Santa Monica: A Filipino Ghos...

By PandemicStories

95.1K 1K 277

Santa Monica is a small town that was once covered by darkness no one saw coming. An evil being set foot in t... More

Prologue
Chapter I: Bakasyon
Chapter III: Pulang Buwan
Chapter IV: Ella
Chapter V: Ang Hardin
Chapter VI: Mga Palaisipan
Chapter VII: Ang Larawan
Chapter VIII: Simbahan
Chapter IX: La Oscuridad
Chapter X: Ang Demonyo
Chapter XI: Diary
Chapter XII: Sa Pagkagat ng Dilim
Chapter XIII: Santa Monica 1980 Part 1
Chapter XIV: Santa Monica 1980 Part 2
Chapter XV: Sa Nalalapit na Katapusan
Ending?

Chapter II: Santa Monica High School

5.7K 58 4
By PandemicStories

Lunes, ala una ng hapon.

Halos nagsisimula na lahat ng klase sa Santa Monica High School.

Ang Santa Monica High School ay isa sa mga pinakamatatandang gusali sa buong bayan ng Santa Monica. Mahaba-haba na rin ang kasaysayan ng paaralan na naitatag noon pang 1922.

Sa loob ng Santa Monica High School compound ay may tatlong mga gusali. Sa bandang kaliwa ay ang Andres Bonifacio building o AB Building, sa gitna naman ang Jose Rizal o JP building, at sa kanan naman ang Manuel Quezion o MQ building. Sa gitna ng tatlong gusali ay ang Santa Monica High School grounds na binubuo ng basketball court, stage, maliliit na benches, at mga halaman, at iba pa.

Bago magsimula ang klase araw araw ay puno ang high school grounds ng maraming mga estudyante. May mga naglalaro ng basketball, may nag aaral sa maliit na bangko, may mga nagtatawanan malapit sa canteen, may naghahabulan. Halos 'di mahulugang karayom ang high school grounds.

Sa hapong iyon ay hingal na hingal si Steve na dumating sa kanyang klase na nasa ikatlong palapag ng Manuel Quezon building.

Nagsisimula nang magturo ang beterano at matandang History teacher ng klase.

"G-good morning po, Sir Ramirez." Hinihingal na bati ni Steve sa guro. Basang basa ng pawis ang kanyang ulo at leeg. Lahat ng mga estudyante ay napatingin sa binata.

"Afternoon, Steve! Late ka na naman!", matigas na sagot ng guro.

"Ay, afternoon po pala. Sorry po, sir. 'Di na po mauulit", sagot ni Steve, na medyo nahihiya. Nagtawanan ang mga estudyante. 4th year high school na si Steve at ang mga kaklase nito, kaya labis ang kanyang pagkahiya na mapagalitan na parang bata.

Lumugar siya sa bandang likuran ng classroom upang makaiwas sa mga tingin ng kanyang mga kaklase. Pero higit sa hiya ay nagmasid din siya sa loob ng silid-aralan pagkat mayroon siyang kakaibang nakukutuban.

Habang tumitingin sa paligid ay napansin ni Steve si Ella. Bahagya itong nakayuko at tahimik na para bang may sinusulat sa kanyang notebook. Ang mga siko ng dalaga ay may mga bandaid at gasa na parang ito ay nasugatan. Nagtaka si Steve kung ano ang nangyari sa kaklase niyang babae.

Bandang Pebrero na ng taon noong panahong iyon. Karamihan sa mga babae sa classroom ay palihim nang nag-uusap tungkol sa gaganaping JS Prom sa darating na Sabado, February 13, 2010. Kung ang ibang babae ay masaya at sabik sa gaganaping prom, nagtaka si Steve kung bakit tahimik si Ella.

Prom problems?, napaisip si Steve. Imposible.

Si Ella ay matalino, at 'di maikakailang maganda rin ito. Kaya imposibleng date sa prom ang problema niya. Anong meron?

Hindi mapalagay si Steve, dahil maliban sa kakaibang kinikilos ni Ella, ay may iba pang nararamdamang kakaiba si Steve. Para bang may magaganap na hindi maganda. Bumilis ang tibok ng puso niya at lalo pa siyang pinagpawisan.

Hindi gaya nang iba, may natatanging kakayahan si Steve. May kapangyarihan siya na kadalasan ay nagiging paksa lamang sa mga horror o sci-fi movies.

Clairvoyant, iyon ang salita na madalas itawag sa mga kagaya niya sa mga pelikula at libro. Kaya niyang makakita ng mga aparisyon o multo. Bukod dito, nagkakaroon din siya paminsan-minsan ng mga pangitain, at malaman ang mga nangyari na, nangyayari, o ang mga mangyayari pa lamang.

Sabi ng lola niya, "regalo" raw ang kanyang espesyal na kakayahang ito. Ngunit minsan ay kinukwestyon niya kung regalo ba talaga o sumpa ang mga ito. Minsan, maging siya ay takot sa kanyang sarili.

Muli ay tiningnan ni Steve si Ella. Pakiramdam niya, may nangyaring hindi maganda sa kaklase, at ito ang bumabagabag dito.

At muli ay may naramdaman si Steve.

May masamang mangyayari, at nagsisimula na ito.

***

Alas singko y medya ng hapon.

Unti-unti nang humuhupa ang dami ng mga estudyante sa loob ng Santa Monica High School. Meron pang ilang mga natitira sa ilang mga classroom at sa ibang panig ng paaralan, pero ang karamihan ay nakauwi na.

Habang ang iba ay lumisan na, nakaupo lamang si Steve sa may paanan ng hagdan papasok sa Manuel Quezon building. Iniisip niya pa rin kung ano ang saloobin ni Ella, pati ang nakutuban niyang may mangyayaring masama at ang pagsisimula nito.

"Maari kayang konektado si Ella sa masamang mangyayari?" pag-iisip nito. Bagamat ang kakayahan ni Steve ay natatangi, hindi ito basta-basta niya lang nagagamit. Dumarating lang ito sa kanya nang kusa, kaya hindi niya magawang basahin ang isipan ni Ella, o hulaan ang masamang mangyayari sa Santa Monica.

Isa pa sa mga dahilan kung bakit siya ay nasa paaralan pa rin ay dahil kutob niya ay merong mangyayaring hindi kaaya-aya sa hapong iyon sa paaralan, at kailangan niyang magbantay.

Habang ang kanyang isip ay naglalakbay, bigla na lamang siyang may narinig na sigaw mula sa ikalawang palapag ng gusali.

***

Naglalakad si Josephine mula sa CR ng mga babae sa 2nd floor MQ building. Lahat ng mga gusali sa Santa Monica High School ay apat na palapag ang taas. Mula ikalawa hanggang ikaapat na palapag ay pawang mga silid-aralan lamang, habang ang mga unang palapag ng lahat ng gusali ay binubuo ng admin office, faculty office, at iba pa.

Hugis L ang lahat ng mga corridor sa mga gusali. Sa kaliwang banda ng bawat corridor ay makikita ang mga CR, sa gitna naman ang mga hagdan, habang ang ibang bahagi ay mga classroom lamang. Umaabot hanggang dalawa o tatlong classroom bawat palapag.

Mabagal na naglalakad si Josephine habang inaayos ang kanyang buhok. Masaya pa siya at umaawit mag-isa. Kasama niya sa may halamanan ng paaralan ang mga kaibigan nang magpaalam siyang magbabanyo muna.

Habang paalis niya siya mula sa may banyo ay para bang may narinig siyang malalim na paghinga ng isang taong tila ay nahihirapan.

Agad na napalingon ang estudyante.

"Sino yan?", tanong niya.

Walang tao.

Ipinagkibit balikat ni Josephine ang narinig at pinagpatuloy ang paglalakad.

"Hhhhnnnggggg..." muling narinig ni Josephin ang paghinga o pag-ungol at napalingon ito muli.

"Sino 'yan? 'Nako! Hindi ako mahilig sa good time." Saad ni Josephine, na pawang medyo natatakot at naiinis.

Ngunit wala pa rin siyang nakikitang ibang tao. Ang mga silid-aralan ay nakakandado na at walang ibang tao sa mga ito.

Kinilabutan si Josephine. Sa takot ay binilisan niya na ang paglalakad. Halos maabot niya na ang hagdanan nang muli niyang marinig ang pag-ungol.

Imbis na dumiretso na lamang ay napalingon muli ito, at nagulat siya sa kanyang nasilayan.

Ang dating malinis na corridor ay nabakasan ng napakaraming dugo. Ang puting mga pader ay para bang binuhusan ng dugo; ang sahig ay parang pinaghilahan ng duguang tao, at ang amoy ay parang nabubulok na bangkay.

Nanlaki ang mga mata ni Josephine. Pagtingin niya sa kanyang mga paa ay umaabot na ang dugo rito. Hindi siya makagalaw dahil para bang may pumipigil sa kanya. Pagtingin niya muli sa kanyang harapan ay labis na lamang ang takot na kanyang naramdaman.

Mula sa dulo ng corridor ay may isang lalaking naglalakad mula sa CR. Nakasuot ito ng uniporme na mukhang luma at hindi naaayon sa kasalukuyang uniporme ng paaralan.

Ang lumang ng nilalang polo ay basang basa ng dugo. Nakayuko ito habang unti-unting lumalapit kay Josephine. Ang mga kamay nito ay duguan na parang nilatigo, habang ang leeg naman ay balot ng barb wire. Ang balat ng nilalang ay halos asul na at nabubulok.

Bumilis ang tibok ng puso ni Josephine. Hindi pa rin siya makagalaw at makasigaw. Walang ibang magawa ang estudyante kung hindi ay maiyak habang ang lalaking duguan at naaagnas ay papalapit nang papalapit sa kinatatayuan niya.

Unti-unting iniangat ng duguang lalaki ang kanyang ulo, at nakita ni Josephine ang mga pasa sa mukha nito, at ang mga bahagi ng mata nitong dapat ay puti ay naging pula na, na mistula ay dahil sa labis na pambubugbog.

"Ahhhhh!" sigaw ni Josephine. 'Di nagtagal ay nahimatay na ito sa sobrang takot.

Agad na dumating si Steve sa pangalawang palapag at nakita si Josephine na nakahandusay at walang malay. Nakita pa ni Steve ang mga bakas ng dugo sa corridor at sa sahig na unti unting nawawala na parang ilusyon, ngunit wala na ang nakakatakot na nilalang na nagpakita kay Josephine.

Continue Reading

You'll Also Like

581K 24.7K 40
Isang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina Father Markus na exorcist, Hannah na ps...
1.9M 102K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
9.3M 391K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
195K 12.7K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"