The Mind Reader Hunk(Complete...

By Wild_Amber

502K 16.5K 915

MICHAEL JEB HERNANDEZ(GSB-12) 'The real tarzan in the city.' By:Wild Amber More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 6

16.8K 574 31
By Wild_Amber

HABANG nakaupo si Mayor Roxas ay panay sipat niya ng tawagan. Naghihintay siya kung ano na ang nangyari sa pinapagawa niya kay Emerson. Ng hindi na siya makatiis na alamin kung ano ang nangyari ay dali-dali niyang dinampot ang tawagan.

Makailang ring din bago sumagot ang tinatawagan niya sa kabilang linya. “Hello?”

“Hello. Kumusta ang pinapagawa ko sayo Emerson?” Agad niyang tanong. “Ano bang pinapagawa mo sa akin?” Kunway hindi alam ni Emerson ang tinutukoy ng kausap niya.

“Emerson, ako ba ay pinagluluko mo? Tandaan mo ang mag-ina mo ay nasa mga kamay ko.” Pagalit nitong saad kay Emerson na natatawa ng lihim. “Talaga. Kailan ba napasakamay mo ang mag-ina ko?” Tanong niya.

“Emerson, pinapainit mo talaga ang ulo ko.” Pasigaw niyang sabi kay Emerson na nagpipigil na wag matawa. At dahil sa inis ni Mayor Roxas ay agad niyang pinatay ang tawagan.

Agad na huminga ng malalim si Mayor Roxas. At mayat maya ay muli niyang kinuha ang tawagan at tinawagan niya ang mga taong inutusan niyang bantayan ang mag-ina ni Emerson.

Samantala ng makita naman ni Ariel ang tumatawag na si Mayor Roxas ay agad siyang napatingin sa mga kasama niya bago niya ito sinagot. “H-hello boss, n-napatawag po kayo?” Bungad ni Ariel sa tumawag.

“Kumusta ang pinapabantayan ko sa inyo?” Tanong nito kay Ariel. “A-ah! B-boss ano po---

---wag niyo sabihing nakatakas sila sa inyo?” Pabulyaw nitong tanong ng hindi niya patapusin sa sinasabi si Ariel. “Boss, meron po kasing umatake dito sa rest house at tinangay ang binabantayan namin.” Kinakabahang paliwanag ni Ariel kay Mayor Roxas.

“Mga inutil. Wala kayong mga silbi. Puro kapalpakan ang ibinibigay niyo sa akin.” Anito sabay patay niya ng tawagan.

Dahil sa galit na nararamdaman ni Mayor Roxas ay agad siyang kumuha ng maiinom niyang alak.

“May problema ba?” Boses ng asawa ni Mayor Roxas sa kanya. “Ewan mo muna ako.” Tangi nitong sagot sabay lagok niya ng iniinom na alak.

“Pumalpak ba ang bastardo mong anak sa pinapagawa mo sa kanya?” Tanong nito. “Miranda, tigilan mo ako. Umalis ka ngayon din kung ayaw mong malintikan sa akin.” May pagbabanta nitong turan sa asawa. Sa halip na matakot ito ay tinaasan lang siya nito ng kilay.

“Oh! Ngayon ay pagbabantaan muna akong saktan ng dahil lang sa bastardo mong anak.” Anito sa kanya. At dahil sa inis ng Mayor ay agad niyang ibinato ang hawak niyang baso.

“Wag mo painitin ang ulo ko. Dahil baka sa kangkungan tayo pupulutin, kaya wag kang dumakdak sa harapan ko. At kung wala ka rin naman magawa dito ay umalis kana lang. Atupagin muna lang ang mga kaibigan mong katulad mong lulong sa casino.” Saad dito ni Mayor Roxas. At dahil nainis sa kanya ang asawa dahil sa sinabi niya ay agad naman itong umalis.

Makalipas ang ilang minuto ay muli niyang tinawagan si Emerson. Agad rin naman itong sumagot. “Oh! May nakalimutan ka bang sabihin?” Tila nang-iinis na tanong ni Emerson sa kanya ng sumagot ito.

“Oo. Dahil gusto ko lang sabihin sayo na napakawalang kwenta mo. Wala kang utang na loob.” Panunumbat nitong aniya kay Emerson.

“Oh! Teka. Teka lang ako walang kwenta at walang utang na loob?” Tila hindi makapaniwalang tanong dito ni Emerson. “Ang alam ko kasi ay ikaw ang walang kwenta dito e. Wala ka ngang kwentang ama e.” Saad pa niyang mas lalong kinagalit ng ginoo.

Sa inis ng ginoo ay mabilis niyang ibinalibag ang tawagan niya. Tawang-tawa naman sa kanya si Emerson ng mawala ito sa linya.

GAYA ng sabi ni Jeb ay isinama si Vixen ng mag-asawang Axel at Jasmine sa bahay nila habang abala siya sa ginagawang trabaho. Dahil agad niyang pinuntahan ang mga tao niyang naghihintay sa kanya.

“Boss, kami na ang bahala dito. Mas mabuti pang magpahinga na muna kayo.” Anang isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Jeb sa trabaho nila.

“Sigurado kayo?” Anito sa kanila. “Yes boss. At ng magkaroon ka ng time para makilala mo si Miss Cataluna.” Pilyong turan ng mga ito sa kanyang kinangiti niya.

“Mga siraulo talaga kayo. Pero, gusto ko yan ng makilala niya ang gwapong si Tarzan.” Pagsang ayon niya sa mga ito. “Sige, wag niyo akong biguin sa mission nating ito ha. Gawin niyo ang lahat para mabulok sa bilangguan si Mayor Roxas ng hindi na makagawa pa ng kagaguhan. At kung meron problema ay tawagan niyo agad ako.” Anito sa kanila. Agad naman tumalima ang mga ito sa kanya.

Agad ngang umuwi si Jeb at sa halip na tumuloy siya sa bahay niya ay sa bahay nila Axel siya tumuloy. “O-oh! Mayron ka bang nakalimutan?” Gulat na tanong ni Jasmine ng makita niya si Jeb. Agad naman itong napakamot ng ulo.

“A-ah! e-e ano Jas. Sila na daw ang bahala. Magpahinga na muna daw ako.” Paliwanag nitong kinatawa ni Jasmine sa kanya. “Uhm. So, sinusundo mo ba si Vixen?” Tanong nito sa kanya.

“K-kung okay lang sayo.” Tila nahihiya niyang sagot na mas lalong kinatawa ni Jas. “Marunong ka rin naman palang mahiyang siraulo ka. Pero, don't worry. Secrets lang natin yun," ani Jasmine sa kanya. “Tawagin ko lang si Vixen. At........wag mo lang papaluhahin ang pinsan ko. Dahil kung hindi ako mismo ang magpapaassasinate sayo.” Babala nito sa kanyang kinakamot niya ng ulo.

“Um. Sa tingin ko maling ako ang tatawag kay Vixen sa room niya. Sigurado kasi akong hindi makikinig yun.” Maya ay ani Jasmine sabay tingin niya kay Jeb. “Nasa guest room siya.” Saad pa nito. Kaya walang nagawa si Jeb kundi ang umakyat at tunguhin ang kwarto kung saan naroon si Vxyl Ross.

Samatala ng makauwi sina Vxyl Ross sa bahay nila Jasmine ay agad siyang umakyat sa kanyang silid at nahiga sa kanyang kama para magpahinga. Ngunit hindi pa man niya naipipikit ang mga mata ay bigla siyang nakarinig ng katok mula sa labas ng pinto.

“Come in.” Anito mula sa loob. Dahan-dahan namang bumukas ang pinto. At dahil sa pag-aakalang si Jasmine ang kumakatok ay hindi na siya nag-abala pang bumangon. Hinayaan na niyang pumasok ang kumatok ng pintoan.

“A-anong ginagawa mo dito?” Gulat niyang tanong sabay balikwas ng bangon pagkakita niya sa pumasok. “Sinusundo ka.” Seryoso namang sagot nito sa kanya.

“Sinusundo para saan?” Taas kilay naman nitong tanong. “Sinusundo para iuwi sa bahay ko.” Sagot nito sabay sampa niya sa kama na tila pag-aari niya ito kung makaasta.

“Umalis ka nga dyan.” Mabilis na ani Vxyl Ross sabay tulak niya kay Jeb. Ngunit hindi natinag ang binata sa ginawa niya. “Paano kung ayaw kung umalis dito?” Paghahamon niya sa dalaga sabay higa niya. Kaya nalaglag ang balikat ni Vxyl Ross ng makita niyang kampante lang na nakahiga ang binata.

“Grrrr. Kainis naman oh!” Nasabi nito sabay hilamus ng mukha niya. “Dapat masanay kana kasi sa gwapong ito. Dahil hindi uubra ang pagtataray mo o pagsusungit sa akin.” Ani Jeb sa kanya na agad hinampas ni Vxyl Ross ng unan sa mukha.

“I hate you.”

“I like you.” Balik sagot naman ng binata na kinapula ng mukha ng dalaga. “Come on, get your things. Para makauwi na tayo sa bahay.” Maya ay seryosong ani Jeb.

Dahil sa tinuran ng binata ay walang nagawa ang dalaga kundi ang makinig. Agad siyang umalis sa kama at nagpapadyak na tinungo niya ang mga gamit para iligpit. Natawa naman ng lihim si Jeb na nakamata sa dalaga.

“Tapus ko nang iligpit ang mga gamit ko.” Nakasimangot nitong saad sa binata ng balingan niya ito. Nakangiti namang bumangon si Jeb mula sa pagkakahiga niya sa kama.

Agad na hinila ni Jeb ang malaking maleta ni Vxyl Ross na may kapilyohang nakatago sa mga labi. Tahimik namang nakasunod sa kanya ang nakasimangot na dalaga.

“Oh! Akala ko ba may trabaho ka pa?” Tila gulat na tanong ni Axel kay Jeb ng maratnan nila itong nakaupo pagkababa nila. “Kaya na daw ng mga bata ko ang trabaho namin. Kaya pinauwi na lang nila ako.” Mabilis naman nitong paliwanag sa pinsang nagtatanong.

“Gago.” Ani Jeb na naiiling sabay hakbang ng mga paa niya palabas sa bahay nila Axel. Natawa naman sa kanya si Axel. Dahil hindi na ito nagtaka kung nabasa ni Jeb ang tumatakbong kalukuhan sa isip niya. “Gago ka rin. Alam kung gusto mo rin naman yun.” Ang natatawang pasigaw na ani Axel sa kanya.

“Anong usapan ng dalawang 'to?” Naguguluhang tanong ni Vxyl Ross sa sarili habang nakasunod kay Jeb. At dahil wala naman siyang makukuhang kasagutan ay nagkibit balikat na lang siya.

“Welcome to my home.” Ani Jeb ng marating nila ang bahay ng binata. Agad namang ginala ni Vxyl Ross ang mga mata sa paligid pagkapasok nila sa loob ng bahay ni Jeb. “Hmmp. Not bad.” Pasimpleng puri ng dalaga sa isip habang nakatingin siya sa paligid niya.

“Wag nga kayong maingay.” Agad napalingon ang dalawa ng makarinig sila ng nagsalita. “Pake mo ba. Wala akong pakialam sa kanya.” Saad naman ng tila natatawa na nagmumula sa kusina ang boses.

“May ibang tao ba dito sa bahay mo?” Hindi mapigilang tanong ng dalaga kay Jeb. “Ang mga siraulo ko lang na mga kaibigan ang mga yan. Kaya wag mo na lang silang pansinin. Mga kuripot kasi kaya ang nakatago kung mga beer ang kinukuha nila sa fridge.” Sagot naman niya.

“Come on. Ipapakita ko sayo ang magiging kwarto mo.” Yakag niya sa dalaga na agad namang nagpatianod sa kanya.

“Ito ang magiging room mo.” Ani Jeb ng buksan niya ang isang silid pagkaakyat nila sa ikalawang palapag ng bahay ni Jeb. “Thanks.” Tipid namang anang dalaga na napangiti. Dahil nakita niyang ang linis ang loob ng bahay ni Jeb. Maging ang silid na pinagdalhan nito sa kanya ay parang nasa isang first class hotel lang siya.

“Your welcome. Kung may kailangan ka sabihin mo lang sa akin. Feel at home.” Saad ng binata pagkalapag niya ng maleta ng dalaga. “Sige. Itataboy ko lang ang mga gago kung kaibigan sa baba. Baka wala na silang matira sa laman ng fridge ko.” Natatawa nitong aniya bago niya tinalikuran si Vxyl Ross.

“Ang weird talaga ng lalaking yun.” Nasabi na lang nito.

Pagkababa ni Jeb ay agad siyang nagtungo sa kusina. Ngunit agad siyang napailing ng makitang wala na ang mga ito doon. At kung hindi lang niya mga kaibigan ang mga ito ay pagkakamalan niyang mga magnanakaw sa inasta nila.

“Mga siraulo talaga.” Naisatinig na lang nito. “TO MAKE FALL IN LOVE THE GIRL. IMPRESS HER.” Basa niya sa note na nakadikit sa pinto ng fridge.

“Hindi nga marunong manligaw ang mga gagong yun. Pero may paimpress impress pa silang nalalaman.” Kausap nito ang sarili. maya't maya ay biglang tumunog ang message tone ng cellphone niya. Kaya agad niya itong kinuha sa bulsa ng suot niyang jeans.

“GOOD LUCK FUCKER. MALAPIT KANA MAPAPAMYEMBRO SA AMIN.”

Basa niya sa laman ng minsahe na dumating. “Mukhang ako na naman ang mapapagtripan ng mga gagong 'to.” Anito.

“Ehmmm.”

“Oh! Hi. May problema ba sa room mo?” Mabilis niyang tanong kay Vxyl Ross ng malingonan niya ito. Agad namang umiling ang dalaga. “Wala naman. Maayos naman yung kwarto.” Sagot nito sa tanong ng binata.

“Pati ba naman kusina Vixen ay sosyalin.” Anang dalaga sa isip. “Um. Ikaw lang ba ang nakatira dito?” Hindi maiwasang tanong ng dalaga sa kanya.

“Yes. Nasa ibang bansa kasi ang parents ko. At dahil ako lang naman ang nakatira dito ay once a week ko lang kung ipalinis itong bahay.” Sagot nito sa tanong ng dalaga na napatango. “I see. Hindi ka ba natatakot mag-isa dito?” Tanong na naman ng dalaga sa kanyang kinangiti ni Jeb.

“Kanino naman ako matatakot?” Natawa nitong tanong sa dalaga. “Sa multo. Ang laki kasi nitong bahay mo pero mag-isa ka lang dito. Kaya baka may multong maawa sayo at samahan ka ditong tumira.” Anitong kinatawa ng binata.

“Mas maganda nga yun kung samahan ako ng multo ditong tumira ng meron naman akong makausap. Pero, ngayon nandito ka naman. Kaya tiyak wala ng multo na magtatangkang samahan ako.” Natatawa nitong aniya.

“Oo, nga naman Vixen.” Kastigo nito sa sarili. Dahil sa pagkacurious niya ay kung ano-ano na naman ang lumalabas na mga tanong sa bibig niya kahit wala namang kwentang tanong.

TBC.

Ayan nakaupdate rin. Pasensya na po kayo. Wala akong phone sa ngayon e. Nasira kasi ang phone ko dahil tumalon, kaya ayon nabasag ang screen. Hindi rin naman ako makagamit ng tab dahil poor si writer. Wala siyang pangload ng wifi😂😂😂Nakikihiram lang siya sa mabait na kapatid ng phone. Mabuti na lang at single na ang status niya. Kaya wala siyang gf na pinagkakaabalahan.....kung hindi wala tayong pansilip dito. Yun lang po....thank you for reading till next time. Godbless you all.

Continue Reading

You'll Also Like

266K 14.7K 37
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
13.6M 387K 41
Macario Karangalan Sandoval
216K 8.3K 31
Waiting For A Girl Like You Edward Colin SamaƱego AMBERS CLAN SERIES 4 Written By:WILD AMBER
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...