Nagmadali akong ilipat sa pinaka last pagkatapos ng poem na may title na Broken Angel... something is strage. Hindi ko alam kung bakit parang naninikip ang dibdib ko habang binabasa ang bawat salitang nakasulat sa tulang iyon.
at sa huling poem na sinulat niya...
Forbidden
Two different worlds.
Barrier between the both.
As a fire and ice.
It will never collide.
The different is not opposite.
Same but too much.
Will cause the end of the universe.
Together will the outcome of worst.
Words that can't be said.
Unspoken thoughts hidden.
Feelings that locked at first.
It is forbidden at all.
Complicated to say the truth.
Lies hidden by own.
For good but shows as the other way.
To die and save the other one.
Rival because of the past.
Together will clash at the end.
Destiny is the antagonist between.
Stay as two not one said by the prophecy.
Nabigla ako ng may kumuha ng binabasa ko. Pagtingin ko ay si Ashton... his face is dark. Screaming for I will kill you.
"I'm sorr---"
"Get the hell out of here," madiin ang pagkakasabi niya.
I hate the feeling of being scared... damn! What did you say Yvon? Scared?
Bumalik ako sa kwarto ko. Hindi ako nakapagsalita, umalis ako na parang tinanggap ang pagkatalo. Pero hindi iyon ang pinoproblema ko. My problem is this fucking beating heart. Masyadong mabilis, hindi ko kontrolado. Anong nangyayari saakin? Bakit naging apektado ako sa nabasa ko. Masyado bang malungkot ang pagkakasulat niya kaya parang... parang nadudurog ang puso ko sa hindi ko alam na dahilan.
My heart almost stopped when I saw him standing outside the glass door... again.
"Yvon," he started to say my name. He looks like trying to say something that he doesn't want to.
I didn't speak, I can't. I'm lost.
"I just want to talk to you about something, I mean..." hindi niya mahanap ang tamang salitang sasabihin niya.
Pero hindi ko na kayang tagalan pa ang presensya niya. Parang hindi na ako makahinga dahil sa paninikip ng dibdib ko. What the hell is happening to me?
"Yvon, kain na tayo, wait... may kausap ka ba dyan?" boses ni Cass ang nasa likod ng pintuang sinasandalan ko.
Hindi ko inalis ang tingin ko kay Ashton, hinihintay niya ang sasabihin ko, "Wala, sige lalabas na ako Cass."
Binitiw ko ang mga mata ko sa kanya at hindi na hinintay ang sasabihin niya. Tumalikod ako saka lumabas ng kwarto.
This is wrong.
This is hell wrong!
-----
Nagising ako sa alarm clock na sinet ko ng four o'clock am para makapag ayos na. Bumangon ako at nagumpisa ng kumilos. Eksaktong five am ay nakarating na kami ni Cass sa labas ng gate. Nandoon na si Mizu at Axelle. Ngumiti si Axelle ng nakita kami.
"Kainis," bulong ni Cass na nasa tabi ko.
Malamang ay si Axelle ang sinasabihan niya. Nang napansin ni Mizu ang pagdating namin ay agad siyang tumayo sa pagkakaupo sa malaking bato na nasa gilid ng gate.
"Hey," bati niya.
Inabot ko sa kanya ang dalawang jacket. Ang isa ay nung halos masunog ang buong katawan ko dahil kay... never mind at ang isa naman ay yung napuruhan ako dahil sa mga Tenebris.
"Thanks," sinabi ko habang nakaabot ang kamay ko hawak ang dalawang jacket.
"Dapat hindi mo na sinoli, okay lang naman," napakamot siya sa batok niya.
"No, it's yours. Malinis na 'yan."
"Tss."
At dahil sa boses na 'yon ay halos maistatwa ako sa pwesto ko. Kinuha niya sa kamay ko ang jacket at naramdaman ko ang mainit na kamay niyang hindi sinasadyang madikit sa dulo ng daliri ko. Nilagay niya ito sa dibdib ni Mizu at alam kong medyo malakas ang impact na 'yon.
Napangisi lang si Mizu sa ginawa ni Ashton at hindi na ito binalingan ng atensyon.
"Let's go," sinabi ni Ashton at nauna na saaming maglakad.
"Good morning Yvon!" bati ni Airos, hindi ko napansin na dumating na siya kasama si Ashton.
"Morning..."
"Hindi pa tayo kumpleto..." pagpigil ni Axelle kay Ashton, "Wala pa ang kambal."
And speaking of... pagkabanggit ni Axelle ay siyang pagdating ng kambal. Katulad namin ay isang backpack lang din ang dala nila. Pero katulad ko ay may bitbit din si Via na weapon, katulad din ni Cass.
"Sorry na late na naman kami sa usapan na oras," sabay ngiti ni Via.
Pero si Mia ay nakayuko lang habang ang dalawang kamay ay nakahawak sa handle ng bag niya.
"Okay lang kararating lang din naman namin," si Airos ang sumagot.
"Hayss, kinakabahan kasi kami sa training na 'to," sinabi ni Via.
"Stop talking, let's go."
At dahil na naman sa sinabi ni Ashton na 'yon ay natahimik sila at walang nagawa kundi maglakad na din. Nasa unahan na naglalakad ay si Ashton at Axelle, sumunod naman ay ako at si Cass sa likod namin ay si Mizu at Airos at sa pinakahuli ay ang dalawang kambal.
"Mag teleport na lang tayo papunta sa pinaka labas na bukana ng Passage forest. Hanggang labas lang kasi nito gagana ang powers natin," suggestion ni Airos.
Tumango naman si Axelle.
"Guys nakakalimutan niyo na atang hindi lahat saatin kayang mag teleport," sinabi ni Mizu.
"Oo nga pala, portal na lang," panibagong suggestion ni Airos.
"Hmmm, mas okay 'yon. Pero hindi pwedeng lahat tayo sa isang portal lang. Hindi pwedeng pumasok sa ibang portal ang mga katulad naming Elemental holder, nag lalaban yung energy ng element namin sa ibang portal gawa sa ibang element," paliwanag ni Axelle.
Sa sinabi niyang yon ay naalala ko na gumawa dati si Ashton ng portal... at nakapasok naman ako.
"At hanggang dalawa lang ang kaya naming isama sa portal dahil hanggang dalawa lang ang kayang mai-magnetize sa powers namin para hindi sila masaktan sa energy ng element namin. Hindi katulad ng portal na nasa school natin pwede kahit gaano karami," dagdag pa ni Airos.
Tumango-tango naman si Cass na parang naiinitindihan maigi ang ibigsabihin ng mga sinasabi nila.
"So sino ang sasama saakin?" tanong ni Axelle.
Nagtaas ng kamay si Via at siya na din mismo ang nagtaas ng kamay ni Mia. Tumango-tango si Axelle. Saka siya nagumpisang gumawa ng portal sa harapan niya. The earth portal creation. Isang malaking pabilog ito na kulay brown ang paligid na parang lupa, habang sa loob ay parang buhawi ng mga dahon at bato. Nilahad niya ang magkabila niyang kamay at sabay na kumapit sa kanya si Via at Mia. Pagtapak nila sa loob ay sumama ang katawan nila sa umiikot na dahon at bato at kasabay ng pagkawala nila ay pagkawala din ng Earth portal.
Tiningnan ni Airos si Ashton, "Sino sayo---"
Hindi pa niya natatapos ang tanong ng biglang naging apoy ang buong katawan ni Ashton at walang pang isang segundo ay lumipad ito ng diretsyo... nawala sa paningin namin.
Bumuga ng hangin si Airos, "That's Pyroportation... at nakalimutan ko na ayaw nga pala niya ng may kasama sa portal na ginagawa niya."
Dahil sa sinabi ni Airos ay lumabas sa bibig ko ang tanong na hindi ko pinagisipan. Kusa itong lumabas... "Ayaw niya?" halata ang pagkakabigla sa tanong ko.
Umiling-iling si Airos, "Kahit kelan simula ng matutunan niyang gumawa ng portal wala pa siya ni isang sinasama sa pag travel niya sa portal."
Pero... pero bakit sinama niya ako? O baka napilitan lang siya.
"Paano kung kailangan talaga?" tanong ko.
"Kahit mamamatay na ang kasama niya hindi talaga. Ayaw niyang namamagnetize ang powers niya kahit na kanino dahil minsan hindi maiiwasan na some memories o iniisip, ay sumama sa magnetize energy. Pero minsan lang naman nangyayari 'yon, kapag nawala sa concentration ng pag balance ng Element energy, at tulad ngayong importante talagang makapunta tayo ng maaga doon pero iniwan niya tayo at ako ang pahihirapan niya!" ginulo ni Airos ang kanyang buhok.
"So babalikan mo ko ah," tumawa si Mizu halatang inaasar si Airos.
"Mamatay ka na Mizu!"
Tumawa lang si Mizu sa sinabi ni Airos.
Nag-umpisa ng gumawa ng portal si Airos. Kulay white ang paligid at sa gitna ay umiikot na sky blue at katulad kanina ay mukha itong ipo-ipo sa loob ng isang bilog. Kinuha ni Airos ang kamay namin ni Cass.
"Stay there doggy, babalikan kita," balik asar ni Airos kay Mizu bago kami hinatak papasok sa portal na ginawa niya.
Mabilis ang pag-ikot nito pero hindi nakakahilo at wala kaming naramdaman.
Or I don't feel anything because my mind was not in the portal. My mind is thinking why Ashton let me travel with the portal he made before?
Sa paglabas namin sa kabilang portal ang una kong nakita ay ang lalaking nakatayo sa isang tabi habang ang mga mata niya ay nakatingin sa direksyon ko. Mga matang walang ekspresyon, pero pinararamdam kung paano ka mawalan ng sariling lakas... dahil ngayon pa lang ay... nawawalan na ako ng lakas.
He's making me feel I'm not the Yvon I knew. I'm not the emotionless Yvon... he made me unseal my sealed emotion.