You're Still The One (A SharD...

By imnotkorina

245K 7.1K 1K

"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time." More

YOU'RE STILL THE ONE (A SHARDON FANFICTION)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER: She's The One

CHAPTER 39

3.4K 114 10
By imnotkorina

Kung hindi pa hinalikan ni Donny ang tuktok ng kanyang ulo, hindi pa maibabalik ang atensiyon niya rito. Napagtanto niya ring nakasiksik pa rin siya sa matipunong katawan nito. But instead of taking a step back to regain a safe distance from him, nanatili siya sa kinatatayuan dahil nararamdaman pa rin ang pangangatog ng kalamnan.

"Are you hurt?" nag-aalala nitong tanong sa kanya.

Mabilis siyang umiling bilang tugon.

"What are you doing in the forest, Liberty? Hindi mo ba alam na delikado rito?" malumanay ngunit may panenermon ang tono nito.

Dahil hindi sanay na napapagalitan, nag-iwas siya ng tingin dito at binalak pang lumayo. But his strong arm on her waist didn't allow her to move even an inch. Hinapit siya nito upang mas magdikit pang lalo ang kanilang mga katawan.

"I know that!" napagsabihan na siya kanina ng tiyo nito. "I-I know that there are wild animals—"

"Wild animals!" magkahalong pagkamangha at iritasyon ang mauulinigan sa tono nito. "Mabuti nga kung iyon lang panganib sa gubat na ito, Lily. Kung masuwerteng hindi ka maihuhulog ng kabayo mo, maitatakas ka niya mula sa mga hayop. Pero ang inaaalala ko ay iyong tagong bangin na malapit dito na bago mo pa mapansin ay nahulog ka na."

Nanlamig siyang lalo dahil sa sinabi ni Donny sa kanya. Hindi niya alam iyon! Kung siguro ay hindi pa siya nakita ng tiyo at ilang tauhan nito kanina na pagala-gala sa gubat, baka nga nahulog na siya sa bangin at maaaring huli na bago pa man may makakita sa katawan niya!

That thought scared her even more. Kusa tuloy na umangat ang kamay niya upang kumapit sa braso ni Donny habang iginagala ang tingin. "T-There's a cliff? Really, I-I was just thinking of snakes and wild boar."

"Oh damn it, princess..." nahaluan na ngayon ng kaunting pagka-aliw ang tono ni Donny. Ngunit halata pa rin sa ibinibigay nitong tingin sa kanya ang matinding pag-aalala. At dahil wala na halos distansiyang nakapagitan sa mga katawan nila, nararamdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito.

He kissed her forehead. Ilang sandaling nanatili roon ang labi ni Donny bago muling tinutok ang mga mata sa kanya. Hindi na niya mabasa ngayon ang emosyong naglalaro roon dahil nawawala na rin ang isip niya sa masarap na pakiramdam na hatid ng katawan nito sa kanya.

"Tara na sa rancho," kinuha ni Donny ang renda ni Batik habang ang isa pang kamay ay nakahawak naman sa kanya.

Dahil sa gulat, wala pa siyang lakas na bawalan ang sarili kaya naman hinayaan niya ang kamay kay Donny habang naglalakad sila patungo sa tamang direksiyon ng rancho. Nakakaginhawa rin naman ang init na hatid ng palad nito. And being near to him like this...knowing that he could protect her from danger anytime...gives her a sense of security.

"Talaga bang hindi ka nasaktan? Kahit galos, Lily? You look like you're going to pass out anytime a while ago. I'm worried," anito.

Tila walang hanggan ang mga puno at talahib na kanilang dinadaanan. Ngunit kahit katiting na takot ay wala siyang maramdaman. Donny knows where they're going and he'll not allow anything bad to happen to her.

"I'm fine," pagod siyang suminghap. "Just...shocked, I guess?"

"Shocked?"

Unti-unti ay naging manipis ang halamanan at nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanila. Up close, the sight of the corrals with horses and cows in different colors and sizes roaming freely is even more fascinating. Malawak at tila walang hanggan ang lupaing nababalot ng berdeng damo at luntiang mga puno.

"Hey, baby, answer me," pukaw muli ni Donny sa atensiyon niya. "Why were you shocked?"

Nilingon niya ito at naalala ang kanilang pinag-uusapan kanina. "Your tito and your men who guard the borders of your land...do they always bring guns with them?" she asked curiously. Wala kasing may ganoon sa kanilang hacienda. None that she's aware of.

"Their guns scared you," that's more of a statement than a question.

Siguro ay masyadong halata na ang sagot sa kanyang mukha kaya bumakas ang pag-intindi sa anyo nito hindi pa man siya nagsasalita.

"I know I'm overreacting," suminghap siya. "Like what I said, nagulat lang ako. I don't see anyone in the hacienda carrying long rifles. Alam ko'ng kailangan iyon for self-defense and whatnot."

"There are guards in your hacienda but they're not heavily armed. Pero kahit sa maliit na probinsiyang ito ay talamak pa rin ang krimen tulad ng pagnanakaw o panlalason ng mga hayop. I'm just taking some precautions. There are clients who bring their prized horses here to train; I cannot just risk their safety."

"So...you also own a gun?" tanong niya muli out of curiosity.

Donny sighed in resignation. "I have a pistol in the bureau inside my bedroom."

She nodded slowly before turning her gaze back on the pasture. Kailangan niyang ipaalala sa sarili na iba na ngayon ang Donny na kaharap niya sa lalaking una niyang nakilala. He now owns this land and he also has a gun in his bedroom.

"Are you upset?" tanong nito pagkaraan.

"That you have a gun? No," halos matawa siya roon. "Nagulat lang talaga ako kanina...at siguro napa-praning na rin. What if they just randomly shot their guns when they heard my horse approaching?"

"Baby, you're just stressing yourself out on something that is not going to happen. I'm sure my uncle isn't that stupid," naaliw man o nahihibangan ito sa iniisip niya, hindi niya alam.

His uncle. Naalala na naman niya kung paano ito maka-tingin sa kanya kanina. Noon pa man ay hindi na niya maintindihan ang takot na dulot nito sa kanya. But maybe she's just being judgmental. Hindi naman siguro dahil mukhang malupit ang tiyuhin ni Donny ay gagawa na rin ito ng masama. Kanang kamay at kaibigang matalik pa ito ng kanyang ama.

Kung titignan ay marahas at malupit din ang imahe ni Donny. Especially, when his eyes were looking intensely and his lips were unsmiling. Madaling mai-intimidate ang kahit na sino sa tangkad at malaking bulto ng pangangatawan nito but for some reason she wasn't threatened with his presence. Hindi niya lubusang maipagtulad ang mag-tiyuhin.

"Okay," she shrugged her shoulders. Wala na rin namang puntong pagtalunan iyon. Gaya ng sabi ni Donny, wala namang nangyari.

"You're safe as long as I am here, Lily. And I'm sure by now my men know that you are important to me so they should also protect you. That is if they want to keep their jobs and don't wish to see me really angry." Hinapit siya nito upang mahalikan sa kanyang pisngi.

Matalim ang tinging pinukol niya kay Donny matapos siyang bitawan na nginisihan lamang nito. He's being too comfortable! At bakit wala rin siyang ginagawang hakbang upang pigilan ito tuwing...tuwing nilalambing siya?!

"D-Don't talk as if this is going to be a regular thing, Donato! Yes, I'm here to see you. Pero para lang malaman kung magkano ang utang ng hacienda namin sa'yo!" angil niya.

He licked his lower lip leisurely. Naiinis talaga siya tuwing ginagawa nito iyan dahil hindi niya mapigilang mapatitig sa buong labi nito na ngayon ay basa at mamula-mula lalo! Halata rin dito ang pinipigilang tawa kaya lalo lang siyang nainis.

"I thought you will forget..."

Halos magpanting ang tenga niya sa sinabi nito. "I thought we already agreed that I will pay you back!"

Ang mapaglaro nitong ngiti kanina ay nalusaw. Unti-unti ay mas nagseryoso ito ng anyo. At tuwing ganito na ang ekspresyon ni Donny ay hindi niya mapigilang makaramdam ng panliliit.

"Hindi ko gustong maningil, Liberty. Kung tutuusin nga kulang pa ang nagawa ko para sa hacienda kumpara sa lahat ng ginawa ng daddy mo para sa akin. Hanggang ngayon nagagamit ko pa ang mga itinuro niya. If not for him and all the knowledge and advice he willingly shared to me, wala rin siguro ang rancho na ito ngayon."

Napipilan siya sa sinabi ni Donny. And all this time wala siyang ginawa kung hindi ang husgahan at maliitin ito. Ang nagagawa nga naman ng selos at galit.

"Pasensiya na kung sumakay ako sa gusto mo noong una at pumayag na pagbayarin ka. But...honestly, my mind wasn't really on our topic the whole time we were talking..." binalingan nito si Batik at hinaplos ang malambot at itim na itim nitong buhok. "...I was thinking about your lips and how delectable they always taste. Even now, actually."

Nais niyang gumanti rito ng pang-aasar ngunit tumatambol ng husto ang kanyang puso sa kakaibang kaba. Oh this man drives her crazy! O kung hindi pa man ngayon, balang-araw ay ito ang magiging sanhi kung bakit masisiraan siya ng bait!

Sumulyap ito sa kanya. His brown eyes were twinkling and he's obviously flirting! Hindi siya patatangay. Nagawa nga niyang tikisin si Donny ng ilang araw, nasisiguro niyang magagawa pa rin niya iyon ngayon.

"Y-You could always change your mind about that," napatikhim siya. "I mean...tungkol sa pagbabayad ko ng utang ng hacienda."

Bahagyang ngumunguso ang mga labi nito na tila nagpipigil mangiti. Hindi niya kung alin sa sinabi niya ang biro at bakit natatawa ito.

"For now, I believe we're already done here. Uuwi na ako," aniyang itinutuwid ang kanyang likod. Sinubukan niyang bawiin mula sa kamay ni Donny ang renda ni Batik ngunit iniwas nito iyon.

"Hindi ka pa uuwi," siguradong sinabi nito.

"W-What—hey!" sigaw niya nang bigla na lang nitong isuot sa kanya ang buri hat nito.

Itinaas niya ng bahagya ang salakot na humaharang sa kanyang paningin. Sisinghalan sana si Donny ngunit naipit sa lalamunan niya ang sasabihin nang makitang malayo na pala ito sa kanya. Hawak ang renda ni Batik sa isang kamay ay ginabayan nito ang kabayo papasok sa kural. Nagsalubong ang kanyang mga kilay sa pagtataka dahilan para lumapit siya roon.

Mataas ang tarangkahang pumapalibot sa kural. Kinakailangan pa niyang sumampa sa makapal na tarangkahang kahoy para maayos na makita ang gagawin nito roon, kung hindi man ay sumilip na lang sa mga siwang nito. Ngunit bago makapili ng gagawin ay tinanggal niya ang long sleeves polo at tinali sa kanyang bewang nang makaramdam ng init. Nang makontento ay saka tinuloy ang naunang plano.

Malayang nahahalikan ngayon ang kanyang balat ng preskong hangin. Nililipad ang kanyang buhok ngunit hindi niya alintana kung magulo iyon dahil ang mga mata niya'y nakatuon sa ginagawa ni Donny. Inilapit nito si Batik sa kabayong kawangis nito ng kulay. Nga lang ang kabayong nilapitan ay mukhang mas matanda at mas malaki ang pangangatawan.

"Is that Bangis, Donny?!" she squealed like a child.

Naka-ngiting sumulyap sa kanya si Donny habang nasa kalagitnaan ng pag-aalis ang saddle sa likuran ni Batik. Malapad ang ngiti niya nang makitang nag-aamuyan at nagsusukatan ang dalawa. Ang tanawin ng iba pang kabayo roon ay pumuno sa kanyang puso ng kakaibang tuwa.

She's too busy watching the horses na huli niya nang na-realize na nakalapit na pala ulit si Donny sa kanya. Sa tangkad nito, kahit hindi pa sumampa sa kahoy ng kural ay nagpantay lang ang mga taas nila. Ang tarangkahan lang din ang pumapagitan sa kanilang dalawa ngunit pakiramdam niya'y hindi nage-exist ang harang na iyon habang direktang tinititigan si Donny sa mga mata nito.

"Ang tagal kong hindi nakita ang ngiting 'yan prinsesa ko," he whispered like saying a prayer.

Tinikom niya ang bibig at marahang napalunok nang makaramdam ng panunuyo ng lalamunan dahil sa paraan ng pagtitig nito. Hindi niya alam kung bakit para siyang nahahapo gayong nakatayo lang naman siya roon at hindi milya ang tinakbo.

But this is how Donny affects her as always. Binubuhay nito ang kanyang pakiramdam. Pinupukaw ang emosyong kahit siya'y hindi alam. Pinapagod ang puso niya sa marahas na pagtibok. It's amazing how he could do that...but scary as well because only he could do that.

Umangat ang kamay nito sa kanyang mukha. Napaigtad siya sa kuryenteng biglang dumaloy nang dumapi ang haplos nito sa balat niya ngunit bukod doon ay hindi na siya kumilos pa. She let him brush her cheek lightly with the back of his fingers. Hinayaan niya ito'ng isukbit sa likod ng kanyang tenga ang kumakawalang buhok mula sa tali niya.

"Donny..." tawag niya sa ngalan nito nang ilang sandali ito'ng hindi kumikibo at pinagmamasdan lang siya. "D-Don't stare at me like that. You're making me feel conscious."

"You're so beautiful, Liberty, that's why I can't stop looking," he said, full of emotion. "At kahit noong wala ka pa, hindi ka kailanman nawala sa isip ko."

Kung hindi pa siya aalis doon, pakiramdam niya'y malalagutan na siya ng hininga. She'd been told that she's beautiful for so many times. Ngunit ang epekto nang mamutawi ang mga katagang iyon mula sa mga labi ni Donny ay higit kahit kanino.

She looked down on her fingers resting on top of the wood. Hinayaan ang palad ni Donny na kanlungin ang kanyang pisngi. Dapat makaramdam siya ng pagtutol ngunit sa halip ay ang kabaliktaran no'n ang nararamdaman niya.

Dumampi ang labi nito sa gilid ng kanyang ulo. On top of her ear, he whispered gently. "Why are you ignoring my calls and texts, princess? Bakit pakiramdam ko sadya mo ako'ng iniiwasan nitong nakaraan kapag pumupunta ako sa inyo? Did I do something wrong again?"

Humugot siya ng malalim na hininga upang mag-ipon ng lakas ng loob. Inilagay niya ang palad sa dibdib ni Donny upang marahan ito'ng itulak palayo. She felt him resist at first subalit kalaunan ay nagpaubaya rin.

Bumaba siya sa kahoy na kanyang pinapatungan bago tumalikod at sinubukang humakbang palayo. Nakarinig siya ng pagbagsak mula sa kanyang likod at ang magaspang na kamay ni Donny ang pumigil sa kanyang pag-alis.

"Where are you going, princess?" malumanay ngunit may rahas nitong tanong.

Bonelessly, she let him pin her on the wooden fence. Ipinatong ni Donny ang isa nitong binti sa kahoy na nasa gilid niya habang ang mga braso ay nasa magkabilang gilid ng kanyang katawan. The determined look on his eyes tells her that he's not going to let her escape. Not that she could with the way he imprisoned her with his massive body.

"Are you going to run away every time I will confront you?" bakas ang tinitimping galit sa tanong nito.

Nakakaramdam na rin siya ng galit. Ngunit mas para iyon sa kanyang sarili. "Because I should hate you a-and not...and not let you kiss me!"

His brown eyes went down to her lips. Without conscious thought, she bit her lower lip. Mas lalong nag-ulap ang mga mata ni Donny dahil sa kanyang ginawa. Mas lalo ito'ng naging mapanganib. But instead of fear...she felt something even more intense and sultry. Ang pakiramdam ay pinaka-matindi sa pagitan ng kanyang mga hita.

"Is that so bad?" anitong mas inilalapit sa kanya ang mukha.

"Y-Yes!" Kung iisipin niya ang kanyang mommy, oo, mali! Pero kung isasantabi niya iyon at ang puso niya lang ang susundin...alam nito ang tamang sagot. "Let's just stop this, Donny—"

"Stop?" his lips curved in a humorless smile. "Mahal na kita bago ko pa nalaman ang ibig sabihin ng salitang iyon. Don't you think it's already too late to stop?"

Oh no, he didn't say that! Lalo lamang kasi siyang nanghina. Na kinailangan niya nang kumapit sa mga balikat ni Donny kung hindi ay matutumba siya.

He inched his face closer. Tinutukso siya ng dulo ng ilong nitong marahang ibinabangga sa dulo ng kanya. Kusang puma-parte ang labi niyang nag-aabang madampian ng labi nito.

"M-My mother will hate me. I cannot afford to hurt her again!" aniyang hinihila ang huling pisi ng katinuan niya.

Her body is already surrendering. Ang bawat himaymay niya'y isinisigaw ang pangalan ni Donny. Paano siya magwawagi kung ang mismong kalaban niya ay ang kanyang sarili?

"Sinaktan ko si nanay nang ipaglaban ko ang nararamdaman ko sa'yo. I betrayed the person who trusted and treated me like his own child and fell for his only daughter," mariin nitong sinabi ang bawat salita. "Kung may nawala man sa'yo, Lily, doble no'n ang sa akin. Kung may mga nasaktan ka, mas marami ako'ng binigo. But it never stopped me from wanting you."

Kumurap siya't isang luha ang malayang naglandas sa pisngi niya. Lumambot ang matigas na ekspresyon ni Donny dahil doon. Napapikit siya nang halikan nito ang talukap ng kanyang mata. His tender kisses trailed down until it reached her lips.

Tuluyan nang humulas ang kontrol na tanging pinanghahawakan niya. She welcomed Donny's demanding kisses with complete abandon. Ang kanyang palad ay naglakbay mula sa batok nito pababa sa malapad at matipunong dibdib. He darted his tongue inside her mouth. A soft moan escaped from her lips as his arms held her even tighter.

"C-Can't...b-breathe..." she said in between their kisses. Ngunit ilang sandali pa bago itinigil ni Donny ang paghalik sa kanya.

She's out of breath but it didn't stop him from trailing wet kisses on her neck and collarbone. Ang tunog na nililikha ng mga halik nito sa kanyang balat at marahas na paghinga ay nagpapikit sa kanya. She wet her lips with her tongue and realized how swollen they were.

Itinapat nitong muli ang mukha sa kanya. She stared at him with sleepy eyes while he looked at her with eyes dark with arousal. Ibinalik ni Donny ang labi nito sa kanya at muli ay kusa siyang nagpaubaya. Kung siguro ay magsusunog siya ng pera sa tuwing tatraydurin siya ng sariling katawan at bibigay kay Donny, maghihirap siya marahil.

Because, really, who would say no to his kisses? Definitely not someone who's in her right state of mind! Kahit ang galit niyang pilit pinaliliyab ay hindi hadlang upang hangaan niya ito ng husto. Madali lang nito iyong natutupok ng haplos at mga halik nito. At sa huli'y pinapalitan ng kakaibang apoy na bagaman alam niyang mapanganib ay hindi rin niya magawang layuan.

She bit his lip to stop him from kissing. Huminto ito ngunit hindi inilalayo sa kanya ang labi. Naramdaman niya ito'ng ngumiti. At kahit hinihingal pa...hindi rin niya napigilan ang pagkurba ng ngiti sa labi.

"We really should stop this now, Donny. Ano na lang ang iisipin ng mga tauhan mong makakakita sa'tin?" baka nga pinapanood na sila ngayon at hindi lang nila napapansin iyon.

Nais niyang mahiya but regret and embarrassment may come later. She's still heady from the kiss they shared that she couldn't think of anything else yet.

"They'll think that I'm so crazy for this beautiful and complicated woman," malambing nitong bulong bago pinahinga ang noo sa pagitan ng kanyang balikat at leeg. Nananatiling yakap ng mga braso ang kanyang bewang. "Can you stay here for tonight?"

Napasinghap siya dahil sa request nito. But she cannot deny the excitement that ran through her veins too. "A-Are you out of your damned mind?!"

Narinig niya ang tawa nito bago ang dampi ng halik sa kanyang balat. "Akala ko makakalusot," nangingisi nitong sabi. "Then just stay for dinner? Malungkot kumaing mag-isa, Liberty."

Kumunot ang kanyang noo roon. Nang mapuna ang pananahimik ay hinarap siyang muli ni Donny. His hair became even more messy and his lips so red and pouty. Hinaplos niya ang ibabang labi nito ng kanyang hintuturo upang damhin ang lambot niyon.

"Why are you eating alone? Nasa hacienda si Aling Mirasol pero uuwi naman siya. And where's Benjamin?" she looked around. "I haven't seen Benjamin since I came back."

Umangat ang dalawang kilay ni Donny sa kanya. "Buti pa ang kapatid ko hinahanap mo."

Kinunutan niya ito ng noo. Totoo ba ang selos na nahihimigan niya rito? Why would he be jealous when not so long ago they're almost at the brink of making love here in the open!

"Hindi sila dito nakatira ni nanay," anito matapos bumuntong-hininga. "Doon pa rin sila sa dati naming bahay."

Tatanungin sana niya ito kung bakit ngunit may pakiramdam siya na sensitibong paksa iyon. Naalala niya ang sinabi ng kanyang Tita Helga. Kung hindi gusto ni Aling Mirasol na tanggapin ang pera ng mga Pangilinan, bakit nga naman nito gugustuhing tumira sa lupaing ang mga ito ang nagmamay-ari?

As for Benjamin...siguro ay ayaw lang nitong iwanan mag-isa ang ina. Mas praktikal kasi kung sa malapit lang sa rancho maninirahan si Donny.

"So..." pukaw muli ni Donny sa kanyang atensiyon. "Sasaluhan mo ba ako sa pagkain?"

Minasahe niya ang batok nito habang nag-iisip.

Common sense aside, she wanted to eat dinner with him and maybe stay for a little while. Agad dumaan sa isip ang maaaring itsura ng silid nito at agad siyang pinag-initan ng pisngi.

"O-Okay..."

Donny pressed a hard kiss on her lips. Bagaman tipid lang ang ngiti ay kita niya sa kinang ng mga mata nito ang labis na tuwa.

She's going to regret this later, she's sure. Oras na maibaba siya sa lupa mula sa langit na kinalalagyan niya ngayon ay pagsisisihan niyang hindi siya nag-isip ng tama. But she's been doing the right thing for the longest time trying to forget him...bakit kailanman ay hindi siya naging masaya sa mga pagkakataong iyon?

Magkasalikop ang mga kamay ay tinahak nila ang daan patungo sa bahay nito. The huge white villa looked more modern than the Spanish style villa in their hacienda. U-shaped ito at nakapalibot sa swimming pool! Naliligiran ito ng salaming dingding dahilan para magmukhang maaliwalas. At kahit isang palapag lang ang bahay, mas malaki pa rin ito kaysa sa kanilang villa.

"Donny! Kanina pa kita—"

Nawala ang tingin niya sa bahay nang isang magandang babae ang sumalubong sa pagdating nila. Tumigas ang kanyang ekspresyon nang mamukhaan si Ysabel. Mas umikli lang ang buhok nito at mas naging pino ang kurba ng katawan ngunit kilalang-kilala niya pa rin ito.

"L-Liberty?" nauutal nitong sinabi. Mula sa pagkabigla ay tinakasan ito ng kulay sa mukha nang dahil sa takot.

She wanted to get angry. Ngunit napangunahan siya ng rason sa pagkakataong ito. Hindi siya dapat kay Ysabel magalit dahil nagsabi lang ito sa kanya ng totoo noon. She exaggerated some details but she still revealed the truth when everyone else lied to her. When Donny lied to her...

Binawi niya ang kamay mula kay Donny at naramdaman ang paglipat nito ng tingin sa kanya.

"Why are you here?" tanong niya rito.

Nakabawi sa pagkagulat nito si Ysabel nang marahil ay ma-offend sa kanyang tanong. Tumuwid ito at nagtaas sa kanya ng kilay. "Nagluto ako ng hapunan namin ni Donny gaya ng palagi kong ginagawa. Ikaw, bakit nandito ka?"

It took all her willpower to hide the shock and hurt in her expression.

Gaya ng palagi nitong ginagawa? Kung ganoon, palagi nitong ipinagluluto si Donny ng hapunan? Who is she in his life, anyway, at bakit malaya ito'ng nakakapasok sa bahay ni Donny at nagagamit pa ang kusina nito? Ayaw niyang maniwalang mag-kaibigan lang ang dalawa.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Ang gaan at sayang naramdaman niya kanina ay nabura sa isang iglap. Mabilis at masakit ang pagbulusok niya sa lupa mula sa langit na pakiramdam niya kanina.

"Ysabel..." Donny in a warning tone.

Hinarap niya si Donny at pilit pinatapang ang anyo. "Your problem is solved now. May kasabay ka naman palang mag-hapunan."

"Lily—" sinubukan nitong hawakan siya ngunit mabilis siyang umiwas.

Tinalikuran niya ang mga ito at sa malalaking hakbang ay nilakad ang pabalik sa kural kung saan ang kanyang kabayo.

"Liberty," tawag ni Donny sa kanya habang nakasunod.

"I'm going home now," aniya. Nais palakpakan ang sarili dahil sa pagiging kalmante ng tinig kahit malayo iyon sa totoong nararamdaman niya.

"Walang ibang ibig sabihin iyon, Liberty. Please..." nahagip nito ang kanyang braso.

Tinignan niya ito sa mga mata at sinigurong wala ito'ng makikitang kahit na ano roon. "I want to go home now, Donny. Siguradong hinahanap na ako sa bahay."

Ilang sandali siya nitong tinitigan. "I thought you're going to stay for dinner."

At maging thirdwheel sa dalawa? Hell, no.

"I want to go home," mas madiin niyang sinabi.

Nagsukatan silang dalawa ng tingin. Pinantayan niya ang mga mata nitong naging madilim. Kung bakit ito nagagalit ay hindi niya alam. Sa kanilang dalawa, siya ang mas dapat magalit dahil niloko na naman siya nito!

"Ihahatid kita," sa huli'y sinabi nito.

Mas lalo siyang nakaramdam ng sakit at inis. Sa halip sabihing palalayasin si Ysabel, ihahatid na lang siya nito? At pagkatapos babalik ito sa bahay nito't magsasabay sa pagkain ang dalawa? And who knows what might happen after that knowing how virile this man is! Natigilan siya nang may maisip. Kung hindi ito ang unang beses na nagtungo si Ysabel dito, baka nga nagawa na iyon ng dalawa.

Bumilis ang kanyang paghinga nang bahain ng mas matinding galit. "No! I will take my horse!"

"Hell, if I'll allow you to do that and pass the forest again! Ihahatid kita ng pick-up at ipapasunod ko ang kabayo sa hacienda," ma-awtoridad nitong sinabi.

"Then ask someone to drive for me!" Dahil naiinis ako sa'yo Donny! Palagi mo na lang ako'ng niloloko!

He exhaled through his gritted teeth. Halatang nauubusan na sa kanya ng pasensiya. "Fine," buga nito.

At tulad ng sinabi niya kanina...ngayon siya nginangatngat ng pagsisisi.

Continue Reading

You'll Also Like

10.2K 554 83
Rebecca Allison Brandt, a young fashion model and writer who suffered from an ultimate heartbreak when she broke up with her long time boyfriend. She...
663K 12.5K 43
Loving someone can make you a fool. Loving someone you know that isn't capable of loving you is really hard. What will happen if you will be stuck wi...
19.2K 141 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...