Chapter XIV: Santa Monica 1980 Part 2

5.8K 74 36

Alas otso ng gabi, February 11, 2010, Huwebes.

Nasa ospital pa rin ng Santa Monica si Steve, walang malay, at walang katiyakan kung kailan magigising. Kasama ni Steve sa kanyang kwarto si Ella at Lola Perla. Patuloy pa ring nagkukwento si Lola Perla tungkol sa mga nangyari noong 1980 sa bayan ng Santa Monica.

“Tapos, Lola? Anong nangyari? Pumunta ba talaga sila Emily sa La Oscuridad?”

“Nagtungo sila Emily sa La Oscuridad at…”

***

Santa Monica, May 16, 1980, Biyernes.

Tahimik na naglalakad si Emily kasama ang kanyang mga kaibigan papunta sa La Oscuridad. Sa kaliwang kamay ng dalagita, mahigpit niyang hawak ang isang puting rosary. Ang paghawak niya rito ay mistulang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob at pag-asa.

Walang katiyakan ang mangyayari sa kanyang pag-punta sa La Oscuridad, ngunit sa kanyang puso at isipan, isa lang ang kanyang nais mangyari: mapigilan ang gulong paparating.

Ang La Oscuridad ay ang pinakamalaking kakahuyan sa Santa Monica. Sa lugar na ito, ramdam ni Emily na muli niyang makakaharap si Jerome, ang binatang sa kutob niya ay ang puno at dulo ng kaguluhang mangyayari sa Santa Monica.

Nang maabot ng magkakaibigan ang kalsada papunta sa La Oscuridad, biglang natigilan si Emily. May naramdaman siyang isang napakabigat at napakaitim na aura, aura na tila ba ay nagbibigay ng isang babala.

Napansin ito ng kanyang mga kaibigan. “Ayos ka lang ba, Emily?”

“A-ayos lang ako.” mabilis nitong pagsagot. “A-alam niyo, habang naglalakad tayo, mas lalo kong naiisip na para bang, mali…”

“Mali ang ano?”

“Mali na sumama kayo sa akin. Delikado. Hindi natin batid kung ano nga ba si Jerome, at kung ano ang kaya niyang gawin.”

“Mas lalong mali kung pababayaan ka lang namin.” sagot ni Esme.

“Oo nga.” Pagsang-ayon ni Mickey. “At, Emily, kahit pa anong sabihin mo, sasama kami.”

Bagamat ay hindi tiwala si Emily sa desisyon niyang isama si Mickey at Esme ay hindi nalang nagsalita ang dalagita. Alam niyang hindi niya na mababago ang isipan ng kanyang mga kaibigan.

***

Alas singko ng hapon.

Hindi mapigilan ni Jerome ang matinding pagkasabik na kanyang nadarama. Hindi niya mawaglit sa kanyang mukha ang isang napakalaking ngiti. Ang kanyang mga mata ay sumisigaw ng pagkatuwa.

Kakatapos lamang niyang puntahan at siguraduhing ang mga “mahahalagang” parte ng bayan ay nasa ayos; na walang hahadlang, sisira, at pipigil sa mga plano niya.

Habang umiikot sa bayan ay napagdesisyunan ni Jerome na dumaan sa simbahan.

Tumigil ang binata sa harapan nito at pinagmasdan ang malaki at grandiosong batong gusali.

“Dito nagsimula, dito rin magtatapos.” Bulong nito habang patuloy na ngumingiti. “Ang mga ngiting matatamis, mapapalitan ng mga matang nagtatangis. Ang mga pusong puno ng saya, mapapalitan ng takot at pangamba.”

“Dahil ang dapat katakutan, madalas, hindi nalalaman. Ngunit di magtatagal, lahat ng kadiliman sa mundo, ay mararanasan. Mararanasan ng lahat. Walang makakaligtas. Walang makakatakas.”

Tumalikod si Jerome sa simbahan at naglakad palayo.

“At ngayon, pupunta na ako sa La Oscuridad. Sa La Oscuridad, kung saan may maliit na bagay pa akong dapat ayusin.”

Santa Monica: A Filipino Ghost StoryBasahin ang storyang ito ng LIBRE!