You're Still The One (A SharD...

By imnotkorina

245K 7.1K 1K

"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time." More

YOU'RE STILL THE ONE (A SHARDON FANFICTION)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER: She's The One

CHAPTER 38

3.2K 102 8
By imnotkorina

Iniwanan niya ang tiya at si Donny sa kusina upang maligo at makapagpalit ng damit. Paakyat na siya ng silid nang marinig ang pagdating ni Mae.

Padabog ang pagbukas niya ng pintuan ng banyo at pagpihit sa gripo ng shower. Hindi niya sigurado kung para sa alin ang kanyang inis. Kay Donny ba na pumayag pa sa paanyaya ng tiya niyang dito na mag-agahan o sa sarili dahil sa kahibangan niya kanina.

She let Donny kiss her again for goodness' sake! Oh, she should change that. She kissed Donny! Pilit ang kumbinsi niya sa sariling galit siya rito ngunit iba naman sa sinasabi ang kanyang ikinikilos! When will she stop embarrassing herself in front of him? Kaya siguro kahit ano'ng taboy niya kay Donny ay hindi ito naniniwala!

Bakit naman ito maniniwala sa pananaboy niya? Kung sa bawat haplos nito ay hindi niya mapigilan ang malusaw at manghina. Kung tuwing hahalikan siya nito ay hindi niya maiwasang hindi tumugon.

Patuloy siya sa pagngiwi at pang-aaway sa sarili habang namimili ng damit na isusuot. Dahil hindi niya inaasahang magtutungo sa hacienda, ang mga damit na na-empake niya ay pawang pormal at pang-opisina. None of those are appropriate for the hot and humid weather in the province.

Sa pagkalkal niya sa cabinet ay nakita niya ang isang peach cotton dress. Dala niya ang damit na ito noong magtungo rito sampung taon na ang nakakaraan at maaring naiwanan niya nang mag-alsa balutan. Kinuha niya ang damit at sinuot iyon. Namangha nang magkasya pa rin iyon sa kanya bagaman umigsi ng kaunti ang laylayan ng palda.

Dinampot niya ang hairbrush at ang pagsusuklay naman ng buhok ang pinagkaabalahan niyang gawin. Habang ginagawa iyon ay patuloy ang panenermon niya sa sarili sa kanyang isip.

Hindi na niya talaga mapapatawad pa ang sarili oras na hayaan na naman niyang malusaw sa mga halik ni Donny! But to be fair, who would say no to his kisses? Who wouldn't be attracted to Donny? Matangkad, moreno, may magandang pangangatawan, tsokolateng mga mata na nakakapanlambot kung tumingin, buo at mamula-mulang labi na masarap humalik, malalim at buong boses na animo'y palaging nang-aakit...

She's just a woman who knows how to appreciate. Nga lang ay maling lalaki ito'ng kanyang kinahihibangan. Donny, of all people! Oras na matuklasan ng kanyang mommy na nagpapakahibang siyang muli sa panganay na anak ng babaeng kinamumuhian nito ay ay nasisiguro niyang itatakwil na siya nito. She'll hurt her mother too, bagay na ayaw na niyang mangyari.

Pero ano ba'ng dapat niyang gawin? She's strong when Donny's not around but when he is...wala siyang magawa kung hindi ang paulit-ulit na magpatihulog sa bangin ng pagkahibang niya rito. Why do we always want something that is forbidden?

Ang katok sa pintuan ng kanyang silid ang nagpahinto sa linya ng kanyang iniisip. Ibinaba niya ang brush at pinagmasdan ang sarili sa salamin. She didn't put any cosmetics on her face but her cheeks were naturally rosy and her lips in a light pink shade.

Narinig niyang muli ang katok. Nasisiguro niyang ang tiya niya ito na tinatawag na siya sa hapag.

"Coming!" Umalis na siya sa harap ng salamin para lumabas ng kuwarto. Ngunit hindi niya naitago ang pagkabigla nang sa halip na ang tiya Helga ang maabutan sa labas, si Donny ang bumungad sa kanya.

"Ipinapatawag ka na ng daddy mo sa baba," he said in his rich and manly voice.

Tumikhim siya at naramdaman ang paggapang ng init patungo sa kanyang mga pisngi. "P-Pababa na rin ako."

Bago pa man ito makapag-salita, nagpatiuna na siya sa paglalakad. Naririnig niya ang mga yabag nitong nakasunod sa likuran niya. Nararamdaman niya rin ang mga mata nitong mataman ang ginagawang pagtitig sa kanya.

Puno na ng pagkain ang mesa nang makababa siya. Hinalikan niya ang kanyang ama sa pisngi upang batiin ito bago naupo sa silyang kasunod ng kanyang tiya. Pinunan naman ni Donny ang silyang nasa kanan ng kabisera. Kaharap nito ang tiya niya but his intense brown eyes were fixed on her.

Hindi niya ito tinignan sa buong durasyon ng pagkain. Ngunit attentive siya sa pakikinig sa usapan nito at ng kanyang daddy tungkol sa hacienda. Ang tungkol pala sa magiging plano at disenyo ng bagong plantang itatayo ang sadya nito kaya nagpunta rito. Sinikil niya ang dismayang naramdaman niya dahil doon.

Nang matapos silang kumain, nagpahatid ang kanyang daddy sa kanyang tita Helga patungo sa garden upang pag-aralan ang mga kopya ng designs at blueprint na dinala ni Donny dito. Natutuwa siyang makita ang daddy niya na may pinagkaka-abalahan. Kita rin niya ang ligaya rito na kahit sa ganoong paraan ay may nagagawa ito'ng muli para sa hacienda.

Tinutulungan niya si Mae sa pagliligpit ng mga pinagkainan nang bumalik si Donny sa komedor. Napaigtad siya kasabay ng pagtalon din ng puso niya. Sinubukan niya muling ituon ang atensiyon sa ginagawa ngunit parang mas naging aware pa siya sa presensiya ni Donny habang naglalakad palapit sa kanya.

"I'll go now. Can you walk me to my car, princess?" malambing nitong pakiusap.

She wanted to say no just for the sake of it. Pupuwede rin siyang mag-walk out na lang basta gaya ng ginawa niya rito kahapon. But instead, she nodded obediently. Ano naman kung ihatid niya ito sa sasakyan nito kumpara sa mga nagawa nito para sa daddy at sa hacienda nila hindi ba?

Awkward silence filled the air between them as they walked side by side. Ang mga kamay nila ay aksidenteng bumabangga sa isa't-isa. Balak niya sanang ipag-krus ang mga braso kung hindi lang mabilis na hinagilap ni Donny ang palad niya.

"Donny—" she warned while trying to free her hand from his grip.

"I remember that dress, Liberty," he said without letting go of her hand. Hindi na rin niya pinilit kumawala. She's being weak again. "Seeing it on you now...makes me miss you more."

Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "M-Miss me? I'm here..." mahina niyang sabi sa huli.

"The old you, I mean. The one who, by some miracle, adores and loves me so much."

Narating na nila ang lugar kung saan nito ipinarada ang sasakyan ngunit nananatili pa ring lutang ang kanyang pakiramdam dahil sa sinabi nito. Binitiwan ni Donny ang kanyang kamay upang patayin ang alarm ng sasakyan at i-unlock ito.

Nilingon siya ni Donny nang nasa tabi na ito ng sasakyan. He put one hand inside his pocket as he gave her a longing stare. "Call me if there's any problem here."

"I...I don't know your number," she said shyly.

"Then I'll text you so you could save it. I have your number."

Umawang ang kanyang bibig sa pagkabigla ngunit wala nang idinugtong pa roon. Hindi na rin niya itinanong kung kanino at kailan nito nakuha ang kanyang numero. She just nodded at him.

"Aalis na ako..." paalam nito. "Babalik ako bukas."

Tumango lamang siya muli. Ngunit hindi umaalis si Donny sa puwesto nito. Ni hindi ito gumagalaw upang pagbuksan ang sarili ng pinto papasok sa sasakyan.

"B-Bye," aniya para maalala nitong kailangan na nitong umalis.

Donny gently nodded his head while licking his lower lip slowly. Pumihit na ito at akmang bubuksan ang pinto nang marinig niya ito'ng marahas na nagmura bago inilang hakbang ang palapit sa kanya.

Ikinulong nito sa dalawang malaking palad ang kanyang mukha saka siya siniil ng malalim na halik bago pa man siya makabawi sa pagkagulat. And despite all her efforts to stop herself from giving in to him again, tinugunan niyang muli ang halik na iginawad ni Donny sa kanya.

She willingly opened her mouth without him asking. His tongue immediately slid inside to taste her. Gumapang ang kanyang mga palad sa malapad at matigas na dibdib ni Donny upang damhin ang marahas na tibok ng puso nito. Nanlalambot ang kanyang mga tuhod at siguro kung hindi lang dahil sa suporta ng katawan nito ay napaupo na siya sa matigas na lupa.

Liberty was breathless when their lips parted. Nilubog niya ang mukha sa dibdib ni Donny upang langhapin ang natural nitong amoy. She reveled on the feeling of his strong and solid body against her. Kahit gaano niya ito itaboy, hindi maikakailang isa si Donny sa pinagkukunan niya ngayon ng lakas. Without the comfort and strength that his presence gives, hindi niya alam kung ano'ng gagawin.

"If only I can bring you with me now," he chuckled before kissing her ear.

Lalo niyang diniin ang sarili rito. Hindi na niya alam kung tama o mali pa ba ito. Ang tanging naiisip niya ay ang ginhawang hatid ni Donny sa kanya.

"But I guess I have to endure. For now..." he buried his face on her neck and inhaled her scent. "Liberty..." anitong tila ninanamnam ng husto ang kanyang pangalan.

"Y-You need to go now," she said. Hindi malaman kung paano niya nagawang sabihin iyon kahit taliwas naman sa talagang gusto.

He needs to go. So she could still save what was left of her logic and sanity. Mahirap kapag ang puso at buong katawan mo na mismo ang kalaban mo. Mahirap piliting ayawan ang bagay...o taong...matagal mong ginusto.

Tumango ito bago marahang inilayo ang mukha sa kanyang leeg. Binigyan siya nito ng masuyong halik sa pisngi bago ang katawan naman ang inilayo sa kanya. Bigla ay parang naging malamig ang paligid nang mawala siya sa mga bisig ni Donny.

"Go inside first, princess. Hindi ako makaka-alis kung papanoorin mo ako rito," he said smiling but his tone has no humor in it. Kita niya ang matinding pangangailangan sa mga mata nito at alam niyang sinasalamin lamang niyon ang nararamdaman niya.

Tumalikod siya at naglakad pabalik sa loob ng villa ng walang sinasabi. Because God only knows how much she doesn't want to let him go too.

Being true to his promise, Donny texted her that day. She saved his number, for emergency purposes, but didn't try to text him back. Kinabukasan ay bumalik din ito sa hacienda at katulad kahapon ay sumabay ito sa pagkain bago umalis.

Ganoon ang palaging eksena sa agahan sa mga sumunod na araw. Karaniwan na ang presensiya ni Donny doon tuwing umaga. It was so hard on her part to resist her strong feelings for him especially now that he's all over the place.

Kaya naman nagkukusa na siyang umiwas upang kahit paano'y mapanatili ang kanyang tino. Hindi na niya ito hinahatid sa sasakyan nito kapag magpapaalam na. Hindi na rin niya hinahayaan ang sariling mapag-isa kasama ito dahil nasisiguro na niya ang mangyayari.

Kailangan niyang gawin ito or else malaking gulo na naman ang mangyayari. And that's the last thing that her father needs right now.

Maingat niyang tinulungan ang ama na humiga sa kama nito. They spent the whole afternoon talking in the garden ngunit pagod na ito at nagsabing gustong umidlip kaya hinatid na niya ito kaagad sa silid.

"Do you need anything, dad?" she asked while brushing some strands of hair away from his forehead.

"Wala na, hija. Thank you," her father smiled weakly.

Tumango siya at inayos ang ilang gamit na nasa bedside table. Nakapikit na ang ama kaya ang buong akala niya ay nakatulog na ito ngunit nagkakamali siya.

"Sinabi ng tita mo sa akin na naghahanap ka ng private nurse, Lily?" tanong nito.

"Yes, dad."

Nakapag-schedule na siya ng interview sa mga interesadong aplikante noong nakaraan ngunit dalawa lamang ang nakapunta. Sa dalawang iyon ay wala pa siyang mapagpilian hanggang ngayon. Ang isa kasi'y masyado pang bata at nakukulangan siya sa experience habang ang isa naman ay hindi payag na mag-stay in dahil pamilyado.

"Nagiging abala na ba ako sa'yo, princess?" anang kanyang ama sa pabirong tono.

"What, dad? Of course, not!" giit niya bago naupo sa gilid ng kama. "Dad, don't think of it that way. Iniisip ko lang na mabuti kung may private nurse ka na mas alam ang mga gagawin kung sakali mang magkaroon problema at wala dito si Tita Helga. And someone who will look after you during the night when tita and I were both asleep."

"I don't need a private nurse, hija. You and your tita are already enough. Isa pa, marami namang tauhan dito sa hacienda na mahihingan ng tulong kung sakaling may problema," anito.

She sighed, "Dad..."

Hinawakan ng daddy niya ang kanyang kamay. She smiled and covered their clasped hands using her free hand. "Pero...hindi nga ba nakakaabala sa'yo ang pananatili mo rito, hija? Hindi ba ay may negosyo ka sa Paris. Sino ang namamahala doon ngayon?"

"My business partner who happens to be my close friend too, dad. Sam is a very reliable person. She takes care of the business really well so there's nothing for you to be worried about," she assured her father.

"I just don't want to cause any more trouble for you—"

"You're not causing me any trouble, dad. Believe me! I enjoy my stay here. I enjoy every moment I get to spend with you. I wouldn't trade this for anything else," she smiled even though tears started to form in the corners of her eyes.

"Lily," her father said sweetly. "Masaya rin ako'ng makasama ka ulit, anak."

She lay down in her father's arm until he fell asleep before going out his room. Tatawagin sana ang kanyang tiya upang magpaalam dahil plano niyang mangabayo muli ngayong hapon habang hinihintay ang oras ng paggising ng kanyang daddy.

Naabutan niya si Aling Mirasol na patungo sa silid ng kanyang daddy dahilan upang matigilan ito. Hindi na siya nagulat pang makita ito roon dahil iyon ang karaniwang oras ng pagbisita nito. That's also the reason why she usually goes out at this hour of the day. Hindi naman ito lumalagpas ng isang oras sa pagbisita.

"Dad's asleep," she informed her. Hindi niya isinara ang pinto upang sabihin na maaari pa rin ito'ng pumasok.

Tumango si Aling Mirasol at ngumiti sa kanya. She couldn't return her smile so she just nodded. Nilagpasan niya na ito at nagtungo sa kanyang silid upang magpalit ng damit. Ngayong naroon na ito ay hindi na niya kailangan pang tawagin ang tiya niya upang pumalit sa pagbabantay sa kanyang daddy.

She could be civil with Aling Mirasol ngunit alam niya sa sariling hindi maaaring lumapit ang loob niya rito. It means betrayal for her mother. Nagi-guilty na nga siya sa patung-patong niyang atraso sa kanyang ina. Una ay iyong kay Donny...pangalawa ay ang pagpayag niyang pumaroo't parito si Aling Mirasol. Isipin pa lang niya ang maaaring gawin ng kanyang mommy oras na malaman ang lahat ng ito, nangangamba na siya.

Suot ang putting tank top na pinatungan niya ng long sleeves checkered polo, ripped jeans at boots, she went to the stables. She's really glad that she didn't gain weight for the past years or else her old clothes wouldn't fit her.

Naihanda na ni Ulyses ang kabayong si Venus nang makarating siya sa kuwadra. Venus is a beautiful mare with chestnut brown coat. Ito ang pinaka-mabait sa lahat ng kabayong natitirang pagmamay-ari ng kanyang daddy at hindi siya nahirapang sakyan ito.

"Hello, Venus," hinaplos niya ang buhok ng kabayo. The horse cheerfully neighed. As usual, Venus enjoys the company of others. "But I would like to ride Batik for today Ulyses. Please, saddle him."

"M-Ma'am?" anang tauhan sa kuwadra. Halatang nag-aalangan ito sa utos niya. "Pero Ma'am Lily hindi po madaling makasundo si Batik at baka ihulog lang kayo."

She smirked. He's really like his father. Naaalala niya kung gaano din mapili si Bangis sa sasakay dito noon. Naihulog nga nito si Turs nang magpumilit ito. He only allows Donny to ride him. At dahil kasama niya si Donny, pinapayagan din siya ni Bangis na sumakay dito.

"Don't worry, Ulyses. I can handle him. I trained with the best horse trainer in Europe so there will be no problem."

Nagdadalawang-isip man ay sinunod na rin naman siya ni Ulyses. Inilabas nito si Batik upang lagyan ng saddle ang likuran nito matapos ibalik si Venus. Doon pa lang ay halata na ang pag-ayaw ng kabayo.

Marahan siyang naglakad patungo kay Batik. Tinatantiya ito bago hinawakan at marahang hinaplos ang ulo nito. "Easy, buddy. Easy..."

Her voice was soothing as she talked to the wild horse. Ang pag-alumpihit nito'y unti-unting nabawasan hanggang sa matapos ni Ulyses ang paglalagay ng renda at saddle kay Batik.

She continued whispering to him as she mounted the horse. Kumilos si Batik at nagpaikot-ikot. Hinaplos niya ang ulo nito upang kalmahin habang patuloy sa pakikipag-usap. Mayamaya ay unti-unti na ito'ng naging kalmado.

"Ang galing mo, Ma'am!" namamanghang sinabi ni Ulyses sa kanya.

Nginitian niya ito. "Mauuna na ako, Ulyses. Ikaw na ang bahala kay Tita kung sakaling maghanap sa'kin."

"Sige, Ma'am. Mag-iingat po kayo!"

Pinihit niya ang renda ni Batik patungo sa malawak na lupain at hinayaan ito'ng tumakbo ng matulin. He's really fast. Even faster than Venus on her full speed. Halos sumigaw siya sa tuwa habang sinasalubong ng hangin ang kanyang mukha. Hindi niya alam kung paanong minsan siyang natakot na sumakay mag-isa sa kabayo. Kung siguro'y mas pinairal niya ang takot na iyon at hindi nagsumikap matutong sumakay, matindi siguro ang pagsisisi niya ngayon.

Hindi lamang siya ang nage-enjoy. Halata sa ingay na nililikha ni Batik ang saya nitong sa wakas ay muling makatakbo ng malaya. Ni hindi niya kailangang manduhan ang kabayo dahil alam nito kung saan pupunta.

Hinila niya ang renda ni Batik upang pahintuin nang marating nila ang ituktok ng burol. Itinabi niya ang ilang hibla ng buhok na kumawala mula sa ponytail. Hinayaan niya ang hanging tuyuin ang pawis na nagbutil sa kanyang noo. It really feels so good to ride.

Hinaplos niya ang ulo ni Batik. Nagpakawala ito ng masayang halinghing, "You're such a fast runner, Batik. Just like your father. For sure you're already thirsty."

Natatandaan niya ang ilog na malapit kaya nag-desisyon siyang dalhin muna roon si Batik bago sila umuwi. Ngunit bago sila umalis ay nahagip ng kanyang mga mata ang malaking bahay mula sa malayo at malalawak na kural kung saan ang mga kabayo't mga baka.

Muntik na niyang makalimutan na halos magkatabi lang ang lupain nila at ng mga Pangilinan. Sa halos dalawang linggo niya na rito sa hacienda, hindi pa niya nakikita ang rancho ni Donny. Niyaya siya nitong bumisita ngunit hindi niya maatim na pumayag nang dahil lang sa pride. But now she can't help but be curious. She wanted to see the fruit of his hard work for the past ten years.

Bago ituloy ang pina-plano ay pinagpahinga niya na muna si Batik at hinayaang uminom sa ilog. Sumampa siya sa likod nito nang maligalig hudyat na gusto na nitong umalis doon. Instead of heading back to the villa, iginiya niya ang kabayo patungo sa direksiyon ng rancho ni Donny.

Nandoon kaya si Donny? Ano'ng sasabihin niya kung makita siya nito?

Ah, pupuwede niyang idahilan ang tungkol sa hinihingi niyang summary ng lahat ng ginastos nito para sa hacienda! Nangako ito'ng ibibigay iyon sa kanya kaagad ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin. Right! Ngayong may dahilan na siya ay mas naging determinado siyang tuntunin ang rancho nito.

Hindi niya inaasahan ang mahirap na trail sa gubat. Madilim dahil sa makakapal na dahon ng mga puno. Ang ilan din sa mga ito ay mababa ang sanga kaya hindi niya mapatakbo si Batik ng mabilis. Ang dami rin niyang naririnig na kaluskos at ingay ng mga ligaw na hayop. Hindi niya maiwasang maisip na baka may baboy ramo o kaya malaking sawa ang bigla na lamang bumulaga sa kanya!

Pinilig niya ang kanyang ulo para hindi na ma-praning pa. She just focused her attention on finding the right way to Donny's ranch. Nang ilang minuto pa'y puro puno pa rin ang bumubungad sa kanya, nais na niyang mag-desisyon na bumalik sa pinanggalingan bago pa man tuluyang mawala. Natigilan lamang siya nang ilang taong lulan ng kabayo ang lumitaw mula sa kung saan.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Miss?"

"Nawawala ka ba? Pribadong lupain na ng mga Pangilinan ang bahaging ito."

She's about to apologize when she heard a familiar voice.

"Señorita Lily?"

Nagtaas siya ng tingin sa pinaka-matandang lalaki sa grupo. But despite the graying color of his hair and the wrinkles on his skin, napanatili ni Hugo ang maganda nitong pangangatawan.

Hindi mapakali si Batik nang igiya ni Hugo ang mas malaki nitong kabayo upang mapalapit sa kanila. Hinawakan niya ang ulo ni Batik upang makalma kahit na siya'y hindi maipaliwanag ang nararamdamang takot.

Donny's uncle has always been like this, though. His dark eyes stares with intensity and his face...almost menace. Hindi nga niya maipagtulad si Aling Mirasol dito kahit magkapatid ang dalawa dahil maamo ang features ng mukha ng nanay ni Donny. But, no, it wasn't just about Hugo's features. He simply radiates danger. Kahit wala naman siyang natatandaang ginawa nito noon para masindak siya ng ganito.

"Hindi kita kaagad nakilala," malumanay siyang sinuyod ng tingin nito at halos makaramdam siya ng kilabot. "Para ko lang kaharap si Soledad ngayon. Hindi ako nagkamaling magiging kasingganda mo ang mommy mo balang-araw. Though, you have always been beautiful, hija."

Her uneasiness now matches Batik's. Iba ang tono ng pakikipag-usap ni Hugo sa kanya ngayon kaysa noong huling beses siyang umapak sa hacienda. Napansin niya ang mahabang baril sa isa nitong kamay. Her instinct is now screaming for her to escape.

Nang napansin marahil ang nangangamba niyang tingin sa hawak nitong baril ay mabilis nitong itinabi iyon. "Oh, I'm sorry about this. Ang akala kasi namin ay may nangahas na mag-trespass. Pero hindi ka naman ibang tao, Lily. Sana lang ay hindi ka rito dumaan dahil masyadong mapanganib para sa'yo."

"I-I apologize for entering your land without permission. Aalis na po ako—"

"Ano'ng kailangan mo, hija? Sa rancho ba ang tungo mo?" tanong nito.

Hindi siya kaagad nakasagot. Pairs of curious and amused eyes were staring boldly at her. Gusto na niyang umalis ngunit hindi niya magawang igalaw ang katawan. Para siyang tupang nasikil ng mababangis na lobo sa gubat.

"Hinahanap mo ba ang pamangkin ko?" dagdag muli ni Hugo.

Nasisiguro niyang ilang segundo na lang ay hihimatayin na siya roon sa takot. Nakarinig pa siya ng panibagong yabag ng mga kabayo kaya mas lalo lang kumalabog ng husto ang kanyang dibdib. But when the tall grasses revealed Donny in his dirty checkered shirt with long sleeves rolled up to his elbows, faded maong, boots and buri hat...hindi niya na maikaila pa ang ginhawang dumaloy sa sistema niya.

"Liberty..." kunot ang noo nito. Bakas sa mga mata ang pinagsama-samang gulat, galit at pag-aalala.

"Miss Lily!" malapad ang ngiti ni Caloy nang batiin siya. Hindi niya napansing kasama pala ito ni Donny.

"Nakita namin siya rito sa gubat, Donato. Naligaw yata sa pamamasyal si Lily," naka-ngiting sinabi ni Hugo.

Mabilis na bumaba si Donny sa kabayo nito upang lumapit sa kanya. Hinaplos nito ang ulo ni Batik bago nilahad ang mga braso sa kanya. She didn't need to be told what to do. Bumaba siya mula sa likuran ni Batik at nagpakulong sa bisig ni Donny. She breathe in the smell of sun, soil, sweat and the natural male scent on his body and she felt safe instantly.

"Iwanan niyo na kami rito, Hugo. Caloy, balikan mo ang naiwang trabaho," mariing utos ni Donny taliwas sa banayad na haplos ng palad nito sa kanyang likod.

Sinilip niya ang pag-alis ng mga tauhan ni Donny. Ang tanging hindi umaalis sa puwesto nito ay si Hugo na madilim ang mga mata habang nakatingin sa pamangkin nitong yakap-yakap siya.

Pamilyar sa kanya ang ekspresyon nito. Ang galit sa mga mata nito.

Nang mamataan ni Hugo ang pagtingin niya rito ay mabilis na napalitan ang ekspresyon sa mga mata nito. He allowed a faint smile to touch his lips before maneuvering the horse away from them.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 32.2K 51
Hindi man natupad ni Aika ang buohin muli ang kanilang pamilya. Hindi naman siya nagsisi sa naging desisyon niya para sa mga ito, lalo't nakikita niy...
19.5K 146 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
434 62 13
[SHORT STORY] Ang bawat ritmo ng isang tugtugin ay kayang makapagbuklod at magbigay liwanag sa dalawang taong may magkaibang karanasan sa hamon ng b...
1.6M 35.3K 162
A story made for Jedean Gawong Fan❤🌈