His Forever

By supermishiella

143K 3K 193

[Book 2 of Fangirl] "Try to steal what's mine. And I promise, you'll get the chance to feel what is like to l... More

His Forever
1: Sweeter than Sugar
2: New Place to Hide
3: Pain behind her smile
4: Letting Go
5: Unforgettable
6: Dreaming with a Broken Heart
7: Walking Away
8: Tired of Crying
9: You Broke The Wrong Heart
10: Why Do I Still Love You?
11: Leaving Home
12: Life Without You
13: Isn't A Goodbye
14: The Invitation
15: The Come Back
16: One Last Cry
17: Starting Over
18: Emotionless
19: Won't Beat Again
20: Let's Talk
21: Wedding Plan
22: We Meet Again
23: Best Wishes
24: Hurting Once Again
25: What If
26: Never Grow Up
27: You're Not Sorry
28: Just Choose
29: The Chosen One
30: Wake Me Up When It's All Over
31: Wedding Dress
32: Should I Go?
33: Hate This Part
34: Acceptance
Epilogue: Ever After

35: I Will

3.5K 87 6
By supermishiella

 "Aalis ka pa ba talaga?" ani Julia, kasama niya ito ngayon sa kanyang kwarto habang nag-aayos siya ng mga gamit niya sa maleta. "Di ka na ba mapipigil?" inihinto ko sandali ang ginagawa ko at tinignan si Julia.

"Juls, may trabaho akong naiwan sa New York. Di pwedeng basta basta akong mag resign. It takes time." ang pilit kong pagpapaintindi sa kanya. Kahit kasi anong sabihin ko eh parang hindi niya maintindihan ang pag alis ko.

"Pero kakabati pa lang natin eh. Gusto naman muna kitang maka bonding, like we used to." yumuko ito, siguro nga ay tulad ko, gusto din niyang punan ang mga taon na nawala sa amin.

Hinawakan ko ang mga kamay niya, "Juls, saglit lang naman to. Promise, di ako magtatagal." binigyan ko siya ng assurance. Tutal balak ko na din namang dito na lang ipagpatuloy ang career ko, "At ikaw pa ang unang makakaalam kung uuwi na ako."

"Wow ha, siya lang?" sabay kaming napalingon sa biglang sumingit sa usapan namin, "Paano naman ang kapatid?" sabay taas ng kilay nito.

Natawa na lang ako sa reaction nito, "Nu ka ba sis, okay lang yan. Ikaw naman ang pangalawa." biro ko sa kanya.

"Hmp. Pinagpapalit mo na ako diyan sa bestfriend mo? Nako ha." ang kunwari ay nagtatampong sagot ni Francesca. Ewan ko ba dito, bagay talaga ang pag aartista sa kanya. Masyadong madrama eh.

"Lika nga dito," lumapit naman si Francesca, "Ikaw rin," sabay hila ko kay Julia patayo. "Mamimiss ko kayong dalawa!" pareho ko silang niyakap ng mahigpit. Dalawang baliw na babae sa buhay ko sa ngayon. Who says I need boyfriend?

Lalo na kung hindi rin naman siya ang magiging kapartner ko? 

"Gaga, saglit ka lang namang mawawala kala mo naman kung di ka na babalik." pang aasar ni Francesca, "Tama na nga drama. Naiiyak ako!" baliw talaga tong kapatid ko. Hay, buti na lang talaga at napagtiyagaan siya ni Quen.

"Ako rin!" pagsangayon ni Julia.

Nagbitaw kami sa yakap, at tinulungan na nila ako sa pag eempake ng mga gamit na dadalhin ko sa New York. Balak ko na talagang mag resign. Gusto kong makasama ulit itong dalawang baliw na babae na to.

***

"Nakahanda na ba lahat ng mga gamit mo? Wala ka ng naiwan?" ani Francesca. "Baka naman may nakalimutan ka ha. Ayokong ipadala yun sa New York, mahal ang padala." pagbbibiro pa nito kahit halata namang patulo na din ang mga luha niya.

"Ang plastic mo kapatid," sagot ko habang tumatawa, "If I know, gusto mong may maiwan akong mahalagang gamit para may reason akong bumalik." tudyo ko pa.

Muli ay nagyakapan kaming dalawa. Mamimiss ko talaga tong kapatid kong topakin, lalo na ang pagka-adviser niya minsan.

"Kath," nilingon ko ang bagong dating na si Julia. May kausap kasi ito kanina sa telepono, "May gustong kumausap sayo."

"Sino daw?" kunot noong tanong ko. Wala naman ngayon dito si Krane sa Pilipinas ah.

"Ako." mula sa pagkakaharap ko kay Julia, lumingon ako sa likuran ko. At hindi nga ako nagkakamali, siya nga talaga ang nagsalita. "Pwede ba?"

May pag aalinlangan ako sa umpisa. Pero naisip ko, it's now or never. Baka hindi ko na siya makausap pagkabalik ko galing New York.

"Sure." nag lakad ako papuntang garden, at sinundan naman niya ako. Dito ko napiling mag usap para kaming dalawa lang. "Ano bang pag uusapan natin?" kailangan ko nang magmadali. Baka kasi malate ako sa flight ko mamaya.

"Si Shane..." automatic na kumunot ang noo ko. Ano ang kinalaman ni Shane sa pag uusapan namin? "Si Shane ang may pakana ng lahat. Alam mo kung bakit?" si Shane?

"You mean---" 

"Oo, tama ka. Si Shane na kaibigan mo." seryoso ang mukha nito at walang bahid ng pagbibiro, "Naalala mo nung gabi ng concert ko na ipinakilala kita sa lahat?"

"Oo, bakit yun?" hindi pa din ako makapaniwala. Paano nagawa ni Shane to?

"Nandoon siya." hindi ako umimik at hinintay na lamang ang susunod na sasabihin niya. "Isa siyang obsessed fan." huminga muna ito ng malalim, "Simula noon ay plinano na niya ang lahat. Ang sirain tayong dalawa. Si Julia ang ginamit niya dahil alam niyang isa sa mga weaknesses mo ang kaibigan mo. Si Julia mismo ang nagsabi sa akin. Hindi ko alam ang kayang gawin ng isang obsessed fan kaya sumunod na lang rin ako." hindi ako nakaimik agad. Hindi ko akalaing kaibigan ko pala ang trumaydor sa akin. "Kung hindi man to nasabi sayo ni Julia, sa akin ka magalit. Ako ang nag utos sa kanya. Gusto kong ako ang magsasabi sayo." ngumiti ito ng malungkot, "At oo nga pala, hindi kami kasal." 

Nagulat ako. Hindi ako makagalaw. Tama ba nag narinig ko? O niloloko lang ako ng pandinig ko?

"H-hindi kayo... kasal?" ang hindi makapaniwalang tanong ko, "P-pero... nag... nag punta ako sa s-simbahan n-noon..." tinignan ko siya sa mga mata niya, "Nagsasabi ka ba ng t-totoo?" hinahanap ko ang sinseridad sa mga mata niya.

"Oo." ang punong puno ng sinseridad na sagot niya, "Hindi ako sumagot ng I do." 

Hindi pa rin matanggap ng sistemab ko ang mga pinag sasabi niya sa akin. Hindi talaga sila kasal? Bakit walang sinabi sa akin si Julia?

"Ako ang nag sabi kay Julia na wag mag salita, dahil gusto kong sa akin mo malaman ang mga ito." ang sagot niya na tila narinig niya ang mga katanungan ng isip ko. "Wag kang mag alala, hindi rin naman ako gustong pakasalan nung si Julia." mind reader na ba ito?

Unti unti ay nawawala ang pag aalinlangan ko. Naniniwala ako sa kanya, naniniwala ako sa mga sinasabi niya.

"Nasaan si Shane ngayon?" gusto ko siyang makausap. Gusto kong ipaintindi sa kanya na ako ang mahal ni Daniel, na mahal ko rin ito... at na kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya kahit sa mga nagawa niyang iyon.

"Mental Hospital." sagot nito, "Hindi ata niya kinaya eh. Saka wag kang mag alala, nagpapagaling naman na yun ngayon. Sa wakas ay naiintindihan na niyang ikaw lang ang mahal at mamahalin ko." ang naka ngiti nitong sagot.

"Talaga lang ha?" tumango ito.

"Aalis ka pa rin ba?" maya maya ay itinanong nito. Oo nga pala, kailangan kong umalis ngayon.

"Kailangan eh." ang malungkot kong sagot. Hindi ko pwedeng ikansela ang pag alis ko dahil lamang nakapag ayos na kaming dalawa. "Pero babalik pa naman ako."

"Kailan?"

"Hindi ko pa alam. Pero promise, babalik ako." paninigurado ko. "Pero sana may mabalikan pa ako?" alam ko namang okay na kami. Kahit na hindi niya sinabi, ramdam ko naman.

"Depende na lang yan sa sagot mo." hinila niya ako at iniyakap ang braso niya sa bewang ko, "Total okay naman na tayong dalawa. Wala naman na sigurong sagabal pa, diba? Saka isa pa, mahal kita. At alam kong mahal mo pa rin ako, base sa reaksyon ng mukha mo. Pero, hindi ko na gustong maging girlfriend ka ulit." kumunot ang noo ko, "Will you marry me?" bumitaw ito sa pag yakap niya sa bewang ko at lumuhod sa harapan ko.

"No." napayuko siya nun, nalungkot. "I'm not that easy to get, you know. Let me think first." 

Nakangiting iniangat niya ang ulo niya para tignan ako sa mga mata, "Mag hihintay ako kahit gaano pa yan katagal."

"Tumayo ka nga." agad naman niya itong sinunod. Ikinawit ko ang mga braso ko sa leeg niya. "I will."

"Really?"

"Yeah, I will marry you Mr. Daniel Padilla." tuwang tuwa niya akong niyakap ng mahigpit at bahagyang iniangat sa lupa.

"I love you, Bernardo."

"I love you more, Padilla." 

I guess, I already found my happiness -- my forever. 

--------

Epilogue is next! Hintay muna sa update. Di ko alam kung kailan. Basta asahan niyong this week lang din ang epilogue nito. :))

Ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako sa mga readers na sumusuporta dito. Love you all guys! <3

Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 337 8
Loving him was my favorite mistake. -- 2024 story
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
4.7K 1.2K 46
"𝘚𝘪𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘴𝘪𝘺𝘢?' 𝘐 𝘸𝘢𝘴 𝘴𝘰 𝘤𝘶𝘳𝘪𝘰𝘶𝘴 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘩𝘪𝘴 𝘦𝘹𝘪𝘴𝘵𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘐 𝘵𝘳𝘪𝘦𝘥 𝘴𝘦𝘢𝘳𝘤𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘧𝘰�...
2.4K 1.2K 38
Rhein Gomez - namulat lamang siya sa isang ordinaryong buhay bilang tao. Namumuhay nang simple kasama ang kanyang nag-iisang nakatatandang kapatid, p...