Lipstick Lullaby

By RainbowColoredMind

25.2M 743K 350K

Miguel Imperial-Cordova's whole life revolves around perfection. He has the perfect family, the perfect caree... More

Saskia
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty - Final Chapter
Epilogue
Cordova Brothers Bundle (Self-publishing details)

Chapter Forty Six

505K 14.7K 5.6K
By RainbowColoredMind


SASKIA

Nakaupo sa ibabaw ng kama sina Tintin at Savi at naglalaro ng mga stuffed toys habang ako naman ay abala sa pagsusuklay ng mala-gintong buhok ni Savi. Katatapos lang namin maligo at binihisan ko na din sila ng pantulog. Nasa kani-kanilang kwarto naman na sina Mammy at malamang ay nagpapahinga na rin iyon. Narinig ko kanina si Migs na may kausap sa phone niya sa loob ng office niya sa tabing kwarto nang mag-good night kiss ang dalawang bata at mukhang hanggang ngayon hindi pa rin natatapos ang pag-uusap nila. Halos sigurado na ako kung sino ang kausap niya ang hindi ako sigurado ay kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

May karapatan ba akong magselos gayong ako ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon nila at hindi natuloy ang kasal nila? Bukod sa pagiging ina ng mga anak niya ano bang dapat maging papel ko sa buhay niya? Hanggang ngayon ba naman hindi ko pa rin alam kung saan ilulugar ang sarili ko.

"Hey, girls." Napaigti ako nang dumungaw ang ulo ni Migs mula sa pinto. "Why are you still up?"

"Tintin and I are playing!" Sagot naman ni Savi.

Pumasok si Migs at isinara ang pinto sa likod niya. "You're playing, huh? Dapat natutulog na kayo. It's already ten."

"Patulog naman na sila. Pinatutuyo ko lang ang buhok nila. Kaliligo lang kasi." Malamig na sagot ko, ni hindi ko siya maatim na tignan.

"Nag-bathtub kami nina Mommy kanina, Daddy! May mga bula-bula pa, dati sa mga palabas ko lang napapanood yung ganon." Masayang kwento ni Tintin.

"Is that so?" Lumapit si Migs at umupo sa dulo ng kama. Inangat niya ang kamay niya para haplusin ang mukha ni Tintin. "Nag-enjoy ka ba?"

"Sobra, Daddy! Sana nga sumali ka sa amin kanina."

"May tinapos lang si Daddy na trabaho." Malambing na paliwanag niya kay Tintin.

"Were you talking with Tita Hazel, Daddy?" Magiliw na tanong ni Savi.

"Yes, honey. I talked to Tita Hazel." Sagot ni Migs sa anak namin.

"Did you tell her about Tintin?" Nakangiting sabi ni Savi.

"I did. She said she'd love to see you and Tintin together"

"Tuyo na ang buhok mo, anak. Tulog na tayo?" Sabi ko.

"Tulog na tayo, Daddy. Tabi ka sa amin?" Tanong ni Tintin sa ama.

"Nako, Tintin, baka may importanteng tawag pang kailangan asikasuhin yang Daddy mo. Tayo na lang ang matulog." Hindi ko naman sinasadyang lumabas ang inis sa boses ko pero iyon ang nangyari. Nagseselos ako dahil alam kong wala ako sa kalingkingan ni Hazel. Minahal ni Migs si Hazel at maaaring hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ito. Wala akong karapatan pero hindi ko mapigil ang nararamdaman kong selos.

"No, I'm done for the day. I wanna go to sleep with my girls." Niyakap niya si Tintin.

"Daddy, tabi-tabi tayo ha? Hindi naman makikita ni Jodie, borlogs na yun." Ipinulupot ni Tintin ang mga bisig sa leeg ng ama.

"Sure, kasya naman tayong apat dito. I want to be with you girls and Mommy tonight." Malambing na hinalikan ni Migs ang anak niya.

"O, narinig mo yan, Mommy?" Humarap sa akin si Tintin. "Dapat tabi kayo ni Daddy matulog."

"Yeah!" Sinakyan naman ni Savi ang kalokohan ni Tintin. "Mommies and Daddies are supposed to sleep next to each other. Hindi ba, Daddy?"

Lumawak ang ngiti ng gago. "Magshoshower lang si Daddy, okay? Then we'll sleep."

"OKAY!" Masayang sagot ni Savi.

Muli niyang dinampian ng halik si Savi at Tintin bago siya pumasok sa banyo. Pinahiga ko na ang dalawa at habang nasa banyo si Migs ay nakatulog na din ang mga ito. Maya-maya pa ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng banyo at agad kong ipinikit ang mga mata ko. Nagkunwari akong tulog. 

Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa tabi ko at naamoy ko ang cream na ginagamit niya kapag nag-aahit siya. Ang bango-bango. Amoy baby. Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang paggalaw. Ang pagyuko niya at paghalik sa dalawang bata at ang paghiga niya sa tabi ko. 

Ipinulupot niya ang bisig niya sa akin at dinampian ako ng halik sa balikat.

"Migs..." Kunwari'y iritang nagkibit-balikat ako.

"Is everything okay?" Tanong niya sa akin at nagsimulang maglaro ang mga daliri niya sa taglirian ko. "Bakit parang iniiwasan mo ako buong araw?"

"Bakit naman kita iiwasan?" Umirap ako. 

"I don't know, you tell me." Naramdaman ko ang paghinga niya sa leeg ko.

"Huwag mo akong daanin sa pagganyan-ganyan mo, Migs. Natutulog ang mga bata sa tabi natin." I said.

"May na sabi o nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan?" Hinalik-halikan niya ang balikat ko.

"Ano ba? Hindi ba nanliligaw ka pa lang? Makaganyan ka naman. Feeling mo tayo na?" Umismid ako. 

"Was this about Hazel? Nagseselos ka ba sa kanya?" Rinig ko ang ngisi sa boses niya.

"Hindi, no!" Agad na sabi ko.

"Hazel and I are business partners. There's nothing going on between us. Besides, she's already in a relationship." Paliwanag niya. 

"Hindi mo naman kailangan magpaliwanag."

"But I want to. I swear to God and our twins' life, I've never been with any woman since you. You are all I'll ever want, Saskia. I've never even looked at another woman while we were apart." Humaplos ang tungki ng ilong niya sa leeg ko. 

"Paano kung may dumating na mas makapagpapasaya sa'yo kaysa sa akin, Migs?" Hindi ko na napigilan ang mga katagang na iyon. "Kung... kung nagawa mong iwan si Hazel para sa akin noon, paano ako maniniwala na hindi mo magagawa sa akin iyon? Karma is a bitch."

"Oh, Saskia..." Umangat ang ulo niya at pinihit ang ulo ko paharap sa kanya. "Sigurado ako na ikaw ang mahal ko at ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. I've never been sure my whole life until you, even with Hazel. I remember the night we talked about getting married while we were having dinner at a restaurant. When I went home that night, I felt something wasn't right. I knew I loved her but I wasn't in love with her like how it should be. I didn't know what I had gotten myself to, we didn't even know each other except for the two-dimensional perfect human beings we show to each other. I'm not going to make any excusse for cheating on her but it took us hurting each other before we realized that we weren't meant to be. We saw each other at our worst and we couldn't live with it. But you, Saskia, you loved me for the right reasons. Even though I was an asshole to you, you loved me... and I love you for what you are, not for what I wanted you to be and that if you change, it would hurt me."

"Migs, hinay-hinay sa pag-ingles. Alam kong nakatungtong na ako sa kolehiyo pero hindi naman ako pinanganak sa Amerika." 

Tumawa siya ng bahagya. "I'm sorry. Siguro ang gusto ko lang sabihin ay ikaw ang pinakamagandang kasalanan na nagawa ko. You gave me a love that I didn't deserve, one angel, and two beautiful daughters. The night we decided to get engaged, doon ko tinanong ang sarili ko kung tama bang magpakasal kay Hazel. Practicality and business wise we were good for each other and I tried to convince myself that it was enough. Tapos dumating ka sa buhay ko. I wasn't going to deny, it was all physical attraction at first pero nang mas nakilala kita, I knew it was more and deeper than attraction. You made me embrace my own perfection and for once, I felt human with you. You made me whole and I know no one will make me feel the way you do, not in this life at least."

"O sige na, ako na ulit mag-aadjust. Kunwari naintindihan ko lahat ng sinabi mo." Kunwari'y umirap ako.

"Mahal kita, Saskia. Mahal na mahal kita. Yun ba hindi mo pa rin naiintindihan?" Hinalikan niya ako sa leeg at napasighap ako.

"Migs, ano ba? Yung mga bata baka magising." Nakikiliting napahagikgik ako. 

"Natutulog ako, huwag kayong maingay saka wag nga kayong magalaw..." Reklamo ni Tintin sa paos na tinig at lukot ang mukha nito kahit na nakapikit pa rin.

"Yan, napagsabihan tuloy tayo ng anak mo." Mahinang bulong ko. "Hoy, paaalala ko lang sa'yo. Nanliligaw ka pa lang, hindi ba? Hindi pa kita sinasagot kaya wag kang feeling."

"I'm sorry. You're right." Bumalikwas siya at narinig ko ang malalim na pagpapakawala niya ng hininga. 

Naglagay ako ng unan sa pagitan namin. "O, yan. Diyan ka at dito ako, wag kang lalagpas sa unan."


MIGS

"Daddy, alam mo dati pag may raket lang si Mommy nakakain ako ng pancake sa Jollibee." My daughter said as she sat on counter top, helping me mix the pancake batter. "Madalas kasi puro isda lang kami at gulay."

"Masarap naman ang isda at gulay." I told her, smiling. 

"Pero mas masarap ang pancake at yung bacon at yung iba pang mga pagkain niluto sa akin ni Mama Cassie." She cheekily said.

"Araw-araw kitang lulutuan ng kahit anong breakfast ang gusto mo. Pancake, bacon, french toasts, you name it." I smiled widely as I stared at the blonde version Saskia. My daughter was truly a beauty like her mother. 

"Daddy." She raised her hand and wiped the batter that was on her fingertips on my nose. And then she laughed while looking at me.

"Oh, you..." I chuckled before dipping my hand in the bowl and putting batter on her cheek. 

"Daddy!" She squealed, letting out a hearty laughter. It was music to my ears. She dipped her tiny hands in the bowl and wiped it on my face. 

"You got me there!" I laughed and pulled her into a hug, kissing her on the forehead. "Oh, baby, sana noon pa lang nalaman ko na ang tungkol sa'yo. Sana hinanap ko ang Mommy mo. I'm sorry, Tintin."

"Okay lang yun, Daddy. Nandito ka naman na ngayon. Hindi na ako aasarin ng mga kaibigan ko sa Sto. Antonio na anak ako ng engkanto kasi makikita nila na sa'yo ako nag-mana." She grinned, looking up at me with her doe-like eyes. 

"Ano'ng ginagawa niyong mag-ama? Nasaan si Saskia at si Savi?" Saskia's Ninang Jodie walked into the kitchen, stretching his arms out.

"Nagluluto kami ng almusal para kay Mommy kaya kailangan luto na ito bago siya magising." Tintin excitedly told him.

"Kailangan niyo ng tulong?" He looked at me.

"No, it's okay. I really want to do this for Saskia." I politely smiled at him.

"Kumusta naman ang tulog ng baby namin? Nakatulog ka ba ng mahimbing? Hindi ka naman namahay?" He walked up to Tintin and kissed my daughter on the cheek.

"Hindi naman, Jodie. Isang beses lang ako nagising kasi si Mommy at si Daddy ang ingay sa kama saka galaw pa ng galaw." 

His eyes snapped at me. "Nako, Migs, kayo talagang dalawa hindi kayo pwedeng pagsamahin. Sa tabi pa talaga ng mga anak niyo. Mga babae ang mga yan. Baka akalain nilang tama yung ginagawa nito."

"Wala po kaming ginagawa ni Saskia..." I explained, massaging my temples. "Nag-uusap lang kami kagabi. I... I want to make it right with her and our daughters."

"Huwag na huwag mong sasaktan si Saskia ulit, sinasabi ko sa'yo ako na ang makakalaban mo." 

"I promise, I won't..." I assured him. "Sir, kung bibigyan niyo ako ng pagkakataon patutunayan ko ang sarili ko sa mag-iina ko."

"Ano'ng sir? Sa ganda kong 'to tatawagin mo akong sir? Nako, Migs, kung gusto mong magkasundo tayo, umayos ka." He rolled his eyes.

I smiled wider. "Does this mean you're giving me your blessing?"

"Basta wala munang buntisan. Hintayin mo muna matapos yan si Saskia sa kolehiyo dahil ilang taon niyang pinaghirapan yan. Itago mo muna yan si General, nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes, ma'am."


"Hey, sleepyheads." Sitting on the edge of the bed, I bent down to give Savi, who was in her mother's arms, a kiss on the forehead. I sat right up to find Saskia staring at me with hooded eyes.

"Ano'ng oras na?" She asked.

"It's past nine o'clock." I told her with a smile. "Tintin and I made something for you."

"Ano yun?" She sat up and stretched out her slender and toned arms. 

"Gumawa kaming pancake ni Daddy saka nagluto din kami ng itlog at bacon." Tumalon si Tintin sa kama at sinalubong siya ng yakap ni Saskia.

"Hindi ka na sana nag-abala." She tried to supress a smile. She was still beautiful even in the morning. 

"Huwag ka ng umarte. Ang sweet-sweet na nga ni Daddy sa'yo." Tintin said.

"Ikaw, bata, baka nakakalimutan mong nanay mo pa rin ako." 

"Kasi naman baka hindi na lang kayo maging magsyota ni Daddy? Okay naman na sila ni Jodie. Nag-uusap na sila kanina sa nag-airfort na nga siya, o." She told her mother. 

"It's effort, honey." I chuckled at her cuteness and kissed her. 

"Salamat nga pala, Migs." She smiled and warmth flodded me.

"Anything for you." I answered and looked down at our sleeping daughter. "Mukhang pagod na pagod ang baby natin." 

"Pagkatapos kasi magswimming nagtaguan pa sila ni Tintin." Saskia brushed her fingers through Savi's blonde wavy hair. 

"Can you believe we made these two beautiful lives together?" I asked, feeling as if I was in a dream. "Kamukhang-kamukha mo sila, Saskia."

"Eh bakit pareho tayo ng kulay ng buhok saka sabi ni Mama Cassie kamukha kami ni Tita Drey." The little one said.

"Bakit? Ayaw mo ba akong kamukha?" Saskia arched a brow at our daughter.

"Gusto." Tintin played with her mother's hair. "Para pareho tayong maganda."

Saskia showered our daughter with kisses and Tintin laughed which probably woke our other princess up. 

"Good morning, sweety." I gently said as she sat up, rubbing her eyes with her fists. 

"Morning, Mommy, Daddy, and Tintin." She beamed, giving all of us a kiss on the cheek.

"Tara, Savi, laro na tayo sa baba." Tintin said.

"Hindi pa nag-aalmusal yang kapatid mo, Tintin. Kumain ka muna, Savi." She told our kids.

"Doon na lang sa baba. Para sa'yo talaga yan." Tintin grinned before the two jumped out of the bed and ran out of the room. 

I knew she felt awkward when the twins left. It was just her and I, alone in the room, on the bed. As much as I wanted to kiss her right now, I knew I shouldn't. I wanted to keep everything between us clean. I had to remind myself that we were still in the courting stage.

"Come on, eat up." I sliced the pancake for her and brought it to her mouth.

She stared at it for awhile before slowly opening her mouth.

"A-ako na. Kaya ko naman kumain mag-isa." She shyly said, her cheeks flushing.

"Please, let me do this. Hayaan mong pagsilbihan kita." I smiled.

"Sus, ganyan naman kayong mga lalaki. Sa umpisa, pa-pogi points." She shook her head.

"Pagsisilbihan kita at ang mga anak natin buong buhay ko." I sincerely told her.

We heard giggles from the door to the hallway and our heads snapped at that direction. The two girls were watching us and they ran when we turned our heads to them. Saskia and I laughed, shaking our heads.

The laughter died down and I nipped her chin between my two fingers. "I promise, I'll love you so hard you'd have no choice but to love me back."


SASKIA

Pakiramdam ko para akong prinsesa kung tratuhin ni Migs. Like a virgin talaga ang peg ng lola niyo. Ramdam na ramdam ko ang pagiging babae ko, ang haba talaga ng hair ko. Babae lang ako, marupok. Alam kong konting kembot na lang bibigay na ako.

Kasalukuyang hinuhugasan ni Migs ang mga paa ng kambal matapos nilang maglaro sa hardin ng nakaapak. Maagang gumising ang mag-aama ngayon dahil gusto niya daw turuan si Tintin na magbike. Tuwang-tuwa naman si Tintin nang ilabas ni Migs ang Barbie na bike na binili niya kahapon para sa bata. 

"Okay, girls. You're good to go." Sabi niya habang tinutuyo ang maliliit na mga paa ng kambal ng puting tuwalya. 

Tumayo ang dalawa mula sa hagdan ng patio at nagtatawanan na tumakbo papasok ng bahay para mag-almusal. Nakahanda na doon ang almusal na niluto namin ni Mammy kanina. Tumayo na din si Migs at nagtama ang mga mata namin. 

"Napagod ka sa dalawa, ano?" Tumawa ako ng bahagya.

"Well, they're kids. Paano kaya kung may lalaki na tayo? Sigurado akong mas makulit iyon." May naglalarong pilyong ngiti sa labi niya.

Kinagat ko ang pang-ibabang ko para mapigilan ang ngiti ko. Paano nga kaya kung may lalaki na kami? Isang lalaking anak na kasing gwapo ng Daddy niya. Sunod-sunod akong umiling. Hindi, Saskia, huwag ka munang bibigay. Dalagang Pilipina ka, hindi ba? Kailangan pahirapan mo siya.

"Sas..." Lumapit siya sa akin at hinapit ako sa baywang. "Tumawag si Coco. He needs me at the office. Okay lang bang iwan ko muna kayo?"

"O-oo naman..." Hindi ko magawang tumingin sa kanya. "Ilang linggo ka na rin hindi nakakapasok sa opisina. Napapabayaan mo na ang trabaho mo dahil sa amin."

"No, it's not that..." Umiling siya. "Kulang pa ang ilang linggo para makabawi ako sa inyo ni Tintin. It's just an emergency. Promise me you and the kids will still be here when I get home?"

"Hindi naman kami aalis." Sagot ko.

Lumawak ang ngiti niya sa labi at hinalikan ako sa noo. "Thanks, Saskia."

Pumasok na kami at kumain ng agahan. Pagkatapos ay umakyat na siya sa kwarto namin para maligo. Sa iisang kwarto lang kasi kami natutulog pero syempre kasama ang kambal para siguradong walang kababalaghan ang mangyari. 

 Habang naliligo siya sa banyo ay naisipan kong ayusin na ang mga susuotin niya at ang mga gamit niya. Katulad nang ginagawa ko noong nagsasama kami. Inilabas ko ang suit niya, ipinasok ko sa bag niya ang laptop niya. 

Bumukas ang pinto ng banyo habang inaayos ko ang gamit niya.

"Saskia, what are you doing?" Tanong niya. Lumingon ako sa gawi niya at nakita siyang naglalakad palapapit sa akin. Basa pa ang mala-ginto niyang buhok at wala siyang kahit anong suot bukod sa tuwalyang nakapulupot sa baywang niya.

Pinilit kong huwag bumaba ang mga mata ko sa katawan niya. "Inaayos ko lang itong gamit mo."

"Thank you." Ngumiti siya sa akin at halos mapasinghap ako nang lumapit pa siya. Kinuha niya ang boxers na inihanda ko para sa kanya. Walang sabi-sabing tinanggal niya ang tapis at kumaway sa akin si General. Malaki pa rin ito kahit hindi nakasaludo. Wala sa sariling nanguya ko ang pang-ibabang labi ko.

May kung anong pilyong ngiti ang naglaro sa labi niya nang magtama ang mga mata namin. Nag-iwas agad ako ng tingin. "Migs, lalabas muna ako. Baka kailangan ako ng mga bata."

"Thanks again, Saskia." Narinig kong sabi niya bago ako makalabas sa kwarto. Alam kong kung hindi ako lalabas doon baka bumuka na naman ang bulaklak at malibing si General sa libingan ng mga bayani.

Maya-maya pa ay bumaba na si Migs nang nakaayos. Nakadamit na ito na pang-opisina at nakasabit na sa braso ang bag niya. Sumalubong naman ang mga anak namin nang makita siya at binuhat niya ang dalawa sa magkabilang bisig.

"Daddy, are you going home early?" Isinubsob ni Savi ang mukha sa balikat ng ama.

"I'll try, sweety." Hinalikan niya ito sa pisngi.

"Bakit kasi papasok ka pa? Eh mayaman ka naman na." Tanong naman ni Tintin.

"Kasi kailangan ako ng Tito Coco niyo." He answered. "Saka para rin naman sa inyo kaya kailangan kong magtrabaho. I want the best for you, and Savi, and Mommy."

Nagpaalam na ang dalawa sa ama nila at hinatid namin si Migs hanggang sa kotse niya. Bago siya pumasok sa kotse ay lumapit muna siya sa akin.

"Mag-iingat ka." Paalala ko sa kanya.

"You too. Take care fo the twins and yourself." Ngumiti siya sa akin at muli akong hinalikan sa noo. "I... I love you." Mahinang bulong niya sa tainga ko.

Tumaas ang magkabilang kilay ko, kahit ilang beses ko na narinig iyon mula sa kanya ay nagugulat pa rin ako. 


Naglalakad ako papunta kay Migs hawak ang bag kung saan nakalagay ang meryendang inihanda ko para sa kanya habang ang dalawang bata ay nasa harap ko at naghaharutan. Nagpilit kasi ang kambal na puntahan si Migs at sabi naman ni Manang Rita na mas gusto daw ni Migs ng lutong bahay kaysa magkakakain sa restaurant sa labas.

"Shh... baka makaistorbo tayo. Huwag kayong masyadong maingay." Saway ko sa dalawa nang mapuno ang buong palapag ng halakhak nila. May mga cubicle kasi doon kung saan abala ang mga empleyado sa pagtatrabaho.

Pumunta kami sa opisina ni Migs kanina at sinabi ng sekretarya niya na nasa meeting room ito. 

"There's Daddy!" Turo ni Savi sa kwartong may salamin na dingding. Kita sa loob nito si Migs na nakaupo sa dulo ng mahabang mesa. 

Napako ako sa kinatatayuan ko nang mahagip ng mata ko ang babaeng kasama niya sa kwartong iyon. Silang dalawa lang ang nasa loob, nag-uusap at nagtatawanan. Itinulak ni Savi at Tintin ang pinto papasok sa kwarto at tila nasorpresa ito nang makita ang dalawa. Niyakap niya ang dalawang bata at binigyan ng halik.

"Hi, Tita Hazel." Yumakap si Savi sa kanya at lumuhod siya para yakapin din ito bago nabaling ang tingin niya kay Tintin. "Oh my God, Migs, they really are twins." 

"Who are you two with? Is Mommy with you?" Tanong naman ni Migs sa bata. 

Nakaramdam ako ng insekyuridad nang makita ko sila. Sandali ko pa silang pinagmasdan ko lang sila. Naisip ko ang lahat ng kasalanan ko kay Hazel. Kung hindi ako dumating sa buhay ni Migs, ganito rin siguro kasaya at kaganda ang pamilya nilang dalawa. Naisip ko kung hindi niya ba ako nabuntis at hindi ulit kami nagkaanak, mamahalin niya pa rin kaya ako? O napilitan na lang siyang mahalin ako dahil sa obligasyon niya sa akin at kay Tintin.

"Saskia." Lumabas si Migs mula sa silid at lumapit sa akin. Ikinulong niya ang mukha ko sa magkabilang palad niya at hinalikan ako sa labi. "You didn't tell me you and the kids are going to be here."

"N-nagpilit kasi ang dalawang punatahan ka." Iniwasan ko siya. "Magdadala lang sana kami ng meryenda mo."

Ngumiti si Migs at hinatak ako papasok sa kwarto kung saan kinakausap ni Hazel ang kambal. Nag-angat ng tingin sa akin si Hazel at may gumuhit na ngiti mula sa magandang mukha niya.

"Hi, Saskia. It's so nice to see you again." Sabi niya. 

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 85.1K 54
Pupunta ng school, makikibonding with friends, makikipagkulitan sa family pag uwi .. mga typical na bagay para sa isang college student .. Everything...
108K 5.5K 41
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
11.2K 591 7
DAYLIGHT IN SAN GUEVARRA SERIES BOOK 2 Payapa na ang buhay ni Badet. Nakapagtapos na siya ng pag-aaral at mayroon na rin siyang maayos na trabaho sa...
31.5M 741K 49
Will a baby strengthen or will it ruin their friendship?