamang lalaki ang nasa panaginip ko?" tanong niya na dahan dahang inabot ang damit ni Anthony. Wala siyang sinabi kanina na lalaki ang nasa panaginip niya. Tinawag niya itong Cyrus pero hindi iyon sapat para mag assume itong lalaki nga ang nasa panaginip niya.

"Di ba bakla ka?" ani Anthony na ikinabigla niya.

Hindi niya inaasahan na marinig mula sa bibig nito mismo ang isang katotohanang proud man siya ay parang dahilan ng kaniyang biglaang panliliit.

Tumayo siya ng tuluyan habang nakayuko. Kahit ilang beses siyang sabihan ng kaniyang lola na malandi siya, na siya ay isang bakla, na maharot siya,lahat ng iyon ay okay lang kay Arthur. Ngunit ngayong iba na ang nagsabi ay parang bigla siyang nasaktan. Parang may kung ano sa pagkakasabi nito upang masaktan siya ng todo.

"Salamat sa katotohanan" mapait na sambit niya.

Nilagpasan niya si Anthony at dirediretsong naglakad sa kalsada. Siguro nasaktan siya sa sinabi ng lalaki dahil may gusto siya dito. Nasaktan siya dahil parang binasted na agad siya nito sa pamamagitan ng insultong hindi niya pa nararamdaman dati.

Tumawid siya sa kalsada ng bigla siyang hilahin ni Anthony. Ang malakas na busina ng bus na pumarada sa kaniyang harapan ang gumising sa diwa ni Arthur na nagmumuni muni.

"Gago ka ba? Kung magpapasagasa ka..hindi yung nasa harapan ko." ani Anthony na niyakap ang kaniyang katawan.

Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Umalis na ang bus at lahat pero nakayakap parin sa kaniya si Anthony. Humihikbing pumatak ang luha sa kaniyang pisngi.

"Anthony..." tawag niya dito na sinagot lamang nito ng halik..

Anthony....

Itutuloy....

Continue Reading

You'll Also Like

34K 1K 27
Kung may Generation X, mayroon din namang Generation H: H for Hunks sa Talyer; H for Hot Classmates; H for Holy Cow; H for Homosexual affairs; at hig...
226K 6.8K 50
Sa hindi inaasahang pangyayari biglang magbabago ang buhay ni Aouie dahil sa malalaman niyang balita.Ang pamilyang kanyang kinalakhan ay hindi niya p...
35.1K 1.1K 31
Marami talagang bagay sa mundo ang di natin maintindihan, pero dahil sa wagas na pagmamahal, nabibigyan ng kasagutan. Hindi man lahat , pero at least...