Could Have Been Better (Crush...

By PollyNomial

16.2K 600 58

Elaine Joy Mendoza was from Los Angeles. Pero kahit ilang taon na mula nang tumira siya roon kasama ang pamil... More

Could Have Been Better
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Ending
Lost With A Shattered Heart

Chapter 18

207 6 0
By PollyNomial

CHAPTER 18 — Decision


Hindi na ako kinausap ni dad pagkatapos niyon. Hinayaan niya lang ako at iniwan na sa aking kwarto. I badly wanted to text Conrad and tell him everything but I think it's not his concern anymore. Ayoko naman kasing mag-alala pa siya sa akin.

Right now, I don't want to do anything but to stay in my room. Ngayon ay may karapatan na akong magkulong dito dahil alam na ni daddy ang lahat. Hindi ko na kailangan itago sa kaniya ang tunay kong nararamdaman 'di gaya ng mga nakaraang linggo. So, that's what I did.

Madalas niya akong ipatawag kay manang. Ngunit dahil ayokong bumaba ay pinapadala na lamang niya rito ang pagkain. Nang gabing iyon ay nagbukas ako ng laptop upang tingnan kung maaari ko bang matawagan si mommy. And I was lucky because she called me first.

"Anak," aniya nang sagutin ko ang video call.

Mom doesn't look okay base on her face. Namumula ang kaniyang mukha at halatang pagod na pagod siya.

"Mom, are you okay?" tanong ko. It's stupid to ask that question but I still did. I want to know how she's doing after everything.

Pumikit siya at tumango. "Maraming trabaho. Alam mo namang nasa bakasyon kami ng amo ko," aniya.

Bumuntong hininga ako. Miminsan ko lang nagawang pahalagahan ang paghihirap niya para sa akin. Noong bata ako ay palagi kong iniisip na mas mahalaga kay mommy ang trabaho niya kaysa sa aming pamilya niya. Mula kasi noong lumipad siya sa Amerika upang maging OFW ay ilang beses lang siyang umuwi sa amin. At ang bakasyon niya sa amin ay inaabot lang ng ilang linggo kaya naman hindi ko rin siya nakasama ng matagal. Nang tumira naman kami sa Amerika kasama niya ay ganoon pa rin. Uuwi lang siya sa bahay kapag nagkataong hindi siya sinama ng kaniyang amo sa mga bakasyon nito. At minsan lang mangyari iyon.

Noon, nagseselos ako sa mga batang inaalagaan ni mommy dahil naisip ko na mabuti pa sila ay nagawang palakihin ni mommy samantalang ang sarili nitong anak ay hindi nito naasikaso. Ngayon, naiintindihan ko na ang lahat. Ang estado namin sa buhay ngayon ay nagpapatunay ng ginawang paghihirap ni mommy.

Kung tutuusin, ang negosyong itinayo ni daddy ay nanggaling sa mga naipong pera nilang dalawa ni mommy. Nakarating kami sa states dahil kay mommy. Nakapag-aral ako sa magagandang eskwelahan dahil kay mommy. Everything I have today was because my mom worked very hard so that I would have a better life.

"Narinig ko po kayong magkausap ni daddy."

Nakita ko ang paghinga niya ng malalim. "We talked about you. Kailan mo sinabi sa kaniya, anak?"

"Kanina lang po. I'm sorry, mom. But I think mas maaayos ang problema kung alam niya na may alam na tayo sa ginagawa niya," utas ko.

Malungkot siyang ngumiti. "I understand you. You did the right thing. I was not thinking when I asked you to keep it from your dad. Hindi ako nakapag-isip ng maayos noon dahil sobrang nasaktan ako sa nalaman ko," aniya.

Tumango ako. "Ano pong napag-usapan niyo, mom?"

"He was asking for my forgiveness," umiiling siya habang sinasabi iyon. "I still can't tell if I could forgive him that easily." Tiningnan akong mabuti ni mommy. "Elaine, gusto kong malaman kung kilala mo ba ang babaeng kasama ng daddy mo?" tanong niya.

Nagusot ang noo ko. "No, mom," sagot ko. Ngayon lang namin pinag-usapan ang tungkol dito. Noong unang beses kasi ay hindi na kami nakapag-usap ng maayos dahil sa kakaiyak naming dalawa.

"I think I know her. May nabanggit ba siya sa'yong pangalan?" tanong ni mommy.

Mas lalo akong nagtaka. Kilala ito ni mommy? How?

"Wala po, mommy," usal ko.

Ngunit naalala ko kaninang may babanggitin sanang pangalan si dad ngunit pinatigil ko siya.

"Mom, kilala mo ba siya?" tanong ko.

Umiling si mommy. "I'm not sure. But I think that was your dad's college friend. She might be your dad's ex-girlfriend bago kami nagkakilala at bago ako nabuntis sa'yo," aniya.

Natutupo ko ang aking bibig. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito.

"You know, we were not ready when we had you, Elaine. Kaya naging mahirap ang buhay namin ng daddy mo. We got married with the help of my parents. Ang lolo at lola mo na namayapa na ang tumulong upang makasal kaming dalawa. Dahil nasa states ang mga magulang ko ay natulungan nila akong dalhin dito. Kaya nga mula noong bata ka ay dito na ako nagtrabaho. We need a job so we can feed you, anak," aniya.

Bumaba ang aking ulo. Hindi ako makatingin kay mommy.

"Bago ka ipanganak ay nagkikita pa rin ang daddy mo at ang dati niyang kasintahan. Even before we got married, they still see each other." Nanghina ang boses ni mommy. "Halos lumuhod na ako sa harap ng daddy mo para lang patigilin siya sa pakikipagkita sa babaeng iyon. It was when I almost had a miscarriage when he changed. Nang araw na iyon ay sinundan ko ang daddy mo sa madalas nilang tagpuan. Kamuntikan ka nang malaglag dahil sa sobrang stress at sakit na nararamdaman ko noon. Nakita niya ako at itinakbo sa ospital. That same day, nangako ang daddy mo na hihiwalayan na niya ang babae niya," pagkikwento niya.

Hindi ko maintindihan kung ano bang uunahin ko sa aking mga nararamdaman. Ang awa para kay mommy o ang galit ko kay daddy.

"I'm not telling this to you para mas magalit ka pa sa daddy mo. After I gave birth to you, I saw how he changed himself. Naramdaman ko ang lahat ng iyon, anak. I knew he loved me and he also loved you. Hanggang sa umalis ako patungong states."

Pinilit kong magsalita dahil may mga tanong ako. "Umulit ba siya, mom?"

Umiling si mommy. "I trusted your father, Elaine. Alam kong nasa iyo ang buo niyang atensyon noon dahil wala namang ibang tutulong sa kaniya na alagaan ka. He had some relatives to help him but they were too busy with their own family kaya sarili lang niya ang inasahan niya. At naniniwala ako nang sabihin niya sa akin kanina na ngayon na lang ulit sila nagkita noong babae niya."

Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kabiguan. Ang daming kailangang isakripisyo ni mommy para sa amin. Lumayo siya sa amin upang makapagtrabaho. At ibang klaseng tiwala at binigay niya kay daddy kahit na alam niyang niloko na siya nito noon.

"I won't ask you to forgive your father, Elaine. Dahil alam kong nasaktan ka rin sa ginawa niya. Kahit ako ay nahihirapan siyang patawarin. But I want you to still respect him because he's still your father."

"Pero hindi ko po kaya, mommy," sabi kong tumutulo ang mga luha.

"Napag-usapan na namin ang lahat, Elaine. Ayokong madadamay ka pa rito." May lungkot sa kaniyang tono.

Hindi ko maintindihan iyon. Ang sabi niya kanina ay hindi niya kayang patawarin si daddy. Ngunit bakit para bang ipinagtatanggol niya ito sa akin ngayon?

"I wasn't thinking right when I told you to come here and leave your dad. Ngayon, gusto kong malaman ang sarili mong desisyon. I know you're happy with your life in the Philippines. I know that you want to live there more than anywhere else. Kaya gusto kong malaman kung itutuloy mo pa ba ang pag-uwi rito sa akin," tanong niya.

Natigilan ako. Why is she asking this? Kung ganoon ay mananatili lang ako kay daddy? Ano bang pinag-usapan nilang dalawa? Bakit hindi pwedeng uuwi na lang kaming dalawa kay mommy? Why is she asking me what I want?

Wala akong masagot. Tila mas gusto ko ang dating ugali ni mommy na sarili lang niyang desisyon ang kailangang masunod. Because right now, I don't know what to choose. I want to be near her. I want to show her that I'm still here and I love her so much. Ngunit ayoko rin namang iwan ang nabuo kong buhay dito sa Pilipinas.

"Mom, maghihiwalay ba kayo ni daddy?" nabasag ang boses ko.

Nagulat ang mukha ni mommy at paulit-ulit siyang umiling. "No, anak! Hindi kami maghihiwalay. We already talked about this."

"Bakit ako ang magdedesisyon? Hindi ba pwedeng uuwi na lang kaming dalawa riyan?"

Mahinahon pa rin si mommy. "Tama ang daddy mo, Elaine. May mga kailangan pa siyang asikasuhin sa negosyo niya. Hindi naman niya maaaring basta bastang iwan ang trabaho. Naitaguyod niya ng maayos ang negosyong pinangarap naming dalawa para sa'yo. Walang maiiwang ibang taong mag-aalaga riyan."

"May mga kamag-anak naman si daddy. They can learn how to manage the business. Kagaya ng ginagawa ni dad noon kapag nandiyan kami," pamimilit ko. "And how can we be so sure na hindi na makikipagkita si daddy sa babae niya habang nandito kami?"

"We already talked," ulit niya. "Anak, you have to trust your father. Alam kong nagsisisi siya," giit niya.

Ngumiwi ako sa galit. Hindi pa rin kami makakasigurado. Naguguluhan ako sa gustong mangyari ni mommy. Bakit kailangang nandito pa rin kami?

"I don't know, mom. Marami na akong mga iba't ibang naiisip na pwedeng mangyari kapag nanatili pa kami rito. Pinapili ko po si daddy pero hindi niya naman ako masagot. Kung hindi kayo maghihiwalay, ano naman po 'tong gusto niyong mangyari? Kapag nanatili ako rito ay isang buong taon na naman iyon, mommy. Dahil kailangan kong mag-aral habang nandito ako," utas ko sa mga maaaring mangyari. "Ibig sabihin ay nandito rin si daddy upang bantayan ako. Paano kung ituloy lang niya ang panloloko sa atin?"

Bumuntong hininga si mommy na tila sumusuko na. "That's why I want you to decide, anak. Ikaw ang makakasama ng daddy mo riyan. Ibibigay ko ang aking tiwala sa inyong dalawa."

"How can you still trust him, mom?" tanong ko.

May lungkot sa mga mata ni mommy. "Because I love your father so much, anak."

Natahimik lamang ako. Inisip ko ang naging sagot niya. Mahal na mahal niya si daddy kaya kayang kaya niya pa rin itong pagkatiwalaan kahit ilang beses na nitong winasak ang ibinigay na tiwala. Ganoon ba talaga iyon? I realize how much I love Conrad. Ganoon din ba ang gagawin ko kapag nasa sitwasyon ako ni mommy? Ipinilig ko ang aking ulo. Wala kami sa parehong sitwasyon ng aking ina. Conrad and I don't have any commitments. Kung makakahanap siya ng iba ay wala akong karapatang masaktan. Ngunit isipin pa lang iyon ay para na akong dinudurog. I don't understand.

"Time will come that you will understand me, anak," anang aking ina na para bang nabasa niya ang aking iniisip. "Right now, I just want you to decide if you still want to fly here or stay with your dad."

"I will stick to the original plan, mom. Uuwi ako riyan," pagbasag ko sa sinasabi niya.

Nanlalamig ako. Now, I have a choice. It's to leave or stay. Ngunit ngayon ay ang dapat at mas tama ang gagawin ko. Mas tamang umalis ako rito at kumbinsihin si daddy na umuwi na rin sa states. If I'm not here, I'm sure dad will decide to leave the country. Narinig ko siya kaninang magmakaawa kay mommy. He doesn't want me to leave him. Kung gusto niya akong manatili sa kaniya, ang tanging paraan lang ay kung sasama siya sa akin. That way, I can be sure that he will not cheat on my mother anymore.

Labag man sa kalooban ko ngunit isinekreto ko ang lahat ng ito kay Conrad. Kahit pa nagtatanong siya nang ikwento ko sa kaniya na nag-usap ulit kami ng aking ina ay nilagpasan ko ang bahaging nagdesisyon akong umalis kaysa manatili rito.

Yes, we love each other. Pero hindi pa iyon sapat upang ipagpalit ko ang kalagayan ng aking pamilya sa puntong ito. Ang hirap hirap mamili pero mas gusto kong piliin ang tama at nararapat. Sa kabila ng lahat, kahit na inamin na namin sa isa't isa ni Conrad ang aming mga nararamdaman ay batid ko pa ring mga bata pa kami at marami pang pagdadaanan sa buhay. Who knows, a day might come when we will see again. And then on that day, we would realized that we still love each other. Baka iyon at tamang panahon. Ngunit hindi ngayon.

Nang dumating ang araw ng Linggo ay sinimulan ko nang ihanda ang aking mga gamit. Hindi iyon isinantabi ni daddy. Kinakausap niya ako parati tungkol sa pag-alis ko. Inaalam kung sigurado na ba ako. Ngunit hindi niya ako pinilit na huwag nang umalis dito. Siguro ay nagkausap na sila ni mommy. He knows that this is my final decision and he can't do anything to change it.

Nang gabi nang araw na iyon ay tinawagan ko si Conrad. I heard him sigh first before he spoke.

"Hello," he greeted.

"Hi," sagot kong may kaunting ngiti sa labi. "Nag-eempake na ako," balita ko sa kaniya.

Narinig ko ulit ang paghugot niya ng hininga. "Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil binabalitaan mo ako ng mga nangyayari sa'yo o maiinis dahil sa binalita mo," aniya. Natawa siya sa sariling kumento.

"Hm, anong pinili mong maramdaman?" tanong ko. Iniwan ko ang mga titiklupin ko sanang damit. Isinandal ko ang ulo sa headboard ng kama at tumulala sa kisame. Iniisip kong nakapinta roon ang mukha ni Conrad.

"Mahal kita kaya mas pipiliin kong matuwa para sa'yo," paos niyang bulong.

Naghurumentado ang aking dibdib. Sa kabila ng lahat ay nagagawa ko pa ring matuwa sa mga simpleng pahayag ni Conrad.

"Bolero ka," wika ko.

Ngumisi siya. Pinikit ko ang aking mga mata at sinubukang isipin ang kaniyang mukha ngayon.

"Sigurado na ba na aalis ka," kalmado niyang tanong.

Bumagsak ang mga balikat ko. "Kailangan kong umalis, Conrad. Ito lang ang paraan para sumunod sa akin si daddy at para tumigil na siya sa ginagawa niya," utas ko.

Tumahimik siya saglit ngunit sumagot din. "Humingi na siya ng tawad sa inyo, 'di ba? Nangako siyang magbabago siya?"

Tumango ako na tila nakikita na iyon. "Mahirap maniwala lang sa mga sabi-sabi, Conrad. Kailangan gawin din niya. Kailangan naming makita na nagbago nga siya. Pero paano naman namin makikita iyon kung nandito siya at malayo kami sa kaniya?"

"Tiwala?" tanong niya.

Natigilan ako. Saglit akong nawalan ng mga salita. Iyon din ang sinabi ni mommy sa akin. Pero paano ko naman magpagkakatiwalaan ang taong sinaktan kami ng sobra. Paano ko pagkakatiwalaan si daddy matapos ng mga nalaman ko sa kwento ni mommy?

Umiling ako. "Mas maiging sumunod siya sa akin, Conrad. Mas maniniwala ako sa kaniya kung lahat kami ay naroon na," utas ko.

Hindi na nakipagtalo sa akin si Conrad. Iniba niya ang usapan. Ibinalita niyang sa unang pagkakataon sa buong buhay nila ni Celine ay maaari silang maging magkaklas. Senior high na kasi at dahil grade twelve ay posibleng magkaklase nga ang dalawa. Pareho ang track na pinili nila kaya hindi na raw siya nagtaka.

Nagtanong ako tungkol kay Celine. I was very guilty because I don't talk to her that much anymore.

"Ayun, baliw pa rin sa magpinsan," ani Conrad. "And guess what," hamon niya.

"Ano 'yon?"

"Posible ding kaklase ni Celine si Lorenzo at Vans," aniya.

"Talaga?" gulat kong tanong.

Nakakatuwa naman para kay Celine. Sa wakas ay makakasama na niya ang mga ito at hindi na niya kailangan titigan lang sa malayo.

"Hindi ko naman siya masisisi. Gwapo naman kasi talaga 'yong magpinsan na iyon," pilya kong sabi. Hihintay ko ang kaniyang reaksyon.

Nagwagi ako nang marinig ko ang galit niyang ungol. "Mas gwapo kaysa sa akin?" tanong niya.

"Alam mo na dapat ang sagot diyan, Conrad." Puno nang kalokohan kong sagot.

"Of course! Alam kong ang kaguwapuhan ko ang isa sa mga nagustuhan mo sa akin," sakay niya sa aking biro.

Tinawanan ko lamang iyon. "Can you please tell Celine that I miss her so much?" pagbabago ko sa usapan. "Pakisabing tatawag ako sa kaniya kapag nagkaroon na ako ng oras," sabi ko.

It was not the best excuse but that's all I can think of. Ang sabi ko kasi ay abala ako sa mga pag-aasikaso sa pag-alis ko.

Narinig ko ang paggalaw ni Conrad. "I know my sister, Elaine. Alam kong naiintindihan ka niya. Kahit hindi mo sabihin sa kaniya, nararamdaman nun na may problema kaya ka hindi tumatawag," aniya.

Ngumuso ako. "Should I tell her? Conrad, kailangan kong ipaalam sa kaniya na hindi naman bakasyon ang sadya ko sa states. I will leave the Philippines to live in L.A.," sabi ko. "Pero ayoko ring masaktan siya..."

Narinig ko siyang tumikhim. "Parang ang unfair naman yata. Ayaw mong masaktan si Celine kaya sinekreto mo pero sa akin sinabi mo? Hirap na hirap ako rito oh..." hayag niya. I can sense a little humor behind his words but I know that he's just faking it.

"I'm sorry," bulalas ko.

"Hey, I don't want you to be sorry just because you were honest to me. I was very happy when you told me the truth about yourself. Ang sinasabi ko lang, sana alam din ito ni Celine."

"Pero ayokong magbago ang tingin niya sa akin. Siya ang pinakamatalik kong kaibigan, Conrad. Kapag sinabi ko sa kaniya na lahat ng kwento ko sa inyo ay kasinungalingan lang, baka magtampo o magalit siya sa akin. Ayokong umalis nang galit siya."

Mabagal ang paghinga ni Conrad. Naririnig ko iyon mula sa aking cellphone. Siguro ay nag-iisip siya.

"It's still your decision, Elaine. Wala akong sasabihin sa kapatid ko kung iyon ang gusto mo. I will keep my mouth shut," mapaglaro niyang sabi.

Napangiti ulit ako. Lubos ang ligaya ko sa suportang binibigay sa akin ni Conrad. Sana ay hanggang sa huli ay ganito kaming dalawa. 

Continue Reading

You'll Also Like

20.5K 445 54
Description: [Saudade] How I long wanted to be yours and for you to be mine. How I long wanted for the time to pass by so we don't have to wait. How...
21.3K 1.3K 62
La Felicidad Series #1 (Completed) Talia Amanda Flores isn't fond of the attention that her family gets. As the daughter of the mayor of La Felicida...
453K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
4.3K 159 52
There was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that h...