Lab U, Insan! (Book I)

By chumeleven

162K 2.2K 678

Naranasan mo na ba magmahal? Kahit alam mong bawal? Bawal dahil... Mag-pinsan kayo. Hindi 2nd or 3rd or 4th c... More

Lab U, Insan!
Author's Note:
1_Her Present
2_She's A Star?
4_No Ordinary Love
5_Handshake
6_Her Past (One)
7_Her Past (Two)
8_Tree House
9_The Incident
10_Casa Blanca
11_Bringing Back The Memories
12_Complicated Life
13_Stupid Alex
14_He's Back
15_Triangle or Square
16_Truth between the Lies
17_Surprise Vacation
18_Broken Past
19_Change
20_Confession
21_Her Accident
22_Coming Back
23_Distance
24_His Decision
25_Public or Private
26_The Runway Scene
27_Near Yet So Far
28_Their Moment
29_First Date
30_Truth Hurts
31_Lost and Found
32_The Meeting
33_The Whole Truth
34_DNA Result
35_Daphne Woo
Epilogue
About the Book II...
Author's Note: Closing of Book I

3_The Wedding Anniversary

4.5K 71 17
By chumeleven

Eksaktong 7 PM kami dumating ni Sander sa bahay nila Tito Jun.

“Are you ready?” tanong ni Sander sa akin bago kami pumasok sa gate.

“Yeah. Let’s go? Baka nagsimula na ang party.” Sambit ko dito.

Ang totoo, hindi pa ako ready. Hindi pa ako ready na makita ulit si Casey dahil hanggang ngayon, may space pa din siya sa puso ko.

He was my first love after all at may kasabihan nga tayo na first love never dies.

Hindi alam ni Sander na na-inlove ako sa pinsan ko na si Casey na anak nila Tito Jun at Tita Jam.

Ano na lang ang sasabihin niya kapag nalaman niya na inlove ako sa pinsan ko diba? Take note, pinsang buo ko pa.

Sinalubong kami ng isang butler at ginuide kami papunta sa garden nila Tito Jun.

Bongga ang pagkaka-decorate ng place.

Nagkalat ang lanterns at led lights na iba’t iba ang kulay.

May mini stage din sa bandang dulo ng garden. May naka-setup din na table sa loob ng gazebo na halos katabi lang din ng stage. Dito siguro uupo sila Tito Jun at Tita Jam.

Namiss ko ang place na ‘to.

Dati, madalas kaming naglalaro ni Casey dito. Nagkukulitan, naghaharutan at kung anu-ano pa.

All of it is now part of my past.

I shouldn’t be thinking of him anymore.

But seeing again the place makes me reminisce all the past again.

Argh. Hay, naku, Alex. Tigil-tigilan mo nga ang pag-iisip sa nakaraan.

Nasa present ka na at si Sander na ang present mo!

Hindi na si Casey.

Pinikit ko ang mata ko at iniling-iling ko ang ulo ko para hindi ko na maalala ang nakaraan.

Pero mukhang nananadya ang tadhana dahil pagdilat ko ng mga mata ko, nasa harap ko siya.

Si Casey.

Nagtama ang mga mata namin at ilang minuto din iyong nagtagal.

He looks the same as before. Mas manly nga lang ang dating niya ngayon.

His body?

Yum--… este kasing katawan niya si Sander. Hindi ko napigilang kagatin ang lower lip ko.

He’s wearing a gray tuxedo that fits his perfectly shaped body. Medyo mahaba na din ang buhok nito. Katulad ng buhok ng mga k-pop artist ngayon.

“Babe, are you ok?” pagbasag ni Sander sa katahimikang bumalot habang nakatitig ako kay Casey. Napansin ko na umalis na din si Casey sa harapan namin ng magsalita si Sander.

“I-I’m ok. Nakakakita lang ako ng multo.” Turan ko dito habang naghahanap kami ng bakanteng table. Ang daming guest na imbitado sa party. Halos lahat ay mga business partner nila Tito Jun at ang iilan naman ay mga kamag-anak namin.

“You can see ghost? May third eye ka?” tanong ni Sander na parang hindi mapakali at para bang natatakot. Natakot nga ba siya sa sinabi ko kanina? Don’t tell me…

“Hahahahaha!” tawa ako ng tawa sa naisip ko. Si Sander, takot sa multo?

“Tsss. Why are you laughing?” tanong ulit nito sa akin pero nabawasan na ang pagkabalisa niya.

“You’re scared of ghost, aren’t you? Pfff.” Pinipigilan ko na matawa pa dahil nakakahiya sa mga guest.

Baka mapagkamalan pa akong baliw dito.

“Of course not!”

“Ows? Hindi nga? Paano kung sabihin ko sa’yo na may katabi kang white lady ngayon?” pang-aasar ko dito.

“W-What did you say? W-White lady? A-Are you sure?” nauutal-utal na tanong nito. Kung kanina ay medyo umaliwalas na ang itsura nito ngayon naman ay mas lalo itong hindi mapakali. Lumipat ito ng pwesto mula sa tabi ko papunta sa likuran ko at humawak sa magkabilang braso ko.

Sayang hindi niyo nakita ang expression niya. It was priceless!

Humarap ako sa kanya at hinakawan ng dalawang kamay ang magkabilang pisngi niya.

“Babe, look at me. I’m just joking, ok? Sorry kung tinakot kita. Kasi naman, hindi ko alam na matatakutin ka pala.” Para mawala ang takot niya ay hinalikan ko siya sa labi. Smack lang naman. Baka mamaya, iwan niya ako mag-isa dito sa party. Hindi ako makaka-survive kung wala siya.

“Alex!” isang pamilyar na boses ang narinig kong tumawag sa pangalan ko.

Tiningnan ko kung saan nanggaling ang boses na iyon at naabutan ko ang pinsan ko na si Lei na naglalakad papalapit sa amin.

“Lei!” sigaw ko din dito at saka siya sinalubong ng niyakap.

Na-miss ko din itong mokong na ‘to. Isa din ito sa mga kakulitan ko noon.

“Naku, ang hugger kong pinsan. Hindi naman halata na miss na miss mo na ako?” ani ni Lei na nakangisi.

“Che! Hindi kita na-miss no.” kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tumabi kay Sander.

“Baka gusto mo naman akong ipakilala sa kasama mo?” agad naman niyang tinapunan ng tingin si Sander.

“Sabi ko nga. Lei, this is Sander, my boyfriend, Sander this is my cousin, Lei.” Inabot ni Sander ang kamay niya para makipag-handshake at tinanggap naman iyon ni Lei.

“Nice to meet you.” Turan ni Sander.

“Same here.” Sagot naman ni Lei.

“Lei, saan ka nakaupo?” singit ko dito dahil wala na kaming makita na bakanteng table. Heto ang napapala ng mga late. Ay, teka, hindi naman kami late. Hahaha! Sadya lang talagang maraming guest na imbitado.

“Doon sa may bandang unahan. Halika, tamang-tama, bakante pa iyon dalawang seats doon.”

“Ok, thanks!” kumapit ulit ako sa braso ni Sander at agad na sinundan si Lei papunta sa table nila.

Pagdating namin sa table nila Lei ay parang gusto kong umatras at humanap na lang ng ibang table.

Paano ba naman, kasama din pala ni Lei sa table si Casey at ang isang babae na parang tuko kung makakapit kay Casey. Hindi ko alam na may girlfriend na pala ito ngayon.

Eh, paano ko naman malalaman, wala na nga kaming communication diba?

Napabuntong-hininga na lang ako.

“Cass, nandito na si Alex.” Sambit nito kay Casey bago ito umupo sa pwesto nito. Cass ang nickname niya pero I prefer to call him Casey. Pambabae kasi ang name niya samantalang iyon akin ay panlalake.

Wala lang. Walang basagan ng trip!

The girl beside Casey glanced and looked at me from head to foot.

I looked at her too. She looks familiar!

Kung hindi ako nagkakamali, siya iyon nang-agaw ng dress kanina sa mall.

Well, mas maganda ang suot ko ngayon kaysa sa kanya. Hahaha!

Maya-maya lang ay tumayo ang babae at nagpakilala.

“Hi, I’m Carmi. Casey’s girlfriend and you are?” turan nito kay Sander.

Tama ang basa niyo. Kay Sander talaga siya nagpakilala at ang mga tingin niya, malagkit.

Kulang na lang, hubaran niya si Sander sa mga tingin niya.

“Sander, Sander Lee.” Inabot naman ni Sander ang kamay ni Carmi at nakipag-handshake.

Ako ba, hindi niya kikilalanin? Bwiset na babaeng ito. Ayaw bitawan ang kamay ni Sander!

Aba, kung ayaw niya kay Casey, sabihin niya lang. Willing akong agawin si Casey sa kanya.

Teka, erase! Ano ba ito. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko.

Dahil ayaw pa rin bitawan ni Carmi ang kamay ng boyfriend ko, ako na mismo ang gumawa ng paraan. Tinabig ko ang kamay ni Sander at ako naman ang nakipag-kamay kay Carmi at sinigurado kong mahigpit ang pagkakahawak ko dito.

Ito namang si Sander, hindi man lang kusang inalis ang kamay niya. Mukhang nagugustuhan niya ang pagtitig ng babae na iyon sa kanya eh. Kairita!

“I’m Alex, by the way, Sander’s GIRLFRIEND.” Inemphasize ko talaga ang salitang girlfriend para alam niya kung saan ang lugar niya. Nakita kong napangiwi siya sa higpit ng hawak ko kaya siya na mismo ang naghiwalay ng kamay niya mula sa kamay ko.

“Here, babe, take a sit.” Ipinaghila ako ng upuan ni Sander at iyong hinila niya na upuan ay ang bakanteng upuan na katabi ni Casey.

Calm down, Alex. Kaya mo yan!

Hinalikan muna ako ni Sander sa noo bago kami umupo.

Pabilog kasi ang mga table dito kaya magkakatabi lang kami.

Maya-maya lang ay nag-start na ang program para sa party.

May ilang intermission number din.

Bago daw kumain ng dinner ay may isang last intermission number muna.

“For our last intermission number, I would like to call Ms. Alex Kim.”

Ano daw?! Ako?! May intermission number?! Kailan pa nangyari iyon at bakit hindi ko alam?!

Pakingsyet naman! Anong gagawin ko?! Hindi ako prepared! Para akong napako sa kinauupuan ko.

Ayoko. Ayokong tumayo.

“Again, I’m calling Ms. Alex Kim.” Ah, syet! Wala akong naririnig!

“Alex, huwag ka na mahiya!” singhal ni Lei sa akin. Haist. Talaga itong pinsan ko. Sila lang dalawa ni Casey ang nakakaalam na may talent ako sa pagkanta. Kahit sina Mom, Dad at Ate Alexis o kahit si Sander ay hindi alam ang talent ko na ito.

Kaso, nakakahiya naman kanila Tito Jun kung hindi ako kakanta. Mamaya ko na aalamin kung sino ang nagpasimuno nito. May kutob na ako kung sino dahil noon tiningnan ko siya kanina, nag-iwas siya ng tingin sa akin.

Dahan-dahan akong tumayo pero bago pa man ako maka-hakbang ay sabay na hinawakan ni Casey at Sander ang magkabilang kamay ko. Si Casey sa kaliwa at si Sander naman sa kanan.

Nang magtama ang paningin ni Sander at Casey ay agad naman akong binitawan ni Casey.

Anong drama naman ito ngayon?!

Continue Reading

You'll Also Like

116K 141 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
15K 553 57
"From now on, you're no more Xyra. You're now, Aryx" Kakayanin mo bang magpanggap bilang girlfriend ng isang estranghero alang alang sa mga ala-ala n...
83.6K 941 60
How long can you wait for the love you thought impossible? How much effort do they need to be together? --- There are two languages in the story. POV...
88K 4.3K 50
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...