Could Have Been Better (Crush...

By PollyNomial

16.5K 652 58

Elaine Joy Mendoza was from Los Angeles. Pero kahit ilang taon na mula nang tumira siya roon kasama ang pamil... More

Could Have Been Better
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Ending
Lost With A Shattered Heart

Chapter 15

217 7 0
By PollyNomial

CHAPTER 15 — Samahan


Si Conrad ang unang tumakbo patungo sa akin. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. I didn't think of the people around us. I didn't care if Celines saw us. Sinuklian ko ang yakap niya. Seeing him again was too much for me to take in. Dalawang linggo rin akong hindi nagpakita sa kaniya. Hindi ko siya kinausap kahit sa mga messages o sa mga tawag niya. I ignored him for the past two weeks and it's really selfish of me because I did that to him. Gayung siya ang kasama ko noong araw na gumuho ang mundo ko. At sa panahong iyon ay siya ang tumulong sa aking makatayo.

"Ano bang nangyari sa'yo?" aniya sa boses na punong puno ng pag-aalala.

Lumipad kay Celine ang aking mga mata. There was nothing but worry in her eyes. Nginitian ko siya at kahit sa tingin ko ay nagtataka siya ay ngumiti pa rin siya sa akin.

"I was sick," bulong ko kay Conrad. Ngunit alam kong hindi niya pinaniwalaan iyon.

Conrad let go of me. Pareho kaming pumasok sa kiosk. Pinaupo niya ako roon.

His expression was full of concern. Alam ni Conrad ang pinagdadaanan ko. I think he hasn't told it to Celine. Kung alam ni Celine ay hindi niya paniniwalaan ang mga dahilan ko noong hindi ako nagpapakita sa kanila.

Hilaw akong ngumiti. "Nasa bahay lang ako for the past weeks. Tinatamad akong lumabas dahil masama ang pakiramdam ko. You don't have to worry about me," sambit ko habang tinitingnan silang dalawa.

Celine nodded. "Akala namin kung napano ka na. Gusto ka naming puntahan sa bahay niyo pero sabi nitong si Conrad ay hayaan ka muna dahil baka nagpapagaling ka."

Nilingon ko si Conrad. Nagpasalamat ako sa kaniya sa pamamagitan ng aking tingin.

"Ang tagal mong dumating. Pero bago ka magkwento dahil ang tagal mong nawala, mag-enroll ka muna," ani Celine.

Tumayo siya at kinuha ang kamay ko. Conrad frowned when I didn't move. Si Celine naman ay hinihila pa rin ako.

"I'm not enrolling for this school year," mahinang sabi ko. Nabitawan ni Celine ang kamay ko.

Nag-iinit ang mga mata ko at maging ang aking dibdib ay parang pinapaso. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng sakit. Sunod sunod at ang hirap tanggapin. This was more painful than what I felt when I was bullied. Noon, kaya kong tiisin dahil alam kong walang katotohanan sa mga pang-aasar sa akin. Pero iba ngayon. Ako mismo ang nananakit sa aking mga kaibigan.

Parehong tumitig sa akin ang magkambal. Behind their eyes were disppointment, sadness and concern.

"Bakit?" hindi makapaniwalang utas ni Celine.

Malungkot akong umiling. I was controlling my tears. Pero sa puntong ito ay alam kong tutulo na sila.

"May problema ka ba, Elaine?" tanong ni Celine. "Magsabi ka sa amin. Tutulungan ka namin," aniya.

Tahimik lamang si Conrad. Nanginig ang bibig ko. "Wala." Pagkasabi niyon ay tuloy tuloy na nagbagsakan ang aking mga luha.

Umiyak na rin si Celine. Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako. "We are here for you, Elaine. Kung may problema ka, pwede kang magsabi sa amin. We may not be able to help you, pero at least mababawasan ang nararamdaman mo," umalon na rin ang pagsasalita ni Celine. "But if you're not yet ready to tell it to us, it's okay. Hindi ka namin pipilitin," aniya.

Natuwa ako sa narinig mula sa kaniya. She was also crying. Ngayon ko lang naktiang umiyak si Celine. Ngayon lang din ako umiyak sa harap nila nang ganito. I can't believe that I'd found a friend like Celine. A friend who'll join me with everything. Masaya kapag masaya ako, malungkot kapag malungkot ako.

The moment I stepped foot in this country, I only hoped for people to accept me. I wanted to meet people who will not judge me for what I am. Hindi ko naman hiniling ang magkaroon ng kaibigang maaari kong makasama sa hirap at ginhawa. But I got more than what I hoped for. Dahil nandito ang dalawang pinakamalapit kong kaibigan. Mahal na mahal ko sila at mahal din nila ako. Leaving them was very painful. Ngunit wala akong magagawa. Kailangan kong mamili.

I should do what's best for everyone.

"Magbabakasyon ako sa states," bulong ko.

Nagbago ang ekspresyon ni Conrad. He was quiet but I saw how he wanted to interrupt us. Ang mga mata niya ay nanghihingi ng paliwanag.

"Kasama ko si mommy."

"Doon ka na mag-aaral?" tanong ni Celine.

Niyuko ko ang aking ulo. Another set of lie will come out of my mouth. "Hindi. Babalik ako rito pero sa probinsya na ako mag-aaral," utas ko.

I want them to be with me when I leave. Kaya naman sinabi kong magbabakasyon kami sa ibang bansa. I want them to take me to the airport. Ngunit hindi ko kayang sabihin sa kanila na hindi ko alam kung makakabalik pa ako. Kaya naman naisip ko ito.

"Babalik ka na sa probinsya ninyo? Sinong maiiwan dito? Is your dad coming—"

Hindi natapos ni Celine ang sasabihin niya dahil sa malakas na tikhim ni Conrad.

"When are you coming back from the states?" tanong niya.

Hindi ko matingnan ang mga mata ni Conrad. Mas matinding sakit ang mararamdaman ko kung siya ang magtatanong sa akin.

"Before school starts," I whispered.

Hindi niya iyon pinaniwalaan. I knew him. He also knew me. Alam niya kung kailan ako nagsasabi ng totoo. I wonder if he believed the lies I've said before. Kung talagang kilala ako ni Conrad, marahil alam na niyang lahat ng nalalaman nila tungkol sa akin ay puros kasinungalingan.

Kahit na sobrang naninikip na ang aking dibdib ay mariin ko pa ring tinitigan si Conrad.

"Gusto kong sumama kayo sa paghatid sa akin sa airport. Magkikita kami roon ni mom. Hindi namin kasama..." kinagat ko ang aking labi bago itinuloy ang sasabihin. "Si daddy."

"How about your lola? Hindi ba ay may sakit siya?" Si Conrad ang nagtanong niyon.

Nahigit ko ang aking hininga. Matalino si Conrad. Kung alam niyang nagsisinungaling ako, hahanap siya ng butas upang pasukin ang katotohanan sa mga sinasabi ko.

"Why do you need to go?"

Tiningnan ko siya nang mataman sa mga mata. I'm sorry, Conrad. But this is the only thing that I could give for now.

"Conrad, tigilan mo muna ang mga tanong mo," wika ni Celine. Tila naintindihan niya ang hirap ko.

I want to talk to her. I want to tell her everything. Pero ayokong umalis dito na ang tingin nila sa akin ay isang taong napakasinungaling. For the past days I thought that I might be the same as my dad. I betrayed my friends. At hanggang ngayon ay wala akong balak na magpakatotoo sa kanila.

Kung aamin ako ay magbabago ang tingin nila sa akin. Maaaring magalit sila. Hindi ko yata kakayanin kung iiwan ko silang galit sa akin. It would be better to leave good and happy memories. Ngayon pa't hindi ako sigurado kung makikita ko pa sila. I also want to bring those memories with me. Kahit pa karamihan doon ay kasinungalingan lamang.

Umalis kami sa kiosk. Hindi na nanghingi pa ng paliwanag si Celine. Conrad, on the other hand, made me feel that he's not satisfied with my answers. Pero nanahimik lang din siya. Ang akala ko pa ay galit o nagtatampo siya ngunit nang sulyapan niya ako at nginitian habang palabas kami sa school ay nawala ang pag-aalala ko.

Sumama ako sa kanilang bahay. Mami-miss ko rin ang mga panahon na narito ako. Napakasaya rito dahil mababait silang lahat sa akin. I treated them as my second family and the treated me as their own.

I will miss Lola Encar. Lahat ng pag-aasikaso niya sa akin ay hindi ko malilimutan. Celine and Conrad's mother was already gone and Lola Encar was the one who took care of them while they were growing up. Kaya parang ina na rin ang turing nila rito. It was the same for me. Ituturing ko si Lola Encar bilang pangalawa kong magulang.

I will everything in this family, in their home. I will miss their living room where we usually watched movies before. I will miss Celine's room. The times when we were there reviewing for our exams that would only end up with us chatting about her crushes. I will miss Conrad's room. The first time I came in there was when he got sick. I think it was the time when I had felt a connection with him. Nang araw na iyon ay may napagtanto ako sa pagbabago sa aking sarili nang dahil sa kaniya.

I will miss everything that is here in the Philippines. Ngayong iiwan ko na sila ay babaunin ko ang lahat ng alaalang nabuo ko kasama sila.

Nanatili lamang kami sa garden nila Celine. Lola Encar prepared mirienda for us. Nagkwentuhan lamang kami nila Celine. Sa tuwing dadako tungkol sa akin ang paksa ay sasaluhin iyon ni Conrad. He'll tell us weird stories. Paminsan ay napupunta sa basketball ang usapan dahil nagtatanong si Celine tungkol sa mga hinahangaan niyang kaibigan ni Conrad.

When Celine left to go to the bathroom, I already anticipated what will happen next. Nagkatinginan kami ni Conrad. He was staring at me like it was the first time he had done it for so long. Malungkot ang ngiti ko sa kaniya.

"How are you?" tanong niya.

Ilang beses na itong natanong sa akin ni Celine at maging ang lola nila. Ngunit iba ang gustong makuhang sagot ni Conrad kaya nagtanong ulit siya.

Nagkibit ako ng balikat. "Hindi pa alam ni dad." Simple lang ang sagot ko.

Tumikhim si Conrad. Nasa harap ko siya. May maliit at bilog na mesa sa gitna naming dalawa. My hands were on the table. Inangat niya ang sariling mga kamay at niyakap ng mga ito ang akin.

"Is that why you and your mom are leaving?" tila napakahirap bigkasin iyon para kay Conrad.

Tumango ako.

"Kailangan ba talagang umalis kayo?" tanong niya. "Why go to the states? Pwede namang umuwi ka na lang sa probinsya kasama ang mommy mo," aniya.

Mariin ang pagkakakagat ko sa aking labi na anomang oras ay magdurugo ito. Iniwasan ko ang mga tingin kay Conrad. I don't want to lie anymore. I won't lie to him. Pero wala rin akong sasabihin. Mas magandang manahimik na lang.

Tumawa si Conrad. Tiningnan ko siya. Sarkastiko ang tawa niya at iba ang ipinapakita ng mga mata niya. "Hindi ko yata kayang malayo sa'yo. Two weeks of not seeing you made me crazy, Elaine. But I know that you needed space. Kaya hinayaan muna kita. Pero hindi ko kayang tuluyang magkalayo tayo."

"Si mom ang nagdesisyon," I told him.

Pero kahit pa hindi magdesisyon si mommy na pumunta ako sa kaniya ay gagawin ko pa rin iyon. I can't live with dad. And I also want to be beside my mom. I already know how painful it was to be betrayed by my own father. Ano na lang kayang klaseng sakit ang nararasanan ngayon ni mommy nang magtaksil si daddy sa kaniya?

"Kung hindi pa alam ni Tito William na nakita mo siya, ibig sabihin hindi rin niya alam na may alam na ang mommy mo?"

Tinanguan ko ang tanong ni Conrad.

"Kailangan nilang mag-usap, Elaine. Hindi sa kinakampihan ko si tito, Elaine, pero paano kung may maayos naman siyang paliwanag sa mga nangyari?"

"Like what?" pagtataas ko ng kilay kay Conrad.

Sa usapan naming ito ay naaalala ko lamang ang mga kinilos ni daddy noong makita ko sila. What kind of a good excuse can he give us after being with another woman?

Natahimik si Conrad. Mabigat ang titig niya sa akin. He didn't know what to say.

"Gusto mo bang masira ang pamilya mo, Elaine?"

Binawi ko ang aking mga kamay sa kaniya. "Why do you sound like it's my fault? Kapag nasira silang dalawa ay kasalanan ko? Hindi ba si daddy ang nanloko sa amin?"

"Hindi sa ganoon, Elaine. Ang gusto ko lang sabihin ay huwag mo nang dagdagan ang magiging problema sa pagitan ng mommy at daddy mo. Keeping this from your dad will only make things worse. Hangga't alam niyang walang nakakahuli sa kaniya, magpapatuloy ang pagtataksil niya sa inyo. Bago pa may mas masamang mangyari ay sana hinarap mo na siya," paliwanag niyang hindi ko matanggap.

Hinampas ko ang mesa. I heard someone gasped. Si Celine iyon na kalalabas lang dito sa garden. Hindi ko sinasadyang gawin iyon. Pero nadala ako ng galit sa aking ama, kay Conrad at maging sa aking sarili. Para kasing pinapalabas niya na ako pa ang may kasalanan. Oras na magkahiwalay sila mommy, ako ang sisisihin?

Mali bang nagalit ako kay daddy at ayaw ko siyang kausapin? Siguro nga makakaisip siya ng maayos na dahilan para sa mga nagawa niya. Pero maaayos pa ba niyon ang nasira kong tiwala sa kaniya?

"I'm sorry. Uuwi na ako," usal ko at tumayo.

"Elaine! Sorry, okay? You don't understand me..." Nakatayo na rin si Conrad at hinahabol ako.

"Shut up!" I glared at him.

Napaatras siya. Kahit ako ay natigilan sa inasta ko. Pero namumuong muli ang sakit sa dibdib ko. If I don't leave this place right now, I will surely give in. They will witness how miserable I am. At ayokong makita iyon ng dalawa kong kaibigan.

"Elaine..." tumigil ako nang hawakan ni Celine ang braso ko. "Conrad, anong ginawa mo?" mahinahong tanong niya sa kapatid. Sobrang lumanay niyon na para bang ang ingay ng kaniyang boses ang babasag sa akin.

"I'm so sorry, Celine. Magkita na lang ulit tayo. Uuwi na ako," I told her, trying to fix my voice and myself.

Binitiwan niya ako at hinayaang makaalis.

Tumakbo ako palabas ng kanilang bahay. Batid kong mali ang aking inasta. Pero sa tuwing maaalala ko ang nasaksihan noon kay daddy ay naninikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay walang makakapawi niyon.

Iniisip ko ang mga sinabi ni Conrad. He was right. Ako ang mali nang hindi ko tanggapin ang mga suhestiyon niya. Pero hindi ko pa kayang kausapin si daddy tungkol sa mga nakita ko. Hindi ko rin alam kung paano na ako sa pag-alis ko. Malalaman din ni daddy iyon. Ano ang sasabihin ko sa kaniya kung bigla na lang niya akong makikitang nag-eempake at aalis mag-isa patungong Los Angeles.

Binuksan ko ang gate. Hindi pa ako nakakalabas doon ay may humigit na sa aking braso. Walang habas akong napaharap sa humila sa akin. Wala akong pag-asang makita kung sino iyon dahil dumikit agad sa aking ulo sa balikat nito.

"Elaine, please. Ayokong umalis ka nang galit sa akin. I'm so sorry. I was wrong..." aniya at rinig ko roon ang pakiusap at lungkot.

Humikbi ako. Isiniksik ko ang aking sarili sa kaniya. I want to be closer to him. Hindi pa sapat ang yakap niya upang ibsan ang mga nararamdaman ko pero ang mga ganitong pagkakataon, ang isiping may karamay ako sa lahat, ito ang tumutulong sa aking maging malakas.

"Ako dapat ang mag-sorry, Conrad. Gusto kong makinig sa sinabi mo pero hindi ko kayang tanungin si daddy," I said while tears were streaming down my face. Basang basa na ang balikat ni Conrad dahil sa mga luha ko.

Hinimas ni Conrad sa aking ulo. His other hand was on my back, slowly tapping it.

"Hindi na kita pipilitin na gawin iyon. If that will hurt you then don't do it. Ayokong nasasaktan ka. Parang pinapatay ako kapag nakikita kong umiiyak ka," bulong niya.

Humaplos ang labi niya sa aking sentido. Pumikit ako nang mariin. Sa puntong iyon ay naunawaan kong walang ibang gusto si Conrad kundi ang ikabubuti ko. Natanto ko kung gaano ako kahalaga sa kaniya. He treated me as one of the important people in his life. He'd shown me that since the very beginning. Hindi ko alam kung anong mabuti ang nagawa ko upang matanggap ang lahat ng ito mula sa kaniya.

Ilang segundo ko pang dinama ang yakap niya hanggang sa ako mismo ang bumitaw. Humakbang ako ng isa palayo. His mouth was half open. Pinapanood lamang niya ako. Nakita kong basa ang kaniyang pisngi. An evidence that he cried with me.

Dinala ko ang aking mga daliri sa kaniyang pisngi at hinaplos iyon. Kumunot ang noo niya. Hindi dahil nagtataka siya. Para bang sa ginagawa kong iyon ay nasasaktan siya.

"Ayoko pang umuwi. Pwede bang samahan mo muna ako?" pakiusap ko sa kaniya. 

Continue Reading

You'll Also Like

14.9M 235K 75
PUBLISHED UNDER POP FICTION [Unlucky I'm In Love with My Best Friend sequel/book 2] BITTER CASANOVA. Kapag sinabing CASANOVA, babaero, mapaglaro sa p...
58.9M 1M 105
[Published under Summit Pop Fiction and TV Adaptation under TV5 Wattpad Presents] Si Zandra ay isang babaeng halos perpekto na pero para sa kanya, ma...
1.3K 210 32
It all started in 1978. *** Krisanta meets Ibarro. Shahani meets Kairouz. Saffira meets Reevo. No matter how many times destiny gets in their way and...