Could Have Been Better (Crush...

By PollyNomial

16.2K 600 58

Elaine Joy Mendoza was from Los Angeles. Pero kahit ilang taon na mula nang tumira siya roon kasama ang pamil... More

Could Have Been Better
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Ending
Lost With A Shattered Heart

Chapter 14

186 7 0
By PollyNomial

CHAPTER 14 — Napakasakit


Tulala ako sa aking mga nakakuyom na kamay. Walang tigil ang pagtulo ng aking luha. Sa tagal ng tahimik kong pag-iyak ay hindi ako kinausap ni Conrad. He just stayed beside me.

Huminga ako ng malalim. Paulit ulit na bumabalik sa isip ko ang eksenang nakita ko sa restaurant. My father was with another woman. He was touching her like they have known each other for so long. He kissed her like she was his woman.

Nanginig ang aking labi at tumulong muli ang aking luha. Pumikit ako ng mariin. Inalala ko kung anong pinag-usapan namin ni daddy kaninang umaga. I didn't eat breakfast with him. Ngunit kumatok siya sa aking kwarto para sabihing aalis na siya.

We haven't bonded for a while. Hindi ko na siya madalas makakwentuhan tungkol sa mga bagay. Before, I thought that he was just busy at work. Right now, I knew that he was busy with someone else.

"Elaine..." mahinanong tawag ni Conrad. He didn't touch me. He just waited for me.

Narito kami sa kabilang bahagi ng mall. Nakaupo kami sa isang cafe kung saan ako dinala ni Conrad matapos nang nakita namin. We are waiting for his driver to pick us up.

Nagpakawala ako ng hangin mula sa aking bibig. Ngayon lamang ako muling umiyak nang ganito mula nang umiwi ako galing sa Los Angeles. It has been a long time since I cried this much. Sa bawat pag-iyak ko noon ay kinimkim ko lang sa aking dibdib ang lahat ng problema. I never said anything to my parents. I thought that it wasn't important. Lilipas din ang nararamdaman ko. Kaya ko namang tiisin ang mga pang-aasar ng mga kaklase ko noon. Kaya kong iwasan ang mga sinasabi nila.

Pero ang nararamdaman ko ngayon ay iba. Conrad was with me. Kahit pa hindi siya nagsasalita, nararamdaman kong nag-aalala siya sa akin. What I am feeling at this moment was really painful. Dalawang klaseng sakit ang nararamdan ko. Sakit para sa aking sarili, at sakit para kay mommy.

I tried to reflect on all the events before summer started. I even tried to remember the previous months. Tumanggi si daddy na umuwi kami sa Los Angeles dahil ayon sa kaniya ay maaabala ang negosyo. He also wanted me to finish high school here. Sa mga panahong pinipilit iyon ni daddy ay madalas silang nag-aaway ni mommy. Hindi nila iniintindi ang isa't isa.

Sa mga panahong din iyon ay kinampihan ko si daddy. I helped him convinced my mom. Nagtampo pa nga ako kay mommy. Nagalit ako sa kaniya. I realized how selfish I was when I remembered the things I said to her. Ang gusto lang naman niya ay maging malapit kami sa kaniya. Oo, minsan lang kaming nagkikita roon ngunit ang mahalaga ay malapit lamang ang distansya namin. Kung gugustuhin ay madali niya kaming makikita. Hindi katulad kapag nasa Pilipinas kami na sobrang malayo sa kaniya.

Naramdaman ko ang mainit na palad na tumakip sa nakakuyom kong kamay. Hindi ko tiningnan si Conrad.

"Elaine, nandito na si Kuya Ben," aniya. Ramdan ko ang pagdadahan dahan niya sa pagsasalita. It was like he was touching a fragile thing. Sa kasalukuyan, pakiramdam ko ay anomang oras ay mababasag ako.

Marahan akong tumango. Hinawakan niya ang aking kamay at sabay kaming lumabas sa cafe. Tinunton namin ang daan palabas ng mall. I was even scared that I'd see my father again. Kaya naman nanatili akong nakayuko habang naglalakad.

We made it to his car. Tahimik pa rin ako sa loob niyon.

Mabilis lamang kaming nakauwi. Hinatid ako ni Conrad. Sa loob ng kotse ay hindi ako makagalaw. I don't want to go home yet. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si daddy kapag nakita ko siya.

Ngunit lumabas si Conrad at pinagbuksan ako ng pinto. Napilitan akong lumabas. He closed the door and I just remained standing beside it.

"Are you gonna talk to him?" tanong ni Conrad.

Umiling ako. "Ayoko siyang makita." Iyon ang unang beses na nagsalita ako mula kanina.

"You should talk to him, Elaine. Ask him. Kailangan mong malaman ang totoo."

Umangat ang tingin ko sa kaniya. Muling namuo ang mga luha ko. "Ano pang kailangan kong malaman? Nandoon ka Conrad. Nakita mo rin sila. Alam nating dalawa kung ano ang ibig sabihin niyon."

Umalon ang boses ko. Kinagat ko ang aking labi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang magsimula akong humagulgol.

"May babae si dad. Kailan pa? Hindi ko alam. Paano na ako? Paano na si mommy?"

Kitang kita ko kung paano kumislap ang luha sa mga mata ni Conrad. Hinila niya ako at mahigpit na niyakap.

"I'm so sorry, Elaine," aniya.

Sinubsob ko ang aking ulo sa kaniyang leeg. "He was with another woman. He kissed her. Ano pa bang ibig sabihin niyon, Conrad?" paulit-ulit kong tanong.

Naramdaman ko ang pag-iling niya. He held me so tight that. Kung hindi niya ako yakap yakap ngayon, baka bumigay na ang tuhod ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"Shh. I am so sorry because I can't do anything about this, Elaine." Mas lalo pa niya akong niyakap.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. "Kuya Ben, mauna na po kayo. Dito po muna ako," ani Conrad.

Humiwalay ako sa kaniya at pinakawalan naman niya ako. "No. Go home, Conrad. Papasok na ako," usal ko.

"Pero..."

"I'll talk to mom. Kailangan niya itong malaman." Yes, that's what I'm gonna do. I'll tell mom what I saw.

"Kausapin mo muna si Tito William."

Tumango ako. "Kakausapin ko siya. After I talk to mom," usal ko. Kasinungalingan iyon dahil hindi ko yata kakayanin ang harapin si daddy.

Nakakunot ang noo ni Conrad. Tila hindi niya nagustuhan ang gagawin ko. Wala akong pakealam. Kakausapin ko si mommy tungkol dito.

Pinaalis ko si Conrad kahit na ilang beses niyang pinilit na rito muna siya sa amin. Hindi niya kailangang manatili. I can do this on my own. Matagal na nang huli kong kinailangang aluhin ang sarili ko dahil matagal na rin nang huli akong nasaktan ng ibang tao. Pero naaalala ko pa kung ano ang mga dapat gawin. Ngunit hindi na ako kagaya ng pagkatao ko noon. Ngayon, hindi na ako mananahimik.

Wala pa si daddy. Hindi ko na rin siya hinanap. I already know where he is right now.

Pag-akyat sa aking kwarto ay una kong hinagilap ang aking laptop. I logged in immediately on Skype. Hinanap ko ang mga online users. Tiningnan ko kung kasama si mommy roon. Tulala ako sa Skype. Hindi ko inalis ang aking mga mata roon. Hinintay kong mag-online si mommy. If I cannot talk to her today, then I will wait for her tomorrow or on the next day. Hihintayin ko siya hanggang sa makita ko siyang online.

I cannot just call her at this time. Madalas ay siya ang tumatawag sa amin ni daddy. At kung tatawag man siya ay cellphone ni daddy ang gamit. Sometimes, we do video calls. Iyon ang inaasahan kong mangyari ngayon.

Naghintay ako hanggang sa mamanhid na ang mga mata ko. Pumikit ako ng mariin. Ilang oras ko na siyang hinihintay. Daddy isn't home yet. Malalaman ko kung umuwi na siya dahil kakatok siya sa aking pinto upang kumustahin ako. Who knows what he's doing right now?

Nakatulog ako sandali. Paggising ko ay alas nuwebe na ng gabi. I looked at my laptop. Bukas pa rin ang aking Skype. Malapit na itong ma-lowbat kaya naman lumipat ako sa aking study table at sinaksak ang charger doon. I waited for a few more minutes until I saw my mother's name on the onlines users.

Agad kong pinindot ang call icon doon. Nag-ring ito ng ilang beses. Umaga sa lugar nila mommy ngayon. Siguradong maiistorbo ko siya ngunit kung nagkaroon siya ng panahon magbukas ng Skype ay siguradong hindi siya abala.

"Mom!" I cried out when she answered my call.

"Elaine! I was about to call you..." Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon nila. "Are you crying?"

"Mom! I missed you!" usal ko.

Humagugol ako sa kaniyang harap. I suddenly realized that I missed her as soon as I saw her face. I realized how unfair I was with her. Kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang mga naging desisyon ni mommy para sa akin. I was trying to understand the situation but I never really wanted it. Ngayon ay nagsisisi ako dahil hindi ko siya sinunod. Dahil mas ginusto ko ang mga desisyon ng ama ko. If I just accepted the things the she wanted for me, then there will be no problem now. Kung nanatili lang sana kami ni daddy kasama niya ay hindi ito makakahanap ng iba.

"Elaine, what happened? May nangyari ba sa iyo? Ang daddy mo?" she worriedly asked.

The second I heard the word daddy, I started to cry more. Halos hindi ako makapag-isip ng maayos. Kinuyom ko ang mga kamay ko. Umiyak ako nang umiyak. Ngayon ay nasa mukha ko ang aking mga palad.

"Elaine, you are scaring me! Nasaan ang daddy mo?"

"M-mom!" Umalon ang aking boses. Nanginginig ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Naisip ko ang sinabi ni Conrad kanina. That I should talk to my father first before telling this to mom. Pero hindi ko kaya. Siguradong sigurado ako na may maling nangyayari. And if I don't tell this to my mother, worst things will happen.

"M-mommy, si daddy," nilunok ko muna ang lahat ng bumabara sa aking lalamunan upang makapagsalita ng maayos.

"What happened to you dad, Elaine?"

Kinagat ko ang nanginginig kong labi. "I don't know what's happening to him, mom. I can't talk to him. Kanina... k-kanina nakita ko siya. He's in a restaurant... with a woman," namaos ang boses ko.

Hindi ko matingnan si mommy. I am in pain right now. Kapag nakita ko ang reaksyon niya, mas lalo lang akong masasaktan.

"Do you know her?" tanong ni mommy, may bakas ng pagdududa sa kaniyang boses.

Ilang beses akong umiling. "Kanina ko lang siya nakita. I'm not familiar with her."

"Maybe he's your dad's friend," aniya. Rinig ko ang kaunting pagdududa sa tono niya.

Umiling akong muli. "I saw them kissed, mom. He kissed the woman on her lips. Ginagawa ba iyon ng magkaibigan?" punong puno ng hinanakit na sabi ko.

Mom gasped. I continued crying.

"Are you sure it's your dad?" naguguluhang tanong ni mommy. I still can't look at her. "It might look just like him..."

"Yes, mom. Nakita rin siya ng kaibigan ko," usal ko.

Nakarinig ko ng kakaibang ingay mula kay mommy. Unti unti kong inangat ang tingin sa laptop. Her hand was on her mouth. She didn't want to cry. Pero kitang kita kong anomang segudo ay babagsak ang mga luha niya.

I cried out all the pain. Ang sakit sakit malaman na ibang babae ang maaaring kasama ngayon ni daddy. Napakasama niya. Hindi ko inakalang magagawa niya sa'min ito ni mommy.

We loved him. Kahit pa miminsan lang namin nakakasama si mommy, alam kong masaya ito kapag nakikita kami. Daddy was happy too. I saw it. Hindi ako pwedeng magkamali na masaya sila sa isa't isa.

I couldn't believe that he would just throw all of that away by seeing another woman. Kaya niyang tiisin iyon kahit alam niyang may asawa siya at anak na babae. What I saw this afternoon was enough to let me think that he was cheating on us. He betrayed us. He chose to do that. Hindi pwedeng pagkakamali lang iyon.

That night my mom decided for us. Hindi ko maisip kung paano pa niya nagawang maging kalmado matapos ng ilang minutong pag-iyak. We were just crying the whole time until she stopped and talked about her plan. Padadalhan niya ako ng pera. She clearly instructed me to keep this from my dad. Huwag ko raw munang ipapaalam dito na may alam ako. I will use the money for myself until the time I'm going back to Los Angeles. Babalik akong mag-isa roon at si mommy ang mag-aasikaso ng lahat.

Hindi ko lubos maisip kung paano ko haharapin si daddy. When he got home that night, I pretended to be asleep. Humalik siya sa aking noo. Halos mandiri ako dahil kaprehong bibig ang ginamit niya upang halikan ang babaeng iyon. Sinong nakakaalam sa mga iba pang nangyari sa pagitan nila?

I thought of the worst things. Galit na galit ako kay dad. Sa isang iglap ay nagbago ang pagtingin ko sa kaniya. The best father for me became my most hated person in the world. Wala na akong pakealam sa kaniya. He became a stranger to me. Hindi na siya ang kinilala kong ama.

Ilang messages ang natanggap ko mula kay Conrad. He even tried to call me but I didn't answer any of them. Wala akong ganang makipag-usap sa sinoman ngayon. Celine texted me as well. I told her that I'm not feeling well.

Wala akong maramdaman sa mga panahong ito kundi hinanakit sa sarili kong ama. Dumaan ang mga araw. Naging normal ang paligid ngunit ang sarili ko yata ay hindi ko na maibabalik sa dati.

I want to see my mother. Hindi na kami nagkausap matapos nang gabing sinabi ko sa kaniya ang mga nakita ko. She only sent me messages, something about the money and how I will fix things once I get it. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang kumilos mag-isa. She didn't want me to tell dad that she wanted me to leave him.

Nasasaktan ako pero iyon din ang nais ko. Hindi ko kayang makita si dad. Naaalala ko lang ang lahat tuwing magkasama kami. I acted like nothing happened. Kapag kinakausap niya ako, sumasagot ako ng maayos. The way I'm talking to him might lack emotion but at least, I still answer him politely. Wala rin naman siyang mga tanong tungkol sa pagbabago ko.

Nang dumating ang enrollment ay hindi ko alam ang gagawin ko. Conrad is still trying to reach me. I feel guilty for not speaking to him. Wala naman siyang kinalaman dito. Pero para bang ayokong makasalamuha ng tao sa panahong ito. At isa pa, kapag nakita ko si Conrad, batid kong maaalala ko lamang ang sakit. Dahil siya lang ang nakakaalam ng mga nangyayari ngayon sa akin.

"Are you going to your school? Gusto mo bang ihatid kita?" tanong ni daddy.

Nagsalubong ang kilay ko. Ngumiwi ako dahil sa boses niya. I cannot bear his voice. Sa tuwing maririnig ko siya ay puro katrayduran niya ang naiisip ko.

"'Wag na, dad. I'm coming with Celine," I lied.

"Ang sabi ng Tito Enrico mo, hindi raw kayo nagkikita ng mga anak niya."

Umiling ako. "Minsan lang po kasi. Madalas ay magkausap lang kami sa cellphone." Malamig ang aking boses. Sinusubukan ko iyong lagyan ng emosyon pero mahirap gawin iyon sa harap ng taong nanakit sa amin ni mommy.

"Okay. I'll go ahead. Gagabihin akong uwi," aniya.

Lumapit siya. Marahan akong umiwas nang hahalikan niya ang tuktok ng ulo ko. Hindi naman niya iyon pinansin at itinuloy lang ang paggawad ng maikling halik sa aking ulo. I was disgusted.

Naayos na ni mommy ang lahat. Babalik ako sa Los Angels next week. Masakit sa akin ang pag-alis sa bansa pero mas gusto ko na ito kaysa manatili sa piling ng aking ama. I also want to be with my mom.

Kaya naman nang araw ding iyon ay tinawagan ko si Celine. She quickly answered my call. Halata sa tono niya ang pag-aalala.

"Hello, Elaine?!" sagot ni Celine.

Kinagat ko ang aking ibabang labi nang marinig siya. Celine became a loyal friend to me. She was my first friend when I went home here in the Philippines. She was always there for me.

"Celine," pinilit kong pasayahin ang aking boses.

I've been lying to my best friend since the very start. Celine and Conrad were very important to me and yet I chose to keep all my secrets from them. Hindi ko alam kung tama pa bang maging kaibigan nila ang traydor na katulad ko.

"Kumusta ka na? May sakit ka pa ba?" tanong niya.

Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko habang kausap siya. Until now, I'm still lying to them.

"Maayos na ang lagay ko," I told her even if I still feel miserable right now. "Uhm, gusto ko sanang pumunta sa inyo. Pwede ba?" tanong ko.

Narinig kong may kumausap sa kaniya. It was Conrad's voice. Oh, how I missed him.

"Paalis kami ng bahay. Pupunta kami ng school ni Conrad para sa enrollment. Sasabay ka ba sa amin?" tanong niya.

Sobrang nalulungkot ako sa kailangang mangyari. "Magkita tayo sa school," sagot ko.

Nagkasundo kaming magkita. Pero nagpahuli ako ng kaunti. Gusto kong matapos muna sila sa pag-e-enroll. Parang hindi ko yata kayang makita silang abala sa eskuwela habang ako ay heto at kailangan nang maghandang umalis.

Nag-commute ako patungo sa school. I saw some of my schoolmates. Ang ilan sa kanila ay kakilala ko at binabati ako. I smiled at all of them. This will be the last time that I will see them. They were all good to me. They were very different from my schoolmates before because they liked me. Lahat sila ay tinanggap kung ano ang kaya kong ibigay sa kanila. Even though almost all of it were lies, they still accepted me. Ano na lang kaya ang mangyayari kung sasabihin ko ang totoo sa kanila?

Nakita ko sila Celine na nakatambay sa kiosk na madalas naming puntahan mula pa nung unang taon ko sa paaralang ito. It was our favorite spot during breaktimes. Sa bawat yapak ko ay samu't saring alaala ang bumabalik sa isip ko. I remembered the first time I got angry with Conrad. It was because I saw him bullying a kid who's younger than us. Naalala ko ang mga kwentuhan namin ni Celine tungkol sa mga crush niyang si Vans at Lorenzo. Lahat ng pang-aasar ko at maging ang payo ko sa kaniya ay malinaw pa sa aking isipan.

I remembered the first I met the twins. Ang saya saya ko noon dahil sa unang pagkakataon ay may mga taong trumato sa akin bilang isang kaibigan. Sila ang naging kasama ko hanggang ngayon. For the past years we became inseparable. Naging matatag kaming tatlo.

Tumigil ako nang ilang metro na lamang ang aking layo sa kanilang dalawa. Abala sila sa kanilang pag-uusap. Seryosong nagsasalita si Conrad.

Conrad. He was the first boy who made me feel important. He was the one who taught me how joyful life is. Ang masiyahing si Conrad ang nagturo sa akin na kahit ang maliliit na bagay sa mundong ito ay kaya tayong pasiyahin. You have to appreciate everything. You have to look at the brighter side even though problems are approaching. Kahit pa ang hirap hirap minsan dito sa school, kahit kailan ay hindi ko siya nakitang sumuko. The smile that made me fall for him was his armor. Para bang lalabanan niya ang lahat ng ito sa pamamagitan ng pag-iisip ng masasayang bagay.

Napakasakit isiping iiwan ko na ang aking dalawang matalik na kaibigan. I know, after leaving this country, it will be impossible for me to come back. Kung babalik man ako, siguradong matatagalan iyon.

I cannot live with dad. I cannot bear seeing him.

Kung hindi siya sasama sa akin at pipiliin ang babae niya ay masasaktan akong lalo at hindi ko na makita ang sarili kong babalik pa rito dahil mas gugustuhin kong iwasan siya kaysa ang makasama siya.

Kung magkakaayos sila ni mommy at sasama siya sa akin pabalik sa Los Angeles, alam kong hindi na papayag si mommy na bumisita kami rito. Who knows what will happen if we come back again?

Ngunit paano ko magagawang isiping makakabalik pa ako kung hanggang ngayon nga ay wala pang alam si daddy sa mga nalalaman ko?

Itinuloy ko ang aking paglalakad. They heard me approaching them so they turned to me. Bago nila ako makita ay pinilit kong ngumiti at isinantabi ang sakit na nararamdaman. 

Continue Reading

You'll Also Like

64.4K 1.8K 50
The Captivating Chaos Series #1 | Unpleasantly Captivating | COMPLETED Kyst Hames Lozano is the main vocalist and guitarist of The Captivating Chaos...
29.7K 837 40
MONTEFIERRO SERIES #1 Cyrelle Blessica Escareal, a woman with high hopes and big dream. She used her passion for music to reach her goals in life. Al...
395K 26K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
87.1K 3.1K 45
Forever Series 1/4 Hurricane, a 17 year-old lady from a prominent family in the field of business was arranged in a marriage with Hell. No, I am not...