A Hundred Years Gap (COMPLETE...

Par MinombreesNomdeplume

277K 9.1K 1.9K

HIGHEST RANK: #11 in HISTORICAL FICTION ❤ December 14, 2018 +----------------------+ A girl who doesn't know... Plus

Work of Fiction & Prólogo
Capitulo Uno
Capitulo Dos
Capitulo Tres
Capitulo Cinco
Capitulo Seis
Capitulo Siete
Capitulo Ocho
Capitulo Nueve
Author's Note
Capitulo Diez
Capitulo Once
Capitulo Doce
Capitulo Trece
Capitulo Catorce
Capitulo Quince
Capitulo Dieciséis
Capitulo Diecisiete
Capitulo Dieciocho
Capitulo Diecinueve
Capitulo Veinte
Capitulo Veintiuno
Capitulo Veintidós
Capitulo Veintitres
🎉Rankings 6-27-18🎉
Capitulo Veinticuatro
Capitulo Veinticinco
Capitulo Veintiseis
Capitulo Veintisiete
My Account
Capitulo Veintiocho
Capitulo Veintinueve
Capitulo Treinta
SPECIAL ANNOUNCEMENT
Capitulo Treinta y Uno
The King Meets His Match
Epilogo
BOOK TWO
MY ACCOUNT

Capitulo Cuatro

9.4K 379 233
Par MinombreesNomdeplume

Dedicated savageblossom

Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜



Patria's POV

"Gusto ko lamang alamin kung totoo ang aking naririnig na balita na maganda raw at kaakit-akit ang bunsong anak ni Don Hidalgo. At mukhang hindi nagkakamali ang lumilipad na balitang iyon." Sabay kindat nya sa akin na akala mo naman ay kinagwapo niya. Well, gwapo siya pero--- Argh!

Ito talaga yong gusto kong lalaki. Maginoo pero medyo bastos!

Nung nasa 2017 ako, madami din naman akong naging boyfriend. Di nga lang tumatagal dahil sa ugali ko. Oh well, don't care.

"Mga Ginoo at Binibini, pinatatawag na po kayo sa hapag sapagkat kakain na ng tanghalian. Lalo ka na Binibining Patria, ikaw'y hindi nag almusal." Wika ng isang alipin dito sa bahay. If I'm not mistaken, Siya si Meling.

"Halika na Binibini. Masama ang magpagutom." Pagyaya sa akin ng kuya ni Mr. Enchanted.

Napa tsk nalang si Mr. Enchanted samantalang todo ngiti naman si Kuya nya. Kaya nauna nalang akong pumasok kesa mapanood ko pa ang eksena nilang dalawa.

Umupo ako sa tabi ni Ina na nasa kaliwa ni Ama. Katabi ko si ate Marina, na katabi naman si ate Maria. Nasa magkabilang dulo kasi ang dalawang DON. Nasa kaliwa din ni Don Rafael si Doña Isabela/Isang na sinundan naman ni Mr. Enchanted, na katabi ang kuya nya. Bali katapat ni ate Marina si Mr. Enchanted tapos katapat naman ni Ate Maria si Doña Isang, Habang ako, katapat si "Maginoo pero medyo bastos". Si Ina lang ang walang katapat. Gets?

Nang matapos kaming kumain, naglabas ang mga yaya ng dessert. Leche flan. I dont eat sweets pero napilitan pa din ako. I have no choice. Favorite daw 'to ni Patria. Yung totoong Patria. Dahil pansamantagal(?) muna na ako ang Patria, ang mga ayaw ko ay magugustuhan ko na ngayon.

"Kumpadre, hindi ba't mas maganda kung mapangasawa ng kahit na sino sa anak ko ang isa sa iyong mga anak?" Halos maubo naman ako sa sinabi ni Ama. what the? Ganon ba sa panahong to? Pinamimigay nalang ang mga anak? Eh sa 2017 nga pa-istriktuhan ng parents eh.

"Tama ang iyong mungkahi kumpadre, bakit hindi natin tanungin ang dalawa kong anak?" Sagot naman ni Don Rafael habang tumatango-tango pa.

"Ang lahat ng anak ni Don Hidalgo ay talaga namang kay gagandang dilag. Ngunit kung ako ay tatanungin, aking pipiliin si Binibining Patria." Agad na sagot ng kuya ni Mr. Enchanted. Siniko naman ako ni ate Marina na ikinangiti ni ate Maria. Hindi ba ang weird ng feeling na hindi ka napili? Ang saya pa nila? Napasubo naman ako ng Leche flan sa sinabi nya.

"Maganda talaga itong si Patria. Mabait, masipag at maaasahan sa gawaing bahay. Talentado din iyan Ginoong Lorenzo." Pagmamalaki pa ni Ama. Eh lahat nang yun wala sa katangian ko. Pwera lang sa maganda. Ako kaya ang title holder. Napa smirk naman si Mr. Enchanted sa compliments ni Ama. Halatang tutol si gago.

"Impresionante. Correr riesgo...Hermano." (Impressive. Take a chance...Brother) Nakagiting sabi ni Mr. Enchanted saka tumayo.

"Magpapahangin po muna ako Don Hidalgo. Doña Talina." Napangiti nalang sina Ama at Ina. Alangan namang tumutol sila? Tsaka, tapos na din namang kumain kaya nagsitayuan na din ang iba.

"Saan ka pupunta, Julian?" Puna naman ni Doña Isang kaya napatigil si Mr. Enchanted sa paglalakad.

"En alguna parte." (Somewhere else) At tuluyan na itong lumabas. Ano daw? Aattend ng party? Uso na pala ang party sa panahong 'to?

Nagpatuloy ang masasayang kwentuhan ng mga Don at Doña sa salas samantala hinila ako nila ate Marina at ate Maria palayo sa mga matatanda.

"Bakit?" Tanong ko. Hindi naman ako sanay na kinakaladkad eh. Ako kasi ang nangkakaladkad sa Year 2017 kaya medyo nainis ako.

"Ano? Nakapili ka ba sa anak ni Don Rafael?" Tanong ni ate Maria. What? talagang sineryoso nila yun? Eh halos nga mauta na nga ako sa mga pinagsasabi nila.

"Bakit Patria, wala ka bang natipuhan sa kanila? May taglay na kakisigan naman yung dalawa." Gosh! I know pero hinding hindi ako magkakagusto sa Engkantong yun no.

"The hell?! Kayong dalawa nalang. Wag nyo akong isama jan." Pabalagbag kong sagot saka nagsimulang maglakad palayo.

"Patria sandali! Hindi ka ba natutuwa? Hindi tumutol si Ama nang piliin ka ni Ginoong Lorenzo! Bibihira ang ganitong pagkakataon!" Pahabol pa ni ate Marina kaya napalingon ako nang naka poker-face sa kanilang dalawa. Ano ako? tuta? Alam kong cute ako pero hindi ako tuta!

"Teka! Hindi ba kayo naiinitan? Ang init kaya!" Pag segway ko ng topic para maiiwas ako dahil mukhang wala namang planong tumigil ang dalawa sa pangungulit sa akin.

"Huh? Hindi naman mainit Patria ah. Naiinitan ka ba ate Marina?" Tanong ni ate Maria. Napailing naman si ate Marina bilang sagot.

Huh! Tanghaling tapat--- Ahh! Sanay lang siguro ako sa aircon. Naiinitan ako sa singaw ng araw sa labas.

"Magpapahangin muna ako. Kayo na ang bahala jan." Aalis na sana ako pero pinigilan pa ulit ako ni ate Maria.

"What is it this time?!" Naiiritang lingon ko sa kanya. I'm starting to think na wala na talagang katapusan 'to.

"Teka, iyo bang susundan si Ginoong Julian?" Tanong nya. Napa shut-up look nalang ako saka padabog na umalis.

Bumalik ako sa manggahan. Ito lang yata ang preskong lugar dito sa Hacienda. Umupo ako sa upuan doon at dinama ang simoy ng hangin. Tinangay ang buhok ko at nakaramdam ako ng pagka-antok.

"Buenas Tardes, Señorita Patria." (Good Afternoon) Napalingon ako. Ilang oras pa lang pero kilala ko agad ang boses ba yun. Si Mr. Enchanted nga. Aba't! Ini-spanish nya ako!

"Don't come near me Mr. Enchanted." Huh! Sige! Mag alien language ka jan! hanggang sa manosebleed ka at tuluyang malow-blood. Ka-imbyerna!

Lalo akong nainis nang umupo sya sa tabi ko, which means hindi nya gets ang sinabi ko.

"Paano at saan ka natuto ng wikang Ingles Binibini?" Usisa nya. Hindi ako umimik pero parang gusto ko nalang sabihin na sinakop ng America ang pilipinas at nalaman ko yun dahil taga 2017 ako at maraming technologies na ang umangat pero hindi. Hindi ko sinabi at wala akong nagawa kundi umirap nalang. Tsk.

"Binibini, ilang t-taon ka na?" Hindi sya nakatiis. So ngayon imbestigador siya? Interviewer?

"Bakit? Bibigyan mo ba ako ng trabaho sa taong 'to?" Deretso kong tanong sa kanya. Napakunot ang noo niya.

"A-ahh-- Hindi. Naitanong ko lamang sapagkat ako ay nagbabakasakali na magkasing edad kayo ni Kuya. Hindi ba't ikaw ang pinili nyang mapangasawa?" Paalala nya. Kahit piliin niya pa ako, wala siyang magagawa kung ayoko.

"Mag 18." Walang gana kong sagot sagot sa kanya. Nakakaboring kausap ang taong 'to. Halatang makaluma dahil kulang pa siya sa exposure. Tss.

"Dieciocho ba kamo?" Painigurado niya pa kaya napatango nalang ako saka pumikit.

"Veintidos ang aking nakatatandang kapatid. Samantalang sarado Veinte naman ako." Napamulat ako at napa-smirk sa sinabi niya. So magkasing edad lang sila nila ate Maria at ate Marina. Sakto! Hindi ko kailangang maipit sa kasal-kasal na 'yan.

"Binibini--I-ipagpaumanhin mo sana ang aking inasal kaninang umaga. Nailang lamang ako sa iyong kasuotan." Litanya nya pa. Hindi niya ba napapansin na naboboring ako sa kanya? Sa school kasi namin, no one dares to talk to me until I ask them. Not until I met Ana Marie. Hindi ako sanay sa ganitong mga Q&A no.

"Ohh Julian. Ano ang iyong ginagawa rito? Si Binibining Patria rin ba ang iyong napili?" Napalingon ako sa kadarating lang na si Lorenzo. Bakit parang hindi sila masyadong close?

"Mauna na ako Binibining Patria. Salamat sa iyong oras. Hanggang sa muli." At tuluyan na ngang umalis si Mr. Engkanto papunta sa likod-bahay.

"Kayo ba'y nagkakamabutihan ng aking kapatid? Maaari mo bang aminin kung sino sa amin ang iyong pipiliin? Sino ba sa amin ang iyong natitipuhan?" Bakit ba ang straight-forward nitong lalaking 'to? Kung gaano ka-mahiyain ang kapatid nya, Ganon naman sya kagarapal.

"Wala akong gusto sa inyong dalawa. At kailanman, hindi ko kayo magugustuhan. dahil..."

Tumayo ako at humakbang ng isang hakbng palayo sa kanya.

"Dahil pareho kayong pangit." At naglakad na ako palayo sa kanya. Naiwan naman syang nakanganga doon. Mabuti nga sa kanya. As if naman pipiliin ko siya.

Naabutan ko sina Ama at Ina sa may pintuan dahil nagpapaalam na sina Don Rafael at Doña Isang. Napangisi ako dahil sa wakas! Aalis na ang bwisit na magkapatid na 'yon.

"Sige na Kumpadre at kami ay hahayo na. Dadalaw na lamang ulit kami sa mga susunod na araw. At kung maiisipan nyong dumalaw sa amin, Bukas ang buong pamamahay ko sa iyong pamilya." Litanya ni Don Rafael habang nakikipag kamay pa kay ama.

"Sige Kumpadre, Maraming salamat sa pagbisita. Mag-iingat kayo sa daan." Wika naman ni Ama. Nagtapikan pa sila bago umalis ang pamilya Concepcion. Inirapan ko pa ang magkapatid na nakasakay na sa kalesa bago ako nagtungo sa kwarto ko. Napahiga ako sa kama at napa-isip. Namimiss ko na ang Queen-sized bed ko. Miss ko na din ang cellphone ko na naiwan ko pa sa kotse ko. Miss ko na yung kotse ko. Kamusta kaya sila? Si Ana? Hinahanap nya kaya ako?

Naisipan kong buksan ang bag ko. Sinuot ko ang kwintas at bracelet ko na binigay ni daddy nung 12 years old ako. Sinuot ko din yung singsing ko na binili ko naman noon sa mall. Binuksan ko ang wallet ko at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"CONCELAAAA!" Sigaw ko habang nakatitig pa din sa wallet ko.

Nagmamadali namang pumunta si Concela sa akin na halos madapa pa.

"B-Binibini, Ano pong problema?" Hinihingal nyang tanong sa akin.

"Pamilyar ka ba sa perang ito?" Tanong ko sabay pakita ko ng perang nakalagay sa wallet ko.

"B-Binibini! Saan po kayo nakakuha ng ganyan karaming salapi?!" Lumaki lalo ang bilugan nyang mata kaya napakunot ako.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong sa kanya habang nauutal-utal pa sya.

"Hindi nyo po ba naaalala? Yan po ang salaping ginagamit natin sa pamimili ng kailangan natin sa buhay katulad ng pagkain, damit, gamit at kung anu-ano pa." Nanlaki naman ang mata ko sa naiisip ko. Paanong?! So yung pera ko sa panahong 2017 nagtransfrom din? Can't believe this!

"Aahh--Oo naalala ko na! Ito pala yung ipon ko noon." Palusot ko nalang sa kanya  Mukha namang nakumbinsi ko si Concela dahil namangha na ang kaninang gulat niyag mukha. Napangiti ako sa pumasok sa isip ko at napatingin kay Concela.

"Concela, magbihis ka! Dali!" Yes! Buti nalang ganito ang nangyari. Mamamasyal ako sa mall! yahooo! Atleast di na ako maboboring diba? Puro pagmumukha nalang ng mga alipin ang nakikita ko buong araw.

"Saan po tayo pupunta, Binibini? Hind ko po maaaring tanggalin o palitan ang damit kong ito. Kabilin-bilinan 'yon ni Don Hidalgo upang hindi kami pagkamalang tulisan sa tuwing kami ay mamimili sa pamilihan." Haaay ano ba yan. Ang arte!

"Ohh sya sige! Halika na! Sumama ka sakin! Mag sho-shopping tayo!" Halos mapatalon naman ako sa tuwa samantalang sya naman ay nakakunot ang noong nakatingin sa akin.

"Ang ibig kong sabihin, mamimili tayo! Samahan mo ako! Ihanda mo ang kalesa sa labas at magpapa-alam ako kay Ama. Larga!" Napatakbo naman sya saka dali-dali naman akong pumunta sa kwarto ni Ama.

Huminga ako ng malalim bago kumatok.

"Pasok." Rinig kong sabi ni Ama.

Pagpasok ko, nakaupo si Ama sa harap ng lamesa at may kung anong sinusulat doon while si Ina ay nakaupo at nagtutupi sa kama nila.

"Ama, magpapa-alam po sana ako na lumabas ngayon sa bayan. Isasama ko po si Concela." Panimula ko sa kanya habang nakangiti pa.

"Hindi." Sagot niya nang hindi man lang ako nilingon. WHAT! MINSAN NA NGA LANG MAKIUSAP ANG TAO EH! Sa totoo lang hindi ako marunong magpaalam tapos hihindian niya ako?! No way!

"Mahal, payagan mo na si Patria. Baka gusto lang nya na makapasyal at maipahinga ang pag-iisip sa nangyari sa kanya." Rinig kong paglalambing ni Ina kaya medyo napasmirk ako.

"Oh sya, basta si Anastacio ang kunin mong kutsero. At huwag kang magpapagabi." Nanlaki ang mata ko sa tuwa kaya nataranta agad ako na parang ngayon lang makakalabas.

"Salamat po Ama, Ina. Pupunta na po kami." Nagbow pa ako bago patakbong pumunta sa labas.

"Ohh Binibini. Pinayagan ka ba?" Tanong ni Concela na nasa tabi na ng kalesa.

"Oo. Siya ba si Anatacio?" Tanong ko sabay turo sa driver ng kabayo.

"Ako nga Binibini." Tinanggal nya ang salakot nya. Gosh! totoo ba itong nakikita ko? Para syang.... Purong pilipino ang dugo nya dahil brown ang kulay ng mata nya na naa-ayon sa kulay ng balat nya.

"Binibini! Sakay na at baka magbago pa ang isip ni Don Hidalgo." Natauhan naman ako sa pag de-daydream nang magsalita si Concela kaya agad akong sumakay sa kalesa.

"Anastacio, dalhin mo kami sa Mall!" Excited kong sabi. Nagbago ang expression ng mukha ni Anstacio nang mapalingon sa maliit na bintana sa likod nya.

"M-Mol? Saan yun binibini?" Pagtataka niya kaya napahampas ako sa noo ko. Hindi nga pala uso yun! Bwisit.

"Sa pamilihan. Sa bayan." Sagot ko kaya agad niyang pinatakbo ang kalesa.

****

Author's Note:

Be a fan, Vote, Comment!

Adios ! 💜

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

6K 590 43
"Hindi ko inaasahang ang tunay na pagsinta, ay matatagpuan ko lang pala, sa mundong aking nilikha." Zanthe/Sansa, a hopeless romantic woman and an un...
32M 816K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
2.5K 155 48
She can see ghost, she can see shadow, what she fears the most she still see that shadow sitting in her bed, watching her sleep. COMPLETED Date Start...
3.5M 89.4K 123
This story is clearly fantasy. Language: Taglish ________________________ Frankincense Academy... A school of power users... Winthropians... Aquaell...